You are on page 1of 1

ENERO 6, 2021

ARALIN SA IKA-LABINTATLONG LINGGO:


SEQUENCE OUTLINE
Isang taon naman ang nagdaan, masasamang pangyayari mula roon ay
iwanan. Tayo ay magsaya at maging positibo, magkaroon ng bagong pag-asang
magkapagsimula muli sa taong 2021. Dahil bagong taon ngayon, isang bagong
aralin na naman ang aming tatalakayin. Ito ay isang patnubay at gabay sa paggawa
ng kwento o istorya. Ito ay tinatawag na sequence outline. Importante ang ang
isang sequence outline sapagkat napaplano nang maayos at maganda ang magiging
ang takbo ng mga pangyayari sa loob ng isang kwento.
Kami rin ay binigyan ng mga paraan upang makabuo ng isang epektibong
sequence outline. Binasa rin namin ang mga halimbawa nito at kami ay nagkaroon
ng takdang aralin upang subukang ang aming mga isipan sa paggawa. Masasabi
kong tunay na mahalaga ito, lalo na para sa mga direktor at mga taong gumagawa
ng dula dahil mas lalong napapadali nito ang pagpaplano at pagsasaayos ng plot sa
isang kwento. Yun ang natutunan ko sa araling ito.

You might also like