You are on page 1of 3

Rizal in Ateneo

1872 – 1875

Narrator : Labing-isang taong gulang si Rizal nang ipakilala siya sa Ateneo Municipal kay Padre
Magin Fernando at noong una, ayaw niyang payagan na mkapasok sa paaralan si Rizal.

Padre Fernando : Hindi kita maaring payagan na makapasok Rizal dahil mukha kang mahina , maliit
at bata pa at huli ka na sa pagpaparehistro sa paaralang ito .

Narrator : Ngunit kalaunan sa kahilingan ni Ginoong Manuel Burgos , pamangkin ni Padre Burgos ,
pinayagan na makapasok sa paaralan si Rizal .

Gin. Manuel : Si Rizal ay matalinong bata Padre Fernando nakakatiyak akong malaking maitutulong ni
Rizal sa ating paaralan .

Padre Fernando : Sige Ginoong Miguel dahil may tiwala ako sayo , papayagan ko nang makapasok sa
paaralan si Rizal .

-------

Narrator : Ang Ateneo Municipal na tahanan ng mga paring Heswita (Jesuits ) na itinuturing na
pinakamahusay na mga tagapagturo sa Espanya ay nagpatunay ng kanilang kahalagahan sa
pagbibigay ng pinakamahusay na sistema ng edukasyon para sa kapwa Pilipino at Kastila. Ang naging
unang guro ni Rizal ay si Fr. Jose Bech.

------

Narrator : Sa mga kolehiyo ng Jesuits, mayroong dalawang imperyo: ang Roman at Carthaginian
Empires. Bilang isang bagong dating at may kaunting kaalaman sa Espanyol, si Rizal ay itinuturing na
mas mababa at inilagay siya sa mababang klase. Siya ay itinalaga sa mga Carthaginians, isang
nakatira sa non-borders area .

--------

Narrator : Makalipas ang isang buwan, naging emperador na si Rizal. Tuwang-tuwa siya dahil sa
unang pagkakataon ay nakakuha siya ng religious print para sa isang premyo. Sa unang quarter ay
nanalo siya ng unang gantimpala na may markang mahusay.

Rizal : Akoy nagagalak sa aking natangap na gantimpala .

Narrator : Ngunit pagkatapos niya matangap ang gantimpala , naiinis siya sa ilang mga salitang
binitiwan ng kanyang propesor, at ayaw na niyang mag-aral ng mabuti, kaya sa pagtatapos ng taon,
nakuha na lamang niya ang iilan na mga kailangan sa lahat ng kanyang mga asignatura, grade of
excellent nang hindi na nakakuha ng unang premyo ng gantimpala.

Propesor :

------

Narrator : Taong 1873, ginugol ni Rizal ang kanyang bakasyon sa kanyang bayan. Ngunit noon ay
hindi kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil hindi pa sila nagkasama ng kanyang ina kaya binisita
niya ang kanyang ina, nang hindi sinasabi sa kanyang ama ang tungkol dito. Pumunta si Rizal sa
kulongan ng kanyang ina dahil nakulong ito sa kadahilanang nilason daw ng Ina n Rizal ang kanilang
kapitbahay .

Rizal : Ina , akoy nangungulila sa iyo at iyong mga yakap .

Teodora : Oh ! aking anak ikoy nagagalak dahil ikay naparito sa aking selda .

Narrator : Dahil doon ay nagulat ang kanyang ina. Niyakap nila ang isa't isa habang umiiyak. Halos
mahigit isang taon din silang hindi nagkita.

Rizal : Kaya po ako naparito upang sabihin sa iyo ang tungkol sa aking mga natangap na gantimpala
sa aking paaralan .

Teodora : Akoy masaya sa iyong binalita sa akin ikaw ay napaka matalinong bata at mahusay ang
iyong pagsisikap sa pag aaral .

Narrator : Tapos na ang bakasyon, bumalik si Rizal sa Maynila para mag-enroll sa ikalawang taon.

-------

Narrator : Naghanap si Rizal ng kasera sa loob ng napapaderan na lungsod, dahil pagod na siyang
manirahan sa labas ng lungsod. May natagpuan siya na isang matutuluan niya sa Magallanes Street,
numero 6, kung saan nakatira ang isang matandang babae na tinatawag na Doña Pepay.

Rizal : Magandang umaga po Ginang, maari po bang magtanong ?

Doña Pepay : Sige iho mag tanong ka lang .

Rizal : Ako po ay si Rizal at ako po ay naghahanap ng matutuluyan kasi ako po ay nahihirapan na


tumira sa labas ng lungsod dahil napaka layo ng aking paaralan kung susumahin kung tumira sa labas
ng lungsod . Maari po ba akong dito makitira ?

Doña Pepay : Nako ! Iho kawawa ka naman

Aba ! Oo naman pwedeng pwede ka tumira dito dahil may bakante pa naman akong
pwede mong matuluyan .

Rizal : Naku po , ako po ay nagpapasalamat ng marami Ginang.

Maari kop o bang malaman ang iyong pangalan Ginang ?

Doña Pepay : Tawagin mo nalang ako sa pangalang Doña Pepay.

Rizal : Maraming salamat po Doña Pepay sa pagkakataong binigay ninyo sa akin .

Doña Pepay : Walang anuman iho.

Narrator : Sa mga sumunod na taon, ang ina ni Rizal ay malaya na mula sa pagkakulong, ang
kanyang ina ay napawalang-sala at nabigyang-katarungan at nang makalabas na siya ay lumapit siya
sa kanyang anak, si Rizal, upang yakapin siya. (Nagyakapan ang mag ina )

Teodora : Anak, ang tagal din nang huli kitang hindi nakita. Nangulila ako ng labis sa iyo akong anak .

Rizal : Namimiss din kita Inay. Natutuwa akong malaya kana inay . Masaya akong makita uli ang
iyong ngiti at magandang mukha.
Narrator : Pagkaraan ng 2 buwan at kalahati, umalis na si Rizal sa bahay nila at bumalik sa
kamakailang nabakanteng silid sa bahay ni Doña Pepay, at ibinalik din ang kanyang buhay noon
bilang isang estudyante. Dahil sa nangyari sa kanyang pag-aaral, unang gantimpala lamang sa Latin
ang natanggap ni Rizal, iyon ay ang medalya, hindi tulad noong nakaraang taon. Umuwi siya sa
kanyang bayan na hindi nasisiyahan dahil sa nangyari sa kanyang pag aaral.

Narrator : Taong ( 1875 - 76)

- Masayang bumalik si Rizal matapos ang kanyang bakasyon para tapusin ang kanyang ikaapat na
taon sa Pag- aaral,at si Padre francisco sanchez ang kanyang naging propesor, inilarawan niya ito
bilang isang masipag, matuwid, at may hangaring umunlad ang kanyang mga mag-aaral.

Narrator :

Naging inspirasyon ni Rizal ang kanyang instruktor, dahil dito bumalik ang pagsisikap niya sa pag-
aaral at natuto siyang sumulat ng tula. Naging tanyag siyang muli dahil dito at labis siyang
ipinagmamalaki ng kanyang propesor na si Padre sanchez.

Narrator : Sa kanyang pagtatapos dala ni Rizal ang katanyagan, at karangalan, siya ay nagtapos na
may matataas na marka sa lahat ng kanilang ( subject) at tinawag na pride of Jesuit.

You might also like