You are on page 1of 5

HUMSS 2021-2022 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Aralin: Tekstong Deskriptibo at Naratibo
________________________________________________________________________________________________________________

Aralin 3: Tekstong Deskriptibo


Malikhaing Paglalarawan

PANIMULA
Likas na sa mga Pilipino na ilarawan ang pisikal na kaanyuaan ng isang tao, kadalasan pa nga
na sa ganitong paraan ipinapakilala ang kapwa lalo na kung hindi kilala o maalala ang pangalang
tinutukoy ngunit kung minsan, inilalarawan natin ang isang tao sa hindi nitong kaaya- ayang kaanyuan,
nakalulungkot isipin na may taong magaling mamuna sa kapintasan ng iba ngunit ang sariling
kapintasan ay hindi kayang ilarawan.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na mga kasanayan:
a. Naipapaliwanag ang kahulugan at layunin ng tekstong deskriptibo; at nakikilala at masuri ang
mga halimbawa ng tekstong naglalarawan ; at
b. Natutukoy ang katangian ng tekstong deskriptibo.

PAKSANG-ARALIN

Ang deskriptibo o paglalarawan ay ginagamit upang ilarawan ang nakikita, nadarama at


naririnig. Sa pamamagitan pa rin ng paglalarawan ay maliwanag na naipakikilala ang kulay, anyo,
hugis ng isang tao, bagay at lugar o pook. Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon
at palagay.

Ito ay isang uri ng teksto na may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon, at iba pa.
Samakatuwid, Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang mas
malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating ng manunulat.
Nakakatulong ito upang mas malawak mapagana ang imahinasyon ng mambabasa. Mas
madaling maiintindihan at ang tekstong binabasa kung malinaw ang pagkakalarawan ng manunulat.
Upang maging mabisa ang paglalarawan, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Pagpili ng Paksa. Ang mga paksang may kamalayan na ang ma mag-aaral ay nararapat bigyan
ng prayuridad.
2. Pananaw ng Naglalarawan. Ang pagtingin ng naglalarawan sa paksang kanyang inilalarawan
ay mahalaga.
3. Tamang Paglalarawan. Ang paglikha ng larawan na binubuo ng kakintalan sa isipan ng mga
mambabasa at nakikinig ay mahalaga at ito’y nangangailangan ng ibayong pag-iingat.
4. Wastong Paghahanay ng Kaisipan. Ang maingat na pagsasaayos ng daloy ng pangyayari
upang palutangin ang isang malinaw na larawan ay nararapat bigyang-pansin.
MGA PARAAN NG PAGLALARAWAN:
 Batay sa PANDAMA- nakikita, naaamoy, nalalasahan, nahahawakan, at naririnig.
 Batay sa NARARAMDAMAN- bugso ng damdamin o personal na saloobin ng
naglalarawan.
 Batay sa OBSERBASYON- batay sa obserbasyon ng mga nagyayari.

Pahina 1 ng 5
HUMSS 2021-2022 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

Mga Kahulugan at Layunin ng Tekstong Deskriptibo

1. Pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar


2. Hitsura

Pahina 2 ng 5
HUMSS 2021-2022 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

3. Ugali
4. Disposisyon

MAHAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAGAMIT SA MALINAW NA


PAGLALARAWAN

 Wika
 Maayos na Detalye

 Pananaw ng paglalarawan
 Kabuuang impresyon

Mga Sulatin o Akdang Gumagamit ng Tekstong Deskriptibo:


 Mga akdang pampanitikan
 Talaarawan
 Talambuhay
 Polyetong panturismo
 Suring-basa
 Obserbasyon
 Sanaysay
 Rebyu ng pelikula o palabas
Mga Elemento ng Tekstong Deskriptibo
Paraan ng Paglalarawan
1. Karaniwan - Tahasang paglalarawan ng katangian nito gamit ang pang-abay at pang-uri.
2. Masining - malikhain paglalarawan gamit ng wika tulad ng tayutay.

ARALIN 4 – NARATIBO
Maanyong Paraan ng Pagpapahayag

PANIMULA
Tiyak na marami sa atin ay hindi natatapos ang isang araw ng hindi ito nagsasalaysay o
nagkukwento ng pangyayari na naganap ka kanilang buhay.Sadya nga naman na ang hilig o libangan
na ng Pinoy ang pagkukwento maging totoo man ito o hindi.Kaya naman marami ang nagsilitawan na
mga awtor sa pagsulat ng mga kuwento, ngunit sa pagbabasa ng kuwento huwag sanang ang unang
layunin ay maglibang kundi matuto rin.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na mga kasanayan:
a. Nauunawaan ang kahulugan at katangian ng tekstong naratibo;
b. Naiiisa-isa ang mga elemento ng tekstong naratibo; at
c. Nakikilala ang creative non-fiction.

PAKSANG-ARALIN
Ang tekstong naratibo o pagsasalaysay ay nakapokus sa kronolohikal o pagkakasunud- sunod
na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap. Isa pa ring pokus ang lohikal na ayos ng pangyayari sa
naratibong malikhaing pagsulat. Nakasalalay sa may-akda na maikling kwento o nobela ang
mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng salaysay. Gumagamit ng iba’t ibang istilo o istruktura ng
Pahina 3 ng 5
HUMSS 2021-2022 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan. May iba’t ibang uri ng
naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kwentong-baya, mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay
tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabola, science fiction, at iba pa. Iba’t
ibang uri ngunit may iisang pagkakapareho: ang bawat isa’y nagkukwento.

Samakatuwid, ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na


maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita,
malikhaing sanaysay). Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging malikhain
ang katha.
Mga Layunin ng Tekstong Naratibo:
1. Magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
2. Maaaring ang salaysay ay personal na nararanasan ng nagkukwento, batay sa tunay na
pangyayari o kathang-isip lamang, nakabatay sa tunay na daigidig o pantasya lamang.
Mga Halimbawa ng Piksyon at Di-Piksyong Tekstong Naratibo

1. Piksyon
 Nobela
 Maikling Kwento
 Tula
2. Di-Piksyon
 Memoir
 Biyograpiya
 Balita
 Maikling Sanaysay
Samakatuwid, parehong gumagamit ng wikang puno ng:

 Imahinasyon
 Emosyon
 Imahen
 Metapora
 Simbolo
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
1. Paksa - Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na
karanasan ang kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa ang
panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito
2. Estruktura - Malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Iba’t ibang estilo ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
3. Oryentasyon - Kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento.
4. Pamamaraan ng Narasyon - Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang
senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento
sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.
5. Komplikasyon o Tunggalian - Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing
tauhan. Batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan.
Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kuwento.
6. Resolusyon - Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang resolusyon
ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.

Kahulugan ng Creative Non-Fiction

1. literary non-fiction o narrative non-fiction - ay isang genre ng pagsusulat na gumagamit ng


mga estilo at mga teknik na pampanitikan upang makalikha ng mga salaysay na makatotohanan
Pahina 4 ng 5
HUMSS 2021-2022 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

at tumpak. Kaiba ito sa iba pang mga akdang hindi kathang- isip, na katulad ng teknikal na
pagsusulat o pamamahayag, na nag-ugat din sa tumpak na katotohanan, subalit hindi
pangunahing isinulat para sa kasanayang ito. Bilang isang henero o genre, ang malikhaing
likhang-isip ay bata pa, at nagsisimula pa lamang na siyasatin na mayroong katulad na
pagsusuring ibinibigay sa akdang likhang-isip o pampanulaan.

2. Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The Art of Fact,” ang apat na katangian ng CNF ay:
 Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat;
 Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad ng narasyon;
 Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstuwalisasyon ng karanasan; at
 Mahusay ang panulat o literary prose style, na nangangahulugang mahalaga ang
pagiging malikhain ng manunulat at husay ng gamit sa wika.

Gawaing Pampagkatuto

Paglalarawan at Pagsasalaysay na may Saysay.

Panuto: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng kanilang sariling tekstong naratibo at deskriptibo. Sila ay magsasalaysay
at maglalarawan ng kanilang mga karanasan o nararanasan sa isang online class ngayong may kinakaharap na
pandemya ang buong mundo. Ito ay nararapat na magtaglay ng mga sumusunod:

1. Inaasahang maibigay at maisaalang-alang ang mga mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw


na paglalarawan.
2. Maipakita ang mga elemento ng tekstong naratibo.
3. Mayroong mayroong dalawangdaan (200) hanggang tatlongdaang (300) mga salita o higit pa ayon sa
sariling kapasyahan.
4. Ito ay dapat na tipa sa malinis na coupon bond na may sukat na 8.5 x 11” at may tipong Cambria, 12, 1.15
spacing, justified
5. Ang inyong guro ay magpapadala ng one drive link bilang imbakan ng inyong mga gawa.
6. Ang huling araw ng pagpapasa ay sa unang araw ng Oktubre (Oct. 1, 2021) hanggang 11:59 ng gabi.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Kaangkupan ng Gamit ng Salita sa Paglalarawan (Karaniwan/Masining) – 10 puntos

Pamamaraan ng Narasyon- 10 puntos

Estruktura- 10 puntos

Sanggunian:

Castillo, MJ. A, Pena, R. P., & Sagun, R. D. (2012). PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
(1st ed.). Malabon, Philippines: JIMCYZVILLE PUBLICATIONS

Various photos from Google.com, and unsplash.com

Pahina 5 ng 5

You might also like