You are on page 1of 19

Ang mga pangunahing kulay ay asul,

dilaw, at pula.

Sa pamamagitan ng paghahalo ng
mga pangunahing kulay, tayo ay
makabubuo ng pangalawang kulay.
Ang mga kulay na magkakatapat
sa color wheel ay tinatawag na
komplementaryong kulay.
Ang malalamig na kulay katulad
ng asul, lila at berde, ay
nagbibigay ng maaliwalas,
mapayapa at tahimik na
pakiramdam.
Ang maiinit na kulay naman
katulad ng pula, dilaw at kahel
ay nagpapahiwatig ng
kasiglahan at kasiyahan.
Ang Still Life ay ang pagguhit ng
mga bagay na walang buhay at
nagagamit ang overlapping
technique gamit ang tamang
kulay para sa bawat prutas.
Ang Landscape ay larawan ng
tanawin na makikita sa ating
kapaligiran.
Ang tamaraw na kilala rin sa
tawag na Mindoro dwarf
buffalo ay isang wangis-baka
na endemiko sa pulo ng
Mindoro.
Ang Philippine mouse-deer, na
kilala rin bilang Balabac
chevrotain o pilandok, ay isa sa
pinakamaliit na “hoofed
animals”. Sa gabi ito madalas na
gumala at mangalap ng pagkain.
Ang pilandok ay endemik sa
Balabac at sa malapit na
maliliit na isla sa timog-
kanluran ng Palawan.
Ang pawikan o sea turtle ay
isang uri ng malaking
pagong na may mga
palikpik sa halip na paa. Ito
ay matatagpuan sa
Palawan.
Ang agila o Philippine eagle
naman ay isang malaking ibon na
makikita sa Davao. Ito ang
pambansang ibon ng Pilipinas na
simbolo ng katapangan ng ating
mga ninuno.
Ang Philippine tarsier, na kilala rin
bilang mamag ay isang maliit na
unggoy na pangunahing makikita sa
lalawigan ng Bohol sa Gitnang
Visayas. Isa itong nokturnal o
panggabing hayop.
a
a

You might also like