You are on page 1of 50

Ang Pambihirang

Sombrero
ni Jose Miguel Tejido
Mahilig
mangolekta ng
kakaibang mga
gamit si Mia.
Isang araw,
naghalungkat si Mia
sa lumang baul ng
kaniyang lola.
Laking tuwa niya
nang makatagpo siya
ng sombrero.
Kakaiba ang itsura
nito!
Humarap si Mia sa salamin
para sukatin ang sombrero.
Sinubukan niyang isuot ito sa
iba’t ibang paraan. Ngunit
naisip niya, bakit parang may
kulang?
Lumabas ng kanilang bahay si Mia
at nagtungo sa tindahan sa tapat.
“Magandang umaga, Manang Sol,”
bati ni Mia.
“Maganda po ba ang aking
sombrero?”
“Oo Mia, pero mas maganda kung
lalagyan pa natin ng alkansiya,”
sagot ng tindera.
Nagulat si Mia sa handog sa kanya.
“Salamat po Manang Sol,” sabi ni
Mia.
Sunod na pinuntahan ni Mia
ang panaderya.
“Mang Rico!” tawag ni Mia.
“Maganda po ba ang aking
sombrero?”
“Oo Mia, pero mas maganda
kung palalamutian pa natin ng
kandelabra,” sagot ng
panadero.
Salamat po Mang Rico,” sabi ni
Mia.
Nagdaan din si Mia sa klinika.
“Doktora Dulce, maganda po ba
ang aking sombrero?” tanong ni
Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda
kung papatungan natin ng mga
prutas,” sagot ng doktora.
Salamat po, Doktora Dulce,”
sabi ni Mia.
Naglakad pa si Mia at
nakarating sa estasyon ng
bumbero.
“Mang Ador, maganda na po ba
ang aking sombrero?” tanong ni
Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda
kung dadagdagan natin ng
akwaryum,” sagot ng bumbero.
Salamat po Mang Ador,” sabi ni
Mia.
Pagtawid niya sa kalsada,
nakasalubong ni Mia ang pulis.

“Mia, Kakaibang sombrero iyan,


ah!” bati ni Mang Kalor. Pero
mas maganda kung sasabitan pa
natin ng hawla.”

Salamat po Mang Kalor,” sabi ni


Mia.
Umabot si Mia sa hardin ng
plasa.
“Mang Lito, maganda na po ba
ang aking sombrero?” tanong
ni Mia.
“Oo, pero mas maganda kung
kakabitan pa natin ng mga
bulaklak,” sagot ng hardinero.
Salamat po Mang Lito,” sabi ni
Mia.
Pagdating sa palaruan,
napakarami nang palamuti sa
sombrero ni Mia!
“Mia, itong saranggola na lang
yata ang kulang diyan!” sabi ng
kanyang kalaro.
“Sandali lang, Toto!” sigaw ni
Mia.
Ngunit naitali na ni Toto ang
saranggola.
Biglang umihip ang
napakalakas na hangin.
Kumapit si Mia sa
kaniyang sombrero at
natangay siya paitaas.
Nakarating si Mia sa mga
ulap!
Biglang lumobo ang kaniyang
sombrero at naging isang
napakalaking parasiyut.
Nang tumapat ito sa
araw, nakita ng lahat
ang angking ganda ng
sombrero!
Si Jose, Ang Batang Magalang
ni Arjohn V. Gime
Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay
sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si
Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla
siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit
si Jose sa kaniyang ina.
“Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga
kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.”
“Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan? Tanong ni Jose.
“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni
Nanay Lorna kay Jose.
“Sige po Nay! Tugon ni Jose.
Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang
Melchor.
“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng
masiglang bata sa may-ari ng tindahan.
“Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?”
tanong ng tindero sa bata.
“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong
paminta, isang bote ng mantika, suka at toyo.” “magkano po
lahat?”tanong ni Jose.
“Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika,
sampung piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya
lahat-lahat ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting
tindero.
”Salamat po, Mang Melchor,” “Walang anuman, Jose!”
Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman niya si
aling Helen na kanilang kapitbahay.
“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito
sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo
napagod.” “Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking
lulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?”
“Opo kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at
hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang
makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa
paaralan at hindi na makatutulong sa tanghali. Sige po mauna na
ako.”
“Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna
kayo,”ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng
kaniyang sirang tricycle, sabay kaway.
“Uy, Ben.Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at
mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige
ka,ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis , mo ang mga
mangyayari sa unang araw ng pasukan natin, Ang paalala ni
Jose sa kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa
kanilang bahay.
At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May
ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita
niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso.
Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga
taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang
Melchor.
Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?
Tomas Cabili
Sultan Demasangkay-ko-Ranao
Tomas Cabili
Sultan Demasangkay-ko-Ranao

Ako si Tomas Cabili. Ipinanganak ako sa Iligan, Lanao del Norte nong Marso
7,1903. Kilala ako sa tawag na Sultan Demasangkay-ko-Ranao. Nagtapos ako ng
Batsilyer ng Sining sa Unibersidad ng Pilipinas sa Cebu nong 1925. Kumuha naman
ako ng kursong abogasiya sa Visayan Institute at Philippine College of Law. Nagkamit
ako ng parangal sa larangan ng pagtatalumpati at debate. Nagtapos ako ng kursong
abogasiya noong 1929.
Isa ako sa mga nahalal upang lumikha ng konstitusyon ng Pilipinas sa
Contitutional Convention (ConCon) noong 1934. Nakilala ako dahil ako lamang ang
tanging kinatawan sa ConCon na hindi nagpatibay sa nabuong konstitusyon noong
1935. Naglingkod ako bilang senador mula 1946 hanggang 1955.
Magtanim Upang Mabuhay
Oras ng asignaturang Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan ng mga mag-aaral sa ikaapat na
baitang. Nasa loob sila ng silid-aralan. Ganito ang
sinabi ng guro. “Mga mag-aaral kayo ay tuturuan
kong maghanda ng tamang taniman ng gulay.
Tuturuan ko rin kayo ng wastong pagtatanim at pag-
aalaga ng mga gulay, halaman, at punongkahoy.
Kailangan natin ang magtanim upang mabuhay.
Dinala ng guro sa halamanan ng paaralan ang
mga bata. Dito niya itinuro ang wastong
pagbubungkal ng lupa at ang paghahanda ng
taniman. Binigyan din niya ng kani-kaniyang lugar na
bubungkalin ang bawat mag-aaral. Maayos na
nagsigawa ang mga mag-aaral. Sa hindi sinasadyang
pagkakataon ay nabagsakan ng asarol ang paa ni
Efren. Nagdurugo ang paa nito. Agad naming dinala
nina Dodo at Bino si Efren sa klinika ng paaralan.
Ginagamot siya ng nars at pinayuhang umuwi at
magpahinga.
Hindi nakapasok ng ilang araw si Efren sapagkat
namaga ang kaniyang paa. Nang magaling na ang
kaniyang sugat ay saka pa lamang siya nakapasok sa
paaralan. Ang halamanan ang una niyang tinungo
upang makita ito. Anong laking pagkamangha niya
nang makitang yari na ang kaniyang plot.

Sanggunian:
Filipino 4 Sagisag ng Lahi, Batayang Aklat sa Filipino-Pagbasa
Angelita L. Sta. Ana, pp. 24-25
Hindi Sagabal
Isang masigabong palakpakan ang ibinigay
ng mga nagsipagtapos at kanilang mga
magulang nang umakyat si Maryann sa
entablado upang tanggapin ang kaniyang
diploma at medalya.
Nagtapos bilang cum laude si Maryann
Rosuman sa Pamantasan ng Northern Philippines.
Pinalakpakan siya hindi lamang dahil sa kaniyang
katalinuhan kundi dahil sa kakaiba siya sa lahat.
Tatlong talampakan at limang daling lamang si
Maryann. Isinilang siyang walang mga paa, 20 taon
na ang nakalilipas. Katutubo siya sa Barangay
Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur. Nagtapos siya sa
kursong accounting. Hindi nagging balakad ang
kapansanan niya sa kaniyang pag-aaral. Naging
valedictorian siya noon sa elementarya at
sekundarya. Kahit hirap sa pagtindig at pagpunta
sa klase, napagaan yaon ng pagiging matulungin
ng kaniyang mga kamag-aral.
Franz Liszt
Itinuturing na “Pinakadakilang Piyanista sa Lahat ng
Panahon” si Franz Liszt. Ipinanganak sita noong Oktubre
22, 1811 sa Lunsog ng Raiding, Hungary. Isa siyang
huwarang anak at mabuting bata.
Nahilig na si Franz sa musika sa gulang na lima.
Tinuruan siya ng kaniyang tatay na si Adam Liszt sa
pagtugtog ng piyano.
Nang sumapit na si Franz sa gulang na walo,
nagsimula na siya gumawa ng mga komposisyon na may
kinalaman sa simbahan. Nang makita at marinig ito ng
mga taong simbahan, binigyan siya ng pagkakataon na
magkaroon ng isang konsiyerto.
Maraming tao ang dumalo sa araw ng kaniyang
palabas. Ibinuhos lahat ni Franz ang galing niya sa
pagtugtog ng piyano gamit ang kaniyang komposisyon.
Ang madla ay humanga, naiyak, at nagalak sa namalas
nilang kahusayan ni Franz.
Simula noon, marami ang nag-alok sa kaniya na
magtanghal. Nakarating siya sa iba’t ibang panig ng
mundo. Namalas ng karamihan ang kaniyang angking
talent. Nahirang siya bilang isa sa mga pinakadakilang
piyanista at kompositor. Pumanaw siya noong Hulyo 31,
1886.
Sa maputing buhangin
ng isang tangrib nakatira si
Hipon at Biya. Kahit hindi
magkauri, magkasama silang
nakatira sa isang lunggang
binungkal sa buhangin ni
Hipon. Masaya sila sa
ganitong pamumuhay.
Trabaho ni Hipon na
panatilihing malinis ang
kanilang lungga. Hindi niya
hinahayaang pasukin ito ng
buhanging dala ng mga alon.
Dahil sa sampu niyang
mahahaba at matitinik na
binti, hindi ito problema.
Kaniya ring sinisigurado na
kumakain nang maayos si
Biya.
Si Biya ay mahigpit na
binabantayan ang lungga mula sa
mga nais mang-abala. Kaniya ring
tinitiyak na ligtas si Hipon mula sa
malalaki’t gutom na isda na sarap
na sarap sa manipis nitong balat.
Tuwing may papalalapit na
malalaking isda, agad na
ipipilantik ni Biya ang buntot nang
ilang beses. At si Hipon, na
malabo ang mga mata ay
magmamadaling papasok sa
lungga upang makaiwas sa
panganib.
Kapag bumabagyo,
hinaharangan ni Hipon ng
bato ang bungad ng lungga.
Dahil dito, ligtas si Hipon at
si Biya mula sa mga along
humahampas sa tangrib.
Ganitong panahon nang
magsimula ang kanilang
alitan.
Ilang araw na ring bumabagyo
at pagod na si Hipon sa pagtutulak ng
buhanging pumapasok sa kanilang
lungga.
“Wag ka ngang lumangoy-
langoy lang! Kumilos ka naman
diyan!” sigaw ng pagod na pagod na
si Hipon.
”Ano namang magagawa ko?”
sagot ni Biya.
“Wala namang makapasok sa
lungga para tayo’y kainin.
Alam ni Hipon na tama si Biya.
Pero bakit kailangang siya lang ang
laging magtrabaho?
“Ikuha mo ako ng
pagkain!” utos ni Hipon.
“Kamutin mo ang likod
ko!”
“Pero mga palikpik lang
ang mayroon ako!” sagot ni
Biya, na gustuhin man ay di
magawa ang mga utos ni
Hipon.
Alam ni Hipon na tama
si Biya ngunit patuloy pa rin
nitong kinukulit si Biya.
Hindi na matiis ni Biya
ang nangyayari. Kaya
pagkatapos ng bagyo,
lumangoy siya palabas ng
lungga.
“Saan ka pupunta?”
tanong ni Hipon.
“Maghahanap ako ng
ibang lungga! sagot ni Biya.
Sa isang pilantik ng
kaniyang buntot, siya’y nawala.
“Bllb,”sambit ni Hipon at
gumapang siyang pabalik sa lungga.
“Kung sa kaniyang palagay ay
kailangan ko siya, nagkakamali siya”.
Di nagtagal, lumabas si Hipong
malabo ang mata. Isa palang
pindangga ang naghihintay sa kaniya
sa labas ng lungga.
Buti na lang at bago siya
manguya ng matutulis at bako-
bakong ngipin ng pindangga,
nakapasok sa lungga si Hipon, na
bahagi lang ng isang binti ang
nawawala.
Bago pa man lumubog
ang araw sa tangrib, ang takot
na Hipon ay muntik nang
makain hindi lamang ng
pindangga, kundi pati ng
isang lumba-lumba at isang
pawikan.
“Siguradong magiging
pagkaing isda ako ngayong
wala na si Biya,” iyak ng
kaawa-awang si Hipon.
Di naman nalalayo si Biya.
“Kailangan mo ba ng isda para
magbantay ng lungga?”tanong niya
sa lahat ng Hipon na makasalubong.
Ngunit ang bawat lungga ay may
sariling Biya at hindi na
nangangailangan ng isa pa.
“Saan ako matutulog?” tangis
ni Biya na walang lungga, habang
takot na takot na nagtatago sa likod
ng isang malaking bato, umaasang di
siya mapansin ng dumadaang
maming.
Pagdating ng pagtaas ng
tubig, gutom na gutom na si
biya. Hindi pa siya kumakain
magmula nang umalis siya sa
kaniyang lungga.
“Sino’ng magbubungkal
para sa pagkain ko?” taghoy
niya, habang sinusubukang
sumandok ng makakain sa
buhangin gamit ang kaniyang
mga palikpik.
Pagsikat ng araw, nagbungkal
si Hipon palabas ng lungga. At sino
pa nga ba ang naghihintay sa labas
kundi ang napakarumi at gutom na
gutom na si Biya!
“Nagbalik ka!” sigaw na
napakasayang Hipon, na akmang
yayakapin si Biya gamit ang
kaniyang siyam at kalahating binti.
“Kailangan kita upang
bantayan ako! Ipinapangako kong
magpapakabait na ako at hindi na
ipagagawa ang alam kong hindi mo
kayang gawin.”
“Mabuti naman,” sabi ni Biya,
na masayang-masaya rin dahil siya’y
nakauwi na.
“Kailangan naman kita para
ihanap ako ng pagkain at para
ipagbungkal ako ng bahay.
Lahat ng ibang hipon ay may
kapares na at ang bahayang isda ay
isang mapanganib at malungkot na
lugar para sa isang biyang walang
tirahan,”dagdag pa ni Biya, sabay
pilantik ng buntot nang tatlong
beses bilang babala na may isang
gutom na gatasan na gumagala sa di
kalayuang koral.
Kaya’t magkasamang
namuhay sina Hipon at Biya
sa isang lunggang binungkal
ni Hipon.
Sila’y masaya sa
ganitong pamumuhay.
Nanimbang sa Katig
Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bangkang may
motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng palakpak at padyak ng mga paa.
Umiindayog sila kasabay ng pagtaas at pagbaba ng alon. Tuwang-tuwa sila
lalo kapag may malaking along sumasalpok sa kanilang bangka.
Maya-maya buong pagmamalaking nanimbang sa katig si
Armando. Tumayo siya nang walang hawak. Nagpalakpakan ang lahat.
Ang tapang ni Armando! Hindi nila pinansin ang malaking alon na
dumarating.
Sa uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay mugto na ang
mga mata at tahimik na humihikbi.

You might also like