You are on page 1of 8

GROUP 2

Kahalagahan Ng Pagkakaisa,
Komunikasyon, At
Pagtutulungan
Naranasan mo na bang magkaroon ng
kasama na hindi mo makasundo?
Maaaring dahil mayabang siya o
makasarili, mas magaling, o mas mataas
kaysa sa iyo? Paano mo siya
pakikisamahan?
May mga pagkakataon na kahit likas sa tao ang makipag-
ugnayan sa iba. humahantong ang ugnayan o samahan sa di
pagkakasundo. Dahil dito, sinisikap ng lipunan na sa
pamamagitan ng iba't ibang samahan o organisasyon nito, na
makamit ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng ugnayang may pagkakaisa (solidarity),
komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o pagtutulungan..
Ang pagmamalasakit sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa
ang nagiging dahilan ng pagkakaisa upang makamit
ang kabutihang panlahat.

Kung mayroong hidwaan o hindi pagkakasundo,


nilalayon ng pangkat na matulungan ang mga
kasangkot upang mapanumbalik ang maayos na
samahan.
Halimbawa sa klase, mayroon kang nakasamaan ng
loob na kasama mo sa pangkat. Dahil sa sitwasyon,
hindi nagkakaroon ng maayos na output ang inyong
pangkat. Makatutulong ang ibang kasapi ng pangkat
upang kayo ay magkaayos, dahil nalaman nila na
naaapektuhan ang inyong gawain dahil sa hindi ninyo
pagkakaunawaan.
“Kung isasaalang-alang ang
pagpapahalaga sa kabutihang panlahat,
maaaring isakripisyo ang pansariling
Damdamin o pangangailangan,
magkakaroon ng pagkakaisa at
kapayapaan”
Ang iba’t ibang samahan o organisasyon sa
lipunan ay inaasahang makapagtataguyod ng
ugnayang may pagkakaisa (solidarity),
komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o
pagtutulungan, bilang paglilingkod sa kapwa at
sa pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat.

You might also like