You are on page 1of 1

Anne, 15-anyos

1. Maaga siyang napasok sa isang relasyon kung saan ay hindi naman siya tinutulan ng
kanyang pamilya. Ngunit hindi inaasahan ang kanyang maagang pagdadalantao.
2. Napagtanto niya na hindi biro ang pagiging isang ina sa kanyang musmos na edad.
3. Ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral habang ginagampanan ang pagiging isang
ina sa kanyang anak.

Angel, 13-anyos
1. Sa edad na 10 taon ay nagdalantao agad si Angel at hinayaan siya ng kanyang ina sa
kanyang nobyo. Nagmistulang kulang sa pag-aaruga si Angel
2. Napagtanto niya na dapat ay nakinig siya sa kanyang mga magulang. Sa kanyang
pagdadalantao sa murang edad, naunawaan niya na hindi niya na matutupad ang kanyang
pangako sa kanyang mga magulang na tulungan sila.
3. Binalak niya bumalik sa pag-aaral para matupad ang kanyang pangarap na maging
doctor ngunit hindi ito nangyari dahil di umano ay puno na ang eskwelahan.

Andrea, 13-anyos
1. Hindi niya natutunan ang pag-iingat sa sarili at narinig lamang niya ito sa mga
kaibigan niya. Hindi niya pa gaanong nauunawaan ang bigat ng responsibilidad sa oras na
makapanganak na siya.
2. Sa ngayon ay kontento na siya sa piling ng kanyang karelasyon kahit na kapos na
kapos sila sa buhay at walang kasiguraduhan ang kanilang kinabukasan sa piling ng isa’t
isa.
3. Magpapatulong siya sa kanyang ina sa pag-aalaga sa kanyang isisilang na sanggol
dahil napagtanto niyang hindi niya pa kaya ang bigat ng responsibilidad ng pagiging
isang ina

You might also like