You are on page 1of 8

MALIKHAING PAGSULAT

Quarter Content Performance MELC DURATIO


Standards Standards N
Quarter 1 Nauunawaan Ang mag - Nagagamit Isa hanggang
ng mag-aaral aaral ay ang pagbuo dalawang
ang pagbuo makakasulat ng ng imahe, araw.
ng imahe, maiikling talata diksyon,
diksyon, mga o mga vignette mga tayutay,
tayutay at na gumagamit at mga tiyak
pag-iibaiba ng na
(variations) diksyon,pagbuo karanasan.
ng wika. ng imahe, mga
tayutay at mga
espesipikong
karanasan.
Grade Level: Grade 12
PANG-APAT NA LEKSYON

Ang mga Tayutay o Figure of Speech


N

atatandaan niyo pa ba ang mga figure of speech na napag-aralan niyo noong


elementary at junior high kayo? Kung hindi, aba’y lumayas na kayo. Naaalala
niyo naman siguro ang Personification, ang Simile, ang Metaphor o ang
Hyperbole ‘di ba? Kung hindi pa rin, eh di wow!
Mahalagang tanong: Bakit kailangan natin ang mga tayutay o figure of
speech sa pagsusulat? Isa sa mga dahilan ay para magkaroon ng “kariktan” ang
akda. Ano ang “kariktan”. Ang root word nito ay “rikit” o sa ibang salita ay
“ganda”. Sa madaling sabi, kapag gumamit ang writer ng mga tayutay, mas
gaganda ang kanyang akda o mas magkakaroon ng “lure” o “pang-akit”. Yun
actually ang pinaka-ubod o essence ng Malikhaing Pagsulat. Hindi mo maaaring
basta na lamang ilahad ang iyong saloobin, damdamin o kaisipan ng hayagan o
direkta. Kaya nga Malikhain o Creative ‘di ba? Tignan niyo ang mga
halimbawang ito:

a. Siya ay maganda.

Masining ba ang pagkakasulat? Tiyak sasang-ayon kayo sa akin na


hindi. Napakatipikal at napakadirektang pagpapahayag ito ng
damdamin. Tignan niyo ang susunod na halimbawa.

b. Siya ay tulad ng isang bulaklak sa hardin ng mga diwata.

Masining na ba o creative ang pangungusap? Tiyak na sasang-ayon


kayo sa akin na, oo. Bakit? Kasi gumamit siya ng Tayutay. Anong uri
ng tayutay kaya ang ginamit? Anyone from the class? Ayon biglang
tahimik ang lahat. Ugali niyo ‘pag recitation eh. Kahit anong
mangyari huwag kang titingin kay teacher kasi ‘pag tumingin ka,
magrerecite ka!

Ang mga tayutay na nakapaloob sa mga akda, maikling kuwento, tula,


dula, nobela, sanaysay at iba pang genre (basahin mo yung genre, mmm…mali!
Ganito mo basahin, DiyanRa.) ay nakatutulong sa mga mambabasa o ilipat mo
na sa next page kasi wala ng space dito dahil sa sinulat ng teacher mong
guwapo na wala namang kinalaman sa leksyon ninyo, oh ano binabasa mo pa ba
ito? Aminin mo, aminin mo! Nakatutulong ang mga tayutay para mas mag-isip
tayo nang mas malalim, mas kritikal at mas may sense. Isang magandang
ehersisyo sa utak ng tao ang magbasa ng mga literature sapagkat nakakatalino
ang pagbabasa, nagkakaroon tayo ng maraming kaalaman, namumulat tayo sa
mga reyalidad sa lipunan at nahahasa ang kakayahan nating mag-isip nang
mabilis pero accurately sa mga bagay na kailangang pagdesisyunan. Naaaliw
din tayo sa mga binabasa natin kapag maganda ang pagkakasulat nito at yun ang
isa sa mga role ng paggamit ng Tayutay o Figure of Speech.

Ang Mga Tayutay

1. Personipikasyon o Pagtatao (Personification)


- Ito ay ginagamit upang pagtaglayin ng mga katangiang pantao (talino,
gawi, kilos) at bigyang buhay ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos.
(Noypi.com.ph)

Mga Halimbawa:

a. Sa madilim na gabi nasilayan ko ang ngiti ng buwan.

(Ang buwan ba ay ngumingiti? Sa reyalidad, hindi. Pero dahil


ito ay matalinhagang pangungusap, posible. Yung salitang
“ngiti”, ay katangian ng tao, yung “buwan” ay walang buhay.
Anong ibig sabihin nito? Maaring ang buwan ay nasa “full
moon”.

b. Kinain ng dilim ang liwanag hanggang sa wala na akong


makita.

(Tao o hayop lang naman ata ang kumakain, ‘di ba? Pero sa
pangungusap na ito, yung dilim kumakain. Kinain niya ang
liwanag. Matalinhaga at masining. Bakit? Imbes na gumamit ng
mga salitang “gumabi na” eh “kinain ng dilim…” ang ginamit.)

2. Pagtutulad (Simile)
-Ito ang di-tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay,
o pangyayari. Tinatawag din itong simile sa Ingles. Maaari itong gamitan
ng mga salitang tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, at magkasim-. (Noypi.com.ph)
Mga Halimbawa:

a. Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin, ako’y napatingin sa


dalagang nababalot ng hiwaga.

(Kung alam niyo yung awit na Narda ng Kamikazee, gumamit


yung writer ng kanta ng Simile. Kanino niya inihalintulad ang
paglipad ng “dalagang nababalot ng hiwaga (Darna)?”. Sa “ibon”
at gumamit ng panandang “tila”.

b. Para kang asukal, sin’tamis mong magmahal. -Silent Sanctuary

(“Para kang asukal”, tinutukoy niya dito yung mahal niya o


girlfriend niya. Dinagdagan pa niya ng “sin’tamis mong
magmahal”. Double simile ang ginamit. Ibig sabihin, malambing
ang kanyang mahal.)

3. Metapora (Metaphor)
-ipinahihiwatig ang nakatagong paghahambing sa pagitan ng dalawang
bagay na walang kaugnayan ngunit nagbabahagi ng ilang mga
karaniwang katangian. (tl.eferrit.com)

Mga Halimbawa:

a. Ikaw ang ilaw sa mundo kong madilim.

(Ikaw=Ilaw. Direkta niyang inihambing sa ilaw si “ikaw”. Sino


kaya ang tinutukoy? Madalas kapag ganitong mga banat o
linyahan, ang tinutukoy ay ang taong mahal natin. Maari din na
yung taong tumulong sa atin sa oras ng ating kabagabagan o sa
mga sandaling malungkot ang mundo natin.)

b. Ang iyong mga ngiti ay anghel na dumagit sa aking puso.

(Ngiti=Anghel. Dumagit? Sa madaling salita, tinangay. Nang


makita niya ang magandang ngiti ng isang dilag ay natangay
ang kanyang puso. Ibig sabihin “love at first sight”.

4. Eksaherasyon (Hyperbole)
-Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan
ng tao, bagay, pangyayari atbp. (philnews.ph)

Mga Halimbawa:

a. Namuti na ang buhok niya sa kahihintay na pansinin siya ng


crush niya.

(Sa reyalidad, matagal mamuti ang buhok ng tao. It takes time ‘ika
nga. Yung iba namumuti dahil sa matanda na sila. Yung iba naman
namuti dahil sa kakagamit ng kung ano-anong pamada sa buhok.
Yung iba namuti ang buhok dahil nagpakulay ng puti siyempre.
Pero sa pangungusap sa taas, napakaimposible namang mamuti ang
buhok mo sa kakahintay sa crush mong pansinin ka. Ang ibig
sabihin lang nun, ang nipis ng tyansa, malabong pansinin ka.)

b. Bumaha ng luha sa kanyang silid nang makapaghiwalay sa


kanya ang kasintahan.

(Haays. Kawawa naman. Hindi naman actually babaha eh,


imposible yun. Ibig sabihin lang nun na marami siyang iniyak.
Gets? Oh iyak kana ulit huhuhu walang comeback.)

5. Pag-uyam o Parikala (Irony)


-nangungutya o nang-aasar. (philnews.com)
-minsan ay waring nagbibigay papuri. (Noypi,com) pero hindi!
(GoyoPogi.com)

Mga Halimbawa:

a. Napakaganda niya lalo na kung nakatalikod.

(Oh ‘di ba ang sama ng ugali. Pinuri tapos nilagpak ng bongga sa


dulo. Ibig sabihin lang nito, ay hindi siya maganda.)

b. Ang cute mo, bagay ka sa labas.

(Cute pero dapat nasal labas ka lang. You are therefore


unwanted. Pero actually hindi ka talaga cute.)

a. Ang bait mong kaibigan, magkalahi kayo ni Hudas.

(Ah, savage! Hindi talaga siya mabait, traydor siya.)


6. Paglumanay (Euphemism)
-pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang
matalim, bulgar o bastos. Ginagamitan ito ng mga piling salita upang
pagandahin ang isang ‘di-kagandahang pahayag. (noypi.com)

Mga Halimbawa:

a. “Puwede ba kitang ligawan?”

“Hindi puwede eh, study first.”

(Joke lang naman ito pero subtle o malumanay ang pagtanggi sa


manliligaw. Masakit kasi masyado ‘pag sinabing “Ayaw ko, ‘di
kita type.”)

b. “Huwag kang mabibigla, pero kinuha na siya ni Lord.” o


puwede ring “Sumakabilang-buhay na siya.”

(Kaysa sabihin niyang “Patay na siya!” Although sa modernong


panahon medyo magaan na ang salitang ito, ewan ko lang pero
sa namatayan hindi!)

c. Suspek sa pagpatay.

(Marahil nagtataka kayo kung bakit suspek o pinaghihinalaan


parin ang tawag kahit may mga ebidensya, may rights pa din
kasi sila sa “due process”, yun yung “hindi sila guilty until
proven” o hanggang hindi ibinababa ng korte ang hatol, suspek
parin sila at hindi pa tatawaging “criminal”-‘di hamak na mas
prangka at bulgar na salita.)

Pangalan: _________________________________ Section/ Strand:


______________
Petsa: ___________________ Iskor: ______________

GAWAIN 5: Tignan natin kung naintindihan nga ang leksyon.

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga pangungusap.
_____________1. Lumilipad ang mga oras, kay bilis mawaglit ang panahon
kapag ika’y kapiling.
_____________2. Sa umaga, kinukumotan ng mga luha ng ulap ang mga
halaman.
_____________3. Tila nalukot na papel ang kanyang puso nang malamang hindi
siya pumasa sa quiz.
_____________4. Magkikita tayong muli, parang batang kinikilig.
_____________5. Gabi-gabi akong dinadalaw ng lungkot.
_____________6. Umibig ako minsan sa mayaman, siya ay langit na ‘di ko
naabot kailanman.
_____________7. Hayop ka!
_____________8. Natutunaw ako sa iyong mga tingin.
_____________9. Maari ko na bang kunin ang iyong hiram?
_____________10. Napakasarap ng kanilang halo-halo, halos puro yelo.

GAWAIN 6. Stress kana ba? Ako din. Pero at least cute ka. Joke lang.

Panuto: Gawing mas malumanay ang mga pangungusap na ito. Balikan sa inyong
module ang Euphemismo o paglumanay para alam ninyo ang gagawin. Piliin sa
kahon ang angkop na salita na ipapalit sa salitang o pariralang nasalungguhitan.

Tawag ng kalikasan Malusog Kapos sa buhay Magdilang Anghel Bukas palad

Sampay bakod Ahas Kuwentong Barbero maaliwalas ang mukha Itim na


tupa

1. Sa kanilang magkakapatid, siya lang ang problema ng magulang.


2. Natatae ako kanina sa biyahe.
3. Sinungaling yan, laging imbento ang kuwento.
4. Ang taba mo na bes. Alagang kusina.
5. Naku sana magkatotoo yang mga sinasabi mo.
6. Huwag kang magtitiwala sa taong yan. Traydor yan.
7. Nagpapaniwala ka diyan eh sa sampung sinabi niya, labing isa ang mali.
8. Laging nakangiti ang batang iyan.
9. Hindi siya madamot, laging nagbibigay.
10. Sila ay mahirap na pamilya.
‘DI BALE NG MAPUYAT SA MODULE, HUWAG LANG SA MALING
TAO!

You might also like