You are on page 1of 16

5.

ANG MGA WARAY AT ANG PISTA NG PINTADOS

5.1 KASAYSAYAN

Ang Waray ay isang pangkat


etniko sa Pilipinas na karamihan sa mga
ito ay naninirahan sa Rehiyon VIII-
Silangang Bisaya na kinabibilangan ng
anim na lalawigan, ito ay ang Leyte,
Kanlurang Samar, Silangang Samar,
Hilagang Samar, Timog Leyte, at
“Ang Unang Misa”
Larawang kuha mula sa mb.com.ph
Biliran. Ang rehiyon ay napapaligiran ng
tubig at bukod pa rito, ito rin ay mabundok at may malalim na lambak at dalampasigan. Ang Leyte
ay mabundok samantalang ang Samar ay maburol at walang kapatagan. Mayroon itong maalong
dalampasigan dahil nga alam naman natin na ang rehiyong ito ay napapalibutan ng karagatan.
Walang takdang panahon para sa tag-init o tag-ulan na siyang nagsisilbing balakid sa pag-unlad
ng rehiyon. Madalas dalawin ng bagyo ang rehiyon dahil sinasabing ito ay nasa “typhoon belt”.
Ang rehiyon ay napapalibutan ng karagatan at bukod pa rito ang rehiyon ay malapit sa Karagatang
Pasipiko na kung saan madalas nabubuo ang bagyo at kadalasan sa rehiyon ng kabisayaan
dumadaan o tumatama ang mga bagyo na siyang dahilan kung bakit taon-taon itong nasasalanta.

Ang “Waray” ay tumutukoy sa mga tao at wika ng Leyte at Samar. Ang ibig sabihin ng
“Waray” ay “wala”. Kung paano ito naging pangalan para sa wika, wala nang may alam ngayon
(Ramos, 1971). Mas kinilala ang wikang ito sa pangalan na “Lineyte-Samarnon” o “Binisaya”
noon. Ang mga isla sa Silangang Visayas ay mga “natural harbors” para sa mga naunang
“seafarers”.

Ang pangkat ng Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon, at Masbate Sorsogon.


Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga
diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo. Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay
tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang ang kanilang wikang sinasalita. Gayunpaman,
nagkakaiba naman sila sa mga ideya at proposisyon, at konstruksyon ng pangungusap. Dahil doon,
ay may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba ang
dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika sa mga
probinsiyang ito.

Noong Marso 16, 1521, si Ferdinand Magellan ay nakarating sa Pilipinas (sa Homonhon -
isang isla sa Samar). Makalipas ng dalawang linggo, ang kasikasi o sanduguan ni Magellan at ang
Hari ng Limasawa na si Rajah Kolambu ay naganap. Dalawang araw pagkatapos nito, ang pinaka-
unang misa sa Pilipinas ay nairaos. Makalipas ang labing pitong taon, nakarating sa Leyte ang

43 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
ekspedisyon ni Ruy Lopez de Villalobos. Siya ang nagbigay ng pangalang, “Las Yslas Felipinas”
sa islang Samar at Leyte, dating “Tandaya”, sa karangalan ni Don Felipe ng Espanya.

Sa katapusan ng Abril, ang isang insidente sa


Mactan ay nagpakita ng pinakaunang paglalaban sa
dayuhang mananakop. Itong pag-aalsa sa bayan ng
Mactan ay isang tagumpay para sa mga Pilipino noon,
lalong lalo na ang pagkakapatay ni Magellan.
Pagkatapos ng pananakop ng mga Kastila, dumating
ang mga Amerikano. Si Heneral Vicente Lukban ang
ang pinuno ng paghihimagsik at inatake nila ang
garison ng mga Amerikano at ito ay mamayang
tinawag na “Balangiga Massacre”. Sa panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII), nilusob ng
mga Hapon ang mga Pilipino habang ito ay sinasakop
ng mga Amerikano. Ang pinuno ng hukbo sa panahon
na iyon ay ang pinuno na si Heneral Douglas
“Monumento ni Lapu-lapu”
Larawang kuha mula sa pinterest.com MacArthur. Napilitan siyang lumikas dahil
kinailangan niyang pamunuan ang ibang laban sa ibang lugar. Bago umalis si Heneral Douglas
MacArthur ng Pilipinas, siya ay nagsabi ng kanyang kilalang mga salita na, “I shall return.”. Nang
bumalik si Heneral MacArthur, nakipaglaban siya kasama ang mga guerilla sa Leyte at tuluyan
nang napatalsik ang mga Hapones.

5.2 PAMUMUHAY: SIKLO NG BUHAY

A.) Panliligaw at Pag-aasawa

Ang panliligaw sa Waray ay tinatawag na


“panguyab” galing sa salitang- ugat na “uyab” na
nangangahulugang “boyfriend/girlfriend/sweetheart”.
Isa pang katawagan dito ay ang pang-unswelo.
Ginagawa ang panliligaw para malaman kung
maganda ba ang intensyon ng lalaki sa babae.
Kailangan ng lalaki bumisita nang pormal sa bahay ng
babae at magpakilala sa pamilya at mga kamag-anak “Panliligaw”
Larawang kuha mula sa ffemagazine.com
nito.

44 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Kung ito naman ay umabot sa planong kasalan, kinakailangan naman ng lalaki na humingi
ng basbas mula sa kanyang mga magulang. Ang tawag dito ay Pasabot. Dito na rin pupunta sa
bahay ng babae ang pamilya ng lalaki at mayroon silang kasamang tagapagsalita na tinatawag na
tagumbaba sa Alang-alang, Leyte. Ang pamilya ng babae ay may karapatang hindi papasukin ang
pamilya ng lalaki kung hindi nila ito magustuhan. Kinakailangan na ang pamilya ng lalaki ang
magdadala ng pagkain at kagamitang pagkain na sumisimbolo ng kakayahan ng lalaki na mag-
alaga at magsikap para sa babae. Dowry din ang tawag sa alay na ibibigay ng pamilya ng lalaki sa
pamilya ng babae. Pamalaye naman ang tawag sa sunod na hakbang kung saan pupunta ulit ang
pamilya ng lalaki sa bahay ng babae at pag-uusapan ang preparasyon sa kasal.

Sa lalawigan ng Bubon, Northern Samar, ang pamilya ng lalaki ang maghahanda sa


sayawan o “social dance event” na tinatawag namang “sada-sada”. Ang tradisyong sayaw nilang
“kuratsa” ay ginagawa ng mga panauhin. “Gala” naman ang tawag sa pagtapon ng pera sa isang
panyo na nasa lupa. At sa huli, ang “paado” naman ang tawag sa sayaw ng babae at ng lalaki.

B.) Pagbubuntis At Panganganak

Habang nagbubuntis pa lamang ang


isang ina may tinatawag ang mga Waray na
pangipa o paglilihi, ito ay pananabik na
kumain ng alinmang gugustuhin. May
katutubong anting-anting din ang mga Waray
na tinatawag na “luno han halas” na siyang
ipinapahid sa manganganak upang mas
“Pagbubuntis”
Larawang kuha mula sa smartparenting.com.ph mapadali ang kaniyang panganganak. Ayon
kay Andy Razel Clemente, isang dating mamamayan sa lugar ng mga Waray sa Samar, may
kaugalian ang mga Waray sa panganganak na kapag matapos manganak ng isang ina ay dapat
hindi ito maligo ng dalawang linggo sapagkat siya ay bagong panganak pa lamang at baka mabinat
ito at mauwi pa sa pagkasawi.

C.) Kamatayan at Paglilibing

Isang paniniwala ng mga Waray tungkol sa


kamatayan ay ang kaluluwa ng namatay ay nag-aalangan
pang lumiban sa mundong ibabaw. May mga ritwal silang
ginagawa o pag-aalay ng panalangin sa mga namatay.
Tinatawag ito na novena, isang kaugalian ng mga Waray
na siyang debosyon din ng mga Katoliko. Ito ay siyam na “Nakasinding Kandila”
Larawang kuha mula sa bogieswonderland.com

45 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
sunod-sunod na araw ng sama-samang pananalangin. May tinatawag silang tapos han linusaran
(nine days after death), tapos han ika-kwarenta (40 days after death), tapos han ika-siyam (nine
years death anniversary), na ang ibig sabihin ng tapos ay ika-siyam at ika-kwarentang araw. May
tinatawag din silang salitang “tagmo” na ang ibig sabihin ay paglisan ng kaluluwa sa mundo at
“pasulit” na ang kahulugan ay anibersaryo ng pagkamatay ng isang taong pumanaw na.

Kultura na ng mga Waray na sa mismong araw ng


pagpanaw ng isang tao ay may ginagawa silang panalangin
dito. Ito ay panalangin sa novena na nagsisimula sa
ikalawang araw hanggang sa makaabot sa tapos. May mga
kaugalian rin sila sa paglipat ng kabaong patungong
simbahan at libingan. Unang lumalabas ang miyembro ng
pamilya bago ang kabaong at sa pagposisyon ng kabaong,
“Burol”
Larawang kuha mula sa buhayofw.com sa paanang parte nito ang nauuna at hindi ang ulo. May
ginagawa rin silang mga kaugalian, ito ay ang pagdaan ng mga anak sa ilalim ng
kabaong ng kanilang magulang na tinatawag na suhot at ang mga sanggol ay pinaparaan sa
ibabaw ng kabaong na ang tawag ay lakbay ginagawa ito upang mawala ang kanilang takot sa
namatay. Pagkatapos ng libing bago sila pumasok sa kanilang bahay ay huhugasan muna nila ang
kanilang mga kamay ng inihandang tubig sa palanggana na may dahon ng kalamansi o mga
kalamansi mismo. Ang kalamansi ay maasim kung kaya ito ang ginagamit upang mawala o maalis
ang mga negatibong elemento katulad ng sakit, kamalasan, kapahamakan, at kamatayan.

D.) Paghahanapbuhay

Binibigyang-diin ng mga Waray ang mga seremonya, ritwal at mga pista na parte ng siklo
ng kanilang pamumuhay. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Waray ay pangingisda at
pagsasaka. Sa kasalukuyan ay mayroon na ring pangangalakal ng tabako, torso, ceramics, at
yantok sa lugar ng mga Waray.

Pangingisda

Ang mga Waray ay gumagawa na ng mga bangka dahil sila ay nakatira sa mga matubig na
lugar at para sa transportasyon at pangangalakal.

“Pangingisda”
Larawang kuha mula sa philstar.com

46 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Pag-uma

Nagsasaka rin sila ng mga palay, kanin, camote, gabi,


ube, apari, talayan, casava, saging, at lubi. Pero ang
pinakanakakaiba sa kanila ay ang paggamit ng pahoy na
gawa sa kawayan at kahoy.

“Pag-uma”
Larawang kuha mula sa scribd.com

Pag-lara

Sila rin ay naghahabi. Ito ay ginagawa nila sa


tikog. Ang paghahabi ay trabaho at isa sa mga paraan nila
na magkakasama.

“Pag-lara”
Larawang kuha mula sa gerryruiz.wordpress.com

Animistikong Paniniwala sa Pagtatanim o Hanapbuhay

Isa sa mga paniniwala ng mga Waray na ang kapaligiran ay mayroong puwersang hindi
materyal na nagpapakilos sa kapaligiran. Sinasabi rin dito na may kani-kaniyang o angking
kaluluwa ang mga bagay-bagay na siyang tinatawag din na animismo. Naniniwala silang ang mga
bagay sa kapaligiran ay may sarili ring kaluluwa kaya’t nirerespeto nila ang mga bagay na kanilang
makikita. Halimbawa na lamang ang mga halaman, ayon sa isang mamamayan doon sa Samar na
si Carmina Candidatu, may mga ritwal din daw ang mga Waray na dapat talagang gawin upang
magkaroon ng masaganang ani ang kanilang mga pananim. May ginagawa rin ang mga
magsasakang Waray upang mas maging mataba ang kanilang mga pananim. Ito ay ang
malawakang pagputol at pagsunog ng mga punongkahoy sa kagubatan na tinatawag nilang
kaingin. Ang pagpugas ay isang ritwal ng mga magsasakang Waray sa pagtatanim ng palay. May
tinatawag din silang paglawi, ito ay isang pag-aalay ng manok o lawihan sa mga ispirito upang
magkaroon ng masaganang ani. Ang Rehiyon VIII na tinitirhan ng karamihan ng mga Waray ay
napapalibutan ng karagatan. Kaya isa ang pangingisda sa kanilang ikinabubuhay roon. Ayon kay
Arens (1956), ang mga Waray ay may ginagawang seremonya sa tuwing sasapit ang kabilugan ng
buwan. Sila ay nag-aalay ng pagkain na kung tawagin nila ay buhat. May ginagawa rin silang mga
seremonya na ginagawa bago magtanim at mag-ani ng mga produkto na tinatawag nilang paglihi.

47 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Tabo

Ito ay isang palengke para sa mga


Waray. Dito sila nangangalakal at nagtitinda ng
kanilang mga produkto.

“Tabo”
Larawang kuha mula sa gerryruiz.wordpress.com

E.) Katawagang Pang-angkan

Sa Waray, katulad lamang sa wikang Filipino, ang anak ay tumumutukoy sa bata. Ang
lalaking anak ay tinatawag na “anak nga lalaki” (anak na lalaki) o “anak nga babaye” (anak na
babae). Ang mas pinakamalapit na katawagan sa lalaking anak ay “intoy” o “indoy” at “iday o
“inday” naman sa anak na babae. Ang nag-iisang anak naman ay tinatawag na “bugtong”. “Kag-
anak” ay tumutukoy sa mga magulang. “Iroy” ang tawag sa ina at “amay” naman sa ama. Ang
magkakapatid ay tinatawag na “bugto o kabugtuan”. Ang panganay na anak ay tinatawag na
“Suhag” at “pudo” naman sa pinakabunso. “Apoy” naman ang tawag sa lolo at lola.

5.3 WIKA AT IBA PANG KULTURA

A.) Wika

Lineyte Samarnon o Binisaya ang pormal na pangalan ayon sa Konseho para sa Wikang
Bisaya. Sinasalita ito sa buong Samar, San Vicente at San Antonio sa Northern Samar; at, Almagro
at Santo Niño sa Western Samar kung saan sinasalita ang Cebuano. Ang wikang mayroong halos
4,000,000 katutubong nagsasalita. Kilala rin ito sa mga katawagang, Waray, Winaray, Lineyte-
Samarnon, Binisaya nga Sinamar-Leytenhon o pagkakaiba-iba ng mga pangalang “Waray”,
“Leyte”, “Samar” at “Visayan.

Mga Salitang Waray

Damo nga Salamat - Maraming Salamat Mahusay ngan gwapo - Maganda o gwapo

Hini-higugma ta ikaw - Mahal Kita

Sige, pag hinay- hinay na la - Sige po, ingat.

Maupay nga aga - Magandang umaga

Tag-pira ini? - Magkano po?

48 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
B.) Relihiyon

Ayon sa isang datos, ang Rehiyon VIII ay tinatawag na luklukan ng kasaysayan. Ito ay
dahil sa makasaysayang pangyayari na naganap sa rehiyon ng Silangang Visayas gaya na lamang
ng unang misa sa Pilipinas na naganap sa isla ng Limasawa. Ayon sa inisyal na pananaliksik na
isinapubliko ng Joshua Project (2019), 85% ng mga Waray ay mga Katoliko. Ang mga Waray ay
napakarelihiyosong tao dahil nga sa kapuluan ng kabisayaan unang naipalaganap ang
Kristyanismo noong panahon pa ng mga Kastila dito sa Pilipinas. May ibang mga Waray ring
naiiba ang relihiyon ngunit magkapareho lang din naman ng mga pinaniniwalaan. May mga
tradisyon silang ginagawa tuwing sasapit ang buwan ng Enero ika-siyam na araw na kung saan
may nagaganap na translasyon ng Poong Nazareno at isa sa kanilang ritwal sa tuwing sasapit ito
ay magkakaroon sila ng panalangin o novena para sa Hesus Nazareno.

C.) Paniniwala sa mga Aswang at Mahika

Katulad ng mga tao sa ibang bansa,


ang mga sinaunang Pilipino ay may mga
paniniwala hinggil sa kanilang mga diyos, at
mga pamahiin na karaniwan nang gabay sa
kanilang pamumuhay. Isa rin sa mga
pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino ay
ang mga tinatawag nating mythical creature
sa Ingles. Ang mga Waray ay may mga
paniniwala rin tungkol sa mga kakaibang
nilalang katulad ng Aswang. Ayon kay Andy
Razel Clemente, ang aswang ay
“Aswang”
Larawang kuha mula sa pinterest.com maihahalintulad sa manananggal dahil ito ay
lumilipad at kumakain ng laman loob. Ayon sa kaniya, sikat itong mga kwento noon na niyang
naipapasa sa mga kabataan. Bawal sa kanilang lumabas kapag gabi na, dahil naniniwala silang
may mga aswang na umaaligid sa paligid at kapag na tiyempohan ka nito ay talagang magiging
ulam ka. Mayroon din silang paniniwala na ang mga aswang ay nagnanakaw ng mga patay at
pinapalitan ito nang puno ng saging ngunit kung titingnan ng lahat ay kamukha nang namatay pero
kapag inilabas ang kabaong sa bintana ay magbabago ang anyo nito at magiging puno ng saging.
May mga paniniwala rin ang mga Waray tungkol sa mahika. Ito ay isang hindi pang karaniwang
kapangyarihan na nagdudulot ng mga agimat at iba pang mga bagay na pinaniniwalaan ng iba na
magbibigay sayo ng kapangyarihan o mahika. Ayon kay Villegas (1968), may apat na klase ng
mga taong gumagamit ng itim na mahika; boyagan, barangan, ban-okan, at hilo-an. Ang
“boyogan” ay sinasabing taong “kulay itim ang dulo ng dila”. Ang kanyang dila ay makamandag

49 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
na kahit anumang papuri o paninisi ang kanyang sambitin sa isang tao ay nagkakasakit. Ang
kanyang mga sumpa ay pinapaniwalaang nakamamatay. “Barangan” naman tawag sa taong
maaaring magdala ng panganib sa kahit na kanino sa pamamagitan lamang nang paghipo o
paghawak nito sa mga bagay na may kinalaman sa taong nais niyang saktan o wasakin na maaaring
ikamatay ng biktima. Ang “ban-okan” naman ay taong naglalagay ng putik sa sistemang panunaw
ng kanyang bibiktimahin na magiging sanhi ng pagtatae at pagkamatay. Ang “hilo-an” naman ay
may kapangyarihang lasunin ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ito rin ang nagiging dahilan
kung bakit nagiging mas maingat ang mga Waray sa tuwing sasama sila sa mga pista sa
kadahilanang madali silang lasunin ng hilo-an.

D.) Paniniwala sa mga Kalag, Alagad, o Multo

Noon pa mang sinaunang panahon ay naniniwala na ang mga Waray sa mga sumusunod:

1.) Kalag – Ito ang maaaring humiwalay sa katawan sa tuwing nananaginip o


binabangungot, may malubhang sakit, o tinangay ng mga engkanto dahil sa
pagkainggit o pagkahumaling nito sa tao (Scott ,1994).
2.) Umalagad – Ito ang kaluluwa ng mga ninuno na itinuturing na mga tagabantay
at kasama.
3.) Multo – Ito ang mga kaluluwang pinaniniwalaang namatay dulot ng trahedya o
sinadyang pagpaslang sa isang tao
4.) Aghoy – Ito ay mula sa salitang panaghoy na ang ibig sabihin ay pagsipol. Ang
pagsipol ay hindi ginagawa sa gabi dahil sa mga aghoy nanagdudulot ng
kapahamakan sa sino mang tinugunan din nilang sipol dahil sa pagsipol niya sa
gabi.
5.) Malakat – Ito ay may anyo nitong tao ay nagbabago sa tuwing siya ay aatake
at pinapatay ang isang tao upang kainin ang laman nito
6.) Onglo at Uglo – Ito ay isang mabalahibong higanteng engkanto na lumalapit
sa mga tao at naglalakad mag-isa sa gabi. Isang engkantong nananinirahan
malapit sa tubig.
7.) Sigbin – Ito ay inilalarawan na mayroong pinaghalong katangian ng aso,
kambing, at kangaroo na sinasabing sumisipsip ng dugo mula sa kanilang
biktima.
8.) Kahoynon – Ito ay ang engkantong naninirahan sa kagubatan o sa mga punong
taong kinaibigan ng kahoynon ay nawawala sa katinuan at kung siya ay sasama
sa kahoynon ay nawawalan siya ng malay at pinaniniwalaang nasa
engkantadong dimensyon na ang taong ito.
9.) Tubignon – Ito ay ang engkantong nakatira sa mga anyong tubig.

50 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
E.) Mga Taboo o Bawal

Bawat pangkat etniko ay may mga bawal na dapat sundin o di kaya ay nasa tao na iyon
kung susunod sila o hindi. Kapag may patay, ipinagbabawal sa mga Waray ang pagligo ng
kapamilya ng namatay sa mga araw ng lamay dahil nga puyat at bawal talagang maligo baka
magkasakit pa ito, ngunit ang sabi naman ng iba ay malas daw kapag naligo habang may patay.
Bawal din daw ang pagwawalis sa sahig at dapat itapon ang nalusaw na kandila bago palitang ng
panibagong kandila. Isa rin sa kanilang mga taboo ay ang paggupit ng kuko kapag gabi dahil malas
daw.

F.) Mga Sayaw

Ang katutubong sayaw naman nila ay ang Kuratsa o Curacha. Ito ay sinasayaw ng isang
babae at isang lalaki. Kapag sinasayaw ito, kailangan isang pares muna ang sasayaw. Ang ideya
ng sayaw na ito ay parang hinahabol ng lalaki ang isang babae. Ang Tinikling, isa sa mga popular
at kilala na sayaw sa Pilipinas, ay nagmula sa lalawigan ng Leyte sa Visayas. Hango ang pangalan
ng tinikling mula sa tikling, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at leeg, matulis ang tuka at
malalambot ang balahibo. Tinutularan ng mga mananayaw ng tinikling ang tikling sa yumi at bilis
nito sa pamamagitan ng mahusay na pagdaan sa dalawang mahabang piraso ng kawayan.
Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

“Tinikling” “Kuratsa”
Larawang kuha mula sa gt.activity Larawang kuha mula sa kalooban.com

G.) Musika

Ang mga Waray-waray ay mapagmahal


sa musika, madalas ang kanilang awitin ay
ballad, pinakatanyag dito ay ang Dandansoy at
ang Iroy nga Tuna na isang awiting makabayan.
Ang katutubong awit ng mga Waray ay Lubi-
lubi. Ang lubi-lubi ay isang halaman Solanum
nigrum (black nightshade). Tinatawag itong
“Awiting Lubi-Lubi”
kamkamatisan o gamagamatisan sa Tagalog. Larawang kuha mula sa
https://i.ytimg.com/vi/Z4UToKqUD9M/maxresdefault.jpg

51 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
H.) Mga Pagkain

Pang-araw-araw

“Mga Pang-araw-araw na Pagkain”


Larawang kuha mula sa pinterest.com

Karaniwan sa pagkaing Waray ay binubuo ng kan-on (rice), sura (maprotinang ulam)


halimbawa isda o karne, utan (gulay) tulad ng ganas (kamoteng-kahoy) o hindi naman kaya ay
lawot-lawot (mga pinaghalong gulay). Habang hinog nga saging o ripe banana naman ang
kanilang tipikal na panghimagas.

Pangpista

“Mga Pangpistang Pagkain”


Mga Larawang kuha mula sa pinterest.com

Katulad ng ibang pamantayan sa pistang Pilipino, ang piging ng mga Waray ay binubuo
ng pansit, beef kaldereta at rugo-dugo (dinuguan). Habang humba naman ang pinakakilalang
paborito ng mga Waray. Ito ay regular sa mga pista o kahit anumang okasyon. Hindi naman
kumpleto ang pista kung walang litson (lechon). Kilala naman ang Tanauan, Leyte na may
pinakamasarap na lechon sa Leyte.

Panghimagas/Minatamis

Ang matamis ay “matam-is” sa wikang Waray. Nagkakaiba-iba ang mga sangkap na mula
sa buko, kanin, mani hanggang sa mga kamote, kamoteng-kahoy, gabi at saging. Mayroon rin

52 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
silang pinakaespesyal na sangkap katulad ng aluro (sago). Kilala ring minatamis sa lugar ang keso,
sweet corn, at pinalamig na buko salad.

“Mga Panghimagas/Minatamis na Pagkain”


Mga Larawang kuha mula sa pinterest.com

I.) Kasuotan

Sa tahanan, ang mga batang wala


pang sampung taong gulang ay nakahubad
lamang at kung may darating na bisita, ang
mga batang babae ay maayos na tinatakpan
ng tela ang kanilang katawan at ang mga
batang lalaki suot lamang ang bahag (Alcina
in Kobak 1969:34.) Magsusuot lamang ng
bahag ang mga kalalakihan kung lalabas ng
bahay o magtatrabaho sa bukid. “Tradisyonal na Kasuotan ng mga Waray”
Larawang kuha mula sa culture.blogspot.com

Nagsusuot rin ng palamuti sa ulo (headdress o turban) ang mga kalalakihan na tinatawag
na pudong. Sinusuot ng mga karaniwang kalalakihan ang pudong-pudong na yari sa tela ng abaca
at isinusuot kagaya ng headband. Ang magalong naman na kulay pulang pudong ay isinusuot ng
mga matatapang na mandirigmang nakapatay ng kalaban.

Ang mga sinaunang Waray ay nagsusuot ng ginto. Kapwa


lalaki at babae ay may tatlong butas sa kanilang mga tenga na
pagsasabitan ng mga panicas o pamarang na gawa sa ginto. Ang
mga ordinaryong babae ay nagsusuot lamang ng maikling mga
saya na yari sa abaca. Samantalang ang mga mayayamang
namumuno at piling mga tao ay suot-suot ang telang lino na may
kinulayang hibla ng seda at bulak.

Ang tattoo naman ay nagsisilbing marka ng kagitingan ng


mga lalaki sa pakikidigma at nagsisilbing tropeyo sa mga nasabak

“Lalaking may Tatoo”


niyang digmaan. Sa mga batang lalaki ito ay palatandaan ng
Larawang kuha mula sa scribd.com
kanilang paglaki at sumisimbolo sa katapangan at estado sa
lipunan. Habang ang mga babae ay karaniwang nasa kanilang mga kamay at pulsohan.

53 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
J.) Mga Tanawin

Leyte Landing

Dito unang binigkas ang mga katagang, “I


shall return” ni General Douglas MacArthur.

Tulay San Juanico

Ito ang pinakamahabang tulay sa Timog-


Asya na siyang dumudugtong sa dalawang lugar
mula Samar papuntang Leyte.

Isla Homonhon

Dito unang tumapak ang mga Kastila sa


Pilipinas.
Mula sa itaas, Leyte Landing, San Juanico Bridge,
at Isla ng Homonon
Mga Larawang kuha mula sa
tripadviser.com;
thephilippines.com;
K.) Mga Pagdiriwang at homononisland.yolasite.com

Katulad ng karamihan sa mga Pilipino, mahilig sa pista ang mga Waray. Ang pista ay isang
selebrasyon ng pananampalataya at komunal na pagkakakilanlan. Bilang marami ang Katoliko sa
Waray, ipinagdiriwang ang pista bilang alay sa santong patron na siyang nagbibigay proteksyon,
gabay, at biyaya. Sa katagang Waray, Patron ang tawag sa pista. Pagsaurog naman para sa
pariralang “na ipagdiwang”. Ipinagdiriwang ito ng bawat baranggay o sabdibisyon nang may
kaakibat na pag-ampo (prayer) at sinusundan ng pasundayag o pagtatanghal.

Lubi-Lubi Festival

Ito ay isang pagdiriwang kung saan makikita ang


paggamit ng coconut shells at kung gaano ito kahalaga.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Agosto sa
Calubian, Leyte. Ginagamit nila ang coconut shells
kasama ng kanilang kasuotan habang sumasayaw.
Nagbibigay din ng respeto ang pagdiriwang na ito para

“Luibi-lubi Festival”
sa kanilang mga santo na sina Our Lady of Fatima at
Larawang kuha mula sa traveltothephilippines.info
San Roque.

54 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
Pintados Festival

Ito ay isang masayang pagdiriwang kung saan pinapaalala ang kasaysayan noong mga
katutubong Leytenos sa kanilang pakikipagdigma, relihiyon at marami pang iba. Ito ay
ipinagdiriwang sa ika-29 ng Hunyo. Ang nakakatuwa dito ay iyong mga sumasayaw na may pinta
sa kanilang mukha hanggang paa. Pinapakita din sa pagdiriwang na ito ang “custom of tattoing”.
Ito rin ang kaarawan para magbigay respeto para sa ating Señor Santo Niño.

Kasaysayan
Noong taong 1668, dumating ang mga
Espanyol sa isla ng Visayas at doon ay kanilang
nadiskubre at natagpuan ang mga babae't lalaki na
puno ng tatu ang mga katawan, na tinawag nilang
Pintados. Matalas na bakal ang gamit ng mga pintados
na pinaiinitan muna sa apoy bago gawin ang naturang
pagtatatu. Ang mga Pintados ay may sariling kultura,
mayaman sa mga pagdiriwang at pagsamba sa mga
diyos tuwing masagana ang ani. Taong 1888, dinala
ng mga misyonaryo ang imahe ng batang Jesus na sa
Pilipinas ay kilala bilang El Capitan. Maganda ang
pinagmulan nito kaya nakuha agad ang debosyon at
pagsamba ng mga katutubo ng Leyte sa Santo Niño.
Taong 1986, itinayo ang Pintados Foundation, Inc. “Pintados”
Larawang kuha mula sa en.wikipedia.org
ng mga negosyante at mangangalakal sa Tacloban.
Sinimulan nitong mag-organisa ng iba't ibang mga aktibidad para sa pista ng lungsod na alay o
parangal kay Señor Santo Niño. Dito nagsimula ang Pista ng Pintados na unang ipinagdiwang
noong ika-29 ng Hunyo taong 1987. Ngayon ay tinatatawag itong Pista Pintados-Kasadyaan na
tinaguriang “Festival of Festivals” (Hufana et al, 2018, pp. 138-139).

Ang Pintados

Ang pangalang Pintados ay mula sa mga katutubong mandirigmang puno ng tatu ang mga
katawan. Sinisimbolo ng tatu ang tapang, ganda, at estado sa buhay nang mga panahong iyon. Ang
mga mas matatapang na mandirigma ay mas madaming tatu, na halos puno na ang buong katawan.
Kakaiba sa paningin ng mga banyaga, itinuring na nakakatakot at barbaro ng mga Kastila ang
Pintados. Pero sa panahong naintindihan nila ang kahulugan ng mga tatu, nakita nila ito bilang
tanda ng ganda at halaga sa buhay ng mga pintados. Dahil hindi pa masyadong maingat ang
pagtatatu noon, ang proseso ay masakit at maaaring magdulot ng impeksyon. Itinuturing na
55 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
malakas at matapang ang sino mang humarap sa panganib ng pagtatatu at nabuhay. Bilang bahagi
ng kanilang kultura, kailangan munang mapagtagumpayan ang ilang mga labanan bago matatuan
ang sinumang susubok (Hufana et al, 2018, pp. 139).

Ang Pista ng Pintados

Ang Pista ng Pintados o tinatawag


ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang
masayang pagdiriwang na tumatagal ng
isang buwan, kung kailan din ginaganap ang
“Leyte Kasadyaan Festival of Festivals”, ang
“Pintados Festival Ritual Dance
Presentation” at ang “Pagrayhak Grand
“Mga Mananayaw Pintados Festival”
Parade”. Ang mga pagdiriwang na ito ay Larawang kuha mula sa en.wikipedia.org

sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ipinagdiriwang ng mga
taga-Leyte ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga
Bisaya sa pagtatatu, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtatu sa kanilang sarili. Sa pagdiriwang
ng Pista ng Pintados, ay naipapakita ang mayamang kultura ng Leyte at Samar sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Sa kabilang banda, ang “Leyte Kasadyaan
Festival of Festivals” naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na kasaysayan
ng probinsiya ng Leyte. Ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996 na
pinasimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-Petilla. Ang mga pista ay hindi laging
ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang
petsa. Noong taong 1999, ito ay opisyal na itinakda sa araw ng 29 tuwing buwan ng Hunyo, ang
Pista ni Señor Santo Niño de Leyte. Ang salitang Kasadyaan ay nangangahulugang katuwaan at
kasiyahan sa dayalektong Bisaya. Maraming pista ng munisipalidad ng Leyte ang nagsasama-sama
sa kabisera, sa Lungsod ng Tacloban, upang makiisa sa selebrasyon. Masisiglang parada ng mga
drama at sayaw ang itinatanghal at nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga
pistang ito, iyon ay upang mas mahikayat ang bawat Leyteño na ipagmalaki at pahalagahan ang
kanilang kultura. Bawat munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya na kanilang ibabahagi sa
pista na tungkol sa kanilang lokal na mga kuwento at alamat (Hufana et al, 2018, pp. 139).

Ang Pagdiriwang

Inaalala ang kasaysayan ng Leyte bago pa man dumating ang mga Kastila, mula sa mga
labanan, epiko at mga katutubong relihiyon sa tuwing gaganapin ang kapistahan. Ang pinaka-
inaabangan sa pista ay ang mga mananayaw na pintado mula ulo hanggang paa ng mga disenyong

56 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS
mukhang armor upang gayahin ang
mga sinaunang mandirigmang puno ng
tatu ang katawan. Ang mga
mananayaw ay pumaparada sa mga
kalsada ng lungsod ng Tacloban. Sa
unang tingin, maaaring nakagugulat

Mga Larawang Kuha mula sa dailyguardian.com.ph


para sa iba na ang mga lalaking
mananayaw ay nilalagyan ng mga
“Isang Mananayaw sa Pintados Festival mayroong Sandata”
Larawang kuha mula sa http://mybeautifuliloilo.blogspot.com palamuting may matitingkad at
luminosong kulay na asul at berde. Pero habang tumatagal sa panonood ng kanilang presentasyon,
makikita na ang mga sayaw ay naglalarawan ng isang sulyap sa kasaysayan ng mga taong
nanirahan sa mga isla ng Leyte noong unang panahon. Sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga
katutubong sayaw sa pista, naipapakita ang maraming tradisyon bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Ang ilan sa mga tradisyong ipinapakita sa pista ay ang pagsamba sa iba't ibang diyos,
katutubong musika, at mga kuwentong epiko. May kabi-kabilang parada ring nagaganap sa
lungsod ng Tacloban. Sinisimulan ang parada sa Balayuan Towers patungo sa iba't ibang lugar sa
lungsod. Ang ilang sumasama sa parada ay sumusunod pa sa mga mananayaw simula umpisa
hanggang sa matapos ang parada. Nagtatapos ang pista sa masayang pagsasalo-salo, tulad ng ibang
nakagawian o tradisyonal na kaugalian (Gonzales, n.d.).

57 | P A H I N A
ANG MGA KULTURA NG KATUTUBONG PILIPINO SA
VISAYAS

You might also like