You are on page 1of 2

“Ako ay Filipino, lahing matapang, lahing matalino, nalakbay ko na ang mundo

Walang unos, o bagyo sa aki’y gugupo, lahi ng matatag, Ako ay Filipino” (sing filipino ako, filipino tayo)

Bakit ganyan ka makatingin? Akala mo yata’y nagyayabang ako. Hindi. Mali ka. Mali ang iniisip mo. Ako?
Ano naman ang dapat na ipagyabang ko sa’yo? Itong kutis ko bang kayumanggi? Ang katamtaman kong
taas? Ang di katangusang ilong? Ang malapad ko bang mga noo o ang mga itim kong buhok? Hindi ba’t
mas nakahihigit ka naman sa lahat ng aspeto? Di ako nagyayabang, wag mo kong tignan nang ganyan.

Nakapangliliit ang mga titig mo. Dahil ba nakikipamayan ako sa bansa mo upang mangatulong? Anong
magagawa mo kung ipinanganak akong mahirap? Bukod sa marami akong binubuhay, kailangan ko rin
pagtapusin ng pag-aaral ang mga kapatid ko. Wag mo kong tignan nang ganyan.

Ang tatay ko’y subsob sa pagtatanim ng palay, maghapong nakayuko’t binibilad ang sarili sa kainitan.
Ang nanay ko naman ay may sakit. Sabihin mo sakin paanong sasapat saming walo ang dalawang daan
sa loob ng isang araw?

Insert another paragraph.

Eto! Eto! Tignan mo ‘tong mga peklat na ‘to! Eto pa! Tignan mo ‘tong lahat! Buong katawan ko’y
nababalot ng mga peklat at sugat! Ayan! Nakikita mo ba? Ang iba’y natuyo na, ang ilan ay patuyo pa
lang, ngunit karamihan hanggang ngayon ay sariwa pa.

Sa dami ng mga naging sugat ko, akala ko’y manhid na ko. Ngunit ang mga tingin ng pang-aalipusta’t
pangmamaliit ay patuloy na sumusugat pa

Hindi ba ko nararapat na tumanggap ng respeto? Ako ba’y walang karapatan na kagaya mo? Hindi ba ‘ko
tao? O ang lumikha ba sakin at sa’yo’y magkaiba? Sumagot ka!
Ako ay Filipino (Ako’y makadiyos) AKo ay Filipino (Ako’y makatao) 

Saan makarating, sino mang makapiling, aangat ang galing, habambuhay, Filipino. (sing filipino ako,
filipino tayo)

Bakit ganyan ka makatingin? Akala mo yata’y nagyayabang ako.

Oo, dahil Filipino ako.

You might also like