You are on page 1of 49

ANG KATUTURAN AT

KASAYSAYAN NG KURIKULUM AT
ANG KAUGNAYAN NITO SA
BATAYANG EDUKASYON
Ano ang kurikulum?
ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga
kagamitang ginagamit, paggawa ng banghay-
aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at
kung anu-ano pang itinuturo ng guro na may
kinalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ano ang kurikulum?
Nagmula sa salitang latin na “curere” na ang ibig
sabihin ay “to run; the course of the race.
Ano ang kurikulum?
Ang kabuoan ng nilalaman ng isang pinag-
aaralan, mga gawain at pinagbatayan na
puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga
paaralan sa natatanging gawaing-pantao bilang
isang institusyon ng katarungan at makataong
pagpapaunlad.
Ano ang kurikulum?
Sakop ng kurikulum ang kabuoang tuon o
layunin, na dapat isakatuparan ng mga paaralan
at maabot ang mga tiyak na tunguhin ng
pagtuturo.
Ano ang naging takbo ng kurikulum paglipas ng
Iba’t ibang panahon?
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Pre-Spanish


Ang mga Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol ay walang organisadong sistema ng
edukasyon.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Pre-Spanish


• Ang mga ideya at kaalaman ay nakukuha sa
pamamagitan ng mga payo, obserbasyon,
halimbawa at panggagaya.
• Walang direkta at pormal na paraan ng
pagtuturo.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Pre-Spanish


• Ang pagkatuto ng pangunahing ugali, kultura,
ideya at mga bagong kaalaman ay hindi
planado at hindi sistematiko.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Kastila


• Ang edukasyon ay pinamahalaan ng mga pari
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Kastila


• Ginamit nila ang mga akdang dayuhan
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Amerikano


• Nakabatay ang kurikulum sa mga kaisipan at
tradisyon ng mga Amerikano gayundin ang
mga kaasalan nito.
• Ingles ang wikang gamit na panturo.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Komonwelt


• Isinasaad ng Saligang Batas ng 1935 ang
pagbibigay ng edukasyong primarya sa mga
Pilipino nang walang bayad.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Komonwelt


• Binigyang-diin ng edukasyon ang pagtuturo ng
kabutihang-asal
• Ipinaturo sa mga paaralan ang talambuhay
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Komonwelt


• Edukasyong Bokasyonal ang pinagbuti at
pinalaganap. Itinuro sa mga paaralang-bayan
ang pagbuburda, pananahi at pagluluto.
• Pinaunlad ng pamahalaan ang kalagayan ng
mga paaralang pribado.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Komonwelt


• Ang suliranin tungkol sa maraming hindi
marunong bumasa at sumulat ay binigyan din
ng pansin.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Hapon


• Upang makuha ang pakikiisa at mapalapit ang
kalooban ng mga Pilipino sa mga Hapones,
binuksan nilang muli ang mga paaralan na
isinara nang sumiklab ang ikalawang
digmaang pandaigdig.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Hapon


• Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino
• Pagtataguyod ng edukasyong bokasyunal at
pangelementarya
• Pagtuturo at pagpapalaganap ng Niponggo o
wikang Hapones
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Hapon


• Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa
• Pagtuturo sa implementasyon ng Greater East
Asia CoProsperity Sphere
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon

Kurikulum sa Panahon ng Hapon


• Pinahalagahan din ang pag-unlad ng
Agrikultura, Pangingisda, Medisina at
Inhinyeriya.
• Ipinagamit ni Pangulong Jose P. Laurel ang
Tagalog bilang opisyal na wika sa bansa
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng kalayaan
Mga Pilipinong lider ng edukasyon ang sumubok na
pagandahin at pagbutihin ang kurikulum tulad nina:
• Cecilio Putong
• Esteba Abada
• Martin Aguilar
• Prudencio Lagcauoan
• Vitaliano Bernardino
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
Nagkaroon ng reporma o pagbabago sa kurikulum.
1. Malaking eksperimento sa pagtutulungan ng komunidad at
paaralan:
• Layunin nitong mapabuti ang buhay ng mag-aaral at
komunidad sa pamamagitan ng kurikulum.
• Opisyal na kinilala ang konseptong ito ng Bureau of Public
Schools noong Hunyo 1949.
• Pinangunahan ni Jose V. Aguilar
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
Nagkaroon ng reporma o pagbabago sa kurikulum.
2. Paggamit ng wikang katutubo bilang wikang panturo sa
unang
dalawang baitang sa elementarya.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
Nagkaroon ng reporma o pagbabago sa kurikulum.

Sabi ni Aguilar, “Primary schools would give them (the


pupils) a leverage on social, political, economic forces and
for those who go through these grades, the vernacular base
may promote better learning in English.”
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
• Ayon sa iba’t ibang lider ng edukasyon, lubos
tayong nangangailangan ng mga kagamitang
panturo na magbibigay-diin sa mga sumusunod:
1. Improvement of home, industries so that they will
be patronized.
2. The appreciation of the services of great men and
women of our country.
3. Preservation of our cultural heritage
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
• Sa elementarya, isinama ang Bureau of Public
Schools ang edukasyong bokasyunal bilang bahagi
ng programa ng edukasyon.
• Six major areas:
1. Agricultural Education
2. Business Education
3. Fishery
4. Home Economics
5. Home Industries
6. Trade Industrial Education
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
• Pagtatayo ng Vocational Schools
• Nakatuon ang kurikulum ng paaralang ito sa
pangkalahatang kultura at teknikal na pagsasanay
• Gumamit din ng media tulad ng telebisyon at radyo.
• 1961: itinalaga ng Board of National Education ang
Committee on the Reform of the Philippine
Educational System upang magsagawa ng mga
rekomendasyon para sa ikauunlad ng kurikulum sa
iba’t ibang antas.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
• Swanson group: Amerikanong lider ng edukasyon,
mga propesor na pinangunahan ni J. Chester
Swanson at ilang Pilipinong opisyal ng Kagawaran ng
Edukasyon.
• Monroe Survey Report: nagsagawa ng kauna-
unahang malawakang pagtataya sa Sistema ng mga
paaralan sa Pilipinas na nauukol sa kurikulum.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
• Ang Presidential Commission to Survey Philippine
Education, sa pamumuno ng dating kalihim ng
edukasyon Onofre D. Corpuz, ay nagsagawa ng
sarbey report noong Disyembre 1970.
• Education for National Development: “New
Patterns, New Directions” – nagbigay atensyon sa
pagplanong pang-edukasyon na kumikilala sa
kahalagahan ng kurikulum sa edukasyon.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
• Article XIV, Section 5 (1935 Constitution of the
Philippines) –kahalagahan at papel ng kurikulum
• Article XV, Section 85 (1935 Constitution of the
Philippines) – ng pagsasaalang-alang ng edukasyon.
• Sa Sekundarya, nirebisa ang kurikulum noong 1973.
• Nakatuon sa paggamit ng kurikulum bilang
pagtatama sa di balanseng ugnayan ng bilang ng tao
at resulta ng edukasyon
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
• Ang metodolohiya ay hindi na “spoon feeding”
ngunit tinuturuan na ang mga bata kung paano
matuto at hindi matuto: ang mag-isip, ang
magdesisyon para sa sarili.
• Sa kolehiyo, nagsagawa ang Philippine Normal
College ng mga hakbang tungo sa bagong direksyon
ng edukasyon.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Panahon ng Republika
• Layunin nitong baguhing lubos ang dating hindi
epektibong kurikulum sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng reyalidad ng buhay sa probinsya at ng
edukasyon.
• Marami ring pagbabago ang ipinatupad sa “Business
Collegiate Program”
• Ipinapakita sa mga estudyante ang tunay na
kalagayan ng buhay ng mga Pilipino.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Bagong Panahon
• Naglabas ang Komisyon ng Lalong Mataas na
Edukasyon (CHED) ng Bagong General Education
Curriculum noong 2013.
• Sa nasabing kurikulum, wala na ang Filipino bilang
bahagi ng GE subjects sa antas kolehiyo sa bisa ng
CHED Memorandum Order (CMO) Bilang 20, Serye
2013. Na nilagdaan ni Komisyoner Patricia Licuanan
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Bagong Panahon
• Ayon sa Komisyon, ang pagbabagong ito ay bilang
bahagi ng pagpapaunlad ng edukasyong Pilipino sa
antas kolehiyo bunsod ng implementasyon ng Batas
K to 12.
• Ang General Education Curriculum: holistic
understanding, intellectual and civic competencies
ay naging epektibo noong academic year 2018-
2019.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Bagong Panahon
• Ang layunin ng Memorandum ay upang maiwasan
ang pagdoble ng subjects sa Basic at Higher
Education.
• Ang bagong kurikulum ayon kay CHED OIC Prospero
De Vera, ay binawasan ng 36 units mula sa dating 63
units dahil maraming subjects na ang inihanay sa
Senior High School (Grade 11 at 12)
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Bagong Panahon
• Ipinatupad ng Commission on Higher Education
(CHED) ang Pangkalahatang Kurikulum ng Edukasyon
na magpapaikli ng isang taon sa ilang college
courses.
• Sa ilalim ng bagong kurikulum, ang mga five-year
courses tulad ng Engineering ay magiging apat na
taon na lamang habang ang mga four-year Arts and
Sciences ay program ang mananatiling apat na taon.
Kasaysayan ng Kurikulum sa Iba’t ibang Panahon
Kurikulum sa Bagong Panahon
• Ang bagong kurikulum ay nakahanay sa K to 12
(Kindergarten to Grade 12) na programa, ang
Philippine Qualifications Framework (PQF) at ang
ASEAN Qualifications Framework (AQF). Nakabase
din ang kinalabasan dahil inihahanda nito ang mga
mag-aaral na maging handa sa trabaho kapag
nagtapos sila
Gawain: Pagpipili
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa
ibaba at pakatapos piliin ay ilagay ang titik na iyong
sagot sa isangkapat(1/4) na papel.
1. Sa panahong ito ay nakabatay ang kurikulum sa mga
kaisipan at tradisyon ng mga Amerikano gayundin ang
mga kaasalan nito.
a. Kurikulum sa panahon ng Hapon
b. Kurikulum sa panahon ng Pre-Spanish
c. Kurikulum sa panahon ng Amerikano
d. Kurikulum sa panahon ng Komonwelt
2. Ang edukasyon sa panahong ito ay pinamamahalaan
ng mga pari sa pamamagitan ng mga paaralang
parokya o kumbento.
a. Kurikulum sa panahon ng Kastila
b. Kurikulum sa panahon ng Komonwelt
c. Kurikulum sa panahon ng Republika
d. Kurikulum sa Bagong Panahon
3. Bago dumating ang mga Espanyol ay walang
organisadong sistema ng edukasyon ang mga Pilipino.
a. Kurikulum sa panahon ng Hapon
b. Kurikulum sa Bagong Panahon
c. Kurikulum sa panahon ng Pre-Spanish
d. Kurikulum sa panahon ng Kalayaan
4. Sa panahong ito ay may mga Pilipinong lider ng
edukasyon ang sumubok na pagandahin at pagbutihin
ang kurikulum tulad nina Esteba Abada, Martin Aguilar,
at iba pa.
a. Kurikulum sa panahon ng Kalayaan
b. Kurikulum sa panahon ng Komonwelt
c. Kurikulum sa panahaon ng Republika
d. Kurikulum sa Bagong Panahon
5. Nagkaroon ng reporma o pagbabago sa kurikulum sa panahong ito at isinulong
ang paggamit ng wikang katutubo bilang wikang panturo saunang dalawang
baitang sa elementarya.
a. Kurikulum sa panahon ng Kalayaan
b. Kurikulum sa panahon ng Komonwelt
c. Kurikulum sa panahon ng Republika
d. Kurikulum sa Bagong Panahon
6. Sa panahong ito, ang pagbibigay ng edukasyong primarya sa mga Pilipino sa
walang bayad. Batay ito sa Saligang Batas ng 1935 at dahil dito ay nagpatayo si
Pangulong Quezon ng maraming paaralan
at kumuha ng mga gurong magtuturo.
a. Kurikulum sa panahon ng Kalayaan
b. Kurikulum sa panahon ng Komonwelt
c. Kurikulum sa panahaon ng Republika
d. Kurikulum sa Bagong Panahon
7. Sa panahong ito ay iniutos ng mga Hapones ang pagtatakip ng iba’t ibang aklat
na naglalarawan ng tungkol sa Amerika at iba pang bansang kanluranin.
a. Kurikulum sa panahon ng Kalayaan
b. Kurikulum sa panahon ng Komonwelt
c. Kurikulum sa panahaon ng Republika
d. Kurikulum sa Bagong Panahon
8. Naglabas ng Bagong General Education Curriculum ang Komisyon ng Lalong
Mataas na Edukasyon (CHED) noong 2013 bilang bahagi ng pagpapaunlad ng
edukasyong Pilipino sa antas kolehiyo.
a. Kurikulum sa panahon ng Kalayaan
b. Kurikulum sa panahon ng Komonwelt
c. Kurikulum sa panahaon ng Republika
d. Kurikulum sa Bagong Panahon
9. Ang General Education Curriculum: Holistic Understanding, Intellectual at Civic
Competencies ay naging epektibo sa anong academic year?
a. 2016-2017
b. 2018-2019
c. 2017-2018
d. 2019-2020
10. Sa Bagong General Education Curriculum, inalis na ang asignaturang ito bilang
bahagi ng GE subjects sa antas kolehiyo sa bisa ng CHED Memorandum Order
(CMO) Bilang 20, Serye 2013.
a. Math
b. Sibika at Kultura
c. Filipino
d. Science
11. Sila ay mga Pilipinong lider noong panahon ng kalayaan na sumubok
pagandahin at pagbutihin ang kurikulum maliban kay:
a. Martin Aguilar
b. Cecilo Putong
c. Jose P. Laurel
d. Vitaliano Bernadino
12. Sa panahon ng Amerikano, ang kurikulum sa sekundarya ay binubuo ng mga
asignatura katulad ng mga sumusunod malban sa isa:
a) Palatuusan o Aritmetika
b) Heograpiya
c) Siyensya at Ingles
d) Filipino
13. Upang mapalapit ang kalooban ng mga Pilipino sa mga Hapones, nagtakda sila
ng mga patakaran sa pagbubukas ng paaralan. Ang mga sumusunod ay mga
patakaran maliban sa isa:
a. Hindi pagpapalaganap ng kulturang Pilipino
b. Pagtataguyod ng edukasyong bokasyunal at pang-elementarya
c. Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa
d. Pagtuturo sa implementasyon ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
14. Ang pagkakaroon ng reporma at pagbabago ng kurikulum sa panahon ng
Republika ay pinangunahan ni:
a. Pangulong Jose P. Laurel b. Jose V. Aguilar c. Prudencio Lagcauoan d. Onofre D. Corpuz
15. Ito ay ginamit na wikang panturo sa panahon ng Amerikano.
a. Filipino Palatuusan o Aritmetika b. Niponggo
c. Ingles d. Kastila
Gawain 2 Pagsasalaysay
Ngayon naman, susubukin natin ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa paksang
iyong binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong. Ibatay
ang iyong mga sagot sa mga pamantayan sa ibaba.
1.Ano ang impak sa iyo ng mga pagbabagong-naganap
sa kurikulum ng Pilipinas?
Ipaliwanag.___________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
2. Sa isang Venn Diagram, ilahad ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng kurikulum ng Pilipinas noon at
ngayon.

Ipaliwanag.___________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

You might also like