You are on page 1of 12

Mga

Pangunahing
Direksyon
Malalaman mo ang kinaroroonan ng
Direksyon sa pamamagitan ng sikat ng
araw. Gawin mo ang mga sumusunod.
1. Humarap ka sa gawi ng sinisikatan ng araw--
ito ang silangan. Ang iyong likuran ay ksanluran.
2. Itaas mo ng nakadipa ang iyong kamay.
Ang kanang kamay mo ay nakaturo sa timog
at ang iyong kaliwang kamay ay nakaturo
naman sa hilaga.
Mga
Pangalawang
Direksyon
Ito ay makikita mo sa pagitan ng mga pangunhing
direksyon.
1. Hilagang-Silangan
Ito ay nasa pagitan ng hilaga at silangan.
2. Hilagang-Kanluran
Nasapagitan ng hilaga at kanluran.
3. Timog-Silangan
Nasa pagitan ng timog at silangan
4. Timog-Kanluran
Nasa pagitan ng timog at kanluran
Hindi Karaniwang Yunit ng
Pagsukat
Sa wikang Ingles, ito ay tinarawag na
nonstandard measurement. Ito ay pagbibigay ng
pagtataya sa sukat ng isang lugar. Maaari
kanggumamit ng iba’t-ibang bagay upang
maibigay ang sukat ng isang lugar. Minsan
gumagamit tayo ng mga bagay na kakatawan sa
sukat ng isang pook.
Tulad halimbawa ng hakbang na magagawa
mo kung susukatin mo ang kahabaan ng pasilyo
sa paaralan. Ilang hakbang kaya ang aabutin nito.

You might also like