You are on page 1of 4

Ruth Elynia S.

Mabanglo
Alamat ng Sampaguita

KORO:
Sabayang pag-awit (gagamitin ang bersyon ni Nora Aunor)

Sampagita

Sampagita ng aming lipi


Bulaklak na sakdal ng yumi
Ikaw ang mutyang pinili
Na sagisag ng aming lahi
Ang kulay mong binusilak
Ay diwa ng aming pangarap
Ang iyong bango't halimuyak
Sa tuwina'y aming nilalanghap

O bulaklak na nagbibigay ligaya


O paraluman mutyang sampagita
Larawan mo giliw ang mga dalaga
Ikaw ang tanging bituing hiraman
ng kanilang ganda

Habang nag- iisa


Sinasariwa sa alaala
Ang sampagita ng pagsintang
Sa puso ko'y di na malalanta

TAGAPAGSALAYSAY:
Medyo cornydi ba? Iyan ang nabuong kanta tungkol sa alamat ng pambansang bulaklakng mga Pilipinas.
Maganda naman ang alamat. Mai-in love
kayo talaga .Teka imbes naikwento ko sa inyo panoorin na lamang ninyo:

KORO:
Noong unang panahon / may magkasintahang ubod ng sweet///
ang swet-swet. /// Isang araw/

LAKAN GALING: Liwayway Babe. . .

LIWAYWAY: Yes (nagpapa-cute)

LAKAN GALING: Ako’y aalis para makipaglaban.

LIWAYWAY: Bakit?? (shock)

LAKAN GALING: May mga lumusob na mga Kastila sa kanlurangbaybayin


ng ating pulo. Kailangan kong ipaglaban ang ating lahi. Kailangang ipagtanggol k
o ang ating kalayaan. (Machong-machong nagsasalita).

LIWAYWAY: Lakan Galing, my beloved. Diyata’t iiwan mo ako?


Hikbi. . . hikbi

LAKAN GALING: Inutusan kasi ako ng daddy ko eh. (lalakas ang iyak ni
Liwayway) Huwag kang umiyak Irog ko, Mahal ko, Iniibig ko.. . sinisinta ko . . .

LIWAYWAY: Please naman bakit kailangang ikaw pa ang pumunta?


Marami naman kayong sikyo, di ba? (pa-cute) di mo naman laban yon di ba?

LAKANGALING: Hindi ko nga laban, pero kailangan kong ipakita sadaddy ko ang katapangan ko.
Ang laban ng daddy ko ay laban din natin.

KORO: Ang laban ng daddy niya, labannila.

LIWAYWAY: Huwag ka nang umalis, Irog ko, giliw, sweetheart. Hikbi


di ba may sumpaan tayo? Hikbi.. hikbi

LAKAN GALING: Oo nga may sumpaan tayo. Hindi tayomaglilimutan.

LIWAYWAY: Talaga? Hindi mo ako malilimutan? Pinky Swear?


LAKAN GALING: Pinky swear. (magpi-pinky swear sila).
Honey este..Babe pala. Puwede bang mag-request?

LIWAYWAY: Ano yon? (pa-shy effect)

LAKAN GALING: Matagal kasi akong mawawala.. puwedeng (ngunguso)

LIWAYWAY: (Titingin sa paligid) Mahal bakamagsumbong sila..(Ituturo ang mga manonood.) strict kasi a
ngparents ko eh
(Medyo madi-disappoint si LG)
Pero mamimisstalaga kita babe.. babalik ka agad, hah?

LAKAN GALING: Oo,Liwayway, honeybunch,


cherrypie, babalik akoagad. Sumpa kita.. Ikaw lang ang aking mamahalin.

LIWAYWAY: At sumpa ko rin, .di kita malilimutan.

SFX: Drums, fanfare.

KORO:
At /// nagpunta nga/ sa digmaan / si Lakan Galing. /// Siyempre,/ na-miss/
miss na miss/ talaga siya ni Liwayway./// Kaya naman// ang dalaga’y/

(sings): Di na makatulog
Di pa makakain

At/// nagingmalungkutin ///

Lumipas ang mga araw / / / ang mga gabi / / / lumipas ang oras / /
/ parang papel nanapigtas/ sa kalendaryo ng pag-ibig / ng dalagang naghihintay./ / /

LIWAYWAY: Mahal ko kailan ka babalik? Hikbi hikbi


Kay lungkot nang wala ka ako’y nangungulila!

KORO: One day, isang araw


We heard, nakarinig
One knock, isang katok///
Sa window sumilip siya
Ito ang nakita:
One man, isangtao
Sa door tumutuktok
She rushed, binuksan niya
Pintong nakasara. . .

MENSAHERO: Masamang balita Dayang Liwayway. Si LakanGaling. . .

LIWAYWAY: Bakit, ano ang nangyari sa kanya?

MENSAHERO: Sa labanan kay giting niya, pati pana’t siba tnasalat niya!

LIWAYWAY: Ganoon pala, e ano ang nangyari sa kanya?

MENSAHERO: Binoldyak niya ang Kastila, kaliwa’t kanannilabanan niya!

LIWAYWAY: My hero! Nasaan siya? Bakit dito’y wala pa.

MENSAHERO: Nagmamadali ka hindi pa tapos ang istorya.

KORO: Nagmamadali ang dalaga, di pa tapos istorya.

LIWAYWAY: (Kagagalitan ang Choir) E ano ngayon? Gusto ko nang makita


ang aking Sinta.

MENSAHERO: (Malulungkot, iiyak). Wala na po siya DayangLiwayway


He’s gone, kaput! Nahagip ng kampilan ni Magellan
Ang kanyangkatawan!

LIWAYWAY: Hindi!

MENSAHERO: Oo!

(Dadalhin ang bangkay ni Lakan Galing!)

LIWAYWAY: Hindi! Hindi ka maaaring mamamatay! Nagsumpaan tayong


hindimaglilimutan! Sumpa kita sumpa kita iyon pala,
Mamamatay ka! Hikbi, hikbi.

KORO:
Nawalan ng gana sa buhay si Liwayway muli
(sings) di na nakatulog
di pa nakakain

Kaya nagkasakit siya (image of a dying Liwayway)

LIWAYWAY: Lakan Galing, mahal ko isama mo na ako!


Ubo! Ubo! Ubo!
Ubos na ang buhay ko! (dies)

KORO:
Patay na siya!///Hikbi! / Hikbi! / Hikbi!
Dahil alam ng lahat na nagmamahalan sina Liwayway at Lakan Galing, pinagsama sila saiisang libingan.

At lumipas ang mga araw Isang halaman ang tumubo sa kanilang libingan.
Lumipag pa uli ang mga araw At namulaklak ang halaman sa kanilang libingan

Maliliit na kulay puti!

Pagkabangu-bango!

Tanda ng sumpaan ng dalawa!

Sumpa kita! Sumpa kita!


Hindi kita kalilimutan.
Sumpa kita! Sumpa kita!
SAMPAGITA!

Ayun iyon na ang pangalan ng bulaklak ngayon!


SAMPAGITA!

You might also like