You are on page 1of 20

hindKABANATA XI

MGA LIHAM NI DR. JOSE P. RIZAL

Matapos maibigay ang mga babasahing panitik ni Dr. Jose P. Rizal na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo at masuri ang panitik sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t- ibang teorya.
Ngayon naman ay ibabahagi sa kabanatang ito ang mga sulat ni Rizal.

MGA LAYUNIN:

1. Makilala ang katauhan ng ating pangunahing bayani base sa mga liham na kanyang
isinulat
2. Malimi nang mas malalim ang ang mga laman o layunin ng bawat liham
3. Maiugnay ang uri ng pakikipagtalastasan o komunikasyon ng mga tao noon at ngayon.

PANUTO SA MAG-AARAL:

Bago magtungo sa aralin ay hintayin muna ang instraksyon ng propesor/instraktor/lecturer

tungkol sa magiging daloy ng modyul. May mga paunang gawain na kailangan gawin bago
magtungo sa sa lektura. Pagkatapos ng lektura sa aralin ay mag kakaroon ng mga gawain at
maikling pagsusulit. Sa pinakahuling bahagi ay mababasa ang mga dapat tandaan o
pinakabuod ng aralin. At ang pang huli ay ang asignatura. Sagutan muna ang pahina bilang
101 bago magtungo sa aralin.

ALAMIN AT PAG-ARALAN

Liham ni Rizal sa kaniyang minamahal at dinadakilang ina:

Maynila

Ginang Teodora Alonzo

Pinakamamahal kong Ina,

Kahapon, ng ika-3:10 ng hapon, ay dumating ako sa Maynila nang walang ano mang
kapansanan at may napakagandang panahon.

Natagpuan ko ang bayaw kong si Antonio at si Dando sa bahay ng kapatid niyang babae, at
kinumusta kayong mga naririyan.

Nagsisimula na ang aking mga pag-aaral; binabalak kong humingi ng ilang araw ng pagliliwaliw
upang maparaan sa piling ninyo sa dahilang diyan lamang ako nasisiyahan.

Wala ng iba, magiliwing ina, kumusta sa mababait kong mga kapatid at mga bayaw, gayon din
sa aking mga kaakit-akit na kapatid na babae. Ako nawa ay basbasan ninyong dalawa ni Ama.

Ang inyong anak na nagmamahal sa inyo nang buong puso,

JOSE RIZAL

Ipinakukumusta kayo ni Tiyo Antonio.

Liham ni Rizal sa kanyang Impong Ilyang:

Ginang Basilia Buazon de Leyva

San Jose, bilang 3

Calamba

Ika-13 ng Abril, 1877

Minamahal kong Impong Ilyang,

Tanggapin ninyo sa may dala nito ang walong salop at kalahati ng kakaw na ang halaga ay 14
piso at 7 sikapat. Wala pa ang naaani ng ina ko hanggang ngayon kundi ito at nagpabili siya sa
bundol, alalaong baga ay sa mga naninirahan sa bundok upang makapagpadala pa sa inyo.
Tinanggap namin ang kape ni matandang Teang datapwat sira na.

Sinasabing ang larawan ay may kapintasan o mga kapintasan aywan ko kung nararapat tayong
kumuha niyon. Kung hindi tututol ang tagakuha ng larawan, sa palagay ko’y isang dosena
lamang ang nararapat nating kunin.

Mag-utos kayo sa inyong apong buong pusong nagmamahal sa inyo.

J.RIZAL

Liham ni Rizal sa kaniyang bayaw na si Manuel T. Hidalgo:

Madrid

Ika-27 ng Nobyembre, 1882

G. Manuel T. Hidalgo

Minamahal kong bayaw,

Tinanggap ko ang sulat ninyo noong ika-19 ng kasalukuyan na sa akin ay nagpapatalastas ng

u888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888
8888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888

88888888888888888888888maligayang balitang labis kong kinalulugod, at dinaramdam kong
sa papaano mang paraan ay hindi ko maaaring madaluhan at mapakilahukan ang inyong
kasiyahan.

Lubhang kakaunti ang mga balitang maibibigay ko sa iyo, sapagka’t nauukol sa akin ay
ipinadala ko na sa sulat sa ating mga magulang. Tungkol sa mga balitang nauukol sa pulitika ay
mababasa na ang karamihan sa Diariong Tagalog na pinagpadalhan ko ng isang lathala.

Gayunman ay ibabalita ko sa iyo ang isang pangyayaring nakatawag ng kalooban ng marami

dahil sa sariling-sarili at maliwanag na naglalarawan ng ugali ng isang bansa. Noong una ay
mayroon ditong isang libo na Italyano, na nagngangalang Barghosi, na tinatawag sa makina ng
tren. Nagtungo sa Saragosa at sinasabing siya ay tinalo ng isang taga-Aragon na
nagngangalang Bielsa. Naghamunang muli sa lunsod na ito at si Barghosi naman ang nanalo;
sa gayon, ang bayang galit na galit dahil sa pagkatalo ng kanilang kababayang si Bielsa at
pinag-apuyan ng gayon lamang na poot sa Italyano, na pinagtutulung-tulungan itong pukulin ng
mga bote, sapatos, tinapay at iba’t iba pa. Ano ang sasabihin ng Italyano sa gayon?

Mangyaring ihatid lamang ninyo ang aking pakikidalamhati sa mga angkang namatayan ng
kamag-anak, samakatuwid baga’y sa mga angkang naka-uunawa at naghihintay ng mga
ganitong kaugalian sa pagsasamahan.

Sa lahat ay ipinahahatid ko ang mabuting hangad at mahigpit na yakap, at isang halik kay
Alfredito, na ninanais kong alagaan ninyong mabuti upang siya ay lumaking walang sakit at
malakas.
Ang iyong kapatid,

RIZAL

Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Maria:

Madrid

Ika-30 ng Disyembre, 1882

Binibing Maria Rizal

Minamahal kong kapatid,

Tinanggap ko ang iyong maikli, ngunit masaganang sulat; puno ng masasaya at nakatutuwang
balita. Hindi ko inaantay na ako ay masulatan pa ni tatay at nanay, lalung-lalo na si nanay dahil
sa kalabuan ng kaniyang paningin; matang pinag-iisipan kong gamutin kung ako ay makauwi.
Ang ikinalulungkot ko lamang ay wala akong itinagong sulat ni tatay na aking mabasa-basa.
Lahat sana ng aking sulat sa Kastila na may simulang “Mis queridos padres y hermanos”
“Minamahal kong mga magulang at mga kapatid” ay inyong tinago, dahil sa siya kong
pinagsusulatan ng lahat na nangyayari. Kung ako’y maka-uwi riyan ay aking titipunin at
paglilinawin.

Alamin mo kung ano ang kalagayan nila... at ang mga bilin ng kaawa-awang nag-alaga sa atin.
Sa mabait mong kalooban inaasahan kong hindi magiging gayong gayon.

Sabihin mo sa tatay na aking nakita ang kometang mahaba ang buntot ng isang gabing kami
nila Sangsianco, Paterno at ako’y manggaling sa bahay ni Don Pablo. Ang buntot ay mahaba at
kung sumipot ay simula sa ala-una hanggang alas-sais ng umaga.

Mabuti at si Anding ang nariyan sa atin, paano’t paano ay dating kakilala. Sina Tibusi ay tila
manding aking pang naiwan kina Sidra...
Akala ko kayo ay sawang-sawa sa pamimitas ng bungang-kahoy at pamamangka sa ilog; gabi
at araw at namamasyal. Kung ako sana ay nariyan, tayo ay mangingisdang parati.

Lumalim ba sa dati ang ating ilog? Pagbalik ko, ako ay magsasagawa ng paliligo. Di ka
maniniwalang mula pa ng kalahatian ng Agosto ay hindi ako naliligo at hindi naman ako
nagpapawis. Ganoon dito. Totoong maginaw at totoong mahal ang pampaligo. Tatlong bahagi
ang bayad ng bawat isa.

Sabihin mo kay Milo ay kumusta nang maraming-marami (kung hindi na duling) gayun din kay
Teang, Delfina at Tonyo. Wala ako sa kulambo ni Panya, ni Barselona, kundi sa Madrid. Ang
aking kasama sa bahay ay si Vicente Gonzales, kami lamang dalawa. Araw-araw ay
nahuhulugan ng ngipin at palaging sinasaktan... Ang aming tinitirhan ay ganito ang pagguhit ng
pagkaka-ayos ng tinitirhan. Kami ay may apat na malalaking salamin. Ikumusta mo ako kay Sra.
Ipia at kay Baldo. Gayon din naman kay Loleng, Sula, Marcosa at Vitoria, huwag din ikamong
makalilimot.

Ang iyong kapatid,

RIZAL

Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Josefa:

Madrid

Ika-30 ng Disyembre, 1882

Binibining Josefa Rizal

Minamahal kong Pangoy,

Tinanggap ko kahapon ang inyong sulat na dalawa ni Señora Maria. Nang huwag kayong
magsabi na hindi ko kayo sinasagot, ay susulatan kita kahit na ako ay kakapusin yata ng
panahon. Labing-apat na sulat ang aking natatapos at maikli sa lahat ay ang sa iyo dahilan sa
naubos na ang aking sasabihin.

Hinihintay kong ako ay datnan ng mga haleang bayabas na akala ko ay gawa ni tatng at ni
Señora Neneng dahilang mas nag-impok sa akin dine. Huwag ninyo akong hiyain. Sa Karnabal
na darating ay isusuot ko ang aking barong gasa, kung nandito sana ang salakot kong sungay
ay inaakala kong sila ay magugulat. Sayang at hindi ko nahingi.
Si Trining ay hindi sumusulat sa akin; anhin ko si Choleng na wala sa bahay, baka ayaw
pasulatin o hindi pinasusulat. Gayunman ay kayo o ikaw ay sulatan mo akong lagi at nang ikaw
ay mabihasa. Inyong pagpisan-pisanin ang lahat ng sulat sa isang sobre at inyong timbangin,
kung wala sa 15 gramos, o alin pa ay di pa lampas sa isang selyo. Kaya ganito ang sabi ko, ay
tila kayo natatakot baka bumigat ang sulat.

Gayon din ang bilin ko kay Señora Sisa.

Akala ko ay palagi kayong maingay diyan sa bahay kung napapariyan ang mga kaliitan. Hindi
man din kayo magkamayaw sa mesang ipil, ibig ko sana kayong makita sa isang butas ng
kosmorama. Huwag mong antaying ako ay pumuti at magmukhang Kastila.

Nariyan ba si Sra. Ipia? Kung tumatawa ba ay maliit pa rin ang mata? Kumusta kay Trining.

Ang iyong kapatid,

RIZAL

Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Paciano:

Madrid

Ika-30 ng Disyembre, 1882

G. Paciano Rizal

Minamahal kong kapatid,

Tinanggap ko ang iyong sulat ng ika-13 ng Nobyembre at nabatid ang doo’y nilalaman.
Nakatanggap ako kay Tiyo Antonio ng 50 piso, na hindi ko inaakalang sa atin galing at
gayunman ay napapanahon ang pagkakarating sapagkat hinihintay ko ang buwanang pensiyon
ng Disyembre; hanggang ngayon ang paniwala ko ay ang kahuli-hulihang 100 piso na
tinanggap ko ay ukol sa aking mga ginamit sa taglamig at matrikula.

Ikinagagalak kong sabihin na di pala ang iyong pagkakaunawang ang halagang nakagawian
mong ipadala sa akin, na sapat at may labis pa sa Barcelone, ay hindi nagkakasya dito na ang
mga gugugol ay dalawang ibayo. Apatnapung duro ay nakasasapat kung mamumuhay nang
matipid at hindi gugugol sa damit. Sa halagang ito ay makapapasok minsan isang linggo sa
dulaan ngunit hindi na hihigit pa sa minsan lamang. Marahil ay may malalabi pang isang duro o
dalawa sa isang buwan sakaling hindi nagkaroon ng di-pangkaraniwang mga gugol. Isa sa mga
bagay na lubhang nakapagpapayat sa bulsa ay ang labada, mga sikulate at mga kape,
sapagkat yamang ako ay nakatira sa isang na totoong maginhawa ang aking kalagayan, at
kumakain sa iba, ay napipilitan akong mag-agahan sa ibang pook sapagkat walang agahan sa
kinakainan ko. Sa halagang 50 piso ay maluwag na maluwag na ang isang tao at maaari pang
makapagtipid para sa panahong gipit.

Inaari kong isang dakilang biyaya ng tadhana ang hindi natin pamumulubi sa napakaraming
sakunang nangyayari riyan.

Umaasa akong pakikinabangan at maaani mo ang asukal taglay ang kasanayan at kapalaran
gaya ng dati, sapagkat sa gayon ay maaaring matupad ang isa sa mga hangarin ko na dili iba
kundi ang makita ka dito ng isa o dalawang taon at si Marianito, Neneng at iba pa na naghahali-
halilinan. Kinakailangang maglakbay.

Binabalak kong sa Hunyo ay pumaroon sa Paris o sa Roma, hindi ko pa napasisiyahan, kung

magpapakaganap ako sa Pranses na mabuti na ang aking pagkakaalam o kaya ay tutungo sa
Roma upang malasin ang mga bantayog at matuto ng Italyano. Kapag walang nalalamang wika
ay malaki ang nagugugol at masama ang nagiging paglalakbay.

Sabihin mo sa iyong mga kaibigan, sa mga maykaya, na inaanyayahan ko ang kanilang mga
anak na pumunta sa mga pook na ito. Ninanais ko sanang ang susunod na salin ng lahi, ay
maging isang salin ng lahing liwanag, maningning, matalino at maunlad kapwa sa mga
mamamayang Pilipino.

Ang iyong kapatid,

RIZAL

Liham ni Rizal sa kaniyang bayaw na si Silvestre Ubaldo:

Madrid

Ika-17 ng Enero, 1883

G. Silvestre Ubaldo

Minamahal kong bayaw,

Natanggap ko ang iyong sulat ng ika-23 ng Disyembre at natanto ang doo’y nilalaman.
Nagpapasalamat ako sa katiyagaan mo sa pagsulat sa akin ngunit ipinatatalastas ko sa iyo na
ang iyong dalawang minamahal kong sulat, nguni’t ipinalalahay kong hindi mo pa natatanggap
ang kasagutan dangan ng kalayuan ng mga pagitan.

Dinaramdam kong lubos ang hindi mo na pagkabalik sa ating bayan at nang kayo ay
magkatipun-tipon, isa sa mga nasa ko at pag-iisip. Kasiraan ng mga tungkol sa hari.

Natuwa ako sa ibinalita mo sa akin na si Sra. Ipia ay umuwi sa Calamba noong magpapasko
dala ang aking masasayang alaala sa mga kaarawang yaon.

Di ko na sasabihin sa iyo ang mga ibang pangyayari sa akin sapagkat nasabi ko na sa mga
sulat sa bahay, kung sakali at ikaw ay maka-uwi ay iyong mahihingi.

Sa Ministeryo ay titingnan ko kung ikaw ay magagawan ko ng mga magaling; ngunit kakaunti pa

ang aking mga kakilala. Kung hindi sana malaki ang iyong pag-asa sa iyong sinimulang
katungkulan, at inaakala kong malaki ang kabutihan kung ikaw ay magpatanim ng lupa. Ngunit
sayang namang iwan ang isang bagay na sukat mong ipagkapuri.

Mabuti at wala na akong sukat hilingin sa aking kalagayam gayundin naman sa buti ng katawan
siya ko ring ninanasa sa inyong mag-asawa. Ipakumusta mo ako sa iyong mga kapatid at kay
Sra. Ipia na totoo ang akala kong mataba. Huwag kamong humisol-hisol.

Ito na lamang.

J.RIZAL
Liham ni Rizal para kay Dr. Meyer:

37 Calcoat Crescent,

Primrose Hill, N.Wl, Londres,

Ika-27 ng Pebrero, 1889

Dr. A.B. Meyer

Ipinakatatangi kong Ginoo,

Dinaramdam kong ipagbigay-alam sa inyo, na katatanggap ko lamang ng isang mapag-bigay

loob na sulat ni Dr. Niumann, na nagsasabing dahil sa karamihan ng kaniyang gawain ay hindi
niya matatanggap ang pagiging Kasangguniang bokal ng Samahan.

Kung inaakala ninyong hindi maaaring makakita ng ibang ginoong makakahalili, ay kikilanin
kong isang malaking utang na loob sa inyo na sabihin sa akin upang maialok ko sa inyong
mapipili at sakali namang hindi, ay mapipilitan na tayong magpatuloy nang walang mahalagang
tulong ng mga Colandes, bagay na dapat damdamin.

Inihihingi ko sa inyo ng maraming pagpapaumanhin ang mga kaabalahang idinudulot ko sa

inyo.

Ipinagkakapuri kong ihandog sa inyo bilang lingkod na nakalaan.

JOSE RIZAL

Liham ni Rizal para kay Sixto Lopez:

2 Rednaxela Terrace, Hongkong

Ika-22 ng Pebrero, 1892

Piling kaibigang Sixto,

Hindi ako nakatagpo ng wiski na ang tatak ay John Pomer, kaya hindi na ako nangahas bumili.
Sulatan mo ako uli upang bigyan ako ng ibang tatak. Ang piyesa ng dril (jipijapa) at
nagkakahalaga ng 20 piso bawat isang piyesang may 40 dipa. Inaakala kong magiging lalong
mabuti, sapagkat ang hinihapang ito ay hindi karaniwan diyan sa mga mag-aaral. Ang piyesa ng
dril na de hilo na may mga guhit na pahalang ay nagkakahalaga ng 23 piso; ayokong ibili ka ng
karaniwan.

Yamang hanggang ngayon ay hindi pa ako nakikipagkita sa mayordomo, nangangamba akong

baka mangamatay sa paglalakbay. Kapag nakausap ko na ang Mayordomo, ay saka na ako
magpapasiya. Tungkol sa bibiling biskuwit, ay saka na kita padadalhan sa pamamagitan ng
Mayordomo ring iyon, sapagka’t hindi naman mahirap dalhin ang mga iyon sa paglalakbay.

Mag-utos ka ng anumang naisin mo.

Magiliw na sumasaiyo,

RIZAL

Liham ni Rizal para kay Pastor Ulmer:

Jagerstrasse 71, Berlin

Ika-10 ng Mayo, 1887

Mahal na Pastor Ullmer,

Umaasa akong natanggap na ninyo ang aking aklat na ipinadala ko sa inyo noong buwang
nakaraan. Ngayon ay nangangahas akong magpadala sa inyo ng aking retrato at humingi ng
inyong retrato. Uuwi na ako sa amin.

Bukas ay tutulak ako buhat dito, maglalakbay ako ng daraan sa Dresden, Leitmeritz, Praga,
Viena, Munchen, Nuernberg Konstranz, Basel at Genoa. Sakaling kayo ay susulat
magpapadala sa akin ng inyong larawan, ay ipadala ninyo sa Genoa (Pagpapadalang
Pangkalahatan). Darating ako roon ng mga ika-20 ng buwang ito.

Tinanggap ko ang mahal na sulat ni Federico at pinasasalamatan ko siya nang marami.

Susulatan ko siya buhat sa Viena at marahil ay may ipapadala ako sa kaniya.

Sakaling susulat kayo sa akin, pagkatapos, ay ipadala ninyo ang inyong liham sa Kapuluang
Pilipinas

Ginoong Dr. Jose Rizal

Calamba, (Laguna de Bay)

Mga pagbating pangmagkaibigan sa mahal na maybahay ninyo, kay Eta, na marahil ay malaki
na, at kay Federico. Manatili kayong malusog.

Pahabol:

Buhat sa Heilbornn ay baka makapariyan kami, ang kababayan ko at ako, sa Heidelberg, at

dadalawin namin kayo minsan pa. Paalam!

Tapat na sumasaiyo,

(Nilagdaan) RIZAL

Liham ni Rizal para kay Federico:

Munchen

Ika-20 ng Mayo, 1887

Mahal na Federico,

Umaasa akong hindi mo ikinagalit ang pagkabalam ng pagsagot ko sa iyong kalugud-lugod ng

sulat. Upang sabihin sa iyo ang totoo ay wala akong sukat maibalita sa iyo; ang ibig kong
sabihin ay walang mahalagang bagay, kaya hindi ako makasulat sa iyo kahit isang talata.

Malapit na akong umuwi sa aking bayang tinubuan at hindi na ako makakabalik marahil dito. Sa
paglalakbay ay daraan ako sa Suwisa, Italya, at iba pa. Sakaling may ninanais kang anumang
bagay ay sumulat ka sa akin, at gagawin ko ang lahat upang pairugin ang iyong bilin.

Ang tirahari ko ay:

“Ginoong Jose Rizal

Calamba (Laguna de Bay)

Kapuluang Pilipinas”

Ipakisabi mo sa butihing maybahay ng Pastor, ang iyong ina, na pagkarating ko sa bahay ay

susulatan ko siya. Kailan man ay hindi ko malilimot na siya’y napakabuti, gaya rin ng iyong ama,
sa akin, noong ako ay isang di-kilala, walang mga kaibigan at kakilala. Ang pinakamabubuting
mga araw ko ay aking pinaraan sa Rusya at Austriya, sapagkat sa mga nasabing pook ay may
mga kaibigan akong magiliw na kumupkop sa isang tiga-ibang bansa.
Kailanman ay di ko malilimot ang Wilhelmsfield at ang mapagtuloy na bahay ng ministro doon.

Niyayakap ka ng mabuti mong kaibigan,

RIZAL

Sa Aking Bayan

Sa kasaysayan ng mga dinaramdam ng tao ay kabilang sa isang sugat na lubhang

napakasama na sa munting masalang ay sumasakit at nagbibigay ng matinding kirot.
Kailanma’t sa gitna ng mga bagong sibilisasyon ay tinangka ko ang kita ay banggitin, upang
taglyain ang iyong alaala o upang ipantay kita sa ibang bayan, ay namamalas ko ang kagiliw-
giliw mong larawan na may gayon ding sugat sa pamamayan.

Sa pagnanasa ng iyong ikabubuti, na siya rin namang ikabubuti namin, at sa paghanap ng

lalong mabuting paraan, ay gagawin ko sa iyo ang ginagawa ng mga tao sa unang kanilang
mga maysakit; inilalantad sa mga baitang ng simbahan ang mga maysakit upang ang bawat
manggaling sa pagdalangin sa Lumikha maghatol sa kanila ng isang kagamutan.

At dahil dito ay nagpupunyaging mailarawang buong-buo, nang walang kapangi-pangimi, ang

iyong kalagayan, itataas ko ang bahagi ng tabing na nakatakip sa kasiraan, ipaiilalim ang lahat
ng dahil sa katotohanan, sampu ng paglingap sa sarili, sapagkat sa dahilang anak mo ay taglay
ko rin ang iyong mga kasiraan at karupukan ng loob.

JOSE RIZAL

Europa 1886

Pakikipagsulatan ni Rizal sa mga Tagapagpalaganap

Ang hugis ng “La Solidaridad”: Mapanghawak sa matuwid, mahinahon at maliwanag. - “Kung

walang 1872 ay wala sana ngayong Plaridel, ni Jaena, ni Sancianco; kung walang 1872, si
Rizal sana ngayon ay isa ng Hesuwita”. – Huwag mabalita dahil sa ang ilan ay nalagas. Ang
katunayan ng puso at ng apoy. Ang kulay ng taong magbibigay halimbawa sa bayan at
makapagpapasiglang gaya ng mga martir na Kristiyano. Walang nakaalam kung paano ang
magiging ayos sa sandali ng kamatayan, nakaririmarim ang mamatay sa bitayan ng bata pa at
may mga isipan sa ulo. “Ang araw na makita ninyo akong nasa mga kuko ng mga prayle, ay
sikapin ninyong maglagay ng iba sa kinaroroonan ko upang maghiganti.”

Liham buhat kay Rizal para kay Ponce at sa mga kasama sa “La Solidaridad

18 Rua de Rochechouart,

Paris

Ika-18 ng Abril, 1889

Minamahal kong kaibigan,

Tinanggap ko ngayon ang sulat mo sampu ng Solid. Totoong magaling ang numerong ito, at
pagaling nang pagaling.

Kay Graciano:

Ikinatutuwa ko ang hindi pagkalabas ng artikulo ko laban sa “La Defensa”, sa susunod ay

mailalathala na ninyong may pagkakabago, dagdagan o alisan ng inyong maibigan, kalakip ang
mga talang makukuha kay Escosura na ipinadala ko kay Plaridel. Ang hugis ng pahayagan ay
gaya ng ibig namin dito: mapanghawak sa matuwid, mahinahon, maliwanag ang tandisan, at
malaman. Binabati namin ang lahat.

Ipinadala ko kay Naning ang isang sulat-kamay upang maipalimbag diyan. Nais kong maiwasto
ang mga pruweba. Ang magugugol sa Koreo, sa pagpapadala at iba pa ay ilagay mo sa ngalan
ko at ipadala sa akin ang dapat bayaran upang mapadalhan kita ng kuwalta, sakaling
magkulang.

Tungkol sa mga pagbibilanggo, ay ngayon lamang natalos sa pamamagitan ng pahayagang “La

Solidaridad”, ang sanhi kung bakit sila nanggipit. Gagawa kami ngayon ng nararapat gawin
sapagkat ang pagkakaroon ng mga aklat na laban sa prayle ay hindi isang kasalanan. Tangi rito
ang lahat ng ito ay kalagim-lagim, at kung totoo ngang dapat damdaming parang isang
kasawiang sarili, ay dapat namang palakpakan na parang isang kabutihan ng lahat.
Liham kay Trinidad ni Rizal

Ang mga handog ni Josephine

(Salin ni Ben Cailles Unson)

Tatanggap ka ng isang kahong isda, kakaw, at mga aklat. Ang isdang daing ay galing kay
Binibinig J. at ipamamahagi mo iyan kina Neneng, Sra. Sisa, sa mga ale at kay Nor Gino. Ang
mga aklat ng musika ay regalo ni Binibining J. kina Angelica at Delfina.

Masayang dumaan sa amin ang Pasko, gaya ng dati. Naglitson kami ng Bulaw at nagluto ng
manok; inanyayahan namin ang aming mga kapitbahay; nagsayawan kami hanggang madaling
araw. Noong Disyembre 31 ay hindi kami natulog hanggang makabagong-taon.

Higit na mabuti si Binibining J. kaysa pagpapakilala sa kaniya ng marami, at iniwawasto naming

dalawa ang kaniyang mga pagkukulang. Siya ay mapagkumbaba, masunurin, at hindi matigas
ang ulo; tangi sa rito, siya’y maawain. Ang kulay na lamang sa amin ay ang bumayad kami ng
pari, ito lamang ang kulang sa amin, hanggang ngayon ay di pa kami nagkakagalit lagi kaming
masayang nagbibiruan. Maaaring sabihin ng madla na ito ay isang alingasngas.
Napakamaalingasngas ang mabuhay nang maligaya kaysa maraming mag-asawa. Kami ay
gumagawa at nasisiyahan kami. Siya ay nagsisikap na magaling upang maging kaibigan mo.
Ngunit ano ang sasabihin ng mahahabang-dila? Kung paparito ka at ayaw kang tumira sa aking
tahanan makapagbubukas ka ng tindahan sa bayan.

Ipinapaabot ni Binibining J. ang pinakataos niyang pagbati... –

Dapitan, Enero 15, 1896

Liham kay Ten. Luis Taviel de Andrade

Sa Aking Manananggol

(Salin ni Ben Cailles Unson)

Maaaring ang aking kapatid na babae ay makipagkita sa iyo sa bahay mo upang sumangguni
hinggil sa aking usapin. Maaaring sa kaniyang pagmamalasakit na ako ay lumaya, siya ay
magtanong sa iyo ng bagay na ikayayamot mo. Umaasa ako matutuhan mong magpaumanhin
sa mga kasugiran ng mga babae. Di ka niya kilala sa iyong katauhan. Ipinahiwatig niya sa akin
na nais niyang sumangguni sa isang abugado. Tahas kong sinasabi sa iyo, bilang aking
manananggol, yamang higit na di ko kailangan ang ibang manananggol, yamang higit akong
nagtitiwala sa karangalan ng aking manananggol kaysa sa kasanayan ng isang abugado, at
naniniwala akong ang katangiang ito ay taglay mong lubos para sa aking hamak na usapin.
Tangi sa rito, ikaw ay higit na nakatatalas sa ilang hakbang ng aking usapin kaysa ibang
abogado na di ko nakausap. Gayunman, yamang ipinagkatiwala ko ang aking usapin sa iyo, ito
ay lubos kong ipinauubaya sa iyo. Pasyahan mo ang inaakala mong siyang pinakamabuti, at
sumangguni ka, o huwag, sa iba. Nasisiyahan ako sa aking pinili... – Maynila, Disyembre 10,
1896

Buhat kay Rizal para kay Ricardo Carnicero

Dapitan

Ika-25 ng Oktubre 1892

G. Ricardo Carnicero

Dapitan

Kaibigang Ginoong Carcinero,

Iniisip-isip kong mabuti ang mga bagay na naging paksa ng maraming pagkakapag-usap natin
nang mga araw na ito, at sinusulat ko ang aking naiisip upang iyong mapag-alaman at huwag
ninyong malimutan.

Hindi lamang lubos na ikagagalak kong makita rito ang aking mga kamag-anak at mga
kababayang nasa Holo, gaya ng ipinahayag ko na sa maraming pagkakataon, kundi hanggang
sa inaakala kong nararapat ang kanilang pagparito, para sa kanila at marahil pa ay para sa
buhay ng purok na ito. Ito ay maiibigan nila dahil sa kapakanan ng pagsasaka, at natitiyak kong
kung dito sila maninirahan ay paririto ang maraming kababayan ko, at sino ang nakaaalam kung
may paririto pang tagaibayong dako ng Luzon upang magbungkal ng malalawak na lupain ng
Mindanaw. Ako rin, na bagaman ang pinagbuhatan ko ay mga magsasaka, ngunit hindi naman
ang pagsasaka ang aking hanapbuhay, ay titira na ako rito sa habang panahon at malugod na
haharapin ang bukid, sakaling magbabago ang aking kalagayan at magagamit ko ang aking
buong kalagayan, upang bungkalin ang maliit na lupang ang pagmamay-ari, gaya ng nalalaman
ninyo, ay ninanais kong ipatala at buong karapatang magiging akin. Papaparituhin ko ang aking
mga magulang, at ipakikidala ko ang lahat ng ari-arian ko, mga sandala, mumunting mga lilok at
higit sa lahat ay ang mga aklat ko, kailanman at titiyakin sa akin ang malayang pagpasok at
malayang paggamit ng mga iyon; kung hindi magkakaganito, ay lalo kong mamabutihing
ipagkaloob ang mga iyon sa isang aklatang bayan upang mapakinabangan at hindi masira.

Hindi na, marahil, kailangang sabihin ko na ipinangangako ko sa Pamahalaan na hindi ko

pagmamalabisan ang kalayaang sa akin ay ipagkakaloob.

Magiliw na sumasainyo,

RIZAL

Paglilinaw:

Ang liham na isinulat ni Rizal sa kahilingan, na rin ni Carcinero bilang pagsunod, sa bilin ng
Gobernador Heneral Despujol. Nais matiyak ng Gobernador at upang matiyak din kung
nakalimot na si Rizal sa balak na pagpapatayo ng isang bayan-bayanan ng mga Pilipino sa
Borneo, (DLR). Sa Dapitan din ay binalak din ni Rizal na magatayo ng isang bayan-bayanan
para sa mga magsasaka (JPB).

Iba-iba ang mga may-ari ng lupang sakahang ito sa nabili ni Rizal, na humigit-kumulang sa 16
na ektarya, subalit nang sukating muli ay umaabot sa 23 ektarya. Natatamnan ang isang bahagi
nito, samantalang ang isang bahagi, ay walang tanim. Ang bahaging may tanim ay nagtataglay
ng 60 puno ng kakaw, ilang puno ng kape at namumungang mga halaman. Sa halagang 18
piso ang pagkabili ni Rizal.

Sinikap ni Rizal na magkaroon ng tinatawag na information posesoria upang maipatala na sa

kanyang pangalan sa sandaling magkaroon na ng titulo sa mga ari-arian.

Liham ni Dr. Jose Rizal kay Gat Marcelo H. Del Pilar

kalakip ang kanyang sulat para sa mga Dalagang Taga-Malolos

Londres, Inglatera

22 Pebrero 1889

Minamahal kong kaibigang PLARIDEL:

Nariyan na ang mahaba kong mga paalala sa mga taga-Malolos, ninyo at wasto, sapagkat dito
ay wala akong makausap ng Tagalog at parang may nalilimutan na ako. Inaakala kong dapat
sabihin sa kanila ang higit pa sa isang pangkaraniwang sulat, at iyan ay naririyan na pag-
iingatan ninyong huwag mahulog sa kamay ng mga prayle at mawala; iyan ang balangkas ng
sinulat ko, ako’y walang sipi.

Ipagpaumanhin ang maikling sulat na ito, ngunit ang paalala sa mga taga-Malolos ang siyang
ipinangalay ng kamay.

Sumasainyo,

LAONG LAAN
GINTONG BUTIL NG KAALAMAN

Mga Liham ni Rizal:

 Liham ni Rizal sa kaniyang minamahal at dinadakilang ina

 Liham ni Rizal sa kanyang Impong Ilyang
 Liham ni Rizal sa kaniyang bayaw na si Manuel T. Hidalgo
 Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Maria
 Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Josefa
 Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Paciano
 Liham ni Rizal sa kaniyang bayaw na si Silvestre Ubaldo
 Liham ni Rizal para kay Dr. Meyer
 Liham ni Rizal para kay Sixto Lopez
 Liham ni Rizal para kay Pastor Ulmer
 Liham ni Rizal para kay Federico
 Sa Aking Bayan

You might also like