You are on page 1of 2

Aurora A.

Quezon Elementary School


Grade 4 - ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – WORKSHEET # 5 - B
Pangalan:______________________________________ Petsa: _______________
Pangkat: ______________________________________ Marka: _______________

KAHALAGAHAN AT KAUGNAYAN NG MGA SAGISAG AT PAGKAKAKILANLANG


PILIPINO

“PAMBANSANG SAGISAG: PILIPINAS AY TANYAG”

ANG WATAWAT NG PILIPINAS


Isa sa mahalagang simbolo ng bansa ang watawat ng Pilipinas. Ito ay may
tatlong kulay: 1)BUGHAW- ay para sa kapayapaan na mahalaga sa pag-unlad ng
bansa. 2) PULA- ay para sa kagitingan na nagpapaalala sa matatag na kalooban ng
mga mamamayan. 3) PUTI- ay para sa kalinisan ng puri at dangal ng mga Pilipino.
May tatlong bituin ang ating watawat. Ano ang kahulugan ng mga ito?
Ang unang bituin ay para sa pulo ng Luzon na ang pangalan ay mula sa salitang
“lusong” na ginagamit sa pagtanggi ng ipa at darak sa palay. Ito ay sumasagisag sa
kasipagan ng mga Pilipino. Ang ikalawang bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang
pangalan ay mula sa salitang “masaya”. Ito ay upang laging kabakasan ng saya ang
mga kilos at kalooban ng mga Pilipino. Ang ikatlong bituin ay para sa Mindanao na ang
pangalan ay mula sa “danaw” o lawa. Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino
na pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang-tubig ng Pilipinas.
Ang walong sinag naman ng araw ay kumakatawan sa walong lalawigan na idineklara ni Ramon
Blanko sa ilalim ng Batas Militar Ito ay ang:Cavite, Bulacan, Batangas, Laguna, Bataan, Nueva Ecija,
Maynila at Pampanga.
Ang mga nagtahi ng watawat ay sina: Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa
Natividad. Ito ay kanilang ginawa sa Hongkong.

MGA BATAS NA NAUUKOL SA PAGGAMIT NG WATAWAT NG PILIPINAS


Philippine 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ang batas na
nagbibigay sa atin ng alituntunin tungkol sa paggalang at pagrespeto sa bandila at
pambansang awit.
Ginugunita ang Mayo 28 bilang National Flag Day dahil sa pagbabalik ni Emilio
Aguinaldo mula sa Hongkong. Nagwagi siya sa laban sa Alapan, Imus Cavite. Bilang
pagdiriwang sa tagumpay na ito, iwinagayway sa Kawit Cavite ang bandila ng Pilipinas
sa unang pagkakataon.
Executive Order 179 – isang batas na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos na
hinihikayat na maglagay ng mga bandila sa lahat ng pampublikong tanggapan at lugar
mula Mayo 28 simula ng National Flag Day hanggang Hunyo 12.
Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal na gawin sa watawat ng Pilipinas.
 Huwag gamitin na pangbalot sa mesa, sa dingding, bubong o kahit sa
anong bagay.
 Huwag gawing banner.
 Huwag ihampas/ipalo.
 Huwag gawing tatak, logo at disenyo sa mga industriya, komersyal at
agrikultural.

GAWAIN A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa patlang.
_____1. Ang watawat ng Pilipinas ay isang mahalagang simbolo ng ating bansa. Ano
ano ang pangunahing kulay nito?
A. bughaw, pula, at puti C. bughaw, dilaw, at puti
B. bughaw, pula, at itim D. bughaw, pula, at berde
_____2. Alin sa mga sumusunod na lugar ang kinakatawan ng tatlong bituin na
nakalagay sa watawat ng Pilipinas?
A. Luzon, Mindanao, at Visayas. C. Luzon, Palawan at Mindanao
B. Manila, Visayas at Mindanao D.Luzon Visayas at Marinduque
_____3. Tatlo ang mga babaeng nagtahi ng watawat ng Pilipinas na dinisenyo ni Emilio
Aguinaldo. Sino sino sila?
A. Teodora Alonzo, Maxima Bonifacio at Josefa L. Escoda
B. Gregoria Montoya, Teresa Magbanua at Trinidad Tecson
C. Melchora Aquino, Josephine Bracken at Gabriela Silang
D. Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad
_____4.. Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay may mahalagang
sinisimbolo. Hindi ito palamuti lamang sa watawat natin. Ano ang sinisimbolo
ng walong sinag na ito?
A. Ang walong lalawigan na idineklara ni Ramon Blanko sa ilalim ng Batas
Mlilitar.
B. Ang walong lalawigan na unang nagtagumpay sa mga labanan
C. Ang walong lalawigan na unang natalo sa panahon ng himagsikan
D. Ang walong lalawigan na hindi napasailalaim ng Batas Militar
_____5. Narinig mo na pinapatugtog ang Lupang Hinirang at nakita mo na itinataas ang
watawat habang ikaw ay naglalakad sa labas ng inyong paaralan. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Huminto, tumayo nang matuwid, ilagay ang kanang kamay sa dibdib at
sumabay sa pag-aawit ng Lupang Hinirang.
B. Huminto, tumayo nang matuwid at tumingin lamang sa mga tao sa paaralan.
C. Dahan-dahang maglakad para hindi makalikha ng ingay na ikagagambala
ng mga umaawit ng Lupang Hinirang.
D. Tumayo lamang ng tuwid at kunan ng litrato ang mga taong umaawit ng
Lupang Hinirang.

GAWAIN B PANUTO: Lagyan ng tsek (√) kung ang mga kaisipan ay nagpapahayag ng
kahalagahan at kaugnayan ng watawat at pambansang awit sa
pagkakakilanlang Pilipino.
_____ 1. Ang mga sagisag na watawat at pambansang awit ay parehong
sumisimbolo sa kalayaan ng Pilipinas.
_____ 2. Walang kaugnayan ang mga sagisag na watawat at pambansang awit ng
Pilipinas sa pagkakakilanlang Pilipino.
_____ 3. Ang watawat ay pinakamahalagang sagisag ng ating bansa.
_____ 4. Ipinapahayag ng pambansang awit ng Pilipinas ang pagmamahal sa ating
bayan.
_____5. Sa mga sagisag na ito ay nakikilala ang ating pagiging Pilipino.

GAWAIN C
PANUTO: Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang nararapat mong gawin
upang maipakita ang pagapapahalaga sa pambansang awit at watawat ng Pilipinas
bilang mga sagisag ng ating bansa. Lagyan ng BOOM ang bilang kung wastong gawin
at PANIS kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang
______1. Magpapatuloy ako sa paglalakad habang inaawit ang pambansang awit.
______2. Ilalagay ko ang aking kanang kamay sa may dibdib habang inaawit nang
madamdamin ang Lupang Hinirang.
______3. Hindi ko tatanggalin ang suot kong sombrero kahit may flag ceremony sa
aming paaralan.
______4. Itutuloy namin magkakaibigan ang kuwentuhan habang itinataas ang
watawat ng Pilipinas sa aming paaralan.
______ 5.Tatayo ako nang tuwid habang sinasambit nang mataimtim ang Panunumpa
sa Watawat ng Pilipinas.

You might also like