You are on page 1of 21

MGA SAGISAG

NG PILIPINAS
ARALING PANLIPUNAN 3

NATIONAL SYMBOLS
Lupang
Hinirang
NATIONAL ANTHEM
PAMBANSANG AWIT
PHILIPPINE FLAG
WATAWAT NG PILIPINAS

Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din


na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat
na may dalawang magkasing sukat na banda ng bughaw at pula,
at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok
ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing
sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng
Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa
Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin,
na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing
rehiyon – ang Luzon, Mindanao, at Panay. Maaari rin maging
watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.
Sampaguita
NATIONAL FLOWER
PAMBANSANG BULAKLAK

Ang sampaguita, kampupot o hasmin (In


gles: jasmin o jasmine) ay isang uri ng
palumpong na may maliliit, mababango at
mapuputing mga bulaklak. Mas maliit ang
bulaklak nito kaysa ibang mga sampaga.
Narra
NATIONAL TREE
PAMBANSANG PUNONGKAHOY
Ang Naga o mas kilala sa tawag
na Narra (Pterocarpus indicus), na
Pambansang Puno ng Pilipinas, ay isang
puno na pinahahalagahan dahil sa angkin
nitong tibay, bigat at magandang kalidad.
Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad
ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring
matatag. Ang punong ito ay matatagpuan
sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito
alinsunod sa isang siyudad sa Naga, Bikol.
Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog,
Balauning ng mga Mangyan, Daitanag ng
mga Kapampangan at Odiau ng mga
Pangasinense.
Ang kalabaw (Bubalus
bubalis carabanesis o
minsan Bubalus
carabanesis) ay isang
Carabao Kalabaw
domestikadong uri ng
kalabaw na pantubig NATIONAL ANIMAL
o water
buffalo (Bubalus PAMBANSANG HAYOP
bubalis) na karaniwang
matatagpuan sa
Pilipinas, Guam, pati sa
ibang bahagi Timog-
silangang Asya.
Madalas iniuugnay ang
kalabaw sa mga
magbubukid dahil ito
ang kadalasang
napiling hayop para sa
pag-araro at magtulak
ng kariton na ginagamit
ng mga magbubukid
upang madala ang
kanilang ani sa
palengke.
Monkey-Eating Eagle(Haribon)
NATIONAL BIRD
PAMBANSANG IBON
Ang haribon ay isang malaking agila na makikita sa
mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o
SOCCSKSARGEN. Ito ay ang pambansang ibon ng
Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng
mga ninuno ng Pilipino. Sila ay may haba o taas na
1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo.
Tulad ng ibang agila higit na mas malaki ang
babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang
pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng
mga unggoy, malalaking ahas, kaguang, malalaking
ibon gaya ng kalaw at mga bayawak
NATIONAL COSTUME (MALE)
PAMBANSANG KASUOTAN (LALAKI)

Ang Barong Tagalog, Barong Barong Tagalog (Filipino)


Pilipino, o Barong lamang ay
burdadong pormal na
kasuotan sa Pilipinas. Magaan
lamang ito at sinusuot na hindi
nakasuksok sa loob ng
pantalon, katulad sa isang
amerikana. Karaniwan itong
kasuotang pormal o pang-
kasal para sa mga lalaking
Pilipino.
Baro at Saya
NATIONAL COSTUME (FEMALE)
PAMBANSANG KASUOTAN (BABAE)

Ang Baro’t saya ay isang uri ng


pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot
ng mga kababaihan. Ang pangalan ay mula
sa dalawang salitang Tagalog na baro at
saya.
NATIONAL DANCE
PAMBANSANG SAYAW

Carinosa
VERY POPULAR DANCE
TINIKLING

Ang tinikling ay
ang halo-halo ng
biyaya at kilusan
na paa. Laban-
laban sa pagitan
ng paa at sanga
ng kawayan.
NATIONAL LEAF
PAMBANSANG DAHON

Ang anahaw ( Livistona rotundifolia ) ay


isang pabilog na dahon na palma na
matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.
Kasapi ito sa genus Livistona na tinatawag
na Footstool palm sa Ingles. Pambansang
dahon ito ng Pilipinas.
Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa
rehiyon. Tumutubo ito sa mga sub-tropikal
na mga klima at mamasa-masang tropikal
na lugar.

Anahaw
NATIONAL FRUIT
PAMBANSANG PRUTAS

Ang mangga ay kabilang sa


genus Mangifera, na binubuo ng
ilang mga uri na namumungang
puno sa namumulaklak na halaman
ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas
ang mangga sa subkontinente ng
Indyan lalo na sa Indya, Pakistan,
Bangladesh, at Timog-silangang
Asya. Napakaraming klase at
karaniwang kulay ang prutas nito:
may dilaw, luntian o pula. Kakaiba
ang amoy na aromatikong ng prutas
nito na maaaring gamitin sa iba’t-
ibang sangkap o pabango.
Prinipriserba rin ang mangga at

Mango Mangga
ginagawang panghimagas o
pansangkap sa iba’t ibang pagkain.
NATIONAL FISH
PAMBANSANG ISDA
Pambansang sagisag ng Pilipinas ang
mga bangus. Sapagkat mabagsik sa
pagiging matinik ang mga ito kung
ihahambing sa ibang mga pagkaing
isda ng Pilipinas, naging tanyag ang
pagbili ng mga naalisan ng tinik na
mga bangus mula sa mga tindahan at
pamilihan. Ang MF Sandoval Trading
(Bahay-Kalakal na MF Sandoval) ang
nagpasimula ng pagbebenta ng mga
naalisan ng tinik na mga bangus sa
Lungsod ng Dagupan, Pangasinan.
Ginamit ng kompanyang MF Sandoval
ang katawagang “bangus na walang
tinik” (boneless bangus) upang maging
mas mabili at kaaya-aya ang produkto.

Milkfish Bangus
NATIONAL DISH
PAMBANSANG PAGKAIN

Ang litson o letson (sa


Kastila: lechón – biik) ay isang
inihaw na buong baboy, bata
man o hindi, na karaniwang
nilalagyan ng mansanas sa
bibig matapos na malutong
nakatuhog sa kawayan
habang nakadarang sa
nagbabagang mga uling.
Lechon
NATIONAL SPORT
PAMBANSANG LARO

Arnis
NATIONAL VEHICLE
PAMBANSANG SASAKYAN

Kalesa
Ang kalesa ay isang sasakyang hinihila
ng kabayo. Nakikita ito sa mga
probinsiya ng Ilokos, lalo na sa may
Vigan City, ang kabuuan ay yari sa
kahoy at nilalagyan ng bakal bilang
suporta. Ang kalesa ay pinapatakbo ng
isang kutsero. Nilalagay ng sapin ang
ilalim ng puwitan ng kabayo para dito
babagsak ang mga dumi nito. May
nakasabit ding mga balde ng tubig
para inumin ng kabayo.
COMMON PHILIPPINE
MODE OF TRAVEL

Jeepney Dyip
NATIONAL GEM
PAMBANSANG HIYAS

Ang perlas ay isang uri ng hiyas na naaani


mula sa ilang uri ng mga talaba, partikular
na mula sa binga, ang makintab na panloob
na bahagi ng kabibe. Nakukuha ang mga
ito sa loob ng kabibe ng mga talabang
naturan. Kalimitan itong hugis bilog at
putian bagaman may nakukuha ding itiman
o abuhin at ibang hugis bukod sa
pagkabilog. Ginagamit ito sa paggawa ng
mga alahas. May mga likas na perlas at
mayroong mga sinadya o kinultura sa mga
anihang pinangangasiwaan ng tao.

Perlas

You might also like