You are on page 1of 1

FILIPINO 7

Taong Panuruan 2021-2022


Unang Markahan

HULING INAASAHANG PAGGANAP


Ang gawain:
Bumuo ng isang maikling sanaysay na naglalahad ng iyong interpretasyon sa pinagsanib na tema ng Buwan
ng Wika’t Kasaysayan: “Wikang Filipino: Bigkis ng Magkakalayong Pulo”

Sundin ang mga panuto sa ibaba kaugnay ng inaasahang tungkulin.

1. Makatutulong sa pagbuo ang mga gabay na tanong na:


* Ano ang wika?
* Ano ang kahalagahan nito?
* Paano makatutulong ang para mapalalim ang ugnayan natin sa iba nating kalahi tulad ng mga
katutubong Pilipino?
* Gaano ang nalalaman mo sa wikang Filipino? Makatutulong na magsaliksik ng mga impormasyon
tungkol dito.

2. Tuparin ang daloy na itinakda sa pagsulat ng sanaysay.

a. Panimulang Talata
• Sisimulan mo ang iyong sulatin sa pamamagitan ng isang talatang malikhain at nakapang-aakit na mga
pahayag.

b. Katawang Talata
• Lalamanin nito ang iyong kabuoang pagkakaunawa sa tema.

c. Talatang Pangwakas
• Wawakasan mo ang iyong sulatin sa pamamagitan ng isang talatang nagbubuod.

4. Sa pagbuo mo ng iyong sanaysay, tiyaking susundin ang mga pamantayang panggramatika tulad ng
wastong baybay, wastong paggamit ng mga bantas, wastong pagbanghay sa mga pandiwa’t pang-uri,
mabisang pagbuo ng pangungusap at konsistent na daloy ng kaisipan.

Rubrik sa Pagmamarka:

PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nilalaman
Makabuluhan ang mga tinalakay na punto.
Pagpapahayag
Malinaw ang pagpapahayag lalo na’t mabisa ang
ginawang pagbibigay ng opinyon, at paglalahad ng
sanhi at bunga.
Bahagi ng Sanaysay
Mabisa at kaakit-akit ang simula ng sulatin. Malaman
ang katawan. Nagbubuod ang wakas at
nanghihikayat.
Gramatika
Isinakatuparan ang wastong pagbabaybay at gamit ng
mga salita, pagbabantas, at pag-uugnay-ugnay ng
mga kaisipang ipinahayag.

You might also like