You are on page 1of 3

Mga Katanungan para sa Paligsahan sa Diwang Sagisag

Easy Questions: 1 PUNTOS

1. Ang dahon nito ay malapad at pabilog. Kulay berde ang tangkay ng dahon , matinik at tumutubo nang
paikot sa sariling katawan nito. Itinuturing itong pambansang dahon ng Filipinas.

Sagot : Anahaw

2. Isag halamang hemp o napagkukunan ng himayhimay. Berde ang mga dahon nito na kawangis
ang dahon ng saging. Ang mga hibla ay hinabi upang maging tela at lubid.

A. BURI B. ABAKA C. PINYA D. VUYAVUY PALM

Sagot: Abaka

3. Munti at kwadrado ang estruktura. Yari ang materyales na matatagpuan sa kapaligiran. Sinasabing
kinatawan sa katatagan ng mga Filipino dahil kaagad nakatindig kahit madaanan ng bagyo,lindol, at
kalamidad. Itinuring na Pambansang Tahanan

Sagot: .Bahay kubo

4. Ang tawag sa pangkat ng mga titik o letra sa wikang tagalog at kumakatawan sa tawag sa apat na
unang titik nito. Binubuo ng 20 titik. Labinlima ang katinig at may limang patinig.

A. ALIBATA B. ABAKADA C. PONEMA D. LETRA

Sagot: Abakada

5. Isinilang sa Calamba. Laguna noong Hunyo 19, 1861. Tinaguriang gabay ng Kilusang Propaganda
at aktibong nagsulat ng diyaryong La Solidaridad. Siya ay kinilalang Pambansang Bayani ng
Filipinas.

A. Andres Bonifacio B. EMILIO AGUINALDO C. JOSE RIZAL D. MARCELO H. DEL PILAR

Sagot: Jose Rizal

6. Mitolhikal na nilalang na may ulo at mahabang binti, hitang hawig sa kabayo at katawan at mga
kamay na hawig sa tao. Nakatira sa malalaking puno gaya ng balete at nakikitang nananabako.

A. KAPRE B. TIKBALANG C. AGTA D. KABAYONG MAY SUNGAY

Sagot: Tikbalang

7. Isang kapuri-puring kaugalian ng mga Filipino na kung saan tinatawag din itong maramihang
pagtutulungan para sa anumang gawain. Karaniwan itong nakikita kapag may lilipat o bubuhatin ang
bahay sa kanayunan.

A. AMOR PROPIO B. BAYANIHAN C. PALABRA DE HONOR D. UTANG NA LOOB

Sagot: Bayanihan

8. Itinuturing na pormal at pambansang kasuotan ng kalalakihan. Ito ay isang damit pantaas ng lalaki
may mahabang manggas, may bukas hanggang dibdib at walang bulsa na karaniwang manipis ang
tela

A. SANDO B. KAMISETA C. BARONG TAGALOG D. WANES

Sagot: Barong tagalog


9. Pangunahing Aklat pananampalataya ng mga Islam at itinuturing ng mga Muslim na totoong salita
ni Allah kay Mohammad.

Sagot: Kor’an

10. Pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa lawigan ng Davao del Sur at North
Cotabato. May taas na 2954 metro o 9690 talampakan.

A. MT. MAYON B. MT. BUNTIS C. MT. APO D. MT. TAAL

Sagot : Mt. Apo

AVERAGE

1. Pista tuwing ikalawang lingo ng Enero sa Kalibo Aklan sa pulo ng Panay upang gunitain ang
kapistahn ng Santo Nino. Sumasayaw at sumisigaw ng “hala bira”.

A. ATI-ATIHAN B. PANAGBENGA C. MASSKARA FESTIVAL D. KASADYAAN FESTIVAL

Sagot : Ati-atihan

2. Ritwal ng sinaunang Pilipino bilang tanda ng kapatiran at pagkakaibigan . Karaniwang ginagawa


ng mg pinuno ng dalawang pangkat na nagkakasundo..

SAGOT: Sanduguan

3. .Ano ang pambansang pagdiriwang na ginugunita tuwing HUNYO 12..

A. ARAW NG KAGITINGAN B. ARAW NG MGA BAYANI C. ARAW NG KASARINLAN D. ARAW NG


PAGGAWA

Sagot : araw ng kasarinlan

4. Isang diyaryong sa wikang Espanyol na naging pangunahing tinig ng Kilusang Propaganda para sa
mga kilusang reporma sa Filipinas noong panhong kolonya ng Espanyol

A. HERLADO DE LA REVOLUCION B. LA SOLIDARIDAD C. LA INDEPENDENCIA D.


DOCTRINA CHRISTIANA

Sagot : La Solidaridad

5. Simbolohikong tawag sa karaniwang Filipino pangalang ibinigay ni Robert McCulloch Dick , isang
peryodistang Scotish na noon ay reporter ng Manila Times.

Sagot : Juan Dela Cruz

DIFFICULT QUESTIONS – 5 PUNTOS

1. Estatwang kahoy na anyong tao at kumakatawan sa diyos ng palay ng mga Ifugao. Kung minsan
sinasabing kinakatawan din nito ang espiritu ng mga yumaong ninuno.

Sagot : Bul-ul

2. Tawag sa Sangay ng Gobyerno na gumagawa ng batas ng Filipinas noong panahon ng batas


military sa ilalaim ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Sagot : BATASANG Pambansa

3. Kilala sa bansag na Hermano Pule at pinuno at tagapagtatag ng Cofradia de San Jose.


Pinamumunuan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Espanyol na nakabatay sa kalayaang
panrelihiyon at pagkakapantaay-pantay ng mga Espanyol at Indio sa Kaparian.

Sagot : Apolinario Dela Cruz


4. Isang bayaning Pilipino at tinanatawag na “ Supremo ng Katipunan”o Ama ng Himagsikan.

Sagot : Andres Bonifacio

5. Isang Filipinong senador na naging pangunahing kritiko laban kay pangulong Ferdinand E. Marcos
noong panahon ng diktadura. Pinaslang siya sa Paliparang Pandaigdigang Maynila pagkauwi mula
sa Estados Unidos.Ang kanyang maybahay ay naging Pangulong Pilipinas.

Sagot : Benigno Simeon Aquino Jr.

BREAK A TIE QUESTIONS

1. .Sining ng pakikpaglaban ng mga Filipino na kapwa pandepensa at pang-opensa. Kilala itong


gumagamit ng dalawang patpat bilang sandata na karaniwang yari sa yantok at kamagong ..-arnis

2. Kilaigan nga sa kahanga-hangang halos perpektong hugis apa at ito ay matatagpuan sa silangang
bahagi ng lalawigan ng Albayna may 300 km. sa timog silangan ng Maynila.- Mt. Mayon

3. Ito ang kauna-unahang limbagna aklat sa Filipinas. Inilathala ito noong 1593. – Doctrina Christiana

4. Ang pinakaagamit na uri ng sasakyang panlupa at uring pampublikong transportasyon sa bansa.


Tinaguriang hari ng lansangan . – Jeepney /dyipni

5. Ano ang pambansang hiyas?

-perlas

6. Ano ang pambansang wika?

-Filipino

You might also like