You are on page 1of 3

KURIKULUM

ANO BA ANG KURIKULUM?


● Ang kurikulum ay mula sa salitang Latin na “curere” na ang ibig sabihin ay “to run;
the course of the race.”
● Ang kurikulum ay ang mga kursong pag-aaralan, o kaya programang pag-aaralan.
SYLLABUS o SUBJECT nman ang ito sa English.
● Ito rin ay isang plano kung saan nakalagay ang dapat matutunan sa isang
paaralan o kurso,
● Ito rin ang dapat sukatin ang kanilang mga natutunan maging ang mga
pamamaraan at estratehiya
● Ito rin ang mga kwalipikasyon kung isa itong kurrikulum ng isang kurso nakalagay
ang pamantayan
at tinutukoy rin sa kurrikulum ang mga Kagamitang pampagtuturo na gagamitin.
●Naghahanda sa indibidwal na may kaalaman na maging isang matagumpay,
maaasahan at responsableng mamamayan.

KAHALAGAHAN NG KURIKULUM
1. Nagbibigay daan sa mga administrator upang magbigay ng isang dinamika na
programa ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa kasalukuyan at hinaharap.
2. Nagbibigay sa mga mag-aaral ng pag-unawa sa kung ano ang dapat nilang
makamit upang makakuha ng degree.
3. Nagsisilbing gabay ng mga guro upang maituro ang mga nilalaman ng isang
aralin.
4. Nagtataguyod ng isang kaayusan at istruktura sa paghahanap para sa tagumpay
ng akademiko.
5. Nakatutulong sa mga mag-aaral upang matuto ng maayos at
makatulong sa pagpapaunlad
ng lipunan.

KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS


● Panahon bago dumating ang mga Kastila
👉pagtuturo sa loob ng tahanan ang mga pangunahing gawain upang patuloy na
mabuhay.

● Panahon ng mga Kastila (1521-1898)


👉ginamit na paaralan ang mga kumbento at pari ang nagsilbing guro.
👉ginamit ang mga akda nilang dayuhan at isinalin sa wikang katutubo upang
palganapin ang kristiyanismo.
👉ginamit nila ang mga isinalin na akda upang turuang bumasa, sumulat at
bumilang ang mga katutubo.

● Panahon ng mga Amerikano (1898-1946)


👉naitayo ang mga paaralang pampubliko, naging guro ang mga kawal na
amerikano, ginamit nilang aklat ang mga dalang babasahin at itinuro ang wikang
Ingles.
KURIKULUM

👉itinuro ang pagbasa, pagsulat , pagbilang, paghahalaman, pangkalusugan at iba


pa.
👉 Binigyang diin nila ang paghahanda ng mga pilipino para sa sariling pamamahala
at ang matibay na pagsasakatuparan ng paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan.

● Panahon ng Hapon (1942-1945)


👉 Ipinagbawal ang pagtuturo ng wikang ingles at sa halip ay ang pagtuturo ng
wikang niponggo at wikang filipino.
👉 Isinama ang pagtatalakay sa patakaran ng co-prosperity sphere at land reform,
pagpapatibay sa pagpapahalaga ng pilipino.

● Panahon ng Martial Law at 1986 Rebulusyon


👉 Ipinatupad ang bilingual education at family planning, taxation at land reform,
pagpapatibay sa pagpapahalagang pilipino.

● Kasalukuyang Panahon
👉 Naging bahagi ng kurikulum ang kompyuter at makabagong technolohiya.
👉 Binigyang diin ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, ang wikang ingles,
inclusive education, special education, makabagong pamamaraan sa pagtuturo gaya
ng multiple intellegence, learning styles at iba pa.

● Kurikulum sa Edukasyon ng Elementarya


👉 Integratibo - ang mga paksang aralin sa Filipino ay naiiuugnay sa ibang mga
disiplina at sa tunay na buhay. Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakatuon sa
mag-aaral at integregasyon ng apat na kasanayan.
👉 Interaktibo - nagbibigay daan sa mga mag-aaral upang sila mismo ang
magtalakay ng mga paksa at nagbabahaginan ng maraming kaalaman na umiikot
dito.
👉 kolaboratibo - sa prinsipyong ito natutuhan ng mga mag-aaral ang paggalang sa
kakayahan at opinion ng iba. Natututo rin silang magtulungan, magbahaginan ng mga
kaalaman at natututong tumulong ng kamag-aaral sa oras ng pangangailangan.

● Kurikulum sa Edukasyong Sekondarya


Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala sa tawag na Education Act of 1982 ang
mga sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya:
👉 Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa elementarya .
👉 Maihanda ang mag mag-aaral sa kolehiyo.
👉 Maihanda ang mga mag-aaral sa pagtatrabaho.

● Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas ng Tersyarya


Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994, ang komisyon
sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)ay naatasang ipatupad ang sumusunod na
katungkulan:
👉Itaguyod ang mahusay o dekalidad na edukasyon.
👉gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay matamo o
para sa lahat.
KURIKULUM

● Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Republic Act (RA) No.7722


(Higher Education Act of 1994)
● CHED Memo Blg. 59,S. 1996
● Binuo ang “New General Education Curriculum”

● ANG FILIPINO BINAGONG KURIKULUM NG GENERAL EDUCATION (CHED


MEMO BLG-30,s. 2004)
👉Filipino 1: Kumunikasyon sa Akademikong Pilipino
👉Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik
👉Filipino 3: Masining na Pagpapahayag
👉Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas
👉Literatura 2: World Literature

● K-12
👉Ginawang mandatory ang pagpasok ng mga bata sa kindergarten, nagkaroon
din ng junior high school (grade 7-10) at senior high school (grade 11-12)
👉Layunin ng K-12 na pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin pa ang
ekonomiya ng ating bansa.

You might also like