You are on page 1of 2

Pinoy Ka Kung…

 Kahit alam mo nang mainit, hahawakan mo pa rin.


 Kahit may natira pang pagkain ay hindi pa uubosin.
 Nag-iipon ka ng mga bote, plastik at bakal upang ipagbili sa mga “botebakal”.
 Ang tawag mo sa diaper/s ay “Pampers”.
 Nahulog kana sa mga kanal nang ika’y bata pa.
 Ang nanay mo ay ginigising ka tapos ang sasabihin “tanghali na” pero ‘di pa pala
sumisikat ang araw.
 Gumagamit ka ng pampalasa tulad ng Magic Sarap, Knorr Cubes o Ajinomoto.
 Mahilig kang manghampas habang tumatawa.
 Kumakain ka ng bulad o tuyo.
 Isa kang “perfectionist” pagdating sa mga bagay-bagay.

Ilan sa mga sagisag ng Pilipinas

Watawat ng Pilipinas- Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na


Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang
magkasingsukat na bahagi na bughaw at pula, at may putting pantay na tatsulok sa
unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong
pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na
nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng
tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong
pangunahing rehiyon – ang Luzon, Visayas, at Mindanao; ang gitnang bituin naman ay
orihinal na tumutukoy sa Panay. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na
ito kapag ibinaligtad (Google).

Bahay Kubo- Ang Bahay Kubo ay isang simbolo ng pamumuhay ng buhay sa bukid sa
Pilipinas. Ito ang tahanan ng kahapon na nagbago at napanatili hanggang ngayon. Ang
Nipa Huts o Bahay Kubo ay isang simbolo ng pamumuhay sa rural ng Pilipinas. Ang
mga ito ay naiiba sa iba’t ibang lugar, ayon sa mga kondisyon at kalagayan ng lugar.
Ang Bahay Kubo ay isang simbolo ng pamumuhay ng mga Filipino (Google).

Sampaguita- Ang sampaguita ay sumisimbulo sa payak na kagandahan o payak na


pamumuhay ng mga Pilipino. Ang kulay nito ay sumisimbulo din sa busilak ng puso at
dalisay na pamumuhay (Google).
Pambansang Ibon- Ang haribon ay isang malaking agila na makikita sa mga gubat ng
Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay ang pambansang ibon
ng Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno ng Pilipino. Sila ay
may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo. Tulad ng ibang
agila higit na mas malaki ang babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang
pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng mga unggoy, malalaking ahas,
kaguang, malalaking ibon gaya ng kalaw at mga bayawak (Google).

Kalabaw- Ang kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus carabanesis)


ay isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo (Bubalus bubalis)
na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas, Guam, pati sa ibang bahagi Timog-silangang
Asya. Madalas iniuugnay ang kalabaw sa mga magbubukid dahil ito ang kadalasang
napiling hayop para sa pag-araro at magtulak ng kariton na ginagamit ng mga
magbubukid upang madala ang kanilang ani sa palengke (Google).

You might also like