You are on page 1of 1

"MODAL"

Ang modal ay salitang malapandiwa na


ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan,
posibilidad, kakayahan, pahintulot at
obligasyon. Mga halimabawa nito ang:
maari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat,
kailangan at hangad. Ang anyo ng modal ay
hindi nababago dahil wala itong aspekto.
Dalawang Gamit Nito
1. Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang
totoong pandiwa.
Hal. Gusto ko ang damit mo.
                           Hangad ko ang iyong tahumpay.
Tandaan: Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal
na gusto,
hangad at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
2. Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong pawatas.
Hal. Gusto niyang makaalis sa hukay.
        Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.

 Mga Uri ng Modal


1. Nagsasaad ng kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa
iba)
a. “Gusto kong maakyat ang bunganga ng hukay,” wika ng tigre.
b. “Ibig mong maialis kita diyan sa malalim na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
2. Nagsasaad ng kakayahan o posibilidad
      a. Puwede silang dumating mamaya.
      b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
      a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
      b. Kailangan mag-aral kang mabuti.    

You might also like