You are on page 1of 5

-->

PilipinasBid

SEARCH THIS INDEX...

Ang Watawat ng Pilipinas

On Pamumuhay

Isa sa mahalagang simbolo ng bansa ang watawat ng Pilipinas.

Tatlo ang pangunahing kulay nito.

Bughaw,

Pula, at

Puti.

Ang kulay bughaw sa watawat ng Pilipinas ay nangangahulugan ng kapayapaan na mahalaga sa pag-


unlad ng bansa.

Ang kulay pula naman ay nangangahulugan ng kagitingan na nagpapaalala sa matatag na kalooban ng


mga mamamayan.

Ang kulay puti naman ay nangangahulugan ng kalinisan ng puri at dangal ng mga Filipino.

Ang tatlong bituin sa watawat ng Pilipinas

Ang tatlong bituin sa watawat o bandila ng Pilipinas ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng

pulo ng Pilipinas. Ang mga pulong ito ay ang


Luzon,

Mindanao, at

Visayas.

Ang unang bituin, ang pulo ng Luzon ay hango sa salitang "lusong" na ginagamit sa pagtanggal ng ipa at
darak sa palay. Ito ang sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino.

Ang ikalawang bituin, ang pulo ng Mindanao ay hango sa salitang "danaw" o lawa. Ito ay sumasagisag sa
tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang-tubig ng Pilipinas.

Ang ikatlong bituin, ang pulo ng Visayas ay hango sa salitang "masaya."Ito ay upang laging kabakasan ng
saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino.

Araw sa gitna ng tatsulok

Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan.

Ang walong sinag

Ang walong sinag ay kumakatawan sa walong lalawigan na unang naghimagsik upang ipagtanggol ang
kalayaan ng bayan. Ang mga probinsiyang ito ay ang
Maynila,

Bulacan,

Pampanga,

Nueva Ecija,

Bataan,

Laguna,

Batangas, at

Cavite

Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito na ang bansa ay nasa digmaan kapag ang pulang
kulay ng watawat ay nasa itaas habang nakawagayway.

Si Emilio Aguinaldo ang nagdisenyo ng watawat ng Pilipinas. Sina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo,
at Delfina Herbosa Natividad ang tumahi sa watawat sa loob ng limang araw sa Hongkong.

Noong Hunyo 12, 1898, iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni
Emilio Aguinaldo.

Kaugnay na Artikulo:

Ang pambansang awit ng Pilipinas

Araw ng kagitingan
SHARE

Bigwas

Ang pilipinas.bid ay isang blog sa wikang Filipino na tumatalakay ng ibat' ibang isyu patungkol sa Pilipinas
at Filipino noon, ngayon, at bukas.

No Comment to " Ang Watawat ng Pilipinas "

Popular Posts

Ano ang kahulugan ng mga kulay sa watawat ng Pilipinas

Pambansang Sagisag ng Pilipinas

Ang Watawat ng Pilipinas

Ano ang ibig sabihin ng salitang bagyo?

Amorseko

Simbolo ng walong sinag ng watawat ng Pilipinas

Mga kumpanya sa mundo na may pinakamalaking kita

Duwende

Benepisyo ng Pagkain ng Duhat

Arnis, Pambansang Laro at Pananandata ng Filipinas


Advertise here

Join our Email List and be notified of future posts

Email address...

Contact Privacy Policy Disclaimer

Copyright © 2016 pilipinas.bid All Rights Reserved - Designed by: Berto

You might also like