You are on page 1of 183

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr.

Jovert Balunsay

1
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

2
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

KARAPATANG-ARI 2020

Ni
JOVERT R. BALUNSAY, LPT, PhD, DHum
Awtor

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN

Hindi ipinahihintulot na sipiin at/o kalakalin ang alinmang bahagi ng

modyul na ito sa paano mang paraan nang walang pormal at nakasulat na
pahintulot mula sa may-akda. Ang sinumang mapatutunayang lumabag dito ay
pananagutin nang naaayon sa batas at/o mahaharap sa legal na aksiyong may
kalikasang sibil at/o kriminal.

Disenyo ng Pabalat: Justine Tabo

3
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Paghahandog at Pakilala

Para sa mga naging guro ko sa Kasaysayan:

Gng Fedelina Biago

Gng. Begonia Buella
Gng Suteliza Cimanes

Sa guro ko sa Noli Me Tangere:

Gng. Vertilla Serrano

Sa guro ko sa El Filibusterismo:
G. Dominador Baldoza

At sa guro ko sa Rizal:
Prop. Homer Barceta

Ang May-akda

4
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Lagom-Pananaw ng Modyul
(Module Overview)

Ang modyul na ito ay sadyang idinesenyo upang tugunan ang pangangailangan

ng mga mag-aaral na nagpatala sa Kursong Rizal na pag-aaralan ang nasabing
asignatura sa kani-kanilang bahay. Naglalaman ioto ng labindalawang aralin at bawat
aralin ay may mga gawaing kailangang sagutin at isakatuparan. Isahan ang magiging
gamit ng babasahing ito na umaaayon sa proseso ng sariling pagkatuto ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang bahay. Gayunpaman, kinakailangang sundin ng mga mag-aaral
ang lahat ng direksiyong nakapaloob dito upang maging matagumpay ang pagkatuto sa
asignatura.

Sa gayon, itinatagubilin ng may-akda ang sumusunod:

1. Basahin nang mabuti ang mga aralin bago ang pagsagot sa alinmang
gawaing kasunod nito;
2. Huwag lalaktaw ng anumang aralin sapagkat ito ay nakakronolohikal na
pagkakasunod-sunod batay sa talambuhay ng pambansang bayani;
3. Ang mga gawaing 1 hanggang 3 ay dapat na sagutan sa hiwalay na
kuwaderno habang ang mga gawain 4 na pawang mga repleksiyon at
reaksiyon ay dapat na isulat o ikompyuter sa isang mahabang puting papel;
4. Lahat ng mga sagot sa gawain 4 ay dapat na tipunin at ilagay sa mahabang
putting polder na ipapasa bago ang panggitna at pangwakas na pagsusulit;
5. Ang paunang pagsubok o pre-test ay dapat sagutan bago ang pagbasa ng
unang aralin. Isulat ang sagot sa kuwaderno;
6. Ang panapos na pagsubok o post test ay dapat na sagutin pagkatapos ng
ikalabindalawang aralin. Sa kuwaderno rin ito sasagutan;
7. Ang pinal na gawain ay mababasa sa bahaging kasunduan/takdang-
aralin/assignment; at,
8. Isaalang-alang ang kasipagan, katapatan, at determinasyon sa pag-aaral ng
modyul na ito.

5
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Mga Inaasahang Bunga

(Learning Outcomes)

Ang modyul na ito ay sadyang idinisenyo upang makaagapay sa sariling pag-

aaral-pagkatuto ang mga mag-aaral hinggil sa talambuhay at mga akda ng pambansang
bayaning si Jose Rizal. Nakapaloob dito ang mga layunin, mga lekturang sadyang
pinagaan upang maunawaang mabuti ng mga mag-aaral ang naging buhay ni Rizal,
kahit pa ang magiging pag-aaral ay isahan o pangklasrum. Bawat aralin ay may mga
nakalaang mga pagsusulit, komprehensibong pagsagot sa mga tanong, at malikhaing
paglalahad ng impresyon o repleksiyon sa bawat aralin.

Sa gayon, ang mga inaasahang bunga ng modyul na ito ay ang sumusunod:

1. Makilala ang pambansang bayani at ang mahahalagang tao sa kaniyang

buhay at pag-aaral;
2. Maitukoy at maipaliwanag ang nilalaman, mensahe ng kaniyang mga akda
partikular ang kaniyang mga tula at dalawang nobela;
3. Maipaliwanag ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa kaniyang mga
akkda bilang mahahalagang kontribusyon sa larangan ng panitikang
Pilipino;
4. Mapatunayang si Rizal ay isang taong nagtataglay ng napakaraming
katalinuhan at kahusayan;
5. Makabuo ng mga repleksiyon sa bawat aralin ng modyul na ito;
6. Masagot ang mga tanong sa pag-unawa bilang ekstensiyon ng natutunan sa
bawat aralin;
7. Makilala ang mga babaeng naging parte ng buhay ni Dr. Jose Rizal; at,
8. Makabuo ng mabisang paglalarawan ay Rizal bilang pinakadakilang
Malayo sa kasaysayan.

6
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Paunang Pagsubok
Bago natin talakayin ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pambansang
bayani, pati na ang kaniyang mga kontribusyon sa larangan ng panitikan, tasahin muna
natin ang inyong dating kaalaman hinggil sa kaniya. Basahin nang mabuti ang bawat aytem
tungkol sa buhay at mga akda ni Rizal. Bilugan ang titik ng tamang sagot ayon sa hinihingi
ng bawat aytem.
1. Siya ang itinuturing na “tagapagligtas ng El Filibusterismo” sapagkat pinahiram niya
ng pera si Rizal upang matustusan ang pagpapalathala ng nasabing nobela.
a. Jose Alejandrino c. Maximo Viola
b. Jose Ma. Basa d. Valentin Ventura

2. Ang tulang inialay ni Jose Rizal para sa inang si Donya Teodora Alonzo.
a. A Mi Madre c. Mi Primera Inspiracion
b. Madre Dolorosa d. Mi Madre Inspiracion

3. Saang lugar sa Belgium nailathala ang El Filibusterismo?

a. Brussels c. Napples
b. Ghent d. Munich

4. Ang bayang sinilangan ni Dr. Jose Rizal.

a. Binan c. Dapitan
b. Calamba d. Tanay

5. Sino ang Espanyolang nagkaroon ng pagtingin kay Jose Rizal?

a. Consuelo Ortiga y Rey c. Nelly Boustead
b. Leonor Valenzuela d. Suzzane Jacoby

6. Kompletong kapanganakan ni Jose Rizal.

a. Hunyo 19, 1860 c. Hunyo 20, 1860
b. Hunyo 19, 1861 d. Hunyo 20, 1861

7. Ang batas na nagsasabing dapat ituro ang talambuhay at mga akda ni Rizal sa
pamantasan.
a. R.A. 1415 c. R.A. 1422
b. R.A. 1456 d. R.A. 1425

8. Kanino inialay ni Rizal ang El Filibusterismo?

a. Padre Mariano Gomez c. Padre Jacinto Zamorra
b. Padre Jose Burgos d. Lahat ng nabanggit

9. Kauna-unahang tulang sinulat ni Jose Rizal.

a. Himno Al Trabajo c. Mi Ultimo Adios
b. Junto Al Pasig d. Sa Aking mga Kabata

7
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

10. Isang matabang Pransiskanong pinaniniwalaang naging dahilan ng kamatayan ni Don

Rafael Ibarra.
a. Padre Bernardo Salve c. Padre Mariano Irene
b. Padre Damaso Verdolagas d. Padre Hernando Sybilla

11. Ang pinaniniwalaang pumaslang sa bunsong anak ni Sisa na si Crispin.

a. Alperes c. Guwardiya Sibil
b. Padre Salvi d. Sakristan Mayor

12. Sino ang tinaguriang “ang baliw at pilosopo” sa Noli Me Tangere?

a. Don Anastacio c. Don Custodio
b. Don Basilio d. Don Felipo

13. Saang bansa pumunta si Rizal matapos maipalathala ang El Filibusterismo?

a. Berlin c. Japan
b. Hong Kong d. San Francisco

14. Ilang wika ang kabisado at alam na alam ni Rizal?

a. 20 c. 22
b. 21 d. 23

15. Sa lugar na ito sa Alemanya labis na humanga si Rizal sa mga bulaklak na umuusbong
sa mga landas ng nasabing lugar.
a. Berlin c. Dresden
b. Brussels d. Heidelberg

16. Saang bansa ninais ni Rizal na maging manggagamot matapos niyang makalaya mula
sa Dapitan?
a. Argentina c. Comoros
b. Cuba d. Peru

17. Ano ang kahulugan ng apilyedong Rizal?

a. Asul na karagatan c. Pulang digmaan
b. Luntiang kabukiran d. Tahimik na kaparangan

18. Kung ang Moli ay nobelang panlipunan, ano naman ang El Fili?
a. Nobela ng kababalaghan c. Nobelang Pampolitika
b. Nobela ng Kasaysayan d. Nobelang Pangkaunlaran

19. Isang mayamang mag-aalahas na pumunta sa Filipinas upang ipaghiganti ang kaniyang
nabigong nakaraan.
a. Basilio c. Simoun
b. Isagani d. Salvi

8
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

20. Ang etnograpikong taga-Austria na naging matalik na kaibigan ni Rizal sa pamamagitan

ng liham.
a. Adolf Meyer c. Lorenzo Marques
b. Ferdinand Blumentritt d. Pablo Pastella

21. Ang pinsan ni Rizal na naging karelasyon niya sa loob ng labing-isang taon.
a. Nelly Boustead c. Leonor Valenzuela
b. Leonor Rivera d. Segunda Katigbak

22. Siya ang itinuturing na pangalawang ama ni Rizal.

a. Paciano c. Tiyo Manuel
b. Pedro d. Tiyo Alberto

23. Sino ang paboritong propesor ni Rizal sa Ateneo?

a. Fr. Antonio Sanchez c. Fr. Mariano Pilapil
b. Fr. Jose Bech d. Fr. Blancas de San Jose

24. Sino ang nagligtas kay Ibarra sa tiyak na kamatayan sa hulihang bahagi ng Noli Me
Tangere?
a. Alperes c. Elias
b. Basilio d. Pedro

25. Isang paring Dominikano na may lihim na pagtatangi kay Maria Clara
a. Padre Camorra c. Padre Fernandez
b. Padre Damaso d. Padre Salvi

26. Akda ni Rizal na sinulat niya para sa mga manggagawa ng Lipa.

a. El Canto del Viajero c. Mi Primera Inspiracion
b. Himno Al Trabajo d. Ultimo Adios

27. Kapatid ni Rizal na namatay noong sila ay bata pa. Ang kamatayan nito ang unang
pagkadurog ng kaniyang puso.
a. Concepcion c. Maria
b. Josefa d. Saturnina

28. Sino sa mga tauhan sa Noli Me Tangere ang sumisimbolo sa kababaihan ngayon?
a. Huli c. Sisa
b. Maria Clara d. Paulita Gomez

29. Sino ang tinaguriang “tagapagligtas ng Noli Me Tangere”?

a. Jose Ma. Basa c. Maximo Viola
b. Mariano Ponce d. Pedro Paterno

30. May-aka ng Sucecos de las Islas Filipinas na ginawan ni Rizal ng anotasyon.

a. Antonio Ma. Regidor c. Rudolf Virchow
b. Antonio de Morga d. Tetcho Suihiro

9
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

31. Tawag sa mga anak ng magsasaka Pilipino na nakapag-aral.

a. Ilustrado c. Katiponeros
b. Principalia d. Propagandista

32. Siya ay may Memoria Fotografica.

a. Jose Alejandrino c. Jose Ma. Panganiban
b. Jose Ma. Regidor d. Jose Rizal

33. Ang paraluman ng mga guwardiya sibil.

a. Donya Consolacion c. Donya Pia Alba
b. Donya Geronima d. Donya Victorina

34. Sa kaniya natutunan ni Rizal ang wikang Latin.

a. Leon Monroy c. Maestro Lucas Padua
b. Maestro Celestino d. Padre Rodriguez

35. Siya ang puminta ng Spolarium.

a. Antonio Luna c. Jose Ma. Regidor
b. Juan Luna d. Felix Resureccion Hidalgo

36. Kanino ipinagkatiwala ni Rizal ang lampara na naglalaman ng kaniyang tulang Ultimo
Adios?
a. Lucia c. Olimpia
b. Narcisa d. Trinidad

37. Ang gobernador heneral na nagpatapon kay Rizal sa Dapitan

a. Gobernador Heneral Eulogio Despujol
b. Gobernador Heneral Ramon Blanco
c. Gobernador Heneral Camilo de Polavieja
d. Gobernador Heneral Emilio Terrero

38. Ang gobernador heneral na nagtalaga ng bantay kay Rizal uoang makaiwas ito sa
panganib sa una niyang pagbabalik-bayan.
a. Gobernador Heneral Eulogio Despujol
b. Gobernador Heneral Ramon Blanco
c. Gobernador Heneral Camilo de Polavieja
d. Gobernador Heneral Emilio Terrero

39. Ang gobernador heneral na pumirma ng sintensiyang kamatayan ni Dr. Jose Rizal.
a. Gobernador Heneral Eulogio Despujol
b. Gobernador Heneral Ramon Blanco
c. Gobernador Heneral Camilo de Polavieja
d. Gobernador Heneral Emilio Terrero

10
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

40. Ang mabait na gobernador heneral na pumayag na magtrabaho si Rizal sa ibang bansa
bilang doktor ng digmaan doon.
a. Gobernador Heneral Eulogio Despujol
b. Gobernador Heneral Ramon Blanco
c. Gobernador Heneral Camilo de Polavieja
d. Gobernador Heneral Emilio Terrero

41. Bakit nagkasakit ng katarata ang nanay ni Rizal?

a. Dahil sa pananakit ng mga Kastila
b. Dahil pinaglakad ito nang malayong distansiya
c. Dahil mahina itong kumain nang gulay at prutas
d. Dahil sa pangungulila sa kaniyang anak na nangibang-bansa

42. Ang pamangkin ni bulag na si Taufer na naging karelasyon ni Rizal.

a. Josephine Bracken c. Gertrude Becket
b. Leonor Rivera d. Segunda Katigbak

43. Ano ang ipinangalan ni Rizal sa kaniyang namatay na anak?

a. Fernando c. Facundo
b. Francisco d. Faciano

44. Isang mahabang sanaysay na sinulat ni Rizal na nagpapaliwanag kung bakit umiiral ang
katamaran sa Filipinas.
a. Ang Filipinas sa Loob ng 100 Taon
b. Bakit Tama dang mga Pilipino
c. Si Juan Tamad at ang Kaniyang mga Talangka
d. Sobre La Indulhencia de los Filipinos

45. Ang tunay na ama ni Maria Clara.

a. Don Rafael c. Padre Damaso
b. Kapitan Tiyago d. Tandang Tasyo

46. Isang babaeng mapagmataas na ang tingin sa sarili ay isang Kastila kahit na isa siyang
Pilipino.
a. Donya Consolacion c. Donya Pia Alba
b. Donya Geronima d. Donya Victorina

47. Bakit inilihim nina Rizal at Paciano sa kanilang mga magulang ang paglisan niya ng
Filipinas para makapag-aral sa ibang bansa?
a. sapagkat may sakit ang mga ito at baka atakehin sa kalungkutan
b. sapagkat alam nilang hindi papaya ang kanilang mga magulang
c. sapagkat ayaw nilang mag-alala ang mga ito sa mga balak ni Rizal
d. sapagkat nais nilang gawing sorpresa ang bagay na ito sa kanilang mga magulang.

11
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

48. Bakit optalmolohiya ang naging espisyalisasyon ni Rizal sa larangan ng medisina?

a. madali ito para sa kaniya
b. iyon ang itinuturo sa Europa
c. nais niyang pagalingin ang kaniyang ina
d. tanging ito ang pangarap niya sapul pagkabata

49. Paano ginugol ni Rizal ang kaniyang buhay sa Dapitan

a. pagtatanim ng mga gulay at bungang kahoy
b. pagtuturo sa mga batang tagaroon
c. panggagamot sa mga may-sakit sa lugar na iyon
d. lahat ng nabanggit

50. Ano ang tanging hindi nagustuhan ni Rizal sa pagbisita niya sa Estados Unidos?
a. diskriminasyon c. polusyon
b. pang-aapi d. pakikiapid
51. Sa anong insekto inihambing ni Donya Teodora ang kanaiyang anak kapag hindi nito
iniwasan ang gulo?
a. Bangaw c. Paruparo
b. Gamugamo d. Tipaklong

52. Ang ninuno ni Rizal na si Domingo ay isang mangangalakal na ___________.

a. Aleman c. Instsik
b. Hapon d. Kastila

53. Kanino inialay ni Rizal ang tulang “Un Recuerdo A Mi Pueblo”?

a. Sa GomBurZa c. Sa kaniyang ina
b. Sa kaniyang ama d. Sa bayan ng Calamba

54. Kanino nanirahan si Jose nang siya ay mag-aral sa Binan?

a. Sa kaniyang guro c. sa kaniyang tiyahin
b. Sa kaniyang kamag-aral d. sa kaniyang tiyuhin

55. Anong grupo o konggregasyon ng mga pari ang nangangasiwa sa Ateneo?

a. Agustino c. Heswita
b. Dominikano d. Pransiskano

56. Saan nag-aral si Paciano kung saan niya ginamit ang apilyedong Mercado?
a. Ateneo de Manila c. Kolehiyo de San Lucas
b. Kolehiyo de Santa Clara d. Kolehiyo de San Juan

57. Sino ang nagdesisyong sa Ateneo mag-aral si Rizal?

a. Si Paciano c. Si Donya Teodora Alonzo
b. Si Don Francisco Mercado d. Ang Gobernador Heneral

58. Para saan ang gintong medalyang natanggap ni Rizal sa ikalawang taon niya sa
Ateneo?
a. Kahusayang pang-agham c. Kahusayang pangmatematika
b. Kahusayang akademiko d. Kahusayang panlingguwistika

12
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

59. Ikalawang pinakamalaking siyudad ng Espanya.

a. Barcelona c. Madrid
b. Dresden d. Naples

60. Isa sa mga pinakapaboritong aklat ni Rizal na binasa niya noong siya ay bata pa.
a. Florante at Laura c. The Count of Monte Cristo
b. The Auncle Tom’s Cabin d. The Adventure of Tom Soyer

61. Bapor na sinakyan ni Rizal paalis ng Filipinas.

a. Bapor Djemna c. Bapor Tabo
b. Bapor Salvadora d. Bapor Talim

62. Pangalang ginamit ni Rizal sa kaniyang pagpunta sa ibang bansa.

a. Jose Marcelo c. Jose Protacio
b. Jose Mercado d. Jose Rizal

63. Maliban sa kaniyang mga magulang, kanino pa sumulat ng liham-pamamaalam si

Rizal?
a. Kay Leonor Rivera c. Sa kaniyang mga propesor sa Ateneo
b. Kay Segunda Katigbak d. Sa kaniyang mga propesor sa UST

64. Sa lugar na ito naalala ni Rizal ang kaniyang bayang Calamba dahil sa kagandahan ng
tanawin at katahimikan ng gabi.
a. Aden c. Colombo
b. Ceylon d. Suez

65. Para kay Rizal, ito ay isang marumi at pangit na siyudad.

a. Aden c. Ceylon
b. Barcelona d. Dresden

66. Petsa ng pagdating ni Rizal sa Barcelona.

a. Hunyo 15, 1882 c. Hunyo 17, 1882
b. Hunyo 16, 1882 d. Hunyo 18, 1882

67. Maliban sa kura, sino pa ang itinuturing na makapangyarihan sa bayan ng San Diego?
a. Alperes c. Heneral
b. Guwardiya Sibil d. Gobernador

68. Alin sa sumusunod ang katumbas sa Tagalog ng Noli Me Tangere?

a. Huwag mo Akong Hawakan c. Huwag mo Akong Pisilin
b. Huwag mo Akong Haplusin d. Huwag mo Akong Salangin

69. Ang nanguna sa panunuligsa ng Noli Me Tangere.

a. Padre Bech c. Padre Nozaleda
b. Padre Sanchez d. Padre Rodriguez

70. Umuwi si Rizal sa Filipinas upang gamutin si _______________.

a. Don Francisco c. Paciano
b. Donya Teodora d. Saturnina

13
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

71. Saang bayan nagtayo si Rizal ng klinika para manggamot?

a. Binan c. Dapitan
b. Calamba d. Lipa

72. Ang makatang naging katipan ni Paulita Gomez.

a. Basilio c. Makaraig
b. Isagani d. Placido

73. Isang ulong pugot na may kuwentong kagaya ng sinapit ni Simoun.

a. Ispinghe c. Ibarra
b. Imuthis d. Isagani

74. Ang katumbas ni Padre Damaso sa El Filibusterismo.

a. Padre Camorra c. Padre Sybilla
b. Padre Irene d. Padre Salvi

75. Isa sa mga katangian ng mga prayle na ipinakita ni Rizal sa kaniyang ikalawang nobela.
a. Pagkahilig sa perya c. pagkahilig sa pangangaso
b. Pagkahilig sa sugal d. pagkahilig sa cabaret

76. Isang mag-aaral na naging biktima ng pang-aalipusta ng kaniyang guro sa Pisika.

a. Basilio c. Placido Penitente
b. Isagani d. Juanito Pelaez

77. Isang paring indiyo na pinagkumpisalan ni Simoun ng lahat ng kaniyang mga kasalanan
at pinagdaanan sa buhay.
a. Padre Fernandez c. Padre Irene
b. Padre Florentino d. Padre Millon

78. Isang guro sa Pisika na mahilig mang-alipusta ng mag-aaral at kakikitaan ng

makalumang pamamaraan ng pagtuturo.
a. Padre Irene c. Padre Millon
b. Padre Fernandez d. Padre Sybilla

79. Sino ang magandang Haponesang bumihag si Rizal nang mamalagi siya sa Tokyo?
a. O-Sei-Sing c. O-Sei-Sue
b. O-Sei-San d. O-Sei-Sang

80. Ang unang lugar na narating ni Rizal nang siya ay mapunta sa Japan.
a. Akido c. Tokyo
b. Sakura d. Yokohama

81. Tawag sa sistema ng transportasyon ng mga Hapon.

a. Railway c. Ricksan
b. Rickshaw d. Rickihamasan

82. Ang tanging alam na wika ni Techo Suehiro, ang kaibigang Hapon ni Rizal.
a. Fukien c. Mandarin
b. Nihongo d. Turkish

14
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

83. Unang estado ng USA na narating ni Rizal.

a. Colorado c. New York
b. Nevada d. San Francisco

84. Aling lengguwahe ang hindi alam ni Rizal?

a. Dutch c. Korean
b. Latin d. Turkish

85. Ano ang mahalagang mensahe ng tulang Sa Aking mga Kababata?

a. pagmamahal sa magulang at kapatid
b. pagmamahal sa bayang sinilangan
c. pagmamahal sa sariling lengguwahe
d. pagmamahal sa asawa, anak, at iba pang kaanak

86. Sino ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng tulang Ultimo Adios?

a. Andres Bonifacio c. Emilio Jacinto
b. Apolinario Mabini d. Emilio Aguinaldo

87. Wikang ginamit ni Rizal sa pagsulat ng kaniyang dalawang nobela.

a. Ingles c. Tagalog
b. Kastila d. Filipino

88. Wikang ginamit ni Rizal sa pagsulat ng kaniyang unang tula.

a. Ingles c. Tagalog
b. Kastila d. Lahat ng nabanggit

89. Sa aling wika hinango ang pamagat na “Noli Me Tangere”?

a. Aleman c. Italyano
b. Hebrew d. Kastila

90. Isang taong kalaban ng simbahan at pamahalaan

a. Erehe c. Erehe at Pilibustero
b. Pilibustero d. Propagandista at Katipunero

91. Araw ng kamatayan ni Rizal.

a. Disyembre 30, 1896 c. Disyembre 30, 1898
b. Disyembre 30, 1897 d. Disyembre 30, 1899

92. Ano ang kauna-unahang dahilang binigay ni Rizal kung bakit umiiral ang katamaran sa
Filipinas?
a. klima at panahon c. sistema ng pamamahala
b. sugal at laro d. sobrang kahirapan at kaapihan

93. Isang samahang itinatag ni Rizal sa ikatlong uwi niya sa Filipinas.

a. Katipunan c. Propaganda
b. La Liga Filipina d. Asosacion de Solidaridad

94. Maliban sa isa ay mga samahang sa agham na sinalihan ni Rizal.

a. Anthropological Society c. Ethnological Society
b. Entomological Society d. Geographical Society

15
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

95. Habang nasa Paris, si Rizal ay naging assistant ng isang mahusay na optalmologong
Pranses na si
a. Dr. Feodor Jagor c. Dr. Louis D. Weckert
b. Dr. Otto Becker d. Prof. Ferdinand Blumentritt

96. Bakit sa Europa isinagawa ng mga propagandista ang kanilang mga pagkilos kontra sa
tiwaling pamamalakad ng mga Kastila sa Filipinas?
a. Liberal na lugar ang Europa
b. Kakikitaan ng maraming iskolar na Pilipino ang Europa
c. Malaya ang lahat ng uri ng sining sa Europa kaya doon nila magagawa ang kanilang
pakikibaka gamit ang kani-kanilang sining
d. Wala roon ang mga Kastila na maaaring pumigil sa kanilang mga balakin at humuli
sa kanila sakali mang may nagawa silang labag sa kagustuhan ng mga ito.

97. Anong suliraning panlipunan ang ipinakikita ng mabagal na pagtakbo ng Bapor Tabo
sa El Filibusterismo?
a. diskriminasyon c. kawalan ng kaunlaran sa bansa
b. pang-aapi sa mahihirap d. mabagal na pagsulong ng bansa

98. Ano ang ipinahihiwatig ni Rizal nang hindi pinatay ni Simoun si Basilio sa gubat nang
matuklasan nito ang kaniyang lihim?
a. dapat maging sigurista c. huwag pabigla-bigla
b. mag-isip nang mabuti d. magagamit niya ito sa kaniyang balak

99. Sa Dapitan ay nakatuklas si Rizal ng mga kakaibang insekto at butiki na nang lumaon
ay ipinangalan sa kaniya. Ano ang ipinakikita nito sa kaniya bilang tao?
a. mahusay siya sa larangan ng agham
b. hilig niyang tumuklas ng mga kakatwang bagay
c. si Rizal ay malikhain at maparaan
d. hindi lamang siya isang manunulat, imbentor din

100. Ang anekdota tungkol kay Rizal na nagpapakita ng pagkahulog ng kaniyang tsinelas
sa batis, kaya muli niyang inihulog ang isa pa ay nagpapatotoong siya
ay__________________.
a. makatao c. makakalikasan
b. makabayan d. maka-Diyos.

16
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Daloy ng Pag-aaral

Ang Talambuhay at mga Akda ni Jose Rizal

Ang Batas Rizal

MGA AKDA NI JOSE RIZAL

TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL 1. Mga Tula
A. Sa Aking mga Kababata
1. Ninuno ni Rizal
B. Mi Primera Inspiracion
2. Mga Magulang at Kapatid
C. Maria Clara
3. Kapanganakan
D. El Canto del Viajero
4. Kabataan ni Rizal
E. Himno Al Trabajo
5. Pag-aaral sa Binan
F. Mi Piden Versos
6. Ateneo at UST
G. A La Juventud Filipino
7. Unang Pangingibang-bansa
H. Sa mga Bulaklak ng
8. Pagsulat ng Noli
Heidelberg
9. Unang Pagbabalik-bayan
I. Ultimo Adios
10. Ikalawang Pangingibang
2. Mga Nobela
Bansa
A. Noli Me Tangere
11. Pagsulat ng El Fili
B. El Filibusterismo
12. Ikalawang Pagbabalik-
3. Iba pang akda
bayan
A. Hinggil sa Katamaran
13. Pagkakapatapon sa Dapitan
ng mga Pilipino
14. Ikatlong Pangingibang-
B. Liham sa Kababaihang
bansa
Taga-Malolos
15. Paglilitis at Kamatayan
C. Ang Filipinas 100 Taon
Mula Ngayon

Mga Naging Pag-ibig ni Rizal

1. Segunda Katigbak 6. Gertrude Becket

2. Binibining L 7. Suzane Jacoby
3. Leonor Rivera 8. Nelly Bousted
4. Leonor Valenzuela 9. Josephine Bracken
5. Consuelo Ortiga Y Rey

17
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Katuturan ng Talakay
Upang higit na maging magaan at kauna-unawa ang daloy at nilalaman ng
modyul na ito, minabuti ng may-akda na bigyan ng kahulugan ang mahahalagang
terminolohiyang nakapaloob dito. Basahin ito nang mabuti upang magabayan at
malaman kung ano ang ibig sabihin ng mahahalagang salita sa modyul na ito.

1. Inaasahang Bunga—ito ang pangkalahatang layuning dapat na matamo ng

mga mag-aaral pagkatapos ng buong asignatura o pagbabasa ng buong modyul.

2. Lagom-Pananaw—nakapaloob dito ang pangkalahatang pagtanaw sa

nilalaman ng modyul bilang gabay sa mga gagamit nito. Nagtataglay din ito ng
ilang panuto kung paano gagamitin ang nasabing babasahin.

3. Daloy ng Pag-aaral—ito ay isang grapikal na paglalahad ng magiging daloy

ng pag-aaral. naglalaman ito ng mga paksang nakapaloob sa modyul.

4. Paunang Pagsusulit—katumbas ito ng pre-test sa Ingles. Ito ay ang

pagsusulit bago simulang pag-aralan ang kurso. Ito ang panukatan ng guro kung
gaano na kalawak ang alam ng mga mag-aaral sa nilalaman ng kurso.

5. Katuturan ng Talakay—dito nakapaloob ang pagpapakahulugan ng

mahahalagang terminolohiya sa babasahin na sadyang inilagay upang mas
madaling unawain ang bawat bahagi ng modyul.

6. Panimula—ito ang nagsisilbing introduskiyon o pangganyak ng may-akda

bago simulang talakayin ang mga aralin sa panimula ipinakikilala ang rasyonale
ng babasahin.

7. Aralin—ito ang mga tiyak na leksiyong nahahati pa sa mga sub-aralin. Ito

ang pinakalaman ng modyul. Ito ang magsisilbing panayam o lektyur ng may-
akda. Kinakailangan itong basahin nang mabuti sapagkat dito manggagaling ang
mga sagot sa mga gawain at pagsusulit.

9. Mga Layunin—ito ang mga inaasahang bunga sa bawat aralin. Bawat aralin
ay may mga tiyak na layuning kailangang matamo at matutunan ng mga
mag-aaral.

10. Mga Gawain—ito ang magsisilbing panlinang na gawain o self-learning

activities. Sa module na ito, may apat na gawain sa bawat aralin. Ang unang
gawain ay isang pagsusulit na may pagpipilian. Ang ikalawang gawain ay
pagsusulit na pagpupuno o identification. Ang ikatlong gawain ay
nangangailangan ng komprehensibong kasagutan. Ang huling gawain ay
pawang paglikha ng mga akda kagaya ng tula, liham, repleksiyon, at iba pa.

11. Sintesis—ito ang magsisilbing paglalahat ng mga mag-aaral kung gaano na

kalawak ang kaniyang natutunan sa kurso matapos basahin lahat ng aaralin
at masagutan ang lahat ng gawain.

18
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

12. Panghuling Pagsubok—magsisilbing panukatan sa pangkalahatang

natutunan ng mga mag-aaral sap ag-aaral ng buong kurso.

13. Takdang-gawain—isang panapos na gawaing kailangang isumite

pagkatapos pag-aralan ang buong modyul.

14. Sanggunian—ang listahan ng mga babasahing ginamit at sinangguni ng

may-akda sa pagbuo ng modyul na ito.

19
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Panimula

Bilang mga Pilipino, gaano nga ba natin kakilala ang pambansang bayani ng
Filipinas na si Dr. Jose Rizal? Maliban sa nakikita natin siya sa piso, sa kahon ng posporo,
at bilang monument sa halos lahat ng bayan ng Filipinas, ano-ano pa ang alam natin sa
kaniyang buhay, pinagdaanan, at mga nagawa para sa atin at sa mga susunod pang
henerasyon?

Ang babasahing ito na may pamagat na Dr. Jose Rizal, ang Talambuhay at mga
Akda ng Pambansang Bayani (Isang Modyulaar na Paglakay) ay sadyang binuo ng
may-akda para sa mga mag-aaral ng antas tersarya na kumukuha ng kursong Rizal, Life
and Works of Rizal, o Rizal Course. Ito ay binalangkas at pinagaan ng may-akda ayon sa
kahingian ng asignatura upang makatugon sa isahan, pangkatan, o pangklaseng
talakayan. Ginamit ng may-akda ang wikang Filipino upang mas kauna-unawa ang mga
akda ng pambansang bayani lalo na ang kaniyang dalawang immortal na nobela, ang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo.

Naniniwala ang may-akda na sa pamamagitan ng babasahing ito ay mas

mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga detalyeng may kaugnayan kay Rizal. Mas
ipauunawa ng modyul na ito na ang pag-aaral ng buhay ni Rizal ay di lamang simpleng
pagtalima sa Republic Act 1425 na lalong kilala sa pangalang Rizal Law kundi
magsisilbing inspirasyon uopang pag-igihan din nila ang kani-kanilang pag-aaral para sa
kanilang sarili, pamilya, at bayan.

Bawat aralin ay may kani-kaniyang instroduksiyon, mga tiyak na layunin, mga

kaugnay na babasahin, at mga gawain o tulong sa pag-unawa. Inaasahang, bago ang
pagbasa ng mga tiyak na aralin ay malinaw sa isipan ng mga mag-aaral ang tunguhin o
layunin ng bawat bahagi. At sa pagtatapos ng mga aralin, may apat na gawaing
kailangang sagutin kasama na ang isang maikling pagsubok na may pagpipilian, isang
oagsubok na walang pagpipilian, mga tanong na kinakailangan ng komprehensibong
sagot, at malikhaing pagsulat ng repleksiyon, akda, reaksiyon, liham, at iba pang sulating
may kaugnayan sa kabanatang binasa.

Kaugnay nito, bago at pagkatapos ng lahat ng aralin ay may pauna at panapos

na pagsubok o pre-test at post test. Upang mas magabayan ang mga mag-aaral sa isahang
pag-aaral ng modyul na ito, kinakailangan munang sagutan ang paunang pagsubok at
kabisaduhin ang daloy ng pag-aaral at ang mga inaasahang bunga o learning outcomes.
Sa ganitong paraan ay mas magiging madali ang daloy ng pag-aaral sa talambuhay ng
pambansang bayani. Kung kaya, pagkatapos ng panimulang ito, maaari nang sagutan ang
paunang pagsubok sa susunod na pahina. Sa huli, inaasahan ng may-akda na babasahin
nang mabuti ng mga mag-aaral ang mga panuto at patnubay upang mas magaan ang
sarilinang pag-aaral sa kursong ito. Maligayang pagbabasa at pag-aaral sa inyong lahat!

-Prof. J

20
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Nilalaman

Mga Dahong Preliminari

Pabalat ng aklat 1
Pamagating pahina 2
Karapatang-Ari 3
Paghahandog 4
Lagom-Pananaw ng Modyul 5
Mga Inaasahang Bunga 6
Paunang Pagsubok 7
Daloy ng Pag-aaral 17
Katuturan ng Talakay 18
Panimula 20
Nilalaman 21
Mga Aralin at Gawain
Aralin 1. Ang Pamilya at Pinagmulan ni Rizal 24-33
Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4

Aralin 2. Ang Kabataan at Pag-aaral ni Rizal 34-43

Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4

Aralin 3. Pag-aaral sa Maynila 44-53

Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4

Aralin 4. Unang Pangingibang-Bansa ni Rizal 54-66

Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

21
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 4

Aralin 5. Ang Noli Me Tangere 67-80

Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4

Aralin 6. Unang Pagbabalik-bayan ni Jose Rizal 81-88

Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4

Aralin 7. Ikalawang Pangingibang-Bansa ni Rizal 89-99

Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4

Aralin 8. Paglalathala ng El Filibusterismo,

Ikalawang Pagbabalik-Bayan, at ang La Liga Filipina 100-116
Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4

Aralin 9. Pagkaaresto, Pagkakapatapon, at

Pamumuhay ni Rizal sa Dapitan 117-127
Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4

Aralin 10. Ang Huling Pangingibang-Bansa,

Paglilitis, at Kamatayan ni Rizal 128-140
Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2

22
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 3
Gawain 4

Aralin 11. Mga Nagawa at Akda ni Rizal 141-157

Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

Aralin 12. Mga Pag-ibig ni Rizal 158-167

Mga Layunin ng Aralin
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4
Mga Dagdag na Dahon
Sintesis 168
Panghuling Pagsubok 169
Takdang-Gawain 180
Sanggunian 181
Ang May-akda 182

23
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 1

Ang Pamilya at Pinagmulan ni Rizal

Katulad ng isang karaniwang Pilipino, si Rizal ay buhat sa isang simple subalit
masayang pamilya. Ang kaniyang mga magulang ay sadyang madasalin at may malaking
pagpapahalaga sa relihiyon at edukasyon. Sa munting bayan ng Calamba, Laguna,
hinubog ng pamilya Mercado ang moral, intelektuwal, at sosyal na aspekto ng buhay ng
batang si Pepe.

Bunga ng puspusang pagsisikap, pagpupunyagi, pagtitiyaga, at pagbabanat mg

buto ay napabilang ang pamilya Mercado sa nakaririwasang angkan ng Calamba. Sa mga
panahong yaon, ang mayayamang angkan ay tinatawag ng mga Kastila na “Prinsipalya”
at mga nakapag-aral o edukadong Pilipino ay tinatawag namang “Ilustrado”.

Isa sa mga katibayan ng pagkakaroon nila ng kaya sa buhay ay ang kanilang

bahay na yari sa bato, tabla, at tisa. Mayroon din silang karuwahe na noong panahong
iyon ay sagisag ng pagigng may kaya sa buhay. Hanggang ngayon ay makikita rin ang
gayong kaugalian sa Calamba, Laguna.

Sa kabanatang ito, ipakik ilala ng may-akda ang mga detalyeng nakapaloob sa

kapanganakan ng pambansang bayani, ang kaniyang mga magulang at kapatid, pati na
ang mga ninuno niya (Lorenzo, et al 2000).

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Mailarawan ng klase ng kabataang pinagdaanan ng batang si Jose Rizal;

2. Makilala ang mga magulang ni Rizal pati na ang kani-kanilang mga
katangian;
3. Maisa-isa ang kaniyang mga kapatid; at
4. Mabakas ang pinagmulang angkan ni Jose Rizal.

Kapanganakan ni Rizal

Sa talambuhay ni Rizal na pinamagatan niyang “Memoires of a Student in

Manila” inilahad niyang siya ay isinilang sa isang simpleng tahanan sa dalampasigan ng
Calamba, Laguna, sa hatinggabi ng Miyerkoles, Hunyo 19, 1861. Muntik nang ikamatay
ng kaniyang ina ang panganganak sa kaniya dahil sa medyo may kalakihan ng kaniyang
ulo. Naniniwala silang ang pagkaligtas ng kaniyang ina ay bunga ng pananalangin nito
noon sa Birhen ng Antipolo.

Makalipas ng tatlong araw matapos siyang ipanganak, siya ay bininyagan sa

simbahang Katoliko sa pangalang Jose na isinunod ng kaniyang mga magulang sa
pangalan ni San Jose. Ang kaniyang mga magulang lalong-lalo na ang kaniyang ina ay
isang matapat na deboto ng Kristiyanong Santong si San Jose.

Sa araw ng kaniyang binyag, napuna ni Padre Rufino Collantes, ang kura ng

kanilang parokya na may kalakihan nga ang ulo ni Rizal. Natuwa siya rito at sinabi sa

24
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

mga magulang at kapatid niya na darating ang panahon, ang batang bininyagan ay
magiging isang napakahusay at dakilang tao. Ang hinuhang ito ni Padre Collantes ay tila
nagkatotoo sa mga sumunod na pangyayari sa buhay ng batang si Rizal.

Mga Magulang ni Rizal

Si Jose Rizal ay pampito sa labing-isang anak nina Don Francisco Mercado

Rizal at Donya Teodora Alonzo Realonda. Ang kaniyang ama ay isang taal na taga
Binan, Laguna. Matapos mamatay ng ama ni Don Francisco, siya ay lumipat ng
Calamba at nakisaka sa lupain ng mga Dominikanong nagmamay-ari ng asyenda. Siya
ay isang masipag at masigasig na tao. hindi siya masyadong masalita subalit mas
nakahihigit sa paggawa at paghahanapbuhay. Siya ay isang lalaking hindi basta-batsa
naloloko o napapaniwala ng sinuman. Siya ay isang lalaking may paninindigan,
malakas ang dating ng pagkatao, at edukadong-edukado, mga bagay na namana sa
kaniya ni Rizal. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan sa
Maynila. Sa mga katangiang ito, ituring siya ni Rizal bilang “modelo ng lahat ng ama”.

Ang ina ni Jose Rizal ay si Donya Teodora Alonzo Realonda, na mas bata ng
walong taon kay Don Francisco Mercado. Siya ay isinilang noong Nobyembre 8, 1826
sa Manila kung saan siya lumaki at nagdalaga. Nag-aral siya sa Kolehiyo ng Santa Rosa,
isang tanyag na kolehiyo para sa kababaihan sa siyudad. Siya ay isang mahinhing babae
na nagpamalas noon ng yumi at kabaitan ng pag-uugali at kamalayang kultural.
Nakapagsasalita siya noon ng matatas na Kastila. Siya ay isang totoong kahanga-
hangang babae. Dahil dito, labis ang pagdakila at pagmamahal ni Rizal sa kaniyang ina.
Ito ang kaniyang naging unang guro. Kay Donya Teodora niya natutunang magbasa at
magdasal. Sa edad na lima ay natuto na siyang magbasa ng katon. Natututo siyang
magdasal sa gulang na tatlo. Busog sa pangaral ang pambansang bayani. Sa paglaki ni
Rizal, inalala niya ang kadakilaan ng kaniyang ina sa pamamagitan ng pagsasanib niya
ng mga katangian nito sa mapagmahal at mapag-arugang karakter ng una niyang
nobela—si Sisa.

Ang Kuwento ng Isang Gamugamo

Sinanay ni Donya Teodora ang batang Rizal sa pagbabasa ng mga aklat.

Maliban sa pagbabasa, naging mabulaklak din ang kaisipan ni Rizal dahil sa mga
kuwentong isinalaysay sa kaniya ni Donya Teodora. Isa na rito ang hindi niya
malilimutang kuwento ng isang gamugamo. Ang kuwento ng isang gamugamo ay isang
magandang alaala ng kabataan ni Rizal. Ito ay nangyari noong isang gabing tinutuan
siya ng kaniyang ina na basahin ang isang lumang aklat na El Amigo de los Ninos.
Napansin ni Donya Teodora ang kawalang gana ng anak sa binabasang aklat. Pinukaw
kasi ang kawilihan ni Rizal ng mga maliliit na gamugamong naglalaro sa paligid ng
apoy. Doon nakapako ang kaniyang paningin. Tila manghang-mangha ang batang Rizal
sa mga insektong palipad-lipad sa paligid ng ningas ng kanilang ilawan. Dahil dito ay
ikinuwento ng ina ang maikling kasaysayan ng mag-inang gamugamo.

Ang kuwento ni Donya Teodora:

25
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Minsan may isang gamugamo na naakit ng kagandahan ng apoy

ng isang ilawan. Ito ay masayang nagpalipad-lipad sa paligid ng ningas.
Kinagiliwan niya ang kulay ng ningas na tila banayad na sumasayaw-
sayaw dahil sa mahinhing ihip ng hangin. Habang siya ay lumilipad,
nakita siya ng kaniyang ina. Tinawag siya nito at kinausap. Binalaan ng
inang gamugamo ang anak na gamugamo. Ayon sa ina, dapagt na mag-
ingat ang batang gamugamo sapagkat maganda man apoy subalit ito ay
mapanganib at nakamamatay. Maaari nitong sunugin ang mga pakpak
nila. Subalit, sa kabila ng babala ng ina, naglaro pa rin ang anak na
gamugamo sa paligid ng apoy. Siya ay tuwang-tuwang lumipad-lipad sa
makulay na ningas hanggang sa di niya namamalayang papalapit na
siya nang papalapit dito. Sa isang iglap ay dinilaan ng apoy ang munting
pakpak ng gamugamo hanggang sa tuluyan itong natupok.

Ipinaunawa ni Donya Teodora sa batang si Rizal na kagaya ng gamugamo, hindi

siya dapat lumalapit sa anumang apoy o panganib sapagkat ito ay maaaring magdulot
ng kapahamakan.

Ayon sa ilang mananaysay sa buhay ni Rizal, ang katangian ng pamilya ay

naimpluwensiyahan ng kanilang liping pinagmulan. Ang pagpapahalaga sa kasarinlan
at hilig sa paglalakbay ay nakuha nila sa angkang Malayo. Sa angkang Espanyol naman
nagbuhat ang kanilang pagiging sensitibo sa mga insult pati na sa pagiging elegante sa
pananamit. Sa kanilang mga magulang nila natutunan ang pagmamahal sa mga bata
habang sa ina nila natutunan ang saysay ng sakripisyo at pagpapahalaga sa mga sining
at panitikan.

Ang Magkakapatid na Mercado

Si Jose Rizal ay pampito sa labing-isang magkakapatid. Sapul pagkabata, naging

malapit na si Rizal sa kaniyang mga kapatid. Sa katunayan, ang kaisa-isa niyang kapatid
na lalaki ay itinuring niyang pangalawang ama. Samantala, ang mga kapatid niya
namang babae ay naging kalaro niya. Mahilig sila noong maglaro ng luwag o putik na
pinaghuhugis ng kung ano-ano. Pinalayawan siya ng kaniyang mga kapatid sa
pangalang Pepe. Bata pa man, naging makabuluhan at malaman na ang kaniyang mga
naging pananalita. Isa sa mga anekdota ang nagsasabing:

Noong naglalaro sila ng luwag kasama ang mga

nakababatang kapatid ay bumuo si Pepe ng tila isang maliit na
bantayog. Tinanong siya ng kaniyang mga kapatid kung ano ang
kaniyang ginawa. Sinabi niyang iyon ay siya. Pinagtawanan siya ng
mga ito dahil sa kaniyang mga sagot. Subalit sa halip na magalit ay
seryoso niyang sinabing, darating ang panahon, makikita sa halos
lahat ng lugar sa buong bansa ang kaniyang bantayog.

Iyon ay isang pahayag na nagkatotoo sa paglipas ng panahon. Halos lahat ng

bayan, maging sa ibang bansa kagaya ng Hong Kong at Alemanya ay may bantayog ng
pambansang bayani.

26
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gaya ng nakasaad, ang mag-anak na Rizal ay biniyayaan ng labing-isang anak.

Siyam na babae at dalawang lalaki. Ito ay kinabibilangan nina:

1. Saturnina—siya ang pinakamatanda sa magkakapatid na Rizal.

Pinalayawan siyang Neneng. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng La Concordia
sa Santa Ana, Manila. Pinakasalan niya si Manuel T. Hidalgo na isang
mamamayan ng Tanawan, Batangas.

2. Paciano—siya ang nag-iisa at nakatatandang kapatid na lalaki na tinawag

ni Rizal sa pangalang “Uto” at itinuturing niyang pangalawang ama.
Sinamahan niya si Rizal kapag siya ay nagpapatala sa mga paaralan. Dahil
sa kasawiang sinapit ng GomBurZa at sa mga ideolohiya ng nakababatang
kapatid na si Jose, siya ay umanib sa rebolusyon kung saan siya
nakipaglaban bilang isang matapang na Heneral. Pagkatapos ng rebolusyon,
nanirahan si Paciano bilang isang magsasaka sa kaniyang bukirin sa Los
Banos, Laguna. Namuhay siya bilang isang mabuting magsasaka at namatay
nang matandang binate sa gulang na 79. Naiwan niya ang dalawang anak,
isang lalaki at isang babae sa kaniyang kinasamang si Severina Decena.

3. Narcisa—siya ang pangalawang babae ng pamilya na pinalayawang Sisa.

Isa siyang guro sa Morong. Pinakasalan niya si Antonio Lopez, pamangkin
ni Padre Leoncio Lopez.

4. Olympia—siya ang pangatlong babae ng pamilya Rizal. Ang palayaw niya

ay Ypia. Asawa niya si Silvestre Ubaldo, isang operator ng letegrapo sa
Maynila.

5. Lucia—siya ang panlimang anak nina Francisco Mercado at Teodora

Alonzo Realonda. Pinakalasalan niya si Mariano Herbosa ng Calamba. Siya
ay namatay sa sakit na kolera at pinagkaitan ng misa sa araw ng kaniyang
libing sapagkat kapatid siya ni Jose Rizal.

6. Maria—Biang ang palayaw niya. Pinakasalan niya si Daniel Faustino Cruz

na mula sa Binan, Laguna.

7. Jose—ang pinakadakilang bayaning Pilipino. Isang henyo na pinalayawang

Pepe. Namuhay siya sa Calamba nang siya ay ipatapon dito. Nakasama niya
roon si Josephine Bracken, isang babaeng Irish na mula sa Hong Kong.
Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Namatay ito ilang oras matapos
isilang. Pinangalanan niya itong “Francisco” kagaya ng kaniyang ama.

8. Concepcion—siya ay pinalayawang Concha. Namatay siya nang siya ay

tatlong taong gulang pa lamang (1862-1865). Ang kaniyang pagkamatay ang
maituturing na unang kasawian ni Pepe. Labis na ikinalungkot ng batang
Rizal ang pagpanaw ni Concha.

9. Josefa—siya ay tinawag na Panggoy ng kaniyang pamilya. Namatay siya

nang walang asawa sa edad na 80.

27
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

10. Trinidad—ang kaniyang palayaw ay Trining. Kagaya ng kapatid niyang si

Josefa, siya ay hindi rin nag-asawa at namatay nang dalaga sa gulang na 83.

11. Soledad—Choleng ang kaniyang palayaw at pinakabata sa lahat ng

magkakapatid na Rizal. Pinakasalan niya si Pantaleon Quintero ng Calamba.

Malaki man ang pamilya ng mga Rizal subalit ang mga bata ay nagkaroon ng
masaya at maayos na pagsasamahan. Mahigpit ang pagkakabuklod ng mag-anak at ang
pagmamahalan ng magkakapatid ay malakas. Mahal na mahal sila ng kanilang mga
maagulang subalit hindi sila kailanman pinalaki sa labis na kalayawan., sa katunayan,
masyadong mahigpit at madisiplinang mga magulang ang mag-asawang Francisco at
Teodora kapag ang mga anak ay nakagawa ng kamalian o kaya ay nasangkot sa mga
gawaing hindi mainam. Tinuruan nila ang kanilang mga anak na mahalin at
pahalagahan ang kanilang mga kababayan at higit sa lahat pagmamahal sa Diyos,
pagiging matapat, at masunurin. Tinuruan din nila ang kanilang mga anak na maging
magalang lalong-lalo na sa nakatatanda.

Nagsisimba ang buong pamilya sa simbahan ng Calamba, lalo na tuwing Linggo at

iba pang mahahalagang araw. Dinarasal nila nang sama-sama ang Angelus at ang rosary
tuwing gabi bago sila matulog. Lahat ng mga anak nila ay sinanay na magmano sa ama’t
ina pagkatapos magdasal. Ang buhay ng magkakapatid ay hindi laging pagsisimba at
pagdarasal. Sa katunayan, sila ay pinapayagang maglaro sa azotea o kaya sa malawak
nilang bakuran.

Ang mga Rizal ay kabilang sa mga pamilyang nakakaluwag-luwag sa bayan ng

Calamba. Sa pamamagitan ng kasipagan at pagiging masinop sa pera ay natamo nila
ang maalwang pamumuhay, nakapagpatayo sila ng isang malaking bahay na bato
malapit sa simbahan ng bayan, nakabili rin sila ng isang karuwahe na noo’y sagisag ng
marangyang buhay ng mga ilustrado noong panahon ng mga Kastila. Naipatayo rin nila
ang isa sa mga pinakamalaking aklatan sa buong Calamba. Maliban pa rito ay napag-
aral nila ang kanilang mga anak sa kolehiyo sa Maynila.

Ang kita ng pamilya ay nakapagbigay sa kanila ng sapat at komportableng

pamumuhay na dahilan kung bakit sila nakapaglulunsad ng mga gawaing pambayan at
panrelihiyon sa kanilang bayan. Nagdaraos din sila ng pista, kasiyahan, salusalo, at
pagtitipon kung saan magiliw nilang tinatanggap ang kanilang mga panauhin sa
pamamagitan ng paghahain ng masasarap na pagkain. Pinakikisamahan nila ang lahat
ng kanilang mga panauhin anuman ang kulay, ranggo, estado sa buhay, at posisyon sa
komunidad—mga Prayle man, Kastila, Pilipino, bata man o matanda. Kahit sino ay
magiliw nilang tinatanggap sa kanilang bahay anumang oras.

Ang mga Ninuno ni Rizal

Katulad ng lahat ng mga Pilipino, si Jose Rizal ay buhat din sa lahing Malayo.
Ang kaniyang dugo ay kumbinasyon ng Negrito, indones, Tsino, Hapones, at Espanyol.
Sa panig ng kaniyang ama, ang kanunu-nunuan ni Rizal ay isang Intsik na buhat sa
Lungsod ng Fukien ng Changchow. Ang pangalan nito ay Domingo Lameo, isang
mangangalakal na nanahanan sa Filipinas. Siya ay naging Kristiyano at nagpakasal sa
isang babaeng Kristiyano na nagngangalang Ines Dela Rosa. Ginamit niya ang

28
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

apilyedong Mercado, isang terminong Espanyol na nangangahulugang palengke, na

sadyang bagay naman sa kaniyang bilang isa siyang mangangalakal. Ang pagpapakasal
nina Domingo Mercado at Ines dela Rosa ay binayayaan ng isang anak na lalaki. Siya
ay pinangalanan nilang Francisco Mercado na nang lumaon ay nagpakasal sa isang
Chinese-Filipina na nagngangalang Cirila Bernacha. Ang mag-asawa ay nanirahan sa
Binan, Laguna kung saan si Francisco ay nahalal na Gobernadorcillo ng bayan. Isa sa
kanilang mga anak si Juan Mercado, ang lolo ni Jose Rizal. Pinakasalan ni Juan si Cirila
Alejandro, isang mestizang intsik. Naging gobernadorcillo rin siya ng Binan. Sina
Kapitan Juan at Kapitanan Cirila ay pinagkalooban ng labintatlong anak. Ang bunso sa
mga ito ay si Francisco Mercado, ang ama ni Jose Rizal.

Namatay ang ama ni Fracisco Mercado nang siya ay walong taong gulang pa
lamang kaya ang kaniyang ina ang nag-iisang nag-aruga at nagpalaki sa kaniya. Nag-
aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan sa Maynila. Habang nag-aaral,
nakilala niya si Teodora Alonzo Realonda na kaniyang inibig at pinahalagahan. Sila ay
napakasal noong Hunyo 28, 1848. Ang mag-asawa ay nanirahan sa Calamba. Namuhay
sila bilang mga magsasaka sa sang lupaing pagmamay-ari ng isang dominikano. Doon
sila bumuo ng isang malaking pamilya.

Pinaniniwalaang ang angkan ni Donya Teodora ay buhat sa angkan ng kahuli-

hulihang hari ng Tondo, si Lakandula. Ang kaniyang ninuno ay si Eugenio Ursua na
buhat sa angkang Hapones. Nagpakasal siya sa isang Pilipinang nagngangalang
Benigna (hindi malaman kung ano ang kaniyang apilyedo). Ang mag-asawa ay
nagkaroon ng anak na babae na nagngangalang Regina na nagpakasal naman sa isang
lalaking ang pangalan ay Manuel de Quintos, isang abogadong Filipino-Tsino na buhat
sa lalawigan ng Pangasinan. Isa sa mga anak na babae nina Atty. Quintos at Regina ay
si Brigida, ang lola ni Jose Rizal. Pinakasalan ni Brigida si Lorenzo Alberto, isang
mestizong Filipino-Kastila mula naman sa bayan ng Binan. Sila ay nagkaroon ng
limang anak: Sina Narcisa, Teodora (ang nanay ni Jose Rizal), Gregorio, Manuel, at
Jose. Bilang anak ng isang bantog na pamilya, nag-aral si Teodora sa Maynila kung
saan niya nakilala si Francisco Mercado at sila ay napakasal.

Ang tunay na apilyedo ng pamilya Rizal ay Mercado subalit napakarami ng

Mercado sa Filipinas na hindi naman nila kaanak. Pinaniniwalaang may isang Alkalde
Mayor noon na kaibigan ng mga Rizal na nagdagdag ng naturang apilyedo upang sila
ay mapaiba sa mga Mercadong hindi nila kaanak. Hindi ito napakahalaga sa pamilya.
Sa katunayan, si Jose ang tanging gumamit ng naturang apilyedo kaya ang tingin ng
mga di nakakaalam ng dahilan, siya ay isang anak sa labas.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang dahilan kung bakit muntik nang mamatay si Donya Teodora Alonzo nang
ipanganak niya si Jose Rizal?
a. Malaking katawan ng bata
b. Malaki ang ulo ng bata
c. May kakambal ang bata
d. Tumaas ang presyon ni Donya Teodora

29
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

2. Kanino nanalangin si Donya Teodora para maging ligtas ang kaniyang

panganganak?
a. Birhen ng Antipolo c, Birhen ng Tanauan
b. Birhen ng EDSA d. Birhen ng Urdaneta

3. Ano ang tawag sa pamilyang nakakaluwag-luwag noong panahon ng mga Kastila?

a. Dugong Bughaw c. Ilustrado
b. Encomiendero d. Prinsipalya

4. Ano ang ibig sabihin ng apilyedong Rizal?

a. Luntiang bukirin c. Luntiang taniman
b. Luntiang palayan d. Luntiang damuhan

5. Ano ang ibig sabihin ng apilyedong Mercado?

a. Daungan c. Pamilihan
b. Kalakalan d. Tindahan

6. Sino ang kapatid ni Rizal na pumanaw nang bata pa kaya ang pagmatay niya ang
kauna-unahang kasawian ng batang si Rizal?
a. Concepcion c. Soledad
b. Olimpia d. Trinidad

7. Siya ang pinakamatandang kapaatid na babae ni Dr. Jose Rizal.

a. Narcisa c. Saturnina
b. Olympia d. Trinidad

8. Siya ay itinuturing na pangalawang ama ni Rizal.

a. Jose Albarto a. Paciano Mercado
b. Don Francisco d. Teomoteo Pelaez

9. Sa anong insekto inihambing ni Donya Teodora ang kanaiyang anak kapag hindi
nito iniwasan ang gulo?
a. Bangaw c. Paruparo
b. Gamugamo d. Tipaklong

10. Ang ninuno ni Rizal na si Domingo ay isang mangangalakal na ___________.

a. Aleman c. Intsik
b. Hapon d. Kastila

Gawain 2. Ibigay ang hinihinging detalye sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa
puwang pagkatapos ng bawat aytem.

11. Ano ang tawag ni Rizal sa kaniyang nakatatanda at nag-iisang kapatid na lalaki?
_________________________

12. Asawa ni Saturnina.

_________________________

30
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

13. Ang bunso sa magkakapatid na Rizal.

_________________________

14. Ang sinabi ni Rizal habang naglalaro ng luwad na makikita ng mga tao sa buong
Pilipinas pagdating ng panahon.
_________________________

15. Ang kinakasama ni Paciano na siya ring ina ng kaniyang dalawang anak.
_________________________

16. Ilang taon si Paciano nang siya ay namatay?

_________________________

17. Saan nanirahan si Paciano pagkatapos ng rebolusyon.

_________________________

18. Ang palayaw ni Saturnina.

_________________________

19. Ang kapatid ni Rizal na pinalayawang Panggoy.

__________________________

20. Ang kapatid ni Rizal na pinalayawang Sisa.

__________________________

21. Ang naging asawa ni Lucia Rizal.

__________________________

22. Siya ang kapatid ni Rizal na may palayaw na Biang.

__________________________

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na katanungan.

21. Bakit Mercado ang ginamit na apilyedo ng pamilya ni Jose Rizal? Ipaliwanag ang
pinag-ugatan nito.
_____________________________________________________________________

_____________________________

22. Ipaliwanag kung paano maiuugnay ang naging kinahinatnan ng buhay ni Rizal sa
kuwento tungkol sa insekto na mula sa ina ni Rizal.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

31
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________

23. Ilarawan kung anong klase ng pamilya ang mga Mercado.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________

24. Bakit sinasabing si Jose Rizal ay buhat sa angkang Tsino, Kastila, Hapones, at
Filipino?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________

25. Iguhit ang family tree ng pamilya Rizal mula sa ninuno ng kanilang mga magulang
hanggang sa labing-isang anak nito.

32
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 4. Sumulat ng isang maikling repleksiyon hinggil sa tinalakay na

kabanata.

____________________________________________________________________

33
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 2

Ang Kabataan at Pag-aaral ni Rizal

Anumang nararating ng tao sa kaniyang buhay ay nakadepende sa kung paano
siya pinalaki ng kaniyang mga magulang. Sapul pagkabata, natututunan ng tao ang samot-
saring pagpapahalaga, kaalaman, paniniwala, pilosopiya, prinsipyo, at iba pang aspekto ng
buhay. Ang mga ito ay nagsisilbing pundasyon sa ikatatagumpay o ikabibigo ng isang
indibidwal. Hindi naiiba si Rizal sa ganitong aspekto. Sa katunayan, ang kaniyang kabataan
ay sadyang napakayaman sa aruga at karanasan na nagamit niya sa mga sumunod na tagpo
ng kaniyang buhay.

Ayon nga sa aking propesor sa Kursong Rizal’s Life and Works noong kolehiyo
na si Prof. Homer Barceta, may tatlong dahilan kung bakit naging napakahusay ni Rizal sa
halos lahat ng larangang kaniyang sinuong: heredity o lahi, kalikasan, at ang pagpapala ng
Poong Lumikha. Matatalino, masinop, at relihiyo ang kaniyang mga magulang kaya ganoon
din ang naging mga katangian ng batang si Pepe. Maliban dito, kinagiliwan niyang
mamasyal sa dagat, panoorin ang mga alon, mga bulaklak at ibon, at ang takipsilim. Ito ang
dahilan kung bakit naging napakahusay niyang manunulat. Higit sa lahat, ang kaniyang
pagiging madasalin ang nabigay sa kaniya ng walang hanggang kahusayan dahil sa
pagpapala ng Poong Maykapal.

Sa kabanatang ito, isasalaysay ng may akda ang kabataan ni Rizal pati na ang
kaniyang pag-aaral. babanggitin sa kabanatang ito ang mga nakaimplwensiya kay Rizal na
naging dahilan ng kaniyang mga aksiyon sa mga susunod na bahagi ng kaniyang buhay.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Mailarawan ang klase ng kabataang pinagdaaanan ng batang si Pepe;

2. Maisalaysay ang mga karanasan ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Laguna;
3. Maunawaan kung ano ang kaugnayan ng paggarote sa GomBurZa sa naging
mga paniniwala ng pambansang bayani; at,
4. Matuklasan ang mga dahilan ng pagkakapiit ni Donya Teodora.

Kabataan ni Rizal

Ginugol ni Rizal ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan sa bayan ng Calamba

at Binan, agua. Ang kaniyang kabataan ay puspos ng magagandang alaala sapagkat ang
kanilang tahanan sa Calamba ay malapit sa paanan ng Bundok ng Makiling at sa baybayin
ng Lawa ng Laguna kung kaya’t naging makulay at kaibig-ibig ang kaniyang mga
karanasan sa panahon ng kaniyang kamusmusan. May kaliitan at masasakitin si Jose kung
kaya’t tatlong taon pa lamang siya ay ikinuha na siya ng isang yaya upang higit siyang
mapangalagaan. Ipinagpatayo p siya ng kaniyang ama ng isang kubo na yari sa nipa sa loob
ng kanilang bakuran upang doon makapaglaro nang malaya sa loob ng kanilang hardin.
Kadalasan ay doon siya nalilibang na pakinggan at pagmasdan ang Culinauan, Maya,
Maria-Capra, Pipit, at iba pang uri ng ibon.

Unang narinig ni Jose sa kaniyang yaya ang mga kuwentong tungkol sa mga aswang,
nuno sa punso, mga maligno, tikbalang, at iba pang kuwentong pambata.

34
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sa kaniyang paglaki ay nakalugdan niya ang pamamasyal sa luntiang bukirin at

dalampasigan kasama ang kaniyang asong si Usman. Kung minsan naman ay sakay siya ng
kaniyang kabayo at kung minsan ay naglalakad siya kasama ang isa pa niyang asoong itim
na si Berganza.

Nakagawian din niya ang pamamasyal sa bahay ng ilang magsasaka na malalapit din
sa kanila upang makarinig lamang ng mga kuwentong bayan at alamat tungkol sa iba’t
ibang lugar sa laguna.

Simula pa sa kamusmusan ni Jose ay nabakas na sa kaniya ang likas na katalinuhan.

Mapagtanong siya tungkol sa mga bagay-bagay na nakikita at napapansin niya sa kaniyang
paligid. Minsan ay napagtutuunan niya ng pansin ang isla Talim na nasa kabilang bahagi
ng lawa ng Laguna. Itinanong niya sa kaniyang ama kung may mga nakatira din daw bang
mga tao roon ay hindi rin masaya katulad ng mga nasa Calamba.Sa kaniyang mga kilos at
pagsasalita ay madalas mahiwatigan na dama na rin niya, bagamat isang bata ang kahirapan
at kalungkutang nararanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila.
Naiuugnay na niya at nabibigyan ng mga kahulugan ang kaniyang mga naririnig at
nakikitang mga pangyayari sa kaniyang bayan. Sa kaniyang murang gulang ay nalalaman
na niya na ang mga Pilipino ay hindi malaya sa kanilang pamumuhay sa sariling bansa.
Nakikita niya na hindi niya naiibigan na ang mga Pilipino ay sunod-sunuran sa kung ano
ang nais ng mga namumunong Kastila. Ang ganitong sitwasyon ay labis na ikinabagabag
ng kaniyanng kalooban.

Mahal na mahal si Jose ng kaniyang mga kapatid lalo na ng kaniyang Kuya paciano
na siyang higit na malapit at nagpakita ng ibayong pag-aalala kay Uto (ito ang pabirong
tawag sa kaniya ng kaniyang mga kapatid). Si Paciano ang itinuturing ni Jose na
pangalawang ama. Siya ang nagbigay ng higit na atensiyon upang matuguan ang mga
pangangailangan ni Jose sa kaniyang pag-aaral. marahil ay isa ito sa mga dahilan kung bakit
hindi na nakapag-asawa si Paciano.

Apat na taon si Jose nang maranasan niya ang magdalamhati dahil sa pagkamatay ng
kaniyang nakababatang kapatid na sumunod sa kaniya—si Concha. Namatay si Concha sa
isang karamdaman nang siya ay may tatlong taong gulang pa lamang. Mabait at
mapagmahal ang ina ni Jose subalit kung dapat na paluin si Jose, ito ay pinapalo niya ng
tsinelas. Ang pagdidisiplina ng ina ni Jose ay nauunawaan niya kaya’t nang siya ay may
hustong gulang na ay lagi niyang nasasabi sa kaniyang sarili na anuman mayroon at anuman
ang mabuting kinahinatnan ng isang anak ay utang niya sa kaniyang ina.

Mahal na mahal ni Rizal ang bayan ng Calamba. Sa katunayan, siya ay sumulat ng

isang tula para dito. Pinamagatan niya itong “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Sa Alaala ng
Aking Bayan”. Siya ay mahina, sakitin, at maliit noong siya ay tatlong taong gulang. Dahil
dito, siya ay labis na inalagaan ng kaniyang mga magulang at kapatid.

Isa sa pinakamasasayang alaala ni Rizal noong siya ay bata pa ay ang paglalakbay

nila ng kaniyang Ama patungong Antipolo upang tuparin ang pangako ng kaniyang ina
noong siya ay ipinanganak nito. Sila ay sumakay sa isang kasko na naglayag sa Ilog Pasig.
Kinagiliwan niya ang kaniyang kauna-unahang paglalakbay, sa panonood ng tubig-ilog, sa
katahimikan ng gabi, at ang maningning na silahis na tumatagos sa banayad na tubig ng
malawak na lawa sa sumunod na araw. Pagkatapos magdasal sa dambana ng Birhen ng

35
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Antipolo, nagtungo sina Jose at ang kaniyang ama sa Maynila upang dalawin ang kaniyang
kapatid na si Saturnina na nag-aaral noon sa Kolehiyo ng La Concordia sa Santa Ana. Yaon
ang kaniyang unang pagtungo sa Maynila.

Sa murang gulang, si Rizal ay biniyayaan na ng kakaibang mga talento. Ibinubuhos

niya ang kaniyang panahon sa pagmamasid sa kaniyang kapaligiran. Labis na tuwa ang
kaniyang nadarama sa pagmamasid sa kagandahan ng kalikasan. Tuwang-tuwa siya sa mga
bagong bukad na mga talulot ng bulaklak sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw., at tila
sumasayaw sa mabining ihip ng hangin. Bilang isang alagad ng sining sa murang gulang,
sinubukan niyang gumuhit ng mga bagay gamit ang kaniyang lapis. Nagmomolde rin siya
ng mga debuho na nakahuli ng kaniyang pantasya’t kawilihan.

Hindi lang isang potensyal na manunulat at alagad ng sining si Rizal. Isa rin siyang
madyikero. Malikhain ang kaniyang mga kamay at daliri sapagkat nagagalaw niya ito at
pinag-aanyong tila mumunting tao o hayop kapag itinatapat sa harap ng ilaw at putting tela.
Nakapagsasagawa rin siya ng mga mahika gamit lamang ang kaniyang kamay. Sa bilis ng
kaniyang kamay ay nakakaya niyang paglahuin ang isang panyo nang hindi nahuhuli ng
mga matang nanonood kung saan ito napunta.

Ang magagandang karanasan ni Rizal sa bayan ng Calamba ay nahaluan ng di

masasayang pangyayari dahil sa kalupitan ng mga guwardiya sibil na paroo’t parito sa
kanilang bayan. Habang naglalakad siya, isang bukang liwayway sa isang tag-init, si Rizal
kasama ang aso niyang si Berganza ay nakitang pinagmamalupitan at sinasaktan ng mga
guwardiya sibil ang mga walang labang mamamayan ng kanilang lugar.

Ang Impluwensiya ng mga Tiyuhin ni Rizal

Malaki ang naging impluwensiya sa batang Jose ng kaniyang mga tiyuhin lalong lalo na
yaong tatlong nakababatang kapatid ni Donya Teodora. Maraming kalinangang natamo si
Rizal dahil sa tatlong tiyuhing ito. Ang mga kalinangang ito ay nagsilbing dagdag na
kontribusyon kung bakit lalo pang naging mahusay ang pambansang bayani sa halos lahat
ng larangan. Ang mga natutunan niya sa kaniyang mga tiyuhin ay kinabibilangan ng
sumusunod:

1. Tiyo Jose Alberto—siya ang nag-impluwensiya kay Jose sa pagpapahalaga sa

sining kagaya ng palarawang sining, iskultura, at panitikan. Sa kaniya nagpapaturo
ang batang si pepe kung paano magpinta o kaya umunawa ng mga tula.
2. Tiyo Manuel—palakasan naman ang naging impluwensiya ni Tiyo Manuel. Bata
man ay naturuan na siya nito ng mga paraan sa pagtatanggol sa sarili.
3. Tiyo Gregorio—palabasa rin si Tiyo Gregorio. Mula sa mga akdang pampanitikan
at mga akdang panrelihiyon ay mahilig si Tiyo Gregorio. Ito naman ang naipamana
niya sa batang si Jose.

Mga Unang naging Guro ni Rizal

Ang mga unang pag-aaral ni Jose ay nagganap sa bayan ng Calamba. Ang mga
aralin dooon ay nakatuon sa apat na P—pagsulat, pagbasa, pagbilang, at pagsamba. Hindi
man ganoon kainam ang sistema ng pagtuturo noon, ginawa ni Rizal ang lahat upang

36
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

maging handa sa pag-aaral niya sa kolehiyo sa Maynila at sa ibang bansa. Sa kabila nito,
ang kaniyang mga naging guro ay estrikto. Ang pag-aaral noon ay nakasentro sa pagsasaulo
ng mga aralin at sa pamamalo kapag sila ay nagkamali. Ganunpaman, sa kabila ng liit at
hina ng pangangatawan ni Jose, napaunlad niya ang kaniyang sarili sa larangan ng pag-
aaral at naging “intellectual giant” kahit pa makaluma ang sistema ng pagtuturo sa Pilipinas
noon.

Gaya ng nabanggit sa unang kabanata, si Donya Teodora ang unang naging guro
ni Jose. Sa kaniyang ina una niyang natutunan ang alpabeto. Sa edad na tatlo pa lamang ay
marunong na siyang sumulat at bumasa. Sa pamamatnubay ng kaniyang relihiyosang ina
ay natutunan na rin niya ang mga unang dasal na dapat matutunan ng isang bata. Ang
kaniyang ia ang unang humikayat sa kaniya na magsulat ng tula. Kaya naman, sa gulang na
walo ay nasulat niya ang kauna-unahan niyang tulang “Sa Aking mga Kababata”. Ito ay
tatalakayin sa mga susunod na bahagi ng aklat na ito.

Maliban kay Donya Teodora, kabilang din sa mga unang guro ni Jose Rizal ang
sumusunod:

1. Maestro Lucas Padua—nagturo sa kaniya ng kagadahang asal at wastong

pag-uugali.
2. Maestro Leon Monroy—nagturo kay Rizal ng Aritmetika o pagbilang. Siya
ay tumira sa bahay ng mga Mercado upang maging tutor ni Jose. Tinuruan
niya rin ito ng Espanyol at Latin. Namatay ito pagkalipas ng limang buwan.
3. Maestro Celestino—isang pribadong guro o tutor ni Rizal na nagturo sa
kaniyang sumulat.

Maiikling panahon lamang ang ginugol ng naturang mga guro sa pagtuturo kay
Rizal. Agad din silang nagpaalam sa mga magulang nito sapagkat wala na daw silang
maituturo pa sa batang si Jose. Iminungkahi rin nilang ipatala na ito sa isang paaralan sa
Binan, Laguna bilang isang mag-aaral sa antas elementarya.

Si Pepe sa Binan

Hindi naging masaya ang pag-alis ni Rizal sa bayang kaniyang sinilangan. Bago
siya nagtungo sa Binan kasama ang itinuturing niyang pangalawang ama, ang kaniyang
kuya paciano, nagpaalam muna siya sa kaniyang mga kapatid na babae na ang ilan ay
umiiyak at nagmano rin siya sa kaniyang mga magulang. Pagkalipas ng isa’t kalahating
oras ng biyahe sakay ng carromata, nakarating sila sa bahay ng kaniyang tiyahin kung saan
siya mamamalagi habang nag-aaral sa Binan. Halos gabi na nang sila ay makarating doon.
Sa gabi ring iyon, naglakad-lakad si Jose sa paligid ng bayan subalit hindi niya naibigan
ang kagandahan ng lugar dahil sa pangungulila niya sa Calamba. Naalala niya ang kaniyang
mga magulang at kapatid na naiwan doon.

Nang sumunod na araw, dinala ni Paciano ang nakababatang kapatid sa paaralan ni

Maestro Justiniano Cruz, dating guro ni Paciano. Ang paaralan na matatagpuan din sa bahay
ng guro ay isang maliit na bahay-nipa na tatlumpong metro ang layo sa bahay ng kaniyang
tiyahin. Umuwi rin sa Calampa si Paciano matapos siyang ipakilala nito sa kaniyang
magiging guro.

37
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Ang unang araw ni Jose sa bago niyang paaralan ay hindi gaano kaaya-aya.
Pagkatapos umalis ni Paciano, ay kaagad binibgyan ng mauupuan si Jose. Nang tanungin
siya ng guro kung ano ang alam niya sa wikang Latin at Kastila, pinagtawanan siya nina
Pedro, ang anak ng kaniyang guro, pati na ng iba pa niyang kamag-aral. Pagkatapos ng
klase, hinarang siya ni Pedro ay hinamon ng suntukan na agad naman niyang tinanggap.
Ang batang taga-Binan ay di hamak na mas malaki at matipuno kaysa kay Jose. Sila ay
buong lakas at tapang na nagkasubukan sa gitna ng malakas na tawanan ng kanilang mga
kamag-aral. Payat man at di gaanong malakas, subalit napakalakas ng kaniyang tapang at
paniniwalang hindi siya matatalo sa labang ito. Matapos niyang matutunan ang paraan ng
pagtatanggol sa sarili sa kaniyang Tiyo Manuel, tinalo niya ang mas malaking batang
lalaking nanghamon sa kaniya.

Ang buhay ni Jose sa Binan ay hindi laging nakikipag-away sa kamag-aral. May

magandang ugnayan din siya sa kaniyang mga kaibigan lalong-lalo na kay Juancho, isang
pintor at siya ring biyanan ng kaniyang guro. Doon niya muling napanumbalik ang
pagkahilig niya sa pagpipinta. Malaking bahagdan ng kaniyang panahon ang ginugol niya
sa pamamalagi sa istudyo ng matandang pintor kasama ang kaniyang kaklaseng si Jose
Guevarra na mahilig din sa pagpipinta. Labis na humanga ang matandang si Juancho sa
husay at talent ni Jose sa pagpipinta kaya tinuruan niya pa ito ng ilan pang batayang
kaalaman sa pagguhit at pagpinta. Naging mag-aaral ng matanda ang dalawang bata lalaki.
Nang mas humusay pa ang kanilang mga likhang-sining, ang dalawa ay naging paboritong
mga pintor sa klase.

Sa loob ng klase, nalampasan ni Jose Rizal ang lahat ng kaniyang mga kaklase sa
Latin, Kastila, at sa iba pang asignatura. Siya ang naging pinakamagaling na mag-aaral sa
buong klase na lalong kinainggitan ng iba. May ilan pang gumawa ng kuwento at nanira sa
kaniya kaya halos araw-araw ay nakatatanggap siya ng palo at kung minsan naman ay
pinalalabas siya ng silid-aralan.

Bago matapos ang panahon ng Pasko noong 1870, nakatanggap siya ng liham mula
sa kaniyang kapatid na si Saturnina. Ayon sa liham, daraan sa Binan ang Barkong Talim na
sasakyan niya pauwi ng Calamba. Nang malaman niya iyon, alam niyang hindi na siya
babalik pa ng Binan kaya malungkot siyang nagpaalam sa kaniyang mga kamag-aral at
guro.

Noong Disyembre 17, 1870, pagkalipas ng isa’t kalahating taon ng pag-aaral sa

Binan, sakay ng Bapor Talim, si Jose Rizal ay namaalam sa Binan nang may mabigat at
malungkot na pakiramdam.

Sa mga unang araw ng kaniyang pang-aaral doon, may dalawang nakalulungkot na

pangyayari ang naganap na tila gumimbal sa kaniyang payapang pamumuhay roon. Ang
dalawang malungkot na pangyayaring yaon na nagdala ng lungkot sa kaniyang buhay ay:

1. Ang paggarote sa tatlong paring martir: Gomez, Burgos, at Zamorra.

2. Ang pagkakapiit ng kaniyang ina.

38
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Ang Paggarote sa GomBurZa

Sa gabi ng Enero 20, 1872, humigit-kumulang 200 mga Pilipino sundalo’t

manggagawa ang nag-alsa sa arsenal na Cavite sa ilalim ng pamumuno ni La Madrid, isang
sarhentong Pilipino. Ang naturang pag-aaklas ay ibinunga ng pagtanggal ng mga dating
prebileyo ng mga sundalo’t manggagawa. Ito rin ay dahil sa pagtanggal ng paggiging hindi
na kasali sa sapilitang paggawa o forced labor, na tinatawag na polo nang panahong yaon.
Subalit, ang pag-aaklas ay agad ding nalikida nang dumating ang puwersa ng mga
sundalong Kastila mula sa Maynila. Ang insidenteng ito ang ginamit ng mga
nanunungkulang Kastila upang maglabas ng kautusang ipahuli at likidahin sina Padre
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamorra, dahil sa pangunguna ng tatlong pari sa
pagkilos ng sekularisasyon upang pamunuan ng mga Pilipinong pari ang mga parokya sa
Filipinas. Kasama rin sa mga nais likidahin ang mga sumusuporta sa kanila na sina Jose
Ma. Basa, Abogadong sina Joaquin Pardo de Tavera at Antonio Ma. Regiidor. Umapela ng
konsiderasyon ang Arsobispo na pawalang-sala ang mga hinuli subalit siya ay hindi
pinagbigyan. Sa umaga ng Enero 17, 1872, s autos ni Gobernador Heneral Rafael de
Izquierdo, ang tatlong paring martir ay pinatay sa pamamagitan ng garrote, isang
pamamaraan nng pagpatay na gumagamit ng bakal upang sakalin ang akusado. Labis na
ipinagluksa ng pamilya Rizal at napakarami pang Pilipino ang pagpatay na ito sa
GomBurZa.

Si Padre Burgos ay isang kaibigan, kamag-aral, at guro ni Paciano. Dahil sa labis

nag alit na naganap na pagpaslang sa kaibigan, iniwan ni Paciano ang kaniyang pag-aaral
sa Maynila at umuwi na lamang ng Calamba kung saan niya sinabi sa nakababatang kapatid
na si Jose ang malungkot na balita. Labing-isang taong gulang noon si Rizal. Ang naturang
balita ay isa sa mga nagpaalab sa damdaming makabayan ng batang si Jose. Sumumpa itong
lalabanan niya ang pang-aapi at pagmamalabis ng mga mananakop na Kastila.

Nang lumaon, inialay ni Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobelang El

Filibusterismo sa alaala ng tatlong paring martir.

Pagkakapiit ni Donya Teodora

Bago mag-Hunyo 1872, si Donya Teodora ay inaresto kasama ang kaniyang

kapatid na lalaki na si Jose Alberto, bilang kasabwat sa tangkang panlalason sa asawa nto.
Si Jose Alberto na sang mayamang ilustrado ng Binan ay may naglakbay para sa negosyo
sa Europa. Pag-uwi niya ay natuklasan niyang inabandona ng kaniyang asawa ang kanilang
mga anak at sumama sa ibang lalaki. Dahil sa matinding galit sa kataksilang iyon, binalak
ni Jose Alberto na hiwalayan ang kaniyang asawa. Upang maiwasang malagay sa eskandalo
ang kanilang pamilya, hinimok ni Donya Teodora ang kaniyang kapatid na patawarin ang
maybahay nito. Naayos naman nang matiwasay ang naturang kaso at muling nagsama ang
mag-asawa. Ganunpaman, ang taksil na babae ay nakipagsambwatan sa isang tinyenteng
Kastila ng mga guwardiya sibil, sa tulong na rin ng Gobernadorcillo ng Calamba na si
Antonio Vivencio del Rosario na siyang nagsampa ng kaso. Sinamantala ng tinyente ang
naturang sitwasyong hindi aayos ang gusot laban sa pamilya Rizal.

Inaresto si Donya Teodora at pinuwersa ng maluoit na tinyente na maglakad mula

Calamba hanggang Santa Cruz. Iyon ay may layong limampung kilometro. Siya ay piniit
sa kabiserang pambayan ng Santa Cruz, Laguna sa loob ng dalawa’t kalahating taon

39
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

hanggang pawalang-sala siya ng Manila Royal Audiencia (Korte Suprema). Di naglaon,

nalaman ni Rizal na ang kaniyang ina ay nagkasakit at di man lamang nabigyan ng maayos
na lunas. Dahil sa layo ng distansiyang nilakad ni Donya Teodora, at sa matinding sikat ng
araw, ang singaw ng lupa ay tumama sa mga mata nito na naging dahilan kung bakit siya
nagkaroon ng katarata. Lahat ng ito ay nagpasakit sa kalooban ni Rizal. Ganunpaman,
nakadagdag din ito upang lalong maging determinado siyang labanan ang kaapihang
dinanas ng kaniyang pamilya.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa kaniya natutunan ni Rizal ang mga unang dasal.

a. Donya Teodora c. Tiyo Jose Alberto
b. Tiyo Manuel d. Tiyo Gregorio

2. Sino ang nagturo ng palakasan at pamamaraan ng pagtatanggol sa sarili sa batang Jose

Rizal?
a. Donya Teodora c. Tiyo Jose Albert
b. Tiyo Manuel d. Tiyo Gregorio

3. Alin sa sumusunod ang itinuro ni Maestro Lucas Padua sa batang si Jose?

a. Aritmetika c. Panitikan
b. Gramatika d. Pagpapahalaga

4. Kanino unang narinig ni Rizal ang mga kuwentong kababalaghan tungkol sa mga
aswang, nuno sa punso, tikbalang, at iba pa?
a. Sa kaniyang mga kalaro c. Sa kaniyang mga tiyuhin
b. Sa kaniyang mga kapatid d. Sa kaniyang yaya

5. Ilang taon si Rizal nang isulat niya ang kauna-unahan niyang tula?
a. Anim c. Walo
b. Pito d. Siyam

6. Sa lugar na ito sila nagtungo ng kaniyang ama dahil sa debosyon ng kaniyang ina.
a. Antipolo c. Maynila
b. Marikina d. Pasig

7. Ang kaniyang kapatid na nag-aral sa Kolehiyo ng La Concordia sa Santa Ana.

a. Lucia c. Olimpia
b. Maria d. Saturnina

8. Ang bundok na malapit sa bahay ng mga Mercado.

a. Bundok Apo c. Bundok Makiling
b. Bundok Arayat d. Bundok Pulag

9. Kanino inialay ni Rizal ang tulang “Un Recuerdo A Mi Pueblo”?

a. Sa GomBurZa c. Sa kaniyang ina
b. Sa kaniyang ama d. Sa bayan ng Calamba

40
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

10. Kanino nanirahan si Jose nang siya ay mag-aral sa Binan?

a. Sa kaniyang guro c. Sa kaniyang tiyahin
b. Sa kaniyang kamag-aral d. Sa kaniyang tiyuhin

Gawain 2. Ibigay ang hinihinging detalye ng bawat aytem. Isulat ang sagot sa puwang
pagkatapos ng bawat bilang.

11. Siya ang naging guro ni Rizal sa Binan.

_____________________________

12. Ang tawag sa sinakyan nina Jose at Paciano patungong Binan.

_____________________________
13. Ang gurong nanirahan sa kanilang bahay at namatay din pagkalipas ng limang buwan.
_____________________________

14. Ang sinakyan nina Jose at Don Francisco sa pagpunta sa Antipolo.

_____________________________

15. Ang namuno ng pag-aalsa sa Cavite.

_____________________________

16. Ang kaklase ni Rizal na kasa-kasama niya sa pagpinta.

_____________________________

17. Petsa ng pagsisimula ngpag-aalsa sa Cavite.

_____________________________

18. Petsa ng pagpatay sa tatlong paring martir.

_____________________________

19. Ang humingi ng konsiderasyonng pawalang-sala ang GomBurZa.

_____________________________

20. Akda ni Rizal na inialay niya sa tatlong pari.

_____________________________

21. Ang tinyenteng umaresto kay Donya Teodora.

_____________________________

22. Ang matandang lalaking nagturo kay Rizal na gumuhit.

_____________________________

23. Bilang ng taon ng pamamalagi ng Rizal sa Binan.

_____________________________

24. Ang pamamaraan ng pagpatay sa tatlong paring martir.

_____________________________

25. Petsa kung kailan nilisan nio Rizal ang Binan.

_____________________________

41
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

26. Ang nag-utos ng pagpatay sa tatlong paring martir.

_____________________________

27. Petsa ng Paggarote sa tatlong paring martir.

_____________________________

28. Ang kaklase ni Rizal na naghamon sa kaniya ng suntukan.

_____________________________

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na tanong.

29. Paano naapektuhan si Rizal ng paggarote sa tatlong paring martir?

30. Makatuwiran bang pinatulan ni Rizal ang hamong suntukan ng isa sa kaniyang mga
kamag-aral?

42

__________________________________________________________________

43
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 3

Pag-aaral sa Maynila
Sa kabila ng kalungkutang binabata dahil sa pagkakapiit ng ina, ipinagpatuloy
pa rin ni Rizal ang kaniyang pag-aaral. apat na buwan matapos paslangin ang tatlong paring
martir na sina Pasre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamorra, habang
nasa piitan pa rin ang kaniyang ina, hindi pa man nakapagdiriwang ng kaniyang ika-11
kaarawan, si Jose ay ipinadala na sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo Municipal, isang
kolehiyong nasa ilalim ng pangangasiwa ng mga Kastilang Heswita.

Ang Ateneo Municipal ay pinamahalaan ng mahuhusay na edukador na

nagtatrabaho nang napakainam upang makatamo ng samot-saring pagkilala patra sa
institusyon bilang pinakamagaling na institusyon para sa mga lalaki.

Sa kabanatang ito, ilalahad ng may-akda ang mga pinagdaanan ni Rizal sa kaniyang

pag-aaral sa Maynila. Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Matukoy ang mga pangyayari sa buhay ni Rizal pagluwas niya ng Maynila;

2. Makilala ang mga taong naging bahagi ng bhay ni Rizal sa Ateneo at
Unibersidad ng Santo Tomas; at
3. Mailahad ang pagkakaiba ng sistema ng edukasyon sa dalawang paaralan.

Si Rizal sa Maynila

Sa unang araw ni Rizal a Maynila, siya ay sinamahan ng kaniyang Kuya Paciano

na kumuha ng entrance examination sa iba’t ibang asignatura sa Kolehiyo ng San Juan De
Letran kung saan naipasa niya ang lahat ng iyon. Subalit nang siya ay bumalik sa Calamba
upang dumalo sa kapistahang-bayan, ang kaniyang ama na nais siyang pag-aralin sa Letran
ay nagbago ang isip at nagpasyang ipatala siya sa Ateneo, ang karibal na paaralan ng
Letran.

Kaya, nang bumalik siya sa Maynila, kasamang muli si Rizal ng kaniyang Kuya
Paciano, nagtungo sila sa Ateneo Municipal. Sa umpisa, siya ay tinanggihang makapasok
sa naturang paaralan dahil sa dalawang kadahilanan: Una, huli na siya sa pagpapatala at
pangalawa, masyado siyang maliit at masasakitin, maliban sa maliit talaga siya para sa
kaniyang gulang. Subalit, dahil sa tulong ni Padre Manuel Burgos, pamangkin ni Padre
Jose Burgos na isa sa tatlong paring martir, siya ay nakapasok din sa wakas.

Si Jose sa kolehiyong yaon ay nagpatala sa apilyedong Rizal sapagkat ang

apiliyedong Mercado ng kanilang pamilya ay nasa ilalim ng suspisyon ng mga awtoridad
na Kastila. Ginamit ni Paciano ang apilyedong Mercado sa pag-aaral nito sa Kolehiyo de
San Jose, kaya nalaman ng mga awtordad na si Paciano ay isa sa mga kaibigan, paboritong
mag-aaral, at confidante ni Padre Jose Burgos.

Ang Ateneo ay pinamamahalaan ng mga Heswita. Ang kanilang sistema ay mas

maunlad kumpara sa ibang mga pamantasan at akademya sa mga panahong yaon. Ang
pagtuturo ay estrikto at angb mga guro ay talaga namag disiplinaryan. Ang paaralan ay

44
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

may mga asignaturang katulad ng kulturang pisikal, humanidades, at agham. Maliban sa

mga akademikong asignatura, ang paaralan ay nagbibigay rin ng mga kursong agrikultura,
komersiyo, mekaniks, at surveying. Ang pagtuturo ng relihiyon ay binibigyan ng
karapatang halaga kaya ang mga mag-aaral ay inaatasang dumalo sa mga banal na misa
araw-araw. May panalangin ding inuusal ng lahat ng mga mag-aaral sa simula at
pagkatapos ng bawat klase.

Sa Ateneo, ang mga mag-aaal ay napapangkat sa dalawang grupo: Ang mga

internos o yaong boarders at mga eksternos na sila namang hindi boarders. Emperyong
Romano ang taguri sa mga internos habang Emperyong Carthaginian naman ang tawag sa
mga eksternos. Ang dalawang grupong ito ay laging pinagkukumpara at
nagkokompetisyon sa iba’t ibang gawaing pampaaralan. Ang pinakamagaling na mag-
aaral sa bawat grupo ay tinatawag na empirador, isang posisyong nais na matamo at
mapanatiling angkin ng sinumang kasapi ng dalawang grupo.

Ang mga mag-aaral ng Ateneo ay pinagsusuot ng unipormeng tinatawag na

rayadillo na naging bantog sa mga Pilipino. Ito ay binubuo ng pantalong yari sa telang hem
at coat na yari sa bulak. Di naglaon, ito ay ginamit na rin bilang uniporme sa unaang araw
ng Unang Republika ng Filipinas.

Si Rizal sa Ateneo de Manila (1872-1877)

Sa unang araw ni Rizal sa klase, nakinig siya ng misa sa kapilya ng kolehiyo bago
siya nagtungo sa kanilang silid-aralan nang makakita siya ng isang malaking pangkat ng
mga mag-aaral na mga mestizo, Kastila, at Filipino. Sa pagkakalarawan ni Rizal, si Padre
Jose Bech, ang unang naging propesor niya, ay matangkad at payat, ang pangangatawan
ay bahagyang kuba, mabilis kung maglakad, at may maamong mukha, may malamlam
subalit mapupungay na mga mata, matangos ang ilong na tulad ng isang Griyego, at
maninipis na mga labi. Dahil sa siya ay isang interno, siya ay itinalaga sa Carthaginian, at
dahil sa pagiging bago sa Ateneo, at dahil hindi pa siya ganoon katatas sa wikang Kastila,
siya ay inilagay sa kahuli-hulihang hanay ng klase. Subalit, hindi iyon nakahadlang sa
kaniyang pag-aaral. pagkalipas ng isang linggo, siya ay mabilis na tumaas nang tumaas
hanggang sa maabot niya ang pinakarurok ng klase at naging empirador. Sa pagtatapos ng
unang buwan, nagwagi siyang unang puwesto para sa isang larawang panrelihiyon, ang
kauna-unahang napanalunan niya sa Ateneo.

Upang mapagbuti ang kaniyang kaalaman at tatas sa wikang Kastila, si Rizal ay

kumuha ng pribadong aralin sa kaniyang mga bakanteng oras sa Kolehiyo ng Santa Isabel.
Sa kabila ng pagging pinakamatalinong mag-aaral ng kanilang klase, at lahat ng kaniyang
marka ay “excellent”, nakaririnig pa rin siya ng ilang mga puna mula sa kaniyang mga
propesor. Hindi niya napanatili ang kaniyang posisyon sa klase kaya sa ikalawang semestre
ay hindi na siya ang nanguna rito bagkus ay pumangalawa na lamang siya. Ganunpaman,
lahat pa rin ng kaniyang marka ay “excellent”.

Nanag matapos ang taong aralan, ginugol ni Rizal ang kaniyang tag-init sa bayan
ng Calamba. Subalit, hindi siya labis na nasiyahan sa bakasyong yaon sapagkat nakapiit pa
rin ang kaniyang ina. Binibisita niya ito sa bilangguan kahit na hindi siya nagpapaalam sa
kaniyang ama. Tuwang-tuwa si Donya Teodora nang malaman nitong ang marka ng
kaniyang mga anak at matataas sa lahat ng asignatura. Maliban pa rito, tuwang tuwa rin

45
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

ang matanda dahil sa pagwawagi ni Rizal ng ginto sa pagguhit ng isang panrelihiyong

sining.

Nang matapos ang tag-init, bumalik si Rizal sa Maynila upang ipagpatuloy ang
kaniyang pag-aaral. sa pagkakataong iyon, sinubukan niyang pag-ibayuhin pa ang pag-
aaral upang mapanumbalik ang pangunguna niya sa klase. Dahil dito, siya ay muling
naging empirador. May mga bago siyang kamag-aral at tatlo sa mga ito ay mga kaklase
niya sa Binan. Napakasaya niyang makita ang mga dating kaklase at labis siyang nasiyahan
sa ikalawang taon niya sa Ateneo. Sa pagtatapos ng taong-aralan, hindi lamang siya
nakatanggap ng mga marking “excellent”, nagtamo rin siya ng isang gintong medalya para
sa kahusayang akademiko.

Napakasaya niyang bumalik sa Calamba pagsapit ng tag-init. Gaya ng dati, ang

muli nilang pagsasama-sama ng kaniyang mga kapatid at magulang ay nakapasaya lalo
na’t ibinalita niya ang tungkol sa kaniyang mga tagumpay sa Ateneo. Muli niyang dinalaw
ang kaniyang ina sa bilangguan. Pinasaya niya ito sa pamamagitan ng pagbabalita rito ng
kaniyang mga tagumpay sa paaralan at ilang mga katawa-tawang kuwento tungkol sa
kaniyang mga guro’t kamag-aral. Gaya ng innasahan, tuwang-tuwa si Donya Teodora
nanag marinig ang magagandang natamo sa paaralan ng kaniyang paboritong anak na
lalaki. Sa gitna ng kanilang masayang pag-uusap, ibinahagi ng matanda sa kaniyang anak
ang naging panaginip nito sa nagdaang gabi. Nang marinig ni Rizal ang kuwento ng ina, si
Rizal ay humulang makalalaya na ang ina dahil sa naging panaginip nito. Halos hindi
naniwala si Donya Teodora sapagkat ang tingin niya ay pinasasaya lamang siya ni Rizal
sa mga sinabi nito. Subalit, ang hula ni Rizal ay nagkatotoo sapagkat pagkalipas ng tatlong
buwan ay nakalaya si Donya Teodora.

Pagkatapos ng naturang pagbisita, si Rizal ay muling bumalik sa Maynila para

ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. sa pagkakataong ito, si Rizal na isa nang ganap na
binatilyo ay nagkahilig sa pagbabasa ng mga nobela ng romansa. Isa sa kaniyang mga
paborito ay ang “The Count of Monte Cristo” ni Alexander Dumas. Siya ay masyadong
napaniwala sa determinasyon ng pangunahing tauhan at protagonist ng nobela na
nakagawa ng paraan upang makalaya sa kinasadlakang hukay, nakatuklas ng ibinaong
yaman, at pagkatapos ay naghiganti sa kaniyang mga kaaway. Maliban sa nobelang ito, si
Rizal ay nagkaroon ng napakarami pang aklat na piksiyon at di piksiyon, na lubhang
nakatulong sa kaniyang pag-aaral at pagkapanalo ng iba pang parangal. Natawag ang
interes ni Rizal ng isang aklat sa kasaysayan, na may pamagat na “Travels in the
Philippines” ni Dr. Feodor Jagor, isang siyentipikong Aleman na nanatili sa Filipinas mula
1859 hanggang 1860. Hinangaan ni Rizal ang naturang aklat sapagkat: 1) Naglalaman ito
ng maingat na pagmamasid at pagsusuri ni Jagor tungkol sa mga kakulangan ng mga
Kastila sa panahon ng kanilang pananakop, at 2) Ang kaniyang hulang ipapasa ng mga
Kastila ang Filipinas sa mga Amerikano sa nalalapit na panahon.

Noong Hunyo 1874, ang ikatlong taon ni Rizal sa kolehiyo, siya ay bumalik sa
Maynila upang ipagpatuloy ang pagdukal niya ng kaalaman. Ilang araw pa lamang nang
magsimula ang semestre, dumating ang kaniyang ina na nagbalita sa kaniyang siya ay
pinalaya na mula sa bilangguan, gaya ng hula niya sa kaniyang huling pagbisita sa selda
ng Santa Cruz, Laguna. Labis na natuwa si Rizal nang malamang nakalaya na ang kaniyang
pinakamamahal na ina. Subalit, sa kabila ng masayang pagtatagpo ng ina at ng anak, sa
loob ni Rizal ay may kakauntig lungkot sapagkat hindi ganoon katataas ang kaniyang
marking maipakikita sa kaniyang iba, kasalungat ng mga marka niya sa nakalipas na taon.

46
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Ganunpaman, nanatiling “excellent” ang marka niya sa lahat ng kaniyang asignatura. Isa
pa, isang gintong medalya lamang ang kaniyang napanalunan sapagkat hindi siya ganoon
kahusay sa Kastila gaya ng tumalo sa kaniyang isang tunay na Espanyol. Sa pagtatapos ng
klase noong Marso 1875, siya ay muling umuwi sa Laguna nang hindi gaanong kumbinsido
sa nakuha niyang marka.

Ang ikaapat na taon ni Rizal sa Ateneo ay mas di malilimutan kumpara sa mga

naunang taon. Noong Hunyo 16, 1875, si Rizal ay naging interno sa Ateneo sa ilalim ng
pagtuturo ni Padre Francisco de Paula Sanchez, isang napakahusay na propesor at iskolar.
Labis na hinangaan ni Padre Sanchez ang likas na talino ni Rizal na sanhi ng pagkakaroon
nito ng malalim na respeto at pagtatangi sa mag-aaral. sa kabilang banda, siya man ay
naging inspirasyon ni Rizal na mag-aral nang mabuti at sumulat ng mga tula. Para kay
Rizal, ang naturang pari at propesor ay nararapat lamang pag-ukulan ng pagmamahal,
paghanga, at paggalang. Para sa kaniya, si Padre Sanchez ang pinakamahusay at
pinakamainam na propesor na nakilala niya sapagkat lagi nitong iniisip ang mga mag-aaral
at ang mga matututunan ng mga ito. Si Padre sanchez ang nagsilbing kandilang
nagsisilbing tanglaw ni Rizal sa kaniyang pananatili sa Ateneio. Dahil dito, naipasa at
nanguna si Rizal sa lahat ng kaniyang mga asignatura at nagtamo ng limang gintong
medalya sa pagtatapos ng klase. Buong kasiyahan at pagmamalaking dinala niya pauwi ng
Calamba ang kaniyang mga medalya at ipinakita iyon sa kaniyang mga magulang. Lubos
na nasiyahan siyang isiping sa pagkakataong ito ay nabayaran niya ang mga naging
sakripisyo ng kaniyang ama.

Naging mas lalong mabunga ang huling taon ng pag-aaral ni Rizal sa Ateneo mula
1876-1877. Nanguna siya sa lahat ng kaniyang asignatura at nagtamo ng pagkilala bilang
pinakamahusay na Atenean sa kaniyang panahon at tinaguriang “pride of the Jesuits”.
Nagtapos siyang may pinakamataas na karangalan na naging dahilan kung bakit labis na
nasiyahan ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Ang mga natamo niya sa Ateneo
ay lahat naging kasiya-siya o napakataas sa lahat ng asignatura—Pilosopiya, Pisika,
Biyolohiya, Kimika, Wika, Mineralohiya, at marami pang iba. Hindi lang siya
nagtagumpay sa mga asignaturang akademiko, naging aktibo rin siya sa iba pang gawaing
pampaaralan. Bilang empirador, naging aktibo siya sa mga gawaing pansimbahan o
panrelihiyon, sa mga organisasyon kagaya ng Marian Conggregation, at isang deboto ng
Nuestra Senyora Imaculada Concepcion, ang patron at patronesa ng kolehiyo. Kasapi rin
siya ng Akademya para sa Panitikang Espanyol at Akademya ng mga Likas na Agham at
napakarami pang mga gawain na tanging mga mag-aaral na may mataas na marka ang
nakapapasok.

Di naglaon, ilang araw pagkaraan ng kaniyang pagtatapos sa kolehiyo, ang labing

anim na taong gulang na si Rizal ay nakaranas ng unang pag-ibig. Kasama ng isang
kaibigan, dinalaw niya sa Maynila ang kaniyang lola sa ina. Nang makarating siya ron,
nakilala niya ang isa ring panauhin na isang napakagandang dalagita na nagngangalang
Segunda Katigbak. Si Segunda ay isa ring mag-aaral ng Kolehiyo ng La Concordia kung
saan nag-aaral din ang kapatid ni Rizal na si Olimpia. Malapit na kaibigan si Segunda ng
kaniyang kapatid kaya mas nakilala pa niya nang mas malapit ang dalagita sa mga
panahong dinadalaw niya si Olimpia. Yaon ay pag-ibig sa unang pagkikita para sa kanilang
dalawa, at sa simula ay nagpamalas sila ng pag-ibig sa isa’t isa. Sa kasamaang palad, si
Segunda ay nakatakda nang magpakasal sa isang kababayang nagngangalang Manuel Luz.
Ang mahiyain at torpeng si Rizal sa kabila ng pagmamahal kay Segunda ay hindi man

47
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

lamang nakapagtapat sa dalagita. Umuwi siya ng Calamba nang may pusong nakadarama
ng labis na kabiguan.

Ang Unibersidad ng Santo Tomas at Pag-aaral ni Rizal ng Medisina

Pagkaraang magtapos nang may pinakamataas na pagkilala sa degring Batsilyer

ng Sining, na parang katumbas ng hayskul sa Ateneo noong panahon ng mga Kastila,
napagdesisyunan ni Josew Rizal na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa Maynila, sa
kabila ng pagtutol ni Donya Teodora. Subalit kapuwa sina Paciano at Don Francisco ay
gusto pang ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.

Sa Abril ng 1877, inutusan ni Don Francisco si Paciano na samahan si Rizal na

magpatala sa Maynila. Labing-anim na taong gulang si Jose Rizal at siya lamang ang may
ganoong edad sa panahong iyon na nagpatala sa Unibersidad ng Santo Tomas; na kumukuha
ng Pilosopiya at Letra. Iyon ang kinuha niya sapagkat 1) hindi pa siya nakatitiyak kung
anong karera ang kaniyang susuungin, at 2) gusto iyon ng kaniyang ama. Habang siya ay
nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, siya ay nagpatala rin para mag-aral ng isang
kursong bokasyonal para sa titulong perito agrimensor (expert in surveying) sa Ateneo.
Nang sumunod na semestre, si Rizal ay nakatanggap ng abiso mula sa Rektor ng Ateneo
upang ipaalam sa kaniya na maaari na siyang kumuha ng medisina. Isa sa mga dahilan kung
bakit pinili rin niyang magmedina sapagkat nais niyang lunasan ang pagkabulag ng
kaniyang ina na bunga ng katarata. Kaya nagpasya siyang kumuha ng kursong medina sa
Unibersidad ng Santo Tomas.

Habang nag-aaral sa UST si Rizal, lumahok pa rin siya sa napakaraming gawaing

pampaaralan sa Ateneo. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng kursong suryeving at nagtamo
ng napakatataas na marka sa halos lahat ng asignatura, at nakatanggap ng gintong medalya
sa agrikultura at topograpiya. Sa gulang na labimpito, naipasa niya ang eksaminasyong
panlisensiya sa surveying subalit hindi naigawad sa kaniya ang titulo dahil sa kaniyang
murang gulang. Sa mga panahong iyon, siya na ang pangulo ng Akademya ng Panitikang
Kastila at kalihim ng Akademya ng Likas na Agham. Nanatili siyang kasapi ng Marian
Congregation kung saan kalihim din siya.

Kahit na isa na siyang ganap na Tomasino, nanatili siyang tapat sa Ateneo kung
saan niya naranasan ang masasaya at mga di malilimutang alaala. Mahal siya ng kaniyang
mga Heswitang propesor at ginabayan siya ng mga ito na magtamo ng mga bagong
karunungan, kaiba sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan naman siya nakaranas ng
pangmamaltrato pati na ang kaniyang kapuwa mag-aaral na Pilipino. Ang mga marka niya
sa mga asigtura sa medina ay “fair and good” lamang kasalungat ng mga “excellent” niyang
marka sa halos lahat ng kaniyang naging asignaturan sa Ateneo. Ito ang nagbigay kay Rizal
ng hindi magandang impresyon sapagkat alam niyang mas magaling siya sa mga kaklase
niyang peninsulares. Kinasuklaman niya ang mga prayleng Dominikano sapagkat sila’y
hindi patas, mapagmataas, at mapag-api sa mga Pilipinong mag-aaral na pawang
nananahimik lamang sa kabila ng pangmamaliit at pang-aapi sa mga ito.

Una niyang natikman ang pangmamalupit ng mga Espanyol sa unang taon niya sa
kursong medisina. Isang gabing madilim noon, habang nagbabakasyon siya sa Calamba
dahil tag-init, habang naglalakad nang mag-kisa si Rizal sa isang kalye, hindi niya
namalayang may nakasalubong siyang isang lalaki. Hindi niya ito nabati sapagkat madilim

48
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

ang lugar. Ang lalaking yaon pala ay isang tinyente ng mga guwardiya sibil. Sa galit
tinyente, hinarap nito si Rizal, hinugot ang nakasukbit na espada saka inundayan siya ng
talim nito sa likod. Ang natamong sugat ni Rizal ay hindi ganoon kalalim subalit ito’y
napakahapdi. Nang gumaling na si Rizal, ipinagbigay-alam niya ang insidente sa
Gobernador Heneral subalit ito ay nagsawalambahala manang dahil si Rizal ay isang indiyo
lamang at ang nang-abusong opisyal ay isang Kastila.

Sa kabila nito, at sa mga gawaing akademiko ni Rizal sa Uniberidad ng Santo

Tomas at ekstra-kurikular na gawain sa Ateneo, nakahanap pa rin siya ng oras para umibig.
Siya ay kinagiliwan ng maraming dalagita at nakakapamasyal pa kasama ang mga kaedad
at kaklase. Maraming dalagita mula sa pamantasan pati na sa bayan ng Calamba ay umibig
at humanga sa likas na talino at kabaitan ni Rizal.

Noong 1879, sa kaniyang ikatlong taon sa UST, siya ay nanirahan sa isang bahay-
upahan sa Intramuros kung saan niya nakilala ang isang mahinhin, maganda, at may
maamong mukhang dalaga na si Leonor Rivera, na anak ng may-ari ng bahay-upahan at
nagkataong tiyuhin din niya na si Antonio Rivera. Ang dalaga ay isinilang sa Camiling,
Tarlac, at mag-aaral ng Kolehiyo ng La Concordia kung saan pumapasok din ang
pinakabata niyang kapatid. Umusbong ang pag-ibig sa pagitan nina Leonor at Jose at ito ay
hindi nila ipinagtapat sa kanilang mga magulang at kaibigan. Upang manatiling lihim ang
kanilang ugnayan, ginamit ni Leonor ang alyas na Taimis sa kaniyang mga sulat kay Jose.

Sa mga panahon ding iyon naging isnpirsdo si Rizal na mapakagsulat ng

napakaraming akdang pampanitikan. Kinatha niya ang “A la Juventud Filipino”, isang
tulang umani ng pagkilala at parangal dahil perpektong kayarian at kakaibang mga
talinghaga. Hinimok ng tula ang kabataang Pilipino na huwag mananahimik at baliit ang
kadena ng kaapihang kay tagal na gumapos sa lahing Pilipino. Ito ay naging klasiko ng
panitikang Pilipino sa kadahilanang 1) ito ay isang dakilang tula sa wikang Espanyol na
sinulat ng isang Pilipino, at 2) ipinahahayag ng tula sa kauna-unahang pagkakataon, ang
konsepto ng pagiging makabayan at pagsasabing mga kabataang Pilipino, hindi mga
kabataang Kastila ang “Pag-asa ng Lupang Sinilangan”.

Sa mga sumunod na taon, lumahok si Rizal sa samot-saring mga paligsahan.

Lumahok siya sa osamh timpalak na pinangasiwaan ng Artistic-Literary Lyceum bilang
pag-alala sa ikaapat na dantaon ng pagkamatay ni Cervantes. Ang kaniyang nagwaging
lahok ay pinamagatang “Ang Konseho ng mga Diyos”. Ang timpalak ay binuksan kapuwa
sa mga Kastila’t Pilipino. Ang mga hurado niyon ay lahat mga Kastila subalit pagkalipas
ng mabusisi at kritikal na deliberasyon ng mga lahok, ang unang gantimpala ay iginawad
kay Rizal dahil sa kahusayang di mapapantayan ng kaniyang akda. Maliban sa dalawang
nanalong tula, si Rizal ay kumatha rin ng napakaraming akdang pampanitikan kagaya ng
tula, zarzuela, at iba pa. Ang Junto al Pasig (Sa Gilid ng Pasig) ay isang zarzuelang sinulat
ni Rizal at isinadula ng mga taga-Ateneo noong 1880, bilang bahagi ng taunang kapistahan
ni Nuestra Senyora Imaculada Concepcion, ang patrona ng paaralan. Sinulat din niya ang
isang soneto na may pamagat na “Ang Pilipina” para sa kalipunan ng Society of Sculptors.
Ito’y isang tulang humihimok sa mga Pilipinong alagad ng sining na pahalagahan ang
Filipinas.

Pagkatapos ng kaniyang ikaapat na taon sa kursong medisina, napagpasyahan ni

Rizal na ippagpatuloy ito sa Espanya. Hindi na siya masayang manatili at mag-aral sa
paaralang pinatatakbo ng mga Dominikano sa kabila ng napakarami niyang tagumpay sa

49
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

larangan ng panitikan. Sa palagay niya ay hindi na niya matatagalan ang palala nang
palalang pang-aapi, kawalan ng pagkakapantay-pantay at diskriminasyong namamayani sa
UST. Ipinaalam niya ang kaniyang plano kay Paciano, sa dalawang kapatid na babaeng sina
Saturnina at Lucia, pati na sa kaniyang tiyo Antonio Rivera at ilang matatalik na kaibigan.
Sinang-ayunan naman siya ng mga ito. Napagkasunduan nilang itatago muna ang pasyang
ito sa kanilang mga magulang. Sumang-ayon din siyang siya ay padadalhan ni Paciano ng
halagang P35.00 bilang panggugol niya sa Europa at ang kaniyang Tiyo Antonio ay mag-
aambag din para sa iba pa niyang gastusin.

Maliban sa kaniyang determinasyong makapagtapos ng medisina upang magamot

ang pagkabulag ng ina, may tatlo pang mga dahilan si Rizal kung bakit nais niyang
ipagpatuloy sa ibang bansa ang kaniyang pagdodoktor.

1. Ang kawalan ng pagkakapantay-pantay at kalupitan ng mga Dominikanong

propesor sa kaniya.
2. Labis siyang nasuklam sa sinaunang pamamaraan ng pagtuturo sa
pamantasan.
3. Ang diskriminasyon ng mga Dominikanong propesor sa mga Pilipinong mag-
aaral.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang marka ni Rizal sa halos lahat ng asignatura sa Ateneo.

a. Excellent c. Satisfactory
b. Very satisfactory d. Superior

2. Ang kauna-unahang guro ni Rizal sa Ateneo.

a. Padre Paula Sanchez c. Padre Rufino Collantes
b. Padre Jose Bech d. Padre Hernando Salvi

3. Anong grupo o konggregasyon ng mga pari ang nangangasiwa sa Ateneo?

a. Agustino c. Heswita
b. Dominikano d. Prasiskano

4. Saan nag-aral si Paciano kung saan niya ginamit ang apilyedong Mercado?
a. Ateneo de Manila c. Kolehiyo de San Lucas
b. Kolehiyo de Santa Clara d. Kolehiyo de San Juan

5. Sino ang nagdesisyong sa Ateneo mag-aral si Rizal?

a. Si Paciano c. Si Donya Teodora Alonzo
b. Si Don Francisco Mercado d. Ang Gobernador Heneral

6. Para saan ang gintong medalyang natanggap ni Rizal sa ikalawang taon niya sa
Ateneo?
a. Kahusayang pang-agham c. Kahusayang pangmatematika
b. Kahusayang akademiko d. Kahusayang pangmatematika

50
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

7. Isa sa mga paboritong nobela ng Romansa ni Rizal na sinulat ni Alexander Dumas.

a. Aklat ng mga Patay c. Uncle Toms Cabin
b. Isang Araw, Isang Gabi d. The Count of Monte Cristo

8. Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay pinamamahalaan ng mga…

a. Agustino c. Heswita
b. Dominikano d. Pransiskano

9. Sino ang ama ni Leonor Rivera?

a. Apolonio Rivera c. Artemio Rivera
b. Antonio Rivera d. Anacleto Rivera

10. Paano itinago nina Rizal at Leonor ang kanilang lihim na pag-iibigan
a. Bihira silang magkita
b. Bihira silang mag-usap
c. Nagsusulatan sila
d. Tinapos nila agad ang kanilang pagmamahalan

Gawain 2. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na pahayag at isulat ang sagot sa

puwang pagkatapos ng bilang.

11. Ang naging alyas ni Leonor Rivera.

_______________________

12. Ang unang babaeng inibig ni Rizal.

_______________________

13. Ang kursong kinuha ni Rizal sa Ateneo habang nag-aaral siya sa UST.
_______________________

14. Ang paboritong guro ni Rizal sa Ateneo.

_______________________

15. Ang naging unang propesor ni Rizal sa Ateneo.

_______________________

16. Kailan naging interni si Rizal.

_______________________

17. Ang may-akda ng “Travels in the Philippines”.

_______________________

18. Bayan at lalawigan kung saan ipiniit si Donya Teodora.

_______________________

19. Ibang katawagan para sa mga externos ng Ateneo.

_______________________

20. Ibang katawagan para sa mga internos ng Ateneo.

_______________________

51
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na katanungan:

21. Sang-ayon ka bang itinago nina Rizal at Leonor sa kanilang mga magulang ang
kanilang pag-iibigan? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________

22. Paghambingin ang naging buhay-mag-aaral ni Rizal sa Ateneo at UST?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________

23. Sang-ayon ka bang sa ibang bansa ipinagpatuloy ni Rizal ang kaniyang pagdodoktor?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________

24. Kung ikaw si Rizal, itatago mo rin ba sa iyong mga magulang ang iyong balak na mag-
aral sa ibang bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________

25. Naniniwala ka rin bang ang mga kabataang Pilipino ang tunay nap ag-asa ng Lupang
Sinilangan? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________

Gawain 4. Sumulat ng maikling repleksiyon hinggil sa tinalakay na kabanata.

________________________________________________________________________

52

53
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 4

Unang Pangingibang-Bansa ni Rizal

Lumaki si Rizal na may malakaing pagpapahalaga sa edukasyon. Maliban sa
mga paniniwalang ikinintal sa kaniya ng kaniyang mga magulang, napakalaking
impluwensiya ni Rizal ang mga hinahangaan niyang propesor mula sa Ateneo. Kung
kaya, sa kabila ng hindi magandang mga pakita ng mga Dominikanong propesor mula sa
UST hinggil sa mga makalumang sistema ng pagtuturo, hindi nito napuksa ang pagnanais
ni Rizal na magtamo ng mas mataas pang antas ng karunungan. Naniniwala siyang sa
pamamagitan ng edukasyon ay mapagbubuti ang kaniyang pagkatao at makatutulong pa
siya sa kaniyang kapuwa.

Gaya ng tinalakay sa nagdaang kabanata, napagpasyahan ni Rizal na sa

Europoa na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ng medisina. Hindi man alam ng
kaniyang mga magulang, nagdesisyon siyang lumisan ng bansa upang pagdalubhasaan
ang panggagamot sa layuning mapagaling ang pagkabulang ng kaniyang ina. Sa Europa
niya rin mapag-aaralan ang iba’t ibang kaalaman, kultura, at pamumuhay na maaari
niyang maipakilala sa kaniyang mga kababayan sa kaniyang pagbabalik.

Sa gayon, nilalayon ng kabanatang ito na:

1. Mabakas ang mga pinagdaanan ni Rizal sa una niiyang pangingibang

bansa;
2. Makilala ang mga tao’t lugar na naging bahagi ng kaniyang pamumuhay
sa ibang bansa;
3. Matukoy ang mga naisulat at napagdaanan ng pambansang bayani sa
dayuhang lupain;
4. Maipaliwanag ang mahahalagang pilosopiya at paniniwala ni Rizal
habang nag-aaral sa Europa; at
5. Malaman ang mga naging paghuhusga ni Rizal sa iba’t ibang lugar na
kaniyang binisita sa Europa.

Ang Lihim na Paglisan ni Rizal

Pagkatapos ng apat na taon ng pag-aaral sa kursong medisina, nilisan ni Rizal

ang Filipinas nang may mabigat na kalooban. Sakay ng barkong SS Salvadora, iang barkong
Kastila patungong Singapore, lumisan si Rizal ng bansa nang hindi man lamang nalalaman
ng kaniyang mga magulang sapagkat alam niyang hindi rin naman siya papayagan ng mga
ito. Ang kaniyang paglalakbay ay inilihim din sa mga awtoridad na Kastila pati na kay
Leonor Rivera.

Dahil sa di niya nagustuhan ang makalumang pamamaraan ng pagtuturo at

labis na panghahamak at diskriminasyong naranasan sa ilalim ng mga gurong Dominikano,
si Rizal ay may iba pang dahilan kung bakit napagpasyahan iyang mag-aral sa Espanya.
Ipinagtapat niya iyon sa kapatid na si Paciano na agad namang sumang-ayon sa kaniya.
Ninais niyang pag-aralan at maingat na obserbahan ang pamumuhay at kultura, mga wika
at tradisyon, mga industrya at negosyo, at ang pamahalaan at mga batas ng mga bansang

54
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Europeo. Ninais niyang ihanda ang sarili para sa makabuluhang gawaing palayain ang
kaniyang mga kababayan mula sa brutalidad at panghahamak ng mga Kastila. Binanggit
din niya ito sa isang liham niya para sa kaniyang mga magulang at humingi rin siya ng
paumanhin dahil sa agarang desisyong lisanin ang bansa. Bago pa man siya tuluyang
lumisan ay lumiham siya sa kaniyang mga magulang, isang liham ng pamamaalam, at isa
pang liham para kay Leonor Rivera, na ibinigay sa mga ito nang nakasakay na siya ng
barko.

Noong Mayo 3, 1882, sakay ng barkong SS Salvadora, si Rizal ay naglakbay

nang may luha sa kaniyang mga mata at taglay ang mabigat na kalooban. Tanging sina
Paciano, dalawang kapatid na babae, ilang malalapit na kaanak at kaibigan ang nakaalam
ng kaniyang lihim na paglisan. Ang mabubuting Heswita mula sa Ateneo ay pinadalhan
siya ng isang rekomendasyon sa mga kasapi ng kanilang samahan sa Barcelona. Nang
umalis siya, ginamit ni Rizal ang pangalang Jose Marcado, pangalan ng isang pinsang taga-
Binan upang takasan ang maaaring tumugis sa kaniyang mga awtoridad na Kastila.

Para kay Rizal ang kaniyang naging paglalakbay ay nakababagot at

napakahaba. Upang malunasan ang kabagutan, nilibang na lamang niya ang kaniyang sarili
sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga pasahero ng barko. Siya lamang ang tanging
Pilipinong sakay ng barko, at karamihan sa mga ito ay mga Kastila, Briton, at mga
Indiyanong Negro. Memdyo nasiyahan siyang makipag-usap sa kapitan ng barko na
nagngangalang Donato Lecha na buhat sa bansang Austria. Minsan din ay kumukuha siya
ng lapis at papel upang iguhit ang magagandang tanawing nadaraanan noon ng sinasakyang
barko. Nakipaglaro din siya ng chess sa ilang mga pasahero na natalo naman niya nang
madalas saagkat napakahusay niya sa naturang laro. Pagkalipas ng limang araw, ang barko
ay dumaong sa Singapore kung saan siya nanatili ng dalawang araw para mamasyal sa
napakagandang siyudad.

Sa Singapore, si Rizal ay lumipat sa isa pang barkong tinatawag na Djemna,

na isang barkong Pranses at maglalayag patungong Europa. Ang mga pasahero doon ay
mga Briton, Pranses, Olandes, Kastila. Malay, at iba pa. may dalawa pang Pilipinong sakay
ng barko maliban sa kaniya. Nakarating ang barko sa Point Galle, isang bayang kostal sa
Ceylon (Sri Lanka ngayon) kung saan sila tumigil ng isang araw, bago sila nagtungo sa
Colombo, ang kabisera ng Ceylon.

Mula sa Colombo, sila ay tumawid sa Karagatang Indiyan patungong Cape

Africa na tinawag ni Rizal na “Inhospiable land but famous”. Ag sumunod nilang hinto ay
sa Aden kung saan namasyal si Rizal sa dalampasigan upang pagmasdan ang mga
naroroong kamelyo. Iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng naturang mga hayop.
Mula s Aden, ang barko ay nagpatuloy sa paglalayad patungo sa Siyudad ng Suez. Huminto
roon ang barko at muli siyang lumabas at nagmasid. Ang kagandahan ng lugar, ang buwan
sa gabi, at ang simoy ng hangin ay nakapagpaalala sa kaniya sa kanilang bayang Calamba
at sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na naiwan doon.

Ang bahagi ng paglalakbay sa Suez Canal ay nagbigay sa kaniya ng kakaibang

pananabik sapagkat iyon ang unang pagkakataongh makadaraan siya sa naturang lugar at
tuwang-tuwa siyang makita ito na likha ni Ferdinand de Lessep, isang mahusay na
inhenyerong Pranses. Muling tumigil ang barko sa Port Said, isang terminal na Mediteranyo
sa Suez Canal kung saan muli siyang nagmasid-masid sa paligid. Namangha siya sa iba’t
ibang lahing nananahanan doon at nagsasalita ng iba’t ibang wika.

55
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Mula sa Port Said, ipinagpatuloy ng Bapor Djemna ang paglalayag nito

patungong Europa. Dumaong ito sa Naples, isang lungsod sa Italya noong Hunyo 11.
Namangha rin siyang makita ang siyudad dahil sa kaunlaran nito sa larangan ng negosyo,
pamumuhay ng mga tao, at ang kagandahan ng kalikasan. Sa bahaging iyon ng Europa
nakita niya ang Bundok Vesivius, ang palasyo ng St. Elmo, at iba pang makasaysayang
bahagi ng siyudad. Pagkalipas ng maikling pamamalagi sa lugar, ang barko ay nagpatuloy
sa paglalayag patungong Marseilles. Muli siyang namasyal sa dalampasigan ng lugar. Hindi
siya umalis roon nang hindi nakikita ang tanyag na Chateaud’If, ang tagpuan ng paborito
niyang nobela noong siya ay bata pa. iyon ang lugar kung saan nabilanggo si Edmond
Dantes, ang pangunahing tauhan ng “The Count of Monte Cristo”. Siya ay nanatili sa lugar
nang dalawa at kalahating araw bago niya nilisan ang Marseilles patungong Espanya.

Sakay ng tresn, tumawid siya sa Pyrenees kung saan siya namalagi ng isang
araw sa pusod ng bayan ng Port Bou. Pagkatapos na dumaan sa tanggapan ng imigrasyon
para sa inspeksiyon ng kaniyang pasaporte, ipinagpatuloy niya ang paglalakbay sakay pa
rin ng tren, hanggang sa marating niya ang kaniyang destinasyon—ang Barcelona, Espanya,
noong Hunyo 16, 1882.

Pagdating sa Barcelona

Sa umpisa, ang impresyon ni Rizal sa Barcelona, ang ikalawa sa pinakamalaking

siyudad ng Espanya, ay hindi kaiga-igaya. Para sa kaniya, ang naturang lugar ay pangit at
napakarumi, may kakaunting silid-paupahan, at hindi palakaibigan ang mga tao. siya ay
namalagi sa isang maliit at madilim na silid-upahan na matatagpuan sa tinatawag niyang
“pinakapangit na pook sa bayan”. Ang mga tao roon pati na ang mga kawani ay hindi
maganda ang pakikitungo sa kaniya. Subalit, ang gayong pangit na impresyon ay nagbago
at nagsimula niyang magustuhan ang siyudad. Natuklasan niyang ang Barcelona ay isang
napakainam na lungsod sapagkat ito ay nagtataglay ng kalayaan sa pamamahayag at
liberalismo. Ang mga tao ay bukas sa maayos na pagtanggap sa mga panauhin,
matatapang, at may bukas na puso sa tao. Unti-unti, nasiyahan siyang manirahan sa
Barceona, naglalaka-lakad siya sa mga kalye ng Las Ramblas, isang tanyag na daanan
doon. Marami siyang nakilala sa Barcelona. Muli rin niyang nakita roon ang ilang mga
dating kaklase sa Ateneo. Sinalubong siya ng mga ito at inalayan ng isang piging sa Plaza
de Cataluna. Ipinagmalaki ng mga ito ay Rizal ang kagandahan ng Barcelona at ang
maggandang tanawin doon, pati na ang kultura at tradisyon ng mga Kastila. Samantala,
bilang ganti, nagbigay naman si Rizal ng mga kasalukuyang balita at pangyayari sa
Filipinas.

Naging mabunga at makabuluhan ang pamamalagi ni Rizal sa Barcelona.

Sumulat siya ng isang sanaysay na pinamagatan niyang “Amor Patrio” (Pagmamahal sa
Bayan). Ag Amor Patrio ay isang makabayang sanaysay at kauna-unahang artikulong
naisulat sa Espanya. Ipinasa niya ang artikulong iyon sa isang kaibigang taga-Maynila na
nagngangalang Basilio Teodoro Moran, ang tagapaglimbag ng kauna-unahang bilingguwal
na pahayagan sa Filipinas. Labis niyang nagustuhan ang akdang iyon ni Rizal at pinayuhan
niya itong sumulat pa nang sumulat. Ang kaniyang ikalawang artikulo sa Diariong Tagalog
ay pinamagatan niyang Los Viajes (Mga Paglalakbay) na sinundan ng Revisited de
Madrid, subalit ang huli ay ibinalik sa kaniya sapagkat ang pahayagan ay tumigil sa
paglilimbag dahil sa kakulangan ng panustos.

56
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Habang nasa Barcelona, nakatanggan ng balita si Rizal na lumaganap ang sakit

na kolera sa Kamaynilaan at mga karatig probinsiya. Ito ay nagdulot ng pagkamatay ng
maraming tao at napakarami ang naapektuhan araw-araw sapagkat ang kinauukulan ay
hindi gumagawa ng paraan upang matigil ang paglaganap ng epidemya. Isa pang
masamang balitang natanggap niya ang liham ni Chengoy na nagsasabing labis na
nalulungkot si Leonor na nangangayayat at naging sakitin dahil sa kaniyang biglaang pag-
alis nang hindi man lang nagpapaalam sa dalaga.

Pag-aaral sa Madrid

Saisang liham na natanggap ni Rizal, pinayuhan siya ngb kaniyang Kuya

Paciano na tapusin ang pag-aaral niya ng medisina sa Madrid. Bilang pagtalima sa payo
ng nakatatandang kapatid, nagbiyahe si Rizal mula Barcelona patungong Madrid, ang
kabisera ng Espanya. Noo’y taglagas na ng 1882.

Sa Madrid, si Rizal ay nagpatala sa dalawang kurso: Medisina at Pilosopiya at

Letra sa Universidad Central de Madrid (Centarl University of Madrid). Maliban dito, nag-
aral din siya ng pagpipinta at paglililok sa Academy of Fine Arts ng San Fernando. Pinag-
aralan din niya ang iba’t ibang lengguwahe: Pranses, Aleman, at Ingles sa pamamagitan
ng mga pribadong tyutor. Binigyan din niya ng oras ang pag-aaral ng eskriba at pagbaril
sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell. Dagdag pa rito, nanumbalik ang pagmamahal niya
sa mga sining at musika ay nanumbalik; kung kaya, naging laman siya ng mga galeri,
museo, at nagbasa ng mga aklat sa iba’t ibang asignatura, kasama na ang military,
inhinyeriya, at iba pa upang mapalawak ang kaniyang kaalaman at kaligirang kultural.

Hindi nagsayang ng panahon si Rizal sa Madrid. Alam niyang pagpaaral ang

pakay niya roon upang sa bandang huli ay matulungan niya ang Filipinas at mga kababayan
niyang makaalpas sa tinatamasang kaalipnan at paghihirap sa kamay ng mga mananakop.
Dahil dito, sinigurado niyang tama ang paggamit niya ng kaniyang oras at salapi. Ang
tanging naging bisyo niya ay ang paglalaan ng pea para sa pagtaya sa loterya. Ginamit niya
ang kaniyang mga bakanteng oras sa pagbabasa at pagsusulat, pagdalo sa mga pagtitipon
ng mga estudyanteng Pilipino sa bahay ng magkakapatid na Paterno (Antonio, Maximo, at
Pedro), at pagsasanay sa eskriba at pagbaril sa isang himnasyo. Sa mga Sabado ng gabi ay
binibisita niya si Don Pablo Ortiga Y Rey. Siya ay may iang anak na lalaki na
nagngangalang Rafael at anak na babae na ang pangalan ay Consuelo. Ang mga anak niya
ay nasa kaniyang poder. Si Don Pablo ay dating gobernadorcillo ng Mayila sa panahon ng
panunungkulan ni Gobernador Heneral Carlos Ma. Dela Torre, na di naglaon ay naging
Pangalawang Pangulo ng Konseho ng Filipinas sa Minstri ng mga Kolonya.

Dahil mag-isa at nalulungkot sa ibang bansa, nagustuhan ni Jose Rizal ang

maganda at napakabait na si Consuelo. Nasiyahan at ikinalugod niya ang mga sandaling
sila ay magkasama. Sumulat din siya ng mga tula para sa dalaga. Ganunpaman, ang
kanilang pagtitinginan ay hindi nauwi sa isang seryosong relasyon sapagkat umatras si
Rizal sa pangingibig sa dalaga dahil sa sumusunod na rason: Una, nakatakda pa rin ang
kanilang pagpapakasal ni Leonor Rivera at labis niya itong iniibig; Pangalawa, ang
kaniyang kaibigan at kasama sa kilusang propaganda na si Eduardo de Lete ay may
pagtingin din kay Consuelo at naisip niyang hindi niya maaaring traydorin ang isang
kaibigan dahil lamang sa isang babae.

57
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Pagdating na pagdating niya ng Madrid, si Rizal ay sumali sa Circulo Hispano-

Filipino (Hispano-Filipino Circle), isang asosasyon ng mga Kastila’t Pilipino. Pinakiusap
siya ng mga kasapi ng grupo na sumulat ng tula kaya nasulat niya ang Mi Piden Versos
(Hinilingan nila ako ng mga Berso), na binigkas niya nang personal sa gabi ng Bagong
Taon noong Disyembre 31, 1882. Sa tulang ito, ibinuhos niya ang lahat ng kalungkutang
nadarama ng kaniyang puso; ng pangungulila sa kaniyang mga magulang at kapatid, kay
Leonor Rivera, at ang matinding paghihirap ng mga kapuwa nya Filipino sa kamay ng mga
mananakop na Kastila.

Hindi bahagi ng pagpapalipas ng oras ni Rizal ang paggala at pagsusugal. Sa

halip na magliwaliw kasama ang mga kaibigan kagaya ng mga ginagawa ng ibang Pilipino
sa Madrid, ginugugol niya ang kaniyang salapi sa pagbili ng aklat at pagbabasa ng mga ito
hanggang hatinggabi. Ginawa niya angb lahat para makatipid upang mabili ang mga nais
niyang aklat na karaniwang segunda mano, at gumawa rin siya ng kaniyang personal at
maliit na silid-aklatan. Ang kaniyang aklatan ay binubuo ng Bibliya, Gramatika ng
Hebrew, Talambuhay ng mga naging Pangulo ng Estados Unidos mula kay Washington
hanggang kay Johnson, ang lahat ng aklat ni Voltaire na binubuo ng siyam na bolyum,
kompletong aklat ni Horace a may tatlong bolyum, Kasaysayan ng Rebolusyong Pranses,
Ang Lagalag na Hudyo, Mga Sinaunang Tula ni Thucydides, Ang Emperyong Byzantine,
Ang mga Tauhan ni La Byuyere, Ang Renasimiyento, Uncle Tom’s Cabin ni Harriete
Beecer Stowe, at napakaraming aklat sa medisina, pilosopiya, mga wika, kasaysayan,
heograpiya, sining at agham. Ang Uncle Tom’s Cabin ni Stowe at Ang lagalag na Hudyo
ni Eugene Sue ang pinakanagustuhan at pinakaapekto sa kaniya sapagkat ang mga aklat na
iyon ay hinggil sa opresyon at paghihirap ng mga tao.

Sa unang bakasyong-tag-ini ni Rizal sa Madrid, nagpasya siyang bisitahin ang

Paris, ang kabiserang lungsod ng Pransiya. Siya ay nanatili roon sa loob ng 60 araw sa
Hotel de Paris, isang mamahaling otel kaya pagkalipas ng ilang araw ay lumipat siya sa
mas murang silid-upahan. Kagaya ng ibang turista, labis na humanga si Rizal sa
kagandahan ng Paris kung saan niya nakita ang Champs Elyssees, ang Opera House, ang
Place de la Concorde, ang Arch of Triumpm, ang Bois de Boulogne, ang Madeline Church,
ang Cathedral ng Notre Dame, ang Column of Vendome, ang Invalides na nagtataglay ng
puntod ni Napoleon the Great at ang napakagandang Versailles, at iba pang magagandang
tanawin kagaya ng mga museo, mga hardin, at mga ospital.

Nang minsang naglalakad-lakad siya sa Paris, napagkamalan siya ng ilang

Pranses na isang Hapon. Ang presyo ng mga pagkain, inumin, at akomodasyon sa otel, pati
na ang transportasyon ay sadyang mamahalin kaya nahirapan siyang ibadyet ang kaniyang
pera. Sa isang liham para sa kaniyang pamilya, sinabi niyang ang Paris ang pinakamahal
na kabisera sa buong Europa.

Si Rizal Bilang Mason

Sa Espanya, nakakilala si Rizal ng mga batikan at bantog na mga Kastila na

karaniwang Mason. Namangha siya kung paano tinutuligsa ng mga Kastilang Mason sa
mga alituntunin ng pamahalaan at kung paano binabatikos ng mga ito ang mga prayle, mga
bagay na hindi nila magawa sa Filipinas. Noong Marso 1883, pormal na lumahok si Rizal
sa Masonic Lodge na tinatawag na Acacia sa Madrid. Naniniwala siyang ang malayang

58
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

pagiging mason ang makatutulong sa kaniyang laban kontra sa mga prayle sa Filipinas.
Ginagamit kasi ng mga prayle ang relihiyon upang magawa anuman ang kanilang gustuhin
upang mapaunlad ang kanilang mga sarili at paggawa ng masasama kagaya ng pagtugis sa
mga makabayang Pilipino. Nais niyang magamit ang pagiging mason upang matalo ang
pang-aapi. Siya ay naging master mason noong Nobyembre 15, 1890, at pagkalipas ng
tatlong buwan, siya ay pinarangalan ng diploma sa pagiging Master Mason ng Le Grand
de France sa Paris.

Kaiba nina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Mariano Ponce na
masyadong naging aktibo sa mga gawain ng pagiging mason, si Rizal ay hindi gaanong
naglaan ng kaniyang oras para dito. Ang tanging naisulat niya tungkol sa pagmamason ay
pinamagatang “Agham, Ugali, at Trabaho” na binigkas niya sa Lodge Solidaridad sa
Madrid noong 1889.

Sina Luna at Hidalgo

Paglipas ng dalawang taon sa Espanya, mas naging malala ang kalagayan ng

Filipinas. Naranasan ni Rizal ang pagkakaroon ng problema sa pera sapagkat masyadong
naging mahina ang ani ng palay at tubo dahil sa matinding tagtuyot at pananalasa ng mga
peste. Bukod doon, ang lupang sinasaka ng kaniyang ama at kapatid na pag-aari ng mga
Dominikano ay pinatawan ng mas mataas na upa. Madalas ding manghingi ng pabo ang
tagapangasiwa ng asyeda sa kaniyang ama sapagkat si Don Francisco ay mahusay mag-
alaga ng pabo.

Dahil sa matinding pinsala ng mga peste sa kanilang mga pabo, na marami ang
nangamatay dahil sa peste, tumanggi si Don Francisco na bigyan ng pabo ang
tagapangasiwa ng asyenda sapagkat kailangan niya ang mga nalalabing pabo upang
paramihing muli ang mga ito. Isa ito sa mga nakagalit sa mapaghiganteng tagapangasiwa
ng asyenda kaya tinaasan nito ang upa ng lupang sinasaka ng pamilya Rizal. Dahil doon,
ang perang ipadadala para sana kay Rizal ay naantala kaya may mga pagkakataong hindi
siya kumakain ng pananghalian sa mga panahong yaon.

Maraming pagkakataong hindi siya nakakapag-almusal. Isang araw na wala

siyang almusal, sumali siya sa isang patimpalak at nagwagi pa rin siya ng isang gintong
medalya. Kinagabihan, nagkaroon siya ng masaganang hapunan sapagkat siya ay
naanyayahang magsalita sa isang pagtitipon bilang parangal kina Juan Luna at Felix
Resureccion Hidalgo sa isang restwaran sa Madrid. Ang pagtitipon ay pinangasiwaan ng
mga Filipino sa Madrid upang ipagdiwang ang tagumpay ng dalawang Pilipinong pintor
sa National Exposition on Fine Arts sa Madrid. Ang “Spolarium” ni Juan Luna ang
nanalong unang puwesto samantalang ang “Christian Virgin Exposed to the Populace” ni
Hidalgo ang tumanggap ng pangalawang puwesto. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga
prominenteng mga alagad ng sining na Kastila, mamamahayag, mga manunulat at makata,
at mga Pilipino. Sinaluduhan ni Rizal sina Luna at Hidalgo dahil sa natamong tagumpay
ng mga ito sa isang dayuhang lupain. Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Rizal na ang mga
henyo ay hindi kumikilala ng ibang bansa, na ang mga henyo ay maaaring magtagumpay
kahit saanman, ang henyo ay tulad ng liwanag, ng hangin, ang patrimonya ng sinuman,
kagaya ng kalawakan, ng hangin, ng apoy, ng Diyos. Ipinadiinan niya nang may kasamang
sarkasmo ang labis na pang-aapi at pagmamalabis ng mga Kastila sa Filipinas, lalong-lalo

59
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

na ng mga Dominikano na walang kaamor-amor sa mga henyong kagaya ng mga

pinarangalan. Ang kaniyang talumpati ay labis na hinangaan ng lahat kaya napatayo’t
napapapalakpak ang mga tagapakinig. Napahanga rin ang mga Kastilang naroon sa tatas
ng pananalita at husay ng retorika ng Rizal sa wikang Espanyol. May mga nagsabi pang
labis ang sinseridad at katotohanan ng kaniyang ipinamalas na pananalita sa harap ng
madla. Nangibabaw sa kaniyang talumpati ang espiritu ng nasyonalismo a ang kaniyang
napakalakas na palahaw ng reporma para sa kaniyang Inang Bayan.

Pagtatapos ng Pag-aaral ni Rizal

Noong Nobyembre 20-22, 1884, sumali sa isang madugong demonstrasyon sina

Rizal at iba pang Pilipino sa Central University kung saan nasugatan ang karamihan sa
kanila. Nangyari ang nasabing demonstrasyon dahil sa ekskomunikasyon kay Dr. Miguel
Morayta, isang propesor sa Kasaysayan, na “nagdeklara ng kalayaan ng agham at
pagtuturo” sa isa niyang talumpati noong panahong yaon. Ito nakagalit sa mga estudyante
ng pamantasan na karamihan ay mga Cuban, Meksikano, Peruvian, Pilipino, at Kastila. Di
naglaon, sila ay nadagdagan pa ng mga maag-aaral na buhat naman sa iba pang kolehiyo.
Ang demonstrasyon ay sinundan ng isang rayot kung saan maraming sibilyan at mga mag-
aaral ang nasaktan at nasugatan. Ang Rektor ng paaralan na kumampi sa mga mag-aaral
ay pinalitan ni Dr. Creus na hindi gaanong kilala ng mga estudyante. Sinabi ni Rizal sa
isang liham sa kaniyang pamilya na muntik na siyang arestuhin ng mga alagad ng batas
kung hindi sila agad na nakatakas ng kaniyang kaibigang si Ventura.

Sa kabila ng napakaraming suliraning kaniyang kinaharap, natapos pa rin ni

Rizal ang kaniyang pag-aaral sa Madrid. Noong Hunyo 21, 1884, natanggap niya ang
degring Licentiate in Medicine. Nang sumunod na taong-aralan, nagatala at nakapasa siya
sa lahat ng asignatura para sa degring Doktor ng Medisina, subalit dahil hindi niya
naipresenta ang kaniyang tesis at hindi rin siya nakapagbayad ng mga hinihinging bayarin,
hindi naipagkaloob sa kaniya ang diploma para sa degring Licentiate in Philosophy of
Letters sa Universidad Central de Madrid nang may eksilenteng marka.

Pagkatapos na pagkatapos na makompleto niya ang kaniyang pag-aaral sa

University Central of Madrid, si Rizal ay naglakbay patungong Paris at Alemanta upang
magkaroon ng espesyalisasyon sa Optalmolohiya. Labis siyang nag-aalala sa kalagayan ng
mga mata ng kaniyang ina at nais niya itong malunasan na agad.

Si Rizal sa Alemanya at ang Pag-aaral ng Optalmolohiya

Samantala, ipinagpatuloy ni Rizal ang kniyang pamamasyal at pagmamasid sa

mga kultura’t tradisyon, pamahalaan at mga batas sa Paris, Heidelberg, Leipzig, at Berlin.
Sa Berlin, siya ay nagsilbing assistant ng mga bantog na okyulistang Europeo. Nakilala at
kinaibigan din niya ang mahuhusay na mga siyentipikong Aleman kagaya ni Dr. Feodor
Jagor, Dr. Adolf Meyer, Dr. Hans Meyer, at Dr. Randolf Virchow.

Si Dr. A. B. Mayer ay ang direktor ng Zoologocal and Botanical Museum noon

habang si Dr. Rudorf Virchow naman ay ang pangulo ng Anthropological Society of

60
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Berlin. Pinakiusapan ni Dr. Virchow si Rizal na magbigay ng lektyur noon hnggil sa mga
Tagalog sa harap ng Anthropological Society.

Kinilala ng mga siyentipikong ito ang husay ni Rizal sa larangan ng agham. Sa

kabila nito, nagkaroon siya ng mga suliranin sa Berlin na may kaugnayan sa pinansiyal na
aspekto. Sinulat niya roon ang una niyang nobelang Noli Me Tangere na nailathala dahil
sa tulong ng isang matalik na kaibigang si Maximo Viola mula sa Bulacan.

Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral sa Central University of Madrid, si Rizal na

24 na taong gulang noon, ay pumunta sa paris upang magkaroon ng dagdag-kaalaman sa
optalmolohiya. Dumaan din siya ng Barcelona upang bisitahin ang kaibigang si Maximo
Viola.

Nanirahan siya kina Viola sa loob ng isang linggo, kung saan ay nakilala at
kinaibigan din niya si Senyor Eusebio Corominas, editor ng pahayagang “La Publicidad”.
Iginuhit niya gamit ang krayola si Don Miguel Morayta, isang mabait na kaibigan at ang
may-ari ng La Publicidad.

Noong Nobyembre 1885, namalagi siya sa Paris at nagtranaho bilang assistant

ni Dr. Louis de Wecker, ang nangungunang optalmologong Pranses. Nagtrabaho siya kay
Dr. Wecker hanggang Pebrero 1886. Lalong nadagdagan ang kaniyang kaalaman sa
optalmolohiya dahil sa pagiging assistant ng isa sa pinakamagaling sa naturang larangan.
Sa kaniyang bakanteng oras, siya ay nakikipagkita sa ilang kaibigang Pilipino gaya ng
pamilya Pardo de Tavera at ng mga pintor na si Felix Resureccion Hidalgo at Juan Luna
kung saan niya ginugol ang karamihan ng kaniyang mga oras. Sa katunayan, siya ay naging
modelo ni Juan Luna sa ilang mga pininta nito gaya ng “The Death of Cleopatra” kung
saan siya ay tumayo bilang isang paring Egyptian at sa isa pang dakilang likha ni Luna na
“The Blood Compact” kung saan si Sikatuna naman ang kaniyang iminodelo kasama si
Trinidad Pardo de Tavera na gumanap namang si Miguel Lopez de Legazpi.

Pagkatapos ng pananatili niya sa Paris, si Rizal ay nagtungo sa Alemanya kung

saan nagtrabaho siya sa University eye Hospital, na malapit sa University of Heidelberg
kung saan naman siya nagtrabaho bilang assistant ni Dr. Otto Becker, isang mahusay at
kapita-pitagang optalmologong Aleman. Tuwing Sabado’t Linggo, siya ay naglalakad-
lakad sa kalsada upang pagmasdan ang pamumuhay, kaugalian, at kultura ng mga Aleman.
Napansin niyang ang mga tao roon ay may iba’t ibang relihiyon; Katoliko at Protestante
subalit sa kabila nito, sila ay namumuhay nang maayos at magkakasundo. Sa Heidelberg
namin, labis na humanga si Rizal sa nagagandahang bulaklak na nakatanim sa gilid ng Ilog
Neckar. Naalala niya ang mga sumisibol na bulaklak sa kanilang hardin sa Calamba. Dahil
sa labis na pangungulila sa kaniyang pamilya, sinulat niya ang isang napakagandang tulang
pinamagatan niyang “A Las Flores de Heidelberg” (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg).
Pagkatapos niyang isulat ang kaniyang tulang “Sa mga Bulaklak ng Heidelberg”
siya ay namalagi sa isang bulubunduking nayon malapit sa Heidelberg kasama ang isang
protestanteng pastor na si Dr. Karl Ulmer at ang pamilya nito. Para kay Rizal, si Dr. Ulmer
ay mapagbigay at maalalahaning landlord. Naibigan ni Rizal ang magandang pakikitungo
ng pamilya ni Dr. Ulmer sa kaniya. Labis na hinangaan ng asawa ng pastor ang kahusayan
ni Rizal sa iba’t ibang wika, magandang personalidad, at talento sa pagpinta. Ang asawa
ng pastor ay magaling magluto kaya mas nagustuhan ni Rizal ang pamamalagi sa poder ng
pamilya Ulmer. Naging maganda ang karanasan ni Rizal sa bahay ng mga Ulmer sa
Wilhemsfeld, Alemanya.

61
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Noong Hulyo 31, 1886, si Rizal ay lumiham kay Dr. Fernidand Blumentritt,
isang propesor at ang direktor ng Ateneo of Leitmeritz sa Austria. Nabalitaan niyang isang
etnologo si Dr. Blumentritt at interesadosa mga wika sa Filipinas. Kasama ng kaniyang
liham, inilakip niya roon ang isang aklat na may pamagat na Arithmetica na nakasulat sa
dalawang wika—Kastila at Tagalog ni Rufino Baltazar, isang taal na taga-Santa Cruz,
Laguna. Labis na nasiyahan si Dr. Blumentrirr nang matanggap ang liham ni Rizal kaya
agad naman itong lumiham bilang sagot at naglakip naman siya roon ng dalawang aklat.
Mula noon, ang dalawa ay naging mabuting magkaibigan na tumagal habambuhay.
Naibigan ni Rizal ang lungsod ng Heidelberg at mapalad siyang makadalo sa pagdiriwang
ng ikalimang daang anibersaryo ng siyudad, subalit pagkalipas ng tatlong araw na
pakikisaya sa University of Heidelberg, umalis si Rizal sakay ng tren upang bisitahin ang
iba pang mga siyudad ng Alemanya. Dumating siya sa Leipzig noong Agosto 14, 1886.
Dumalo siya sa ilang panayam at seminar sa Universidad ng Leipzig kung saan nakilala
niya ang mga bagong kaibigan: sina Propesor Friedrich at Dr Hans Meyer, kapuwa
Aleman, historyan, at mga antropologo.

Sa Leipzig, isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na pinagatang “William Tell”

mula sa wikang Aleman patungong wikang Tagalog para sa mga Pilipinong mag-aaral
upang mabasa at maunawaan nila ang kuwento at kung paano nakamtan ng mga Swiso ang
ganap na kalayaan at kasarinlan. Bagaman para kay Rizal ay napakamura ng pamumuhay
sa Leipzig kumpara sa iba pang lugar sa Europa, nanirahan lamang siya roon ng dalawa at
kalahating buwan sapagkat nagtungo na siya ng Dresden noong Oktubre 29. Sa Dresden
niya nakilala si Dr. Adolf Meyer, ang direktor ng Anthropological ang Ethnological
Museum.

Sakay muli ng tren, nilisan ni Rizal ang Dresden sa umaga ng Nobyembre 1

upang magtungo sa Berlin. Narating niya ang Berlin kinagabihan ng parehong araw. Labis
siyang namangha sa kagandahan ng Berlin dahil sa atmosperang makaagham at kawalan
ng diskriminasyon. Sa nasabing siyudad, personal na niyang nakilala ang batikang si Dr.
Feodor Jagor, ang siyentipikong Aleman at may-akda ng “Travek in the Philippines”, ang
aklat na nagustuhan niya noong nag-aaral pa siya sa Ateneo. Kaibigan ni Dr. Blumentritt
si Dr. Feodor Jagor kung saan ipinakilala na siya nito kay Rizal sa isang liham bago nito
nilisan ang Heidelberg. Ipinakilala ni Dr. Jagor si Rizal sa napakarami pang mga bantog
na siyentipiko at sa pamamagitan ng rekomendasyon nina Dr Jagor at Dr. Meyer, si Rizal
ay naging kasapi ng Anthropologiical Society, Ethnological Society, at Geographical
Society of Berlin kung saan ang naturang mga sosyedad ang nagpatunay ng kaniyang
kagalingan at kahusayan sa agham at iyon ay kinilala ng mga pinakamamagaling na
siyentipino ng Europa. Siya ang kauna-unahang Asyanong nakatanggap ng gayong
pagkilala at karangalan.

Ipinakilala rin si Rizal sa isa pang bantog na siyentipiko na nagngangalang Dr.

Rudolf Virchow, isang propesor sa “Descriptive Anatomy”. Para kay Dr. Virchow, si Rizal
ay isang henyo at inanyayahan niya itong magbigay ng isang panayam sa Ethnographic
Society of Berlin. Bilang pasasalamat, sumulat si Rizal ng isang akkdka sa wikang Aleman
na pinamagatan niyang “Tagaliche Verknust” (Tagalog Martial Arts) na binasa niya sa
naturang sosyedad noong Abril 1887.

62
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sa Berlin, si Rizal ay namuhay nang sistematiko at maayos na buhay, alam

niyang hindi lamang siya isang mag-aaral at turistang nagmamasid doon kundi isang taong
may tinatrabahong misyon. Naging matipid siya sap era at nagtrabago bilang uling
assistant sa klinika ni Dr. Schweigger, isang optalmologong Aleman, upang madagdagan
ang kaniyang panggugol. Nanirahan siya sa naturang lungsod ng Alemanya dahil sa
sumusunod:

1. Upang madagdagan ang kaalaman sa optalmolohiya

2. Upang palawigin pa ang kaniyang pag-aaral ng siyensiya at mga wika
3. Upang pagmasdan ang gobyerno at kondisyong politikal ng Alemanya
4. Upang makipagkaibigan at makisalamuha sa mga dakilang siyentipiko at
iskolar na Aleman
5. Upang ilathala ang kaniyang unang nobelang Noli Me Tangere

Nang nasa Berlin si Rizal, ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang
pag-aralan at pagdalubhasaan ang maraming wika lalo na ang Pranses upang maayos siyang
makiisalamuha at makapagsulat pati na sa wikang Kastila sa pamamagitan ng mga private
lessons.

Sa isang liham ni Rizal sa nakababatang kapatid na si Trinidad, inilahad niya ang

kaniyangb paghanga at pagpapahalaga sa mga babaeng Aleman. Ayon sa liham niya, ang
mga babaeng Aleman ay seryoso, masipag, edukada, at palakaibigan. Hindi sila tsismosa,
pabigla-bigla, at palaaway gaya ng mga babaeng Kastila. Ayon pa kay Rizal, ang mga
babaeng Aleman ay simple at hindi gaanong mahilig magsuot ng magagarang damit at
mamahaling mga alahas. Inihambing niya ang mga ito sa mga Pilipina na lubhang
mayuyumi, pino kung magsalita, at mainam tumanggap sa mga panauhin subalit hindi
ganoon kasopistikada. Isinaad niyang kung mapagbubuti lamang ng mga Pilipina ang
kanilang mga sarili sa pamamagitan ng edukasyon, nakatitiyak siyang magiging mas mataas
ang respeto ng kalalahikan sa kanila.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kauna-unahang bansang narating ni Rizal.

a. Alemanya c. Indonesia
b. Espanya d. Singapore

2. Ikalawang pinakamalaking siyudad ng Espanya.

a. Barcelona c. Madrid
b. Dresden d. Naples

3. Isa sa mga pinakapaboritong aklat ni Rizal na binasa niya noong siya ay bata pa.
a. Florante at Laura c. The Count of Monte Cristo
b. The Auncle Tom’s Cabin d. The Adventure of Tom Soyer

4. Bapor na sinakyan ni Rizal paalis ng Filipinas.

a. Bapor Djemna c. Bapor Tabo
b. Bapor Salvadora d. Bapor Talim

63
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

5. Pangalang ginamit ni Rizal sa kaniyang pagpunta sa ibang bansa.

a. Jose Marcelo c. Jose Protacio
b. Jose Mercado d. Jose Rizal

6. Maliban sa kaniyang mga magulang, kanino pa sumulat ng liham-pamamaalam si

Rizal?
a. Kay Leonor Rivera
b. Kay Segunda Katigbak
c. Sa kaniyang mga propesor sa Ateneo
d. Sa kaniyang mga propesor sa UST

7. Sa lugar na ito naalala ni Rizal ang kaniyang bayang Calamba dahil sa kagandahan ng
tanawin at katahimikan ng gabi.
a. Aden c. Colombo
b. Ceylon d. Suez

8. Para kay Rizal, ito ay isang marumi at pangit na siyudad.

a. Aden c. Ceylon
b. Barcelona d. Dresden

9. Petsa ng pagdating ni Rizal sa Barcelona.

a. Hunyo 15, 1882 c. Hunyo 17, 1882
b. Hunyo 16, 1882 d. Hunyo 18, 1882

10. Para kay Rizal, ang siyudad na ito sa Europa ang may pinakamahal na pamantayan ng
pamumuhay.
a. Brussels c. Madrid
b. Lisbon d. Paris

Gawain 2. Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem. Isulat ang sagot sa puwang pagkatapus
ng bilang.

11. Ang naging pag-ibig ni Rizal sa Madrid.

____________________________
12. Ang naging karibal niya sa babaeng Espanyola.
____________________________
13. Para kay Rizal, ito ang pinakamahal na siyudad sa buong Europa.
____________________________
14. May-akda ng Uncle Tom’s Cabin.
____________________________
15. Pamagat ng iginuhit ni Juan Luna na nagwagi ng gintong medalya.
____________________________
16. Ang pintor na Pilipinong pumangalawa kay Luna sa paligsahan sa pagpinta.
____________________________
17. Lugar kung saan nagkaroon ng isang madugong demonstrasyon kasama si Rizal at iba
pang Pilipino kung saan marami ang nasaktan at nasugatan.
____________________________
18. Mga lugar kung saan nag-aral ng optalmolohiya si Rizal.
____________________________

64
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

19. Ang gumuhit ng “Blood Compact” kung saan tumayong modelo si Rizal.
____________________________
20. Ang naging matalik na kaibigan ni Rizal sa pamamagitan ng pagliliham.
____________________________

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na katanungan.

21. Gaan kahalaga ang pag-aaral sa kolehiyo? Hindi ba sapat na nakatapos ka ng

sekundarya? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

22. Kung ikaw si Rizal, ililihim mo rin bas a iyong mga magulang ang iyong mga plano sa
buhay? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

23. Ano-ano ang mga di mo makakalimutang karanasan bilang mag-aaral sa kolehiyo?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

24. Para sa ‘yo, gaano kahalaga ang sining at panitikan sa isang bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

65
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 4. Sumulat ng isang maikling tula na may pamagat na “Buhay bilang isang
Paglalakbay”.

66
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 5

Ang Noli Me Tangere

Bilang isang nobelista, mahalaga ang naging papel ni Jose Rizal sa pagmulat ng
kaisipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng Noli Me
Tangere ay naipamalas ni Rizal ang samot-saring sakit ng lipunan ng kaniyang panahon.
Tinawag niyang kanser ang naturang sakit.

Sa kabatang ito, detalyadong tinalakay ng nay-akda ang tungkol sa

pagkakasusulat at paglathala ng unang nobela ni Rizal. Tampok din sa kabanatang ito
ang mga tauhan at ang buod ng nobela. Ipinaliwanag din dito kung bakit sa kanser
inihambing ni Rizal ang mga sakit ng lipunan sa kaniyang panahon.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Matukoy ang mga detalyeng nakapaloob sa pagsulat at paglathala ng unang

nobela ni Rizal;
2. Makilala ang mga pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere pati na ang
mga papel na kanilang ginampanan sa nobela;
3. Maisalaysay ang buod ng nobela;
4. Masuri ang mga suliranin at kanser panlipunang nakapaloob sa Noli Me
Tangre;
5. Matukoy ang papel na ginampanan ni Maximo Viola sa paglathala ng Noli
Me Tangere;
6. Maisalaysay ang naging paglalakbay ni Rizal sa Europa.

Pagsulat ng Noli

Ang buhay ni Rizal sa Berlin sa kalagitnaan ng taglamig ng 1886 ay isa sa mga

pinakamahirap na panahon ng pamamalagi niya sa Europa, sapagkat wala siyang kapera-
pera nang mga panahong iyon. Idagdag pa, ang kaniyang kalusugan ay pahina nang pahina.
Subalit, naging masaya pa rin siya sa ganitong mga pangyayari, sapagkat sa panahon ding
yaon nailathala ang kauna-unahan niyang nobelang “Noli Me Tangere” noong Marso 1887
sa tulong na bukas-palad na si Maximo Viola na dumating sa Berlin sa panahong
nawawalan na ng pag-asa si Rizal. Pinautang siya ni Viola ng sapat na halagang kaniyang
kinakailangan upang mailathala ang nobela. Dahil dito, si Maximo Viola ay tinaguriang
tagapagligtas ng Noli Me Tangere.

Ang pagsulat ni Rizal ng nobelang Noli Me Tangere ay inspirado ng pagbabasa

niya ng akda ni Harriet Beecher Stowe na “Uncle Tom’s Cabin” na tungkol sa kabrutalan
ng mga Amerikano at ang miserableng pamumuhay ng mga alipin ng Estados Unidos.
Sinulat ito ni Rizal upang ipakita ang paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng tiranya ng
mga Kastila. Ang pagsusulat ng nobela tungkol sa Filipinas at mga pangyayari dito ay
iminungkahi ng ilang grupo ng mga Pilipino. Sinimulan ito ni Rizal sa pamamagitan ng
isang proposal o panukala na sinang-ayunan at pinagtibay ng mga Paterno na sina Pedro,
Maximo, at Antonio, Graciano Lopez Jaena, Evarresto Aguirre, Eduardo de Lete, Julio

67
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Llorente, Melecio Figueroa at Valentin Ventura. Ang panukala ay hindi nagawa sapagkat
ang mga sumang-ayon na susulat sana ay wala namang nagawa na kahit na ano.

Tumalikod man ang ilan sa kaniyang mga kaibiga, hindi ito naging hadlang kay
Rizal sapagkat siya ay may malaking pagnanais at determinasyon na makapagsulat ng
nobela kahit pa mag-isa. Pagkatapos ng pag-aaral niya sa Central University of Madrid,
ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng huling kalahating bahagi ng Noli. Natapos niya ang
ilang mga kabanata sa Alemanya at ang iba pang nalalabing kabanata sa Wilhelmsfeld
noong Abril hanggang Hunyo 1886.

Si Rizal ay nasa Berlin nang gawin niya ang huling rebisyon ng manuskrito ng
Noli Me Tangere. Siya ay maysakit at walang pera noon kaya tila nawalan siya ng pag-
asang mailalathala ang nobela. Naisipan pa nga niya itong itapon sa apoy dahil sa kawalan
ng pag-asa, gutom, at kakulangan ng pera.

Sa mga panahong nalulusaw na ang kaniyang pag-asa, may nasilip siyang liwanag
sa kabila ng gutom at pagkakasakit nang matanggap ni Rizal ang isang telegram buhat kat
Dr. Maximo Viola na nagsasabing siya ay patungong Madrid. Ilang araw bago ang Pasko
noong 1886, dumating sa Berlin si Dr. Viola. Ito ay biglang bigla sapagkat di nito
inaasahang namumuhay si Rizal sa labis na karukhaan at karamdaman dahil sa kakulangan
ng nutrisyon at makakain.

Nang makita ang kaibigan at malaman ang mga dinaranas nitong suliranin, sinabi
ni Violang siya ay handang sumagot sa perang gugugulin sa pagpapalathala ng Noli Me
Tangere. Pinautang pa niya si Rizal ng panggastos nito sa araw-araw. Kung kaya, ang
dalawang magkaibigan ay magkasamang ipinagdiwang ang Pasko noong 1886 nang may
masaganang pagkain at masayang kuwentuhan.

Pagkatapos ng Pasko, nagsagawa pa si Rizal ng ilang pagwawasto sa manuskrito

ng nobela. May mga tinanggal siyang talata sa ilang kabanata. Tinanggal niya rin ang buong
kabanata tungkol kina “Elias at Salome”. Tinawag itong Kabanata Ekis. Nang matapos ang
pinal na rebisyon at handa na ang nobela sa paglilimbag, si Viola na siyang tagapagligtas
ng nobela at si Rizal ay nagtungo sa iba’t ibang palimbagan sa Berlin upang malaman ang
halagang kailangang bayaran sa pagpapalathala ng akda. Ang napili nilang tagapaglathala
ng nobela ay ang Berliner Buchcdrukrei Action Gessechaft. Hiningan sila nito ng
pinakamababang singil na P300.00 para sa 2,000 kopya ng nobela.

Habang nasa proseso ng paglalathala ng Noli Me Tangere, bumisita sa bahay ni

Rizal ang Hepe ng Pulisya sa Berlin. Pinakiusapan siya nitong ipakita ang kaniyang
pasaporte. Sa kasamaang palad, wala siyang naipakitang pasaporte sapagkat wala naman
talaga siya nito. Mahigpit na ipinagbabawal noon ang paglalakbay nang walang pasaporte
kaya pinayuhan siya ng hepeng kumuha ng naturang dokumento sa loob ng apat na araw
upang hindi siya pauwiin dumaan sa deportasyon. Pagkalipas ng apat na araw ay nagpakita
siya sa awtoridad. Nagpaliwanag siya at humingi ng paumanhin na hindi siya nakakuha ng
pasaporte. Ipinaalam sa kaniya ng pulisya na siya ay pinaghihinalaang espiyang Pranses
dahil sad alas ng pagtungp noya sa mga nayon at bayan sa mga liblib na lugar, subalit
matapos niyang ipaliwanag ang kaniyang panig sa wikang matatas na Aleman, na hindi siya
isang espiyang Pranses kundi isang Pilipinong doktor at siyentipiko, partikular isang
etnologo na nag-aaral sa mga pamumuhay at tradisyon ng mga tao sa mga pook rural, ang

68
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

hepe ng pulisya ay naniwala sa kaniyang paliwanag at pumayag na malayang manatili siya

sa Alemanya.

Pagkatapos ng nabigong deportasyon, sina Rizal at Viola ay tumulong sa

paglalathala ng Noli.

Paglathala ng Noli

Noong Marso 21, 1887, ang nobelang pinamagatang Noli Me Tangere na

nangangahulugang “Huwag mo Akong Salingin”, isang pariralang hinango sa Banal na
Kasulatan o Bibliya, ay natapos na malimbag at nailabas sa palimbagan. Pagkatapos na
magkaroon ng mga kopya ng aklat, nagpadala siya ng nailathalang kopya ng nobela sa
kaniyang matatalik na kaibigang si Ferdinand Blumentritt, Dr. Antonio M. Regidor,
Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, at Felix Hidalgo. Noong Marso 29, bilang isang
regalo para sa kagandahang-loob na ipinakita ni Viola, ibinigay sa kaniya ni Rizal ang
orihinal na manuskrito. Inirolyo niya ito sa isang panulat na ginamit niya sa pagsulat ng
nobela at nagbigay rin siya ng isang komplimentaryong kopya ng aklat na may nakatalang
“Sa aking mahal na kaibigang Maximo Viola, ang kauna-unahang nagbasa at nagpahalaga
sa aking akda—Jose Rizal.”

Ang mga kaibigan ni Rizal na nakatanggap at nakabasa ng Noli me Tangere ay

pinuri ang may-akda sa likas na katapangang makapagsulat ng kakaiba at napapanahong
nobela. Sa kabilang dako, gaya ng inaasahan, tinuligsa ito ng mga kaaway ni Jose Rizal. Sa
London, si Dr. Antonio Ma. Regidor, isang makabayang Pilipino at manananggol na
ipinatapon doon sa pagiging kasabwat sap ag-aalsa sa Cavite noong 1872 ay labis na natuwa
at nagandahan sa nilalaman ng nobela at sa di matatawarang kahusayan ng sumulat nito.
Noong Mayo 3, 1887, sinulatan ni Dr. Regidor si Rizal. Naglalaman iyon ng taus-pusong
papuri sa kaniyang kaibigang nobelista.

Mga Tauhan ng Nobela

Ang Noli Me Tangere ang unang nobela ni Rizal. Ito ay maituturing na isang
nobelang panlipunan sapagkat ibinubunyag ng nobela ang mga sakit at suliraning
panlipunan sa kaniyang panahon. Sa tulong ng mga nilikha niyang tauhan ay naging
matagumpay siya sa paglalahad ng mga sakit ng lipunang na bunga na rin ng mapamuksang
latay ng pananakop ng mga Kastila pati na ng laganap na kamangmangan ng mga Indiyo
noong unang panahon. Tampok sa Noli Me Tangere ang mga di malilimutan at klasikong
mga katauhan ng sumusunod na karakter.

1. Juan Crisostomo Ibarra Y Magsalin—siya ang pangunahing tauhan sa nobela.

Isa siyang edukado, may mababang kalooban, at makabayang binate na nag-aral
sa Europa. Sa loob ng pintong taon ay natutunan niya ang napakaraming bagay
na makapagbibigay ng kalutasan sa mga suliranin ng kaniyang bayan. Subalit,
sa kaniyang pag-uwi, isang kalunos-lunos na pangyayari ang sumalubong sa
kaniya. Namatay ang kaniyang ama sa loob ng piitan. Doon nagsimula ang
kaniyang mga suliranin hanggang sa isa-isa niyang natuklasan ang mga lihim na
kaaway ng kaniyang pamilya.

69
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

2. Maria Clara—isa siyang mabait, mahinhin, at masunuring anak sa mga

nagpalaki sa kaniya. Nag-aaral siya sa beaterio. Pinalaki siyang may takot sa
Diyos at madasalin. Ang mabubuting katangiang ito ay tila magbabago sa mga
sandaling malalaman niya ang lihim ng kaniyang pagkatao na may
Talumpatikinalaman sa kaniyang tunay na ama.

3. Padre Damaso Verdolagas—ang itinuturing na paring malaki. Siya ang dating

kura ng bayan ng San Diego. Bagaman isang Pransiskano, sanay na sanay siyang
magmura at manlait ng tao. Ang krimen na ginawa niya sa kaniyang nakaraan
ay tila kalawang na sisira sa kaniyang kasalukuyan.

4. Kapitan Tiyago—Don Santiago Delos Santos ang kaniyang buong pangalan.

Siya ay isang tapat sa tungkulin at mabait na tao. sa sobrang kabaitang kaniyang
ipinamamalas ay naging dahilan ito upang maging tau-tauhan siya ng mga
Prayle lalo na ni Padre Damaso. Ang pangyayaring ito ay isa sa mga dahilan
kung bakit nagawan siya ng masama ng nasabing pari.

5. Tiya Isabel—ang matandang dalagang pinsan ni Kapitan Tiyago. Siya ang

nagpalaki at nag-aruga kay Maria Clara. Likas siyang madasalin at tapat sa
kaniyang mga paniniwalang panrelihiyon. Ang mga bagay na ito ay itinuro niya
sa batang si Maria Clara habang ito ay lumalaki.

6. Alfonso Linares—ang binatang Kastilang napipisil ni Padre Damaso na

ipakasal kay Maria Clara.

7. Donya Pia Alba—ang asawa ni Kapitan Tiyago. Isang mabait at sunod-

sunurang babae. Isa siya sa mga naging biktima ng kasamaan at kahalayan nin
Padre Damaso. Siya ay namatay nang di naipagtatapat sa kaniyang asawa ang
lihim ng pagkatao ng kinikilala nitong anak.

8. Padre Bernardo Salvi—ang paring payat at matangkad na humalili o pumalit

kay Padre Damaso bilang kura ng San Diego. Siya ay may lihim na pagtingin
kay Maria Clara.

9. Padre Hernando Sybilla—isang paring may liberal na pag-iisip. Siya ay ang

kura ng Binondo.

10. Don Rafael Ibarra—ang mabait at matulunging ama ni Crisostomo Ibarra. Siya
ay namatay sa loob ng kulungan dahil sa mga pakana ng kaniyang mga lihim na
kaaway.

11. Donya Victorina—isang Pilipina na nag-aanyo at nagsasalitang tila Espanyola.

Nakapangasawa ng isang Kastila kaya may mababang pagtingin sa kaniyang
mga kababayan.

12. Sisa—isang mabait at matiising ina at maasikasong asawa. Sa sobrang

kahirapan, kasawian, at kaapihan ay masisiraan siya ng bait na hahantong sa
kaniyang kamatayan.

70
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

13. Basilio—panganay na anak ni Sisa. Biktima siya ng pang-aapi ng kura at

sacristan mayor. Nagawa niyang takasan ang naturang kaapihan subalit
mawawala siya dahil sa isang aksidente. Ang kaniyang biglaang pagkawala ang
lalo pang nagpatindi ng pagkabaliw ng kaniyang ina.

14. Crispin—ang bunsong anak ni Sisa. Siya ay dumanas ng matinding kaparusahan

dahil sa bintang na pagnanakaw ng kuwalta ng kura. Siya ay namatay dahil sa
labis o brutal na pambubugbog ng sakristan mayor.

15. Pilosopo Tasyo—Para sa ilan siya ay isang pilosopo, sa ilan naman ay isa siyang
baliw. Siya ay ang matalinong tagapayo ng mga tao sa bayan ng san Diego at
ang gumagabay kay Crisostomo Ibarra.

16. Donya Consolacion—ang tinaguriang paraluman ng mga guwardiya sibil.

Asawa siya ng alperes subalit labis itong kinasusuklaman ng asawa dahil sa
hindi kaaya-aya nitong kaanyuan.

17. Alperes—ang isa sa makapangyarihang tao sa bayan ng San Diego. Pinuno ng

mga guwardia sibil at asawa ni Donya Consolacion.

18. Elias—ang taong nagligtas kay Ibarra sa tiyak na kapahamakan. Siya na lamang
ang natititrang buhay sa kaniyang lahi kaya isinumpa niya sa mga kalahi niya
na ipaghihiganti ang pagkawala ng mga ito.

19. Tinyente Guevarra—isang mabait na tinyente ng guwardia sibil. Siya ang

nakakaalam ng mga nangyari kay Don Rafael Ibarra kaya ipinagtapat niya niyon
sa anak nitong si Crisostomo nang magkaroon siya ng pagkakataon.

20. Sinang—isa sa matatalik na kaibigan ni Maria Clara.

21. Kapitan Basilio—ang tatay ni Sinang

22. Pedro—ang sugarol at lasenggong asawa ni Sisa.

Buod ng Nobela

Noli Me Tangere
Nobela ni Dr. Jose Rizal
Buod ni Dr. Jovert R. Balunsay

Ang nobela ay nagsimula sa isang marangyang salusalo sa bahay ni Don Santiago

Delos Santos na lalong kilala sa tawag na Kapitan Tiyago. Idinaos ang naturang piging
upang ipagdiwang ang pagdating ni Juan Crisostomo Ibarra Y Magsalin mula sa Europa
kung saan ito nag-aral at nagpakadalubhasa sa loob ng pitong taon. Si Kapitan Tiyago ay
matalik na kaibigan ni Don Rafael Ibarra, ang mabait at matulunging ama ni Ibarra. Ang
dalawang ito ay nagkasundong kapag nagbinata at nagdalaga ang kanilang mga anak, ang
mga ito ay kanilang ipakakasal.

71
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Inanyayahan sa naturang piging ang mayayamang tao sa bayan ng San Diego

kasama na ang dating kurang si Padre Damaso Verdolagas, ang kura ng Binondong si Padre
Hernando Sibylla, si Tinyente Guevarra, ang mag-asawang de Espadana, at marami pang
iba. Ang pinsan ni Kapitan Tiyago na si Tiya Isabel ang nagsilbing punong-abala sa kusina.
Ang binibini rin ang nagpalaki kay Maria Clara simula nang mamatay ang ina nitong si Pia
Alba.

Naging sentro ng piging ang binatang bagong dating mula sa Europa. Kinumusta
siya ng mga dumalo sa pagdiriwang. Subalit, sa kabila ng mabuting pakikitungo ng
karamihan, kapansin-pansin ang paismid at malamig na pakikitungo sa kaniya ni Padre
Damaso. Ito ay kaniyang ikinabahala sapagkat dati-rati’y nakikisalo pa ang kura sa kanilang
mag-ama. Subalit ngayon, habang sila ay nasa hapag, kapuna-puna ang masasakit na
salitang binibitawan nito na alam niyang siya ang pinatutungkulan. Lalo pang tumindi ang
galit ng kura nang ihain na ang hapunang tinola. Napuna nitong malamang bahagi ng manok
ang napunta kay Ibarra samantala isang mangkok ng sabaw na maraming lumulutang na
hilaw na papaya, luya, at isang piraso ng leeg ng manok na walang balat. Pinagdudurpg ni
Padre Damaso ang papaya at humigop ng sabaw saka ibinagsak ang mangkok.

Nang papauwi na si Ibarra ay sumabay sa kaniya si Tinyente Guevarra. Ang

matandang tinyente ay magilas pa rin kung kumilos at mabait kung magsalita. Ipinaliwanag
ng matanda kung bakit ganoon na lamang galit ni Padre Damaso sa binata. Nagsimula ito
nang magpasya ang kaniyang ama na pag-aralin siya sa Europa. Ayon pa sa tinyenye,
habang nas Europa si Ibarra, katakot-takot na hirap ang pinagdaanan ni Don Rafael. Ito ay
napagbintangang pumatay sa isang maniningil ng buwis saka ipinakulong. Sa loob ng
kulungan ito binawian ng buhay. Hindi pa roon natapos ang pagppahirap ni Padre Damaso
sa kaawa-awang matanda. Nang ito ay mailabing ay ipinahukay ito upang ilipat sa libingan
ng mga Intsik. Subalit dahil sa umuulan, ang inutusang sepulturero ay itinapon na lamang
ang bangkay ni Don Rafael sa lawa. Labis na ikinalungkot ni Ibarra ang kasawimpalaran
ng kaniyang butihing ama.

Kinaumagahan, dinalaw niya ang kasintahang si Maria Clara. Sa isang azotea,

napag-usapan nila ang kanilang makulay na nakaraan at ang magiging kinabukasan. Sa
usapang iyon, di maiwasang hindi magtampo ng binibini dahil sa napakatagal na panahong
pagkakawalay nila ni Ibarra. Subalit, siniguro naman ng binata na ito pa rin ang kaniyang
pinakaiibig gaya ng isinuma niya sa harap ng bangkay ng kaniyang ina. Napahinuhod
naman ang dalaga sa sinabi ng binate.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, nagpaalam na ang binata upang puntahan ang

libingan ng kaniyang ama. Pagdating niya sa sementeryo ay nakausap niya ang
sepulturerong namamahala ng libingan sapagkat di na niya nakita ang kinaroroonan ng
katawan ng kaniyang ama. Gaya ng ipinagtapat sa kaniya ni Tinyente Guevarra, ang
katawan ni Don Rafael ay pinahukay ng kurang malaki saka ipinalipaty sa libingan ng mga
intsik. Paglabas ni Ibarra sa sementeryo ay nakasalubong niya ang kura ng San Diego na si
Padre Bernardo Salvi. Sa kaniyang galit ay muntik na niya itong saktan. Ipinaliwanag ng
pari na wala siyang kinalaman sa nangyari sa kaniyang ama sapagkat ang kurang kaniyang
hinalinhan ang may pakana ng lahat.

Samantala, sa loob ng simbahan, nakita ni Don Anastacio na pinakamatalino sa

bayan ng San Diego ang dalawang batang sakristan habang ito ay naglilinis. Sinabi ni

72
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Pilosopo Tasyo sa dalawang bata na maghahanda ang kanilang ina para sa kanilang pag-
uwi kinagabihan. Kung kaya, pagkatapos ng magdupikal ng kampana ng dalawang bata, si
Basilio ang nakatatanda at si Crispin naman ang mas nakababata, ay napag-usapan nila ang
kanilang ina. Sinabi ni Crispin na siya ay napagbintangang nagnakaw ng pera ng kura kaya
di siya pinayagang umuwi kinagabihan. Samantala, sinabihan naman si Basilio ng Sakristan
Mayor na hindi siya maaaring umuwi sa ikawalo kung hindi sa ikasampo ng gabi. Pagkasabi
nyon ay kinuha ng sacristan mayor si Crispin at pilit na pinaaamin kung saan nito dinala
ang kuwaltang ninakaw sa kura. Dinig na dinig ni Basilio ang hagupit ng pamalo sa katawan
ng Crispin. Lalong nagpuyos ang kaniyang damdamin nang umalingawngaw ang palahaw
ng nakababatang kapatid hanggang sa tuluyang naghari ang nakabibinging katahimikan.

Sa sobrang takot ni Basilio ay binalak niyang tumakas sa simbahan. Subalit hindi

siya maaaring bumaba sa tore sapagkat makikita siya ng sacristan mayor o kaya ng kura na
isa sa dalawang makapangyarihang tap sa San Diego kasama ng Alperes ng mga guwardiya
sibil. Sa halip bumaba, dumaan at nagpatihulog si Basilio sa bintana ng tore upang
makatakas. Habang siya ay papalabas na sa simbahan ay namataan siya ng isang guwardiya
sibil kaya pinaputukan siya nito. Dumaplis ang punglo sa noo ni Basilio. Umagos ang
masaganang dugo at nakaramdam siya ng panghihina. Sa halip na panghinaan ng loob, ay
nilakasan niya ang kaniyang pananalig na makita ang ina sa liblib na bahagi ng bayan.

Samantala, alalang-alala si Sisa, ang ina ng sawimpalad na mga bata sapagkat

malalim na ang gabi ay hindi pa rin ito umuuwi. Ang niluto niyang masaganang hapunan
para sa mga ito ay inubos ng sugarol at mapanakit niyang asawang si Pedro. Muli itong
umalis para magsugal at uminom. Kaya naman, minabuti ni Sisang muling magsaing at
magluto ng ulam para sa kaniyang dalawang anghel. Halos maghahatinggabi na nang
makarating si Basilio sa kanilang tahanan kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ni Sisa
lalo na nang mapuna niyang ito ay sugatan at nag-iisa. Wala si Crispin. Wala ang kaniyang
bunso. Matapos isalaysay ni Basilio ang nangyari sa kaniyang kapatid at ang bintang na
nagnakaw ito ng kuwalta sa kura, napagpasyahan ni Sisa na ito ay sunduin sa simbahan
kinabukasan.

Kinaumagahan, habang natutulog pa ang kaniyang panganay, namitas ng mga

gulay si Sisa para dalhin sa simbahan. Nais niyang sunduin ang kaniyang bunso. Subalit,
pagdating niya roon, sinabi ng mga nakausap niyang ito ay tumakas. Pinagbantaan pa
siyang kung hindi niya umano ito ilalabas ay siya ang huhulihin ng mga guwardiya sibil.
Sa takot ni Sisa nab aka puntahan ng mga guwardiya sibil ang kaniyang bahay at kunin si
Basilio, nagmadali siyang umuwi. Ganoon na lamang ang kaniyang panlolomo nang wala
na siyang inabutang anak. Tanging ang duguang damit nito ang kaniyang nakita. Paglabas
niya ng bahay ay sinalubong siya ng mga guwardiya sibil. Hinuli siya dahil sa kasalanan
ng kaniyang anak. Siya ay tinalian at pinaglakad patungong piitan. Habang naglalakad, siya
ay lumuluha, kumakanta, tumatawa, at nagsasalita na ng kung ano-ano. Isinisigaw na rin
niya ang pangalan ng kaniyang mga anak. Dahil dito, siya ay pinakawalan sa paniniwalang
wala na siya sa sariling katinuan. Mula noon ay nagpagala-gala na sisa sa mga kalsada ng
San Diego at isinisigaw ang pangalan ng kaniyang mga anghel.

Sa kabilang banda, bagamat masama ang loob, itinuloy pa rin ni Ibarra na

magpatayo ng isang bahay-paaralan para sa mga taga-San Diego. Sa araw ng inagurasyon
at paglalagay ng panulukang bato, marami ang dumalo upang panoorin ang gawain. Si
Ibarra ang napagkasunduang magpasinaya sa nasabing gawain. Isang taong madilaw ang
napag-utusang maglagay ng panulukang bato sa hukay. Ganoon na lamang ang pag-aalala

73
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

ng lahat ng makita nilang ibinabagsak ng taong madilaw ang bato sa hukay kahit naroroon
pa si Ibarra. Mabuti na lang at naitulak ng isang lalaking nagngangalang Elias ang taong
madilaw kaya nailigtas niya si Ibarra sapagkat ang taong madilaw ang nadaganan ng bato.
Labis na nagpasalamat si Ibarra sa kabaitang ipinakita ng binata. Napag-usapan nilang sa
susunod na araw ay mamamangka sila ng mga kaibigan ni Maria Clara kaya nakiusap si
Ibarra na magsilbing piloto si Elias. Napahinuhod naman ito.

Sa nasabing araw ng pamamangka, lahat ng kaibigang babae at lalaki nina Ibarra at

Maria Clara ay nakisaya sa kanila. Bago ang pamamangka ay nagtampisaw angb mga babae
sa lawa habang nagtutugtugan naman ang kalalakihan. Di namalayan ni Maria Clara na
lihim siyang pinagmamasdan ni Padre Salvi sa di kalayuan. Nakatago ito sa likod ng puno
habang palihim na nakasilip sa naliligong dalaga. Habang namamangka ang mga tauhan,
nagulantang ang lahat ng mapasigaw ang mga babae. May buwayang aali-aligid sa kanilang
bangka. Labis itong ikinatakot ni Maria Clara. Walang ano-ano ay biglang tumalon sa lawa
si Elias. Nagpambuno sila ng buwaya hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Agad na
kinuha ni Ibarra ang punyal at ito naman ang tumalon sa lawa. Napatay ni Ibarra ang
buwaya at nailigtas niya si Elias. Tinanaw itong malaking utang na loob ng piloto sa
binatang si Ibarra.

Samantala, isang araw ay nagkasakit si Maria Clara. May mga dumalaw sa kaniya
kabilang na ang mag-asawang de Espadana at si Padre Salvi. Sa oras na yaon ay natuklasan
ni Maria Clara ang lihim ng kaniyang pagkatao, na si ay anak ni Padre Damaso.

Isang pagdiriwang ang muling dinaluhan ng mga pangunahing tauhan. Naroroon

ulit ang mga makapangyarihan sa bayan. Naroroon sina Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso,
at marami pang iba. Sa pagkakataong ito, hindi na si Ibarra ang binabalahura ni Padre
Damaso kundi ang alaala ng kaniyang ama na si Don Rafael. Sa tindi ng galit ni Ibarra,
muli siyang dumampot ng kutsilyo at akmang itatarak iyon sa leeg ng prayle. Mabuti na
lamang at napigilan siya ni Maria Clara. Subalit dahil doon, si Ibarra ay naging
ekskomunikado. Ipinatugis siya ng simbahan at ng batas. Si Maria Clara naman ay pinipilit
ipakasal ni Padre Damaso sa Kastilang si Linares.

Magpapasko na noon subalit ang mga tauhan sa nobela ay nakaranas ng samot-

saring suliranin. Si Sisa na bantog na sa tawag na baliw ay nakaranas ng pagmamalupit ni
Donya Consolacion, ang paraluman ng mga guwardiya sibil. Sugatan man at may sakit,
nagpagala-gala pa rin si Sisa sa mga lansangan ng San Diego habang isinisigaw ang
pangalang “Basilio! Crispin!”

Naririyan si Basiliong hindi pala namatay kundi nahulog lamang sa bangin at

inagaan ng isang pamilya. Sa bisperas ng pasko ay nagpaalam si Basilio na luluwas ng
bayan upang makapiling ang ina sa araw ng Pasko. Subalit nang magkita sila sa isang kalye
ay lumayo ito sa kaniya sa halip na lumapit. Pipilay-pilay man ay hinabol niya ang kaniyang
ina.

Sa tulong ni Elias, si Ibarra naman ay nagbalak tumakas. Lulan sila ng isang maliit
na bangka at binabagtas nila ang lawa nang mamataan sila ng mga guwardiya sibil. Sila ay
pinaputukan ng mga ito. Sinabi ni elias sa kaibigan na magpapahabol siya sa mga guwardiya
sibil at magkita na lamang sila sa gubat. Sumang-ayon naman si Ibarra. Pinaputukan ng
mga sibil ang taong tumalon sa tubig. Tumigil lamang sila nang makita nilang nagkulay
pula ang tubig sa lawa. Para sa kanila, patay na si Ibarra.

74
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Mabilis na kumalat sa bayan ang pagkakabaril kay Ibarra. Nang malaman ito ni
Maria Clara, sinabi niya kay Padre Damaso na siya ay magmomongha na lamang. Kapag
hindi pumayag ang ama, siya ay magpapatiwakal. Hindi siya magpapakasal kay Linares.
Wala ring nagawa si Padre Damaso sa kagustuhan ng anak. Sa sobrang pag-aalala ay nakita
itong wala nang buhay isang umaga.

Samantala, sugatan man at masama ang lagay, narating pa rin ni Elias ang gubat sa
madaling araw ng Pasko. Naabutan niya roon ang isang pilay na bata habang yakap-yakap
ang katawan ng ina. Tinulungan niya itong ilibing ang ina. Ibinilin niya sa batang kapag
siya ay nalagutan ng hininga’y tabunan siya ng mga tuyong dahoon at sanga pagkatapos ay
sunugin. Sumang-ayon naman ang bata. Napalingon siya sa silangan at nagsabing
“Mamamatay akong di man lamang nakikita ang pagbubukang-liwayway ng aking buhay.
Kayong makakakita nito, batiin ninyo ang haring araw para sa aming nangasawi sa gitna
ng karimlan.”

Paglalakbay nina Rizal at Viola

Matapos na malimbag ang Noli Me Tangere, nagplano si Rizal na dalawin ang

mahahalagang lugar sa Europa kasama si Maximo Viola. Nang matanggap niya ang
P1,000.00 na padala ng kaniyang Kuya Paciano, agad niyang binayaran ang halagang
ipinautang sa kaniya ni Viola para sa pagpapalathala ng Noli Me Tangere. Dahil nabayaran
na niya ang kaniyang utang at may natitira pang halaga sa kaniyang bulsa, napagdesisyunan
ni Rizal na dalawin ang iba pang mahahalagang lugar ng Europa, bago siya umuwi sa
kaniyang bayang sinilangang Calamba.

Sa bukangliwayway ng Mayo 11, 1887, lulan ng tren ay nilisan nina Rizal at Viola
ang Berlin. Ang kanilang unang desitinasyon ay ang Dresden, isa sa mga pinakamainam na
lungsod ng Alemanya. Binisita nila si Dr. Adolph Meyer na labis na nasiyahan sa kanilang
pagdating. Pinuntahan nila ang Museo ng mga Arte at nagliwaliw sa magagarang pasyalan
ng Floral Exposition kung saan nila nakilala si Dr. Jagor na nagpayo kay Rizal na sulatan
si Blumentritt bago magtungo sa naturang etnologo upang hindi ito masyadong magulat sa
kanilang pagdating. Sumakay sina Rizal at Viola sa isa pang tren patungong Leitmeritz,
Czechoslovakia. Nauna na roon si Blumentritt upang sila ay makita. Tinulungan ni
Blumentritt sina Rizal at Viola na makahanap na kuwartong natutuluyan sa Hotel Krebs,
bago niya isama ang mga ito sa kaniyang lugar at maipakilala sa kaniyang pamilya. Ang
dalawang magkaibigan ay may napakaraming magaganda at masasayang alaala sa kanilang
pagbisita sa Leitmeritz. Nasiyahan sila sa hospitalidad ng mag-anak ni Blumentritt.

Si Blumentritt ay naging napakahusay na kaibigan at tourist guide sa dalawa.

Pagkaliaps ng maikling pamamalagi sa Leitmeritz, ipinagpatuloy nina Rizal at Viola ang
kanilang paglalakbay sa Europa. Malungkot silang nagpaalam kay Blumentritt nang sila ay
papunta nang Prague. Nilibot nila ang groteskong lungsod at dinalaw ang puntod ng
dakilang astronomong si Copernicus. Ang kanilang sunod na destinasyon ay
napakagandang siyudad ng Vienna. Dinalaw ng magkaibigan ang mga interesanteng mga
lugar ng siyudad kagaya ng mga simbahan, museo, galeriya, teatro, at mga pampublikong
parke.

75
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Nilisan nina Rizal at Viola ang Vienna noong Mayo 24 sa kay ng bangka upang
makita ang magagandang tanawin ng Ilog Danube. Natapos ang paglalakbay nila sa ilog sa
Lintz, saka sila nagbiyahe patungong Salizburg sakay ng sasakyang panlupa, at mula roon
ay nagtungo sila sa Munich. Mula sa Munich, sila ay nagtungo sa Nuremburg, isa sa mga
pinakamatandang lungsod ng Alemanya., mula sa Ulm, sila ay dumiretso sa Stuttgart,
Baden, at sa Rheinhall. Sa Rheinhall sila nakakita ng napakaganndang talon, ang
pinakamagandang talon sa buong Europa.

Mula sa Rheinhall, nagtungo sila sa napakagandang Schffhaussen, Switzerland.

Ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay sa Basel, Bern, at Laussanne.

Matapos ang maikling pagliliwaliw sa Lausanne, sina Rizal at Viola sakay ng

maliit na bangka ay tumawid patungo sa mahamog na Leman hanggang Geneva. Mga
lingguwista ang mga tao sa Geneva na nakipag-usap kay Rizal gamit ang tatlong wika—
Pranses, Aleman, at Italyano. Nilibot nila ang buong lugar sakay ng bangka na naglayag sa
lawa.

Noong Hunyo 19, 1887, nilibre ni Rizal si Viola ng isang masaganang

pananghalian. Iyon ay ang kaniyang ika-26 na kaarawan. Ginugol nina Rizal at Viola ang
15 araw sa pamamasyal sa Geneva bago sila naghiwalay ng landas. Si Viola ay bumalik sa
Barcelona habang si Rizal ay nagpatuloy sa pamamasyal patungong Italya (Castaneda, et
al 2007)

Dinalaw ni Rizal ag Turin, Milan, Venice, at Florence at pagkatapos niyon ay

tumuloy siya sa Roma, ang lungsod ng mga dakilang mandirigma—ang mga Ceasar.
Noong Hunyo 27,1887, nakarating si Rizal sa Roma. Sa kapistahan ni San Pedro at San
Pablo, dinalaw ni Rizal sa kauna-unahang pagkakataon ang Vaticano, ang siyudad ng mga
Papa. Labis siyang namangha sa ganda ng mga edipisyo kagaya ng simbahan ni San Pedro.

Ang maikling panahong inilagi niya sa paris ay naging kapaki-pakinabang. Ang

diwa ng kalayaang nakita niya roon ay nagbigay sa kaniya ng inspirasyon kaya’t lubos
siyang nakipagtulungan sa La Solidaridad. Inisip niya na kung ang kaniyangb mga plano at
ginagawa ay ipinagpapalagay niyang labag sa batas o ilegal, determinado siyang ipahayag
ang nais niyang ipahayag upang malaman ng Espanya kaya nga’t sa lahat ng labas ng isyu
ng La Solidaridad ay mayroon siyang artikulo o sinulat. Sa kaniyang mga artikulo ay
inihayag niya ang mga pang-aabusong nangyayari sa Filipinas, ang kawalan ng kalayaan sa
pagpapahayag, ang mga kasamaang inilahad niya sa kaniyang nobelang Noli Me Tangere,
at mga kasamaang itinuring niyang sakit ng lipunan na unti-unting sumisira sa kaniyang
bansa.

Sa kaniyang mga artukulo ay sinabi rin niya kung nais ng Espanya na mapanatili
ang pananakop niya sa Filipinas, dapat sana ay maging demokratiko siya sa pamamahala at
kung pinakinggan at inunawa lamang siya (Rizal) ng mga Kastila sa kaniyang mga ideya,
wala sa kaniyang mga iniisip at ginagawa ang paghihimahsik. Ang tanging hinihingi niya
ay karapatan at ito ay ginagawa niya para sa kaniyang mga kababayan. Sinabi pa niya na
siya ay taong malaya at alam niya ang mabuhay para sa kaniyang sarili. Naaawa lamang
siya sa kaniyang mga kababayan na hindi marunong magtanggol sa kanilang mga karapatan
upang makaiwas sa pambubusabos (Lorenzo, et al 2000).

76
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa anong sakit inihambing ni Rizal ang mga sakit ng lipunan sa kaniyang panahon?
a. Bulutong b. Kanser c. Lagnat d. Tuberkolusis

2. Saang babasahin hinango ni Rizal ang pamagat ng kaniyang unang nobela?

a. Biblia b. Novena c. Koran d. Polyeto

3. Sino ang tinaguriang tagapaglitas ng Noli Me Tangere?

a. Ferdinang Blumentritt c. Maximo Viola
b. Jose Bech d. Valentine Ventura

4. Ano ipinamagat ni Rizal sa kabanatang tinanggal niya sa Nole Me Tangere?

a. Kabanata W c. Kabanata Y
b. Kabanata X d. Kabanata Z

5. Sino sa mga tauhan ng Noli ang sumisimbolo sa kababalihan ngayon?

a. Donya Victorina c. Sisa
b. Donya Consolacion d. Maria Clara

6. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

a. Padre Aquino b. Padre Damaso c. Padre Salvi d. Padre Sybilla

7. Siya ang nagpalaki kay Maria Clara.

a. Pia Alba b. Sisa c. Tiya Isabel d. Victoria

8. Ang taong nagligtas kay Ibarra sa tiyak na kapahamakan.

a. Kapitan Tiyago b. Elias c. Pedro d. Tinyente

9. Maliban sa kura, sino pa ang itinuturing na makapangyarihan sa bayan ng San Diego?

b. Alperes b. Guwardiya Sibil c. Gobernador d. Heneral

10. Alin sa sumusunod ang katumbas sa Tagalog ng Noli Me Tangere?

c. Huwag mo Akong Hawakan c. Huwag mo Akong Pisilin
d. Huwag mo Akong Haplusin d. Huwag mo Akong Salangin

Gawain 2. Ibigay ang hinihinging detalye ng bawat aytem. Isulat ang sagot sa
puwang pagkatapos ng bilang.

11. Petsa ng pagkakalathala ng Noli Me Tangere.

____________________________

12. Lugar kung saan inilathala ang Noli Me Tangere.

____________________________

13. Ang patron ng mga mag-asawang hindi magkaanak ayon sa nobela.

____________________________

77
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

14. Bahagi ng Biblia kung saan hinango ni Rizal ang pamagat ng kaniyang unang
nobela.
____________________________

15. Ang kinahinatnan ni Maria Clara sa dulo ng nobela.

____________________________

16. Ang dalawang anak ni Sisa na naging sanhi ng kaniyang pagkabaliw.

____________________________

17. Ang humaliling kura ng San Diego kapalit ni Padre Damaso.

____________________________

18. Siya ang itinuturing na pinakamatalinong mamamayan ng San Diego.

____________________________

19. Siya ang ama ni Ibarra.

____________________________

20. Lugar kung saan nalaman ni Padre Damaso na hindi magkaanak ang mag-asawang
Santiago at Pia.
____________________________

21. Bilang ng aklat ng Noli Me Tangere na naipalathala ni Rizal.

____________________________

22. Ang nakasama ni Rizal sa paglalakbay sa Europa.

____________________________

23. Ang etnologong kaibigan ni Rizal na buhat sa Vienna.

____________________________

Gawain 3. Komprehensibong sagutin ang sumusunod na katanungan:

24. Bakit Noli Me Tangere ang napiling ipamagat ni Rizal sa una niyang nobela?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________
25. Ano ang mga simbolismo nakapaloob sa mga pangyayari sa pamamangka sa lawa
ng mga tauhan ng Noli.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________

78
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

26. Magbigay ng mga simbolismong ginamit si Rizal sa kaniyang nobela. Ipaliwanag

ang kahulugan ng simbolismo.

Gawain 4. Sumulat ng isang maikling komentaryo o puna hinggil sa isang

suliraning panlipunang namamayani sa ngayon sa Filipinas. Maglahad ng mga
opinyon at katotohanan o facts hinggil sa isyung ilalahad.

79

80
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 6

Unang Pagbabalik-Bayan ni Jose Rizal

May kasabihang kakambal ng bawat pag-alis ang pag-uwi. Saanman tayo
mapadpad at dalhin ng kapalaran, uuwi at uuwi tayo sa lupang ating pinagmulan. Sa
ganang kay Jose Rizal, ang pag-uwi niya ng Filipinas ay isang malaking tagumpay
sapagkat marami na siyang naisakatuparan sa Europa na maaari niyang ipakilala sa
kaniyang bayang sinilangan.

Sa kabilang ng kagandahan at mga groteskong siyudad ng Europa, hindi

maikakailang labis pa ring minamahal ni Rizal ang Filipinas. Ni hindi ‘yon nabawasan
bagkus lalo pang nagtumindi ang ningas ng kaniyang pagkamakabayan. Pagkalipas ng
limang mahahabang taon ng pagkawalay sa kaniyang baya’t pamilya, si Rizal ay umuwi
sa Filipinas noong Agosto 5, 1887, at nagsagawa ng panggagamot sa bayan ng Calamba.
Siya ay namuhay nang payaba bilang doktor ng pamayanang rural ng Calamba, Laguna.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Mailahad ang mga dahilan kung umuwi ng Filipinas si Rizal;

2. Makilala ang mga taong naging parte ng kaniyang buhay sa kaniyang
pagbabalik sa Filipinas;
3. Maisa-isa ang mga taong nagtanggol kay Rizal at sa kaniyang nobelang
Noli Me Tangere; at
4. Matukoy ang mahahalagang akdang sinulat ni Rizal sa kaniyang pag-uwi
ng Filipinas.

Pagdating sa Maynila

Bago siya tuluyang umuwi ng Filipinas, siya ay binalaan nina Paciano at ng ilang
malalapit na kaibigan na mag-ingat sapagkat maraming kopya ng kaiyang nobelang Noli
Me Tangere ang lumaganap sa bansa at nabasa na ng mahahalagang tao rito. Labis itong
ikinagagalit ng kaniyang mga kaaway pati mga prayle ay ngitngit na ngitngit sa kaniya dahil
sa kaniyang nobela. Hindi siya nabahala sa mga babalang ito sapagkat determinado siyang
makauwi ng bansa sa mga kadahilanang:

1. Kailangan niyang operahan ang kaniyang ina;

2. Upang pagsilbihan ang kanilang mga kababayang kay tagal nang nakaranas
ng opresyon mula sa mga Kastila;
3. Para malaman kung paano naapektuhan ng kaniyang Noli Me Tangere ang
buhay ng mga kababayan;
4. Upang malaman kung bakit nanahimik nang matagal si Leonor Rivera; at,
5. Nang maibsan ang kaniyang melangkolya at pangungulila sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid.

Ang pagdating niya sa Maynila ay naging matiwasay. Namasyal siya sa

dalampasigan nang may lubos na kasiyahan sa puso sapagkat nakita na niyang muli ang
kaniyang inang bayan, bagamat napansin nkiyang hindi ito nagbago simula nang lumisan

81
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

siya limang taon na ang nakararaan. Ilang sandali lamang siya sa Maynila, saka siya umuwi
ng Calamba kung saan siya masaya at maluwalhating sinalubong ng kaniyang mga kaanak.
May mga luha ng kasiyahang tumulo sa kanilang mga pisngi sa pagdating ng kanilang
minamahal na Pepe. Ganunpaman, ang kasiyahang yaon ay kakambal ng matinding pag-
aalala para sa kaniyang kaligtasan. Kaya, inilihim ng kaniyang pamilya ang kaniyang
pagdating. Di naglaon, itinayo niya ang isang klinika kung saan ang una niyang pasyente
ay ang kaniyang ina. Nais niyang pagalingin ang pagkabulag ng ina subalit hindi pa niya
maaaring gawin ang operasyon sapagkat ang katarata nito ay hindi pa hinog. May dumating
na magandang oportunidad nang dumatal ang isang bantog na manggagamot mula sa
Alemanya at tumulong sa kaniyang gamutin si Donya Teodora at iba pang mga pasyente.
Ang naturang oportunidad ang nagbigay sa kaniya ng pagkakataong madagdagan pa ang
kaniyang kaalaman sa larangan ng medisina.

Kasalungat ng ibang manggagamot, si Rizal ay hindi gaanong nagpakadalubhasa

sa kaniyang propesyon. Sa halip, nagbukas siya ng isang himnasyo para sa mga kabataan.
Doon niya ipinakilala ang iba’t ibang gawaing pampalakasan sa Europa kagaya ng eskriba,
pagbaril, at gimnastiko. Ganunpaman, hindi niya nakita man lamang si Leonor Rivera sa
anim na buwan niyang pananatili sa Calamba.

Si Gobernador Heneral Terrero

Pagkalipas ng ilang linggong masasaya at payapang pamumuhay sa Calamba,

nalaman din ni Rizal ang epekto ng Noli Me Tangere sa pamahalaang Kastila. Siya ay
inanyayahan sa Malakanyang ng noo’y Gobernador Heneral Emilio Terrero na nakatanggap
ng mga sumbong na umano’y ang Noli Me Tangere ay naglalaman ng mga subersibong
kaisipan.

Pinaunlakan naman ni Rizal ang paanlalayang mula sa Malakanyang at doo’y

ipinaliwanag niya na pawang katotohanan lamang ang kaniyang isiniwalat at hindi niya
layuning magpakalat ng mga subersibong kaisipan. Nasiyahan at napaniwala ang
gobernador heneral sa kaniyang paliwanag. Humingi ito ng sipi ng kaniyang unang nobela.
Matapos itong basahin ng gobernador heneral ay wala siyang napunang kahit na anong mali
sa kuwento subalit ang mga kaaway ni Rizal ay lubos na mga makapangyarihan kaya ang
Arsobispo ng Maynila na si Msgr. Pedro Payo, na isang Dominikanong pari, ay nagpadala
ng sipi ng Noli sa Rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas na si Padre Gregorio Echivarria
upang ito ay ipasuri sa komite ng mga propesor. Ang komite ay binuo ng mga
Dominikanong propesor at ang mga ito ay nagsabing ang Noli Me Tangere ay
“mapanyurak, subersibo, at eskandaloso sa mga grupong panrelihiyon. Ito umano ay hindi
makabayan, mapanira sa mata ng publiko, mapanira sa pamahalaang Espanya at ng
tungkulin nito sa kapuluan ng Filipinas”. Ang naturang ulat ay ipinadala sa gobernador
heneral na hindi naman makapaniwala sa nabasang tugon mula sa UST sapagkat alam
niyang ang mga Dominikano ay hindi patas pagdating kay Rizal. Ipinadala niya ang nobela
sa Permanent Commission of Censorship, na binubuo ng mga pari’t iskolar, para sa mas
malawakan pang pagsusuri. Ganundin ang inilabas nilang komentaryo at natuklasan umano
ng mga ito na ang nobela ay naglalaman ng mga subersibong kaisipan kontra sa Simbahang
Katoliko at Pamahalaang Espanya. Iminungkahi nila sa kanilang ulat na ang “importasyon,
reproduksiyon, at sirkulasyon ng aklat sa buong kapuluan ay karapat-dapat na ipagbawal.”

82
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Dahil dito, labis na nasiyahan ang mga kaaway ni Rizal. Sa kabilang banda, ang
pagbabawal sa aklat ay lalong nagpatanyag dito sapagkat halos lahat ng tao noon ay nais
na makabasa nito. Ang balita hinggil sa katanyagan ng aklat ay nakarating pa nga sa
pamahalaang Espanya at nagbigay ng ideya sa mga pari upang hilingin ang isang marahas
na kaparusahan sa mga taong mahuhuling nagbabasa ng nobela. Sa kabila ng estrikto at
pagpapatupad nito ng mga guwardiya sibil, napakaraming Pilipino ang nakakuha ng sipi ng
Noli at binabasa nila ito sa gabi sa likod ng mga nakasarang pinto.

Mga Tagapagtanggol ng Noli

Ang Noli Me Tangere ay pinagdiskitahan nang matind ng mga kaaway ni Rizal.

Sa katunayan, ito ay naging paksa ng debate sa senado ng mga Korte ng Espanya. Sa
kabilang dako, ito ay ipinatanggol naman nina Marcelo H. del Pilar, Dr. Antonio Ma.
Regidor, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, at iba pang repormistang Pilipino.
Ipinagtanggol din ito ng ilang Espanyol na naging propesor ni Rizal sa Ateneo gaya nina
Don Segismundo Moret, Dr. Miguel Morayta, at ni Propesor Blumentritt na isang iskolar
at kaibigan ni Rizal.

Ang pinakamainam na depensa sa Noli Me Tangere ay buhat kay Rev. Vicente

Garcia, isang Pilipinong Katoliko, iskolar, at tagapagsalin ng napakarami nang aklat. Ang
depensa niya ay nailathala sa Singapore bilang bahagi ng apendiks ng isang polyeto noong
Hulyo 18, 1888, na kinabibilangan ng sumusunod:

1. Hindi isang ignorante si Rizal kagaya ng gustong palabasin ni Padre

Rodriguez sapagkat siya ay nakapagtapos sa mga pinagpipitaganang
pamantasan ng Espanya at nakatanggap siya roon ng samot-saring pagkilala;
2. Hindi kinalaban ni Rizal ang simbahan at ang Espanya gaya ng iginigiit ni
Padre Rodriguez sapagkat ang mga inilagay ni Rizal sa Noli ay ang
masasamang opisyal na Kastila at mga abusadong prayle, hindi ang
simbahan; at,
3. Sinabi ni Padre Rodriguez na makasalanan o nakagawa ng mabigat na
kasalanan ang mga nakabasa na ng Noli; yamang nabasa na rin niya ang
nobela, malinaw na nakagawa rin siya ng isang kasalanang mortal.

Sa kabila ng tumitinding mga argumento tungkol sa nobela, kampante pa rin si

Rizal dahil sa tulong na ibinibigay sa kaniya ng Gobernador Heneral Terrero na nagtalaga
pa ng personal na guwardiya ni Rizal, si Lt. Jose Taviel de Andrade. Di naglaon ang
dalawang Jose ay naging matalik na magkaibigan sapagkat sila ay magkasundo sa
maraming bagay, maliban pa sa kapuwa bata at may pinag-aralan. Pareho rin ang kanilang
mga hilig kagaya ng pangangaso, eskriba, pagbaril, at pagpinta.

Sa kabila ng hindi pag-imik ng ilang araw, ang masasayang araw ni Rizal ay

nabahiran ng panibugho dahil sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid na si Olimpia.
Idagdag pa rito, samot-sari din ang naging paratang sa kaniya na siya umano ay isang
“espiya ng mga Aleman, isang Protestante, isang Mason, mangkukulam, at kaluluwang
walang kaligtasan.”

Dahil sa naniniwala si Gobernador Heneral sa mga katotohanang nakapaloob sa

Noli Me Tangere, iniutos nya ang imbestigasyon sa mga lupaing sinasaka ng mga kasama

83
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

at ng mga nagmamay-ari nito. Isa sa mga naapektuhan ay ang lupang pagmamay-ari ng

mga dominikano na sinasaka ng mga Rizal. Pagkatapos ng imbestigasyon sa mga kasama
sa lupa na pawang naglista ng kanilang mga reklamo kontra sa mga namamahala ng
asyenda, ang pamahalaang sentral ay nagpasimula ng repormang pang-agraryo. Ang mga
natuklasang iniulat sa pamahalaan upang maaksiyunan ay kinabibilangan ng sumusunod:

1. Ang asyenda ng mga Dominikano ay hindi lamang binubuo ng mga lupaing

sakahan sa paligid ng Calamba kundi ng buong bayan ng Calamba.
2. Tuloy-tuloy ang paglobo ng kita ng mga Dominikano sapagkat tuloy-tuloy
rin ang pagtaas ng upa ng mga nakikisaka sa lupa.
3. Ang mga may-ari ng asyenda ay hindi kailanman nag-ambag ng kahit isang
kusing para sa pagdiriwang ng kapistahang-bayan, para sa edukasyon ng
mga bata, at para sa pagpapaunlad ng agrikultura ng bayan.
4. Ang mga nangungupahan ng lupa na silang naglinis, luminang, at
naghanwan nito ay pinagkaitan ng mga mag-ari sa napakababaw na dahilan.
5. Binibigyan ng mataas na interes ang mga nakikisakang naantala sa pagbayad
ng renta, at kapag sila ay hindi nakapagbayad, kinukumpiska ng may-ari ang
lupa, pati na ang kalabaw mga gamit sa pagsasaka, at ang mismong bahay
na tinutuluyan ng mga ito.

Lalong tumindi ang galit ng mga kaaway ni Rizal dahil sa naturang ulat kaya ang
iginiit ng mga Prayle sa Malakanyang na parusahan siya. Sinabihan nila ang gobernadir
heneral na ipatapon si Rizal subalit tumanggi itong gawin iyon sapagkat ang mga dahilang
inihain ng mga prayle ay hindi naman katanggap-tanggap. Sa halip, pinayuhan na lang niya
si Rizal na lisanin ang bansa para sa kaniyang kaligtasan; pati na ang kaniyang mga
magulang, mga kapatid, mga kaibigan, at iba pang kaanak. Pinayuhan din siya ni Jose taviel
de Andrade na umalis na ng bansa sapagkat siya ay nahaharap sa isang napakalaking
panganib.

Di pa natatagalan nang nilisan niya ang Calamba noong 1888, pinakiusapan siya
ng isang matalik na kaibigang buhat sa Lipan a sumulat ng isang tula. Masaya niyang
kinatha ang tulang pinamagatang “Awit sa Paggawa” na inialay niya sa masisipag na
mamamayan ng Lipa.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang nanguna sa panunuligsa ng Noli Me Tangere.

a. Padre Bech c. Padre Nozaleda
b. Padre Sanchez d. Padre Rodriguez

2. Umuwi si Rizal sa Filipinas upang gamutin si _______________.

a. Don Francisco c. Paciano
b. Donya Teodora d. Saturnina

3. Saang bayan nagtayo si Rizal ng klinika para manggamot?

a. Binan c. Dapitan
b. Calamba d. Lipa

84
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

4. Ang nagmamay-ari ng lupang sinasaka ng mga taga-Calamba.

a. Agustino c. Heswita
b. Dominikano d. Pransiskano

5. Ang sumuri sa nilalaman ng Noli Me Tangere ay buhay sa aling pamantasan?

a. Ateneo Municipal
b. Kolehiyo ng an Juan de Letran
c. Kolehiyo ng La Concordia
d. Unibersidad ng Santo Tomas

6. Kasabay ng kontrobersiya ng Noli Me Tangere ang pagkamatay ng kapatid ni Rizal na

si….
a. Josefa c. Olimpia
b. Maria d. Trinidad

7. Ang gobernador heneral ay nanunungkulan sa Pilipinas ay nakatira sa

______________.
a. Espanya
b. Kortes ng Espanya
c. Kortes ng Filipinas
d. Palasyo ng Malakanyang

8. Matapos masuring ang Noli ay subersibo, ano ang naging pasya ng grupo upang
maiwasan ang paglaganap nito?
a. Ipagbawal ang pagbabasa ng nobela
b. Hulihin at ikulong ang sinumang kakalakal nito
c. Sunugin ang mga mahahanap na kopya ng nobela
d. Patawan ng mabigat na parusa ang magbabasa ng nobela

9. Sino ang taong hindi man lamang nakita ni Rizal sa pamamalagi niya sa Calamba?
a. Ate Saturnina c. Leonor Rivera
b. Leonor Valenzuela d. Segunda Katigbak

10. Maliban sa panggagamot, ang sumusunod ay labis ding kinahiligan ni Rizal. Alin ang
hindi?
a. Eskriba c. Pagsulat ng tula
b. Pangangaso d. Pagtatanim ng palay

Gawain 2. Ibigay ang detalyeng hinihingi ng sumusunod. Isulat ang tamang sagot sa
puwang pagkatapos ng bilang.

11. Ang naging guwardiya at matalik na kaibigan ni Rizal.

______________________________

12. Ang gobernador heneral ng Filipinas nang umuwi si Rizal.

______________________________

13. Petsa ng unang pag-uwi ni Rizal.

______________________________

85
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

14. Itinuturing na bastos, mapanyurak, at subersibong babasahin.

______________________________

15. Lugar na pinuntahan ni Rizal bago siya tuluyang umuwi ng Calamba, Laguna.
______________________________

16. Ang nagtanggol sa akda ni Rizal sa pamamagitan ng paglalathala ng isang apendiks sa

isang polyeto.
______________________________

17. Ang sumuri ng nobela ni Rizal matapos itong busisiin ng mga Dominikano ng
Unibersidad ng Santo Tomas.
______________________________

18. Ang napagbintangang isang espiyang Aleman ng kaniyang mga kaaway.

______________________________

19. Tulang sinulat ni Rizal para sa masisipag na mamamayan ng Lipa.

______________________________

20. Taon kung kailan muling nilisan ni Rizal ang bayan ng Calamba.
______________________________

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na tanong.

21. Bakit ganoon na lamang ang galit ng mga Dominikano kay Rizal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________

22. Anong klaseng pagpapahirap ang dinanas ng mga magsasakang taga-Calamba sa kamay
ng mga nagmamay-ari ng lupa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________

23. Paano mo ilalarawan bilang pinuno si Gobernador Heneral Emilio Terrero?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________

86
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

24. Kung ikaw si Rizal, uuwi ka pa bas a Filipinas sa kabila ng panganib na maaari mong
kaharapin? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________

25. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa tulang sinulat ni Rizal para sa mga taga-Lipa.

________________________________________________

Gawain 4. Sumulat ng isang liham para sa isang kaibigan o mahal sa buhay na

matagal nang hindi nakikita o nakakasama.

87

88
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 7

Ikalawang Pangingibang-Bansa ni Rizal

Ang unang pagbabalik ni Rizal sa Filipinas ay kapuwa masaya at maligalig. Masaya
sapagkat muli niyang nakapiling ang kaniyang mga magulang, kapatid, at maalapit na
kaibigan. Masalimuot sapagkat nagsimula nang magsilabasan ang kaniyang mga kritiko
at kaaway. Naging matindi ang epekto ng Noli Me Tangere sa kaniyang mga kaaway kaya
nagkaroon ng banta ang kaniyang buhay.

Upang maiiwas ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga mahal sa buhay sa tiyak
na kapahamakan at banta ng dagdag na pang-aapi ng mga Kastila, minabuti ni Rizal na
muling lisanin ang Filipinas. Hindi man niya nakita si Leonor sa kaniyang pag-uwi at hindi
man niya tuluyang napakagaling ang mata ng kaniyang ina, kinailangan niyang sundin ang
payo ni Gobernador Heneral Terrero na umalis ng bansa. Napasang-ayon din naman siya
sapagkat alam niyang napakarami pa niyang kailangang pag-aralan mula sa dayuhang
lupain. Balang araw, ang lahat ng matatamo niyang kaalaman, karunungan, at kasanayan
ay maituturo niya sa kaniyang kapuwa Pilipino, at sa wakas ay matulungan ang mga itong
kabakahin ang tinatamasang kaapihan sa kamay ng mapaniil na dayuhan.

Sa gayon, layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Matukoy ang mga lugar na pinuntahan ni Rizal sa kaniyang ikalawang

pangingibang-bansa;
2. Maisa-isa ang mahahalagang tao at pangyayaring nakasalamuha at
naranasan ni Rizal sa kaniyang ikalawang pangingibang-bansa;
3. Mailahad ang mga natutunan ni Rizal sa mga lugar na kaniyang pinuntahan;
4. Malaman ang mga akdang sinulat ni Rizal sa bahaging ito ng kaniyang buhay;
at
5. Makapangatwiran sa mga pilosopiya ni Rizal na ilalahad sa kabanata.

Si Rizal sa Japan

Isa sa mga di malilimutang bahagi sa buhay ni Rizal ay ang kaniyang maikling

pagbisita sa bansang Hapon. Para kay Jose Baron Fernandez, ang bansang Hapon ay ang
“bansang bumihag sa kaniyang puso”.

Naglayag si Rizal mula Hong Kong patungong Yokohama, Japan noong Pebrero
22, 1888 sakay ng Barkong “Oceanic”. Pagkalipas ng ilang araw na biyahe sa dagat,
narating ni Rizal ang Yokohama noong Pebrero 29. Pagkalipas ng ilang araw na
pamamalagi sa Grand Hotel sa Yokohama, namasyal si Rizal sa Tokyo, ang kabisera ng
Japan. Doon ay dinalaw siya ng isang embahador na Kastila na si Juan Perez Caballero.
Inanyayahan niya si Rizal na mamalagi sa tanggapan ng Spanish Legation. Kahit alam ni
Rizal na may mahigpit na kautusan mula sa Maynila na manmanan ang kaniyang mga kilos
sa Japan, tinanggap pa rin Rizal ang paanyaya ng embahador. Ang pagtanggap niya ng
paanyaya ay dahil sa, una, upang ipakitang hindi siya takot na minamanmanan sapagkat
wala siyang kahit na anong itinatago, at pangalawan, upang makatipid ng pera para sa
akomodasyon.

89
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sa mahigit isang buwan ng pananatili ni Rizal sa Japan, natutunan niya ang

Nihongo pati na ang ilang mga sining at dula ng mga Hapon. Namangha rin siya sa sistema
ng transportasyon ng mga Hapon, ang rickshaw. Ito ay parang kalesa o karitela na may
dalawang malaking gulong subalit hinihila ng isa o dalawang katao. Binisita niya ang ilang
mga lugar sa Japan at labis niyang hinangaan ang linis at ganda ng kapaligiran pati na ang
kabaitan ng mga tao roon.

Si Sieko Usui

Sa maikling panahong namalagi si Rizal sa Tokyo, nakilala at nakapalagayang-loob

ni Rizizal angg isang mabait at mayuming dalagang Haponesa na nagngangalang O-Sei-
San. Nakilala niya ito sa pamamalagi niya sa Spanish Legation. Nabigag ni O-Sei-San ang
kaniyang atensiyon nang minsang dumaan ito sa tarangkahan ng Legation sa Japan.
Pagkatapos noon, ay nagpakilala si Rizal sa dalaga at nakagiliwan ng Haponesa ang
kakaibang karisma at bait ng Pilipino. Ang kanilang pagkikita ay muling naulit nang
sumunod na araw. Sinamahan ni O-Sei-San si Rizal sa magaganda at romantikong mga
lugar sa Tokyo. Totoong ang pag-ibig at pagtatangi ni Rizal sa dalaga ang nagyulak sa
kaniyang sumulat sa talaarawan:

“Ang iyong mukha ay nananahan sa aking alaala, at di ko

maipagkakailang ikaw ay lagi kong iniisip. Ang pangalan mo ay lagi kong
sinasambit, ang kabuoan mo ay laging nakaguhit sa aking gunita.”

Sayonara Japan! Paalam!

Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Rizal nang lisanin niya ang Japan at si
O-Sei-San. Nilisan niya ang Yokohama noong Abril 13 sakay ng Barkong Belgic na
maglalayag patungong Estados Unidos. Iyon ang kaniyang unang pagkakataon na
makapunta sa naturang bansa. Habang naglalayag, nakilala at kinaibigan niya ang isang
pasaherong Hapon na nagngangalang Techo Suehiro. Kagaya ni Rizal, si Suehiro ay isang
mahusay na manunulat. Siya ay isang magaling na mamamahayag at matapang na
tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Japan.

Gayunpaman, tanging Nihongo ang kayang sambitin ni Suehiro at hindi siya

marunong magsalita ng Ingles, Kastila, at iba pang wikang Europeo. Natulungan ni Rizal
ang bagong kaibigan sa pamamagitan ng pagtayo niya bilang interpreter o tagapasalin nito.
Ang kanilang mabuting samahan ay nagpatuloy hanggang San Francisco sa Estados Unidos
hanggang sa makarating sila ng London. Naghiwalay sila ng landas noong sila ay dumating
sa London noong Disyembre 1, 1888. Ang samahan nila bilang mahkaibigan ay tumagal ng
8 buwan at nag-iwan ito ng malaking marka sa kanilang mga buhay lalong-lalo na si Techo
na sobrang humanga sa taglay na husay ni Dr. Jose Rizal. Sa kaniyang pagbabalik sa Japan,
inilarawan niya si Rizal bilang isang lalaking may bukas na puso.

90
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Si Rizal sa Estados Unidos

Pagkalipas ng napakahabang paglalakbay, narating ni Rizal ang San Francisco sa

kauna-unahang pagkakataon noong Abril 28, 1888. Subalit nagulantang sila nang hindi sila
pinayagang makadaong sa isang pantalan ng San Francisco. Ang mga awtoridad sa
kalusugan sa naturang lugar ay inilagay ang barko sa quarantine sapagkat nabalitaan ng
mga itong may cholera outbreak sa pinagmulan nitong lugar. Nag-antay si Rizal ng ilang
araw at sa wakas noong Mayo 4, pinayagan na silang lahat na makadaong.

Pagkatapos nito, siya ay tumuloy sa isang first class hotel sa San Francisco na
nagngangalang Palace Hotel hanggang Mayo 6. Sa petsang yaon, siya ay nagtungong New
York sakay ng isang tren. Ang tren ay dumaan sa kahabaan ng Estados Unidos. Habang
naglalakbay, pinagmasdan ni Rizal ang dinaraanang kontinente ng Amerika. Dumaan sila
sa mga estado ng Nevada, Utah, Colorado, Nabraska, at Illinois. Sa mahaba niyang
paglalakbay, inilarawan ni Rizal ang mga lugar na dinaanan nila sa kaniyang talaarawan
bilanng maganda at kamangha-mangha. Halimbawa, sinulat niya sa kaniyang talaarawan
nong Mayo 12, ang ikaanim na araw ng kaniyang paglalakbay na huminto ng ilang sandali
sa bantog na Niagara Falls. Inilarawan niya ito bilang pinakamagandang talon na nakita
niya sa buong buhay niya.

Subalit, may hindi magandang impresyon si Rizal tungkol sa Amerika dahil sa

namamayani at umiiral na diskriminasyon doon. Napansin niya iyon habang naglalayag
siya sa dagat patungong San Francisco kung saan nakita niyang tanging ang mga
pasaherong nasa first class na bahagi ng barko ang pinayagang bumaba habang ang nasa
mababang bahagi ay pinagbawalan. Napuna niyang higit na mataas ang tingin ng mga tao
roon sa mapuputing Amerikano kaysa sa maiitim o negro.

Pagkatapos ng isang linggong paglalakbay, narating ni Rizal ang New York noong
Mayo 13. Inilarawan ni Rizal ang New York bilang isang dakilang siyudad. Para sa kaniya,
lahat ng naroon ay bago sa kaniyang paningin. Nagawa niyang bisitahin ang mga relikya
ni George Washington at nakita ang kamangha-maanaghang Tulay Brooklyn pati na ang
napakataas na Bantayog Liberty o Statue of Liberty.

Nilisan ni Rizal ang New York sakay ang Barkong City of Rome patungong
London. Ang naturang barko ay tinaguriang ikalawa sa pinakamalaking barko sa buong
mundo.

London

Sakay ng Barkong City of Rome, narating ni Rizal ang Queenstown sa Ireland

noong Mayo 24, 1888. Mula roon, siya ay sumakay sa isang mas maliit na bapor patungong
Liverpool at mula roon ay naglakbay siya sakay ng tren patungong London. Dumating siya
sa London nang sumunod na araw, Mayo 25.

Dalawa ang naging pakay ni Rizal sa pagpunta niya ng London. Una, upang
mapaunlad niya ang kaniyang kaalaman at pagsasalita ng wikang Ingles, pangalawa, upang
gumawa ng anotasyon sa bantog na akda ni Antonio de Morga tungkol sa kasaysayan ng
Filipinas, na may pamagat na “Sucesos de las Islas Filipinas”.

91
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Nang marating niya ang London sa hapon ng Mayo 24, siya ay nagtungo muna sa
Grand Hotel Midland. Sa isang liham ni Rizal sa kaniyang mga magulang na may petsang
Hunyo 12, 1888, si Rizal ay sumulat mula sa nasabing otel, at sinabi niyang namalagi siya
ng isang linggo sa isang bahay sa Beresford Road at pagkatapos ay lujmipat sa isang
pribadong bahay sa No. 37 Chalcoat Crescent, Primrose Hill, N.W. Pag-aari ng pamilya
Beckett ang naturang bahay. Ganito ang pagkakalarawan ni Rizal sa nasabing pamilya:

“Ang pamilya ay binubuo ng esposo at esposa, apat na anak

na babae at dalawang lalaki. Ang pangalan ng mga babae ay Gertrude
(Tottie), Blanche (Sisie), Flory, at Grace. Ang unang dalawa ay mga
dalaga na. si Tottie ay mahusay kumanta sa saliw ng pagtugtog bi Sisie.
Ang isang anak na lalaki ay nagtatrabaho na habang ang isa naman
ay kumakanta sa simbahan”.

Sa London, nakilala niya ang isang Pilipinong naninirahan doon na nagngangalang

Dr. Antonio Ma. Rigedor, isang mayamang ginoo at abogado na minsan ding naipatapon
noong 1872. Naging malapit na magkaibigan sina Rizal at Regidor. Madalas niya itong
bisitahin sa kanilang tahanan. Maging si Regidor ay may mataas na pagtatangi kay Rizal
sapagkat magkapareho ang kanilang mga paniniwala at ideolohiya.

Nakilala rin ni Rizal si Dr. Reinhold Rost na ipinakilala sa kaniya ni Ferdinand

Blumentritt sa pamamagitan ng liham. Si Dr. Rost ay ang direktor ng aklatan ng India Office
at ang pinakamahusay na awtoridad ng mga paniniwala at wikang Malayo. Inilarawan ni
Rizal si Dr. Rost bilang isang palakaibigang tao. Madalas din siyang bisitahin ni Rizal sa
kanilang bahay. Nakatuwaan ni Rizal na makipagtalakayan sa kaniya ng maraming bagay
habang umiinom ng tsa kasama ang pamilya nito.

Anotasyon ng Panulat ni Morga

Inilaan ni Rizal ang marami sa kaniyang oras sa London sa pagsasagawa ng

anotasyon sa akda ni Morgan a “Sucecos de las Islas Filipinas”. Nagtungo siya sa British
Museum kung saan matiyaga niyang kinopya/sinulat ang teksto ng naturang akda saka niya
ito ginawan ng anotasyon. Marami ang naging anotasyon ni Rizal sa nasabing aklat.
Nagbigay din siya ng komentaryo sa halos lahat ng pahina ng aklat. Ang matrabahong
gawaing iyon ay ginawa niya sa kadahilanang nais niyang isaayos ang ilang mga puntong
sinulat ni Dr. Morga upang malaman at maunawaan ng mga Pilipino ang kasaysayan ng
kanilang bansa. Sinulat ni Rizal sa prologo ng aklat na

“Sakaling magtagumpay ang aklat na ito na pukawin sa atin

gunita ang ating mayamang nakaraan, na mistulanng binura na sa ating
mga alaala, at sakali mang maisaayos nito ang kamaliang nagawa ng
kasayayan, kung gayon ay hindi ko daramdaming ako ay napagod sa
pagsusulat nito”.

Ang anotasyon ni Rizal sa gawa ni Morga ay di naglaong nailathala sa Paris noong

1890.

92
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Paris, Madrid, at Barcelona

Sa mga unang araw ng Setyembre 1888, matapos niyang gawan ng anotasyon ang
aklat ni Dr. Morga at ng kaniyang pag-aaral at pagsasanay sa pagsasalita ng wikang Ingles,
nagpasya si Rizal na pumunta ng Paris. Sa Paris, siya ay pinarangalan ni Juan Luna, isang
kilalang pintor sa Paris. Si Luna ay nagpahanda ng isang magarbong piging para kay Rizal
na dinaluhan ng mga Pilipinong naninirahan noon sa Paris sa panahong yaon. Pinuntahan
ni Rizal ang Bibliotheque National sa Paris upang maghanap ng mga aklat pangkasaysayan
tungkol sa Filipinas, gaya ng ginawa niya sa British Museum.

Mula sa Paris, si Rizal ay bumalik sa Espanya upang muling bisitahin ang Madrid
at Barcelona. Ang pagpunta niya ng Espanya ay may layuning makipagkita sa mga
kasamahan niyang propagandiista kagaya nina Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce. Si
Ponce ay makikita niya sa Madrid sa kauna-unahang pagkakataon. Ang dalawa ay mga
dakilang tagapagtaguyod ng kilusang propaganda sa Espanya. Nais niya ring makita ang
kasalukuyang kalagayan ng pamamahala sa Espanya at ang mga posibleng repormang may
kaugnayan sa pamamalakad ng mga Kastila sa Filipinas. Pagkatapos ng kaniyang maikling
pagbisita ay bumalik siya sa London upang doon ipagdiwang ang Kapaskuhan.

Asosacion la Solidaridad

Ilang araw matapos na bumalik si Rizal sa London, ang kaniyang mga kasamahan
sa Espanya ay nagtipon-tipon sa gabi ng Bagong Taon sa Barcelona. Ang layunin ng
kanilang pagpupulong ay upang itatag ang isang samahan na pinangalanan nilang
Assosacion La Solidaridad (Solidaridad Association). Tunguhin ng asosasyong ito na pag-
isahin ang mga Pilipinong naninirahan sa Europa para sa minimithi nilang reporma sa
Filipinas. Si Galicano Apacible ang napiling maging pangulo ng samahan. Ang iba pang
napiling mga opisyal ay sina Graciano Lopez-Jaena, pangalawang pangulo; Manuel Sta.
Maria, kalihim; Mariano Ponce, ingat-yaman; at Jose Ma. Panganiban, akawntant. Kahit na
liban, si Rizal pa rin ang inihalal ng lahat bilang honorary president.

Bilang tanda ng kaniyang pagpapahalaga, sinulatan ni Rizal ang kaniyang mga

kasamahan na may pamagat na “Address to the Filipinos”. Sa liham na iyon, hinamon niya
ang mga kasapi ng samahan na magtrabaho at magsumikap para sa ikagagaling ng Filipinas.
Sinabi niyang kailangang magbuklos-bulos at tumalima sa kagustuhan ng nakararami.

Upang mailatag ang mga layunin ng sahaman, ang mga kasapi ay nagpasyang
magkaroon ng pahayagan na may parehong pangalan—“La Solidaridad”. Inilarawan ito ni
Jose Baron Fernandez bilang pinakamahalagang pahayagan ng mga Pilipino sa ibang bansa
at ng kanilang mahahalagang kontribusyon na may kaugnayan sa kilusang propaganda.

La Solidaridad

Hindi kaagan naumpisahan ang paglulunsad ng La Solidaridad. Noon lamang

Pebrero 15, 1889, isa’t kalahating buwan matapos itatag ang samahan lumabas ang unang
isyu ng pahayagan. Sa Barcelona ito inilathala. Ang pangalawang pangulo ng samahan na
si Graciano Lopez Jaena ang tumayong punong patnugot ng La Solidaridad.

93
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Bilang honorary president ng assosacion, si Rizal ay sumulat ng mga artikulo na

nailathala sa iba’t ibang edisyon ng pahayagan. Ilan sa mga ito ay ang “Mga Liham sa
Kababaihang Taga-Malolos”, “Ang Katotohanan para sa Lahat”, “Barantes and the Tagalog
Theater”, at “Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino o Sobre La Indolencia de los
Filipinos”.

Masamang Balita mula sa Filipinas

Habang nasa London, may dumating na masamang balita kay Rizal mula sa
Calamba—ang deportasyon ng kaniyang bayaw na si Manuel R. Hidalgo. Nalaman niya
ang balita sa pamamagitan ng isang telegramang buhat sa Hong Kong at di naglaon ay
kinumpirma ito ni Manuel Hidalgo mismo si Hidalgo ay ipinatapon sa utos ng Superior
Government sa bayan ng Tagbilaran, ang kabisera ng lalawigan ng Bohol sa Visayas. Ang
akusasyon laban sa kaniya ay walang matibay na basehan. Siya ay pinaratangang
filibustero, isang kapanalig ni Rizal, at nagkakalat ng mga subersibong mga kaisipan laban
sa simbahan at pamahalaan.

Dahil dito, labis na nalungkot si Rizal sapagkat alam niyang lubhang nagdurusa ang
kaniyang pamilya’t kababayan nang dahil sa kaniya. Ang balita hinggil sa deportasyon ni
Manuel ay umpisa pa lang ng paghihiganti sa kaniya ng mga Kastila.

Si Rizal sa Brussels

Nang matapos na ang lahat ng kailangan niyang asikasuhin sa London, nagpasya si

Rizal na pumunta sa Paris, ang kabisera ng Pransiya noong Marso 1889. Ang pagdating ni
Rizal sa Paris ay tamang tama lamang sa pagsisimula ng International Exposition doon.
Ang pagtitpong iyon ay sadyang isinasagawa upang gunitain ang kasarinlan ng Pransiya.

Pagkatapos ng halos labing-isang buwang pamamalagi niya sa Paris, nagpasya si

Rizal na lumipat sa isa pang lugar sa Europa. Noong Enero 28, 1890, si Rizal ay nagpunta
sa Brussels, Belgium kasama si Jose Alberto. Nangupahan uli siya ng bahay sa 38 Rue
Philipe Champagne na pag-aari ng magkapatid na Jacoby.

Ilan sa mga pinagkaabalahan niya sa Brussels, Belgium ay ang sumusunod: 1)

pagsusulat ng kaniyang ikalawang nobela na pinamagatang El Filibusterismo, ang
karugtong ng kaniyang Noli Me Tangere; 2) nagtrabaho sa mga lokal na klinika upang may
kitain din kahit paano; 3) dumalo sa ilang mga gawain at pagtitipon kasama ang ilang
kaanak at kasamahan sa propagandista; 4) pagsusulat ng maraming artikulo para sa La
Solidaridad.

Kaguluhan sa Calamba

Habang nasa Brussels si Rizal, ilang liham mula sa kaniyang mga kapamilya’t
kaanak ang dumating na nagbabalita sa kaniya na patuloy na ginugulo ng mga Kastila pati
na ang marami nilang kababayan at pamilya sa Calamba. Ang persikusyong ito ay may

94
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

kinalaman sa tunggalian sa lupang sinasaka ng mga tao na pagmamay-ari ng mga

Dominikanong Prayle. Sa liham ni Paciano para kay Rizal, ipinaalam nito sa kaniya na may
petisyon na upang patalsikin ang mga nakikisaka at ang petisyong iyon ay naipasa na sa
Justice of Peace. Sinabi sa kaniya ni Paciano na sa simula ay umasa pa silang
mapagbibigyan ng mga prayle. Subalit nagkamali sila at nawalan ng pag-asang
maipapanalo nila ang laban sa Korte Suprema. Sa parehong liham, sinabi ni Paciano sa
kaniyang kapatid na ang paghahanap nila ng hustisya ay maaari pang iapela sa Korte
Suprema ng Espanya. Sa liham naman sa kaniya ni Lucia, ipinaliwanag nito kung paano
nagdusa at pinahirapan ang kanilang pamilya at kababayan.

Isa pang hindi magandang balita ang ipinaalam sa kaniya ng kaniyang kapatid na
si Saturnina noong Hunyo 2, 1890. Muling nadeport si Manuel, ang asawa nito, at ang mas
masahol pa, ito ay inaresto habang kumakain kasama ang pamilya sa mismong araw ng
Pasko. Ang huling liham na nataggap ni Rizal bago tuluyang bumalik ng Madrid ay
nagmula sa isa pa niyang bayaw na si Silvestre Ubaldo. Ipinaalam nito kay Rizal na tuluyan
nang pinaaalis ang kanilang pamilya ng Calamba Estate.

Pagbabalik sa Madrid

Sa mga unang araw ng Agosto, si Rizal ay bumalik sa Madrid. Ang pakay niya sa
pagpunta sa kabisera ng Espanya ay upang umapela sa Korte Suprema ng bansa hinggil sa
kaso ng kaniyang pamilya at mga kababayan na may kaugnayan sa lupang sinasaka ng mga
ito. Iyon ang sinabi sa kaniya ni Paciano sa isang liham nito na umano ay maaari nilang
maipanalo ang apela sakaling sa Korte Suprema ng Espanya sila dudulog.

Bago siya tumuloy sa Madrid, simulat siya sa kaibigang si Marcelo H. del Pilar, na
humihiling na tumayo ito bilang kaniyang abogado para sa kaso. Dagdag pa rito, hiningi
rin niya ang tulong ng mga kapuwa Pilipinong nasa Madrid, partikular yaong mga kasapi
ng Asosacion Hispano-Filipino. Ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang
matapos na ang kaso nang pumapabor sa kanila. Pumunta rin sina Rizal kasama si del Pilar
sa Minister of Colonies upang ilahad ang kanilang mga hinaing laban sa kawalan ng
hustisya ng mga prayle at ni Gobernador Heneral Weyler. Subalit, lahat na ginawa niya,
wala pa rin silang nahita. Natalo ang kaso nila sa korte.

Bunga nito, ang mga magsasaka ay kinailangang lisanin ang Calamba bilang
pagtalima sa atas ng Korte Suprema ng Espanya. Upang mas maging madali ang
pagpapaalis sa mga magsasaka at mga pamilya nito, iniutos ni Gobernador Heneral
Valeriano Weyler, sa 50 sundalong Kastila sa pamumuno ni Koronel Francisco Olive
Garcia, na sapilitan itong itaboy mula sa lupain ng mga Dominikano. Napakarami ang
naapektuhan at napalayas sa mga lupaing sinasaka nila. Pati mga bahay ang pinagsusunog
ng mga ito. May mga saktan din at nasugatan sa naturang pangyayari. Halos sumubsob si
Donya Teodora sa lupa nang sapilitan na silang pinaalis sa kanilang tahanan. Masakit man
sa loob ng mag-anak, wala silang nagawa kundi tumalima sa nais ng mga Kastila.

95
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang magandang Haponesang bumihag si Rizal nang mamalagi siya sa Tokyo?
a. O-Sei-Sing c. O-Sei-Sue
b. O-Sei-San d. O-Sei-Sang

2. Ang unang lugar na narating ni Rizal nang siya ay mapunta sa Japan.

a. Akido c. Tokyo
b. Sakura d. Yokohama

3. Tawag sa sistema ng transportasyon ng mga Hapon.

a. Railway c. Ricksan
b. Rickshaw d. Rickihamasan

4. Ang tanging alam na wika ni Techo Suehiro.

a. Fukien c. Mandarin
b. Nihongo d. Turkish

5. Unang estado ng USA na narating ni Rizal.

a. Colorado c. New York
b. Nevada d. San Francisco

6. Ano ang giniwa ni Rizal sa aklat ni Dr. Morgan a may pamagat nna “Sucecos de las
Islas Filipinas”?
a. Anotasyon c. Pagbubuod
b. Pagsasalin d. Sinuri

7. Ang propagandistang unang nakita ni Rizal sa Madrid.

a. Jose Ma. Panganiban c. Pedro Paterno
b. Mariano Ponce d. Pedro Serrano-Laktaw

8. Saang lungsod ipinagdiwang ni Rizal ang Kapaskuhan ng 1888?

a. Barcelona c. Madrid
b. London d. Paris

9. Sino ang napiling maging pangulo ng Assosacion la Solidaridad?

a. Graciano Lopez-Jaena c. Mariano Ponce
b. Gaicano Apacible d. Manuel Sta. Maria

10. Ano ang naging katungkulan ni Rizal sa Assosacion La Solidaridad?

a. Honorary President c. Honorary Secretary
b. Honanry Vise President d. Honorary Treasurer

Gawain 2. Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem. Isulat ang sagot sa puwang
pagkatapos ng bilang.

11. Ang sumama kay Rizal patungong Brussels, Belgium.

___________________________

96
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

12. Isang awtoridad sa larangan ng kultura at mga wikang Malayo.

___________________________

13. Ang bayaw ni Rizal na ilang beses na ipinatapon ng mga Kastila at inaresto sa
mismong araw ng Pasko.
___________________________

14. Siyudad sa Europa kung saan sinulat ang El Filibusterismo.

___________________________

15. Ang sinakyan ni Rizal mula New York hanggang London.

___________________________

16. Ang gobernador heneral ng Filipinas na sapilitang nagpalayas sa mga magsasaka ng

Calamba.
___________________________

17. Ang barkong sinakyan ni Rizal mula Yokohama hanggang Estados Unidos.
___________________________

18. Ang sakit na naging dahilan ng pagkaantala ng pagdaong ng Barko sa Estados Unidos
sapagkat kinailangang i-quarantine ang mga sakan nito.
___________________________

19. Para kay Rizal, ito ang pinakamainam na siyudad sa Amerika.

___________________________

20. Ang pahayagan ng Kilusang Propaganda.

___________________________

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na katanungan.

21. Paano mo ilalarawan si Rizal bilang isang mangingibig?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

22. Makatuwiran ba ang ginawang pag-iwan ni Rizal kay O-Sei-San para sa kaniyang
misyon? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

97
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

23. Magbigay ng limang bansa sa mundo na gusto mong marating at ipaliwanag kung bakit.

Gawain 4. Saliksikin o hanapin ang tulang “Sa mga Bulaklak ng Heidelberg”.

Magbigay ng reaksion tungkol sa nasabing tula.

98

99
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 8

Paglathala ng El Filibusterismo, Ikalawang

Pagbabalik-bayan, at ang La Liga Filipina
Bumalik si Rizal sa Brussels, Belgium noong Abril 1891. Tumuloy siya sa
parehong bahay na tinuluyan niya sa unang pagpunta niya ng Brussels noong 1890. Iyon
ay ang bahay na pagmamay-ari ng mga Jacoby. Ang isa sa mga dahilan ng pagbabalik
niya sa Belgium ay upang magkaroon siya ng konsentrasyon at panahon na maisulat
ang ikalawa niyang nobela, ang El Filibusterismo. Ang mga panahong yaon ay sadyang
mainam para matapos na niya ang nobela na sinimulan niyang isulat apat na taon na ang
nakararaan. Maliban kasi sa naging kargado na siya sa karanasan at pagmamasid ng
kaapihan ng mga Pilipino, mismong pamilya pa niya ang nakaranas ng naturang
kaapihan.

Kaugnay nito, habang nasa Brussels, wala siyang natanggap ni isang liham mula
sa kaniyang pamilya. Inisip na lamang niyang gamitin ang marami niyang oras upang
magpokus sa pagsusulat ng kaniyang nobela. Sa kabilang banda, nalaman niyang
lumisan na ng Europa ang isa niyang kasamahang si Graciano Lopez-Jaena.

Layunin kung gayon ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Maisalaysay ang mahahalagang pangyayari sa El Filibusterismo;

2. Makilala ang mga tauhan ng nobela;
3. Mailahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng No at Fili;
4. Matukoy ang mga simbolismong nakapaloob sa nobela; at
5. Mailahad ang mga dahilan na nag-udyok kay Rizal sa pagsulat ng El
Filibusterismo.

Kakulangan ng Panggugol sa Paglathala ng Nobela

Natapos ni Rizal ang pagsulat ng manuskrito ng El Filibusterismo sa mga huling

araw ng Mayo. Ang sumunod na kinailangan niyang gawin ay ang pagpapalimbag ng
nobela. Gaya ng inaasahan, muling kinaharap ni Rizal ang kakulangan ng paggugol sa
pagpapalimbag nito. Dahil dito, sumulat siya sa kaibigang si Jose Ma. Basa upang
ipaalam dito na natapos na niyang isulat ang nobela kaya nais niyang humiram muna
ng pera sa kaibigan upang maipalathala na ang El Fili. aga namang tumugon si Basa at
nagpadala siya ng pera sa kaibigan. May natanggap ding halaga si Rizal mula kay
Rodriguez Arias na buhat sa mga napagbilhan ng kaniyang anotasyon sa aklat ni Morga.

Subalit, ang kabuoang halagang kaniyang natanggap ay hindi sasapat upang

makapagpalimbag sa Brussels. Kinailangan niyang maghanap ng ibang palimbagang
tatanggap sa kaniyang nobela at sa perang hawak niya.

100
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Paglalathala ng Nobela

Gamit ang matinding determinasyong maipalimbag ang nobela, si Rizal ay

nagtungong Ghent mula sa Brussels para sa mas murang palimbagan. Sa Ghent ay
nakilala niya si Jose Alejandrino, isang Pilipinong mag-aaral ng inhenyeriya sa
Unibersidad ng Ghent. Pumayag si Alejandrinong patuluyin si Rizal sa kaniyang
kuwarto.

Kapuwa sila namuhay nang simple at iniwasan ang labis na paggasta. maraming
mahihirap na pangyayari ang naranasan ni Rizal sa Ghent. Nakituloy siya sa silid ni
Alejandrino. Hindi rin nila isinama ang almusal sa akomodasyon kaya mas mura ang
kanilang ginugol para doon. para sa kanilang almusal, si Rizal ay bumili ng isang kahon
ng biskuwit at siniguradong ang bilang ng bawat piraso ay sasapat para sa isang buwan.
Samantala, ang kaniyang pananghalian at hapunan ay ginugugol niya sa mas murang
mga kainan.

Gayunpaman, mapalad pa rin si Rizal sapagkat hindi siya natagalan sa

paghahanap ng tagapaglimbag ng kaniyang aklat na papayag nang hulugan ang
pagbayad. Naging madali ang proseso ng paglalathala subalit nang matapos na ang pag-
imprenta ng unang hati ng nobela ay naubusan na si Rizal ng pera upang tustusan ang
pag-imprenta ng ikalawang bahagi. Ikinalungkot niya ang pangyayaring ito. Muli
siyang lumiham kay Basa upang sabihin ang kasawimpalarang yaon.

Nang ang mga pangyayari ay hindi na nagiging maganda at tila baga hindi na
pumapabor kay Rizal, may natanggap siyang isang magandang balita mula sa kaniyang
kaibigang si Valentin Ventura. Pahihiramin siya nito ng pera para makompleto ang
pagpapalathala ng kaniyang nobela. Dahil sa kabutihang-loob na iyon ni Ventura, ang
ikalawang bahagi ng nobela ay naipaimprenta ni Rizal at sa wakas ay lumabas sa
palimbagan ang El Filibusterismo noong Setyembre 18, 1891.

Si Rizal ay agad na nagpadala ng dalawang kopya ng nobela kina Basa at Lopez

sa Hong Kong. Nagbigay din siya ng mga kopya sa ilang matalik na kaibigan. At
siyempre, ibinigay niya ang orihinal na manuskrito sa tagapagligtas ng El Fili na si
Valentin Ventura.

Kahulugan ng El Filibusterismo

Gaya ng alam ng karamihan, ang el Filibusterismo ay ang karugtong o sequel

ng unang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere. Ang ikalawang nobela ay mas maikli na
binubuo lamang ng 38 kabanata habang ang una ay may 64 na kabanata.

Inialay ni Rizal ang kaniyang ikalawang nobela sa mga martir ng pag-aaklas sa

Cavite—Mariano Gonez, Jose Burgos, Jacinto Zamorra. Ang pagpatay sa tatlong pari
ay may mahalagang papel sa pagkakabuo ng pamagat ng nobela. Sa liham ni Rizal kay
Blumentritt, ipinaliwanag niya ang pamagat ng nobela. Isinaad niya sa liham ang
sumusunod:

“Ang salitang pilibusterismo ay hindi pa gaanong alam sa

Filipinas. Hindi nga iyon alam ng mahihirap na Pilipino. Una ko itong

101
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

narining noong 1872 nang maganap ang madugong pagpaslang sa

GOMBURZA. Naaalala ko pa ang takot ng mga tao sa salitang ito.
Pinagbawalan kami ng aming ama na sambitin man lamang iyon, pati
na ang mga salitang Cavite, Burgos, at iba pa. ginagamit ang salitang
ito ng mga pahayagan sa Maynila at ng mga Kastila sa mga taong
iniuugnay nila sa rebolusyon at pag-aaklas. Pinakikinggan lamang ang
salitang ito ng mga Pilipinong nakapag-aral. Wala itong kahulugan sa
malalayang magkakapatid: nangangahulugan itong mapanganib na
makabayan na mauuwi sa pagkamatay at pagkabigti.

Ang kaibigan niyang si Ferdinand Bluimentritt ang sumulat ng panimula ng

kaniyang nobela. Mula sa mensahe ng panimula ni Blumentritt, mahihihang ang El Fili
ay mas kapana-panabik kaysa sa Noli sa aspektong politikan na kaisipan. Isa sa mga
bahagi ng kaniyang introduksiyon ay ang sumusunod:

“Ang mga tuntuning makaprayle ang nagbunsod sa pag-usbong

ng pilibusterismo at humikayat sa mga Pilipino na wala nang ibang
paraan upang maligtas kundi humiwalay sa Inang Espanya.”

Samantala, inamin mismo ni Rizal na mas mainam na akda ang Noli kaysa sa
El Fili. Sa liham niya kay del Pilar, sinabi niyang bagamat marami ang pumupuri sa
kaniyang pangalawang nobela ay naniniwala siyang nakahihigit dito ang nauna. Kaya,
hiningi ni Rizal ang opinyon ng kaibigan hinggil dito.

Mga Tauhan ng Nobela

Ang El Filibusterismo ay ang pangalawang nobela ni Rizal. Ito ay ang

karugtong ng Noli Me Tangere. Ipinakikita sa nobela ang saliwang pamamalakad ng
simbahan at ng pamahalaan. Sagana sa nanlilimahid na pakana at maling gawa ang mga
namumuno sa dalawang panig ng bansa. Ikinulapol ng pambansang bayani ang
karumihang iyon sa kaakterisasyon ng mga tauhang pinakilos ni Rizal upang ipamukha
sa kaniyang mambabasa sa lahat ng panahon, na ang pamumuno at ang pinamumunuan
ay may sari-sariling kakulangan. Tampok sa nobela ang sumusunod na tauhan:

1. Simoun—isang mayamang mag-aalahas na may malaking koneksiyon sa Kapitan

Heneral. Sa kaniyang pagbabalik sa Filipinas, siya ay nagtatago sa isang
mapagbalat-kayong katauhan. Siya ay walang iba kung hindi si Juan Crisostomo
Ibarra na bumalik sa bansa upang bawiin si Maria Clara mula sa kaapihan sa loob
ng kumbento at upang ipaghiganti ang kasawian ng kaniyang mga mahal sa buhay.

2. Basilio—ang panganay na anak ni Sisa na nakaligtas mula sa mapamukhang punglo

ng kahirapan at pang-aapi. Inampon siya ni Kapitan Tiyago at saka pinag-aral. Ilang
buwan na lamang ay makakapagtapos na siya sa kursong medisina.

3. Isagani—isang simpleng makata na gagawin ang lahat upang ipaglaban ang

kaniyang pagmamahal. Subalit, d ahil sa tinatamasang karukhaan ay ipagpapalit
siya ng babaeng iniibig sa mas mayaman at mas makapangyarihang lalake.

102
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

4. Huli—babaeng anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio. Siya ay naging

pambayad-utang ng pamilyang labis na nalubog sa kahirapan.

5. Kabesang Tales—isang magsasakang naging Kabesa de Baranggay. Subalit dahil

sa labis na kaapihan ay piniling maghimagsik at naging pinuno ng mga tulisan.
Nagpalit siya ng pangalan mula sa Kabesang Tales, siya ay nakilala sa alyas na
Matanglawin.

6. Tata Selo—ang dukhang ama ni Kabesang Tales na napatay ng sariling apo na isang
guwardiya sibil.

7. Tano—ang guwardiya sibil na anak ni Kabesang Tales.

8. Paulita Gomez—ang babaeng iniibig ni Isagani, pamangkin ni Donya Victorina.

Nagpakasal siya sa mayamang si Juanito Pelaez sa dikta na rin ng kaniyang tiyahin.

9. Donya Victorina—isa sa mga tauhan sa Noli na parte pa rin ng Fili. sa pagkakataong

ito ay iniwan na siya ni Don Tiburcio de Espadana dahil sa masasamang hilig nito.
Kung kaya, ginagawa niya ang lahat para magkamal ng salapi kahit pa udyukan ang
pamangkin na magpakasal sa mayamang binata.

10. Padre Florentino—ang indiyong amain ni Isagani. Sa kaniya ikinumpisal ang lahat
ng lihim ng kaniyang pagkatao.

11. Padre Camorra—ang paring nagsamantala sa kahinaan ni Huli.

12. Padre Sybilla—ang paring may liberal na pag-iisip. Siya ang kura ng Binondo.

13. Padre Salvi—ang paring mahigpit na kaagaw noon ni Ibarra kay Maria Clara.
Ngayon, siya ay ang kura ng San Diego na nagsamantala kay Maria Clara sa loob
ng mahabang panahon.

14. Ben Zayb—isang tusong mamamahayag na ang inilalathala sa pahayagan ay

tanging mabubuting bagay tungkol sa mga Kastila.

15. Quiroga—isang intsik na gagamitin ni Simoun sa kaniyang paghihiganti.

16. Placido Penitente—isang mag-aaral na nawalan ng gana sap ag-aaral dahil sa bulok
na sistema ng paaralan.

17. Juanito Pelaez—anak ng mayamang negosyante na piniling pakasalan ni Paulita

Gomez.

18. Don Timoteo Pelaez—ang mayamang ama ni Juanito Pelaez.

19. Ginoong Pasta—isang abogadong hindi tumulong sa mga mag-aaral sa usapin ng

pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila

103
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Buod ng Nobela

Ang Pilibusterismo
Ni Dr. Jose Rizal
Binuod ni Dr. Jovert R. Balunsay

Ang kuwento ng El Filibusterismo ay nagsimula sa paglalayag ng Bapor Tabo

sa mauli-uling ilog mula Laguna patungong Maynila. Tinawag itong tabo dahil sa itsura
nitong korteng bilugan na parang tabo. Kapuna-puna ang mabagal na takbo ng bapor
dahil na rin sa kalumaan at bahagyang pagsayad ng ilalim nito sa putik. Ang Baport
Tabo ay nahahati sa dalawang bahagi—ang kubyerta at ang ilalim nito. Ang kubyerta
at may maaliwalas na tanawin at sariwang hangin. Matatanaw sa kubyerta ang
magagandang lupain, burol, at bundok na nadaraanan ng barko. Naroroon ang mga
pinakamayayamang pasahero ng barko kagaya ni Don Custodio, ang mamamahayag na
si Ben Zayb, ang mga prayleng sina Padre Bernardo Salvi at Padre Hernando Sybilla,
at ang mayamang mag-aalahas na si Simoun na dating si Juan Crisostomo Ibarra. Soya
ay nagtatago sa likod ng makapal na salamin at piluka upang maisagawa ang kaniyang
balak sa kaniyang pagbabalik: maghiganti at bawiin si Maria Clara.

Sa ilalim naman ng kubyerta nakasakay ang mga indiyo, mga manggagawa,

mga intsik at iba pang latak ng lipunan. Naroon nakasakay ang magkaibigang Basilio
na isang mag-aaral ng medisina at Isagani na isang makata. Nagkausap sila ng
mayamang mag-aalahas na si Simoun at napag-usapan nila ang tungkol sa tubig na di
umano’y mas mapanganib kaysa sa alak sapagkat ang tubig ay nagiging singaw at dagat
na kayang lumipol ng sangkatauhan. Habang naglalayag ang barko, napag-usapan sa
kubyerta ang tungkol sa mga alamat ng ilog. Nabanggit nila ang tungkol kay Donya
Geronima na matagal na naghintay sa kaniyang minamahal subalit nakatandaan na niya
ang paghihintay dahil hindi na bumalik ang kaniyang minamahal. Ito ay naging
arsobispo. Sa kalagitnaan ng kanilang usapan ay lumitaw ang paksa tungkol sa
nangyaring paghahabulan sa lawa ng ga guwardiya sibil at ni Ibarra. Namatay umano
ang huli matapos na mapuruhan ng mga guwardiya sibil.

Pagkadaong ng barko ay dinalaw ni Basilio ang puntod ng inang si Sisa.

Eksaktong labintatlong taon na ang nakararaan, bisperas din ng Pasko noon nang
mamatay ang kaniyang ina sa gubat na iyon. Sariwa pa sa kaniyang alaala na nang
malagutan ng hininga ang ina ay may isang sugatang lalaki ang dumating na di naglaon
ay namatay rin. Pagkamatay nito ay isa pang mistisuhing lalaki ang dumating. Binigyan
siya nito ng pera at pinaalis ng gubat. Dahil desperado na siya ng mga panahong iyon
ay ninais niyang magpasagasa sa karwahe. Mabuti na lamang at inampon siya ng nasa
karwahe—ni Kapitan Tiyago, pinag-aral, kaalit ng paglilingkod niya sa matanda. Ilang
buwan na lang ay matatapos na siya sa kaniyang kurso.

Nang papaalis na si Basilio, nakarinig siya ng kaluskos sa di kalayuan.

Hinawi niya ang talahib na tumatabing sa kinaroroonan ng ingay. Nakita niya ang mag-
aalahas na si Simoun. May liwanag ang bahaging iyon ng gubat sapagkat kabilugan ng
buwan. Ganoon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang tanggalin ni Simoun ang
kaniyang salamin. Iyon ang lalaking nakita niya labintatlong taon na ang nakararaan.
Medyo tumanda lamang ito nang kaunti. Napuna ni Basilio na may hinuhukay ang

104
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

lalaki. Nang lalapit na sana siya para mag-alok ng tulong ay agad na bumunot ng
rebolber ang mag-aalahas at itinutok iyon sa kaniya. Ayon sa mag-aalahas, hawak nito
ang kaniyang buhay ngayong may lihim siyang natuklasan. Gayunpalan, hindi rin
nagawang kalabitin ni Simoun ang gatilyo. Aniya, pareho silang inapi ng pamahalaang
Kastila kaya sa halip na patayin ay kinakailangan nilang magtulungan upang
pabagsakin ang imperyo ng mapang-aping pamahalaan. Sa loob-loob niya ay
magagamit niya ang mga pinagdaanan ni Basilio para sa kaniyang balak.

Subalit, hindi sa paghihiganti nakatuon ang atensiyon ni Basilio. Naniniwala

siyang hindi paghihiganti ang tatapos sa lahat ng paghihirap na dinaranas ng kaniyang
bayan. Kaya, sa tulong ng mga kasamahang mag-aaral ay ninanais nilang
makapagpatayo ng akademya ng wikang Kastila. Naniniwala silang sa ganitong paraan
ay mas makakaagapay ang mga Pilipino sa mga talastasan at usapan. Ipinaliwanag niya
kay Simoun na ang pagkatuto ng wikang Kastila ay makabuluhan upang mas
maunawaan ng mga Pilipino ang mga usaping pampamahalaan. Ito rin ang wikang
kanilang magagamit upang makipag-ugnayan sa mga kinauukulan kagaya ng mga
prayle at ng matataas na opisyal ng pamahalaan. Hindi nagkasundo ang dalawa.
Naghiwalay sila sa gubat na iyon nang may magkaibang paniniwala. Si Basilio ay
nagmadaling umalis pagkatapos ng kanilang pag-uusap sapagkat kinabukasan na araw
ng Pasko ay dadalawin niya ang kaniyang kasintahan—si Huli.

Lingid sa kaalaman ni Basilio, may trahedyang naganap sa pamilya ni Huli.

Ang lupang sinasaka ng ama nito na si Kabesang Tales ay patuloy na pinapatawan ng
mataas na buwis. Nagsimula ito sa maliit hanggang sa lumaki nang lumaki. Nang hindi
na makaya ni Tales na magbayad ay nagbanta ang mga prayle na kukunin na lang ang
lupa. Dahil sa labis na pagpapahalaga ni Tales sa lupaing kaniyang sinasaka, napilitan
siyang bantayan ito habang may dala-dalang sandata. Subalit, maging ang mga
sandatang yaon ay ipinakuha hanggang saw ala na siyang magamit na pamproteksiyon
laban sa mga posibleng manloob sa kanila. Di naglaon, dahil sa gayong kalagayan ay
dinukot si Tales ng mga tulisan at pinatutubos sa pamilya nito. Dahil sa sobrang
kahirapan ay walang maibigay ang pamilya. Ang ama nitong si Tata Selo ay napipi sa
labis na problema. Ang anak niyang si Tano ay napilitang maglingkod sa mga Kastila
bilang guwardiya sibil. At ang kaisa-isang anak nitong babae na si Huli ay
magpapaalipin kay Hermana Penchang sa mismong araw ng Pasko. Sa kabila ng lahat
ng kasawiang ito, walang sinuman sa mga nangutya’t nang-api sa kanila ang umamin
ng kani-kanilang kasalanan. Sila ay tinawag ni Rizal na mga Pilato ng nobela. Sa
sumunod na bahagi ng nobela, si Kabesang Tales ay naging ganap na kasapi at sa huli
ay naging pinuno ng mga tulisan na tinawag sa bagong pangalan—Matanglawin.

Pagdating ng Kapitan Heneral, ipinagkibit-balikat niya lamang ito. Maging

ang panukala ng mga mag-aaral ay hindi niya nagawan ng maayos na desisyon. Mas
ninais pa nga nitong mangaso sa gubat. Maging ang mga prayle ay mas inatupag ang
pagsusugal kaysa sa matinong pamumuno sa simbahan. Kung kaya, maging ang mga
paaralan ay naging lalong makaluma. Maraming mag-aaral ang nawalan ng tiwala rito
dahil sa sagwa ng sistema ng pagtuturo. Isa na rito si Placido Penitente na
nakipagsagutan sa gurong si Padre Millon dahil sa pambubuska ng una sa huli. Sa
kabilang banda, nagtipon-tipon ang mga mag-aaral sa isang bahay upang pag-usapan
ang kanilang panukalang pagpapatayo ng Akademya sa Wikang Kastila.
Napagkasunduan nilang dumulog sa tanggapan ng isang magaling na abogado na
nagngangalang Ginoong Pasta at si Isagani ang naatasang makipag-usap sa butihing

105
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

ginoo. Sa kabila ng maganda at malumanay na pakikipag-usap ni Isagani, hindi pa rin

sila nito pinagbigyan. Tumangging tumulong ang abogado sa mga mag-aaral.

Samantala, sa plaza ay nagkaroon ng isang pagtatanghal. Marami ang

namangha dahil sa ulong pugot na nagsasalita na pinalabas sa isang maalikabok na
kahon ng mahikerong nagngangalang si Mr. Leeds. Ang ulo ay nagpakilalang si Imuthis
na di umano ay nakaranas ng pang-aapi sa kamay ng matataas na tao. isinalaysay ni
Imuthis ang lahat ng kaniyang masalimuot na pinagdaanan. Pinakatampok sa kaniyang
kuwento ang pang-aagaw ng isang alagad ng simbahan sa kaniyang iniibig at ang
pagpatay sa kaniya pagkatapos. Habang nagsasalita ang ulo ay kapuna-puna ang naging
reaksiyon ni Padre Salve sapagkat tila nahahawig ang kuwento ni Imuthis sa ginawa
niyang pagpapahirap at pagpatay kay Crisostomo Ibarra at ang pang-aagaw niya kay
Maria Clara. Kinabukasan, si Mr. Leeds ay hindi na matagpuan at sabi-sabi ay lumipad
nang patungong Hong Kong.

Sa kabilang dako, isang intsik na nagngangalang Quiroga ang kinausap ni

Simoun upang mangalaga ng mga sandatang gagamitin sa pag-aaklas at pagliligtas kay
Maria Clara. Kinasangkapan din ng mag-aalahas ang galit ni Placido Penitente upang
sa naturang mga bakal. Inihahanda na ng mag-aalahas ang kaniyang mga alipores at
mga sandata subalit dumating ang isang masamang balita. Si Maria Clara ay pumanaw
na. Labis ang pagdadalamhati ng mag-aalahas na hindi man lamang niya nagawa ang
kaniyang plano sa loob ng labintatlong taon. Gayunpaman, hindi ‘yon nakasagabal sa
kaniyang balak na paghihiganti. Kinakailangan lamang niya ng mga tauhang
magsasakatuparan sa naturang plano. Nakikini-kinita niyang may makukuha siyang
tulong mula sa mga kabataan sapagkat bigo ang mga ito sa kanilang planong Akademya
ng Wikang Kastila.

Kaugnay nito, nagtipon-tipon ang mga kabataan sa isang pansiterya na

nagngangalang Panciteria Makinista de Buen Gusto. Layunin ng pagtitipon na
ipagluksa ang kanilang kabiguang magkaroon ng akademya para sa wikang Kastila.
Doon ay tinuligsa nila ang mga prayle at ang mga taong nasa likod ng kanilang
kabiguan. Di nila alam na may mga espiyang nagmanman sa lahat ng kanilang mga
ginagaw at mga pinagsasabi. Kinabukasan ay naglitawan ang mga paskin at mga
subersibong babasahin. Dahil dito ay pinaghuhuli ang lahat ng kabataang may
kaugnayan sa panukalang akademya. Ikinulong ang mga ito subalit nakalaya rin dahil
sa tulong ng mga magulang at kaanak nito. Si Isagani ay nakalaya dahil sa tulong ng
tiyuhing si Padre Florentino. Ang tanging naiwang nakakulong ay si Basilio na wala
nang kahit na sinong makatutulong sapagkat pumanaw na rin si Kapitan Tiyago.
Tanging ang kasintahang si Huli ang gumagawa ng paraan subalit lubog pa rin ito sa
utang. Ang tanging naiwang opsiyon ng sawimplad na dalaga ay dumulog sa tanggapan
ni Padre Camorra. Subalit sa halip na tulungan ay ninais nitong pagsamantalahan siya
kaya ito ay tumalon sa tore ng simbahan na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Dahil sa trahedyang iyon ay wala nang ibang makatutulong kay Basilio para
makalaua mula sa pagkakapiit. Ito ang ginamit na pagkakataon ng mag-aalahas.
Tinulungan niyang makalaya si Basilio kapalit ang serbisyo nito sa kaniyang binabalak
na paghihimagsik. Sa pagkakataong ito, wala nang nagawa si Basilio kundi pumayag.
Isinama siya ni Simoun sa bahay nito at ipinakita sa kaniya ang isang lamparang
naglalaman ng nitro-glisterina. Ito ay ireregalo ni Simoun sa kasal ni Juanito Pelaez at
Paulita Gomez, ang dating katipan ni Isagani. Sa sandaling ito ay magdilim at pinihit

106
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

upang paliwanagin, ito ay sasabog at lahat ng narooroon sa kasal ay mamamatay.

Imbitado sa kasalang yaon ang mga pinakamayayaman at pinakamaiimpluwensiya sa
bayan.

Pagsapit ng araw ng kasal, ang lampara ay iligay sa gitna ng bulwagan at

nagbigay ng napakaningning na liwanag sa buong lugar. Bago magsimula ang
kasiyahan ay nagmasid-masid si Basilio sa labas ng bahay ni Kapitan Tiyago kung saan
ginaganap ang pagtitipon. Sa di kalayuan ay nakita niya ang matalik na kaibigang si
Isagani na pinagmamasdan ang dating kasintahan nito. Niyaya ni Basilio ang kaibigan
at binalaan sa mga susunod na mangyayari. Hindi napahinuhod ang makata at
nagpaiwan doon. dahil sa babala ni Basilio, hindi maatim ni Isagani na mawala si paulita
sa kabila ng pag-iwan nito sa kaniya. Kaya, nang may pipihit n asana sa lampara,
hinablot niya ito ay itinapon sa labas ng bahay kung saan sumabog ang bomba. Dahil
dito ay tinugis ng mga kinauukulan si Simoun na siyang nagbigay ng lampara.
Pinagbabaril ng mga guwardiya sibil ang mag-aalahas subalit ito ay nakatakas.

Sa isang malayong ayon ito napunta bitbit ang isang baul ng kayamanan. Sa
nayong iyon naninirahan si Padre Florentino, ang tiyuhin ni Isagani. Ikinumpisal niya
sa pari ang lahat. Inamin nitong siya si Crisostomo Ibarra na bumalik upang ipaghiganti
ang kaniyang sawing-kapalaran. Pagkatapos mangumpisal ay uminom ng lason si
Simoun at di naglaon ay namatay. Nagwakas ang nobela nang itapon ni Padre
Florentino ang isang baul na kayamanan ni Simoun sa Karagatang Pasipiko upang hindi
na ito magamit sa kasamaan kailanman.

Mga Simbolismo ng Nobela

Mayaman sa mga pahiwatig at simbolismo ang nobela. Ginamit ni Rizal ang

mga simbolismong ito upang maghatid nang mas malinaw na mensahe sa kaniyang mga
mambabasa. Ilan sa mga simbolismo ay ang sumusunod:

1. Bapor Tabo—Sumisimbolo sa Filipinas

2. Kubyerta—ang lugar ng mamayaman at makapangyarihan
3. Ilalim ng Kubyerta—ang lugar ng mga indiyo at dukha
4.Nanlilimahid na itsura ng barko—sumasalamin sa nanlilimahid na lipunang
Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
5. Mabagal na takbo ng barko—mabagal na pagsulong o pag-unlad ng bansa
6. Lampara—sumisimbolo sa paghihiganti o rebolusyon
7. Baul ng kayamanan—sumisimbolo sa panganib na dulot ng pera

Paghahambing at Pagkokontrast ng Noli at Fili

Bagaman parehong akda ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ito

ay may napakalaking pagkakaiba. Una na rito ang pagkanobela nito o temang
nakapaloob sa akda. Ang Noli Me Tangere ay nobelang panlipunan habang ang El
Filibusterismo naman ay isang nobelang pampolitika. Sa Noli, nangibabaw ang
kabulukan ng lipunan sa panahon ni Rizal. Inilarawan niya ang mga sakit na
namamayani sa kapaligiran sa sakit na kanser, isang karamdamang walang lunas.
Bagaman matiim ang pagkakalarawan niya ng sakit ng lipunan, inamin niyang ang

107
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

kamalian ay hindi lamang sa panig ng mga Kastila na mapang-api at mapanyurak kundi

pati na sa mga Pilipino na kinakitaan ng labis kamangmangan at pangangayupapa sa
mga dayuhan. Sa kabilang dako, tiwaling pamumuno sa simbahan at pamahalaan ang
pinangibabaw ni Rizal sa Fili. ipinakita niya ang pagiging sugarol ng mga prayle at ang
pagkahilig sa pangangaso ng kapitan-heneral. Maliban dito, labis na pagkahamak ang
tinamo ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan dahil sa pagkakait ng mga ito na
matutunan ng mga indiyo ang kanilang wika.

Ang Noli Me Tangere ay tinatawag ding nobela ng puso habang ang El

Filibusterismo ay nobela ng utak. Sa Noli, makikita ang mga pangkakaring kakatwa sa
kabila ng mga suliraning panlipunan. Ilan dito ay ang suyuan sa azotea nina Maria Clara
at Crisostomo Ibarra, ang satirikong tunggalian ng dawalang senyorang sina Donya
Victorina at Donya Consolacion, pati na ang mga klasikong tagpo sa pamamangka sa
lawa. Sa kabilang banda, ang Fili ay isang napakadilim na nobela. Punong-puno ito ng
takot, galit, at paghihimagsik. Dinala ni Rizal ang kaniyang mga mambabasa sa
panahong sadlak na sadlak na sa labis na pang-aapi ang mga Pilipino na humantong sa
malawakang pag-aaklas at rebolusyon laban sa mapaniil na dayuhan.

Iniaalay ni Rizal ang Noli sa kaniyang Inang Bayan habang ang Fili naman ay
para sa paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto
Zamorra. Ipinakikita ng Noli ang labis na pagamalasakit ni Rizal sa kaniyang Inang
Bayan. Mula sa mga tauhang kaniyang pinakilos ay matagumpay niyang ipinakita ito
sa kaniyang mga mambabasa. Bagaman kapuwa trahedya ang dalawang nobela,
malinaw ding ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyon upang ganap na matamo
ang kasarinlan. Hindi kailanman maaaring magamit ang dahas at rebolusyon sapagkat
tanging kasawian lamang ang maaaring maidulot nito kagaya ng naganap sa kaniyang
mga tauhan sina Ibarra at Simoun.

Papunta sa Hong Kong

Isang buwan pagkatapos na mailabas sa palimbagan ang kaniyang ikalawang

nobela sa Ghent, nagpasya si Rizal na magtungo sa Hong Kong. Subalit, bago pa man
siya naglakbay, may kalituhang gumulo sa kaniyang isipan kung siya ba ay uuwi upang
makasama ang kaniyang pamilya o tutuloy sa nasabing lugar. Sinulatan niyang muli si
Blumentritt: “Hindi pa rin talaga ako nakatitiyak kung uuwi ng Filipinas o magtungo
sa Hong Kong para doon manggamot. Tila hinihila ako ng aking bayan, nais kong
yakapin ang aking mga magulang at kapatid, subalit taliwas ito sa kagustuhan ng aking
mga kaibigan at kababayan.”

Sa wakas ay nakapadesisyon siya at noong Oktubre 18, 1891, nilisan niya ang
Europa sakay ang S.S. Melbourne. Pagkatapos ng isang buwang paglalayag, nakarating
din siya sa Hong Kong. Sinalubong siya ng kaibigan niyang si Jose Ma. Basa.
Maaalalang si Basa ay may papel na ginampanan upang mailathala ang kaniyang
ikalawang nobela.

Sa Hong Kong ay naging abala si Rizal sa panggagamot. Doon niya nagamit

ang mga napag-aralan niya bilang ophthalmic surgeon. Umupa siya ng bahay sa No. 2
Rednaxela Terrace kung saan ay naglagay siya ng isang maliit na klinika at doon din
siya naninirahan. Gaya ng inaasahan, naging mahusay na optalmologo si Rizal sa Hong

108
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Kong. Nakilala niya si Dr. Lorenzo P. Marques, isang doktor na Portuguese na

tumulong sa kaniya roon.

Ikalawang Pagbabalik-Bayan

Pagkatapos ng mahabang panahon na hindi nakapiling ni Rizal ang kaniyang

pamilya, sa wakas muli silang nagkita-kita sa Hong Kong. Noong Disyembre 66, 1891,
dumating sa Hong Kong si Don Francisco, Paciano, at ang kaniyang bayaw na si
Silvestre Ubaldo upang siya ay makasama. Labis itong ikinatuwa ni Rizal. Sa isang
liham niya sa kapatid na si Maria, inilarawan niya ang kaniyang kasiyahang makasama
ang ilan sa kaniyang mga kaanak at binaggit din niya ang tungkol sa pagbuti ng
kalagayan ng kaniyang ama. Sinabi rin niyang labis siyang nangungulila kay sa inang
si Donya Teodora. Ayon sa liham:

“Naririto na ang ating ama, si kuya Paciano, at si Bistre

(Silvestre Ubaldo), salamat sa Diyos! Bahagyang uminam ang
katawan ng ating ama at ang kaniyang pisngi ay bahagyang
mamula-mula; siya ay masayahin, nahilig siyang naglalakad-lakad,
at labis niyang kinagigiliwan ang Hong Kong.

“Pakisabihan si ina na matindi ang aking pagnanais na siya

ay makita. Pinapangarap kong siya ay pagalingin. Nais kong
operahin ang kaniyang mga mata. Nawa ay mabasa niya ang liham
na ito.”

Sa wakas, dumating din ng Hong Kong ang kaniyang ina at ang mga kapatid
niyang babaeng sina Lucia, Josefa, at Trinidad. Tamang-tama ang muli nilang
pagtatagpo sapagkat malapit na ang Pasko. Natitiyak ni Rizal na ang Paskong
paparating ay magiging napakasaya at punong-puno ng pagdiriwang kaiba sa maraming
Paskong mag-isa siya sa ibang lupain.

Muling lumiham si Rizal kay Blumentritt noong Disyembre 30, 1891. Ipinaalam
niya sa kaibigan ang labis na kasiyahang nadarama niya dahil nakasama niya ang
kaniyang pamilya sa Hong Kong. Ayon sa liham:

“Sila’y naririto na at salamat sa Panginoon na nakarating

sila sa isang malayang bansa. Ang buhay sa Filipinas ay sadyang
napakaimposible nang maging masaya, walang paggalang, walang
pag-uugali, walang katarungan.”

Oposisyon sa Pag-uwi ni Rizal sa Filipinas

Gaya ng nabanggit na natin sa unang bahagi, bago pa man umalis ng Europa at

nang nagpapasya pa lamang si Rizal ay nalilito siya kung tutuloy sa Hong Kong o uuwi
ng Filipinas. Ito ay inilahad niya sa liham kay Blumetritt. Bagama’t pinili ni Rizal ang
tumuloy sa Hong Kong, hindi pinagsisihan ni Rizal ang kaniyang pasya sapagkat naging
napakasaya niya dahil sa pagdating ng kaniyang mga mahal sa buhay.

109
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Habang nasa Hong Kong, hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan na umuwi sa
Filipinas.sa isang liham niya sa kanitang mga magulang at kapatid noong Disyembre 1,
1891 nakasaad na: “mas magiging masaya ako kapag pinayagan ninyo akong muli
kayong makasama sa Filipinas. Maaaring may malaking pagbabago sa aking pag-uwi!
Payagan n’yo lamang ako at ako’y agad na uuwi. Umaasa at nakatitiyak akong
makauuwi nang ligtas!” Walang permisong nakarating kay Rizal na nangangahulugang
salungat sa kaniyang pag-uwi ang kaniyang pamilya. Sa halip, sinamahan na lamang
siya ng mga ito sa Hong Kong.

Isa pang pagtutol ang dumating mula sa kaniyang bayaw na si Antonio Lopez.
Sinulatan siya nito at sinabing halos lahat ng kaanak at kaibigan nila ay tutol sa kaniyang
binabalak na pag-uwi dahil natatakot ang lahat na baka dakpin siya ng kinauukulan.
Ayon kay Lopez:

“Natutuwa akong kinakalimutan mon a ang plano mong

umuwi rito. Halos lahat ng kakilala natin ay tutol sa binabalak
mong pag-uwi, ganoon din ang aking paniniwala kaya sinabihan
ko na sina Tatay at Kuya Paciano noong nakaraang buwan na
huwag kang pauuwiin upang makaiwas tayo sa anumang masama
at malagim na pangyayari, na batid kong alam mo naman kung
ano-ano ang mga iyon. Batid kong mula rito, hindi ka man umuwi
ay magagawa mo ang mga bagay-bagay na nais mo para sa
kapakanan ng ating bayang Filipinas.”

Maging ang kaniyang mga kaibigan at mga kakontemporanyo ay ganoon din

ang pananaw at paniniwala hinggil sa pag-uwi niya ng Filipinas. Nangangamba ang
mga itong nang dahil sa mga nobelang kaniyang naisulat, ang paniniwala ng mga
Kastila na kinakalaban niya ang mga prayle at mga pinuno ng pamahalaan, di malayong
balikan siya ng mga ito.

Ikalawang Pag-uwi

Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang mga kaanak at kaibigan, nagpasya pa ring

umuwi ng Filipinas si Jose Rizal, mula sa Hong Kong kung saan muli niyang nakasama
ang kaniyang mga magulang at ilang kapatid. Naging buo ang kaniyang loob sa pag-
uwi sa kabila ng mga banta ng panganib mula sa mga Kastila bago pa man niya nilisan
ang Europa patungong Hong Kong. Sa kaniyang liham para kay Blumentritt na may
petsang Setyembre 22, 1891, inilahad ni Rizal sa kaibigan na kailangan niyang bumalik
ng Filipinas.

Bagamat batid niya ang banta ng panganib at kamatayan sa kaniyang pag-uwi

subalit hindi iyon nakahadlang sa kaniyang kapasyahang muling makita ang kaniyang
bayang sinilangan. Nakahanda siyang mag-alay ng buhay alang-alang at para sa
kaniyang bayan at mga kababayan. Sa kaniyang liham kay Blumentritt noong
Setyembre 22, 1891, sinabi ni Rizal na:

“Kinakailangan kong bumalik ng Filipinas. Ang buhay rito ay

mahirap para sa akin, kinakailangan kong ipakitang hindi ako
natatakot sa kamatayan, subalit ang bagay na iyon ay sadyang

110
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

terible. Gayunpaman, alam kong napakarami ng reklamo kontra sa

akin na maaaring buhat sa aking mga lihim na kaaway.
Kinakailangan ko nang umalis rito upang hindi na ako manghula ng
mga posibleng magaganap. Nakasulat na ang aking kapalaran sa
mg apalad ng aking mga katunggali sa politika. Sakaling ako ay
mamamatay, ikaw’y siguradong mananatili. Mas mainam nang
mamatay kaysa mabuhay nang miserable.”

Bago siya tuluyang naglakbay pauwi ng Filipinas, muli siyang sumulat ng

dalawang liham—isa para sa kaniyang pamilya at isa para sa mga kababayang Pilipio.
Ang petsa ng dalawang liham ay kapuwa Hunyo 20, 1892. Ipinagkatiwala niya ang mga
liham sa kaibigang si Dr. Lorenzo Marques. Tila nakini-kinita na ni Rizal ang kaniyang
magiging kapalaran kaya ibilin niya sa kaibigang buksan lamang ang mga liham na
yaon pagkatapos niyang mamatay.

Pagdating ng Maynila

Nilisan ni Rizal ang Hong Kong kasama ang biyudang kapatid na si Lucia at
nagbiyahe sila pabalik ng Filipina. Ito ang kaniyang ikalawang pagbabalik-bayan.
Pagkatapos na mamalagi sa malayong lugar sa loob ng ilang taon, ipinagbigay-alam
niya sa gobernador heneral ang kaniyang pagbabalik.

Dumating ng Maynila sina Jose Rizal at Lucia noong Hunyo 26, 1892. Napansin
nilang tila nakahanda na ang mga Kastila sa kanilang pagdating. Ayon kay Rizal, nang
sila ay dumating nang alas-12 ng tanghali, ay sinalubong sila ng maraming sundalong
Kastila; isa sa mga ito ay major. Naroroon din ang isang kapitan at sarhento ng
konstabularyo subalit nagpapanggap ang mga ito bilang ibang tao.

Pagkatapos ng mabusising inspeksiyon ng kostum sa pantalan, ay tumuloy sila

sa Hotel de Oriente upang doon magpahinga. Sa liham ni Rizal sa Kataas-taasang
Gobernador Heneral ay nabanggil ni Rizal ang Hotel de Oriente. Ito marahol ang
pamamaraan ni Rizal upang ipaalam sa gobernador heneral kung saan sila tutuloy at
ipahiwatig na wala siyang tinatagong anuman sa kaniyang pagdating. Isa pa, ipinaalam
niya iyon upang madali siyang matutunton sakali mang ipatawag siya ng gobernador
heneral para sa isang pag-uusap.

Gobernador Heneral Despujol

Pagsapit ng ikaapat ng hapon sa araw mismo ng pagdating niya ng Maynila ay

agad na nagtungo si Rizal sa Malakanyang upang makipagpulong kay Gobernador
Heneral Eulogio Despujol. Gayunpaman, siya ay pinayuhang bumalik na lang pagsapit
ng ikapito ng gabi. Sa kagustuhan ni Rizal na makita ang gobernador heneral, bumalik
siya sa itinalagang oras at sa wakas ay nakausap niya ang kataas-taasang pinuno ng
bansa ng mga panahong yaon.

Ang kanilang uinang pagkikita ay napakaikli lamang at tumagal ng tatlong

minute. Bagaman maikli, ang kanilang pag-uusap ni Gobernador Heneral Despujol ay

111
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

naging maayos at positibo. Iniatras ni Despujol ang deportasyon ng kaniyang ama

subalit wala siyang nakuhang balita hinggil sa magging kapalaran ng kaniyang kapatid
na si Paciano at ng iba pa niyang mga kaanak. Naglaan ng isa pang pulong ang
gobernador heneral kasama si Rizal noong Hunyo 29.

Habang hinihintay ang susunod na pagkikita nila ng gobernador heneral, binista

ni Rizal ang ilan sa kaniyang mga kapatid na babae. Kinaumagahan matapos siyang
makabalik ng Filipinas siya ay nagtungo sa Bulacan, Tarlac, Pampanga, at ang huli ay
Cavite upang bisitahin ang ilang kapanalig.

Bumalik siya ng Malakanyang sa mismong araw ng kanilang pagkikita ng

gobernador heneral. Alas-7 na nang muli niya itong makaharap, halos parehong oras
nang una silang magkita. Subalit, ang kanilang usapan ng kataas-taasang pinuno ay
umabot ng mahigit dalawang oras. Hindi siya nakakuha ng pardon para sa deportasyon
ng kaniyang kapatid. Pagkatapos ng kanilang pagpupulong, siya ay pinababalik
kinabukasan.

Gaya ng napag-usapan, bumalik si Rizal sa tanggapan ni Despujol kinabukasan.

Sa pagkakataong ito, napagkalooban siya ng pardon para sa kaniyang kapatid at bayaw.
Napag-usapan nila ang hinggil sa pamamalagi ng mga ito sa Borneoo na matiim namang
sinalungat nito. Sa muli, pinababalik ulit siya kinabukasan.

Pagsapit ng Linggo, muling bumalik si Rizal sa Malakanyang at personal na

pinasalamatan ang Gobernador Heneral. Ipinalam niya rito ang pagdating ng kaniyang
ama at kapatid sakay ng unang barkong dadaong mula Hong Kong. Sa kanilang pag-
uusap ni Despujol tinanong siya nito kung nais pa ba niyang bumalik ng Hong Kong at
sumagot naman siya ng pagsang-ayon. Pagkatapos ng pulong ay muli siyang pinabalik
noong Hulyo 6.

Ang La Liga Filipina

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, nagpatawag si Rizal ng pulong sa bahay ni

Doroteo Ongjunco sa Tondo. Ang kaniyang mga kasamahan na panay mason ang
dumalo sa nasabing pulong. Ilan sa kanila sina Pedro Serrano Laktaw at Temoteo Paez
na nauna na niyang binisita nang siya ay dumating. Kasama rin sa mga naroroon sina
Apolinario Mabini, Teodoro Plata, Deodato Arellano, at Andres Bonifacio. Ito ang
unang pagkikita nina Rizal at Bonifacio. Gayunpaman, una na nang nabasa ni Bonifacio
ang kaniyang nobelang Noli Me Tangere.

Ang layunin ng pagpupulong ay upang itatag ang La Liga Filipina. Naisip na ito
ni Rizal noong nasa Hong Kong pa lamang siya. Sa katunayan, sa Hong Kong niya
sinulat ang mga tuntunin ng samahan o liga.

Gayunpaman, ang pagbuo ng La Liga Filipina ay nagbunsod ng paghihinala ng

mga awtoridad. Noong Hulyo 5, o dalawang araw matapos ng pulong sa bahay ni
Ongjunco, inutusan ng gobernador heneral ang konstabularyo upang magkalughog sa
mga bahay na pinuntahan ni Rizal. Lalong tumindi ang paghihinala ng mga awtoridad
nang malaman ng mga itong ang lahat ng bahay na kaniyang pinuntahan ay magmamay-
ari ng mga mason. Magkakasunod na paghahalughog at pamamasok ang naganap.

112
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Bunga nito, nasapakat ng mga awtoridad ang ilang kopya ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ni Rizal pati na ang ilang dokumentong pinaniniwalaan nilang subersibo.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang bilang ng taong nakapagitan sa kuwento ng Noli Me Tangere at El

Filibusterismo.
c. Lima b. walo c. labing-isa d. labintatlo

2. Ang makatang naging katipan ni Paulita Gomez.

a. Basilio b. Isagani c. Makaraig d. Placido

3. Isang ulong pugot na may kuwentong kagaya ng sinapit ni Simoun.

a. Ispinghe b. Imuthis c. Isagani d. Ibarra

4. Ang katumbas ni Padre Damaso sa El Filibusterismo.

a. Padre Camorra b. Padre Irene c. Padre Salvi d. Padre Sybilla

5. Isa sa mga katangian ng mga prayle na ipinakita ni Rizal sa kaniyang ikalawang

nobela.
c. Pagkahilig sa perya c. pagkahilig sa pangangaso
d. Pagkahilig sa sugal d. pagkahilig sa cabaret

6. Isang mag-aaral na naging biktima ng pang-aalipusta ng kaniyang guro sa Pisika.

c. Basilio c. Placido Penitente
d. Isagani d. Juanito Pelaez

7. Isang paring indiyo na pinagkumpisalan ni Simoun ng lahat ng kaniyang mga

kasalanan at pinagdaanan sa buhay.
a. Padre Fernandez c. Padre Irene
b. Padre Florentino d. Padre Millon

8. Isang guro sa Pisika na mahilig mang-alipusta ng mag-aaral at kakikitaan ng

makalumang pamamaraan ng pagtuturo.
a. Padre Irene c. Padre Millon
b. Padre Fernandez d. Padre Sybilla

9. Ang iniregalo ni Simoun sa kasalang Paulita Gomez at Juanito Pelaez

a. Baul ng kayamanan c. Mamahaling kasuotan
b. Kuwintas na diyamante d. Magandang lampara

10. Isang tusong Intsik na naging kasabwat ni Simoun sa kaniyang balak na rebolusyon.
a. Lau-Chao c. Naragua
b. Mingyan d. Quiroga
Gawain 2. Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem. Isulat ang sagot sa puwang
pagkatapos ng bawat aytem.

113
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

11. Sinong kapatid na babae ang nakasama ni Rizal sa kaniyang ikalawang pag-uwi?
_____________________
12. Ano ang pangalan ng hotel na tinuluyan ng magkapatid pagdating nila ng Maynila?
_____________________
13. Ang gobernador heneral ng Filipinas nang umuwi si Rizal mula Hong Kong.
_____________________
14. Sa kaniya binigay ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo.
_____________________
15. Sa kaniyang bahay isinagawa ang pagpupulong para sa pagbuo ng La Liga Filipina.
_____________________
16. Saan nagana pang mga pagpupulong nina Rizal at ng gobernador heneral?
_____________________
17. Sino ang nag-utos na hindi na tutuloy ang deportasyon ng ama ni Rizal at ng
kaniyang mga kapatid?
______________________
18. Kanino inihabilin ni Rizal ang dalawang liham para sa kaniyang pamilya at kapuwa
Pilipino. Inihabilin niya rin dito na dapat buksan ang liham pagkatapos niyang
mamatay.
______________________
19. Bansa kung saan muling nagkasama-sama sina Rizal at kaniyang mga kaanak
matapos ang napakahabang panahon.
______________________
20. Isang Pilipinong mag-aaral sa University of Ghent na nagpatuloy kay Rizal habang
siya ay nasa Ghent.
______________________

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag at sagutin ang sumusunod na

katanungan.

21. Ano ang kahulugan ng Pilibusterismo? Mayroon pa bang ganito sa kasalukuyan?

Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

22. Kung ikaw si Rizal, uuwi ka pa ba ng Filipinas sa kabila ng nakaambang panganib?

Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
23. Karapat-dapat lang bang arestuhin si Rizal dahil sa kaniyang mga sinulat na nobela?
Pangatwiranan ang iyong sagot.

114
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

24. Anong klaseng pinuno si Despujol? Paano mo siya ihahambing sa kasalukuyang

mga lider ng pamahalaan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

25. May Bapor Tabo pa ba sa kasalukuyan na nahahati pa rin sa dalawang bahagi, ang
kubyerta at ilalim nito? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

26. Kung ikaw ay isa sa mga kaibigan ni Rizal, ano ang maipapayo mo sa kaniya sa
mga kinakaharap niyang suliranin sa kabanatang ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

27. Kung magsusulat ka rin ng nobela, kanino mo iyon iaalay? Bakit?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

115
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 4. Iguhit sa loob ng kahon ang pinakanagustuhan mong bahagi ng

nobelang El Filibusterismo.

116
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 9

Pagkaaresto, Pagkakapatapon,
at Pamumuhay ni Rizal sa Dapitan
Hindi nagkamali ang mga magulang at kaibigan ni Jose Rizal hinggil sa
kaniyang pag-uwi. Maraming nakaamba at nakaabang na panganib ang maaaring
kaharapin niya dahil sa mga naisulat niya sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Dahil dito ay magkakasunod na araw siyang pinatawag ng Gobernador Heneral Eulogio
Despujol sa Palasyo ng Malakanyang. Maliban pa rito ang mga patagong
nagmamanman sa kaniyang mga kilos at galaw pati na ang mga bahay na pinuntahan
niya. Sa pagtatatag nila ng La Liga Filipina, mas tumindi ang pagnanais ng mga Kastila
na siya ay iligpit sapagkat karamihan sa kanilang mga kasapi ay mga mason.

Sa kabanatang ito, matututunan natin ang mga susunod na pangyayari sa buhay

ni Rizal matapos niyang makipagpulong ng ilang ulit sa kataas-taasang pinuno ng
Filipinas noong panahon ng Kastila. Sa gayon, layunin ng kabatang ito ang sumusunod:

1. Matukoy ang mga dahilan ng pagkakadakip kay Rizal;

2. Maisa-isa ang mga pangyayari matapos na ipatapon si Rizal sa Dapitan;
3. Makilala ang mga taong nakasalamuha ni Rizal s Dapitan;
4. Malaman ang naging kaugnayan ni Rizal kay Josephine Bracken; at,
5. Makapangatwiran kung tama ba ang naging aksiyon ng mga Kastila na
pagpapatapon kay Rizal sa malayong isla.

Pag-aresto kay Rizal

Muling bumalik si Rizal sa Palasyo ng Malakanyang noong Hulyo 6 para sa

itinalagang pagpupulong nila ng Gobernador Heneral Eulogio Despujol. Wala siyang
kamalay-malay at kaide-ideyang iyon na ang huling pakikipag-usap sa kaniya ni
Despujol. Sa pag-uusap na yaon, muli siyang tinanong ni Despujol kung nais pa niyang
pumunta ng Hong Kong at muli siyang sumagot ng pagsang-ayon.

Nagulat si Rizal sa sumunod na tanong ng Gobernador Heneral. Tinanong siya

nito kung may tinatago siya sa kaniyang mga gamit na mga polyetong kontra sa mga
prayle. Dahil wala naman talaga, tumanggi siya sa tanong ng kausap. Bunga nito,
ipinakita sa kaniya ni Despujol ang mga polyetong may pamagat na “Pobres Frailes”
(Mahihirap na Prayle), at sinabi nitong natagpuan ang mga iyon sa kaniyang mga
bagahe sa otel. Ipinakita rin sa kaniya ni Despujol ang mga punda ng unan at mga kobre-
kama kung saan umano natagpuan ang mga polyeto saka siya tinanong kung sa kaniya
nga ang mga punda at kobre-kamang yaon. Sinabi ni Rizal na ang mga iyon ay
pagmamay-ari ng kaniyang kapatid na si Lucia.

Malinaw na hindi naniwala ag Gobernador Heneral sa mga tugon ni Rizal.

Bunga nito, sinabihan nito si Rizal na siya ay inaaresto sa mga oras na iyon. Inutusan
ng Gobernador Heneral ang kaniyang pamangkin na samahan si Rizal patungong Port
Santiago. Sa mga sandaling iyon ay ipiniit siya sa Port Santiago.

117
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sadyang hindi naging makatarungan ang ginawa ni Gobernador Heneral

Despujol na ipabilanggo si Rizal sapagkat hindi siya nagsagawa ng karampatang
imbestigasyon hinggil sa mga polyeto at kung paano nahanap ang mga iyon sa mga
bagahe ni Rizal. Siguradong walang kinalaman si Rizal sa mga bagay na iyon. Unang-
una, alam niyang ang mga polyetong yaon ay maaaring gamitin laban sa kaniya kaya
imposibleng dalhin niya ang mga iyon o kaya itago sa mga gamit na madaling
mahahalughog ng mga awtoridad. Kinalaunan ay lumabas din ang totoo na ang mga
polyetong yaon ay inilathala sa palimbagan ng mga Agustino. Pinaniniwalaan ding
kapareho ng mga iyon ang mga polyetong natagpuan sa mga bagahe ni Rizal na iniutos
ng mga prayle sa pamangkin ni Arsobispo Nozaleda.

Dekreto ng Deportasyon

Sadyang marami ang nagulat nang sumunod na araw matapos maaresto si Rizal
ay kaagad iniutos ng gobernador heneral na siya ay ipatapon sa Dapitan. Ang kautusan
ng deportasyon ay inilathala sa Gaceta de Manila noong Huluo 7, 1892.
Pinaniniwalaang ang naging pasya ng gobernador heneral ay bunga ng mga sulsol ng
mga Heswita na ipatapon si Rizal sa Dapitan kung saan sila ang namumuno ng mga
parokya roon. Sa katunayan, nang tuluyan nang dalhin si Rizal sa Dapitan, may dala-
dala siyang liham buhay kay Padre Pablo Pastels, ang puno ng misyon ng mga Heswita
sa Filipinas at ang liham na yaon ay nakapangalan kay Padre Antonio Obach.
Pinapayagan ng liham na manirahan si Rizal sa Jesuit Mission House.

Nakasaad sa kautusang deportasyon na si Rizal ay nagsulat at naglathala ng mga

aklat na lubha at malinaw na kontra sa simbahang Katoliko at mga prayle. Nakasaad
din ang pagkakatuklas ng mga subersibong polyeto sa mga gamit ni Rizal nang
dumating siyan mula Hong Kong. Upang susugan ang naging pasya ng gobernador
heneral, ipinaliliwanag ng kautusan na ang mga sinulat ni Rizal ay maliwanag na
pagtatangkang yurakan ang mga prayle na katumbas at kasimbigat ng pagyurak sa mga
Katoliko ng kapuluan ng Filipinas.

Upang lalong ipaliwanag ang kautusan hinggil sa pagkakapatapon kay Rizal,

nabanggit din sa kautusan ang tungkol sa aklat niyang El Filibusterismo. Ang isyu
hinggil sa El Fili ay nakasentro sa dedikasyon ng aklat sa tatlong paring martir na
GOMBURZA na tinawag nilang “mga taksil sa bayan”. Dagdag pa rito, nabanggit din
sa aklat na sinulat ng may-akda na walang higit pang paraan para mailigtas ang bansa
kundi ang maihiwalay ito sa Espanya.

Inilagay rin ni Despujol sa naturang dekrito ang pagbabawal ng pagpasok at

sirkulasyon sa Filipinas ng mga akda ni Rizal at papanagutin at isusuko sa mga
awtoridad ang sinumang lalabag dito. Sinumang mahuhuli ay pagkakalooban ng
karampatang kaparusahan.

Fort Santiago

Bagamat ang dekrito ng deportasyon kay Rizal sa Dapitan ay nailabas noong

Hulyo 7, 1892, siya ay hindi agad ipinatapon doon at pansamantalang piniit sa Port
Santiago. Nanatili siyang incommunicado sa Fort Santiago walong araw bago siya

118
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

tuluyang dalhin sa Dapitan. Mabuti’t naging mainam ang trato sa kaniya sa Fort
Santiago habang pansamantalang namamalagi siya roon. Pinatuloy siya roon sa isang
maayos na silid na may kompletong kasangkapan, sandosenang upuan, mesa, higaan,
palanggana, at malaking salamin. Sa talaarawan ni Rizal, sinulat niyang ang silid ay
may tatlong bintana, ang isa ay walang harang na bakal at nakaharap sa kaburan, ang
isa ay may harang na bakal at nakarap sa siyudad at dalampasigan, at ang pangatlo ay
nagsisilbing pinto at nanatiling nakakandado.

Binigyan si Rizal ng maayos na pakikitungo ng Komandante ng Fort Santiago

na ibang iba sa mga pangkaraniwang bilanggo. Pinagsisilbihan ng mabait na
komandante ang bilanggong manunulat ng mainam na pagkain at pinahiram pa niya ito
ng mga aklat na mula sa kaniyang pribadong aklatan.

Pagkakapatapon sa Dapitan

Personal na binisita ni Ramon Despojul si Rizal sa Fort Santiago upang ipaalam

sa kaniya na dadalhin na siya sa Dapitan. Alas-10 na ng gabi ng Hulyo 14 nang
ipinaalam sa kaniyang kinakailangan na niyang lisanin ang Fort Santiago, kaya agad na
sininop ni Rizal ang kaniyang mga gamit at inihanda ang sarili sa paglalakbay patungo
sa isang estrangherong lugar na pagtatapunan sa kaniya. Subalit, hindi dumating ang
sasama sa kaniya papunta roon kaya natulog na lamang muna siya. Ginising siya
pagsapit ng hatinggabi.

Dinala si Rizal sa pantalan ng parehong mga taong nagdala sa kaniya sa Fort

Santiago. Ang barkong “Cebu” ang nagdala sa kaniya sa Dapitan. Naroroon sa
hatinggabing iyon si Heneral Ahumada kasama ang ilan pang tao upang makita ang
paglisan ni Rizal. Sa wakas, nagsimulang maglayag ang barko sa ganap na alauna ng
madaling araw patungong isla ng Dapitan.

Habang nasa barko, naging ispesyal ang trato ng mga kasama kay Rizal na tila
ba isang opisyal na may mataas na katungkulan sa pamahalaan. Ibinigay ng Kapitan
kay Rizal ang kabinang may marking “jefes” na ngangahulugang commanding officer.
Siya ay binabantayan doo n ng sintenel at korporal. Siya ay pinakain sa lugar ng opisyal
ng barko at ang Kapitan mismo ang personal na sumama sa kaniya sa paglilibot sa
kubyerta ng barko.

Ang “Cebu” ay dumating sa Dapitan sa gabi ng Huly 17, 1892. Nag dumating
sila sa bayan, si Rizal ay sinundo at sinamahan ni Ricardo Carnicero, ang politiko-
militari komander ng distrito. Siya ay binigyan ng dalawang mapagpipilian kung saan
mamamalagi, kung sa bahay ni Carnicero o kaya sa Jesuit Mission House.

Si Rizal at si Ricardo Carnicero

Pinili ni Rizal na pansamantalang manirahan sa bahay ni Ricardo Carnicero.

Ang huli ay binigyan ng tungkuling bantayan ang mga ginagawa ni Rizal at pinayuhang
ipagbigay-alam sa Gobernador Heneral ang kaniyang mga mapupuna. Alam ni
Kastilang komander na si Rizal ay hindi ordinaryong bilanggo kung kaya ito ay lubhang
bantay-sarado. Subalit dahil sa natural na karisma at kabutihan ni Rizal, sila ni

119
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Carnicero ay naging malapit at mabuting magkaibigan. Labis na ikinatuwa ni Rizal ang

napakabuting pagtanggap at pagtrato sa kaniya ni Don Carnicero. Bilang ganti,
pinakitaan ni Rizal ng napakataas na antas ng repeto ang lokal na gobernador.

Pinayagan ni Carnicero na maglibot-libot at mamasyal sa buong bayan si Rizal.

Ang hiningi lamang niya ay ang lingguhang pagrereport nito sa kaniya. Madalas naman
silang magkasama sa bahay ni Carnicero. Mas nakilala ng Kastila si Rizal dahil sa
kanilang madalas na pagkukuuwentuhan. Sa katunayan, sa unang ulat ni Carnicero sa
Gobernador Heneral Eulogio Despujol, ipinalam niya rito ang una nilang pag-uusap ni
Rizal. Sa ulat na iyon na may petsang Agosto 30, 1892, tinanong niya si Rizal kung
ano-anong reporma ang nais nito para sa Filipinas. Sinagot naman siya naman ni Rizal
ang nais ni Carnicero.

Sa parehong pag-uusap, tinanong din ng Kastila si Rizal kung pabor ba siyang

paalisin ang mga prayle sa Filipinas na sinagot naman niya ng pagtutol. Ang ulat ay
isang oportunidad para kay Rizal para ipaalam sa pamahalaan tungkol sa mga ninanais
niyang reporma sa politika na nais niya para sa bansa. Alam niyan anumang sabihin
niya kay Carnicero ay makararating sa gobernador heneral.

Noong Setyembre 21, 1892, muling nagsumite ng ulat si Carnicero kay

Gobernador Heneral Despujol. Ang naturang ulat ay naglalaman ng dalawa o higit pang
repormang nais ni Rizal. Iyon ay ang kalayaan sa relihiyon at kalayaan sa
pamamahayag.

Kalungkutan sa Pamamalagi sa Dapitan

Ng pagkakapatapon kay Rizal sa Dapitan ay nagbigay ng labis na kalungkutan

hindi lamang sa kaniya kundi pati sa kaniyang pamilya. Hindi siya nakapag-ukol ng
oras kasama ang kaniyang mga kaanak magmula pa nang dumating siya sa galing Hong
Kong. Iyon ay ang kaniyang ikalawang pag-uwi matapos ang napakahabang panahon
sa ibang bansa. Ngayong siya ay nakapiit sa Dapitan, pakiramdam niya ay muli siyang
nahiwalay sa kaniyang mga mahal sa buhay. Sinulatan niya ang kaniyang inang nasa
Hong Kong, ang una niyang liham mula nang siya ay naipatapon sa malayong islang
iyon. Sa liham na iyon, na may petsang Hulyo 25, 1892, inilahad ni Rizal ang kaniyang
labis na lumbay. Ayon sa liham:

“Sa mga araw na itong walang komunikasyon, paglalakbay,

at deportasyon, nalulumbay ako habang kayo ay aking naiisip, at sa
dahilang iyo, napagpasyahan kong lumiham sa inyo na ako’y nasa
mabuting kalagayan dito at tila baga nasa isang bakasyon sa lugar
na ito habang binabantayan ng mga sundalong Kastila.hindi ako
nangungulila sa kahit na ano maliban sa ppamilya at kalayaan”.

Ang kaniyang lumbay ay lalong tumitindi dahil hindi siya nakatitiyak kung
hanggang kailan siya mananatili sa Dapitan bilang bilanggo. Hindi man lamang
nagbigay ng anumang salita ang gobernador heneral hinggil sa kaniyang pamamalagi
roon kung hanggang kailan at kung kailan siya makalalaya. Hindi rin makapagbigay ng
tumpak na kasagutan si Carnicero kung kailan ang tiyak na araw ng kaniyang paglisan
sa Dapitan. Sinabi niya sa kaniyang ina “Hindi ko nababatid kung gaano kahabang

120
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

panahon ang aking iuukol sa Dapitan”. Ang liham na yaon ay sinulat niya sa mismong
araw ng kaniyang pagdating sa Dapitan mula sa Fort Santiago noong Hulyo 14, 1892.

Pamamalagi sa Dapitan

Nang magsisimula na si Rizal mamuhay bilang bilanggo sa Dapitan, siya ay

nakaranas ng maswerteng kapalaran dahil nagwagi siya sa loterya. Bumili sina Rizal,
Carnicero, at Equilor ng tiket sa loterya na may bilang na 9736. Sila ay nag-ambagan
upang mabili ang naturang tiket. Ang barkong “Butuan” ang nagdala ng magandang
balita sa kanila sa Dapitan noong Disyembre 21, 1892. Ang tiket na may bilang na 9736
ay nanalo ng ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P20,000.00. silang tatlo ay
naghati-hati sa papremyo at ang natamong premyo ni Rizal ay P6,200.00.

Ang pagdating ng naturang magandang balita ay tugmang-tugma sa mga

panahong kailangan no Rizal ng pera bilang puhunan sa pagsisimula niya sa Dapitan.
Sa katunayan, ninais niyang humiram ng pera sa kaniyang pamilya kung hindi siya
nagwagi sa loterya. Sa gayon, ginamit ni Riza ang pera upang makabili ng isang piraso
ng lupa sa Dapitan. Balak niyang bungkalin ang lupa at taniman ng mga bulay at
bungang kahoy. Nagpadala siya ng P2,000.00 sa kaniyang ama sa Hong Kong at ang
natitirang halaga ay ginamit niya upang maipatayo ang sariling bahay.

Enero ng 1893, nilisan ni Rizal ang bahay ng mga Carnicero at tumuloy sa sarili
na niyang bahay sa Dapitan. Gaya ng kaniyang orihinal na plano, nagpatayo siya ng
maliit na bahay sa lupang kaniyang binili at nagtanim di siya ng mga bungang kahoy sa
paligid nito. Ang pagpapatayo ng kaniyang bahay ay natapos noong Marso sa taon ding
iyon at nakapagpatubo siya ng 50 puno ng lansones, 20 puno ng mangga, puno ng
makopa, at mahigit 50 puno ng langka, mga puno ng santol, 18 puno ng mangosteen
pati na puno ng kape at kakaw. Nag-alaga din siya ng mga hayop kagaya ng mga manok,
kuneho, aso, at pusa.

Si Rizal ay naging guro ngb mahihirap na kabataan sa Dapitan. Nagsimula siya

sa tatlong bata na nang lumaon ay naging 21. Tinuruan niya ang mga ito ng mga wikang
Ingles, Latin, Kastila, at kung paano maghanap-buhay. Nagkaklase siya pagkatapos
niyang mananghalian hanggang alas-kuwatro ng hapon. Sa isang liham niya kay
Blumentritt, inilarawan niya kung paano niya nagugustuhang maging guro sa kaniyang
mga mag-aaral. Sinabi niya kay Blumntritt: “kahit sino ay hahanga sa kanilang
hangaring mag-aral kahit na kinakailangan nilang magtrabaho para sa akin,
nagtatrabaho sila alang-alang sa kanilang pag-aaral.”

Ilan sa mga kaanak ni Rizal ang bumisita at sinamahan siyang manirahan sa

Dapitan. Ang kaniyang ina at kapatid na si Trinidad kasama ang isang pamangking
lalaki ay dumating pagsapit n Agosto.dahil dito ay nagkaroon siya ng pagkakataong
muling operahin ang nanlalabong mga mata ng ina. Nang umalis sina Donya Teodora
at Trinidad, dumating naman sa Dapitan ang iba pa niyang kapatid na babae na sina
Maria at Narcisa kasama ang ilan pang pamangking lalaki. Sa kasamaang palad, hindi
nakarating ng Dapitan ang kaniyang ama sapagkat mahina na ito at sakitin pa. sa isang
liham, sinabi ni Rizal kay Blumentritt na ang kaniyang ama “tumatandang sakitin
araw-araw”. Labis siyang nangungulila sa kaniyang ama. Sinabi niya sa kaniyang
kapatid na si Josefa: “Pakisabihan an gating ama na nais ko siyang makita; nawa ay

121
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

makita namin ang isa’t isa sa lalong madaling panahon. Pakihagkan na lamang ang
kaniyang kamay para sa akin”.

Bilang manggagamot, si Rizal ay nagkaroon ng napakaraming pasyente hindi

lamang galing Dapitan kundi pati na sa mga karatig-bayan. Karamihan sa kaniyang mga
pasyente ay mahihirap subalit kumikita pa rin siya sapagkat may mga pasyente ring
nagbabayad kahit papaano. Sinabihan niya ang kaniyang bayaw na si Manuel sa
pamamagitan ng liham na ang kaniyang lupa ay ”nauukupa ng maliliit na bahay-
pagamutan”. Naging bahagi na ng kaniyang araw-araw na buhay sa Dapitan ang
panggagamot ng kaniyang mga pasyente.

Nagpatuloy sa pagsusulat ng liham si Rizal sa mga kaibigang Europeo habang

namumuhay bilang bilanggo sa Dapitan. May mga liham siya para kay Dr. Meyer,
Professor Kluschak, Dr. Joest Kheil, Dr. Rost, at siyempre sa kaniyang mabait na
kaibigang Austriano na si Ferdinand Blumentritt. Nagpadala rin ng mga koleksiyon ng
ispesimen si Rizal na pawang nakuha niya sa Dapitan sa mga nabanggit na siyentipiko.
Kabilang sa mga ito ang koleksiyon ng mga paruparo, mga reptilya, mga kabibe, mga
ibon, mga kulisap, at marami pang iba. Habang ginagawa ang pangangalap ng mga
ispesimen, nakadiskubre siya ng mga kakaibang organism na ipinangalan sa kaniya
kagaya ng maliit na lumilipad na dragon (Draco rizali), maliit na uwang (Apogonia
rizali), at isang uri ng palaka (Rachophorous rizali).

Sa maraming liham ni Rizal kay Blumetritt, inilarawan niya ang kaniyang

pamumuhay sa Dapitan bilang pangkaraniwan. Isa sa kaniyang mga liham ay
nagsasabing:

“Ang buhay ko ay nagpapatuloy nang payapa subalit

pangkaraniwan. Upang makapagpalipas ng oras at matulungan na rin
ang mga tagarito, ako’y naging mangangalakal. Ako’y bumibili ng lubid
at ipinagbibili rin ang mga iyon sa Maynila. Mapalad ako ngayong
buwang ito sapagkat kumita ako ng 200 dolyar sa isang bentahan. Ang
buhay ko ngayon dito ay payapa, tahimik, pribado, walang karangyaan
at kaluwalhatian, subalit naiisip ko ring mahalaga na rin ang ganito.
Nagtuturo ako sa mahihirap subalit matatalinong mga bata kung paano
magbasa ng Kastila, Ingles, Matematika, at kung paano maging
maginoo. Tinuturuan ko rin ang mga tagarito kung paano kumita at
mamuhay nang maayos, at naniniwala silang ako’y tama. Ang
pakikisalamuhang ito sa mga tao ang nagturo sa akin ng isang bagong
wika, Bisaya, at kung paano magsagwan habang sakay ng bangka. Dahil
dito ay mas nagtamo ako ng mga bagong kaalaman hinggil sa aking
bayan, at madalas ay kumikita ako ng ilan ding libong dolyar. Sadyang
marunong magbigay ng magandang kapalaran ang Panginoon sa gitna
ng pagkaparool sa kamay ng panggigipit ng mga kaaway.”

Si Josephine Bracken

Pagkatapos ng nakapapagod na maghapon, sa tahimik na gabi sa bayan ng

Dapitan, habang nasa sariling bahay ay nakadarama si Rizal ng hindi masukat na
kalungkutan. Nangungulila siya sa kaniyang pamilya at iba pang mahal sa buhay pati

122
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

na sa mga matatapat at mabubuti niyang kaibigan sa iba’t ibang bansa. Halos mawasak
ang kaniyang puso dahil sa pagkamatay ni Leonor Rivera noong Agosto 28, 1873.
Nadarama niyang kailangan niya ng kausap o makakasama man lamang upag pasayahin
siya sa panahong iyon ng kalungkutan at pagluluksa.

Iyon marahil ang pagkakataon ng Panginoon upang dalhin ng kapalaran si

Josephine Bracken sa Dapitan. Si Josephine Bracken ay isang dalagang Irish na may
labingwalong taong gulang, “isang blandina, may asul na mga nangungusap na mata,
simple at balingkinitang dilag.” Siya ay isinilang sa Hong Kong ng mga magulang na
Irish noong Oktubre 3, 1876. Ang kaniyang ama ay si James Bracken, isang korporal
sa garrison ng mga Briton at ang kaniyang ina ay si Elizabeth Jane MacBride, na
namatay sa panganganak. Siya ay inampon ni G. George Taufer simula pagsilang. Di
naglaon, si G. Taufer ay nabulag.

Dahil walang espesyalista sa optalmolohiya sa Hong Kong nang mga panahong

yaon upang malunasan ang pagkabulag ni G. Taufer, sinamahan siya ng kaniyang
ampong si Josephine Bracken sa Maynila upang magpagamot sa bantog na siruhano sa
mata, na nagngangalang Dr. Jose Rizal. Dahil sa naipatapon na si Rizal sa Dapitan,
sinamahan sila ng isang babaeng nangngangalang Manuela Orluc papuntang Dapitan.
Binigyan si Taufer ng liham-rekomendasyon ng kaibigan at kaklase ni Rizal na si Julio
Llorente. Sa unang pagkikita pa lamang ay inibig na nina Rizal at Josephine ang isa’t
isa. Napakabilis ng kanilang pag-iibigan. Sa katunayan ay nagpasya agad silang
magpakasal pagkalipas ng isang buwan, subalit, sila ay tinanggihang ikasal nang
walang pahintulot ng Obispo ng Cebu.

Mga Pagbabago sa Filipinas

Habang si Rizal ay nasa Dapitan, marami ang pagbabagong naganap sa

pamamalakad ng Espanya sa Filipinas. Nagsimula iyon nang umupo si Don Antonio
Maura bilang Ministro ng mga Kolonya. Siya ay inilarawan bilang pinakaliberal mag-
isip na minstro ng mga kolonya. Hiniling niya ang pagbibitiw ni Despujol bilang
Gobernador Heneral. Tumanggi ang huli subalit dahil doon, siya ay sinibak ni Maura at
pansamantalang hinalinhan ni Federico Ochando bilang pansamantalang gobernador
heneral. Di naglaon, si Ochando ay pinalitan ni Ramon Blanco.

Ang bagong Gobernador Heneral ay hindi estranghero sa Filipinas sapagkat

nagsilbi na ito bilang military governor sa Mindanao noong 1866. Di naglaon,
tinulungan niya si Rizal na magboluntaryo sa Spanish Medical Corps sa Cuba at
tumangging iugnay si Rizal sa pag-aaklas ng Katipunan. Habang siya ang nakaupong
Gobernador Heneral, , sumulat si Rizal ng isang petisyon para sa kaniyang kalayaan sa
pamamagitan ng kaniyang bayaw na si Manuel Hidalgo. Sa naturang petisyon, mariin
niyang kinukundena ang kaniyang deportasyon sa Dapitan.

Sa kasamaang-palad, hindi tumugon ang Gobernador Heneral. Nagkaroon siya

ng pagkakataong makausap si Blanco nang minsang bumisita ito sa Dapitan kasunod
ang kaniyang kampanya laban sa mga Muslim sa Mindanao. Sa kanilang pag-uusap,
ipinangako ng kataas-taasang pinuno na ililipat niya si Rizal sa Ilocos o La Union.

123
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Samantala, sa habang tahimik na namumuhay si Rizal sa Dapitan ay may isang

di kilalang panauhing dumating. Nagpakilala siya sa pangalang Dr. Pio Valenzuela.
Ayon sa kaniya, isa siyang emisaryo ng Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio.
Ipinalam nito kay Rizal ang magaganap na pag-aaklas sa mga susunod na araw. Dahil
dito, kakailanganin umano ng Katipunan ang payo ni Rizal hinggil sa kanilang mga
balakin. Dahil sa labag sa kaniyang mga paniniwala ang ilan sa mga pamamaraan ng
Katipunan kagaya ng marahas nap ag-aaklas, umalis si Dr. Valenzuela naa hindi nakuha
ang pakay sa pambansang bayani.

Kagaya ni Despujol, hindi ankaligtas si Ricardo Carnicero sa mga pagbabago sa

pamamalakad sa kapuluan. Siya ay hinalinhan ni Juan Sitges sa utos ni Ochando.
Pinaniniwalaang ang huli ay ginipit ng mga Heswita dahil sa naging magandang
pakikitungo ni Carnicero kay Rizal habang nasa poder niya ito. Gaya ng natalakay na
natin sa mga unang bahagi, nagustuhan ni Rizal ang mabuting pakikitungo ni Carnicero.
Naniniwala ang mga Heswita na isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi na nabago pa
ang mga kaisipan ni Rizal hinggil sa relihiyon at politika.

Nagkaroon din ng regudon sa panig ng mga Heswita. Hinalinhan ni Padre Juan

Ricart si Padre Pablo Pastells bilang pinuno ng Jesuit Order sa Filipinas. Sa panahon ng
deportasyon ni Rizal sa Dapitan, nagkaroon sila ng mahabang debate ni Padre Pastells
hinggil sa rellihiyon at pilosopiya. Ang mga kaisipan ay idinaan sa mga liham at
nagpatuloy ang kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng pagsusulatan. Ang bagong
pinuno ng mga Heswita ang responsible sa pagkakatanggal kay Don Ricardo Carnicero.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang babaeng nakilala ni Rizal sa Dapitan na nang lumaon ay naging karelasyon
niya?
a. Josefa Mercado c. Josephine Bracken
b. Jinky Pacquiao d. Leonor Valenzuela

2. Ang nobela ni Rizal na ginamit ng mga Kastila bilang ebidensiya kaya siya napiit sa
Fort Santiago.
a. El Filibusterismo c. Noli Me Tangere
b. Makamisa d. Pobres Frailes

3. Ang Dapitan ay pinamumunuan ng anong grupo ng mga Pari?

a. Agustino c. Heswita
b. Dominikano d. Pransiskano

4. Ang perang ginamit niya sa pagbili ng lupa sa Dapitan.

a. kinita mula sa kaniyang mga nobela
b. inutang sa kaniyang mga magulang at kapatid
c. napanalunan sa loterya nang minsang tumaya siya
d. wala sa mga nabanggit

5. Petsa ng pagkakapatapon kay Rizal mula Fort Santiago hanggang Dapitan.

124
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

a. Hulyo 13, 1892 c. Hulyo 15, 1892

b. Hulyo 14, 1892 d. Hulyo 16, 1892

6. bakit labis na nalungkot si Rizal habang nasa Dapitan siya?

a. namatay si Leonor Rivera
b. nangungulila siya sa mga mahal sa buhay
c. nangungulila siya sa mga kaibigan sa ibang bansa
d. lahat ng nabanggit

7. Maliban sa isa ay ang mga ginawa ni Rizal sa lupang nabili niya sa Dapitan. Alin ang
hindi?
a. nagpatayo ng bahay, paaralan, at klinika
b. tinamnan ng mga bungang-kahoy gaya ng mangga, lansones, at iba pa.
c. pareho tama ang unang dalawa
d. walang tama sa unang dalawa

8. Ano ang kaunayan ni Josephine Bracken kay George Taufer.

a. amain c. tiyuhin
b. ama d. umampon sa kaniya

9. Ang pumalit kay despujol bilang gobbernador heneral

a. Antonio Luna c. Ramon Blanco
b. Ramon Despujol d. Ricardo Carnicero

10. Ang paring nakadebate ni Rizal hinggil sa Relihiyon at Pilosopiya.

a. Padre Obach c. Padre Ricart
b.Padre Pastells d. Padre Rodriguez

Gawain 2. Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem at isulat ang tamang sagot sa
nakalaang puwang pagkatapos ng bawat aytem.

11. Palakang ipinangalan kay Rizal na natuklasan niya sa Dapitan.

___________________________________

12. Uwang na natuklasan ni Rizal sa Dapitan at ipinangalan din sa kaniya.

___________________________________

13. Araw ng kapanganakan ni Josephine Bracken.

___________________________________

14. Pinangalanan itong Draco rizali matapos na matuklasan ni Rizal.

___________________________________

15. Pangalan ng ina ni Josephie Bracken.

___________________________________

16. Ang miyembro ng pamilya ni Rizal na hindi man lamang nakadalaw sa kaniya sa
Dapitan dahil sa paagiging sakitin nito.
___________________________________

125
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

17. Ang pumalit sa posisyon ni Carnicero.

____________________________________

18. Ang emisaryo ng Katipunan na dumalaw kay Rizal sa Dapitan.

____________________________________

19. Bansang pupuntahan ni Rizal kung saan siya magsisilbing manggagamot

pagkatapos ng kaniyang pagkakapatapon sa Dapitan.
____________________________________

20. Pangalan ng ama nio Josephine Bracken.

____________________________________

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang mga sagot sa sumusunod na tanong.

20. Bakit hindi pumayag ang mga pari sa Dapitan na ikasal sina Rizal at Josephine
Bracken?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

21. Bakit naging mabunga ang pamamalagi ni Rizal sa Dapitan bilang bilanggo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

22. Paano mo ilalarawan ang mga mamamayan ng Dapitan batay sa pagkakatalakay sa

kabanata?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

23. Pag-ibig ng aba sa unang pagkikita ang namayani kina Rizal at Josephine?
Pangatwiranan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

24. Ano kaya ang dahilan ni Rizal kung bakit siya tumangging umanib sa Katipunan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

126
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 4. Naranasan mo na ba ang mag-isa? Ano-ano ang mga naramdaman mo?

Gaano ka naka-relate kay Rizal sa kabanatang ito? Ipakita ang iyong malasakit
sa pamamagitan ng pagpapayo kay Rizal. Sumulat ng isang maikling liham na
nagpapayo kay Rizal sa mga sandaling ito ng kaniyang buhay.

127
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 10

Ang Huling Pangingibang-Bansa, Paglilitis,

at Kamatayan ni Rizal

Ang pamamalagi ni Rizal sa Dapitan ay punong-puno ng kawalang-katiyakan.

Maliban sa malayo siya sa mga mahal niya sa buhay, hindi niya alam kung hanggang
saan siya dadalhin ng malungkot na kapalarang yaon. Mabuti’t may ipinadala ang Diyos
upang pasayahin siya—si Josephine. Sa wakas, naging masaya ang dating malumbay
na araw-araw ni Rizal sa estrangherong lugar na iyon.

Subalit, lahat ng magagandang bagay ay nagtatapos. Sa kabanatang ito,

tatalakayin natin ang mga huling kaganapan sa buhay ng ating pambansang bayani. Sa
gayon, layunin ng bahaging ito ang sumusunod:

1. Matukoy ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Rizal matapos niyang

lumaya sa Dapitan;
2. Makilala ang mahahalagang taong nakasama at nakasalamuha ni Rizal sa
mga huling sandali ng kaniyang buhay;
3. Maisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaniyang paglilitis at
kamatayan; at
4. Maipaliwanag ang dahilan ng sentensyang kamatayan ni Rizal.

Balak na Pagpunta sa Cuba

Bagamat walang katiyakan ang pamamalagi ni Rizal sa Dapitan, maraming mga

susunod na pangyayari ang halos babago sa kaniyang buhay. Hindi siya nakatanggap
ng anuimang salita mula sa Gobernador Heneral kung kailan matatapos ang kaniyang
deportasyon. Hindi na rin nasusugan pa ang ipinangako ni Blanco na ililipat siya ng
Ilocos o La Union. Nagtagumpay ang kaniyang mga kaaway na panatilihin siya sa
Dapitan, malayo sa mundo, malayo sa mga mahal niya sa buhay. Naisip niya, para sa
kaniyang mga kaaway iyon ang pinakamainam na pamamaraan upang siya ay
patahimikin.

Hindi na niya nais pang magtagal sa Dapitan. Ipinahayag niya ito sa kaniyang
kapatid na si Trinidad sa isang liham na nakararamdam na siya ng sakit. Hindi na niya
matatagalan pa ang kaniyang pamumuhay sa Dapitans sapagkat napakarami ng
kaniyang trabaho roon at nagiging dahop na sa sustansiya ang kaniyang katawan.
Gumawa na siya ng paraan upang lisanin ang Dapitan sa pamamagitan ng pagsusulat
niya ng liham sa Gobernador Henetral Blanco na humihingi ng permisong payagan
siyang pumunta ng Espanya. Gaya ng inaasahan, wala siyang natanggap na anumang
tugon.

Maging ang kaniyangnmga kasahan ay ayaw siyang manatili roon nang walang
ginagawa. Maraming idea ang iminungkahi upang palayain si Rizal. Ang Katipunang
binuo ni Bonifacio ay nagplanong iligtas si Rizal mula sa pagkakabilanggo sa Dapitan.

128
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Subalit, hindi siya sumang-ayon sa nasabing idea. Sa katunayan, tumanggi nga si Rizal
na makilahok o sumali sa lihim na samahang iyon.

Isa pang mungkahi ang nagmula naman sa kaibigan niyang si Jose Ma. Basa sa
Hong Kong. Lumiham ito sa kaniya na nagsasabing humingi umano siya ng pardon
mula sa Espanya. Sa kasamaang palad, pinayuhan ni Regidor si Basa na sa kabila ng
lahat ng kaniyang mga gagawin, ang paghingi ng pardon sa Madrid gaya ng ipinayo ng
ilang kaibigan sa pamahalaan, ay maaari lamang ayusin sa Maaynila. Nanganhulugan
iyong ang kaso ay maaari lamang na pagdesisyunan ng kataas-taasang Gobernador
Heneral Ramon Blanco.

May isa pang idea si Regidor na ibinahagi niya kay Blumentritt. Nais niyang
magboluntaryo si Rizal bilang doktor ng military sa Cuba. Ang puwersa ng mga Kastila
ay nangangailangan ng mga manggagamot dahil sa pagsiklab ng rebolusyon sa naturang
bansa. Ang pagsasagawa nito ang makapagpapalaya kay Rizal sa Dapitan at
makapagpapatunay sa mga awtoridad na karapat-dapat lang talagang bigyan ng pardon
ang kanilang kaibigan. Para kay Blumentritt, ang panukalang iyon ay isang mainam na
idea kaya agad niyang sinulatan si Rizal at pinayuhan itong magboluntaryo na sa Cuba
bilang doktor ng Spanish Medical Corps.

Tinanggap ni Rizal ang mungkahi ng kaibigan. Sa katunayan, naniniwala siyang

iyon ay napakainam na idea. Sinabi niya kay Blumentritt sa pamamagitan ng isang
liham na may petsang Nobyembre 20, 1895, na nagsusulat na siya sa Gobernador
Heneral para sa kaniyang kahilingan. Kinabukasan, Nobyembre 21, ipinaalam niya sa
kaniyang ina ang kaniyang pasya.

Gaya ng inaasahan, labis na nag-alala ang kaniyang pamilya lalong-lalo na ang

kaniyang mga magulang sa agarang pagbabago niya ng plano. Naunawaan niya ang
pinanggagalingan ng takot ng kaniyang ama at ina dahil mapanganib na lugar ang Cuba.
Sinabiha niya sa mga ito sa pamamagitan ng isang liham:

“Natanggap ko ang inyong liham noong ika-14, at

nauunawaan ko nang lubusan ang inyong pag-aalala ni tatay hinggil
sa pagtungo ko sa Cuba; subalit, gaya nga ng palagi po ninyong
tinuturan, manampalataya lamang tayo sa Diyos. Hanggang
ngayon’y patuloy pa rin Niya akong inililigtas sa lahat ng panganib
at kapahamakan; bakit Niya hindi gagawin ang gayon sa
kinabukasan?”

Sa isa pang liham, sinabi niya sa kaniyang mga magulang:

“Huwag na po kayong mag-alala sa anuman; tayong lahat ay

nasa kamay ng Poong Maylikha. Hindi lahat ng pumupunta sa Cuba
ay namamayapa, at sakali mang may namamatay, namatay silang
gumagawa nang mabuti”.

Noong Nobyembre 17, 1895, si Rizal ay sumulat ng petisyon para kay

Gobernador Heneral Blanco upang magboluntaryong maging manggagamot sa Spanish
Army sa Cuba. Sa kasamaang palad, wala pa rin siyang natanggap na tugon sa kaniyang
aplikasyon. Dahil determinadong makapunta ng Cuba, muli siyang sumulat kay Blanco

129
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

nang iginigiit ang kaniyang pagnanais na magsilbi bilang doktor. Lumiham siya sa
kaniyang ina: “Sinubukan kong igiit ang aking kahilingang magsilbi sa Cuba sa kabila
ng katotohanang wala pa akong natatanggap na tugon sa una kong liham”.

Ilang buwan din ang lumipas mula nang maipadala ang una at ikalawang
petisyon sa Gobernador Heneral. Bunga nito, nanamlay na ang pagnanais ni Rizal na
lisanin ang bansa. Sinabi niya sa kaniyang kaibigang si Blumentritt: “Nawala na sa
aking mgaa plano ang pagtungo sa Cuba sapagkat anim na buwan na ang nakalilipas
matapos kong ipadala ang aking aplikasyon subalit wala ni isang tugon tungkol doon”.

Matapos niyang alisin mga plano niya ang pagpunta sa Cuba, nasupresa si Rizal
nang makatanggap siya ng isang liham mula kay Blanco noong Hulyo 1, 1896. Ang
liham ay ipinadala sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong “Espanya”. Ang liham ay
ang matagal na niyang hinihintay na pagsang-ayon ng gobernador heneral na siya ay
makapunta ng Cuba.

Muling pinag-isipan ni Rizal ang mga susunod niyang hakbang at plano. Gaya
ng nakasaad, inalis na niya sa kaniyang isipan ang Cuba bago pa man niya matanggap
ang liham mula kay Blanco. Ngayong natanggap na ang kaniyang petisyon,
kinakailangan na naman niyang baguhin ang kaniyang mga plano. Sa wakas,
napagpasayahan niyang iwan ang Dapitan upang magtungo ng Cuba. Nabahala siyang
sakali mang tumanggi siya sa pag-alis sa mga panahong yaon ay baka maiugnay sa
ibang mga bagay. Sa mga panahon din kasing iyon, ang Katipunan sa ilalim ng
pamumuno ni Bonifacio ay nagsimula nang mag-aklas laban sa pamahalaan.

Paglisan sa Dapitan

Ayon kay Rizal, siya ay namalagi sa Dapitan sa loob ng apat na taon,

labintatlong araw, at ilang oras. Sa mahabang panahong paninirahan niya roon,
natutunan na siyang mahalin ng mga tao sa isla. Gaya ng mga nabanggit sa unahan, si
Rizal ay naging bukas-palad sa pagbibigay ng libreng konsultasyon at panggagamot
pati na libreng edukasyon sa mga taga-Dapitan.

Bilang ganti, hindi basta-basta hinayaan ng mga taong umalis si Rizal sa

Dapitan. Sinigurado nilang ang kaniyang paglisan ay isang malaking pagdiriwang.
Paalis na sana si Rizal, nang dumating ang buong bayan upang magpaalam sa kaniya.
Naghanda pa ang mga ito ng banda para sa kanilang itinuturing nang kamag-anak.

Nilisan ni Rizal ang dapitan sa hatinggabi ng Hulyo 31, 1896. Ang barkong
Espanya ang nagdala sa kaniya sa Maynila. Sinamahan siya sa paglalakbay ng mga
kapatid na sina Narcisa at Josefa kasama ang ilang pamangking babae at lalaki. Mabilis
ang naging paglalayag sapagkat kinakailangan nilang mahabol ang barkong Isla de
Luzon na nakadaong sa Maynila at nakatakdang maglayag patungong Espanya.
Gayunpaman, nagkaroon ng maiikling pagtigil ang barko sa mga daungan ng
Dumaguete, Cebu, Iloilo, Capiz, at Romblon.

130
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Pagdating sa Maynila

Matapos ang mabilisang paglalakbay, narating ni Rizal ang Maynila noong

Agosto 6, 1896. Sa kasamaang-palad ang barkong Isla de Luzon na magdadala sana sa
kaniya sa Espanya ay nakaalis na ilang oras bago pa sila dumating. Sa utos ng Kataas-
taasan, siya ay pinalipat sa barkong Castilla na nakadaong sa pantalan ng Cavite.

Binigyan si Rizal ng sariling kabina ng komandante ng Castilla. Ipinaalam sa

kaniya ng komandante na inutusan siya ng gobernador heneral na doon siya
mamamalagi subalit huwag tatratuhing isang bilanggo. Habang naghihintay sa Castilla,
si Rizal ay binisita ng kaniyang mga kaanak. Tanging ang pamilya niya ang hinayaang
siya ay makausap habang nasa Castilla.

Maayos ang naging trato sa kaniya ng mga opisyal ng barko. Nagtalaga rin ng
opisyal ang komandante upang umasikaso sa kaniya. Prudencio Bula gang pangalan
nito. Bilang ganti, ninais ni Rizal na ibalik ang mainam na pakikitungo sa kaniya ng
mga tagaroon. Pinakiusapan niya si Narcisa na bumili ng ilang bagay bilang regalo sa
mga opisyal ng lugar.

Paglalakbay Patungong Cuba

Noong Agosto 30, 1896, si Rizal ay binigyan ni Gobernador Heneral ng tatlong

liham. Dalawa sa mga ito ay para sa Ministers of War and the Colonies. Ang isa ay para
kay Rizal. Anng dalawang liham ay may layuning ipakilala siya sa mga ministro para
sa kaniyang patutunguhang bansa—ang Cuba.

Dala ang mga liham, si Rizal ay halos handa nang iwan ang Maynila upang
ilantad ang kaniyang sarili sa mga awtoridad ng Espanya. Noong Setyembre 2, 1896, si
Rizal ay inilipat sa barkong Isla de Panay. Bago siya umalis, lumiham siya sa kaniyang
ina upang ipaalam dito ang kaniyang pag-alis at pakalmahin ang mga ito na huwag mag-
aalala sa kaniya sapagkat “hindi lahat ng pumupunta ng Cuba ay namamatay”.

Sa parehong liham ay ipinalam din ni Rizal sa ina kung gaano siya

nagpapasalamat sa kabaitang ipinamalas sa kaniya ni Gobernador Heneral Blanco.
Sinabi niya sa kaniyang ina: “Napakainam ng trato sa akin ng Pinakamainam at
PInakamagaling na Gobernador Heneral. Nais kong ipamalas sa kaniya, kung
pagkakalooban pa ako ng Diyos ng panahon at mabuting kalusugan, na alam kong
gumanti ng kabutihan”.

Kinabusakasan, Setyembre 3, 1896, lumisan ng Maynila ang Isla de Panay. Siy

ay pinagkalooba ng malaki at mainam na kabina sa barkong iyon. Gaya ng inaasahan,
siya ay nakatanggap ng napakainam na pagtrato mula sa mga opisyal ng barko. At
siyempre, dahil siya ay kalalaya lamang, siya ay nasa ilalim din ng mahigpit na
pagmamanman sa buong durasyon ng paglalakbay. Bago pa man nagsimulang
maglakbay si Rizal, nauna nang nagpadala ng telegram si Blanco sa Minister of
Colonies. Nakasaad sa liham na:

“Ikinararangal kong ipabatid sa inyong Kataas-taasan na si

Dr. Jose Rizal y Alonzo ay lulan ng barkong Isla de Panay na

131
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

aalis sa daungang ito bukas, ikatlo ng buwang ito. Aming

ipinaalam sa pamunuan ng Compania Transattlantico ng
siyudad na ito, na siya ay nasa ilalim ng mahigpit na
pagmamanman sa oras ng paglalayag, na siya ay dadalhin sa
Civil Governor ng Barcelona….”

Anging mahirap ang kanilang paglalayag patungong Espanya. Maraming hindi

magagandang nagyari habang naglalayag. Isang Kapitan ng Military Administration
ang namatay habang nasa dagat sila, at ang mga labi nito ay sa dagat na lang itinapon.
Si Rizal ay inutusan ding gamutin ang isang may sakit na Heswita. Isa pang may sakit
ay ang bayaw ni Pedro Paterno. Pati ang isang lalaking nagngangalang Don Manuel
Pineyro ay may disenterya.

Noong Setyembre 30, 1896, lumapit ng kapitan ng Isla de Panay kay Rizal.
Ipinaalam nito sa kaniyang mananatili muna siya sa loob ng kabina. Ayon pa sa opisyal,
nakatanggap siya ng kautusan sa pamamagitan ng telegrama na si Rizal ay arestuhin at
ikulong.

Pagdating sa Espanya

Dumating sa Barcelona ang Isla de Panay noong Oktubre 3, 1896. Bilang

tuntunin, walang sinuman ang pinayagang lumabas sapagkat ang barko ay
kinakailangang ikwarantin sa loob ng tatlong araw. Habang ito ay naglalayag, si Rizal
ay mahigpit na binabantayan. Sa pagkakataong ito, naging masama na ang trato sa
kaniya.

Nalito si Rizal sa takbo ng mga pangyayari. Nang umalis siya ng Maynila, ay

malaki ang pag-asa niyang makararating si ng Cuba upang pagsilbihan ang Espanya.
Isinantabi niya ang lahat ng kaniyang plano. Ngayon ay nakatitiyak siyang hindi siya
makararating ng Cuba. ayon kay Heneral Blanco, nang papunta paa lamang si Rizal sa
Espanya noong Setyembre 3, may mga kasong isinampa laban sa kaniya na may
kaugnayan sa pag-aaklas sa Filipinas. Nais ng prosekyutor na siya ay pabalikin upang
harapin ang mga demanda.

Labis na nalungkot si Rizal. Wala siyang kahit na anong kinalaman sa mga pag-
aalsa sa Filipinas. Sa katunayan, tinanggihan niya ang hamong pamunuan ang
rebolusyon.sa halip ay mas pinili niyang magboluntaryo sa Espanya bilang
manggagamot ng digmaan sa bansang Cuba. Sinabi niya ang lahat ng kaniyang saloobin
sa kaniyang kaibigang si Blumentritt. Aniya:

“Tutungo ako sa Cuba upang muling buuin ang aking

pangalan at sagutin lahat ng mga paninirang walang batayan.
Ngayon, sinasabi nila sa aking hindi na ako pupunta roon. Hindi ko
ito mapaniwalaan sapagkat malinaw na it ay isang kawalang-
katarungan. Iniaalay ko ang aking serbisyo bilang manggagamot,
handang ilagay sa panganib ang aking buhay sa gitna ng digmaan,
at iniwanan lahat ng aking mga plano, pamilya, at negosyo. Ako ay
inosente at walang anumang kinalaman sa mga nangyayaring gulo

132
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

sa Filipinas, isinusumpa kong ako ay inosente. At ngayon, bilang

gantimpala ay muli nila akong ipipiit!”

Noong Oktubre 6, hinayaan nang lumabas ang mga pasahero at pahenante ng

Isla de Panay. Si Rizal ay ginising ng isang opisyal at inutusang balutin na ang lahat ng
kaniyang mga gamit. Sa pagkakataong ito, mas lumala ang masamang pagtrato sa
kaniya. Pinasan niyang mag-isa ang kaniyang mabigat na bagahe. Siya ay dadalhin sa
Montjuich Castle upang doon pansamantalang ibilanggo.

Habang nasa bilangguhan, siya ay inabisuhang di maglalaon, siya ay dadalhin

sa hedkwarter ng nanunungkulang komandante ng Montjuict. Natuklasan niyang ang
opisyal palang tinutukoy ay si Heneral Eulogio Despujol. Siya ang dating gobernador
heneral ng Filipinas. Siya ang nag-utos ng deportasyon ni Rizal sa Dapitan.

Nang siya’y dalhin na sa himpilan, naghintay pa siya ng halos isang oras bago
dumating si Heneral Despujol. Ipinaalam sa kaniya ng heneral na iniuutos ng mga
awtoridad ng Filipinas na siya ay agarang pauwiin. Siya ay babalik ng Maynila sakay
ng barkong “Colon”. Siya ay bibigyan ng second class nna kabina sa barko. Ang pag-
uusap nila ni Despujol ay tumagal lamang ng labinlimang menuto.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, kaagad dinala si Rizal sa Colon. Sakay din

ng barko ang mga dagdag na sundalong Kastila upang palakin ang puwersang militar
ng mga ito sa Filipinas. Sa ganap na ika-8 ng gabi ng Oktubre 6, nilisan ng Colon ang
Barcelona at nagsimulang maglakbay patungong Maynila.

Pagbabalik sa Fort Santiago

Noong Nobyembre 3, 1896, dumating ang Colon sa Maynila. Si Rizal ay

nakabalik ng Filipinas bilang isa uling bilanggo. Dahil sa paglaganap at panggugulo ng
Katipunan, tiniyak ng mga awtoridad na si Rizal ay mahigpit na nababantayan. Mula sa
daungan ay agad na idineretso si Rizal sa Fort Santiago kung saan ay inakusahang
incommunicado.

Ang taong respondable sa pagpapabalik kay Rizal ay si Koronel Francisco

Olive. Siya ang humiling kkay Gobernador Heneral Ramon Blanco ng agarang
pagpapabalik kay Rizal sa Filipinas. Inakusahan niya si Rizal na umano’y nagpasimuno
ng pagbuo at pag-aaklas kontra sa mga awtoridad ng Maynila.

Pagsapit ng Nobyembre 30, binigyan niya ng summon si Rizal na nag-uutos

ditong makipagkita sa kaniya para sa paunang imbestigasyon ng kaso. Doon ay
ipinaalam kay Rizal ang mga maling nagawa niya umano at mga kasong naisampa na
sa kaniya pati na ang mga ebidensiyang sumusuporta sa kaso. Ang mga ebidensiya ay
binubuo ng mga dokumentong nakalap at testimonya ng ilang tao.

Hindi kapani-paniwala ang mga inihaing ebidensiya. Ito ay pawang ilohikal at

halatang gawa-gawa. Ilan sa mga ebidensiyang binanggit ay mga dokumento ng mga
mason, ilang liham ni Rizal, pati na ang liriko ng Kundiman na umano’y si Rizal ang
kumatha. Sa kabilang dako, ang ilang testimonya ay binubuo ng mga sinumpaang
salaysay nina Aguedo Del Rosario at Francisco Quizon. Si Rizal ay tinukoy ng dalawa

133
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

bilang pinuno ng Katipunan. May mga pahayag din na nanggaling kina Salvador Dizon,
Deodato Arellano, at Temoteo Paez.

Pagkatapos ng imbestigasyon, sinumite ni Koronel Olive ang kaniyang mga

natukasan sa Kataas-taasan. Itinalaga ni Gobernador Heneral Blanco si Rafael
Dominguez bilang espesyal na hukom sa naturang kaso. Gaya ng inaasahan, nakita ni
Dominguez ang mabigat na ebidensiya at iminungkahi nitong hatulan si Rizal sa salang
rebelyon.

Sa endosong ito, ipinadala ni Heneral Blanco ang kaso sa auditor general na si

Nicolas Pena. Iniutos ni Pena na dapat humarap sa korte ng militari ang akusado. Iniutos
din niya dapat ay may kasamang abogado si Rizal sa panahon ng paglilitis. Mula sa
listahang isinumite sa kaniya, itinalagang maging abogado na siyang pinili rin ni Rizal
si Tinyente Taviel de Andrade. Pamilyar kay Rizal si Luis sapagkat kapatid ito ni Jose
na itinalaga rin bilang kaniyang guwardiya sa una niyang pagbabalik-bayan.

Sa wakas, noong Disyembre 11, ang mga demanda ay binasa sa harap ni Rizal.
Ang mga kaso ay rebelyon, sedisyon, at iligal na asosasyon. Sinabi ni Rizal sa harap ng
korte na wala siyang kasalanan.

Paglilitis kay Rizal

Bago simulant ang paglilitis kay Rizal, dumating sa Filipinas si Gobernador

Heneral Camilo de Polavieja noong Disyembre 3, 1896, at pinalitan si Gobernador
Heneral Ramon Blanco. Opisyal na umupo siya sa puwesto bilang Gobernador Heneral
ng bansa noong Disyembre 13, dalawang araw pagkatapos basahan ng sakdal si Rizal.

Noong Disyembre 17, 1896, inindoso ni Pena ang kaso ni Rizal na handa na
upang litisin. Pagkatapos, ang kaso ay ibinigay kay Kapitan Dominguez at Tinyente
Alcocer, na magsisilbing mga prosekyutor ng kaso. Noong Disyembre 26, isang court
marshall na may kasamang 7 miyembro ay nagkaisang idaos ang paglilitis sa Cartel de
Espanya, na ginawang pansamantalang hukuman. Ang tribuna ng mga militar ay
kinabibilangan nina Kor. Jose Togores Arjona, pangulo, Kap. Ricardo Munoz Arias,
Kap. Manuel Reguera, Kap. Santiago Izqueirdo Osorio, Kap. Manel Diaz Escribano,
Kap. Fermin Perez Rodriguez, at Kap. Braulio Rodruguez Nunez, mga kasapi.

Nasa hukuman sina Rizal at ang kaniyang tagapagtanggol, mga prosekyutor

Dominguez at Alcocer, si Josephine Bracken, mga opisyal ng pamahalaan, mga opisyal
ng militar, mga peninsulares, ilang indiyo, at mga mamamahayag o manunulat sa
pahayagan.

Nagsimula ang pagdinig nang basahin ng mga prosekyutor ang kaso laban kay
Rizal. Upang lumakas ang kaso, inilahad nina Dominguez at Alcocer ang mga
ebidensiya. Denepensahan ni Adrade si Rizal. Nagpahayag din ng maikling testimonya
ng kaniyang kaso si Rizal.

Ang depensa ni Andrade ay nakatuon sa mga probisyon ng Kodiga Pinal ng

Espanya sa Filipinas. Ang probisyon ay nagkakaloob na maipakikita lamang na may
sala ang akusado sa pamamagitan ng matiim na inspeksiyon, mga opisyal na

134
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

dokumento, mapagkakatiwalaang mga testigo, at iba pa. ayon sa depensa, nagkulang

ang prosekusyon sa mga aspektong ito sa pagpapatunay kung talaga bang may sala si
Rizal. Kung kaya, dapat na mapawalang-sala si Riza.

Sentensyang Kamatayan

Maatapos ang pagdepensa kay Rizal, ang kaso ay ipinadala sa Korte ng

Resolusyon. Pinag-usapan ito ng mga kasapi ng tribuna, subalit ang naturang kaso ay
nauna nang husgahan at ang desisyon ay hindi pabor kay Rizal. Natuklasan ng korte na
si Rizal ay may sala sa mga nakasampang demanda at nahatulan ng kamatayan.

Natuldukan na ang magiging kapalaran ni Rizal dahil sa nasabing desisyon.

Kasunod agad nito ang ilang araw bago siya tuluyang paslangin. Agad namang
pinagtibay ni Heneral Polavieja ang sentensyang kamatayan ni Rizal sa ulat na rin ni
Pena. Iniutos ng Kataas-taasan na si Rizal ay kinakailangang magdanas ng eksikusyon
sa pamamagitan ng pagbaril o firinhg squad sa umaga ng Disyembre 30.

Pagkatapos nito, ang espesyal na huradong si Dominguez ay nagpunta sa Fort

Santiago at ipinaalam kay Rizal ang kaniyang sintensiya, ang pagpapatibay nito ng
Kataas-taasan, ang petsa pati na ang lugar ng eksikusyon.

Mga Huling Sandali ni Rizal

Nang malaman ni Rizal ang kaniyang sintensiya, siya ay nasa huling bahagi na
ng kaniyang buhay. Pinakiusapan ng Arsobispo ng Maynila na si Padre Bernardino
Nozaleda ang mga Heswita ng Ateneo na bigyan ng espirituwal na payo si Rizal upang
ito ay magbalik-loob sa simbahan at bawiin ang lahat ng kaniyang mga saisulat at nasabi
kontra dito. Nagsalitan ang mga pari na pawang mga dati niyang propesor sa Ateneo sa
pagbisita sa kaniya.

Ang unang bumisita kay Rizal sa umaga ng Disyembre 29 ay mga paring sina
Saderra at Viza. Nang makaalis na ang dalawa, dumating naman sina Padre Balaguer at
Villaclara. Bumisita ri sina Padre March at Faura. Sinikap at pinilit nilang kumbinsihin
si Rizal na magbalik-loob sa simbahan at bawiin lahat ng kaniyang pagkakamali.

Sa araw ding iyon, si Rizal ay sumulat ng dalawang liham. Ang isa ay para sa
kaniyang kapatid na si Paciano na hindi pa niya nakikita sa loob ng mahabang panahon.
Ang ikalawa ay para sa kaniyang paamilya na nais niyang makita bago siya mamatay.

Pagsapit ng ikapito ng gabi, dumating naman sina Donya Teodora kasama si

Trinidad. Napaiyak ang kaniyang ina nang makita siya sa kalagayang parang miserable.
Napaiyak din si Rizal nang makita ang ina. Humingi siya ng kapatawaran sa lahat ng
pasakit at gulong nadala niya sa pamilya. Naroroon din ang ilan sa kaniyang mga
kapatid na babae at mga pamangking lalaki.

Binigay ni Rizal sa kapatid na si Trinidad ang isang lampara at sinabi niya ritong
mayroon itong laman. Ang tinutukoy niya ay ang Mi Ultimo Adios, ang kaniyang tula
ng pamamaalam.

135
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Dumating din si Josoephine Bracken, ang kaniyang kaawa-awa at malungkot na

asawa. Pareho silang napaiyak nang makita nila ang isa’t isa.

Ang Kamatayan ni Rizal

Maagang gumising si Rizal sa araw ng kanyang eksikusyon. Kumain siya ng almusal

sa ganap na 5:30. Pagkatapos niyon ay dumating sina Josephine at ang kaniyang kapatid
na si Josefa. Iyon na ang huling sandaling makakasama niya ang kaniyang asawa.
Pagkatapos ng maikling pag-uusap, binigyan niya ng isang aklat si Josephine. Ito ay
may pamagat na Imitacion de Cristo. Sumulat siya ng maikling tala roon na ang
nakalagay ay: “Para sa aking mahal at malungkot na asawa Josephine Bracke.”

Bago siya pumunta sa lugar na pagdarausan ng pagbaril, sumulat din si Rizal ng

liham para sa kaniyang mga magulang. Iyon ay sinulat sa ganap na alas-6 ng umaga ng
Disyembre 30, 1896, isang oras bago siya tuluyang mamatay. Ayon sa liham:

Sa pinakamamahal kong ama,

Patawarin mo ako sa lahat ng sakit na naiganti ko sa

inyong kabutihan, pagpapakasakit, at sakripisyo para
lamang ako ay makapag-aral. Hindi koi to ginusto o kaya’y
inasahan man lamang.

Paalam, ama, paalam!

Sa pinakamamahal kong ina,

Ginang Teodora Alonzo

Sa ganap na alas-6 ng umaga ng ika-30 ng Disyembre

1896.

Jose Rizal

Pagsapit ng 6:30, ang artilyero ng mga sundalo ay nakahanda na upang samahan

siya. Siya ay natatalian nang balikat sa balikat. Naroroon upang samahan siyang
maglakad sina Padre March at Villaclara at ang kaniyang tagapagtanggol na si Tinyente
Taviel de Andrade. Sa simula ng kanilang paglalakad, sinabihan niya ang dalawang
pari: “Tayo’y nasa daanan patungong Kalbaryo.”

Isang banda at isang grupo ng mga artilyero ang sumama sa pagmartsa

patungong Bagumbayan. Inilarawan ni Rafael Palma si Rizal habang naglalakad nang”

“Matikas siyang naglalakad tulad ng isang maginoo,

tuwid ang kaniyang katawan, walang katinag-tinag. Para sa
akin, iyon ay sumisimbolo ng kaniyang buong pagkatao. Di
natitinag. May paninindigan. Nauunawaan kung bakit hindi
man lamang siya nagpatinag sa pagkaalipin man o
kamatayan.”

136
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Punong-puno ng tao ang Bagumbayan. Karamihan sa mga naroroon ay mga

Kastila na gustong makitang mamatay si Rizal.

Nang marating nila ang lugar, naroroon na ang kasundaluhan. Nagpaalam siya
kina Andrade at sa dalawang pari, saka siya naglakad sa gitna. Ang huli niyanghiling
ay humarap sa firing squad ngunit hindi siya pinayagan ng kapitan ng mg artilyero.

Namangha ang doktor na tumingin ng kaniyang pulso sapagkat iyon ay normal

na normal. Sunod ay sumigaw ang kapitan upang iutos ang pagpapaputok. Si Rizal ay
tinamaan sa katawan at namatay sa ganap na 7:03 ng umaga.

Maraming Kastila ang naroroon sa Bagumbayan at sumigaw ng “Mabuhay ang

Espanya! At “Kamatayan sa traydor!” iyon ay narinig nang tatlo hanggang apat na ulit.
Tinugtog ng banda ang Marcha de Cadiz. Di naglaon, nagsialisan din ang mga tao mula
sa lugar na ikinamatayan ng dakilang bayani—Jose Rizal.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang nagmungkahing magboluntaryo si Rizal sa Cuba para makaalis na sa Dapitan.

a. Alejandrino c. Blumentritt
b. Basa d. Regidor

2. Ang magiging papel sana ni Rizal sa digmaan sa bansang Cuba.

a. doktor c. military
b. guro d. opisyal ng digmaan

3. Ang pumayag sa pagtungo ni Rizal sa Cuba.

a. Blanco c. Obach
b. Carnicero d. Pastells

4. Ilang taon ang ginugol ni Rizal sa Dapitan.

a. dalawa c. apat
b. tatlo d. lima

5. bago siya makarating ng Cuba, saang bansa muna nagtungo si Rizal?

a. Alemanya c. Espanya
b. Engglatera d. Pransiya

6. Kanino ipinagkatiwala ni Rizal ang kaniyang huling tula na nakasilid sa isang

lampara?
a. Josefa c. Olimpia
b. Narcisa d. Trinidad

137
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

7. Sa kaniya ibinigay ni Rizal ang aklat na Imitacion de Cristo.

a. Donya Teodora c. Leonor Rivera
c. Josephine Bracken d. Ricardo Carnicero

8. Barkong sinakyan ni Rizal mula Filipinas patungong Espanya.

a. Isla de Bohol c. Isla de Cebu
b. Isla de Capiz d. Isla de Panay

9. Petsa ng kamatayan ni Rizal.

a. Disyembre 30, 1895 c. Disyembre 30, 1897
b. Disyembre 30, 1896 d. Disyembre 30, 1898

10. Ang Mi Ultimo Adios ay isang_.

a. dula c. nobela
b. maikling kuwento d. tula

Gawain 2. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na aytem. Isulat ang sagot sa

puwang pagkatapos ng bilang.

11. Barkong nagdala kay Rizal mula Barcelona hanggang Maynila.

_________________________________

12. Ang pinuno ng prosekyutor na nag-akusa kay Rizal sa kasong rebelyon.

_________________________________

13. Dating gobernador heneral ng Filipinas na muling nakita ni Rizal sa Barcelona.

_________________________________

14. Petsa nang tuluyang lisanin ni Rizal ang Dapitan.

_________________________________

15. Ang tawag sa pinuno ng Katipunan.

_________________________________

16. Ang nagsilbing abogado ni Rizal.

_________________________________

17. kapatid ng abogado ni Rizal na minsan din niyang naging guwardiya.

_________________________________

18. Ang pumalit kay Heneral Blanco bilang gobernador heneral ng Filipinas.
_________________________________

19. Mga prosekyutor sa paglilitis ni Rizal.

_________________________________

20. Ang tula ng pamamaalam ni Dr. Jose Rizal.

_________________________________

138
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 3. Komprehensibong sagutin ang sumusunod na katanungan.

21. Ipaliwanag kung bakit normal ang pulso ni Rizal sa sandaling malapit na siyang
patayin.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

22. Bakit kaya nais ni Rizal na paharap siyang barilin?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

23. Kung ikaw si Rizal babawiin mob a lahat ng sinabi at sinulat mo huwag ka lamang
mamatay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

24. Sa tingin mo, nagawa ba ni taviel nang maayos ang kaniyang tungkuling ipagtanggol
si Rizal? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

25. Paano mo maihahambing ang uri ng katarungan mayroon tayo ngayon at sa panahon
ni Rizal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

25. Sa lahat ng kaganapang iyong pinag-aralan, bakit kaya masasabing pinakadakilang

Malayo si Rizal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

139
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 4. Gumuhit ng isang poster sa loob ng kahon hinggil sa pinakatampok

na bahagi ng kabanatang ito. Kulayan ang poster.

140
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 11

Mga Nagawa at Akda ni Rizal

Kilala si Rizal bilang isang mahusay na manunulat. Nakapagsulat siya ng
napakaraming tula, sanaysay, liham, talumpati, dula, at ang kaniyang dalawang walang
kamatayang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Maliban sa pagiging
makata, mandudula, mananalaysay, kuwentista, at nobelista, kilala rin si Rizal bilang
isa sa pinakamahusay na lingguwista, imbentor, siyentista, magsasaka, politiko,
satirista, gramaryan, guro, optalmologo, pilosopo, manlalakbay, pintor, iskultor, bayani,
at ang pinakadakilang Malayo sa kaysaysayan ng daigdig.

Sa kabanatang ito, ating bibigyang-diin ang mga nagawa ni Rizal sa iba’t ibang
larangan lalo na yaong mga akda niyang nag-iwan ng marka sa ating buhay. Sa gayon,
layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Mapatunayang si Rizal ay isang dakilang tao sa iba’t ibang larangan;

2. Malaman ang iba’t ibang wikang alam sambitin ni Rizal;
3. Makilala ang mga akda ni Rizal na nagkaroon ng marka sa buhay ng mga
tao; at
4. Malaman ang iba pang nagawa ni Rizal na may malaking kontribusyon sa
ating lipunan.

Lingguwista at Polyglot

Si Rizal ay kapuwa lingguwista at polyglot. Lingguwista siya sapagkat

malalimang pinag-aralan niya ang mga wika kagaya ng Tagalog at Kastila. Alam niya
ang pasikot-sikot nang mga ito. Patunay dito ang mga akdang naisulat niya sa dalawang
wikang ito. Sumulat siya ng mga pagsusuri ng mga wika at pati na mga tuntuning pang-
ortograpiya lalong-lalo na sa wikang Tagalog.

Polyglot naman siya sapagkat nakapagsasalita siya ng maraming wika.

Karamihan sa mga ito ay mga wikang dayuhan. Halos lahat ng bansang kaniyang
napupuntahan ay napag-aaralan at natututunan niya ang wika roon. Sa kabuoan, si Rizal
ay marunong magsalita at sumulat ng 22 wika. Ang mga wikang ito ay ang sumusunod:

1. Arabik 12. Portugese

2. Bisaya 13. Mandarin
3. Tagalog 14. Nihongo
4. Subanon 15. Italyano
5. Ilokano 16. Aleman
6. Ingles 17. Pranses
7. Kastila 18. Swedish
8. Dutch 19. Catalan
9. Latin 20. Turkish
10. Griyego 21. Malay
11. Hebrew 22. Sanskrit

141
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Dahil sa kaalamang ito sa maraming wika ay natutunan ni Rizal na makasaluha

at makausap ang mga paham sa iba’t ibang larangan kagaya ng medisina, etnograpiya,
literatura, pamamahayag, sining, at marami pang iba. Ito rin ang dahilan kung bakit
madali siyang nakapamuhay sa iba’t ibang bansang napuntahan niya.

Makata

Isa sa pinakadakilang pagkakakilanlan ni Rizal ang pagiging makata. Bata pa

man ay namulat na siya sa pagsusulat ng tula. Marami siyang naipanalong tula sa iba’t
ibang patimpalak. At dahil sa kaalaman niya sa paggamit ng iba’t ibang wika,
nakapagsulat siya ng tula hindi lamang sa wikaang Tagalog kundi sa iba pang mga wika
lalo na sa Espanyol.

Makikita sa sumusunod na pahina ang mga tulang sinulat ni Rizal sapul

pagkabata hanggang sa siya ay mamatay. Ang tulang “Sa Aking mga Kababata” ang
kauna-unahan niyang tula na sinulat niya nang siya ay walong taong gulang lamang.

SA AKING MGA KABABATA

Ni Jose Rizal

Kapagka ang bayang sadyang umiibig,

Sa kaniyang salitang kaloob ng langit;
Sanlang kalayaa’y nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagkat ang salita’y isang kahatulan

Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian;
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alinmang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kaniyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din ng Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang nagawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwag din sa iba

Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

142
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Mi Piden Versos

Ang tulang ito ay sinulat ni Rizal nang siya ay nasa Madrid noong Oktubre 1882.
Isa sa mga sipi ng naturang tula ay matatagpuan sa Pambansang Aklatan ng Filipinas.
Ito ay nailathala sa unang pagkakataon sa La Solidaridad noong Marso 31, 1889; sa La
Independencia noong Setyembre 25, 1898, sa La Republica Filipinas, Disyembre 30,
1898. Ito ay isinalin sa Tagalog at pinamagatang “Pinatutula Ako” na inilathala ni
Honorio Lopez sa Ang Buhay ni Jose Rizal. Ito ay may anim na saknong at sampung
taludtod sa bawat saknong. Ipinakikita ni Rizal sa tulang ito ang kagandahan ng inang
bayan. May mga nagsasabing sinulat ito ni Rizal dahil sa kahilingan ng kaniyang mga
kasamahan sa grupong Circulo Hispano-Filipino subalit sa totoo, ito ay sinulat niya
bilang pagtalima sa kahilingan ng kaniyang ina. Mababakas dito ang yuporya na alay
niya sa kaniyang pinakamamahal na Inang Bayan. Nasa ibaba ang sipi ng tula.

PINATUTULA AKO

Ni Jose Rizal

Hinihiling nilaang ang lira’y kalbitin

Na laon nang sira’t napipi sa lagim
Di ko na makunan ni isang taginting
At ang aking musay walang salamisim!
Malamig umanas, nahihibang mandin
Kung pinagdurusa ng isip kong angkin
Kung tumawa’y parang nagsisinungaling
Na gaya rin naman ng kaniyang hinaing,
Sapagkat sa lungkot niring pagkabinbin
Kaluluwa’y wala ng tuwa ni damdamin.

May isang panahon, at ito ay tapat!

Ngunit ang panahong yaon ay lumipas
Makata kung ako’y tawagin ng lahat,
O ng kaibigan; ang tanging nalagak
Sa panahong yaong lumipas at sukat
Ay ang karaniwang malabi sa galak
Mahiwagang himig na siyang naggawad
Sa mga pandinig na nangag-iingat
Ng mga taginting ng gayong lumipas
Ng mga tugtuging sa orkestra buhat.

Ako’y isang punong katutubo lamang

Na biglang binunot sa lupang Silangan
Doo’y may pabango ang hinihingahan
Ang buhay man doo’y isang panagimpan.
Bayan ng pagsintang di malilimutan
Pati sa pag-awit ako’y tinuruan
Niyong mga ibon sa paghuhunihan
Sa talon ng tubig ay ang ugong naman
Gayundin ang angil ng sangkaragatan
Sa kanyang malawak na dalampasigan

143
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Samantalang noong ako’y isang bata

Ay nangitian ko ang maagang tala
Dini sa dibdib ko’y kumukulo yatang
Bulkang nag-aapoy sa sariling diwa;
Pagkat ang nais ko ay maging makata
Nang upang masabi sa sariling tula
Sa buntong hiningang hindi maapula
Sa hanging mabilis na itinutudla
“Ikaw ay lumipad, sa langit at lupa’y
Ikalat ang kanyang pangalang dakila!”

Nilisan ko na nga@ ang irog kong bayan

Punong walang dahoon, natuyo sa ilang!
Di na inuulit iyong alingangaw
Ng mga awit ko ng nagdaang araw
At aking binagtas ang sangkaragatan
Sa nasang magpalit, niring kapalaran
Datapwat ang aking imbing kabaliwa’y
Di nakapapansing ang matatagpuan
Ay di ang hanap ko, ang aking kasabay
Sa paglalayag ko’y yaong kamatayan.

Ang lahat ng aking magandang hinagap

Pag-ibig at sigla, adhikaing tapat
Doon ko iniwa’t aking inilagak
Sa ilalim ng langit niyang mabulaklak
Huwag ninyong hingan ang pusong mawasak
Ng mga kantahing ukol sa pagliyag
Sapagkat sa gitna ng ganitong lawak
Na ang aking muni’y hindi mapanatay
Nararamdaman kong diwa’y nagwawakas
At ang aking isip, patay nang maluwat

Huling Paalam o Mi Ultimo Adios

Gaya ng naunang tinalakay sa mga huling sandali ng buhay ni Rizal, ang Mi

Ultimo Adios ay ang kaniyang tula ng pamamaalam. Ito ay unang isinalin sa Tagalog
ni Andres Bonifacio. May mga sariling bersiyon din ng salin ang mga makatang sina
Pascual Poblete, Jose Corazon de Jesus, at Pedro Gatmaitan. Masasalamin sa tula ang
labis na pagmamahal sa bayan ng pambansang bayani. Tunghayan natin ang salin sa
Tagalong ng Mi Ultimo Adios.

ANG HULING PAALAM

Ni Jose Rizal

Pinipintuho kong bayan ay paalam

Lupang iniiirog ng sikat ng araw
Mutyang mahalaga sa dagat silangan
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.

144
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Masayang sa iyo’y aking idudulot

Ang lanta kong buhay na lubhang malungkot
Maging maringal man at labis alindog
Sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
Ang alay ng iba ay ang buhay na kipkip
Walang agam-agam, maluwag sa dibdib
Matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay di kailangan

Cipres o laurel, lirio ma’y patungan
Pakikipaghamok, at ang bibitayan
Yaon ay gayon din kung hiling ng bayan.

Ako’y mamamatay, ngayong namamalas

Na sa sinilangan ay namamanaag
Yaong maligayang araw na sisikat
Sa likod ng luksang nagtabing ulap.

Ang kulay ng pula kung kinakailangan

Na naitina sa iyong liwayway
Dugo ko’y isabog at siyang ikinang
Ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip

Na kasalukuyang bata pang maliit
Ay ang tanghalin ka at minsang masilip
Sa dagat silangang hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata’y nunukal

Taas na ang noo’t walang kapootan
Walang bakas kunot ng kapighatian
Gabahid aming dungis niyang kahihiyan.

Sa kababayan ko ang laging gunita

Maningas na aking ninanasa-nasa
Ay guminhawa ka ang hiyaw ng diwa
Paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw’y guminhawa laking kagandahang

Ako’y malugmok at ikaw ay matanghal
Hininga’y malagot, mabuhay ka lamang
Bangkay ko’y masilong sa iyong kandungan.

Kung sa libingan ko’y tumubong mamalas

Sa malagong damo ang mahinhing bulaklak
Sa mga labi mo’y mangyaring ilapat
Sa kaluluwa ko halik ang igawad.

145
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

At sa aking noo nawa’y iparamdam

Sa lamig ng lupa ng aking libingan
Ang init ng iyong paghingang dalisay
Sa simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki’y ititig

Ang liwanag niyang lamlam at tahimik
Liwayway bayaan mo sa aki’y ihatid
Magalaw na simoy at hanging hagibis.

Kung saka-sakaling bumabang humantong

Sa krus ko’y dumapo kahit isang ibon
Doon ay bayaang humuning hinahon
At dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw

Ula’y pasingawin noong kainitan
Magbalik sa langit ng buong dalisay
Kalakip ang aking pagdaing na hiyaw.

Bayang sino man sa katotong giliw

Tangisang maagang sa buhay pagkitil
Kung tungkol s akin ay may manalangin
Idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalangin lahat yaong nangamatay

Nangagtiim hirap na walang kapantay
Mga ina naming walang kapalaran
Na inihihikbi ay kapighatian.

Ang mga balo’y pinapangulila

Ang mga bilanggong nagsisipagdusa
Dalangin naming kanilang makita
Ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw

Ay lumaganap na doon sa libingan
Tanging mga patay ang nangaglalamay
Huwag bagabagin ng katahimikan.

Ang kaniyang hiwaga’y huwag gambalain

Kaipala’y margining doon ang taginting
Tunog ng gitara’t saletro’y magsaliw
Ako, Bayan. Yao’t kita’y aawitin.

Kung ang libingan ko’y limot na ng lahat

At wala nang krus at batong mabakas
Bayaang linangin ng taong masipag
Lupa’y asarulin at kaniyang ikalat.

146
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

At mga buto ko ay bago matunaw

Maiuwi sa wala at kusang maparam
Alabok ng iyong latag ay bayaang
Siya ang bahalang doo’y makipisan.

Kung magkagayon ma’y aalintanahin

Na ako sa limot iyong ihabilin
Pagkat himpapawid at ang panginorin
Mga lansangan mo’y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo

Ilaw, mga kulay, masamyong pabango
Ang ugong at awit, paghibik sa iyo
Pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap

Katagalugan kong pinakaliliyag
Dinggin mo ang aking pagpapahimakas
Diya’y iiwan ko sa ‘yo ang lahat.

Ako’y patutungo sa walang busabos

Walang umiinis at berdugong hayop;
Pananalig doo’y di nakasasalot
Si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam magulang at mga kapatid

Kapilas ng aking kaluluwa at dibdib
Mga kaibigan, bata pang maliliit
Sa aking tahanan, di na masisilip.

Pagpasalamatan at napahinga rin

Paalam estrangherong kasuyo ka’t aliw
Paalam sa inyo, mga ginigiliw
Mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Sa mga Bulaklak ng Heidelberg

Labis na naibigan ni Rizal ng mga tanawin sa Alemanya lalo na sa bayan ng

Heidelberg. Natawag ang kaniyang pansin ng magagandang bulaklak sa tabi ng mga
daan. Dahil dito ay sumulat siya ng tula na ang inspirasyon ay nagagandahang bulaklak
ng Heidelberg. Ito ay nailathala sa isang isyu ng La Solidaridad noong Disyembre 15,
1889 at sa iba pang mga pahayagan nang sumunod na mga taon. Ang tula ay naglalaman
ng labis na nostalhiya na sinulat niya noong 1887 dahil sa matinding pangungulila sa
kaniyang mga kaibigan at mahal sa buhay sa Filipinas tuwing nakikita niya ang mga
bulaklak ng Heidelberg. Naisalin din ito sa ibang wika gaya ng Ingles, maliban sa
Tagalog. Si Dr. Laubach ang isa sa nagsalin nito sa wikang Ingles. Ito ay matatagpuan
sa kaniyang aklat na Rizal: Man and Martyr.

147
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

SA MGA BULAKLAK NG HEIDELBERG

ni Dr. José Rizal

(Tagalog version of “A las Flores de Hiedelberg”)

Magsitungo kayo sa lupa kong hirang,

oh, mga banyagang bulaklak sa parang!
na sa daa’y tanim nitong maglalakbay;
at sa silong niyong bughaw niyang langit
na tanod ng mga iwi kong pag-ibig,
inyong isalaysay
sa pangalan nitong nangingibang-bayan
yaong pananalig
na sa sintang lupa’y siyang bumubuhay.
Lakad at sabihing pag unang binuksan
ang talulot ninyo ng bukang-liwayway
sa may ilog Neckar na nakagiginaw,
kita ninyo siyang walang imik naman
na kapiling ninyo, nagninilay-nilay
sa kanyang tagsibol
na di-nagbabago sa takdang panahon.

Sabihing pag yaong inyong halimuyak

na agang simsimin ng batang liwanag,
sa laro’y bumubulong ng awit-pagliyag…
gayon din: sa wikang sariling matimyas,
siya’y bumubulong ng kundimang wagas;
na pag sa umaga’y gininto ng araw
tuktok ng Koenigsthul, at sa kanyang taglay
na malahiningang apoy-kalikasan
ay pinasisigla
ang lambak, ang gubat, pati kasiitan,
siya’y bumabati sa araw na iyon,
kahit pa sa kanyang pagbukang-liwayway,
na sa lupa niya’y
nagpapaliwanag sa kaitaasan.

Isalaysay yaong mapalad na araw

na kayo’y pitasin sa may tabing-daan,
sa kalagitnaan
niyong mga guho ng isang kastilyong
dati’y mahadlika, sa tabi ng Neckar
o kaya’y sa gubat na malilim naman.

148
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sabihin ang aking sa inyo’y sinabi

noong… buong ingat ay aking inipit
sa mga pahina ng aklat na gamit,
inyong mga dahong
malalambot noon.

Dalhin, dalhin ninyo, oh, mga bulaklak!

pag-ibig sa aking mga nililiyag,
ang kapayapaan
sa bayan ko’t kanyang lupaing mayaman;
sa mga lalaki’y tanging pananalig,
sa mga babae’y kalinisa’t bait;
mabuhay ang mga taong iniibig
sa tahanang banal at mapagtangkilik.

Sa Kabataang Filipino (A La Juventud Filipino)

Ito ay isang makabayang tula na inialay ni Rizal sa kabataang Pilipinong nag-

aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nanalo ang tulang ito sa isang paligsahang
pinangasiwaan ng Paaralan ng Sining at Letra sa nabanggit na pamantasan.

SA KABATAANG PILIPINO

ni Dr. José Rizal

(Tagalog version of “A La Juventud Filipina”)

Itaas ang iyong noong aliwalas,

Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.

Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,

Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.

Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw

Na ang silahis ng dunong at sining;
Kilos, Kabataan, at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan mo ang putong na nakasisilaw,

Sa gitna ng dilim ay dakilang alay,
Ang putong na yaon ay dakilang alay,
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.

149
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

O, ikaw na iyang may pakpak ng nais

At handang lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip.

Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,

Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot
Lunas na mabisa sa dusa't himutok
Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot.

Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay,

Sa marmol na batong tigas ay sukdulan,
At ang alaalang wagas at dalisay
Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan.

At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles,

Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid
Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.

Hayo na ngayon dito papag-alabin mo,

Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo,
At ipagbansagan ang dangal ng tao.

O dakilang araw ng tuwa at galak,

Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap,
Umakay sa iyo sa magandang palad.

Iba pang tula ni Rizal

KAY BIRHEN MARIA

ni Dr. José Rizal

(Tagalog version of “A La Virgen Maria”)

Oh Maria! Matamis na kapayapaan

at mahal na aliw ng tao sa lumbay.
Bukal kang… nanagos ay saklolong lantay,
at sa aming lupa ay nagpapayaman.

Buhat sa taluktok, langit na mataas,

malungkot kong taghoy, dinggin mong may habag;
ampunin sa lambong na nagliliwanag
nanakyat kong tinig sa bilis ng lipad!

150
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aking Ina ikaw, tahimik na Maria;

ikaw ang buhay ko, lakas ng panata;
sa maalong dagat, tanging patnubay ka.

Kung ako’y usigin ng masamang hilig,

sa paghihingalo, wakas at lumapit,
tulungan mo ako, pawiin ang hapis.

ANG AWIT NI MARIA CLARA

ni Dr. José Rizal

(Tagalog version of “Canto de Maria Clara”)

Mga sandali’y matamis sa sarili nating bayan,

Doo’y kaibigang tangi bawat sikatan ng araw,
Buhay ang sa hanging simoy na lumilipad sa parang,
Kamatayan ay masarap, kay lambing ng pagmamahal!

Marubdob na mga halik ang naglalaro sa labi

Ng inang pagkagising na sa kandunga’y bumabati;
Sabik kawitin ng bisig ang kanyang liig na pili,
At pagtatama ng tingin, mga mata’y ngumingiti.

Kamatayan ay matamis nang dahil sa Inang Bayan

Doo’y kaibigang tangi bawat sikatan ng araw,
Ngunit ang simoy ng hangi’y mapait na kamatayan
Sa taong walang sariling lupa, ina’t kasintahan!

AWIT NG MANLALAKBAY

ni Dr. José Rizal

(Tagalog version of “El Canto del Viajero”)

Tuyong dahong lumilipad sa kung saang hindi alam,

Sinisiklot dito’t doon ng bugso ng biglang ulan;
Ganyan dito sa daigdig ang buhay ng maglalakbay,
Ni patnubay, sigla… wala; at wala ring sinta’t bayan.

Kahit saan, kapalara’y mapilit na hinahanap,

Yaon nama’y lumalayong buong bilis, tumatakas…
Ang aninong mapagkunwa, sa nasa’y may panghahamak;
Dahil dito, maglalakbay – natataboy nga sa dagat.

Sa udyok ng tanging kamay na di naman nakikita,

Ginagawa’y maglagalag sa lupaing iba’t iba;

151
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Siya’y walang kaulayaw kundi mga alaala

Ng katotong mga mahal at araw na maligaya.

Sa may ilang, isang libing ang kaypala’y matagpuan,

Na ampunang sakdal-tamis, lipos ng kapayapaan;
Limot na ng sintang lupa’t gayon din ng daigdigan.
Mamahinga nawa siya matapos na mahirapan!

Sa lungkuting maglalakbay, sila’y pawang naiinggit

Kapag siya ay matuling bumabagtas sa daigdig;
Hindi nila nalalamang sa kalul’wang walang imik,
Mayro’n doong isang guwang; kulang dito ay pag-ibig.

Magbabalik ang lagalag sa kaniyang sintang lupa,

At marahil sa kaniyang tahanan ma’y muwing kusa;
Magtatagpo niya roon, kahit saan: bubog, giba,
Nangasayang na pag-ibig, mga libing… Wala na nga!

Lumakad ka, maglalakbay; ituloy ang iyong landas.

Tagaibang-lupa ikaw sa bayan mong kapuspalad.
Bayaan mong tanang iba ay umawit ng pagliyag,
At iba pa’y mangalugod; bumalik ka sa pagtulak.

Maglalakbay, lumakad ka; h’wag lilingon kaunti man.

Walang luhang sumusunod sa pagbanggit ng paalam.
Maglalakbay, lumakad ka; lunurin mong kahirapan.
Nanlilibak ang daigdig sa ibang may kahapisan.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na saknong mula sa mga

tula ni Rizal.

1. Magbabalik ang lagalag sa kaniyang sintang lupa,

At marahil sa kaniyang tahanan ma’y muwing kusa;
Magtatagpo niya roon, kahit saan: bubog, giba,
Nangasayang na pag-ibig, mga libing… Wala na nga!
_______________________________________________________________

2. Itaas ang iyong noong aliwalas,

Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.

152
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Kapagka ang bayang sadyang umiibig,

Sa kaniyang salitang kaloob ng langit;
Sanlang kalayaa’y nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Pagkat ang salita’y isang kahatulan

Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian;
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alinmang likha noong kalayaan.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Ang hindi magmahal sa kaniyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

6. Ang wikang Tagalog tulad din ng Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang nagawad, nagbigay sa atin.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________

153
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

7. Ang salita nati’y huwag din sa iba

Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

8. Ikaw’y guminhawa laking kagandahang

Ako’y malugmok at ikaw ay matanghal
Hininga’y malagot, mabuhay ka lamang
Bangkay ko’y masilong sa iyong kandungan.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

9. Kung sa libingan ko’y tumubong mamalas

Sa malagong damo ang mahinhing bulaklak
Sa mga labi mo’y mangyaring ilapat
Sa kaluluwa ko halik ang igawad.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

10. At sa aking noo nawa’y iparamdam

Sa lamig ng lupa ng aking libingan
Ang init ng iyong paghingang dalisay
Sa simoy ng iyong paggiliw na tunay.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

11. Bayaang ang buwan sa aki’y ititig

Ang liwanag niyang lamlam at tahimik
Liwayway bayaan mo sa aki’y ihatid
Magalaw na simoy at hanging hagibis.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

154
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

12. Kung saka-sakaling bumabang humantong

Sa krus ko’y dumapo kahit isang ibon
Doon ay bayaang humuning hinahon
At dalitin niya payapang panahon.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

13. Bayaan ang ningas ng sikat ng araw

Ula’y pasingawin noong kainitan
Magbalik sa langit ng buong dalisay
Kalakip ang aking pagdaing na hiyaw.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

14. Bayang sino man sa katotong giliw

Tangisang maagang sa buhay pagkitil
Kung tungkol s akin ay may manalangin
Idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

15. Idalangin lahat yaong nangamatay

Nangagtiim hirap na walang kapantay
Mga ina naming walang kapalaran
Na inihihikbi ay kapighatian.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

155
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 2. Komprehensibong sagutin ang sumusunod na katanungan.

Isulat ang sagot sa mga nakalaang puwang.

1. Bakit maituturing na kapuwa lingguwista at polyglot si Jose Rizal?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Sino sa iyong mga kakilala ang maaari mong ihambing sa kahusayan ng

ating pambansang bayani? Ipaliwanag ang sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Dahil sa mga nabasa mong akda at mga nagawa ni Rizal, sumasang-ayon ka

bang siya ay ang pinakadakilang malayo ng Kasaysayan? Bakit?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Nakapagsulat ka na ba ng tula para sa ibang tao? Ano ang naging layunin mo

sa pagsusulat ng tula para sa kaniya?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Gaano kahalaga ng wika sa isang akademya?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

156
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 3. Sumulat ng isang maikling tulang ng pamamaalam para sa isang taong

umalis o namatay nan a malapit sa iyo. Ito ay maaaring may sukat at tugma o
maaari ding malayang taludturan.

157
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Aralin 12

Mga Pag-ibig ni Rizal

Maliban sa pagiging manunulat, makata, imbentor, lingguwista, siyentipiko,

optalmologo, magsasaka, guro, at napakarami pang iba, si Rizal ay isang dakilang
mangingibig. Ang kababaihan ay mahalagang parte sa buhay at pakikipagsapalaran ni Jose
Rizal. Bagama’t bayani at pinakadakilang Malayo sa kasaysayan, nagkaroon ng
mahalagang papel sa kaniyang mga desisyon at pamumuhay ang mga babaeng nakilala niya
sa kaniyang masalimuot subalit makahulugang buhay.

Isa na sa di malilimutang mga babae sa kaniyang buhay ay ang kaniyang mahal

na inang si Donya Teodora Alonzo na sa simula’t sapul ay naging unang guro niya. Para
kay Rizal ang kaniyang ina ay tunay na balon ng karunungan at samot-saring kaalaman
kagaya ng pagnenegosyo, sining, literatura, relihiyon, at busilak na karakter. Mahal na
mahal niya ang kaniyang ina. Ito ang dahilan kung bakit pinili niya ang optalmolohiya
bilang espesyalisasyon sa larangan ng medisina. Ang pagkakakulong nito noong siya ay
bata pa ay labis niyang ikinalungkot at ikinabagabag. Labis na naapektuhan nito ang
kaniyang buhay at pag-aaral. gayunpaman, ang naturang pangyayari ang nagsindi ng mas
matingkad na apoy ng pagnanasang iligtas ang kaniyang bayan sa labis na kaapihan sa
kamay ng mga mananakop. Maliban sa kaniyang ina, siyam sa kaniyang sampung kapatid
ay pawang babae na naging kasa-kasama niya sa lahat ng mga kasiyahan at pagsubok sa
buhay.

Bukod sa kaniyang ina at siyam na kapatid, hindi kompleto ang buhay ni Rizal
nang hindi mababanggit at mapag-uusapan ang mga romantikong ugnayan niya sa ilang
babaeng nakilala niya sa iba’t ibang lugar.

Layunin kung gayon ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Makilala ang mga naging karelasyon ni Rizal;

2. Malaman ang naging dahilan ng kanilang pag-iibigan at paghihiwalay;
3. Malaman ang mga bansang pinagmulan ng mga naging pag-ibig ni Rizal;
4. Maisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Rizal kasama ang
mga naging babae sa kaniyang buhay; at,
5. Mapatunayang si Rizal ay isang romantikong mangingibig.

Si Segunda Katigbak—Ang Kaniyang Unang Pag-ibig

Ang naging pamumuhay ni Rizal sa Maynila ay hindi puro aral at mga gawaing
pampaaralan sa Ateneo man o sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa katunayan, sa puntong
ito ng kaniyang buhay, unang tumibok ang puso ni Rizal sa ngalan ng pag-ibig sa katauhan
ni Segunda Katigbak. Si Segunda ay isang labing-apat na taong gulang na dalaga na nakatira
sa bayan ng Lipa, lalawigan ng Batangas. Nakilala niya ito nang bisitahin niya ang kaniyang
lola sa Trozo, Manila. Kaibigan ng kaniyang lola ang pamilya ni Segunda sa Lipa. Nang
makarating siya sa bahay ng kaniyang lola, nakita niya ang iba pang mga panauhin. Isa sa
ito ay ang napagandang dalagita na naging sanhi ng mabilis na pagtibok ng kaniyang batang
puso. Para sa kaniya, ang naturang pakiramdam ay kakaiba at hindi pa niya lubos na

158
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

nauunawaan. Iyon ang unang pagkakataon sa kaniyang buhay na naramdaman niya ang
kakaibang silakbong yaon. Lalo pang nakilala ni Rizal ang magandang dalaga dahil sa
lingguhan niyang pagdalaw sa kaniyang kapatid. Nagkataon kasing si Segunda ay isang
malapit na kaibigan ng kaniyang kapatid na si Olimpia. Ang pagtitinginan nina Rizal at
Segunda Katigbak ay mistulang pag-ibig sa unang pagtatagpo. Subalit ang kanilang pag-
ibig ay nakatadhanang mauwi sa kabiguan sapagkat ang dalaga ay naipagkasundo nang
pakasal sa kaniyang kababayang si Manuel Luz. Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa
pananalita at literatura, siya ay naging mahiyain at di palasalita sa harap ni Segunda. Bigo
siyang magtapat sa dalaga.

Binibining L

Di naglaon nang mawala sa kaniya si Segunda, nakilala ni Rizal ang isa pang
dalaga na tinawag niya sa kaniyang talaarawan sa pangalang Bb. L. Inilarawan niya ang
dalaga bilang morena na may nakaaakit na mga mata. Dahil sa naging malungkot ang
kaniyang unang pag-ibig, si Rizal ay mas naging maingat at suwabe sa panliligaw.
pagkatapos niya itong bisitahin nang ilang ulit sa bahay nito, tumigil din si Rizal sa
panliligaw sa dalaga at ang pag-ibig niya para dito ay agad din namang naglaho. Dalawa
ang naging dahilan kung bakit naging biglaan ang kaniyang pagbitaw sa kaniyang
nararamdaman, ito ay: Una, sariwa pa sa kaniyang alaala ang matamis na pagtitinginan nila
ni Segunda, at pangalawa, tutol ang kaniyang ama sa kaniyang pakikipagrelasyon kay Bb.
L.

Leonor Valenzuela

Isa pang naging karanasan ni Rizal sa larangan ng pag-ibig ay nang siya ay nasa
ikalawang taon ng pag-aaral niya ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay
nangupahan sa bahay ni Donya Concha Leyva sa Intramuros. Ang katabing pinto ng
kaniyang silid ay inuupahan ng mag-asawang Kapitan Juan at Kapitana Sanday na may
napakagandang dalagang anak na nagngangalang Leonor Valnezuela. Madalas niya itong
bisitahin lalo na kapag may mahahalagang okasyon sapagkat kinagigioliwan siya ng mga
magulang nito dahil sa kaalaman niya sa mahika. Gamit ang kaalaman niya sa kimika,
niligawan niya si Leonor Valenzuela sa pamamagitan ng pagsusulat niya gamit ang di
nakikitang tinta na mababasa lamang kapag itinatapat ang papel sa itaas ng may ilaw na
lampara. Ginamit niya ang tubig at asin sa pagsusulat ng mga liham para sa dalaga.
Gayunpaman, natapos ang kanilang matamis na pagtitinginan nang hindi man lamang siya
nakapagyaya ng kasal kay Orang.

Leonor Rivera

Ang sunod na naging karelasyon ni Rizal ay si Leonor Rivera na isang pinsan

buhat sa Camiling. Nang siya ay nasa ikatlong taon sa kursong Medisina sa UST,
nangupahan si Rizal sa No. 6, Calle Santo Tomas sa Intramuros. Ang may-ari ng bahay ay
ang kaniyang malayong tiyuhing si Antonio Rivera na may anak na magandang dalaga at
nangngangalang Leonor, isang mag-aaral sa Kolehiyo ng La Concordia kung saan nag-
aaral din ang pinakabata niyang kapatid na si Soledad. Inilarawan ni Rizal si Leonor bilang
iisang namumukadkad na bulaklak taglay ang makukulay na talulot. May maaamong mga

159
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

mata na tila nangunguusap kapag nakatingin sa kaniya. Umusbong ang isang wagas na
pag-iibigan sa pagitan nilang dalawa at di naglaon, sila ay naging eksklusibo sa isa’t isa at
nagbalak na magpakasal sa takdang panahon. Upang ikubli ang kanilang ugnayan sa mga
magulang at kaibigan, ginamit ni Leonor ang alyas na “Taimis” sa kaniyang mga liham
para sa binatilyo.

Pagkatapos ng ikaapat na taon niya sa Medisina, si Rizal ay nagpasyang

magtungo sa Espanya upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral at ito ay inilihim niya kay
Leonor. Hindi niya ipinaalam sa dalaga ang kaniyang pag-alis bagkus ay lumiham na
lamang siya rito at ipinadala sa poanahong naglalayag na siya papuntang Europa. Labis na
nasaktan si Leonor sa paglisan ni Rizal, at pagkalipas ng apat na buwan, nakatanggap siya
ng liham buhat sa kapatid na si Panggoy na nagsasabing nangangayayat si Leonor dahil sa
labis na kalungkutan bunga ng kaniyang di pinaalam na paglayo. Nang bumalik siya ng
Filipinas noong 1887, hindi niya nakita ang dalaga sa kabila ng kagustuhan niyang
magtungo sa Dagupan kung saan naninirahan ang dalaga. Sinabi sa kaniya ng kaniyang
mga magulang na ayaw ng nanay ni Leonor na maging manugang siya. May kaugalian
noon na ang kasal ay dapat na isinasaayos ng mga magulang ng babae’t lalaki.

Nang nasa Madrid na si Rizal noong 1890 at nakaranas ng samot-saring kapaitan

sa buhay, nakatanggap siya ng isang liham mula kay Leonor hinggil sa nalalapit nitong
pagpapakasal sa isang Ingles na pinili ng kaniyang ina para sa kaniya at siya ay himingi ng
kapatawaran kay Rizal. Inilahad niya ang kaniyang kalungkutan sa kaniyang matalik na
kaibigang si Blumentritt, na pinayuhan siya sa pagsasabing “Pinuno kami ng sobrang
lungkot ng huli mong liham; pagkatapos ng ilang kabiguang dumating sa iyo, ngayon ay
pinili kang abandonahin ng iyong pinakamamahal. Ikinalulungkot kong nawala sa iyo ang
babaeng labis mong pinakamamahal. Dahil nagawa niya iyon, nakatitiyak akong hindi niya
tinataglay ang iyong mga kaisipan at pagtatangi. Mistula siyang isang paslit na tumalikod
sa diyamante upang manguha ng bato. Sa madaling salita, hindi siya ang babaeng nararapat
para sa iyo, Rizal.”

Consuelo Ortiga Y Perez

Sa taong 1882, nakilala ni Rizal si Consuelo Ortiga Y Perez. Dahil sa malungkot

siya sa Europa, naibigan ni Rizal ang napaganda at matalinong anak na dalaga ni Don Pablo
Ortiga Y Perez, isang dating alkalde ng Lungsod ng Maynila. Sa kaniyang tulang
pinamagatang “La Senorita C.O.Y.P (Kay Bb. C.O.Y.P.), ipinahayag ni Rizal ang kaniyang
pagmamahal at pagtatangi sa dalaga. Kahit na nakaramdam siya ng pagpapahalaga at
pagtatangi sa piling ni Consuelo, ang kanilang pag-iibigan ay hindi umusbong nang tuluyan
para maging isang seryosong pagsasama dahil sa sumusunod na sanhi: 1. Engage pa rin siya
kay Leonor Rivera, at 2) ang kaibigan at kasamahan sa kilusang propaganda na si Eduardo
de Lete ay may pagtingin din kay Connsuelo at ayaw niyang mawasak ang kanilang
pagkakaibigan nang dahil sa babae.

O-Sei-San

Nang lisanin ni Rizal ang Filipinas sa ikalawang pagkakataon, siya ay nagtungo

sa bansang Japan. Nagtungo siya sa Spanish Legation sa Tokyo nang makita niya ang
magandang dalagang Haponesa na humuli sa kaniyang atensiyon. Labis siyang humanga

160
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

sa kagandahan nito kaya ninais niyang ito ay makilala. Sa tulong ng isang hardinerong
Hapon, si Rizal ay naipakilala kay O-Sei-San. Nakita niya rito ang katangian ng isang ideyal
na babae—kagandahan, hinhin, yumi, panghalina, at katalinuhan. Di naglaon, umibig si
Rizal sa dalaga. Si O-Sei-San naman ay lubos na humanga sa pagkamaginoo ng Pilipinong
manliligaw kaya umibig din siya rito.

Lahat ng ukol sa kanilang relasyon ay perpekto kaya naisip na ni Rizal na

manirahan nang tuluyan sa bansang Hapon, subalit labis din niyang mahal ang kaniyang
bayan higit sa ano at kaninuman. Ang matindi niyang pagnanais na tulungan ang kaniyang
mga kababayan ay higit na maalab kaysa sa nararamdaman niyang pag-ibig kaya nagpaalam
siya sa magandang si O-Sei-San.

Sa kaniyang talaarawan, binanggit niya ang kagandahan ng Japan at ang

pagmamahal niya kay O-Sei-San na masasabi niyang isa sa mga pinakamamagagandang
pangyayari sa kaniyang buhay.

“Labis akong pinahanga ng Japan. Ang magagandang

tanawin, ang mga nagagandahang at makukulay na bulaklak, ang
mga puno, at ang mga mamamayan nito—tahimik, patayapa,
magagalang, at masayahin. O-Sei-San, Paalam! Paalam! Naging
masaya ako sa loob ng isang buwan. hindi ako nakatitiyak na
mararanasan ko pa ang gayon sa mga susunod na bahagi ng aking
buhay. Pag-ibig, salapi, pagkakaibian, pagpapahalaga,
karangalan—hindii ko ninais ang mga ito nang kasama kita.

Iniaalay ko sa iyo ang huling kabanata ng aking

kabataan. Walang ibang babae ang nagmahal sa akin ng kagaya ng
iyong pagmamahal. Walang sinumang babae maliban sa iyo ang
nagsakripisyo nang lubusan para sa akin. Gaya ng mga bulaklak sa
chodji na nalaglag mula sa tangkay nito, sariwa at buo nang walang
dahong nalalagas at nalalanta—gaya ng tulang walang maliw—
subalit ikaw ay nahulog. Hindi nalusaw ang iyong kariktan kagaya
ng mga talulot ng bulaklak na lalaging makulay sa aking alaala—
Paalam! Paalam!”

Gertrude Becket

Matapos siyang bumisita sa Estados Unidos, si Rizal ay nanirahan sa London.

Nangupahan siya sa tahanan ng mga Becket kung saan niya nakilala si Gertrude, ang
panganay sa apat na magkakapatid na babae. Ang magkakapatid na Becket ay binubuo ng
dalawang lalaki at apat na babae. Inilarawan ng mga tao si Gettie o Tottie bilang isang
babaeng may malaking bulas, may mga matang kakulay ng kape, at pisnging malarosas, na
umibig kay Rizal. Sinubukang gawin lahat ni Gettie upang maging masaya at komportable
si Rizal sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng kaniyang buong atensiyon at pagpapahalaga.
Gaya ng sinumang lalaking pinakikitaan ng ganoon, si Rizal ay naging masaya sa kanilang
samahan at relasyon. Muntik na ring mauwi sa seryosong relasyon ang kanilang
pagmamahalan subalit kagaya ng ibang babae, nauwi sa hiwalayan ang kanilang ugnayan
dahil sa parehong rason, hindi niya pinakasalan ang dalaga dahil kailangan niyang gawin
ang kaniyang misyon para sa Filipinas at sa kaniyang mahal na mga kababayan.

161
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Nelly Boustead

Kahit na napakaganda ng Madrid at maituturing ni Rizal bilang pinakamainam

na siyudad sa buong mundo, marami siyang malulungkot na karanasan sa naturang
lugar upang maibsan ang kaniyang kalungkutan, nagpasya si Rizal na magbakasyon sa
Barritz sa French Rivera, isang mainam na lugar para sa mga nag-iibigan. Siya ay
naging panauhin ng mabait at mayamang Pamilya Boustead at naging kaibigan si G.
Eduardo Boustead, ang asawa nito, at ang kanilang dalawang magandang dalagang anak
na sina Adelina at Nelly. Nakatagpo siya roon ng katiwasayan ng puso kasama ang
Pamilya Boustead na naging mainit ang pagtanggap sa kaniya at labis siyang hinangaan
dahil sa kaniyang mga natatanging talento. Sa mga romantikong hardin at kaiga-igayang
kagandahan ng Biarritz na sandyang napakinam para sa mga nag-iibigan, si Rizal ay
pinakisamahan ni Nelly nang may pagtatangi at pagpapahalaga. Para kay Rizal , si Nelly
ay mistulang isang Pilipina na may mataas na antas ng katalinuhan, may mababang
kalooban, at sadyang matuwid na babae, sa pagkakataong ito, si Rizal ay nag-alok ng
kasal kay Nelly. Subalit, hindi naisakatuparan ang kaniyang alok at ang kasal ay nauwi
sa wala sa dalawang kadahilanan, una, hindi niya iwinaksi ang paggiging Katoliko at
hindi siya nagpabinyag bilang protestante. Si Nelly ay isang protestante, at ang
pangalawa, hindi boto kay Rizal bilang manugang ang nanay ni Nelly.

Bagama’t hindi natuloy ang kasal nina Rizal at nelly, sila ay naghiwalay nang
landas nang magkaibigan at walang iriningan o galit na naitanom sa puso ng isa’t isa.
Sa kanilang paghihiwalay, ibinulong sa kaniya ng dalagang Pranses, “sakali mang
magbago ang iyong pasya, puntahan mo lamang ako, Pepe. Naririto ako’t naghihintay
sa iyong pagbabalik. Maraming salamat sa iyong pagmamahal. Ang ating ugnayan ay
hindi ko makakalimutan kailanman.”

Suzanne Jacoby

Noong 1890, dahil sa mahal ang pamumuhay sa Paris, si Rizal ay nagtungo sa

Brussels. Siya ay nangupahan sa bahay ng magkapatid na Jacoby kung saan niya
nakilala si Suzane Jacoby. Siya ay isang kaibig-ibig at magandang dalagang pamangkin
ng magkapatid na Jacoby. Matapos ang ilang pagkikita, sina Rizal at Suzane ay umibig
sa isa’t isa. Maikling panahon lamang ang inilaan niya sa Brussels kaya kinailangan
ding lumisan ni Rizal. Labis na ikinalungkot at iniyakan nang matindi ni Suzane ang
paglisan ni Rizal. Nang nasa Madrid na siya, lumiham si Sizane kay Rizal na
nagsasabing, “labis akong nalulungkot kapag naiisip kong kailanman ay hindi na kita
makikita pang muli.”

Josephine Bracken

Naging sobrang lungkot at nakababagot ng naging buhay ni Rizal nang ipatapon

siya sa malayong isla ng Dapitan na tila may kulang sa kaniyang buhay. Sa bawat araw
roon na siya ay nagtatrabaho, ang buhay niya kinagabihan ay walang kasinlungkot.
Nangungulila siya sa kaniyang pamilya at mga kaanak, sa mga kaibigang taga-Calamba
maging sa ibang bansa pati an gang masasayang alaala niya sa Europa, subalit ang
pinakamasakit sa lahat ng ito ay ang pagkamatay ni Leonor Rivera.

162
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sa mga panahong halos wasak ang puso ni Rizal sa labis na kalungkutan at

pangungulila, dumating sa Dapitan si Josephine Bracken na sumama sa kaniyang bulag
na tiyuhing si George Taufer upang ito’y ipagamot sa bantog na optalmologo na si Dr.
Jose Rizal. Inilarawan ni Rizal si Josephine bilang matangkad, balingkinitan, may kulay
kapeng buhok at may mga matang kakulay ng langit, desente kung manumit at mabining
kumilos nang halos kagaya ng isang diwata. Dumating ito sa kaniyang buhay tugma sa
mga panahong labis siyang nakadarama ng panibugho at sadyang kailangan niya ng
makakasama upang siya ay pasayahin sa kaniyang nakababagot na pamamalagi sa
Dapitan. Si Josephine ay isinilang sa Hong Kong noong Oktubre 3, 1876, labinlimang
taon matapos isilang si Rizal. Pawang mga Irish ang kaniyang mga magulang; isang
korporal ang kaniyang ama sa isang garrison na Briton at ang kaniyang inang si
Elizabeth jane McBride ay namatay sa panganganak. Si Josephine ay inampon ni G.
Geogre Taufer, na nang lumaon ay nabulag.

Walang siruhanong optalmolo ang mahahanap ng mga panahong iyon sa Hong

Kong at nabalitaan nila ang tungkol sa isang tanyag na siruhano sa Filipinas. Iyon ang
dahilan kung bakit naglakbay sila patungo rito upang magpagamot kay Dr. Jose Rizal.
Nalaman nilang si Rizal ay nasa Dapitan kaya pinuntahan nila ito kasama ang isang
Pilipino na nagngangalang Manuel Orlac na nagpakita ng isang kard ng pagpapakilala
ni Julio Laurente, isang kaibigan ni Rizal.

Umibig sina Rizal at Josephine sa isa’t isa at di naglaon sila ay nagplanong

pakasal. Subalit, di ito pinayagan ng kura ng Dapitan na si Padrte Obach dahil wala
silang pahintulot Obispo ng Cebu. Nang marinig ni Taufer ang gayong plano ay
nagtangka itong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagilit sa kaniyang lalamunan gamit
ang isang labaha. Mabuti na lamang at napigilan iyon ni Rizal. Upang maiwasan ang
gayong pangyayari, sumama si Josephine kay G. Taufer patungong Maynila nang hindi
ito nagagamot sapagkat ang kalagayan nito ay wala na talagang lunas.

Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, si Josephine ay nagpaiwan sa Filipinas

ay nanirahan kasama ang pamilya ni Rizal. Di naglaon, bumalik din siya sa Dapitan.
Dahil walang pari ang nagnais na magkasal sa kanila, sila ay namuhay na tila mag-
asawa sa mata ng Diyos. Namuhay sila nang maligaya sa kabila ng pagtutiol ni Padre
Obach.

Para kay Rizal, kompleto na ang kaniyang buhay sa piling ni Josephine. Sa

katunayan, sumulat siya ng tula para sa itinuturing niyang asawa at ito ay pinamagatan
niyang “Josephine! Josephine!”

Noong 1896, labis ang kasiyahan ni Rizal nang malamang si Josephine ay

nagdadalantao. Sa kasamaang-palad, isinilang ito ni Josephine nang kulang sa buwan.
ipinanganak niya ang isang walong buwang gulang na batang lalaki na nabuhay lamang
sa loob ng tatlong oras. Pinangalanan ni Rizal ang kaniyang anak ng “Francisco” bilang
pagkilala at karangalan sa kaniyang amang si Don Francisco. Ang bata ay inilibing
niya sa Dapitan.

Noong Hulyo 31, 1896, natapos ang pamamalagi ni Rizal s Dapitan.

Kinagabihan, iniwan nila ang lugar matapos ang malungkot na pamamaalam sa mga
tagaroon. Pagdating nila ng Maynila, si Rizal ay inaresto at ipiniit sa Fort Santiago. S a
mga panahon ng paglilitis, si Josephine ay laging nasa tabi ni Rizal.

163
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sa ganap na 5:30 ng umaga noong Disyembre 30, 1986, si Josephine kasama ni

Josefa ay dumating sa selda ni Rizal. Siya ay nagpaalam kay Rizal nang umiiyak.
Niyakap siya ni Rizal sa huling pagkakataon at saka binigay sa kaniyab ang huling
regalo—isang aklat ukol sa relihiyon na may pamagat na Imitasyon ni Kristo na akda
ni Padre Thomas Kempis. Sinulat niya sa isang pahina nito:

Para sa mahal ko subalit malungkot na asawa, Josephine.

Ika-30 ng Disyembre, 1896

Jose Rizal

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Basahin nang mabutio ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Sanng bansa nagmula si Josephine Bracken bago siya pumunta ng Filipinas?

a. Alemanya c. Hong Kong
b. Espanya d. Tsina

2. Saang bansa nagmula si Nelly Boustead?

a. Alemanya c. Pransiya
b. Espanya d. Rusya

3. Sino sa sumsunod na babae ang hindi naging kasintahan ni Rizal?

a. Leonor Rivera c. Seiko Usui
b. Nelly Bousted d. Segunda Katigbak

4. Isang Protestante
a. Leonor Rivera c. Segunda Katigbak
b. Nelly Bousted d. Suzane Jacoby

5. Isang dalagang taga-Espanya

a. Consuelo Ortiga c. Leonor Rivera
b. Leonor Valenzuela d. Segunda Katigbak

6. Inampon ni G. Geoge Taufer

a. Bb. L c. Josephine Bracken
b. Consuelo Ortiga d. Suzane Jacoby

7. Isang Haponesa
a. Bb. L c. Nelly Boustead
b. Consuelo Ortiga d. Seiko Usui

8. Isang dalagang taga-London na inibig ni Rizal.

a. Consuelo Ortiga c. Suzane Jacoby
b. Gertrude Becket d. Ivana Alawi

164
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

9. Nang itinuring na asawa ni Rizal.

a. Bb. L c. Leonor Valenzuela
b. Leonor Rivera d. Josephine Bracken

10. May palayaw na Orang.

a. Bb. L. c. Leonor Valenzuela
b. Leonor Rivera d. Segunda Katigbak

Gawain 2. Basahin nang mabuti ang sumusunod na pahayag at ibigay ang

hinihingi ng bawat aytem. Kisulat anng sagot sa puwang sa ibaba ng bawat aytem

11. Pinsan ni Rizal na naging kasintahan niya.

______________________________

12. Matalik na kaibigan ni Olimpia Mercado na inibig ni Rizal.

______________________________

13. Ikalawang babaeng inibig ni Rizal.

______________________________

14. Ang napangasawa ni Segunda Katigbak.

______________________________

15. Babaeng inibig ni Rizal na may inisyal na C.O.Y.P.

______________________________

16. Palayaw ni Gertrude Beckett

______________________________

17. Pangalan ng ama ni Nelly Boustead.

______________________________

18. Pangalan ng anak ni Rizal na namatay.

______________________________

19. Paring tumangging ikasal si Rizal kay Josephine

______________________________

20. Aklat na ibinigay kay Josephine bago siya tuluyang patayin,

______________________________

165
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 3. Komprehensibong sagutin ang sumusunod na katanungan.

21. Ano-ano ang magagandang katangian ng mga babaeng inibig ni Rizal? Kung ikaw
ang may pagkakataong pumili sa kanila, sino ang pipiliin mo? Bakit?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

22. Paano mo mailalarawan si Rizal bilang isang mangingibig? Ano ang kaibhan niya
sa kalalakihan sa kasalukuyan?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

23. Ano ang kaibhan ni Josephine Bracken sa iba pang babaeng inibig ni Rizal?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

24. Ano-ano ang naging sakripisyo ni Josephine para kay Rizal?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

166
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Gawain 4. Sumulat ng isa tungkol sa pagmamahal. Maaaring ito ay sa

magulang, sa kaibigan, sa kapatid, o sa kasintahan. Maaaring may sukat at
tugma o wala ang tulang isusulat.

167
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sintesis

Ngayong tapos mo nang basahin at pag-aralan ang lahat ng aralin, nasagutan mo

na rin ang lahat ng gawain, bumuo tayo ng paglalagom o sentisis hinggil sa buhay ng
pambasang bayaning si Dr. Jose Rizal. Balikan natin ang lahat ng inaasahang bunga at
gawin natin itong mga tanong. Sakali mang may isa ka pang sagot na HINDI, huwag
ka munang tutuloy sa panghuling pagsubok at sikaping magawa ang bagay na kailangan
mo pang gawin. Tutuloy ka lamang sa panghuling pagsubok kapag OO na ang lahat ng
iyong sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Nakilala mo na ba ang pambansang bayani at ang mahahalagang tao

sa kaniyang buhay at pag-aaral?

2. Natukoy at naaipaliwanag mona ba ang nilalaman, mensahe ng

kaniyang mga akda partikular ang kaniyang mga tula at dalawang
nobela?

3. Naipaliwanag mo na ba ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa

kaniyang mga akda bilang mahahalagang kontribusyon sa larangan ng
panitikang Pilipino?

4. Napatunayan mo na ba kung bakit si Rizal ay isang taong nagtataglay

ng napakaraming katalinuhan at kahusayan?

5. Nakabuo ka na ba ng mga repleksiyon sa bawat aralin ng modyul na

ito?

6. Nasagot mo na ba ang mga tanong sa pag-unawa bilang ekstensiyon ng

natutunan sa bawat aralin?

7. Nakilala mo na baa ng lahat ng babaeng naging parte ng kaniyang

buhay?

8. Nakabuo ka na ba ng mabisang paglalarawan ay Rizal bilang

pinakadakilang Malayo sa kasaysayan.

Kung oo na ang iyong sagot sa walong tanong sa itaas, tumuloy ka na sa susunod

na pahina para sa iyong panghuling pagsubok. BINABATI KITA!

168
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Panghuling Pagsubok

Ngayong natapos mo nang basahin ang lahat ng aralin at nagawa mo na rin ang
lahat ng mga pagsusulit at gawain, oras na upang sagutin mo ang huling pagsubok. Ito ang
susukat sa lalim at lawak ng iyong kabatiran at kaalaman sa buhay at mga akda ni Rizal na
pinag-aralan mo sa modyul na ito. Basahin lamang nang maayos ang bawat aytem at
bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pinag-alayan ni Rizal ng kaniyang ikalawang nobela.

a. Donya Teodora c. Paciano
b. GOMBURZA d. Wala sa nabanggit

2. Pinag-aralan ni Rizal ang wikang Nihonggo upang...

a. maunawaan ang mga dulang pang-entablado sa bansang Hapon
b. maligawan at mapasagot ang babaeng bumihag sa kaniyang puso—si Seiko
Usui.
c. mas mapagbuti ang pag-aaral ng mga wika at kultura na ipinangako niya kay
Paciano.
d. makipag-ugnayan nang maayos sa mga nakakasalamuha niyang Hapon
habang naglalakbay

3. Bakit namatay ang anak nina Rizal at Josephine?

a. dahil may sakit ito
b. dahil hindi ito normal nang ipanganak
c. dahil kulang ito sa buwan nang ipanganak
d. dahil pinatay ito ng mga Kastilang galit sa kanila

4. Sino ang tinaguriang “ang baliw at pilosopo” sa Noli Me Tangere?

a. Don Anastacio c. Don Custodio
b. Don Basilio d. Don Felipo
5. Saang bansa pumunta si Rizal matapos maipalathala ang El Filibusterismo?
a. Berlin c. Japan
b. Hong Kong d. San Francisco
6. Ilang wika ang kabisado at alam na alam ni Rizal?
a. 20 c. 22
b. 21 d. 23
7. Sa lugar na ito sa Alemanya labis na humanga si Rizal sa mga bulaklak na umuusbong
sa mga landas ng nasabing lugar.
a. Berlin c. Dresden
b. Brussels d. Heidelberg

169
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

8. Saang bansa ninais ni Rizal na maging manggagamot matapos niyang makalaya mula
sa Dapitan?
a. Argentina c. Comoros
b. Cuba d. Peru
9. Ano ang kahulugan ng apilyedong Rizal?
a. Asul na karagatan c. Pulang digmaan
b. Luntiang kabukiran d. Tahimik na kaparangan
10. Kung ang Noli ay nobelang panlipunan, ano naman ang El Fili?
a. Nobela ng kababalaghan c. Nobelang Pampolitika
b. Nobela ng Kasaysayan d. Nobelang Pangkaunlaran
11. Isang mayamang mag-aalahas na pumunta sa Filipinas upang ipaghiganti ang
kaniyang nabigong nakaraan.
a. Basilio c. Simoun
b. Isagani d. Salvi
12. Ang etnograpikong taga-Austria na naging matalik na kaibigan ni Rizal sa
oamamagitan ng liham.
a. Adolf Meyer c. Lorenzo Marques
b. Ferdinand Blumentritt d. Pablo Pastella
13. Ang pinsan ni Rizal na naging karelasyon niya sa loob ng labing-isang taon.
a. Nelly Boustead c. Leonor Valenzuela
b. Leonor Rivera d. Segunda Katigbak
14. Siya ang itinuturing na pangalawang ama ni Rizal.
a. Paciano c. Tiyo Manuel
b. Pedro d. Tiyo Alberto
15. Sino ang paboritong propesor ni Rizal sa Ateneo?
a. Fr. Antonio Sanchez c. Fr. Mariano Pilapil
b. Fr. Jose Bech d. Fr. Blancas de San Jose
16. Sino ang nagligtas kay Ibarra sa tiyak na kamatayan sa hulihang bahagi ng Noli Me
Tangere?
a. Alperes c. Elias
b. Basilio d. Pedro
17. Isang paring Dominikano na may lihim na pagtatangi kay Maria Clara
a. Padre Camorra c. Padre Fernandez
b. Padre Damaso d. Padre Salvi

170
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

18. Akda ni Rizal na sinulat niya para sa mga manggagawa ng Lipa.

a. El Canto del Viajero c. Mi Primera Inspiracion
b. Himno Al Trabajo d. Ultimo Adios
19. Kapatid ni Rizal na namatay noong sila ay bata pa. Ang kamatayan nito ang unang
pagkadurog ng kaniyang puso.
a. Concepcion c. Maria
b. Josefa d. Saturnina
20. Isang babaeng pranses na nakarelasyon ni Jose Rizal subalit hindi sila nagkatuluyan
dahil sa usapin ng relihiyon.
a. Josephine Bracken c. Nelly Boustead
b. Gertrude Becket d. Suzane Jacoby
21. Sino ang sumulat ng introduksiyon ng El Fiibusterismo?
a. Adolf Meyer c. Jose Ma. Basa
b. Ferdinand Blumentritt d. Marcelo H. del Pilar
22. Maliban sa isa ay nakasama ni Rizal sa kaniyang pagpunta sa Hong Kong. Sino ang
hindi?
a. Donya Teodora c. Paciano
b. Don Francisco d. Silvestre Ubaldo
22. Ang tiyuhing bulag ni Josephine Bracken.
a. Eulogio Despujol c. Luis Taviel de Andrade
b. George Taufer d. Ricardo Carnicero
23. Ang unang patnugot ng La Solidaridad.
a. Graciano Lopez-Jaena c. Marcelo H. del Pilar
b. Jose Rizal d. Mariano Ponce
24. Alin sa sumusunod ang sagisag-panulat ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli?
a. Dimasalang c. Pareho
b. Laong-Laan d. Wala
25. Kahuli-hulihang babaeng inibig ni Rizal.
a. Consuelo Ortiga y Rey c. Nelly Boustead
c. Josephine Bracken d. Suzane Jacoby
26. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng nobelang Noli Me Tangere?
a. Ito ay nobela ng puso c. nagtataglay ito ng 68 kabanata
b. Ito ay nobelang panlipunan d. naglalarawan ito ng mga kanser

171
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

27. Isang matandang babaeng pinagkakautangan ng pamilya ni Kabesang Tales kaya

bilang kapalit ay nagpaalipin sa kaniya si Huli sa mismong araw ng Pasko.
a. Hermana Bali c. Hermana Rufa
b. Hermana Penchang d. Hermana Sancha
28. Isang matandang babaeng nakasama ni Huli sa paghingi ng tulong kay Padre
Camorra.
a. Hermana Bali c. Hermana Rufa
b. Hermana Penchang d. Hermana Sancha
29. Kahulugan ng apilyedong “Mercado”.
a. Kalakal c. Plasa
b. Palengke d. Simbahan
30. Isang mabait na ginoo na ama ni Juan Crisostomo Ibarra.
a. Don Anastacio Ibarra c. Don Rafael Ibarra
b. Don Perdo Ibarra d. Don Saturnino Ibarra
31. “Ang hindi magmahal sa kaniyang salita, masahol sa hayop at malansang isda;
kaya ang marapat pagyamaning kusa, tulad ng inang tunay na nagpala.” Ano ang
ipinahihiwatig ng saknong na ito na buhat sa tulang sa “Sa Aking mga Kababata”?
a. pagmamahal sa anak c. pagmamahal sa ina
b. pagmamahal sa bayan d. pagmamahal sa sariling wika
32. “Ang Wikang Tagalog, tulad din ng Latin, ng Ingles, Kastila at salitang anghel;
sapagkat ang Poong maalam tumingin, ang Siyang nagawad, nagbigay sa atin.” Ano
ang nais na ipahiwatig ni Rizal sa saknong na ito?
a. mapagbigay ang Panginoon c. pantay-pantay ang mga wika
b. mainam pag-aralan ang mga wika d. walang wikang nakaangat sa iba
33. Ang tinugtog ng banda pagkatapos na mamatay ni Rizal.
a. Marcha de Cadiz c. Marcha de Oro
b. Marcha del Cielo d. Marcha de l Sobre
34. Sino ang lumagda ng sintensiyang kamatayan ni Jose Rizal?
a. Gobernador Heneral Camilo de Polavieja
b. Gobernador Heneral Emilio Terrero
c. Gobernador Heneral Eulogio Despujol
d. Gobernador Heneral Ramon Blanco
35. Ang emisaryo ng Katipunan na kumumbinse kay Rizal na maging tagapayo ng
kanilang supremo.
a. Juan Ricart c. Pio Valenzuela
b. Pablo Pastells d. Ricardo Carnicero

172
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

36. Halagang pinanalunan nina Rizal sa loterya habang nasa Dapitan.

a. 10,000.00 c. 30,000.00
b. 20,000.00 d. 40,000.00
37. Isang paring indiyo na pinaniniwalaang tiyuhin o ama ni Isagani ayon sa makakati
ang dila, sa nobelang El Filibusterismo.
a. Padre Fernandez c.Padre Irene
b. Padre Florentino d. Padre Sybilla
38. Ang pamagat ng subersibong polyetong nahanap sa mga bagahe ni Rizal na naging
dahilan ng kaniyang pagkakapiit sa Fort Santiago.
a. Pobres Frailes c.Pobres Henerales
b. Pobres Alcaldes d. Pobres Obreros
39. Ang kapatid na babaeng nakasama ni Rizal nang siya ay umuwi galing Hong Kong.
a. Josefa c. Maria
b. Lucia d. Olimpia
40. Ang paring matalik na kaibigan ni Paciano na pinaniniwalaang namuno ng pag-
aaklas sa Cavite.
a. Padre Jose Burgos c.Padre Mariano Gomez
b. Padre Jacinto Zamorra d. Padre Antonio Obach
41. Ang nangako kay Rizal na ipalilipat siya mula sa Dapitan patungong Ilocos o La
Union.
a. Gobernador Heneral Camilo de Polavieja
b. Gobernadir Heneral Emilio Terrero
c. Gobernador Heneral Narciso Claveria
d. Gobernador Heneral Ramon Blanco
42. Anak ng guro ni Rizal sa Binan na humamon sa kaniya ng suntukan.
a. Pablo c. Pedro
b. Pepeto d. Pilato
43. Dahilan ng pagkakapiit ni Donya Teodora noong bata pa si Rizal.
a. panlalason sa bayaw c. panlalason sa kapatid
b. panlalason sa hipag d. panlalason sa katulong
44. May akda ng “The Count of Monte Cristo”
a. Alexander Dumas c. Pablo Picasso
b. Leonardo da Vinci d. Rene Descartes

173
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

45. Ang akdang naipanalo ni Rizal nang lumahok siya sa patimpalak ng Artistic-
Literary Lyceum upang gunitain ang ikaapat na dantaon ng kamatayan ng manunulat
na si Cervantes.
a. El Junto al Pasig c. Mi Piden Versos
b. El Consejo delos Dioses d. Mi Primera Inperacion
46. Petsa nang pagdating ni Rizal sa Barcelona, Espanya.
a. Hunyo 16, 1882 c. Hunyo 16, 1884
b. Hunyo 16, 1883 d. Hunyo 16, 1885
47. Ang sinabi ni Elias na “Hindi ko man lamang makikita ang pagbubukang-liwayway
sa aking bayan” sa huling bahagi ng Noli Me Tangere ay nangangahulugang…
a. kawalang-pag-asa c. pagsisisi
b. kamatayan at kasawian d. pagsuko
48. Ang hinangaan ni Rizal sa Heidelberg na ayon sa kaniya ay nakapagdaragdag ng
kagandahan sa lugar na iyon.
a. babae c. bundok
b. bulaklak d. tanawin
49. Siya ang editor ng pahayagang La Publicidad na kinaibigan ni Rizal nang siya ay
nasa Europa.
a. Don Miguel Morayta c. Dr. Otto Becker
b. Donya Conchita Zaes d. Senior Eusebio Corominas
50. Ang aklat na ito tungkol sa pagiging brutal ng mga Amerikano sa kanilang mga
alipin ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere.
a. The Count of Monte Cristo
b. Sucecos de las Islas Filipinas
c. Uncle Tom’s Cabin
d. Wala sa nabanggit
51. Sino ang tinawag na “mga taksil ng bayan” sa dekrito ng deportasyon ni Rizal?
a. Andres Bonifacio at mga kapatid nito
b. Juan Luna, Antonio Luna, at iba pang manunulat
c. Mga Katipunero at mga Propagandista
d. Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamorra
52. Pamangkin ng gobernador heneral na inutusang magdala kay Rizal sa Dapitan.
a. Antonio Despujol c. Leandro Despujol
b. Carmelo Derpujol d. Ramon Despujol

174
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

53. Habang nasa Fort Santiago ay naging mainam ang trato kay Rizal ng taong ito
sapagkat pinagsilbihan siya ng maayos na pagkain at pinahiram pa ng mga aklat buhat
sa pribado nitong aklatan.
a. gobernador heneral c. komandante
b. guwardiya sibil d. praile
54. Ang barkong nagdala kay Rizal sa Dapitan.
a. Bohol c. Davao
b. Cebu d. Zamboanga
55. Ang barkong nagdala ng balita sa Dapitan na nanalo sina Rizal sa loterya.
a. Basilan c. Bohol
b. Bisaya d. Butuan
56. Si Nelly Boustead ay isang _______________.
a. Amerikana c. Pranses
b. Ingles d. Olandes
57. Si Consuelo Ortiga y Rey ay isang ________________.
a. Aleman c. Ingles
b. Haponesa d. Kastila
58. Tagasaang bansa si Ferdinand Blumentritt?
a. Amerika c. Alemanya
b. Austria d. Australia
59. Maliban sa isa ay mga organismong nadiskubre ni Rizal sa Dapitan. Alina ng hindi?
a. butiki c. palaka
b. lumilipad na dragon d. uwang
60. Nakailang taon at araw si Rizal sa Dapitan
a. tatlong taon, at labintatlong araw c. apat na taon at tatlong araw
b. tatlong taon at tatlong araw d. apat na taon at labintatlong araw
61. Si Taimis ay si___________________.
a. Josephine Bracken c. Nelly Boustead
b. Leonor Rivera d. Teodora Alonzo
63. Ang gobernador heneral ng Filipinas sa panahon ng pagkamatay ni Rizal.
a. Blanco c. Polavieja
b. Despujol d. Rios
64. Sino si Plaridel?
a. Antonio Luna c. Gregorio del Pilar
b. Juan Luna d. Marcelo H. del Pilar

175
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

65. Maliban sa isa ay mga pinatayo ni Rizal sa Dapitan, alin ang hindi?
a. bahay c. pagamutan o klinika
b. paaralan d. palaruan
66. Alin sa sumusunod ang naging kaso ni Rizal na naging dahilan ng kaniyang
kamatayan?
a. kataksilan c. rebelyon
b. libelo d. sedisyon
67. Ang Draco rizali ay isang ____________.
a. butiki c. langgam
b. dragon d. palaka
68. Isang dulang sinulat ni Rizal.
a. A Mi Madre c. Mi Piden Versos
c. Junto al Pasig d. Ultimo Adios
69. Sino sa mga sumusunod ang hindi namatay sa wakas ng nobelang Noli Me Tangere?
a. Padre Damaso c. Maria Clara
b. Elias d. Sisa
70. Ang naging abogado ni Rizal nang siya ay nililitis.
a. Antonio Taviel de Andrade c. Luis Taviel de Andrade
b. Jose Taviel de Andrade d. Ramon Taviel de Andrade
71. Mayaman at batang Pilipino na anak ni Don Rafael sa nobelang Noli Me Tangere.
a. Basilio c. Ibarra
b. Elias d. Tiyago
72. Ang Arsobispo ng Maynila sa panahon ng paglilitis at pagkamatay ni Rizal.
a. Elizalde c. Rodriguez
b. Nozaleda d. Villaclara
73. Mi Piden Versos sa Wikang Filipino.
a. Ako’y tutula c. Pinatutula ako
b. Nais kong tumula d. Tutulaan kita
74. Noli Me Tangere sa Wikang Filipino
a. Huwag kang umiyak c. Huwag mo akong sapakin
b. Huwag mo akong salangin d. Huwag mo akong saktan
75. Ang tagapagligtas ng Noli Me Tangere.
a. Jose Alejandrino c. Maximo Viola
b. George Taufer d. Valentin Ventura

176
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

76. Ang babaeng Pranses na muntik nang pakasalan ni Rizal.

a. Gertrude Beckett c. Nelly Boustead
b. Josephine Bracken d. Suzane Jacoby
77. Bakit hindi nauwi sa kasalan ang pag-iibigan nina Rizal at O-Sei-San?
a. dahil sa usaping relihiyon at kultura
b. dahil sa pagkakaiba nila ng wikang alam
c. dahil sa pagtutol ng kani-kanilang mga magulang
d. dahil sa misyong kailangang tuparin para sa Filipinas
78. Bakit hindi nauwi sa kasalan ang pag-iibigan nina Nelly at Rizal?
a. dahil sa usaping relihiyon at kultura
b. dahil sa pagkakaiba nila ng wikang alam
c. dahil sa pagtutol ng kani-kanilang mga magulang
d. dahil sa misyong kailangang tuparin para sa Filipinas
79. Paano ginugol ni Rizal ang kaniyang buhay sa Dapitan
a. pagtatanim ng mga gulay at bungang kahoy
b. pagtuturo sa mga batang tagaroon
c. panggagamot sa mga may-sakit sa lugar na iyon
d. lahat ng nabanggit

80. Ano ang tanging hindi nagustuhan ni Rizal sa pagbisita niya sa Estados Unidos?
a. diskriminasyon c. polusyon
b. pang-aapi d. pakikiapid
81. Sa anong insekto inihambing ni Donya Teodora ang kanaiyang anak kapag hindi
nito iniwasan ang gulo?
a. Bangaw c. Paruparo
b. Gamugamo d. Tipaklong

82. Ang ninuno ni Rizal na si Domingo ay isang mangangalakal na ___________.

a. Aleman c. Instsik
b. Hapon d. Kastila

83. Kanino inialay ni Rizal ang tulang “Un Recuerdo A Mi Pueblo”?

a. Sa GomBurZa c. Sa kaniyang ina
b. Sa kaniyang ama d. Sa bayan ng Calamba

84. Kanino nanirahan si Jose nang siya ay mag-aral sa Binan?

a. Sa kaniyang guro c. sa kaniyang tiyahin
b. Sa kaniyang kamag-aral d. sa kaniyang tiyuhin

85. Anong grupo o konggregasyon ng mga pari ang nangangasiwa sa Ateneo?

a. Agustino c. Heswita
b. Dominikano d. Pransiskano

177
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

86. Saan nag-aral si Paciano kung saan niya ginamit ang apilyedong Mercado?
a. Ateneo de Manila c. Kolehiyo de San Lucas
b. Kolehiyo de Santa Clara d. Kolehiyo de San Juan

87. Sino ang nagdesisyong sa Ateneo mag-aral si Rizal?

a. Si Paciano c. Si Donya Teodora Alonzo
b. Si Don Francisco Mercado d. Ang Gobernador Heneral

88. Para saan ang gintong medalyang natanggap ni Rizal sa ikalawang taon niya sa
Ateneo?
a. Kahusayang pang-agham c. Kahusayang pangmatematika
b. Kahusayang akademiko d. Kahusayang panlingguwistika

89. Sino sa sumusunod ang hindi kapatid ni Rizal?

a. Narcisa c. Quiroga
b. Olimpia d. Soledad

90. Sinisimbolo ng Bapor Tabo sa El Filibusterismo.

a. Calamba c. Filipinas
b. Espanya d. Maynila

91. Kanino ipinangalan ni Rizal ang kanilang naging anak ni Josephine?

a. Don Fernando c. Don Paciano
b. Don Francisco d. Don Pekulino

92. Ilang oras lamang nabuhay ang kanilang anak?

a. dalawa c. apat
b. tatlo d. lima

93. Saan inilibing ni Rizal ang kaniyang anak?

a. Binan c. Dapitan
b. Calamba d. Madrid

94. Ano ang dahilan kung bakit ipinagamit sa kaniya ang apilyedong Rizal?
a. kaligtasan c. pag-aaral
b. pagpapalit ng relihiyon d. pangingibang-bansa

95. Isa sa mga katangian ng mga prayle na ipinakita ni Rizal sa kaniyang ikalawang
nobela.
a. Pagkahilig sa perya c. pagkahilig sa pangangaso
b. Pagkahilig sa sugal d. pagkahilig sa cabaret

96. Isang mag-aaral na naging biktima ng pang-aalipusta ng kaniyang guro sa Pisika.

a. Basilio c. Placido Penitente
b. Isagani d. Juanito Pelaez

178
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

97. Isang paring indiyo na pinagkumpisalan ni Simoun ng lahat ng kaniyang mga

kasalanan at pinagdaanan sa buhay.
a. Padre Fernandez c. Padre Irene
b. Padre Florentino d. Padre Millon

98. Isang guro sa Pisika na mahilig mang-alipusta ng mag-aaral at kakikitaan ng

makalumang pamamaraan ng pagtuturo.
a. Padre Irene c. Padre Millon
b. Padre Fernandez d. Padre Sybilla

99. Ang iniregalo ni Simoun sa kasalang Paulita Gomez at Juanito Pelaez

a. Baul ng kayamanan c. Mamahaling kasuotan
b. Kuwintas na diyamante d. Magandang lampara

100. Pinagmulan ng ninuno ni Rizal na si Domingo Lamco.

a. Korea c. Tsina
b. Japan d. Rusya

179
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Takdang-Gawain

Bumuo ng isang scrap book hinggil sa buhay at mga akda ni Rizal. Gumamit ng
mga larawan, manaliksik ng iba pa niyang akda, at lakipan ng mga deskripsiyon at
mahahalagang kaisipan ang mga ito. Gawing masining ang bubuoing scrap book. Ang
naturang takdang-aralin/gawain/kasunduan ay mamarkahan ayon sa pamantayan sa
ibaba:

1. Kalinisan 10%

2. Pagkamalikhain 20%

3. Katumpakan ng mga Detalye 30%

4. Kaangkupan sa Paksa 30%

5. Organisasyon 10%

6. Kabuoan 100%

Ang scrap book ay ipapasa bago mag-final

exam kasabay ng mga kuwaderno ng mga gawain at
polder ng mga repleksiyon.

180
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Sanggunian

Almario, Vergilio S. 1998. Jose Rizal: El Filibusterismo. Quezon City: Adarna House.
Inc.

Bucu, Amelia V., & Estrella De Vera. 2002. Obra Maestra, Si Dr. Jose Rizal at ang El
Filibusterismo. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.

Castaneda, Sherwin Prose C., Petra S. Ornos, Vivian O. Sa Felipe, Gloria C. Valdez,
Nomer B. Malenab, Berlyn F. Pa-at, Romeo E. Javier, & Dolores P. Estor.
2007. Jose Rizal, The Martyr and National Hero. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.

Derbyshire, Charles E. 1996. The Reign of Greed by Jose Rizal (Translation). Quezon
City: Geraffe Book.

De Viana, Augusto V., Helena Ma. F. Cabrera, Emelita P. Samala, Myra M. De Vera,
& Janet C. Atutubo. 2018. Jose Rizal: Social Reformer and Patriot, A Study
of His Life and Times. Manila: Rex Book Store, Inc.

Espinoza, Teodorica, Januario de Guzman, & Lutgarda Laxamana. 2019. El

Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal. Quezon City: Aklat Ani Publishing and
Educational Trading Center.

Espinoza, Teodorica, Januario de Guzman, & Lutgarda Laxamana. 2019. Noli Me

Tangere ni Dr. Jose Rizal. Quezon City: Aklat Ani Publishing and
Educational Trading Center.

Gimena, Glady G. & Leslie S. Navarro. 2009. El Filibusterismo ni Jose Rizal, Ang
Pinaikling Bersiyon. Maynila: Prime Multi Quality Prinying Corporations.

Lorenzo, Carmelira S., Corazon P. San Juan, Gloria P. San Juan, Zenaida de Leon, &
Rosario U. Magtaas. 2000. Jose P. Rizal, Inspirasyon sa Bagong Milenyo.
Makati City: Grandwater Publication.

Matsu, Takahiro. 2019. Jose Rizal, The Filipino Hero’s Life Illustrated. Mandaluyong
City: Anvil Publishing Inc.

Pila, Rowena A. & Cecilio D. Duka. 2015. RIZAL, His Legacy to the Philippine Society
(Revised Edition). Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc.

Zaide, Gregorio F. & Sonia M. Zaide. 1994. Jose Rizal, Life, Works, and Writings of a
Genius, Writer, Scientist, and National Hero. Quezon City: All Nations
Publishing Co., Inc.

181
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Ang May-akda

Jovert R. Balunsay, LPT, PhD, DHum

International Webinar Speaker on Rizal’s Works
Ang may-akda ay isang Licensed Professional Teacher at Asscoiate Professor I
sa Catanduanes State University at naglingkod na sa nasabing paaralan sa loob ng anim
na taon. Siya ay nagtuturo ng Filipino, Panitikan, Pananaliksik, Pamamahayag,
Pagsasalin, at Rizal. Nagtapos siya ng Batsilyer ng Edukasyong Sekundarya bilang Cum
Laude sa Pamantasan ng Bikol. Natamo niya ang titulong Master sa Filipino bilang
Outstanding Graduate at Doktor ng Pilosopiya sa Filipino, dalubhasa sa Panitikan at
Lingguwistika bilang Most Outstanding Graduate sa parehong pamantasan.
May-akda siya ng sampung pananaliksik tungkol sa wika, kultura, panitikan,
kagamitang panturo, diyalektolohiya, leksikograpiya, at iba pang sub-larang ng Filipino.
Ginawaran siya ng Uswag Award ng CSU sa apat na magkakasunod na taon, 2016,
2017, at noong 2018 at 2019 bilang Uswag Awardee 3rd Best Paper. Naging
pinakamahusay na research presenter na rin siya sa 1st National Research Conference sa
Bicol University noong 2017. Nitong 2018 ay pinagkalooban siya at ang kaniyang
pangkat ng Php500,000.00 research grant mula sa Komisyon sa Wikang Filipino upang
malalimang saliksikin ang wika at kultura ng Bikol.
Nagpapasimuno siya ng mga seminar, pananaliksik-forum, at mga palihan sa
Filipino. Naging tagapagsalita na rin siya sa iba’t ibang pagtitipong pangwika sa loob
man o labas ng Rehiyong Bikol. Bilang manunulat, siya ay nakapagsulat na ng tatlong
nobela ng romansa, anim na aklat-antolohiya ng mga akdang pampanitikan, limang
aklat sa Filipino pang-antas senior high at kolehiyo, tatlong aklat sa pamahayagang
pangkampus, at mga artikulo sa mga lokal hanggang internasyonal dyornal. Siya ay
regular na kolumnista ng Langilang, isang pahayagan sa Filipino ng isla ng
Catanduanes. Naging international speaker na rin siya sa mga Webinar ng Vibal Group
kung saan tinalakay niya ang mga batayang kaalaman sa pagbuo ng modyul at mga
simbolismo ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal.

182
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Ginawaran siya ng mga parangal bilang isa sa 50 Outstanding Alumni ng BU,

Gawad Ambasador ng Wika at Kultura 2019, Honoris Causa—Doctor of Humanities
ng Oklahoma University, Gawad Dyornalismo 2019—Outstanding School Paper
Adviser of the Philipines, Gawad Pagtuturong may Alab at Talino 2019, Gawad
Natatanging Ulirang Guro 2017 ng Komisyon sa Wikang Filipino, nanguna sa Ten
Outstanding Teachers of Albay 2012, Natatanging Guro sa Filipino sa Dibisyon ng
Albay at Rehiyong Bikol 2012, at Regional Outstanding School Paper Adviser, 1 st
Runner Up noong 2013.
Affilate professor din siya sa BU at nagtuturo ng mga asignaturang Teknikal na
Pagsulat, Pagtuturo ng Wika at Panitikan, at Mga Teoryang Pangkritisismo sa antas
masterado. Isa siyang core faculty sa Master of Arts in Filipino Education ng CSU-
College of Education. Nagturo na siya ng mga asignaturang Pananaliksik sa Filipino,
Pagtuturo ng Wika at Panitikan, at Pagsasalingwika. Affiliated din siya sa ilang
pribadong paimbagan kagaya ng Mutya Publishing House Inc., Jimzzyville
Publications, at Mindshapers Coi, Inc. Nagsisimula na rin siyang maging Youtube
influencer dahil nag-a-upload siya ng mga vlogs, e-learning materials, at iba pang
webinar-lectures sa kaniyang Youtube channel na Dr. Jovert Vlogs.
Siya ay buhat sa isang mahirap na pamilya at natamo ang mga tagumpay dahil
iginapang ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo sa tulong ng
Sto. Domingo Scholarship Assistance Funds Inc., isang Non-Government Organization
na pinopondohan ng mag-asawang Amerikano na sina Atty. David at Gng. Susan S.
Curry. Bahagi ng kaniyang adbokasiya sa ngayon ang makapagbahagi ng kaalaman at
mamaybay ng mga paaralan para sa libreng lektura tungkol sa pananaliksik, pagbuhay
ng Baybayin, pamamahayag, at iba pang paksang may kaugnayan sa wika at panitikang
Filipino.
Maliban sa pagiging guro, nobelista, makata, mamamahayag, tagapanayam, at
mananaliksik, siya ay isa ring editor, tagapagsalin, kritiko, at kompositor. Siya ang
kumatha ng SDNHS Hymn bago siya umalis roon noong 2013. Kasalukuyan siyang
nabubuhay nang mag-isa sa Virac, Catanduanes kapiling ang di mabilang na mga alaala
ng kahapon, mga danas ng kasalukuyan, at mga panaginip para sa hinaharap. Ilan sa
kaniyang mga pinagkakaabalahan ay ang pagsusulat ng mga tula at nobelang madalas
masimulan ngunit hindi matapos-tapos, pagguhit at pagpinta na nauuwi sa basurahan,
at pagluluto ng imbentong ulam na siya lang naman ang kumakain.

183
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda.

You might also like