You are on page 1of 11

Ayon sa batas, ito ang mga pambansang sagisag ng ating bansa:

1. Pangunahing Sagisag
Watawat
2. Pambansang Awit (Batas Komonwelt Blg. 382 (1938); Batas Republika Blg. 8491;
1998)
Lupang Hinirang
3. Pambansang Wika (Atas Tagapagpaganap Blg.134 (1937); Konstitusyon ng
Pilipinas ng 1987)
Filipino
4. Pambansang Puno (Proklamasyon Blg. 652; 1934)
Narra
5. Pambansang Sawikain (Batas Republika Blg. 8491; 1998)
Makadiyos, Makatao, Makakalikasan, Makabayan
6. Pambansang Ibon (Proklamasyon ng Pangulo Blg. 615; 1995)
Agila
7. Pambansang Bulaklak (Proklamasyon Blg.652; 1934)
Sampagita
8. Pambansang Laro (Batas Republika Blg.9850; 2009)
Arnis
9. Pambansang Hiyas (Proklamasyon ng Pangulo Blg. 905; 1996)
Mutya
10. Pambansang Selyo at Eskudo (Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987; Kodigong
Administratibo ng 1987; Batas Republika Blg.8491)

Pangunahing Sagisag
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang
Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasingsukat na bahagi na
bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang
gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang
walong mga lalawigan (Batangas, Bulacan, Kabite, Maynila, Laguna, Nueva Ecija,
Pampanga at Tarlac) ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban
sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay
kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Visayas, at Mindanao; ang
gitnang bituin naman ay orihinal na tumutukoy sa Panay. Maaari rin maging watawat
pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.

Ang kabuluhan ng mga kulay na pula, puti at asul ay ang mga sumusunod: Ang puting
tatsulok ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay at kapatiran; asul para sa kalayaan,
katotohanan, at katarungan; at pula para sa kabayanihan at kagitingan

Pambansang Awit
Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Ipinagawa ni Emilio
Aguinaldo ang himig nito sa kompositor na si Julian Felipe noong 1898 sa ilalim ng
pamagat na "Marcha Filipina Magdalo" ('Martsang Pilipinong Magdalo') at kalaunan
"Marcha Nacional Filipina" ('Pambansang Martsa ng Pilipinas'). Samantala, ang
kasalukuyang anyo ng awit ay ang salin sa wikang Tagalog ng tulang "Filipinas" ni José
Palma noong 1899 sa orihinal na wikang Espanyol.

Pambansang Wika
FILIPI

Pambansang Puno
Ang puno ng Narra ay kilala sa tawag na Pterocarpus indicus o' Red Sandalwood
tree. Ito ay isang malakas, malaki, at malilim na puno. Ito ay isa sa mga pinakakilalang
kahoy na ginagamit sa mga kasangkapang dahil sa katibayan nito. Tinatawag itong
pambansang puno ng Pilipinas dahil ito ay matibay, mabigat at may magandang kalidad
para sa mga karpintero sa Pilipinas sa paggawa ng mga bahay at muwebles. Karamihan sa
mga puno ng Narra ay matatagpuan sa kagubatan ng Bicol, Mindanao at Cagayan Valley.
Pambansang Sawikain

Ang
" Maka-
Diyos,
Maka-tao,

Makakalikasan at Makabansa" ay ang pambansang salawikain ng Pilipinas. Nakuha ito


mula sa ang huling apat na linya ng Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, at
ito'y pinagtibayan noong 12 Pebrero 1998 sa bisa ng Batas Republika Blg. 8491, ang
Kodigo sa Watawat at Heraldika ng Pilipinas, sa panahon ng pagkapangulo ng Fidel V.
Ramos. Dumating ang pagtibay sa salawikain 12 taon makatapos ang pagkawalang-bisa
sa dating salawikain ng bansa, ang "Isang Bansa, Isang Diwa", na pinagtibay noong 1979
sa pagkapangulo ni Ferdinand Marcos.

Pambansang Ibon
Ang haribon (Pithecophaga jefferyi) ay isang malaking agila na makikita sa
mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay ang
pambansang ibon ng Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno
ng Pilipino.

Sila ay may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo. Tulad ng
ibang agila higit na mas malaki ang babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang
pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng mga unggoy, malalaking ahas, kaguang,
malalaking ibon gaya ng kalaw at mga bayawak monitor lizard.

Pambansang Bulaklak
Ang sampaguita (Jasminum sambac), ay ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.
Ang malilit ngunit mabangong bulaklak na ito ay ginagawang mga kwintas na ginagamit
bilang alay ng pagtanggap o simbolo ng parangal sa mga kilalang tao o mga taong may
mataas ang katungkulan. Ang mga binebentang sampaguita sa kalsada ng Maynila ay
ginagawang dekorasyon sa mga sasakyan o kaya naman ay inuuwi ng mga Katolikong
deboto upang isabit sa kanilang altar. Bukod sa pagiging palamuti, ang bulaklak ay
ginagamit na alternatibong medisina ng mga Pilipino. Ginagamit ang sampaguita bilang
pampakalma, anestisya at gamot sa sugat.

Pambansang Laro
Ang Arnis ay idineklara bilang Pambansang Laro at Pananandata noong Disyembre
11, 2009 sa pamamagitan ng Republic Act 9850 na nilagdaan ni Pres. Gloria Macapagal-
Arroyo. Ayon sa R.A. 9850, ang opisyal na pagpapatibay ng arnis bilang pambansang laro
at pananandata ay dapat ipahayag sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolo ng arnis sa
opisyal na selyo ng Philippine Sports Commission at sa pamamagitan ng paggawa nito
bilang unang kompetisyon na lalaruin ng mga kalahok na koponan sa unang araw sa
taunang Palarong Pambansa. Ang Philippine Sports Commission ang nangunguna sa
ahensya na magpapatupad ng mga probisyon ng Batas na ito.

Pambansang Hiyas
Taong 1996 nang idineklara bilang pambansang hiyas ng ating bansa ang
Philippine Pearl (na kilala rin sa tawag na South Sea Pearl) ni Pang. Fidel V. Ramos.

Kilala ang Philippine Pearl bilang isa sa mga pinaka-pambihira na uri ng hiyas dahil
ang mga ito ay galing sa gold-lipped na Pinctada maxima, isang uri ng south sea pearl
oyster na nakalilikha ng kulay ginto na perlas.

Ang perlas ay isang uri ng hiyas na naaani mula sa ilang uri ng mga talaba,
partikular na mula sa binga, ang makintab na panloob na bahagi ng kabibe. Nakukuha ang
mga ito sa loob ng kabibe ng mga talabang naturan. Kalimitan itong hugis bilog at putian
bagaman may nakukuha ding itiman o abuhin at ibang hugis bukod sa pagkabilog.
Ginagamit ito sa paggawa ng mga alahas. May mga likas na perlas at mayroong mga
sinadya o kinultura sa mga anihang pinangangasiwaan ng tao.

Pambansang Selyo at Eskudo


Pambansang Sagisag ng Pilipinas (Coat of arms of the Philippine) ay
nagtataglay ng araw na mayroong walong sinag na sa bawat sinag ay isang lalawigan ang
katumbas (Batangas, Bulacan, Kabite, Maynila, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac)
na pinasailalim sa batas militar ng Gobernador-Heneral Ramon Blanco habang nagaganap
ang Himagsikang Pilipino. Ang tatlong bituin na mayroong limang dulo ay sumisimbolo sa
tatlong heograpikal na rehiyon ng Pilipinas (Luzon, Kabisayaan at Mindanao).

Nasa kanan ang bald eagle ng Amerika na napaliligiran ng kulay bughaw, sa


kabilang dako naman ay napaliligiran ng pula ang leon ng Castile at Leon.

Dalawang tutop ng kutamayang patindig na may kulay bughaw at pula; pinilakan ng


tatlong bituing pariagwat at sa gitnang bahagi ay may habilog na pinilakan ng isang araw
na may walong malalaki at maliliit na sinag. Sa ilalim ay may balumbong na nakasulat ang
"REPUBLIKA NG PILIPINAS".

Dakilang Selyo ng Pilipinas (Great Seal of the Philippines) ay ginagamit upang


patunayan ang mga opisyal na dokumento ng gobyerno ng Pilipinas. Sa ilalim ng batas,
ang Pangulo ng Pilipinas ay binigyan ng kustodiya sa selyo.

You might also like