You are on page 1of 2

Calayan, Lyra Joy B.

FIL101
1-A1 Ma’am Connie Garcia

MANO PO
1. Sa iyong palagay, angkop baa ng pamagat sa pelikula?
Para sa akin angkop ang pamagat na “Mano po” sa pelikulang ito dahil ito ay nagpapakita
ng tradisyon o kultura nating mga Pilipino ang “pagmamano” na sumisimbolo sa pagrespeto sa
mga nakatatanda.Sa pelikulang ito ang “pagmamano” ay sumisimbolo sa pagrespeto at
pagmamahal ni Richelle sa kanyang pamilya. Dagdag pa ay kakit na isa siyang Tsinoy, hindi
mawawala sa kanya ang pagka-Pilipino na kung saan mas naunawaan at naintindihan ito ng
kanyang mga magulang at kapatid sa bandang huli.

2. Anong dalawang kultura ang pinakita sa pelikula?


Ang dalawang kultura na ipinakita sa pelikulang ito ay kultura ng mga Tsino at Pilipino.
Batay sa Pelikula, sa kulturang Tsino ay nakatuon sila sa pagpapahalagasa negosyo at kanilang
apelyedo. Dagdag pa na ang dapat na mapangasawa nila ay kalahi rin nila o may lahing tsino. Sa
tradisyon ng kanilang kasal, na kung saan ang engagement ay magbibigay ang lalaki ng alahas sa
babae. Isa pa ay dapat na ikasal ang magnobyo sa loob ng 100 araw o pagkaraan ng 2 taon ng
pagkamatay ng kamag-anak. Sa kultura natin ay ang pagmamano, pagsimba sa simbahang
Katoliko na kung saan ang Chinese naman ay mga Buddhist na sa templo naman.
Dagdag pa ang “Double standard mentality” na kung saan makikita sa mga Tsinoy. Sa
mga Chinese ay kailangan nilang sumunod sa kanilang magulang na katulad ng mga Pilipino
ngunit alam naman natin na ipaglalaban nila kung ano ang sa tingin nila ang tama.

3. Nararapat bang panatilihin ng isang tao ang kaugalian at tradisyon ng kanyang mga ninuno?
Patunay.
Nang dahil sa pagbabago sa pagdaan ng panahon, kailangan nating sumunod sa agos nito
ngunit hindi dapat natin makalimutan ang mga kultura, kaugalian at tradisyon na pinangalagaan
ng ating mga ninuno. Ito’y nagpapkita ng ating pagkakakilanlan at upang maipasa ito sa susunod
na henerasyon upang mapanatili at mapayaman ito ngunit dapat na panatilhin ay ang
magagandang kaugalian at tradisyon at kalimutan ang hindi magaganda.
4. Ano-ano ang mga dahilan at nagkamit ng maraming gantimpala ang pelikulang ito.
Enumerate.
Ang pelikulang ito ay nagtataglay ng magandang istorya o daloy ng kwento. Dagdag pa
ang maganda at magaling na Direksyon ni Joel Lamangan, ang sinematograpiya at pagganap ng
mga artista. Ito’y mayroong “all-star cast” na kung saan andon sina Maricel Soriano, Kris
Aquino, Ara Mina, Richard Gpmez, Eddie Garcia, Boots Anson-Roa, at iba pa.
Ang pelikulang ito ay nagkamit ng maraming gantimpala s Metro Manila Film Festival:
Best Picture, Best Director- Joel Lamangan, Best Actor- Eddie Garcia, Best Actress- Ara Mina,
Best Supporting Actress na si Kris Aquino, Best Cinematography, Best Production Design, Best
Editing, Best Original Story, Best Screenplay, Best Musical Score, Gatpuno Antonio J. Villegas
Cultural Awards, Best Film at kasama sa top-grossing film ng MMFF. Dagdag pa ang award sa
FAMAS na Best Supporting actress.

You might also like