You are on page 1of 3

MARSO 17, 2021

ARALIN SA IKA-DALAWAMPUNG LINGGO: MGA


KATANGIAN NG ANEKDOTA, KASANAYANG
KOMUNIKATIBO AT ANG KOMIKS
Ang bagong aralin para sa bagong markahan na anekdota ay mas dumako pa
sa pinakamalalim na talakayin. Ito ay ang kaniyang mga katangian.
1. Maiksi at payak ang wika
- Ang katangiang ito ay lubusang payak at simple lamang ang porma,
nagiging mabilis ang pagsasalaysay ng isang pangyayari sapagkat ito ay
nakatuon lamang sa iisang suliranin. Kaya ang mga mambabasa ay mas na-
eenganyo dahil sa wikang naiintindihan ng lahat.
2. May tinututukang isang pangyayari at konkreto ang paglalahad
- Naglalahad ng iba’t ibang pangyayari ngunit nagbibigay lamang ng isang
pangkalahatang mensahe sa mambabasa. Importanteng ang panitikan ay
malinaw at kongkreto ang pagsasalaysay upang maintidihan nang maigi ang
teksto.
3. May tiyak na layunin
- Dinidiin ang nais na tunguhin o tema ng may akda. Maaring magpatawa,
manghikayat, magbigay ng mahahalagang mensahe sa kaniyang mambabasa.
4. Simple ang tunggalian
- Limitado lamang ang akdang anekdota, kaya mas nangingibabaw ang mga
suliraning payak lamang at naiiwasan ang komplikadong pagresolba.
5. Halaw sa katotohanan
- Ang anekdota ay maaring halaw sa totoong buhay o kuwento ng tao o
pangyayari na maaring napakahalaga o nagbibigay aral sa mga mambabasa
Mahahalatang ang anekdota ay may katangiang ‘halaw sa katotohanan’
sapagkat ito ay maituturing piksiyon o hindi totoong sa mga iilang pagkakataon.
Pumunta naman tayo sa araling tungkol sa kasanayang komunikatibo. Ayon
kay Savignon (2011), tumutukoy ang kasanayang ito sa mga mag-aaral ng wika
upang magamit sa pagkikipag-ugnayan sa iba at makabuo ng isang makabuluhang
pag-uusap na minsan ay hindi binigiyang-pansin ang kaalaman sa linggwistika.
Dahil dito, mayroong apat na sangkap na binubuo ang kasanayang
komunikatibo:
1. Kasanayang Gramatikal/Linggwistik
- Ang kakayahang umunuawa at makabuo ng wastong estruktura ng wika sa
mga salita at pangungusap. Maaring makikita rin ang kasanayang ito sa
pagbigkas, pagbaybay at pagbibigay-kahulugan sa mga salita.
2. Kasanayang Sosyo-linggwistik
- Tamang pagsasaalang-alang sa paggamit ng wika, kung naayon nga ba sa
tao, paksa, lugar at iba pa.
3. Kasanayang Diskorsal
- Kakayahang magbigay ng wastong interpretasyon at impormasyon sa
pagkikipagusap. Pagbibigay ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-
mail at artikulo ay nagagamit sa kasanayang ito.
4. Kasanayang Strategic
- Ang pagtukoy sa kakayahang magamit ang dalawang uri ng komunikasyon
(berbal at di-berbal) sa pagbibigay ng mensahe.

Ang panghuling aralin ngayong araw ay ang komiks. Ito ay babasahing may
mga larawang isinalalarawan na maaring gamitin sa pagsasalaysay ng kwento o
pangyayari. Tulad ng isang kuwento, mayroon rin itong iba’t ibang bahagi, tulad
ng pamagat, kuwadro, kahon ng salaysay, mga larawan ng tauhan at lobo ng
usapan.
Binigyan kami ng takdang-aralin na magsalaysay ng isang anekdota na
nangyari habang nasa bahay/lockdown. Sa pamamagitan ng pagdrawing o paraang
komiks. Natakot ako nang kaunti sapagkat hindi ako marunong gumuhit at hindi ko
alam kung ano pangyayari ang aking nais na iguhit. Ngunit sa masaya ako dahil
naipahatid ko nang maayos ang pagguhit, pati na rin ang kwento at naplano ko
nang maigi ang aking gagawin.

You might also like