You are on page 1of 2

DISYEMBRE 9, 2020

ARALIN SA IKA-LABINDALAWANG LINGGO: URI


NG MGA POKUS NG PANDIWA
Ipinagpatuloy namin ang pagtatalakay sa mga uri ng pokus ng pandiwa at
dinagdagan ng dalawang uri, ang pokus sa pinaglalaanan at pokus sa kagamitan.
Ang pokus sa pinaglalaanan ay tungkol sa paksa, kung saan ay piagtutungkulan ng
kilos na isinasaad ng pandiwa samantala, ang pokus sa kagamitan ay tumutukoy ng
sa mga bagy naging instrument upang gawin ang kilos na sinaad sa paksa.
Ang mga pariralang nagsasaad kung ito nga ba ay pokus ng pinalalaanan o
kagamitan
1. Ipinampunas niya ang kaniyang maruming damit sa sahig upang mahigaan ng
may sakit. [KAGAMITAN]
2. Ipinambungkal ni Albert ang mga pala na hiniram niya sa kanilang kapitbahay.
[KAGAMITAN]
3. Ipinagtahi ng mga estudyante ang mga residente ng kurtina para sa kanilang
mga bahay. [PINAGLALAANAN]
4. Ipinangisda nila ang dinamita kaya nasira ang mga coral reefs na tahanan ng
mga isda. [KAGAMITAN]
5. Ipinantawid nila sa araw-araw na pangangailangan ang tulong na ibinigay ng
DSWD. [KAGAMITAN]
6. Ipinambili namIn ng walis ang mga donasyon upang magamit sa aming klase.
[KAGAMITAN]
7. Pinagsilbihan ng mga estudyante ang mga mangingisda upang makapahinga
kahit isang araw. [PINAGLALAANAN]
8. Ikinuha ni Mang Andres ng maiinom ang mga bisita. [PINAGLALAANAN]
9. Ikinuha ni Bb. Sindayen ang mga estudyante ng mga buto ng sunflower upang
kanilang itanim. [PINAGLALAANAN]
10. Ipinantali nina George ang kanilang mga sinturon sa mga mangingisda upang
makapahinga kahit isang araw. [KAGAMITAN]

You might also like