You are on page 1of 1

Kabatana II

Panitikang Bisaya: Salamin ng Mayayamang


Kultura, Tradisyon, at mga Kaugalian ng
Kabisayaan
Kabisayaan
Ang kabisayaan ay ang pangatlo sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Nangunguna sa
mga ito ang Luzon, pumapangalawa naman ang Mindanao.
Ang pangalang Visayas ay nagmula sa salitang Malay na Srivijaya. Ang Sri sa
salitang Sanskrit ay nangangahulugang “mapalad”, “mayaman”, “masaya” samantalang ang
salitang Vijaya ay nangangahulugang “matagumpay”, “mahusay”.Ang Visayas ay mayaman
sa mga baybayin, masaganang lupain, magagandang tanawin at sa magigiliw at masasayang
mamamayan.
Makasaysayan ang mga pulo ng Kabisayaan. Dito dumaong ang mga Espanyol na
sumakop sa ating bansa sa pamumuno ni Ferdinand Magellan noong Marso 16, 1521 sa may
pulo ng Humonbon. Dito din unang lumaganap ang Kristiyanismong dala ng mga Espanyol.
Mga Bayaning Umusbong sa Kabisayaan:
1. Graciano Lopez-Jaena
2. Teresa Magbanua ng Iloilo
3. Leon Kilat ng Negros Oriental
4. Tamblot at Francisco Dagohoy- ang dalawang nagpasimuno ng rebelyon sa Bohol
laban sa mga Espanyol.

Aralin 1: Awiting-Bayan at Bulong mula sa Kabisayaan


Awiting-Bayan
Ang awiting bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma. Kalaunay
nilapatan ito ng himig upang maihayag nang paawit at mas madaling matandaan o masaulo.

You might also like