You are on page 1of 40

IKALAWANG MARKAHAN

Kindergarten
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON - Kindergarten


PIVOT 4A Learner’s Material
Ikalawang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Kindergarten
Job S. Zape, Jr.
PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Rowela M. Caperiña, Maribel M. De Vera, Mildred Z. Galleno, Maria Dylin S. Garcia,


Milenda F. Marquez, Maria Heidi Alaine T. Nietes, Marieta N. Perez, Buena G. Villanueva,
Roxanne Faye C. Estuita, Sheila Marie L. Loyola, Jessa Nina Pagana, Analiza C. Vitto,
Benjie U. Flores, Jeralyn S. Morales, Louella G. Sastrillo, Rheziel B. Cometa,
Eunice F. Marasigan, Ma. May Rivera, Aira Joy A. Apaya, Robert P. Macalindong,
Joselyn N. Sison, Rossa Chrystia Toledo, Lonnelyn Sallutan.
Content Creator & Writer
Jaypee E. Lopo
Internal Reviewer & Editor
Roxanne Faye C. Estuita, Sheila Marie L. Loyola, Jessa Nina Pagana, Analiza C. Vitto,
Benjie U. Flores, Jeralyn S. Morales, Louella G. Sastrillo, Rheziel B. Cometa,
Eunice F. Marasigan, Ma. May Rivera, Aira Joy A. Apaya, Robert P. Macalindong,
Joselyn N. Sison, Jeffrey L. Santiago
Layout Artist & Illustrator
Alvin G. Alejandro & Jhucel A. del Rosario
Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas
IT & Logistics

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes

PIVOT 4A CALABARZON - Kindergarten


ANG KINDERGARTEN PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
Ang PIVOT 4A Learner’s Material para sa Kindergarten ay nagtataglay ng dalawang
bahagi: ang Learner’s Packet na magsisilbing gabay para sa magulang/nangangalaga o
sino mang may kakayahan sa tahanan upang samahan at tulungan ang bata sa
pag-aaral; at ang Key Activities o Gawain sa Pakatuto na naglalayong magbigay
kaalaman tungkol sa paksa at magpaigting ng kakayahan ng mag-aaral.
Ang kagamitang ito ay nilikha upang maging dagdag na gawaing pantulong sa
play-based at concrete na mga gawain. Sa pamamagitan nito, mas higit na
mapaghuhusay ang kasanayan sa mga piling Domains na inaasahang matututuhan ng
bata. Pinili ang mga ito ayon sa Most Essential Learning Competencies (MELCs).
Ipinakikita dito ang dahan-dahan at wastong pagpapakilala mula sa pinakapayak
patungo sa mas komplikadong mga konsepto at kasanayan. Halos lahat ng mga gawain
ay inaasahang mag-isang maisasagawa ng mag-aaral. Tungkulin ng magulang/
nangangalaga o sino mang may kakayahan na basahin nang malakas ang mga panuto.
Kinakailangan ding gabayan ang bata habang ginagawa ang mga gawain.
Makabubuting ipakita at iparamdam ang ibayong suporta upang matagumpay na
maisagawa ng mag-aaral ang mga ito.
Tiniyak rin na kayang gawin ito ng bata sa maikling panahon lamang. Hikayatin ang
mag-aaral na buong siglang tapusin ang mga gawain. Maaaring ipagawa ng makailang
ulit ang mga gawain upang mas lalong matuto ang bata.

Ayos at Disenyo

Ang bawat Activity Sheet na nakapaloob sa kagamitang ito ay nagtataglay ng


pamagat, panutong dapat basahin nang malakas ng magulang/nangangalaga, at
aktwal na gawain ng mag-aaral. Nakasulat din ang mga paalala sa magulang na
nakasaad sa ibabang bahagi ng gawain.
Ang PIVOT 4A Learner’s Material na ito ay nakabatay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) para sa Kindergarten. Kinuha ang pinakamahahalagang
kasanayang ito mula sa orihinal na K to 12 Kindergarten Curriculum Guide. Nakalahad sa
ibabang bahagi ang mga kasanayang nais linangin sa bawat Activity Sheet.
May mga icons o imahe na makikita rito. Ito ay idinisenyo upang mas matulungan
ang mag-aaral na higit na maunawaan ang mga panuto at mag-isang maisakatuparan
ang takdang gawain. Ang mga ito ay:

Basahin Lagyan
nang malakas ng kahon

Isulat Kulayan

Bilugan Iguhit

PIVOT 4A CALABARZON - Kindergarten


Gabay sa Paggamit ng Kindergarten PIVOT 4A Learner’s Material

Bago simulan ng mag-aaral sa Kindergarten ang pag-aaral gamit ang PIVOT 4A


Learner’s Material, mahalagang mabasa at maunawaan mo bilang magulang/
nangangalaga ang gabay na ito. Nakapaloob dito ang mga sumusunod na
kinakailangang isipin, ihanda, sabihin at gawin:
1. Ihanda ang Learner’s Packet at ang PIVOT 4A Learner’s Material na ito.
2. Basahin at unawain ang mga nilalaman ng modyul o kagamitang ito.
3. Kabisaduhin ang mga icons o imahe at ang ibig sabihin ng mga ito.
4. Ihanda ang sarili at lalong higit ang bata sa pag-aaral. Makabubuting
magtakda ng tiyak na oras kung kailan isasagawa ang mga gawain. Siguruhing
handa rin ang mga kagamitan tulad ng papel, lapis, pambura, krayola, gunting
at iba pa. Bigyang paalala ang bata sa paggamit ng mga ito.
5. Basahin nang malakas ang bahagi na nagpapakilala ng Most Essential Learning
Competencies (MELCs) at ang content/concept para sa nakatalagang bilang
ng Week o linggo. Matatagpuan ito sa unang bahagi ng Learner’s Packet.
Mainam na basahin ang mga ito araw-araw bago magsimula sa mga gawain.
6. Basahin nang malakas ang mga panuto. Magbigay ng dagdag
na paliwanag kung kakailanganin ito.
7. Ipagawa sa bata ang Activity Sheets ayon sa takdang Week at MELC.
Matatagpuan sa Learner’s Packet ang listahan ng mga Gawain sa Pagkatuto
sa bawat Week. Huwag ipagawa ang hindi pa nakatakda.
8. Tingnan kung may karagdagang paalala sa magulang sa paggawa ng
gawain. Sundin ito.
9. Gabayan ang bata sa paggawa ng mga gawain. Makabubuting magsulat ng
iyong obserbasyon kung paano hinaharap ng mag-aaral ang mga gawain.
Makatutulong ito upang malaman kung anong tulong ang ipagkakaloob mo sa
kaniya o isasangguni sa kaniyang guro.
10. Maaaring tulungan ang bata sa paghawak ng lapis, krayola o gunting sa
simula upang malinang ang fine motor skills. Iwasang ikaw ang gumawa ng
mga ito.
11. Tulungan ang bata na higit pang matuto sa pamamagitan ng mga
pagsasanay at pag-uulit ng mga gawain.
12. Pagsama-samahin at ihanda ang mga natapos na gawain ng bata.
Makipag-ugnayan sa guro para rito.

Maligayang karanasan sa pagkatuto para sa iyong anak at maging sa iyo rin!

PIVOT 4A CALABARZON - Kindergarten


WEEK
1

Pangalan:

Magdikit ng larawan ng pamilya. Tukuyin


kung sino-sino ang mga nasa larawan.
Maaaring iguhit sa loob ng kahon ang
larawan ng pamilya kung walang
makukuhang larawan.

Ako ay may Pamilya

Paalala sa Magulang: Gabayan ang bata sa


gawain. Gabayan din siya sa pagdidikit ng mga
ginupit na mga hugis na idi-disenyo sa paligid ng
frame. ✓


MELC 1: ✓
Natutukoy na may pamilya ang bawat isa ✓

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


6
Pangalan:

Kilala Ko ang Aking Pamilya


Pag-ugnayin ang mga larawan at mga salita.
Gumuhit ng linya mula sa dulo ng tali ng lobo patungo
sa wastong salita na nasa kahon. Sabihin na ang mga ito
ang bumubuo ng iyong pamilya.

nanay tatay kuya ate bunso

Paalala sa Magulang: Gabayan ang bata sa


pagtukoy sa mga bumubuo ng pamilya gamit
ang larawan at ang kaukulang tawag sa mga
ito. ✓

MELC 2:
Natutukoy kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya ✓

7 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Mahal Ko ang Aking Pamilya


Kulayan ang katulad mo sa mga nasa
larawan. Banggitin kung ikaw ay ate, kuya o
bunso.

bunso

nanay

ate kuya

tatay

Paalala sa Magulang:

Maaaring dagdagan ng buhok ang bunso sa


larawan kung ang mag-aaral ay bunsong babae.
Tingnan ang Learner’s Packet para sa karagdagang
gawain.

MELC 2: ✓
Natutukoy kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


8
Pangalan:

Ang Tahanan ng Aking Pamilya


Iguhit ang mga bagay at tao na
matatagpuan sa inyong tahanan. Kulayan
ang mga bagay at tao na makikita rin sa
ibang pamilya. Tukuyin o sabihin naman kung
ano-ano ang pagkakaiba.

Paalala sa Magulang:

Samahan ang bata sa paglilibot sa buong


bahay upang makapamili siya ng mga bagay
na iguguhit.

MELC 3:

Nailalarawan kung paano nagkakaiba at ✓
nagkakatulad ang bawat pamilya

9 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Ako ay Tumutulong sa Gawaing Bahay

Kulayan ang puso sa larawan na nagpapakita


ng pagtulong sa pamilya. Pumili ng nais na
kulay.

Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita


ng iyong pagtulong sa gawaing bahay.
Banggitin kung ano-ano ang iyong iginuhit.

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa paggamit ng krayola at lapis.


Maaaring tanungin ang bata kung ginagawa ba
niya ang isang gawain upang maisip ang mga
iguguhit.

PIVOT BOW Competency: ✓

Nailalarawan ang mga karanasan na may ✓
kinalaman sa pagtutulungan ng pamilya

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


10
WEEK
2

Pangalan:

Ako ay Matulungin at Mapagmahal


Lagyan ng kahon ang mga larawang
nagpapakita ng pagtulong at pagmamahal
sa pamilya at nakatatanda.

1 2 3
kaarawan

4 5 6

7 8 9

Paalala sa Magulang:

Ipaliwanag sa bata ang sagot. Bigyang diin na


hindi dapat tularan ang nasa larawan 3, 5 at 7
sapagkat mali ang mga ito.


MELC 4:

Naipakikita ang pagmamahal sa mga kasapi


ng pamilya at sa nakatatanda ✓

11 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Ang mga Letra at Kanilang Tunog


Bilugan ang tunog na kumakatawan sa
unang letra ng bagay na nasa larawan.

/ / / /
/ / / /
/ / /k/

/s/ / /
/ / / /
/ / / /

/ / / /
/ / / /
/ / /i /

/ / / k //
/ / / h/
/l / // p/ /

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagtukoy ng pangalan ng


bawat larawan. Pagkatapos ay ipabigkas ang tunog
ng unang letra.

PIVOT BOW Competency: ✓


Give the sound of each letter (mother tongue,
orthography)

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


12
Pangalan:

Ang mga Letra at Kanilang Tunog


Bilugan ang tunog na kumakatawan sa
unang letra ng bagay na nasa larawan.

1 / / 2 /d/
/ / / /
/k/ /b/

3 / / 4 /k/
/ / / /
/ / / /

5 / / 6 / /
/ / / /
/ / / /

7 / / 8 / /
/ / / /
/ / / /

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagtukoy ng pangalan


ng bawat larawan. Pagkatapos ay ipabigkas
ang tunog ng unang letra.

PIVOT BOW Competency: ✓


Give the sound of each letter (mother tongue,
orthography)

13 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Ang mga Maliliit at Malalaking Letra


Pag-ugnayin ang magkaparehong letra. Gumuhit
ng linya mula sa malaki patungo sa katumbas na maliit
na letra.

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagguhit ng linya na


mag-uugnay sa malalaki at maliliit na letra.


PIVOT BOW Competency:

Match an upper- to its lower-case letter ✓

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


14
Pangalan:

Ang mga Maliliit at Malalaking Letra


Pag-ugnayin ang magkaparehong letra. Gumuhit
ng linya mula sa malaki patungo sa katumbas na maliit
na letra.

Paalala sa Magulang:

Maaaring ipaturo muna ang malalaking letra at


pagkatapos ay ang maliliit na letra bago
ipagawa ang gawain.


PIVOT BOW Competency:

Match an upper- to its lower-case letter ✓

15 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Ang Alpabetong Filipino


Kulayan ang kahon ng wastong letra na
bubuo sa pangalan ng prutas na makikita sa
ibaba. Pumili ng nais na kulay. Isulat ang
nawawalang letra sa linya (___).

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg
Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn
Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss
Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz

__ a n g a m a n __ a n a s p a p a y __

p __ n y a __ u k o
Paalala sa Magulang:

Ipatukoy ang tawag sa nasa larawan. Hayaan ang


bata na sambitin ang nawawalang letra. Ipaturo ito
sa Tsart ng Alpabeto at pakulayan ito. Ipasulat ang
letra sa linya.

MELC 5: ✓
Identify the letters of the alphabet (mother tongue,
orthography)

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


16
WEEK
3

Pangalan:

Mga Bagay na Matatagpuan sa Silid-aralan


Pag-ugnayin ang salita at larawan. Gumuhit ng
linya mula sa salita patungo sa angkop na larawan ng
bagay na matatagpuan sa paaralan.

pisara

mesa

silya

pinto

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagsagot. Dahil


maaaring hindi pa siya nakarating sa paaralan,
maaari kang magkuwento o ang iyong ibang
anak na nakakita na ng silid aralan.

MELC 6: ✓
Name the places and the things found in the ✓
classroom, school and community ✓

17 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Paghahambing ng Mas Marami at Mas Kaunti


Hanay A: Bilugan ang larawan na nagtataglay ng mas
maraming bilang.
Hanay B: Lagyan ng kahon ang larawan na nagtataglay
ng mas kakaunting bilang.

Hanay A Hanay B

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagbibilang at pagsagot.


Maaaring magbigay pa ng ibang halimbawa.

PIVOT BOW Competency:

Distinguish differences in objects in terms of quantity

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


18
Pangalan:

Pananatili ng Bilang Kahit may Pagbabago sa Ayos


Bilugan ang mga larawan sa Hanay B kung
magkatulad ang bilang ng nasa Hanay A.
Lagyan ng ekis (X) kung magkaiba ang bilang.
Hanay A Hanay B

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagbibilang at


pagsagot. Maaaring magbigay pa ng ibang
halimbawa.

MELC 7:

Tell that the quantity of a set of objects does


not change even though the arrangement
has changed

19 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


WEEK
4

Pangalan:
Ang mga Gawain ng Aking Pamilya
Isulat ang pangalan ng bawat kasapi ng
pamilya sa katapat na linya. Markahan ng
tsek (✓) kung sino sa inyo ang gumagawa
ng gawaing makikita sa larawan sa kaliwa.

______________ _______________ _______________ ______________ ______________

Paalala sa Magulang:

Ipaguhit sa bata ang kaniyang sarili sa panghuling


kahon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang tsek
sa bawat gawain.

MELC 8:

Give the names of family members, school
personnel, and community helpers, and the roles
they play/jobs they do/things they use

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


20
Pangalan:
Ang Iba pang mga Kasapi ng Pamayanan
Isulat ang tawag sa mga taong nasa larawan.
Sabihin kung ano ang kanilang ginagawa
ayon sa kanilang trabaho o propesyon.

g_ _ _ ________________________

p_ _ _ s ________________________

d _ k _ _ _ ________________________

Paalala sa Magulang:

Ipatukoy sa bata ang tawag sa taong nasa


larawan. Ipasulat sa patlang ang mga
nawawalang letra. Maliban sa salitang
naglalarawan, maaari ring kagamitan sa
trabaho ang isulat o iguhit sa linya.
MELC 8:

Give the names of family members, school
personnel, and community helpers, and the
roles they play/jobs they do/things they use

21 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Ang Iba pang mga Kasapi ng Pamayanan


Bilugan ang larawan ng mga taong makikita
sa inyong lugar. Mag-isip ng salita upang
ilarawan ang bawat isa at isulat sa linya sa
ibaba.
guro nars mangingisda

_________________ _________________ _________________

pulis magsasaka doktor

_________________ _________________ _________________


Paalala sa Magulang:

Maliban sa salitang naglalarawan, maaari ring


kagamitan sa trabaho ang isulat o iguhit. Maaari ring
magbanggit ng ibang propesyonal na mas kilala ng
bata.

MELC 9: ✓
Talk about family members, pets, toys, foods, or
members of the community using various
appropriate descriptive words

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


22
WEEK
5

Pangalan:
Magagalang na Pagbati at Pananalita
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng
magagalang na pagbati at pananalita.

Regalo ko sa Salamat po. Good morning Good morning


iyo. po, Ma’am! too, mga bata!

Sa iyo na ito. Ayaw ko. Mag-iingat ka, Opo, inay.


Salamat po.

Basahin nang malakas ang sumusunod na


magagalang na pagbati at pananalita:
- “Good afternoon.” - “Excuse me.”
- “I’m sorry.” - “May I ___.”

Paalala sa Magulang:

Bigyang diin na mali ang nasa ikatlong


larawan. Himukin ang bata na huwag itong
gagawin. Kung hindi pa marunong magbasa
ang bata, pasunurin sa iyong pagbabasa.


PIVOT BOW Competency: ✓
Identify different polite greetings and
courteous expressions

23 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:
Kahalagahan ng Magalang na Pagbati at Pananalita
Kulayan ang mga lobo na nagtataglay ng
kahalagahan ng paggamit ng magalang na
pagbati at pananalita.

Tanda ng
pagiging
Kinagigiliwan
mabait at
ng mga tao.
magalang Mas
nauunawaan.
Magandang
pakinggan.

Paalala sa Magulang:

Ipaliwanag ang mga nakasulat sa lobo. Maaari ring


magbigay ng mga sitwasyon na hindi nakabubuti
ang hindi paggamit ng magagalang na pagbati at
pananalita.

PIVOT BOW Competency: ✓
Recognize the importance of polite greetings and
courteous expressions

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


24
Pangalan:
Paggamit ng Magagalang na Pagbati at Pananalita
Pag-ugnayin ang pagbati na akma sa larawan.
Gumuhit ng linya mula sa salita patungo sa angkop na
larawan na nagpapakita nito.

Magandang
umaga po!

Mano po.

Pakiabot, please?

Paumanhin po.

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagsagot. Maaaring


ipagawa sa bata ang mga nasa larawan o
ang iba pang halimbawa.


MELC 10: ✓
Use polite greetings and courteous expressions
in appropriate situations

25 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:
Paggamit ng Magagalang na Pagbati at Pananalita
Isulat ang magagalang na pagbati at
pananalita na iyong ginagamit. Banggitin
itong muli sa mga kasama sa bahay.

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagsusulat. Kung hindi pa


masyadong bihasa, maaaring ipabasabi na lang sa
bata at ipagsulat siya.

MELC 10:

Use polite greetings and courteous expressions in
appropriate situations ✓

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


26
WEEK
6

Pangalan:
Ang Aking mga Gusto at Di-Gusto
Markahan ng tsek (✓) kung gusto mo ang nasa
larawan. Lagyan naman ng ekis (X) kung ayaw mo nito.
Mga Larawan ✓ X

Paalala sa Magulang:

Hikayatin ang bata na magbigay pa ng iba


niyang gusto sa kategoryang pagkain, alagang
hayop, laruan, laro, kaibigan at lugar.


MELC 11: ✓
Talk about likes/dislikes (foods, pets, toys,
games, friends, places)

27 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:
Ang Paborito Kong Alagang Hayop
Iguhit ang larawan ng paborito mong
alagang hayop. Banggitin ang mga bahagi
ng katawan nito at iba pang detalye.

Paalala sa Magulang:

Maaaring ipaguhit sa bata ang hayop na gusto niya


kung wala siyang inaalagaan. Himukin ang
mag-aaral na kulayan ang kaniyang ginawa.

PIVOT BOW Competency: ✓


Talk about the details of an object/picture like toys,
pets, foods, places

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


28
Pangalan:
Mga Gawaing Sama-sama ang Aking Pamilya
Lagyan ng kahon ang mga larawan na
nagpapakita ng magandang gawain ng
pamilya habang sila ay sama-sama.
Magbahagi ng inyong gawain bilang pamilya.

A B

C D

Paalala sa Magulang:

Ipakuwento sa bata ang mga ginagawa ninyo


nang sama-sama bilang isang pamilya.
Maaaring maging batayan ang mga larawan
sa itaas.

PIVOT BOW Competency: ✓
Naikukuwento ang mga ginagawa ng
pamilya nang sama-sama

29 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:
Paglalarawan sa mga Kasapi ng Aking Pamilya

Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya.


Tukuyin kung sino-sino sila.
Isulat ang mga katangian at iba pang
paglalarawan sa mga kasapi ng iyong
pamilya.
Kasapi ng Pamilya Panlabas Panloob
na Katangian na Katangian

Paalala sa Magulang:

Ipaliwanag sa bata na ang panlabas na katangian


ay ang pisikal na kaanyuan katulad ng maputi,
matangkad. Ang panloob na katangian naman ay
pag-uugali katulad ng mabait.

MELC 12: ✓

Talk about family members, pets, toys, foods, or
members of the community using various
appropriate descriptive words ✓

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


30
WEEK
7

Pangalan:

Iba’t ibang Uri ng Panahon


Pag-ugnayin ang salita at larawan. Gumuhit ng
linya mula sa uri ng panahon patungo sa larawan na
tinutukoy.

1. maaraw

2.maulan

3. maulap

4. mahangin

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagsagot. Maaaring


magbigay ng dadag na tanong o paliwanag
upang mas maunawaan ng bata ang gawain.

MELC 13:

Tell and describe the different kinds of ✓


weather (sunny, rainy, cloudy, stormy, windy)

31 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Ang mga Maaaring Maganap Ayon sa Panahon


Lagyan ng kahon ang mga larawan ng
maaaring mangyari kung mainit ang
panahon.

Paalala sa Magulang:

Ipatukoy rin sa bata ang mga posibleng maganap


kung maulan, mahangin at maulap.

MELC 13:

Tell and describe the different kinds of weather



(sunny, rainy, cloudy, stormy, windy)

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


32
Pangalan:

Tala ng Panahon
Pagmasdan ang panahon. Iguhit ang uri ng
panahon sa talaan sa ibaba.

Araw Panahon sa Umaga Panahon sa Hapon


Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagmamasid at pagtatala ng


uri ng panahon. Magsilbing tagapagpaalala sa
gawain.

MELC 14:

Observe and record the weather daily (as part of ✓
the opening routine)

33 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:

Wastong Kasuotan sa Uri ng Panahon


Pag-ugnayin ang salita at larawan. Gumuhit ng
linya mula sa uri ng panahon patungo sa larawan ng
wastong kasuotan.

1. mainit

2.maulan

3. malamig

Isulat sa kahon ang iba pang bagay na


ginagamit sa iba’t ibang uri ng panahon.

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagsagot. Kung hindi


pa masyadong bihasa, maaaring ipabasabi na
lang sa bata at ipagsulat siya. Maaari ring
ipaguhit na lamang.

MELC 15: ✓
Identify what we wear and use for each kind ✓
of weather

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


34
Pangalan:

Angkop at Ligtas na Gawain sa Uri ng Panahon


Bilugan ang larawan na nagpapakita ng
angkop at ligtas na gawain sa panahong
makikita sa unang larawan sa kaliwa.

Paalala sa Magulang:

Ipaunawa sa bata kung bakit mali o mas hindi


angkop ang isa sa dalawang larawan sa
bawat hanay.

MELC 16:

Observe safety practices in different kinds of



weather

35 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


WEEK
8

Pangalan:

Ang Alpabetong Filipino


Isulat ang mga nawawalang
letra. Basahin nang malakas. Ulitin
nang makailang beses.

__ __ Bb Cc Dd Ee Ff Gg
Hh Ii Jj Kk Ll __ __ Nn
Ññ NGng __ __ Pp Qq Rr __ __
__ __ Uu Vv Ww Xx Yy Zz

Mag-isip ng tatlong pagkaing paborito mong


kainin. Isulat ang unang letra lamang
hanggang mapuno ang bawat espasyo.

Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagpili. Isang letra lamang


sa bawat tatlong guhit. Uuliting isulat ang
parehong letra hanggang mapuno ang espasyo.


PIVOT BOW Competency:

Recognize the different letters of the alphabet


PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


36
Pangalan:

Kaya Kong Kopyahin ang mga Letra


Isulat sa linya ang unang letra ng nasa
larawan. Kopyahin ang malalaki at maliliit na
letrang nasa kanang bahagi.

baso
__ Bb
ibon
__
nars
__
payong
__
tasa
__ t
Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagsusulat. Maaaring


ipagawa rin ang iba pang letra sa hiwalay na
sagutang papel.

MELC 17: ✓
Trace, copy, and write the letters of the ✓
alphabet

37 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Pangalan:
Pagsusulat ng Alpabetong Filipino
Bakatin ang mga malalaki at maliliit na letra.
Kopyahin ang mga ito sa isang malinis na
papel.

Aa Bb Cc Dd Ee
Ff Gg Hh Ii Jj
Kk Ll Mm Nn Ññ
Ng ng Oo Pp Qq
Rr Ss Tt Uu Vv
Ww Xx Yy Zz
Paalala sa Magulang:

Gabayan ang bata sa pagbabakat ng mga letra.


Maaaring gumawa ng parehong gawain sa isang
malinis na papel upang mas higit na makapagsanay
ang mag-aaral.

MELC 17:

Trace, copy, and write the letters of the alphabet ✓

PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


38
Pangalan:

Ang Aking Pangalan


Isulat ang iyong pangalan sa mga guhit sa
ibaba. Ulitin ito sa bawat hanay.

Paalala sa Magulang:

Maaaring maglagay sa unang mga linya ng


tutularan. Maaari namang gumawa ng
babakatin sa susunod na linya hanggang
matutuhan ng bata na sumukat na mag-isa.


MELC 18:

Write one’s given name ✓

39 PIVOT 4A CALABARZON Kindergarten


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta Rizal

Landline: 02-8682-5773 locals 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

You might also like