Wala na nga atang mapapala Umaasang may pagbabago? Kailangan ko ata ng himala Nagmasid. Nagmasid-masid ako Lalong sumidhi ang damdamin ko Unti-unti nawala sila Saan napunta? Saan sila nagpunta? Aba! Nakakatawa! Ang wika nila’y nag-iba! Nang mapagtanto ko’y nasa ibang bayan na pala! Doo’y umaani ng palay na ginto Upang may maipadala sa inaanay na pinto Piniling matuto, dalubhasa sa Pranses o Ingles Bakit kaya di tumulad sa mga Hapones Nagsara’t nagpakainam Sa huli, lasap ay tunay na kaunlaran Pinoy! Wala sa Hilaga, Timog o Kanluran Ang hinahanap mong kaunlaran! Lumingon, magmasid! Ika’y nasa Silangan! Sa’yong lupang sinilangan Ang kailangan ay kaliwanagan Na ang kaunlaran ay nasa atin ding pagkakakilanlan Ang Wikang Filipino Yan’ ang dapat tumimo sa isip mo! Sarili’y paunlarin Ang iba’y wag silipin H’wag pasakop at sa iba’y magpaalipin H’wag limutin ang mga habilin Ng mga taong sa kultura’y sumalamin Sa Wikang Filipino nagpasailalim Ang agham ng pag-unlad ay nasa atin din Ang kulang lamang ay pagyamanin Kaya tayo na Pinoy at ilantad! Ang tunay na papel at lapad Nitong Wikang Filipino Wika nating mga Pilipino! Wikang Filipino Wika ng Pambansang Kaunlaran!