You are on page 1of 12

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY

NG MGA PATUNAY
PAANO MO
MASASABING
ANG ISANG
BAGAY AY
TOTOO?
• May mga bagay na ginagamit sa
pagpapatunay ng katotohanan ng isang
bagay. Makatutulong ang mga pahayag
na ito upang tayo ay makapagpatunay
at ang ating paliwanag ay maging
katanggap-tanggap o kapani-paniwala
sa mga tagapakinig.
• MAY DOKUMENTARYONG
EBIDENSIYA-ang mga ebidensiyang
magpatunay na maaaring nakasulat,
nakalarawan o naka-video
Halimbawa:
Pinatunayan ng “I-Witness” na sadyang
maraming kabataan ang nagsusumikap sa
buhay makatapos lamang ng pag-aaral
• KAPANI-PANIWALA - ipinapakita ng
salitang ito na ang ebidensiya, patunay at
kalakip na datos ay kapani-paniwala at
maaaring makapagpatunay.
Halimbawa:
Ayon sa mga nakalap na larawan, kapani-
paniwala nga ang matinding problema ng
Mindanao na makaaapekto sa ekonomiya
nito.
TAGLAY ANG MATIBAY NA
KONGKLUSYON - isang katunayang
pinapalakas ng ebidensya, pruweba, o
impormasyong totoo ang kongklusyon.
Halimbawa:
Taglay ang matibay na kongklusyon,
hinatulan ng Korte Suprema ang mga senador
hinggil sa Pork Barrel Scam.
• NAGPAPAHIWATIG - hindi direktang
makikita, maririnig, o mahihipo ang
ebidensiya subalit sa pamamagitan ng
pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan.
Halimbawa:
Ang pagtulong ni Angel Locsin sa mga
nasalanta ng pandemya ay
nagpapahiwatig ng pagiging mabuti nito.
• NAGPAPAKITA - salitang nagsasaad
na ang isang bagay na pinatutunayan ay
totoo o tunay.
Halimbawa:
Ang tulong mula sa iba’t ibang bansa na
umabot sa mahigit 14 na bilyong piso
ang nagpapakita sa likas na kabutihang-
loob ng tao anoman ang kulay ng balat
at lahi mo.
NAGPAPATUNAY/KATUNAYAN/
PATUNAY - salitang nagsasabi o nagsasaad
ng pananalig o paniniwala sa ipinahayag
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay nakapaloob sa tinatawag na
Pacific Typhoon Belt na nangangahulugang
dinaraanan ito taon-taon ng maraming bagyo.
Katunayan, sa bawat taon ay may 8
hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa
ating Philippine Area of Responsibility.
• PINATUTUNAYAN NG MGA DETALYE -
makikita mula sa mga detalye ang patunay sa
isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga
detalye para makita ang katotohanan sa
pahayag.
Halimbawa:
Pinatutunayan lamang ng mga nabanggit na
detalye na ang Immaculate Conception of
Academy of Manila ay isang mabuting paaralan.
• Kadalasa’y gumagamit ng mga
pangatnig na paninsay bilang
pagdaragdag ng detalye na
makatutulong sa balanseng
pagpapahayag ng ideya o
kaisipan. Sa pamamagitan ng
mga pangatnig na paninsay
tulad ng at, kaya,
samakatuwid, naiuugnay ang
mga parirala at sugnay na
naghahayag ng patunay sa loob
ng isang pangungusap.
SABIHIN KUNG ANG PAHAYAG AY NAGBIBIGAY
PATUNAY AT KUNG HINDI ITO NAGSASAAD NG
PATUNAY.

1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay


Pangulong Duterte ay patunay na nakatawag-pansin sa
maraming Pilipino ang kaniyang pangakong pagbabago.
2. Umaasa ang marami na may magbabago sa kani-kanilang
buhay.
3. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensiya na ang
Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo dahil sa
kinalalagyan nito at sa mahigit na 7 libong islang lantad sa
hangin at ulang dala ng mga bagyo.
4. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.

You might also like