You are on page 1of 6

PILIPINO, ISANG DEPINISYON HIGH

PONCIANO B. PERALTA - PINEDA MOD


LOW
ALL

Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo?


Ano siya? ( KRISHNA )
Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo?
Ano ako? ( KRISHNA )
Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo?
Ano tayo? ( KRISHNA )
Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo?
Sabi nila’y Pilipino! ( KRISHNA )
Pilipino!
Pilipino!
Pilipino!

Ugat natin ay silangan.


Anak-dagat ang ninunooooong… hatid dito ng barangay.
Galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan.
Dito! Dito!! Dito!!!
Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran.

Dito nanirahan, nangaglahi, nangabuhay ng sagana ( MOD & HIGH )


May ugaling katutubo
May gobyerno at bathala
May samahan at ibigan, maayos at payapa
May sariling wika!
Ito tayo, Ito tayo, Ito! Tayo!
Sa ante-panahon ng Kolon-nyalismo

Walang kaabog-abog.
Mula sa kanluran, ang dayo’y sumapit ( MILES )
Sumapit?!
Ako’y hinamak, siya’y inapi ( MILES )
Inapi?!
Ikaw ay hinamig ( MILES )
Hinamig!
Siniil ang laya, kinamkam ang yaman
Baranggay ay binuwag, binuwag…
Binuwag! (aaaahhh!) ( QUEN )

1
Mga tala ay sinunog! Abakada’y ibinawal! Ipinasiyang mga mangmang!
Mga Mangmang!! Mga Mangmang!!!
Ang lahat ng katutubong, kayumanggi ang kulay
At naging alipin, ang bayan kong irog…
Mailoko ma-bisaya, ma-kapampangan ma-tagalog
Ito tayo. Tayo? Tayo? Tayo! Pilipino!

Zumba zum… Zumba zum… ( formation )


Zumba zum… Zumba zum…

At sa halip! sa haliiiiip…
Pinalitang lahat-lahat!
Gobyerno! ( ANDRE )
relihiyon! ( FARAH )
ugali! ( YILL )
at kultura! ( AARON )
Kinastila itong dila, pati na puso Kinastila!

Edukasyon, Edukasyon, Edukasyon.


Edukasyon, Edukasyon, Edukasyon!
Edukasyon, Edukasyon, Edukasyon!!
Edukasyon ay hulog ng langit!

Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat


Kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas
Kaya’t ako’y nakastila
Sa kaluluwa at sa balat
Pinagtilad-tilad, ikaw, ako’t siya
Sa adhika’y paghatiin: divide et impera ( FRITZ )

At yumabong

Ilokano’y Ilokano ( MI-AR )


Kapampanga’y Kapampangan
Bikolano’y Bikolano

Pangasina’y Pangasinan ( JVET )


Ang Cebuano’y Cebuano
Iyang Waray laging Waray

Ang Ilonggo ay Ilonggo ( SAMNIC )


2
Mga Muslim laging Muslim
Ang Tagalog ay Tagalog

Kanya-kanya, tayu-tayo
Masawi man ang sampangkat, malipol man ang santribu
Huwag lamang tayo
Huwag lamang ako ( AARON )
Pagka’t tayo’y ito
Mga Pilipino!

Ang naamis ay nagbangon. lumaban. naghimagsik!


Kamatayan ay sinuong. sinagupa ang panganib.

Bumagsak ang mapaniil na nag-iwan ng bakas. ( ANDRE )


Kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad. ( FRITZ )
Kaya’t laya’y itinindig sa kislap ng mga tabak. ( BOTH )
At sa Kawit!
Sa Kawit nawagayway ang maningning na sagisag
Datapuwa’t sa sansaglit…
Pagsasarilii ay inagaw!
Inagaw! Inagaw ng malakas!

Dinagit ng dambuhalang ang diumano’y bagong mesiyas.


Mesiyas? Bagong Mesiyas.
Diumano’y naparito upang noon ay iligtas
Ang barbarong walang dunong, walang alam sa paghawak
Ng gobyerno at ng layang, para lamang sa di uslak

Di gayon nga. ( JHEM )


Awtoridad ay naiba
Napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema
Ngunit iyon din ang dayuha’y, panginoon!

Pilipino ang busabos, nakayuko tagasunod.


Walang tutol! Walang tutol!! (aahhhhhh) ( SPLIT-UP FORM )

Edukasyong popular: Kinano! Kinano ang sistema ( CRISZANDRA )


Umunlad di nga kasi; Pilipino! Pilipino ay dumunong
3
Naging kano sa ugali, naging kano sa damdamin
Naging kano sa isipan, naging kano sa pagsulong
Sadyang gayon ang katwiran
Masterin mo iyang wika’t
Ang kultura niyang wika’y, ikaw ‘yang mamasterin
Ang nangyari: ang produkto.
Nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo.
Di-gradwadong makabansa, hinding-hindi Pilipino.

Divide et Impera ( FRITZ )

Ilokano’y Ilokano ( MI-AR )


Kapampanga’y Kapampangan
Bikolano’y Bikolano

Pangasina’y Pangasinan ( JVET )


Ang Cebuano’y Cebuano
Iyang Waray laging Waray

Ang Ilonggo ay Ilonggo ( SAMNIC )


Mga Muslim laging Muslim
Ang Tagalog ay Tagalog

Kundi rin lang itong akin ( SOLO )


Mabuti pa ang sa dayo
Ito! Tayo.
Pilipino: Isang lahing maka-ako. Tayo-tayo.

At nagdilim ( ANDRE )

At kumulog! at kumidlat at lumindol!


At ang ulan ay bumuhos, at bumaaahaaaaa at umunos.
Ang salinlahi’y nagliliyab, nalulunod! nalulunod!
Nagliliyab, nalulunod!!
Nalulunoooooood!!!

Ay, salamat sa karimlan


Ay, salamat sa magdamag
At sumilay ang liwayway
4
Ng maningning na liwanag ng isang phoenix!

Ang nagbangon
Sa aboooooooo ng lumipas
Nagmistulang manunubos, ng naamis nating palad
Kaguluhan ay inayos, mga giba ay binuo
Nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago
Tenance!
Ekonomiya! ( AARON )
Sosyedad!
Gobyerno!
Edukasyo’y nakaangkop sa lahat ng kailangan
Nang sa gayo’y bumalikwas ang duhagi nating bayan

Pinabubulas ng ayong muli ang kulturaaaang katutubo


Bilang tandang luwalhati, ng kahapong siniphayo. ( CRISZANDRA )
Ang launi’y isang lahing sumapit na
Isang Bansang hindi dayo
Isang lahi’t bansang
Pilipinong-Pilipino

Sino Sino Sino Sino ba ang Pinoy


Ito ba ay Pinoy
Ako ba ay Pinoy

Sino Sino Sino Sino ba ang Pinoy


Ito ba ay Pinoy
Ako ba ay Pinoy

Kailangan natin ngayon, ay uri ng panturuang magbubuklod ( ANDRE )


Sa biyaya ng magandang katubusan.
Sambandila’t isang awit, isang wikang hindi hiram
Dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan

Zumba zum… Zumba zum…


Zumba zum… Zumba zum…

At pag ito’y natupad na..


At pag ito’y naganap na..
Masasabing taas-noo
Ikaw, siya, saka ako’y
5
Mga bagong Pilipino
ISANG DEPINISYON!
ni PONCIANO PERALTA - PINEDA

---END---

You might also like