You are on page 1of 1

Sa paglalahat, kung ang pagkikipag-ugnayan mo sa iba ay nag-uudyok sa iyo upang ikaw ay maglingkod

sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahanda kang ibahagi ang sarili sa iba, ito ay
pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal. Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa ay
may katumbas na mabuti. Laging tandaan na naapektuhan ng mga ginagawa natin ang mga tao sa ating
paligid; gayundin naman, tayo ay naaapektuhan nila, dahil tayo ay magkakaugnay.

Ang pagmamalasakit sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa ang nagiging dahilan ng pagkakaisa upang
makamit ang kabutihang panlahat. Kung mayroong hidwaan at di pagkakasundo, nilalayon ng pangkat
na matulungan ang mga kasangkot upang mapanumbalik ang maayos na samahan.

Kung isasaalang-alang ang pagpapahalaga sa kabutihang panlahat, maaaring isakripisyo ang pansariling
damdamin o pangangailangan, magkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan.

Ang iba’t ibang samahan o organisasyon sa lipunan ay inaasahang makapagtataguyod ng ugnayang may
pagkakaisa (solidarity), komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o pagtutulungan, bilang paglilingkod
sa kapwa at sa pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat.

You might also like