You are on page 1of 16

Si Henrik Johan Ibsen ay isang prominenteng mandudula, director sa teatro, at

makata mula sa Norway. Kilala siya bilang “Ama ng Realismo”at itinuring na isa
sa mga pinakamatagumpay na mandudula sa kaniyang panahon. Naging tanyag
sa mga dula ni Ibsen ang paglikha niya ng malalakas na babaeng tauhan na ang
pag-iisip ay tila ba nauuna sa kanilang panahon. Ang dulang “Ang Babae mula
sa Dagat” (The Lady from the Sea) ay isinulat noong 1888.

Ang Babae mula sa Dagat


Isang Sipi
ni Henrik Ibsen
Isinalin ni Cristopher S. Rosales
Sa bahay ni Dr. Wangel. Sa kaliwa ay may isang paleta, at isang kahon na lalagyan ng mga gamit-
malaking balkonahe na may bubong. Sa harapan pampinta.
ng entablado ay may isang hardin na Lalabas si Bolette Wangel sa nakabukas
pumapalibot sa buong bahay. Sa ibaba naman ng na pintuan papunta sa balkonahe. May hawak
balkonahe ay may isang tagdan. Sa gawing siyang isang malaking plorera ng mga bulaklak.
kanan ng hardin ay may isang maliit na Ilalapag niya ito sa mesa.
estrukturang pahingahan kung saan may mesa’t BOLETTE: Kumusta, Ballested. Ayos ka lang ba
mga upuan. Sa likuran ay may halamanang- d’yan?
bakod na may isang maliit na tarangkahan. Sa BALLESTED: Oo naman, Bb.Bolette.
likuran nito ay makikita ang isang mapunong Napakadali lang nito sa ‘kin. Maiba ako,
daan patungo sa baybay-dagat. Sa hanay ng ipagpaumanhin ninyo ang pagiging mausisa ko–
mga puno’y matatanaw noong umagang iyon ng pero may mga bisita ba kayong inaasahan
tag-araw. ngayong araw?
Nakatayo sa likod ng tagdan si Ballested BOLETTE: Oo, inaasahan naming darating
at abala sa pag-aayos ng tali ng bandila. Nasa ngayong umaga ang punong maestro na si Dr.
katanghaliang gulang na siya, nakabihis ng isang Arnholm
lumang pelus na jacket at isang sobrerong
BALLESTED: Si Arnholm? Teka lang! Hindi ba’t
malapad ang buong palibot, kagaya ng
may Arnholm din noon na– oo, tama- na tutor
karaniwang sinusuot ng mga pintor. Nakalapag
ninyo dati dito ilang taon na ang nakararaan?
sa sahig ang bandila. Ilang hakbang mula kay
BOLETTE: Tama ka, siya ang dati kong tutor.
Ballested ay may isang kabalyete namang
Dumating siya rito kagabi sa bayan.
nakalapat na kanbas. Sa tabi nito ay isang folding
BALLESTED: Bumalik na pala siya ulit.
chair na may nakapatong na mga pinsel, isang
BOLETTE: Oo, kaya gusto naming itaas utit BALLESTED: Hindi ko pa nalalagyan ng tao ang
‘yang bandila. pinta ko. Ang hirap-hirap kumuha ng modelo sa
BALLESTED: Tamang-tama. baying ito.

Babalik si Bolette sa silid ng hardin. LYNGSTRAND: Maglalagay ka rin ng tao d’yan?


Pagkaraan ng ilang saglit, papasok si Lyngstrand BALLESTED: Oo, Dito sa batong ito sa may
mula sa kanan. Mapapahinto siya at masisiyahan karapan. Isang nilalang na kalahating tao.
na makita ang kabalyete at ang mga gamit- Maglalagay ako ng isang sirenang naghihingalo.
pampinta. Isa siyang payat na lalaki, medyo bata- LYNGSTRAND: Bakit naghihingalo?
bata pa. Bahagyang marungis ngunit disenteng BALLESTED: Naglagalag siya mula sa dagat at
tingnan ang kaniyang suot. Mukha siyang isang hindi niya na alam ang daan pauwi. Kaya
maselan na tao. mahihiga siya d’yan, nag-aagaw-buhay sa
LYNGSTRAND: (Mula sa kabilang bahagi ng maalat-alat na tubig-dagat ng fjord.
halamanang-bakod) Magandang umaga. LYNGSTRAND: A, ganu’n pala.
BALLESTED: (Lilingon) A! Magandang umaga. BALLESTED: Si Ging. Wangel ang tumulong sa
(Hahatakin pataas ang bandila) Ayan na! ‘king maisip iyon.
Nakataas na! (Hihigpitan niya ang tali ng bandila LYNGSTRAND: Ano’ng ipapamagat mo sa’yong
at saka pupunta sa kabalyete.) Magandang obra kapag natapos na?
umaga, ginoo. Tingin ko’y hindi kita kilala–
BALLESTED: Ang naiisip kong pamagat ay “Ang
LYNGSTRAND: Isa kang pintor? Kamatayan ng Sirena.”
BALLESTED: A, e–parang ganun’n na nga. Sa LYNGSTRAND: Bagay na bagay. Siguradong
kabila ng lahat ng maaaring maging propesyon Malaki ang kikitain mo d’yan.
ay isa nga akong pintor.
BALLESTED: (Sisipatin ang kausap) is aka rin
LYNGSTRAND: Bakit naman hindi? P’wede ba bang alagad ng sining?
akong pumasok muna saglit?
LYNGSTRAND: Er–ibig mo bang sabihi’y isang
BALLESTED: Gusto mo bang makita ang obra pintor?
ko?
BALLESTED: Oo.
LYNGSTRAND: Oo naman, gustong-gusto ko.
LYNGSTRAND: Hindi, hindi ako pintor. Ang totoo
BALLESTED: Hindi pa ‘to masyadong tapos. niyan ay nag-aaral akong maglilok. Ako nga pala
Pero kung gusto mo talagang makita, sige, si Lyngstrand–Hans Lyngstrand.
pumasok ka.
BALLESTED: A, magiging isang eskultor ka
LYNGSTRAND: Salamat. pala. Oo, syempre naman–maganda rin ang
(Papasok si Lyngstrand sa tarangkahan) paglililok–napakaganda. Sa palagay ko’y
BALLESTED: (Habang nagpipinta) Nagyon ay nakasalubong na kita minsan sa bayan. Matagal
ipinipinta ko ang kahabaan ng fyord–eto, tingnan ka na bang nandito?
mo, nasa pagitan ng mga isla.
LYNGSTRAND: Oo, nakikita ko.
LYNGSTRAND: Hindi, galawang linggo pa lang. LYNGSTRAND: Matagal na matagal ka na
Pero mananatili ako rito hanggang matapos ang siguro dito?
tag-araw, kung kakayanin. BALLESTED: Labimpitong taon na. Hindi–
BALLESTED: Siguradong matutuwa ka sa labingwalo pala! Dumating ako rito kasama ng
magagandang paliguan dito. isang pangkat ng mga taga-teatro . pero
LYNGSTRAND: Oo, iyon talaga ang dahilan nagkaroon kani ng problema sa pero kaya
kung bakit ako naparito. Para manumbalik ang nabuwag din ang grupo naming. Kung saan-saan
aking lakas. na kami napunta.

BALLESTED: O, ganu‘n ba? Hindi ka naman LYNGSTRAND: Pero nanatili ka rito.


mukhang–a–may sakit. BALLESTED: Oo, nanatili ako. At napabuti na rin
LYNGSTRAND: May sakit ako sa baga. Pero ako rito, sa totoo lang. Ang trabaho ko pa noon
hindi naman malala. Madalas ay kinakapos ako ay pagdidisenyo at paglalagay ng mga palamuti
ng hininga. sa mga bahay.

BALLESTED: Maliit na bagay lang ‘yan. Hmmm– (Lalabas si Bolette dala-dala ang isang tumba-
siguro’y kailangan mong magpatingin sa doktor– tumba. Ilalapag niya ito sa balkonahe.)
sa isang mahusay na doktor BOLETTE: (May kausap na kung sino sa silid ng
LYNGSTRAND: Naiisip ko ngang hardin) Hilde, pakihanap namn ‘yung
magpakonsulta kay Dr. Wangel, kung nabuburdang salalayan para kay Ama, ayos lang
magkakaroon ng pagkakataon. ba?

BALLESTED: Tama ‘yan magaling siya. (Titingin LYNGSTRAND: (Pupunta sa balkonahe at


sa kaliwa) May panibago namang bapor na babatiin ang binibini) Magandang umaga, Bb.
paparating. Umaapaw sa dami ng mga pasahero. Wangel.
Nitong mga nakaraang taon ay parami na nang BOLETTE: (Sasandal sa barandilya.) Ay,
parami ang mga turista sa bayan. kumusta. Ikaw nga ba’yan, G. Lynstrand?
LYNGSTRAND: Oo, napansin ko nga na Magandang umaga rin. Ipagpaumanhin mo pero
maaring bumusita rito iyon. kailangan kong–(Babalik siya sa loob ng bahay)

BALLESTED: A, at marami ang iginugugol dito BALLESTED: Kilala mo pala ang pamilyang
sa buo nilang bakasyon. Nababahala nga lang nakatira dito.
ako nab aka sa dami ng mga dayuhang LYNGSTRAND: Hindi masyado.
dumarayo rito baka malaspag na ang maliliit Nakakasalubong ko lang sila paminsan-minsan.
naming bayan. Huli kong nakausap si Gng. Wangel noong may
LYNGSTRAND: Dito kaba iinanganak? ginaganap na konsiyerto dati sa tutok ng burol.

BALLESTED: Hindi, pero matagal na akong Siya ang nagimbita sa’king pumunta at tawagan

nakatira dito.Sanay na nga ako sa mga gaw’t sila minsan kung may oras.

kaugalian ng buong bayan. Pakiramdam ko’y dito BALLESTED: Dapat mo pang palalimin ang
na rin ako ipinanganak. pakikipagkaibigan mo sa kanila.
LYNGSTRAND: Naisip ko nga tawagan sila. O LYNGSTRAND: Oo, lumublob ako kanina.
bisitahin, sa pananalita ng mga taga-Inglatera. Katunayan ay nakita ko roon ang nanay mo.
Sinusubukan ko ngang mag-isip ng Papunta siya sa bathing-hut.
maidadahilan. HILDE: Sino ulit ang nakita mo?
BALLESTED: Maidadahilan! Ay! (Titingin sa LYNGSTRAND: Ang nanay mo.
kaliwa) Naku po! Malapit na sa daungan ang HILDE: A. (ibababa niya ang salalayan sa harap
bapor. Kailangan ko nang umalis papunta sa otel. ng tumba-tumba.)
Baka kailangan ako ng mga turista. Di mo BOLETTE: (Nasasabik.) Nakita mo rin ba ang
naitatanong, umeekstra din ako minsan sa pag- bangka ni Itay sa fjord?
aayos at paggupit ng buhok.
LYNGSTRAND: Oo, may nakita akong bangka
LYNGSTRAND: Ang husay mo naman sa na naglalayag papunta rito.
maraming bagay.
BOLETTE: Si Itay na nga iyon. May binibisita
BALLESTED: Kailangan, kaibigan. Sa maliit na siyang mga pasyente sa isla. (Aayusin niya ang
baying ito ay dapat kong matutunan ang lahat ng mesa)
bagay, kahit kaunti lang. Kung may kailanagn ka
LYNGSTRAND: (Hahakbang sa unang baiting
pala na kung anuman tungkol sa bukok–tulad ng
mga hagdan papunta sa balkonahe) Ang ganda
pormada–lumapit ka lang sa’kin, si Ginoong
naman sa balkonahe ninyo, ang daming mga
Ballested, ang mahusay na mananayaw.
bulaklak. Parang may espesyal na pagdiriwang
LYNGSTRAND: Mahusay na mananayaw? kayong pinaghahandaan.
BALLESTED: Oo, ang Kapitan ng Horn Society. BOLETTE: Meron nga.
Magkakaroon kami ng konsiyerto sa Prospect
LYNGSTRAND: Kaarawan ba ng inyong ama?
mamayang gabi. O sige, Paalam, paalam!
BOLETTE: (Babalaan si Hilde) Sssh!
HILDE: (Magkikibit-balikat) Hindi, si Inay.
(Hawak-hawak ang mga kagamitan sa
LYNGSTRAND: Kaarawan ng inyong nanay?
pagpipinta, lalabas ng bahay si Hilde bitbit-bitbit
BOLETTE: (Galit ngunit nagtitimpi) Hinde–
ang salalayan. Nasa likuran niya si Bolette na
HILDE: Hayaan mo na nga ako. (Kay
may dalang mga bulaklak. Sa ibaba, sa hardin ay
Lyngstrand) Hindi ka pa ba babalik sa hotel para
itataas ni Lynsgstrand ang kaniyang sombrero.)
mananghalian?
HILDE: (Maglalakad papunta sa barandilya ng
LYNGSTRAND: (Bababa) Medyo nagungutom
balkonahe. Hindi niya papansinin ang pagbati ng
na nga ako. Papaalis na rin ako.
lalaki.) Sabi ni Bolette ay napasyal ka raw dito sa
HILDE: Ang sarap siguro ng mga pagkain du’n
hardin kanina.
ano?
LYNGSTRAND: Oo, gayon na nga.
LYNGSTRAND: Hindi na ako sa otel nakatira.
HILDE: Kanina ka pa ba naglalakad-lakad?
Medyo mabigat kasi sa bulsa.
LYNGSTRAND: Hindi, ang totoo niyan ay–
HILDE: Saan ka na nakatira ngayon kung gayon?
HILDE: Kung gayon ay lumangoy ka kanila?
LYNGSTRAND: Kina Gng. Jensen.
HILDE: Sinong Gng. Jensen? BOLETTE: (Bababa patungo sa hardin upang
LYNGSTRAND: Iyong komadrona. salubungin ang kaniyang tatay) Mabuti’t

HILDE: Naku, nakalimutan ko G. Lyngstand, nakabalik ka na Itay!

marami pa pala akong kailangang asikasuhin– HILDE: (Tatakbo rin pababa papunta sa

LYNGSTRAND: A, hindi ko na dapat sinabi ‘yon. kaniyang tatay) Libre k aba ngayon, Itay?

HILDE: Sinabi na alin? WANGEL: Naku, kailangan kong pumunta sa

LYNGSTRAND: Hindi, wala Gusto ko lang na ospital. Baka medyo matagalan din ako roon.

magpaalam na sa’yo at kay Bb. Bolette. Dumating na ba si Arnholm?

BOLETTE: (Bababa sa hagdan) Paalam, G. BOLETTE: Opo, dumating na siya rito sa bayan

Lyngstrand! Ipagpaumanhin mo’t abala kami noong isang gabi. Narinig naming sa otel.

kami ngayon. Kapag may libre kang oras ay WANGEL: Hindi mo pa siya nakikita, kung

huwag kang mag-aatubiling bumusita ulit dito. gayon?

LYNGSTRAND: Maraming-maraming salamat BOLETTE: Hindi pa, pero inaasahan kong

sa’yong paanyaya. Dadalaw ulit ako. bibisita siya ngayong umaga.


WANGEL: Oo, alam ko.

(Iaangat ni Lyngstrand ang kaniyang sombrero at HILDE: (Hihilahin ang braso ng kaniyang tatay)

lalabas sa tarangkahan ng hardin. Bago siya Itay, tingnan mo!

lumabas sa gawing kaliwa ng entablado ay WANGEL: (Titingnan ang balkonahe sa taas.)


lilingon ulit siya sa balkonahe at iaangat ang Oo, nakikita ko, anak. Makulay, maganda!
kaniyang sombrero.) Nandito ba ang inyong– kayong tatlo lang ba ang

HILDE: (Bahagyang sisigaw.) Paalam, ginoo! nandito sa bahay?

Ikumusta mo ako kay ‘Nay Jensen. HILDE: Opo, pumunta si Inay sa–

BOLETTE: (Yuyugyugin ang balikat ni Hilde BOLETTE: (Mabilis) Nagpunta po sa paliguan si


habang bumubulong) Pasaway ka talaga, Hilde! Inay.
Nasisiraan ka na ba? Baka marinig ka niya. WANGEL: (Malambing na titigan si Bolette at
HILDE: Tingin mo ba’y may pakialam ako kung hihmasin sa ulo. Pagkatapos ay magsasalita siya
narinig niya ako? na parang naaasiwa) Sabihin ninyo ngayon sa

BOLETTE: (Lilingon sa kanan) Nand’yan na si akin, mga anak. Hanggang gabi ninyo ba iiwang

Itay. ganiyan ang hitsura n gating bahay? May


wumawagayway na bandila at maraming
bulaklak?
(Mula sa kanan ng entablado ay paapsok
si Dr. Wangel, nakagayak ng damit-panlakbay at HILDE: Siyempre naman, Itay!

may hawak na isang maliit na bag.) WANGEL: Gayon pala. Pero–

WANGEL: Nandito na’ko, mga anak. (Papasok BOLETTE: (Kikindat) Lahat ng iyan ay ginawa

siya sa tarangkahan ng hardin) naming para kay Dr. Arnholm. Kaibigan na natin
siya noon pa man. Kapag bumisita siya–
HILDE: (Maharot na yuyugyugin ang mga bisig WANGEL: Talaga? Mga walo o siyam na taon na
ng kaniyang tatay) Dati siyang tutor ni Bolette, mula nang huli mo siyang nakita. A, kayrami na
Itay! talagang nagbago dito.
WANGEL: (Bahagyang ngingiti) Mga pilya talaga ARNHOLM: (Magmamasid sa paligid) Ang totoo
kayo! Sa tingin ko nama’y hindi talaga maiiwasan niyang ay kabaligtaran ang nasa isip ko, parang
na mapag-usapan natin siya paminsan-minsan wala masyadong nagbago. Maliban sa mga puno
lalo na’t wala na siya sa ‘tin. Heto, Hilde! (Iaabot na tumaas nanag bahagyan– at ang pahingahan
niya ang kaniyang bag) Dalhin mo ngayon ‘yan na iyo–
sa ospital. May isang mabait na babae doon, WANGEL: A, tama, dito sa paligid–
iabot mo ‘yan sa kaniya. ARNHOLM: (Nakangiti) At ngayo’y mayroon ka
HILDE: (Akma nang pumunta sa hardin bitbit ang nang dalawang dalaga.
bag ni Wangel nang bigla siyang mapapahinto. WANGEL: Tingin ko’y isa lang.
Lilingon siya sa isang gilid at may ituturo.) Si Dr. HILDE: Ay, Itay!
Arnholm nga ba ‘yon?
WANGEL: Halika, umakyat na tayo’t maupo sa
BOLETTE: (Tinatanaw ang ituturo ni Hilde) Siya? balkonahe. Mas mahangin du’n. (Ituturo niya kay
(Tatawa) Ano k aba, masyado ‘yang matanda Arnholm ang hagdan)
para maging si Arnholm.
ARNHOLM: Salamat, Dok, salamat.
WANGEL: Sa palagay ko’y siya na nga ‘yon.
Aakyat ang dalawa. Pauupuin ni Wangel si
Tama, siya na nga!
Arnholm sa tumba-tumba.
(Papasok mula sa kaliwa si Dr. Arnholm, ang
WANGEL: Ayan, maupo ka lang d’yan at
punong maestro. Maringal ang kaniyang suot,
magpahinga. Mukhang masyado kang napagod
mayroon siyang ginintuang antipara at manipis
sa sobrang layo ng nilakbay mo.
na tungkod. Mukha siyang hapo sa trabaho.
ARNHOLM: A, wala’yon. Ang hangin dito ay
Titingin siya sa hardin, masiglang kakaway, at
masyadong–
papasok sa tarangkahan.)
BOLETTE: (Kay Wangel) Magdadala na ba kani
WANGEL: (Sasalubungin ang bisita) Maligayang
ng soda at lemonade? Mamaya’y masyado nang
pagdating, kaibiga! Tuloy ka!
mainit dito.
ARNHOLM: Salamat, Dr. Wangel, salamat.
WANGEL: Sige, mga anak, makikisuyo na lang.
Napakabait mo. (Malugod siyang
Magdala rin siguro kayo ng brandi. Kahit haunti
makikipagkamay. Pupunta sila sa hardin.) Ito na
lang Kung sakaling may gustong uminom.
nga ba ang iyong mga anak? (Makikipagkamay
BOLETTE: Sige po, Hilde, dalhin mo na sa
siya sa mg dalaga at saka isa-isang titingnan.)
ospital ang bag ni Itay.
Hindi ko sila halos nakilala. Maliban kay Bolette–
(Papasok sa silid ng hardin si Bolette at saka
siguro. Oo, sa tingin ko’y namumukhaan ko pa si
isasara ang pinto. Bibitbitin naman ni Hilde ang
Bolette.
bag at maglalakad sa hardin papunta sa likod-
bahay, sa may gawing kaliwa.)
ARNHOLM: (Pagkaraang panooring lumabas si maligalig nga lang siya. Madalas sinusumpong.
Bolette) Lumaking napakaganda ng iyong anak– Hindi ko naman alam kung bakit. Ngayo’y
er– mga anak. nahaling na siya sa paliligo sa dagat.
WANGEL: (Uupo) Tama ka d’yan. ARNHOLM: Oo, natatandaan ko na gayon nga
ARNHOLM: Sobra akong namangha kay Bolette ang ugali niya.
– at pati na rin kay Hilde. Pero ngayon, ikaw WANGEL: (Bahagyang ngingiti) Oo, nga pala,
naman ang magkukwento, kaibigan. Dito ka na kilala mo na si Ellida noong nagtuturo ka pa sa
ba talaga maninirahan? Skjoldviken.
WANGEL: Oo, sa palagay ko. Dito na ako ARNHOLM: OO, madalas siya noong
ipinanganak at lumaki, sabi nga nila. Ilang taon pumupunta sa bahay ng mga klerigo Parati
din akong namuhay dito nang napakasaya kaming nagkikita kapag pinupuntahan ko ang
kasama siya–noong kami’y nagsasama pa. kaniyang tatay sa parola.
Nakita mo na siya noong nandito ka pa, Arnholm, WANGEL: Ang puso niya’y nakabigkis pa rin
hindi ba? talaga roon. Hindi nga siya maunawaan ng ibang
ARNHOLM: Oo, oo. tao rito. Madalas, tinatawag nila siya na: “Ang
WANGEL: At ngayon, nakatagpo na ako rito ng Babae mula sa Dagat.”
bagong bukal ng kaligayahan – sa piling ng aking ARNHOLM: Hingi nga?
bagong asawa. Oo, inaamin ko na kahit paano’y WANGEL: Oo, kaya nga gusto ko sanang
naging mabuti pa rin naman sa akin ang kausapin mo siya tungkol sa kaniyang kabataan,
kapalaran. Arnholm. Maka tutulong sa kaniya ‘yon.
ARNHOLM: Wala ka bang anak sa pangalawa ARNHOLM: (Nalalabanan na titingnan ang
mong asawa? kausap) Mayroon ka bang espesyal na rason
WANGEL: May isa kaming anak na lalaki, para isipin ‘yon?
dalawang taon– hindi, dalawa’t kalahating taon WANGEL: Oo, meron.
na ang nakararaan. Pero hindi rin siya nagtagal ELLIDA (V.O.): (Mula sa hardin, sa likuran ng
sa ‘min. Namatay siya noong sanggol pa lang entablado, sagawing kanan) Nand’yan k aba,
siya, mga apat o limang buwang gulang pa lang. Wangel?
ARNHOLM: Wala ba rito ngayon ang asawa mo? WANGEL: (Tatayo) Oo, mahal, nandito ako.
WANGEL: Oo, pero papauwi na rin siya maya- (Papasok si Ellida Wangel sa hanay ng mga
maya. Papunta siya sa fjord para maligo. Araw- puno, patungo sa pahingahan. Nakatapis siya ng
araw na siyang pumupunta roon. Kahit ano pa malaki’t manipis na tuwalya. Nagsabog sa
man ang panahon. kaniayng balikat ang basa niyang buhok. Tatayo
ARNHOLM: Sa paraan ng pagsasalita mo ay si Dr. Arnholm.)
parang– may problem aka sa kaniya. WANGEL: (Nakangiting ilalahad ang mga kamay
WANGEL: Wala naman akong problema sa sa kaniyang asawa) Nandito na siya, an gating
kaniya. Nitong mga nakaraang taon ay naging butihing babae mula sa dagat.
ELLIDA: (Mabilis na aakyat sa balkonahe at hamak na mas presko rito. (Uupo sa lilim ng
hahawakan ang mga kamay ng asawa) Mabuti pahingahan)
naman at nakabalik ka na? Kailan ka dumating? ARNHOLM: (Papunta kay Ellida ) Sa tingin ko’y
WANGEL: Kani-kanina lang. (Ipapakilala niya si mas presko ang hangin sa taas.
Arnholm) Mahal, hindi mob a babatiin an gating ELLIDA: A, nasaany ka lang siguro sa
matalik na kaibigan? nakasusulasok na hangin sa siyudad. Sabi ng
ELLIDA: (Makikipagkamay kay Arnholm) iba’y nakakasakal daw doon ang init kapag tag-
Nakabisita ka rin saw akas. Maligayang araw.
pagdating! Ipagpaumanhin mo’t wala ako rito WANGEL: (Nakababa na sa hardin) Ellida,
nang– mahal, ikaw na muna ang bahala sa matalik
ARNHOLM: Ano ka ba, huwag mo anng nating kaibigan.
alalahanin ‘yon– ELLIDA: May tarbaho ka pa?
WANGEL: Kumusta ang dagat ngayon? Sariwa WANGEL: Oo, kailangan kong pumunta sa
ang tubig dito. Ugh! Masyadong marumi ang ospital– doon na ako magpapalit ng damit. Hindi
tubig sa fjord. ako magtatagal.
ARNHOLM: Marumi? ARNHOLM: (Uupo rin sa lilim ng pahingahan)
ELLIDA: Oo, marumi. At nakalalason, sa palagay Ayo slang ako dito, Dok, huwag ka nang
ko. masyadong magmadali. Hindi naman kami
WANGEL: (Nakangiti) Mahal, mahusay mong maiinip dito.
naibida sa ‘ting bisita ang taglay na ganda ng WANGEL: (Tatango) Sige. Magkita a lang tayo
ating lugar. mamaya. (Pupunta sa hardin at lalabas sag
ARNHOLM: Hindi naman siguro gayon ang awing kaliwa ng entablado)
gustong sabihin ni Gng. Wangel. Sa tingin ko’y ELLIDA: (Pagkaraan ng ilang saglit na
sadyang may natatangi lang talaga siyang katahimikan) masarap umupo dito, hindi ba?
ugnayan sa dagat at sa lahatng bagay na ARNHOLM: Masarap nga– ngayon, sa palagay
konektado rito. ko.
ELLIDA: Napansin mob a kung gaano kaganda ELLIDA: Sa akin nakapangalan ang pahingahan
ang ginawang paghahanda ng aking mga anak na ito. Dahil ako ang may gawa. O mas marapat
para sa pagdating mo? sigurong sabihin, ipinagawa ito ni Wangel para sa
WANGEL: (Nahihiya) Hmmm. (Titingin sa relo) akin.
Paumanhin, kailangan ko nga palang umalis. ARNHOLM: At dito mo lagi gustong maupo?
ARNHOLM: Para sa akin ba talaga ang lahat ng ELLIDA: Oo, halos buong maghapon akong
dekorasyong’yan? nakaupo rito.
ELLIDA: Oo. Hindi naman kami nag-aayos nang ARNHOLM: Kasama ang iyong mga nak, sa
ganiyan araw-araw. Ugh– napakainit naman dito. palagay ko?
(Bababa patungong hardin) Halikayo rito. Di
ELLIDA: Hindi, mas gusto nilang mamalagi sa ARNHOLM: Pero ibang-iba siya sa ‘yo.
balkonahe. ELLIDA: Ibang-iba nga.
ARNHOLM: E si Wangel? ARNHOLM: Anong nangyari? Sabihin mo sa’kin.
ELLIDA: A, paalis-alis si Wangel. Kalahating ELLIDA: A, mahal kong Arnholm, huwag mo
oras siyang nasa tabi ko, kalahating oras na akong tanungin nang ganyan. Ni hindi ko alam
kasama an gaming mga anak. kung saan ako mag-uumpisa. At kahit pa
ARNHOLM: Ikaw ba ang may gusto nu’n o siya? maipaliwanag ko sa’yo nang lubos, kailanga’y
ELLIDA: Sa tingin ko’y iyon ang makabubuti para hindi mo ako maiintindihan.
sa aming lahat. Puwede naman naming tawagin ARNHOLM: Hmmm. (Magiging higit na mapang-
ang isa’t isa – kung sakaling may gusto kaming usig ang tinig) Nabanggit mo na bas a asawa mo
sabihin. ang tungkol sa akin? Ibig kong sabihin, tungkol sa
ARNHOLM: (Pagkaraan mag-isip ng ilang saglit) kahangalan ko na alukin ka dati sa kasal?
Noong huli kitang makita– sa Skjoldviken , ang ELLIDA: Hindi! Hindi, siyempre! Hinding-hindi ko
ibig kong sabihin– Hmmm.Ang tagal-tagal na sasabihin ‘yon sa kaniya kailanman.
nu’n. ARNHOLM: Mabuti naman. Medyo nag-aalala
ELLIDA: Mga sampung taon na. lang ako na baka–
ARNHOLM: Oo, Naaalala ko na lagi ka noong ELLIDA: Wala kang dapat ipag-alala. Bahagya
nasa parola– ang tawag pa nga sa ‘yo dati ng ko na namang nasabi sa kaniya ang totoo, na
matandang pari doon “Ang Pagano.”Paano’y gustong-gusto kita, na ikaw ang pinakamabuti at
imbes na Kristiyanong pangalan ang ibigay sa’yo pinakatapat kong kaibigan sa buong mundo.
ng iyong ama ay ipinangalan ka niya sa isang Hindi ba sumagi sa isip mo na humanap ng ibang
barko. pakakasalan?
ELLIDA: Oo– tapos? ARNHOLM: Hindi. Hanggang ngayo’y nananatili
ARNHOLM: Di ko lang talaga akalain na makikita akong tapat sa mga alaala ng nakaraan.
kitang muli bilang si Gng. Wangel. ELLIDA: (Bahagyang nagbibiro) A, Arnholm!
ELLIDA: Wala pang masyadong imik noon ang Kalimutan mo na ang lahat ng malulungkot na
dating Wangel– noong nabubuhay pa ang nanay alaalang iyon! Kailangan mong maghanap ng
ng mga anak namain. Ang tunay nilang nanay, asawa na maaaring magpasaya sa’yo.
ibig kong sabihin. ARNHOLM: Mukhang kailangan ko na ngang
ARNHOLM: Oo, pero kahit na hindi siya gayon– mag-umpisang maghanap, Gng. Wangel, sa
kahit pa hindi siya nabalo– hindi ko lang talaga lalong medaling panahon. Tatlumpu’t pitong
maisip na mangyayari ang mga nangyari. taong gulang na ‘ko.

ELLIDA: Ako rin naman. Ni minsan man. Noon. ELLIDA: Kung gayo’y mas lalo ka dapat

ARNHOLM: Napakabuting tao ni Wangel. magmadalai. (Matatahimik siya, pagkatapos ay

Napakarangal– napakabait niya sa lahat. magpapatuloy sa isang seryosong tinig) Mahal

ELLIDA: (Masaya at magiliw) Oo naman!


kong Arnholm, makitig ka. May gusto akong ARNHOLM: Walang alam ang asawa mo tungkol
sabihin sa’yo na hindi ko nasani– noon. dito?
ARNHOLM: Ano ‘yon? ELLIDA: Nabanggit ko na sa kaniya noon na
ELLIDA: Nang gawin mo ‘yon – nanag alukin mo minsan na ‘kong umibig sa iba. Pero hindi naman
ako ng kasal – gaya ng nabanggit mo ngayon – na siya nag-usisa pa. At hindi na naming ‘yon
nakatugon sana ako sa’yo sa ibang paraan. kailan pa pinag-usapan. Kunsabagay, hahat ng

ARNHOLM: Alam ko. Kaibigan lang ang turing iyon nga’y isa lamang kabaliwan. Paglao’y

mo sa ‘kin. Alam ko naman ‘yon. lumipas din– kahit paano–

ELLIDA: Ngunit hindi moa lam na may itinatangi ARNHOLM: (Tatayo) Kahit paano? Ibig sabihi’y

na akong iba noon. may natitira ka pang pagmamahal sa kaniya?

ARNHOLM: Talaga? ELLIDA: Hindi, hindi wala na! A, Arnholm, hindi

ELLIDA: Oo. ito gaya ng iniisip mo. Mahirap ipaliwanag. Hindi


ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo. Baka
ARNHOLM: Imposible! Hindi mo pa kilala si
isipin mo lang na nasisiraan na ako ng ulo.
Wangel noon.
ARNHOLM: Pero Gng. Wengel, kailangan mo
ELLIDA: Hindi naman si Wengel ang tinutukoy
sa’king sabihin ang totoo.
ko.
ELLIDA: Sige. Susubukan ko. Sabihin mo sa’kin
ARNHOLM: Hindi si Wengel? Pero noong
ngayon. Bilang isang taong madunong, kaya mo
panahon’yon– noong nasa Skjoldviken ka pa–
bang ipaliwanag ito? (Biglang mapapalingon at
wala akong maisip na ibang lalaki na maaari
hihinto) Teka, may paparating. Mamaya ko na
mong makahulugan ng loob.
lang sa’yo sasabihin.
ELLIDA: Mukhang wala nga. A, kabaliwan ang
(Papasok mula sa kaliwa si Lyngstrand, baybayin
lahat ng ‘yon.
niya ang hardin. Kapansin-pansin ang nakasabit
ARNHOLM: Pakiusap, magkuwento ka pa.
na bulaklak sa butas ng kaniyang butones. May
ELLIDA: Basta may iba na ‘kong mahal nu’ng
dala siyang isang Malaki’t marikit na pumpon ng
panahong ‘yon. Ngayo’y alam mo na.
mga bulaklak na nababalutan ng papel at
ARNHOLM: Pero pa’no kung wala ka pang
natatalian ng laso. Bigla siyang mapapahinto at
minamahal nu’n? Maaari bang magbago ang
mababantulot sa ibaba ng balkonahe.)
tugon mo sa lihan ko sa ‘yo?
ELLIDA: (Pupunta sa bukana ng pahingahan)
ELLIDA: Pa’no ko masasabi? Nang dumating si
Hinahanap mob a ang mga dilag, G. Lyngstrand?
Wengel sa buhay ko ay iba ang naging sagot ko
LYNGSTRAND: (Lilingon) A, nand’yan ka na
sa kaniya.
pala Gng. Wangel. (Iaangat niya ang kaniyang
ARNHOLM: Kung gayon, bakit mo sinasabi
sombrero at lalapitan ang ginang.) Hindi ang mga
sa’kin ngayon ang lahat ng ito?
anak mo ang pakay ko, Gng. Wangel, kung ikaw–
ELLIDA: (Tatayo na wari bang nasasaktan) Dahil
ikaw ang gusto kong makita. Napakabait mo na
gusto kong may hingahan ng nararamdaman ko. anyayahan akong bumisita sa inyo–
Hindi, huwag kang tumayo.
ELLIDA: Naku, ikaw pa ba? Puwedeng-puwede ELLIDA: (Kay Lyngstrand) Oo, dahil alam mo na
kang pumunta rito kahit kailan. rin naman–
LYNGSTRAND: Maraming salamat. At dahil may LYNGSTRAND: (Iaabot muli ang pumpon ng
espesyal na okasyon ngayon sa inyo– mga bulaklak) Kung gayon, maaari mo bang
ELLIDA: Alam mo pala. tanggapin ang aking malugod na pagbati?

LYNGSTRAND: Oo. Kaya naisip ko na ELLIDA: (Kukunin ang mga bulaklak) Napakabait
maglakas-loob na ibigay ito sa’yo. (Yuyukod siya mo. Tumuloy ka muna at maupo saglit, G.
at iaabot ang pumpon ng mga bulaklak.) Lyngstrand. (Uupo silang tatlo sa lilim ng

ELLIDA: (Mapapangiti) Pero, G. Lyngstrand, pahingahan) Sikreto ang kasi dapat ang

hindi ba dapat kay Dr. Arnholm mo ibigay ang okasyong ito– ang kaarawan ko– Dr. Arnholm.

magagandang bulaklak na ito. Siya ang– ARNHOLM: Alam ko. Hindi dapat alam ng mga

LYNGSTRAND: (Maguguluhan. Mapapalingon hindi naman kamag-anak, gaya ko.

siya sa paligid.) Ipagpaumanhin ninyo, ngunit ELLIDA: (Ilalapag ang mga bulaklak sa mesa)
hindi ko kilala ang lalaking ‘yan. Naparito ako Hindi, mali ka. Hindi naman sa gayon.
dahil sa– sa kaarawan. LYNGSTRAND: Nangangako ako na hindi ko
ELLIDA: Kaarawan? Nagkakamali ka, G. sasabihin kanino man.
Lyngstrand. Walang may kaarawan ngayon dito. ELLIDA: Hindi naman gayon kahalaga para sa
LYNGSTRAND: (Mapapangiti) Alam ko na ang iba ang kaarawan ko. Pero, teka maiba ako.
lahat, Gng. Wangel. Hindi ko lang naisip na lihim Kumusta ka na? Mukhang bumubuti na ang lagay
pala ang selebrasyon. mo mula nang huli tayong magkita.

ELLIDA: Ano ba ang nalalaman mo? LYNGSTRAND: Tama, sa palagay ko nga’y mas

LYNGSTRAND: Na kaarawan mo ngayon. umaayos na ang pakiramdam ko. Sa susunod na

ELLIDA: Kaarawan ko? taon, kapag nakapunta ako sa may timog– sa


Mediterranean– kung papalarin–
ARNHOLM: Ngayon? Hindi, nakatitiyak ako.
ELLIDA: Ayos na ang lahat, nabanggit na sa ‘kin
ELLIDA: (Kay Lyngstrand) Pa’no mo nasabing
ng mga anak ko.
kaarawan ko ngayon?
LYNGSTRAND: Sana nga’y matuloy. May
LYNGSTRAND: Si Bb. Hilde ang nagsabi sa ‘kin.
nakilala ako sa Bergen na puwedeng tumulong
Nandito ako kani-kanina. Tinanong ko ang iyong
sa ‘kin. Napakabait niya. Nangako siya na
mga anak kung bakit sila nagpalamuti ng mga
tutulungan niya ako sa susunod na taon.
bulaklak at ng bandila–
ELLIDA: Paano mo siya nakilala?
ELLIDA: Ganu’n pala.
LYNGSTRAND: Dala ng pambihirang suwerte.
LYNGSTRAND: At ang sabi ni Bb. Hilde, “Dahil
Nakasakay ako noon sa isa sa kaniyang mga
kaarwan ni Inay ngayon.”
barko noong naglalayag ako.
ARNHOLM: A! (Magkakatinginan sila ni Ellida.
ELLIDA: Talaga? Kung gayo’y mahilig ka sa
Ngayo’y nauunawaan na nila) Kung gayon, dahil
dagat?
batid na rin naman ng binatang ito, Gng. Wangel–
LYNGSTRAND: Hindi, hindi naman gaano. Pero LYNGSTRAND: Ang naiisip ko ay isang bata-
nu’ng namatay kasi noon ang nanay ko, ayaw ni bata pang may-bahay, asawa ng isang
tatay na manatili pa ako roon sa bahay kaya manlalayag; naiidlip na siya–ngunit di mapakali,
pinalaglayag niya ako. Habang nasa biyahe ay may kung anong bumabagabag sa kaniya.
lumubog naman ang barko naming sa may Nananaginip siya. Sa tingin ko’y kaya ko namang
English Channel. Ang suwerte ko talaga! lilukin ang babae na mukha siyang nananaginip.
ELLIDA: Pa‘no mo nasabing suwerte ka? ARNHOLM: Ngunit ang sabi mo’y isang
LYNGSTRAND: Dahil sa aksidenteng iyon kaya komposisyon.
ako nagkaroon ng problema sa paghinga. Ang LYNGSTRAND: Oo, gagawa pa ako ng isang
tagal-tagal ko nu’ng inaalon-alon sa dagat bago rebulto. Magiging simbolo ‘yon. Lililukin ko ang
may sumagip sa ‘kin. Nangangatog ako sa kaniyang asawa, na siyang pinagtaksilan ng
sobrang lamig, para na ‘kong nagyeyelo. Kung babae habang malayo ito. Nalunod ang lalaki–
kaya iniwan ko na ang dagat. Napakasuwerte ko nalunod sa dagat.
talaga nu’ng araw na’yon. ELLIDA: Nalunod?
ARNHOLM: Suwerte nga ba talaga? LYNGSTRAND: Oo, nalunod habang
LYNGSTRAND: Oo naman. Hindi naman kasi naglalayag. Gyunman, nagawa niya pa ring
gayon kalala itong skit ko sa baga. At ngayo’y makauwi sa kanilang bahay, isang bagi.
magiging isa na ‘kong eskultor, na siyang Nagkaroon ang lalaki, nakatayo sa gilid ng kama,
gustong-gusto ko talaga noon pa man. Para nakatitig sa kaniyang asawa. Basang-basa siya.
sa’ki’y walang kapares ang taglay na ganda ng ELLIDA: (Sasandal sa kaniyang upuan) Kakaiba,
luwad–kung paanong nagkakaroon ito ng hugis pero nakamamangha. Malinaw kong nakikita sa
sa pamamagitan ng iyong sariling daliri. ‘king isip ang gusto mong lilukin.
ELLIDA: Anong lililukin mo? Mga sirena? Mga ARNHOLM: Pero G-Ginoong– akala ko bay’y
Viking? kakatawanin ng komposisyon mo ang isang
LYNGSTRAND: Hindi, hindi mga ga’un. Kapag bagay na dinanas mo mismo.
kaya ko na, ang gusto kong gawin ay iyong LYNGSTRAND: Oo, nangyari naman talaga ‘yon
napakalaki. Isang koleksiyon ng mga obra. Isang sa’kin. Sa ibang paraan nga lang.
komposisyon. ELLIDA: At ano mismo ang nangyari G.
ELLIDA: Talaga? Ano naman ang papaksain ng Lyngstrand?
komposisyon mo? LYNGSTRAND: Papauwi na kami nu’n mula sa
LYNGSTRAND: Ang gusto ko’y base sa mga isang bayan na kung tawagi’y Halifax nang
karanasan ko. biglang magkasakit ang tagapangasiwa sa barko,
ARNHOLM: Tama ‘yan! Dapat ay lagi kang kung kaya kinakailangan naming siyang iwan sa
nakasandig sa ‘yong mga sariling karanasan. ospital. Kumuha kami ng kapalit niya, isang
ELLIDA: Magkuwento ka pa. Amerikano. Tapos, itong tagapangasiwa–
ELLIDA: Isang Amerikano?
LYNGSTRAND: Oo, isang araw, humiram siya magsasama pa rin kami, kahit malunod pa ako’t
sa kapitan ng isang bungkos ng mga lumang isa nang kaluluwa kapag nakabalik sa kaniya.”
diyaryo, at saka nagbasa nang nagbasa. Ang ELLIDA: (Magsasalin ng tubig sa baso.
sabi niya’y gusto niyang matuto ng wikang Nanginginig ang mga kamay niya.) Ugh! Grabe
Norweigian. naman!
ELLIDA: Pagkatapos? LYNGSTRAND: At nang sabihin niya iyo’y
LYNGSTRAND: Isang gabi, may dumating na parang seryoso talaga siya ng gagawin niya ‘yon.
isang malakas na bagyo. Lahat ng mga tauha’y ELLIDA: Alam mob a kung ano– kung ano nang
nasa itaas na kubyerta, maliban sa’kin at sa nangyari sa lalaking ‘to?
tagapangasiwa. Napilayan daw ang paa niya, LYNSTRAND: A, patay na siyang sigurado, Gng.
kaya hindi siya makalakad. Nakahubo ako nu’n Wangel.
habang nakahilata sa ‘king kama. Habang siya, ELLIDA: (Marubdob) Pa’no mo naman nasabi?
nakaupo lang doon sa silid-tulugan, binabasa na
LYNSTRAND: Pagkatapos kasi nu’n ay lumubog
man ulit ang isang lumang diyaryo–
na nga ang barko naming sa Channel. Suwerte
ELLIDA: Tapos, tapos? namang nakasakay ako sa isang malaking
LYNGSTRAND: Habang nakaupo siya, bigla lifeboat kasa ng kapitan at ng lima pang tauhan.
kong narinig na humahagulgol siya. Nang Nakasakay naman sa isang maliit na bangka ang
tungnan ko siya, bigla siyang namutla nang isa kong kaibigan. Kasama niya roon ang
sobra. Pagkatapos ay nilukot niya ang papel at Amerikanong at ang isa pang tauhan.
pinagpupunit. Pero tahimik niyang ginawa ang ELLIDA: At wala nang balita sa kanila mula noon.
lahat na ‘yon. Napakatahimik.
LYNSTRAND: Wala na, Gng. Wangel. Iyon ang
ELLIDA: Wala ba siyang sinabi na kahit ano? sabi ng benefactor ko sa Bergen sa isang sulat
LYNGSTRAND: Wala nu’ng una. Pero maya- na ipinaabot nya sa’kin kamakailan lang. Kaya
maya pa, bigla siyang bumulong sa kaniyang nga gusto ko talaga sanang gunitain ang nagyari
sarili: “Ikinasal na pala siya. Sa ibang lalaki. sa pamamagitan ng paglilok. Isang nalunod na
Habang ako’y nandito sa malayo.” lalaki na nagbalik sa kaniyang bahay upang
ELLIDA: (Pipikit at saka pabulong na maghiganti sa kaniyang taksil na kasintahan.
magsasalita.) Sinabi niya ‘yon? Malinaw ko na silang nakikini-kinita sa isip ko.
LYNGSTRAND: Oo. At sa maniwala ka’t sa hindi, ELLIDA: Ako rin. (Tatayo) Tara, pumasok na
mataas niya iyong sinabi sa wikang Norweigan. tayo sa loob. O kaya’y pumunta tayo kay Wangel.
A, madali siyang matuto ng iba’t ibang wika. Napakainit na rito. (Aalis na siya sa lilim ng
ELLIDA: Tapos ano? Ano pang nangyari? pahingahan)
LYNGSTRAND: May nangyaring pambihira na LYNSTRAND: (Tumayo na rin) Mukhang
hindi ko kailanman malilimutan. Nagsalita ulot kailangan ko na ring magpaalam. Maraming
siya, sa isang kalmadong tinig: “Pero akin pa rin salamat, Gng. Wangel. Dumaan lang talaga ako
siya, mananatili pa rin siyang akin. At upang makita ka’t batiin sa’yong kaarawan.
ELLIDA: Maraming salamat din. (Ilalahad ang ELLIDA: Mahal! Mahal ko siya! Natutuhan ko
kaniyang kamay) Paalam.At salamat dito sa mga siyang mahalin. At du’n ako mas natatakot.
bulaklak. ARNHOLM: Kung gayo’y sabihin mo sa’kin, Gng.
(Makikipagkamay si Lyngstrand, pagdaka’y Wangel?
dadaan sa tarangkahan ng hardin, at saka ELLIDA: Hindi puwede. Hindi ngayon. Baka
lalabas ng entablado.) mamaya.
ARNHOLM: (Tatayo at lalapit kay Ellida) (Papasok si Bolette mula sa balkonahe at bababa
Masyado ka atang naapektuhan, Gng. Wagel. patungo sa hardin.)
ELLIDA: Oo, marahil. Iyon nga lang– BOLETTE: Papaalis na si Itay sa ospital. Puwede
ARNHOLM: Iyon nga lang ay pinaghahandaan na ho ba tayong pumunta lahat sa silid ng hardin?
niyo parin ito. ELLIDA: Sige, tara.
ELLIDA: Pinaghahandaan? (Mula sa kaliwa sa likod ng bahay ay
ARNHOLM: Oo. papasok si Wangel kasama si Hilde.
ELLIDA: Pinaghahandaan ang pagdating ng Nakapagpalit nan g damit si Wangel.)
sinuman? Ang bumalik sa gayong paraan? WANGEL: Narito na ‘ko! Tapos na rin saw akas
ARNHOLM: Ano bang pinagsasabi mo? Tungkol ang mga gawain! Meron ba d’yang malamig na
pa rin ba ito sa patay na lalaki na siyang lubos na inumin?
ikinaligalig mo? Ang akala ko’y– ELLIDA: Saglit lang. (Papasok sa pahingahan at
ELLIDA: Ano ang akala mo? dadamputin ang pumpon ng mga bulaklak)

ARNHOLM: Ang akala ko’y umaarte ka lang HILDE: Ay, ang gaganda naman ng mga bulaklak
habang nagkukuwento ang binata kanina. Ang na’yan, Inay! Saan galing ‘yan?
akala ko’y masama ang loob mo dahil nalaman ELLIDA: Bigay sa’kin ng batang eskultor na si G.
mo ang tungkol sa lihim na selebrasyon ng Lyngstrand.
pamilyang ito. Ang iyong asawa at ang kaniyang HILDE: Mula kay Lyngstrand?
mga anak, nabuhay pa rin sa mga alaala ng BOLETTE: (Hindi mapakali) Pumunta na naman
nakaraan kung saan hindi ka kabilang. dito si Lyngstrand?
ELLIDA: Naku, hindi, hindi! Wala akong ELLIDA: Oo, pumunta siya rito dala ang mga ito.
karapatan na hingin sa ‘king asawa ang lahat- Para sa kaarawan.
lahat sa kaniya. Hindi ko siya maaaring angkinin BOLETTE: (Sisikuhin si Hilde) Hindi!
nang buong-buo.
WANGEL: (Kay Ellida, habang napangingiwi sa
ARNHOLM: Tingin ko’y dapat. Dapat. labis na pagkapahiya) E-Ellida, mahal–
ELLIDA: Oo, Pero hindi, hindi pa rin puwede, ELLIDA: (Biglang sasabat) Tara na, mga anak.
Iyon ang gusto kong sabihin. Nabubuhay ako sa Ilagay na natin itong mga bulaklak sa plorera
isang mundo kung saan– hindi sila kabilang. kasama ng iba pa. (Aakyat siya sa balkonahe.)
ARNHOLM: Ang ibig mo bang sabihi’y hindi mo BOLETTE: (Bubulong kay Hilde.) Napakabait
talaga mahal ang asawa mo? talaga niya!
HILDE: Hmp, palabas niya lang ‘yan! Ginagawa
niya lang ‘yan para magustuhan siya ni Itay.
WANGEL: (Aakyat sa balkonahe at pipisilin ang
kamay ni Ellida) Salamat, Ellida, mahal.
Maraming-maraming salamat.
ELLIDA: (Abala pa rin sa pag-aayos ng mga
bulaklak) Hindi mo naman siguro gugustuhin na
ako lang ang hindi magdiriwang ng– ng kaarawan
ng kanilang Inay, hindi ba?
ARNHOLM: Hmp!
Aakyat sa balkonahe si Arnholm kasama
nina Wangel at Ellida. Mananatili namang nasa
hardin sina Bolette at Hilde.

*** WAKAS ***

You might also like