You are on page 1of 18

TUKUYIN

MO AKO!
JOSE RIZAL
HENRY SY, SR.
MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO
NICK VUJICIC
HENRY SY
Noong ika – 25 ng Disyembre 1924 si Henry Sy Sr. ay
ipinanganak sa Xiamen China. Siya ang anak nina Henry H. Sy at Tan O
Sia. Siya ay isang Chinese – Filipino na negosyanteng pinangunahan ang
pagtatag ng SM Malls. Siya din ang Presidente ng SM Prime Holdings.
Siya ang itinaguriang pinakamayaman sa Pilipinas.
Si Henry ay lumaking dumanas ng tinding hirap. Siya ay
determinadong tao at masipag. Nagtatrabaho siya araw at gabi upang
matustusan ang kanyang pag-aaral. Nagtapos siya ng hayskul sa Chiang
Kai Shek College at nagtapos ng Associate at Arts sa Far Eastern
University. Hindi madali na maabot niya ang posisyon niya ngayon.
Maraming pagsubok ang kanyang pinagdaanan sa buhay.
Nagsimula si Henry sa sariling tindahan ng kanyang pamilya.
Kahit siya'y estudyante, tinutulungan pa rin niya ang kanyang mga
magulang sa pagbebenta ng mga produkto tulad ng kendi. Mas pinili niya
ang magtinda dahil nakahanap siya ng ligaya sa pagtitinda. Sa kasawiang
palad nasira ang kailang tindahan dahil sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Lumuwas siya sa Estados Unidos upang makahanap ng mga
produktong maari niyang ibenta at doon na niya naisip na gumawa ng
sariling negosyo at bumalik sa Pilipinas.
HENRY SY
Itinatag ni Henery Sy ang isang maliit na tindahan ng
sapatos sa Quiapo, Manila noong 1958 at pinangalanganang SM
o Shoe Mart. Noong Nobyembre 1972 ang kanyang maliit na
tindahan ng sapatos ay naging SM Quiapo, ang unang SM
Department Store. Itinatag niya ang kanyang unang SM
Supermall, ang SM City North Edsa noong Disyembre 25, 1985.
Hindi lamang siya ang Presidente ng mga Prime Holdings. Siya
rin ang nagmamay-ari ng SM Investments Corporation, Banco
de Oro Universal Bank, Belle Corporation at Highlands Prime
Inc.
Dahil sa kanyang kasipagan at galing maraming parangal
ang kanyang natanggap. Kagaya ng mga Management Man of
the Year by Makati Business Club – 1999. Honorary Doctorate
in Business Management by De La Salle University in January
1999. 1st Chinese – Filipino na tumanggap ng PCE Big 1st
Chinese. Filipino rin na tumanggap ng PRA President's Award
(2005) at maramipang iba.
MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO
Si Miriam Defensor Santiago ay isang abogado, dating
hukom, at guro ng saligang batas at batas internasyonal. Siya ay
isang politiko at dating senador ng Pilipinas. Nagtapos siya ng
kanyang elementarya bílang valedictorian sa La Paz Elementary
School noong 1957. Taong 1961, nagtapos siya ng high school
sa Iloilo National High School bilang valedictorian. Nag-aral
siya ng kolehiyo sa University of the Philippines sa kursong
abogasya.
Sa UP, nakapagtala si Miriam Defensor ng bagong
kasaysayan nang siya ang naging kauna-unahang babaengeditor-
in-chiefngPhililippine Collegian, ang pahayagang pang-
estudyante ng kolehiyo. Siya rin ang unang babaeng nanalo ng
parangal bilangBest Debatersa U.P. Dalawang beses ding siyang
nakatanggap ng"Vinzons Achievement Award for Excellence in
Leadership". Kinilala din siya ng Rotary bilang "most
outstanding graduate ng U.P."
MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO
Natapos ni Miriam ang kanyang
Bachelor of Artssa loob lamang ng
tatlo at kalahating taon (3 1/2 years),
taliwas sa ordinaryong apat (4) na
taon, sa gradong 1.1 bilang average,
noong huling semestre. Nagtapos
siya bilang magna cum laude noong
1965. Natapos niya ang kanyang
Bachelor of Laws sa U.P bilang cum
laude.
BIONOTE
BIONOTE
1. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng
kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa
kanya.
2. Isang maikling pagsulat ng talambuhay na binubuo lamang
ng 2 hanggang 3 pangungusap na nasa ikatlong panauhan.
3. Karaniwang matatagpuan sa panloob na pabalat (Inside
front cover) at likuran (Outside back cover) ng isang aklat.
BIONOTE
4. Impormatibong talata na naglalahad ng mga
kwalipikasyon ng awtor at ng kaniyang
kredibilidad bilang propesyunal.
5. Naglalahad ng iba pang impormasyon tungkol
sa awtor na may kaugnayan sa paksang tinalakay
sa papel o sa trabahong ibig pasukan.
BIONOTE
Ayon kay Duenas at Sanz (2012), ang bionote ay tala sa
buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang
academic career na madalas makikita o mababasa sa mga
dyornal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites at iba
pa. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa
iyong sarili” na makikita sa mga social network o digital
communication sites. Halimbawa nito ay ang bionote o
pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawa ng blog. Ito ang
nagpakilala ng ilang mahahalagang detalye sa buhay ng kung
sino ang nasa likod ng blog.
Bakit nagsusulat ng BIONOTE?
Upang ipaalam sa iba hindi lamang
ang karakter kundi maging ang
kredibilidad sa larangang kinabibilangan.

Ito’y isang paraan upang maipakilala


ang sarili sa mga mambabasa.
Bakit nagsusulat ng BIONOTE?
Halimbawa:

Hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isang


batayang aklat sa accountancy kung makikita
sa author’s profile na wala naman talagang
background ang awtor sa larangang ito.
Layunin at Gamit ng Bionote
Ginagamit para sa personal profile ng
isang tao, tulad ng kanyang academic career
at iba pang impormasyon ukol sa kanya.

May makatotohanang paglalahad sa isang


tao.
Mga Dapat Lalamanin ng Bionote
1. Personal na impormasyon (pinagmulan,
edad, buhay kabataan-kasalukuyan)

2. Kaligirang pang-edukasyon (paaralan,


digri, at karangalan)
Mga Dapat Lalamanin ng Bionote
3. Ambag sa larangang kinabibilangan
(kontribusyon at adbokasiya)

You might also like