You are on page 1of 4

“Tunay na Baliw”

Ni Rizza Mae Dagoc


HAHAHAHA! HAHAHAHA!
Ikaw! Ikaw! Ikaw! Kayo?! Ba’t di kayo sumasabay sa aking pagtawa!?
Baliw ba kayo?! Ha?!
HAHAHAHA!
AHHH (takot)
AAGHH! (galit)
HAHAHAHA (tatawa)
HUHUHUHU (iiyak)
Watawat! Asan ang watawat ng Pilipinas?! (hahanapin ang watawat?)
Ayun! Ayun!
Aking lupang sinalangan. Tahanan ng aking lahi.
Kinukupkop ko at tinutulungan….

Pilipinong pumapanata sa harap ng bandila ay


Iniibig daw ang Pilipinas?!
Kalokohan! Hindi lahat!
HAHAHAHAH!
Tumingin ka nga sa iyong paligid!
Unti-unting sinisira ang Pilipinas! Eh sino pa nga ba ang sisira dito?!
Alangan naman taga Africa? MGA PILIPINO!

Dahil sa mga mali nating ginagawa! Unti-unting sinisira an gating bansa!


Korupsyon, pagkamal ng yaman, pang aabuso, paninira ng
Kalikasan at marami pang iba!

Ang mga kabundukan na pinagkukunan


Ng ating mga pangangailangan ay
NAKALBO NA! KALBO! KALBO!

HAHAHAHA! (Seryoso)
Hindi niyo ba naisip na sa mga
Mali nating ginagawa ay unti unti
Nating sinisira ang Pilipinas?!

Iniibig? HAHAHHA!
Yan ba ang tawag sa paninira?!
Ha?!
HAHAHAHAHHA

Tulong?? TULONG! TULONG!


Nanghingi ako ng tulong ngunit binalewala lang ako
Tulong! Tulong! Ang Inay ko!
Naghihingalo!
Tulungan niyo po ako! Wala pong
Kasalanan ang nanay ko!
Ngunit kahit kapwa ko Pilipino’y
Binalewala at ako’y hindi tinulungan

Inay…. Oh aking mahal na ina!


Namatay! Namatay! Dahil sa mga baluktot niyong pamamahala
At ni konting awa ay hindi niyo naibigay!

Yun ba ang pag-ibig sa Pilipinas at


Ang pagtulong na lumago ito? Ang
Hindi pagtulong sa kapwa?

“Maging malakas, masipag at marangal.


Dahil mahal ko ang Pilipinas. Diringgin ko ang payo
Ng aking mga magulang. Susundin ko ang tuntunin ng paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan…”

(Aakto na parang ina) Anak! Bumili ka ng asin


(Aakto na Anak) Ugh! Ayoko nga!
Nagfafacebook pa ako ehh! Iba na lang po!
(Ina) Sige na anak kasi nagluluto pa ako
(Anak) Ma naman eh! Kita mong busy din ako!

HAHAHAHHA!
Yan? Yan ba ang diringgin ko ang payo ng aking mga magulang’?
MGA KABATAAN! Nakalimutan niyo ba ang pagsunod
At pagrespeti sa mga nakakatanda lalong-lalo na sa inyong mga magulang?

Oo! Iba noon at ngayon! Pero yang dugong nananalaytay sa iyo


Ay ang dugong pagkapilipino!

Mahiya ka sa magulang mo!


Nakalimutan mo na bang naghirap sila sa pagtatrabaho para lang
May ipakain, ipaaral at maibigay lahat ang luho mo?!

Tapos… Gaganyanin mo lang sila?!


MAHIYA KA!
Yan ba ang pagmamahal mo sa Pilipinas?
Ang pagsuway sa mg autos ng mga magulang?!

Ina ko…… Mahal na mahal kong ina HUHUHUHU

PAARALAN! Ano nga ba ang tinuturo sa paaralan?


Ang tamang pagrespeto diba? Diba?!
Teka …… Pagrespeto?!

Nangako kang susundin ang tuntunin ng iyong paaralan


Pero pagrespeto sa magulang ay di mo masunod?
(Aakto na batang naglalaro ng Computer) Wooh! Ansaya maglaro ng Computer!
(Aakto na Lola) Apo, nakita mo ba ang salamin ko?

Hindi eh!

HAHAHAH!

Anong sagot yun?! Nasaan na ang pagrespeto dun?


Nasaan na ang po at opo na karaniwang ginagamit ng mga Pilipino?
Ba’t biglang nawala?
Dahil ba nagbago na ang henerasyon dapat bang magbago ang katangian?!

Ate, kuya, makisabay kasi sa uso!

Uso?! Uso?! Tumingin ka nga sa salamin!


Kapag Ikaw ay tumanda at di ka nirespeto ng mas nakakabata,
Magiging masaya ka ba?!
Baliw lang ang magsasabing OO!

HAHAHAHAH! Tutuparin ng isang mamamayang makabayan


Pero di nga sumusunod ang utos ng magulang
At tuntunin ng paaralan eh!!

“Naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal ng buong katapatan.


Iaalay ko ang aking buhay. Pangarap, Pagsisikap sa bansang Pilipinas”

Naglilingkod? KAYO?! Kayo jan na nakaupo!


Naglilingkod din ba kayo sa ating bansa?

Di porket di kayo isa sa mga opisyal na pamahalaan


Ay di ibig sabihin na hindi kayo gagawa ng paraan para sa
Ikauunlad ng bansa!

Wag nating iaasa palagi sa pamahalaan!


Puro reklamo! Reklamo! Bakit? May nagawa ka na ba para sa Pilipinas?
Mga mag-aaral, kayo ay pinaaral para sa inyong kinabukasan at
Para kayo ay may matutunang maganda!
Kayo ay masuswerte!

Di tulad sa akin. Di makapag-aral dahil sa kahirapan!


Pero NGAYON?! Bakit ilan sa mga kabataa’y hindi
Na nag-aaral ng mabuti?

Hello! Masaya kaya maglaro ng Computer Games!

HAHAHAHA! HUHUHU (Iiyak)


Di mob a naisip na maraming batang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan
Tapos… tapos …. Di ka mag-aaral ng mabuti? Di mo ba naisip yun?
Anna, do you have a phone? Oo
Oh, made in US yung sakin, sayo?
Made from Philippines, duh local!

Yaya, speak English kapag kaharap mo ang anak ko!


Yes Ma’am Miggy , here’s your food na!

HAHAHAHHA
Pati produkto ng Pilipinas kinakahiya?
Pati pagsasalita ng sariling wika ikakahiya?

Hindi kaba nahiya?!


Tumingin ka sa salamin! Porket pumuti, tumangos at nahaluan yang dugo mo
Ng dugo ng dayuhan. Gaganyan ka na?

Mahiya ka! Nananalaytay parin sa ugat mo ang dugong pagkaPILIPINO!


Panunumpa at pangako mo nama’y iyong pangatawanan!

Huwag mong kalimutan na ikaw ay isang PILIPINO!

Ako ay Matapang! Ikaw ay matapang!


Tayo ay masipag! Tayo ay mapagmahal!

Pahalagahan natin kung ano ang atin at ating pangalagaan ang Pilipinas!
Dahil tayo ay Pilipino! Dito tayo isinilang, lumaki at nagkaisip!
Mga kabataan, huwag nating kalimutan na tayo ay pag-asa ng bayan

AHHHH! HAHAHAHA! HUHUHUHUHU

SINO ANG TUNAY NA BALIW?!

You might also like