You are on page 1of 24

ANG FILIPINO SA

BINAGONG
KURIKULUM SA
SEKUNDARYA AT
TERSYARYA AT ANG
TUNGUHIN SA
FILIPINO
• Ang kurikulum ayon kina
Ragan at Shepherd, ay isang
daluyang magpapadali kung
saan ang paaralan ay may
responsibilidad sa paghahatid,
pagsasalin at pagsasaayos ng
mga karanasang pampagkatuto.
ANG KURIKULUM SA PANAHON NG PRE-
SPANISH:
• Ang mga Pilipino bago dumating ang
mga Espanyol ay walang organisadong
Sistema ng Edukasyon.
• Walang direkta at pormal na paraan ng
pagtuturo.
• Ang mga ideya at kaalaman ay
nakukuha sa pamamagitan ng payo,
obserbasyon, halimbawa at
panggagaya.
• Ang pagkatuto ng pangunahing
ugali, kultura, ideya at mga bagong
kaalaman ay hindi planado at
ANG KURIKULUM SA PANAHON NG KASTILA:

• Ang edukasyon ay pinamahalaan ng mga pari (guro) 
sa pamamagitan ng mga paaralang parokya (paaralan 
ng simbahan) o kumbento.
• Ginamit nila ang mga akdang dayuhan at isinalin sa 
wikangkatutubo upang palaganapin ang
kristiyanismo at ginamit din nilaang mga isinalin
upang turuang bumasa, sumulat at bumilang ang mga
katutubo.
ANG KURIKULUM SA PANAHON NG AMERIKANO:

• Mapapansin sa kurikulum sa panahong ito ang


motibo ng pagsakop sa mga Pilipino, hindi lamang
sa pisikal na aspeto, kundi maging sa usaping
intelektwal.
• Nakabatay ang kurikulum sa mga kaisipan at
tradisyon ng mga Amerikano gayundin ang mga
kaasalan nito.
• Ingles ang wikang gamit na panturo.
ANG KURIKULUM SA PANAHON NG
KOMONWELT:
• Isinasaad ng Saligang Batas ng 1935 ang
pagbibigay ng edukasyong primarya sa
mga Pilipino nang walang bayad.
• Ipinaturo sa mga paaralan ang talambuhay
ng mga bayaning Pilipino, mga awiting
Pilipino , lalo na ang mga awiting-bayan
• Edukasyong Bokasyonal ang pinagbuti
at pinalaganap.
• Pinaunlad ng pamahalaan ang kalagayan
ng mga paaralang pribado.
• Ang suliranin tungkol sa maraming hindi
marunong bumasa atsumulat ay binigyan
din ng pansin.
ANG KURIKULUM SA PANAHON
NG HAPON:
• Binuksan nilang muli ang mga
paaralanna isinara nang sumiklab ang
ikalawang digmaang pandaigdig.
• Pinahalagahan din ang pag-unlad ng
Agrikultura, Pangingisda, Medisina at
Inhinyeriya.
• Ipinagamit ni Pangulong Jose P.
Laurel ang Tagalog bilang opisyal na
wika sa bansa.
• Iniutos sa mga Hapones ang
pagtatakip ng iba't ibang aklat na
naglalarawan ng tungkol sa Amerika.
ANG KURIKULUM SA PANAHON NG
KALAYAAN:
• May mga Pilipinong Lider ng Edukasyon ang sumubok na
pagandahin at pagbutihin ang kurikulum sa panahong ito tulad
nina;
• Cecilio Putong
• Esteban Abada
• Martin Aguilar
• Prudencio Langcauon
• Vitaliano Bernardino.
ANG KURIKULUM SA PANAHON NG
REPUBLIKA NG PILIPINAS:

• Sa pangunguna ni Jose V. Aguilar,


nagkaroon ng mga reporma o pagbabago sa
kurikulum tulad ng paggamit ng katutubong
wika bilang wikang panturo sa unang
dalawang baitang sa Elementarya. Isinama sa
kurikulum ng Elementarya ang edukasyong
bokasyunal bilang bahagi ng programa ng
edukasyon.
• Sa Sekondarya, nirebisa ang
kurikulum noong 1973 Ang
metodolohiya ay hindi na
“spoonfeeding” ngunit tinuturuan
ang mga bata kung paano
matuto: ang mag-isip at
magdesisyon para sa sarili.
ANG LAYUNIN NG FILIPINO SA SEKONDARYA
AT TERSYARYA

• Ang Filipino ay hindi lamang “tool subject”


sapagkat gamit ang Filipino nabubuksan ang
ating mga isipan sa pagiging maka-Diyos,
makabayan, makakalikasan at makabansa.
Ang dahilan ng pagbabago ng Kurikulum ay
ang mga sumusunod:
• Sa kabilang dako, batay sa Batasang Pambansa
232 (Education Act of 1982), ay sinimulang
ipatupad ang Basic Education Curriculum
(BEC) sa pagpasok ng akademikong taong
2002-2003.
• Ang dating 12-13 asignatura sa hayskul ay
ginawa na lamang lima. Ang Makabayan ay
isang integratibong asignatura (Pamela C.
Constantino, Ph.D.)
• Pangunahing Layunin ng sekundaryang edukasyon
na maipagpatuloy ang sinimulang edukasyon sa
elementarya at ihanda ang estudyante sa pag-aaral
sa kolehiyo at sa pagtatrabaho.
• Layunin naman ng sekundaryang kurikulum ang
pagpapalawak ng kaalaman, pagdevelop ng
kasanayan at pagpapaplalim ng kamalayan sa mga
pagpapahalagang Filipino.
ANG KURIKULUM NG EDUKASYON SA ANTAS NG
TERSYARYA

• Noong 1996, pinagtibay ang bagong


General Education Curriculum
(GEC) sa bisa ng Ched Memo No.
59 s. 1996 batay sa probisyon ng
R.A no. 7722 at higher Education
Act of 1994.
• Naging bahagi ito ng lahat ng
programang baccalaureate sa lahat ng
institusyon ng mataas na edukasyon
sa Pilipinas nang simulang
maipatupad ito noong 1997-1998.
Binubuo ng 60-63 yunit ang GEC na
hinati sa 4 na larangan.
• Pangunahing layunin ng
tersiyaryang kurikulum na tulungan
ang mga estudyante na makita ang
tao bilang integral na nilalang na
bahagi hindi lang ng kanyang bansa
kundi pati ng global na komunidad.
Ang Filipino sa Binagong Kurikulum ng
General Education (CHED Memo Blg. 30, S.
2004)
• Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino
• Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
• Filipino 3: Maisining na Pagpapahayag
• Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas
• Literatura 2: World Literature
Sanggunian:
• https://www.scribd.com/document/4875
71121/KURIKULUM
#
• https://www.studocu.com/ph/document/
cotabato-state-university/bs-secondary-
education/pagpaplanong-pangwika/
Maraming
Salamat po!

You might also like