You are on page 1of 3

Panitikang Kabisayaan

Ang Kabisayaan ay ang pangatlo sa


pinakamalaking pangkat ng mga pulo sa
Pilipinas. Sinasabing ang pangalang
Visayas ay nagmula sa salitang Malay na
Srivijaya. Ang Sri sa salitang sanskrit ay
nangangahulugang “mapalad”,
“mayaman “ o “masaya” samantalang
ang vijaya “matagumpay” o “mahusay”.
Makasaysayan ang mga pulo ng
Kabisayaan. Dito dumaong ang mga
Espanyol na sumakop sa ating bansa sa
pamumuno ni Ferdinand Magellan.Dito
rin unang nanindigan ang bayaning si
Lapulapu nang tumanggi siyang
magpasakop at mapatay niya si
Magellan sa labanan sa Mactan.
Awiting-Bayan
ito ay nasa anyong patula na inaawit at karaniwang
binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Ang karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa isang
bayan. Masasalamin sa mga ito ang mga kaugalian,
karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay.
Taglay rin ng mga ito ang iba’t ibang damdaming
umiiral sa iba’t ibang pagkakataon tulad ng
kaligayahan sa panahon ng tagumpay, kalungkutan sa
kabiguan, galit at maging kapanatagan ng kalooban
habang gumagawa ng mga pangkaraniwang gawain
tulad ng pagtatanim.
Awiting-Bayan at Bulong mula sa Kabisayaan
Bulong
Ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating
katutubong panitikang pasalindila. Ito ay
ginagamit pa rin ng marami nating kababayan
sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat
ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa
tabing-ilog at sa ibang lugar na pinaniniwalaang
tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa o
maligno.

You might also like