You are on page 1of 4

MARIA JASEE MONTESSORI SCHOOL

SUMMER CLASS IN FILIPINO 1

ARALIN 1: KILALANIN AKO


Alamin natin!
Ilan ang miyembro ng iyong pamilya? Sino-sino sila? Alamin kung sino-sino ang
miyembro ng pamilya ni Melisa.

Subukang basahin ang pagpapakilala ng isang bata.

Kilalanin Ako
Magandang araw po! Ako si Melisa B. Vinoya. Ako
ay pitong taong gulang. Nasa unang grado ako sa University of the
Philippines Integrated School (UPIS).
Anak po ako nina Ginoong Alberto Vinoya at Ginang Tina
Vinoya. Mga kapatid ko sina Kuya Obet at Ate Betina. Ako po ang
bunso sa pamilya. Nakatira po kami sa 250 Piña Avenue, Sta. Mesa,
Manila. Mahilig po akong maglaro kasama ng aking kaibigan.
Paborito naming laro ang piko. Gustong-gusto ko rin pong magbasa
ng mga aklat.

1|Page
Mahusay!
A. Ngayon naman subukang sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa
iyong binasa. Isulat ang iyong sagot nang maayos sa linya.

1. Sino ang nagsasalita?

2. Ilang taon na siya?

3. Nasa anong grado na siya?

4. Saan siya nag-aaral?

5. Sino ang kaniyang mga magulang ?

Tandaan!
Sa pagpapakilala ng sarili, isama ang sumusunod na impormasyon:
a. Pangalan
2|Page
b. edad
c. grado at paaralang pinapasukan
d. miyembro ng pamilya
e. Tirahan
f. Mga interes o gustong gawin

Gamitin din ang magagalang na pagbati at magagalang na pananalita sa lahat ng


oras.

Magandang Araw po!

Magandang gabi po. Magandang tanghali po!

Opo. Magandang umaga po!

Salamat po.

Susubukan Ko! : Ipakilala ang iyong sarili .Punan ang mga patlang ng mga impormasyon
tungkol sa iyo. Gumamit ng magalang na salita kung kailangan.

Magandang __________ po! Ako si ________________ Ako


3|Page
ay _____________ taong gulang. Nasa _________ grado ako sa
______________________________________________.
Anak po ako nina Ginoong ____________ at Ginang ___________.
Nakatira po kami sa ________________. Mahilig po akong _________________
Gustong-gusto ko rin pong ________________.

4|Page

You might also like