You are on page 1of 9

Aktibiti 1

1. Ang mga pagpupulong na makikita sa larawan ay may pagkakaiba-iba at depende sa gamit. Sa unang
larawan, ito ay nagpapakita ng pagpupulong na binubuo lamang ng dalawang tao o di kaya ay mas kilala
bilang tawag na regular na pagpupulong sapagkat ito ay kahawig ng pang-araw -araw na pag-uusap at ito ay
kalimitang ginagamitan ng pormal o di pormal na mga salita, kung kaya't mas naiintindihan at madali ang
daloy ng pagpupulong. Mas kilala rin ito bilang tawag na ‘one on one meeting’ sa Ingles. Aking napansin na
maaari itong idaos kahit saan at kahit kailan dahil hindi ito kinasasangkutan ng maraming tao. Ang
pangalawang larawan naman ay ang pulong na pampaaralan (school meeting) na kung saan ito ay ginagawa
sa pagitan ng guro at kaniyang mag-aaral upang pag-usapan o talakayin ang isang paksa o proyektong
pampaaralan. Kalimitan, ang mga guro ang nangunguna sa pagpupulong sapagkat sila ang higit na may
sapat na kaalaman ukol sa paksang kanilang binubuksan para pagpulungan sa loob ng silid aralan. Ang
panghuling larawan na makikita ay ang pagpupulong na pang negosyo o business (business meeting)
sapgkat aking nakita rito na ang lahat ay nakasuot ng kasuotan sa korporasyon at aking nahinuha na ito ay
pagtitipon ng dalawa o higit pang mga tao upang talakayin ang mga ideya, layunin at layunin na nauugnay
sa lugar ng trabaho. Ang mga pagpupulong sa negosyo ay isinagawa nila ng personal upang mas mailhad at
matalakay ang mga puntong nais nilang bigyan ng pokus.
2. Sa aking palagay, may mga dapat gawin o ihanda bago ang pulong at ito ay binubuo ng maraming kailangan
tandaan upang mas maging epektibo at matagumpay ang isang pagpupulong. Una, nararapat na ang bawat
kalahok ay alam ang daloy ng pagpupulong sa pamamagita ng adyenda upang hindi magkaroon ng kalituhan
at magkaroon ng paunang kaisipan ukol sa paksa o isyung pagpupulungan. Ang ikalawa ay narararapat na
magkaroon ng kontrol ay limitasyon sa oras sa bawat aktibidad o sa bawat paksang tatalakayin. Ang
pagsubaybay sa oras ay maaaring makamit sa pamamagitan ng tulong ng mga kalahok. Ang pag-alam sa
layunin at ang pangangailangan na magsagawa ng isang pagpupulong nang personal ay mahalaga dahil ang
mga pagpupulong ay minsan ay ginagamit ang pagiging produktibo ng trabaho ng bawat isa. Ang ikatlo ay
nangangailangan na magtalaga ng mga tungkulin at patakaran bago ito magsimula upang maiwasan ang
sigalot at problema sa kalagitnaan ng pagpupulong. Sa tulong ng mga gagawing tuntunin at patakaran, mas
magiging maayos ang daloy ng nasabing pulong hanggang sa dulo. Ang pang-apat ay kinakailnagan ng
bawat kalahok na maghanda ng panulat at papel upang makapagsulat sila ng mahahalagang impormasyon
kung kinakailangan. Kapag kumukuha ng mga tala sa ukol sa pulong, may posibilidad na maitinala ang
pinakamahalagang mga ideya. Pinapayagan nito ang bawat indibidwal na makinig at maging mas aktibong
kalahok. Ang huli ngunit pinakamahalagang kailangang ihanda bago ang pagpupulong ay ang sarili upang
mailahad at maitala ang mga mahahalagang bagay na tinatalakay sa buong pulong.
3. May mga bagay na dapat gawin upang matandaan ang pinag-uusapan sa pagpupulong. Ang una ay
nangangailangan ang isang indibidwal ng papel at panulat upang mailahad ang mga mahahalagang punto at
impormasyon na naganap at naisiwalat pamula umpisa hanggang wakas ng isang pulong. Kinakailangan na
talasan ng bawat indibiwal ang pandinig at bilis ng pagsulat upang makasunod sa pagkakasunod-sunod ng
pagpupulong. Nararapat lamang na ang pokus at atensyon ay nasa pagpupulong lamang upang makasunod,
makasabay at maintindihan ng mabuti ito. Ang pangalawa ay maaaring gumamit ang isang indibidwal ng
tape recorder o mismong recorder na nakalagay sa mga selpon upang mai-record lahat ng usapan sa pulong
at maaaring mabalikan ang pagpupulong kung sakali man na mayroon na makalimutan o makaligtaan na
mahahalagang impormasyon o ideya na natalakay sa pulong.
4. Oo, mayroon akong ideya sa paggawa sa mga ito tulad ng mga nabanggit tulad ng adyenda, katitikan at
sintesis ng pulong. Ilan sa mga ito ay pamilyar na sa akin dahil ito ay aking napagdaanan ko na noong ako'y
nasa Junior High School pa lamang at iba dito ay napapakinig ko lamang. Ngunit, alam kong mas
madadagdagan ang aking kaalaman dahil ng araling ito at sa pamamagitan ng 'hand out' na ibinigay sa amin
ng aming guro, ito ang magsisilbing gabay ko sa pagpapalalim ng aking kaunawaan at paghasa sa aking
kakahayan upang gawin ang mga ito ng mahusay at epektibo.
5. Ang agenda ng pagpupulong ay dapat na iguhit ng ilang araw bago ang pagpupulong. Hindi ito dapat
masyadong mahaba, o ang mga tatanggap o kalahok sa pulong ay maaaring basahin ito. Dapat itong maging
malinaw at tiyak. Ang nilalaman ay dapat ayusin ayon sa planong tatalakayin. Ang mga pagkilos at
rekomendasyon ay maaari ring isama sa teksto nito. Sa paggawa ng adyenda, kinakailangan na naglalaman
ito ng saan at kailan ang pagpupulong, ano-ano ang layunin, sino-sino ang lalahok, anong oras magsisimula
at matatapos at ano ang paksa. Sa kabilang banda, kapag pinagsasama-sama ang mga katitikan ng
pagpupulong, dapat ito ay batay sa handa na unang ng agenda. Ang unang bagay na ipinakilala dito ay ang
impormasyon tulad ng petsa at lokasyon ng pinagdausan. Karaniwan itong komprehensibo, ngunit hindi
nangangailangan ng pagsusulat ng bawat salita ng kalahok. Sa madaling salita, ito lamang ang balangkas o
buod ng pagpupulong. Naglalaman din ito kung sino ang sumali at kung sino ang hindi, nagsimula at
nagtatapos ng oras at lokasyon. Sa sintesis, ito ay isang pinaikling bersyon na sumusuri sa mga pagkakaiba
sa pagitan ng iba't ibang mga mapagkukunan ng kaalaman at impormasyon. Naghahanap ito ng mga
pagkakatulad at pagkakaiba ng impormasyon. Ang impormasyon ay maaaring makuha sa gaganapin na
pagpupulong. Sa tuwing nakasulat ang isang pagbubuo, isang pahina lamang ang kinakailangan. Kailangang
isama ng komprehensibong pagsulat ang lahat ng mahahalagang data upang makabuo ng mga ideya batay sa
iyong nabasa, pinakinggan, at pinapanood.

Aktibiti 2
Mahahalagang impormasyon sa pagpupulong:
Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa upang mapagplanuhan at mapaghandaan ang gaganaping online
enrollment sa kabila ng pandemiya sa darating na ika-1 ng Hunyo.
Ito ay magsisimula sa darating na Hunyo 1 bilang unang araw ng enrollment sa online.
Sa pagsasagawa ng online enrollment, mayroong kinakailangang sundin na pormat sa pagkuha ng datos na
ipinamahagi ng DepEd o Department of Education. Dahil rito, isinasaayos ito ng ICT Coordinator ang mga
mahahalagang bagay ukol rito sa pangunguna ni Ma'am Maricar.
Ang lahat ng mga consultant ay magparehistro online, kung saan tatawag sila o makipag-ugnay sa kanilang
mga nakaraang kurso sa consultant upang tanungin kung magparehistro sila. Sa tulong ng mga itinalagang
guro, mai-encode nila ang data na maaaring magamit para sa pagrekord.
Magsisimula ito sa ganap na 8 N.U.-4NH.
Mangyayari ito mula Hunyo 1 hanggang 15.
Maaaring gamitin ang Facebook o social media, o maaaring ang mga estudyante ay magtanong sa mga
kamag-aral o kapitbahay.
Ipapaliwanag ng guro ang iba't ibang mga istilo o mode ng pag-aaral sa mga mag-aaral upang malaman nila
kung hindi pa sigurado ang kanilang mga magulang kung papayagan nila ang kanilang mga anak na
pumasok sa paaralan.

1. Mahalaga ang pagsasagawa ng pagpupulong sapagkat dito ay mas naiipabatid and isang anunsiyo para
malaman ng madla. Sa pamamagitan nito, mas nagkakaroon ng ideya at suwesityon ang mga madla ukol sa
pulong na pinagplaplanuhan o naplano na. Madalas na tumatawag ng isang pagpupulong ang isang grupo
upang mangalap at maglahad ng mga impormasyon, datos at ideya o di kaya ay iklaro ang isang bagay na
may kalituhan o pagkabagabag sa isipan ng bawat indibidwal. Ito rin ang daan upang hingin ang payo ng
madla upang makarating sa isang desisyon na masasabing walang halong bias at may kasangkutan ang
bawat isang dumalo rito. Tulad na lamang ng halimbawa na nasa itaas ng mga tanong na ito, ito ay isang
pulong kung saan ang guro at ang punonguro ay nagkaroon ng isang pagpupulong upang ipabatid ang
magaganap para sa online enrollment sapagkat laganap ang pandemya ngayon at ito ang naiisip nilang
paraan na kung saan ito ay ligtas at epektibo para sa lahat. Mula rito, may ilang mga tanong ang mga guro
matapos ang pagpupulong kung saan ang mga tanong na ito ay nabigyang linaw ng punong guro at mas
naging matagumpay ang pagpupulong na naganap. Dahil sa pagpupulong, mas nabibigyang linaw ang mga
bagay bagay upang magbigay kaliwanagan sa isipan ng mga ito.

2. Ang mahalagang datos na dapat ipaliwanag sa pagpupulong ay sumasagot sa paksa, bagay, bagay, oras,
pook, dahilan at pamamaraan ng paksa. Dito dapat sagutin sa kung sino ang pinuno at kasapi ng proseso ng
pagpupulong. Kailan dapat tukuyin ang petsa at oras kung kailan nagsisimula o nagtatapos ang
pagpupulong. Sa nilalaman ng pagtatanghal, ang mga pangunahing paksa / agenda at mga detalye ng mga
kaugnay na isyu. Bakit ipaliwanag kung bakit kailangang talakayin ang isyung ito. At kung paano
ipaliwanag ang mga hakbang na dapat gawin o kilalanin ng bawat miyembro ng pangkat sa impormasyong
tinalakay.
Ang mga datos na dapat o kinakailangan na taglay ng isang pagpupulong ay ang heading, mga kalahok o
dumalo, pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong, action items o usaping napagkasunduan,
pabalita o patalastas, iskedyul ng sumuod na pulong, pagtatapos at ang huli ay ang lagda. Ang pinaunang
kinakailangan sa isang pagpupulong ay ang heading kung saan nakalathala rito ang pangalan o leybel ng
kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran ng may nasabing pagpupulong. Bukod rito, nakasulat rin
dito ang petsa, lokasyon ang oras kung kailan gaganapin ang pagpupulong. Ang panagalawa ay ang mga
kalahok o dumalo kung saan nakasaad dito kung sino ang mga dumalo at lalong higit ang mga pangunahing
tao na nagpasimula o nanguna sa pulong na ito. Kung ang isang indibidwal ay lumiban sa isang
pagpupulong, mananatiling nakasulat ang kaniyang pangalan rito. Ang pangatlo ay ang pagbasa at
pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong kung saan nakasaad rito ang kung ang nagdaang katitikan ay
napagtibay o kinakailangan pang isagawa ngunit sa paraang bago. Ang pang-apat ay ang action items o
usaping napagkasunduan kung saan nakalathala rito ang mahahalagang impormasyon patungkol sa paksang
pinagpupulungan. Bukod rito, nakasaad din dito ang mga desisyong nabuo at maging ang taong nanguna sa
talakayan ng isang paksa o isyu. Ang panglima ay ang pabalita o patalastas kung saan ito ay hindi malimit
na makita sa isang pulong bagkus, kung mayroon nito, maaaring ilahad rito ang suhestiyong agenda para sa
mga dadating pang pagpupulong. Ang ikaanim ay ang iskedyul ng susunod na pulong kung saan nakasaad
rito kung saan at kailan magaganap ang mga susunod pang mga pagpupulong. Ang pampito ay ang
pagtatapos kung saan nakasaad rito ang oras kung kailan nagtapos ang isinagawang pagpupulong.
3. Sa pagpupulong na naganap sa itaas, mayroon ito mga mahahalagang datos. Ito ang mga sumusunod. Ang
nasabing pagpupulong ay isinagawa upang mapagplanuhan at mapaghandaan ang gaganaping online
enrollment sa kabila ng pandemiya sa darating na ika-1 ng Hunyo. Ito ay magsisimula sa darating na Hunyo
1 bilang unang araw ng enrollment sa online. Sa pagsasagawa ng online enrollment, mayroong
kinakailangang sundin na pormat sa pagkuha ng datos na ipinamahagi ng DepEd o Department of
Education. Dahil rito, isinasaayos ito ng ICT Coordinator ang mga mahahalagang bagay ukol rito sa
pangunguna ni Ma'am Maricar.Ang lahat ng mga consultant ay magparehistro online, kung saan tatawag sila
o makipag-ugnay sa kanilang mga nakaraang kurso sa consultant upang tanungin kung magparehistro sila.
Sa tulong ng mga itinalagang guro, mai-encode nila ang data na maaaring magamit para sa
pagrekord.Magsisimula ito sa ganap na 8 N.U.-4NH. Mangyayari ito mula Hunyo 1 hanggang 15. Maaaring
gamitin ang Facebook o social media, o maaaring ang mga estudyante ay magtanong sa mga kamag-aral o
kapitbahay. Ipapaliwanag ng guro ang iba't ibang mga istilo o mode ng pag-aaral sa mga mag-aaral upang
malaman nila kung hindi pa sigurado ang kanilang mga magulang kung papayagan nila ang kanilang mga
anak na pumasok sa paaralan.

4. Kung ako ay bibigyan ng pagkakataong magbuod ng pinagpulungan, may naisip akong paraan upang ito ay
ilalahad. Sa pamamagitan ng pormal na katitikan ng pagpupulong, ito ang aking gagamitin upang mas
maging tumpak ang aking buod na gagawin na naglalaman ng heading, mga kalahok o dumalo, pagbasa at
pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong, action items o usaping napagkasunduan, pabalita o
patalastas, iskedyul ng sumuod na pulong, pagtatapos at ang huli ay ang lagda. Ito ang aking gagamitin ng
sa ghanoon ay pormal, obhetibo at komprehensibo ito kapag aking isinumite sa nakatataas. Ito din ang aking
naisip sapagkat mas magkakaron ng organisasyon ang bawat datos at mas madali itong maiintindihan kung
ito ay babasahin. Sa kabilang banda, ako rin ay maglalahad ng mahahalagang punto o impormasyon na
nabanngit tungkol sa nasabing pulong nang sa ganoon ay mailahad ko ang lahat ng datos at impormasyon na
naganap at napag-usapan sa pulong na naganap.

Aktibiti 3
 Matagumpay na napanood ang unang bidyu
 Matagumpay na napanood ang pangalawang bidyu
 Matagumpay na napanood ang pangatlong bidyu
 Matagumpay na nabasa angpagpupulong
Aktibiti 4
1. LIGWAK
2. TUMPAK
3. TUMPAK
4. LIGWAK
5. TUMPAK
6. TUMPAK
7. TUMPAK
8. LIGWAK
9. TUMPAK
10. TUMPAK

Aktibiti 11
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA

Aktibiti 8
Ang una naming napag-usapan ay ang bakuna laban sa Corona Virus Diesease o mas kilala
bilang Covid-19 ay may kahusayan sapagkat sa pagdaan ng mga araw sa mga taong
naturukan na, ay hindi kinakitaan ng kahit na anong epekto maliban na lamang sa
Pangyayari pagkakaroon ng sinat o lagnat sapagkat ito at normal lamang.
Ang laganap na Ang pangalawa naming napag-usapan ay mahigit isang milyon na sa mga kababayan
pagpapabakuna ng mga nating Pilipino ang nabakunahan. Ito ay nangangahulugan lamang na mahigit isang
porsyento na lamang ang may posibilidad na tamaan ng matinding epekto ng naturang
mamamayang Pilipino. sakit. Kahit na may bakuna na tayo, may posibilidad parin na makakuha sila ng sakit dahil
hindi isang daang porsyento ang kahusayan, ngunit mas mataas ang tiyansa na hindi
magkaroon ng sakit dahil mas napatatag ang immune system ng bakuna.

Pangyayari Ang una namin napag-usapan ay ang Hindi magiging produktibo ang mga mag-aaral
sapagkat mayroon itong kabalikat na mga implikasyon. Isa na dito ang nawawalan ng gana
Ang balitang hindi na o motibasyon sa pag-aaral dahil sanhi ito ng panahon na pinagdaraan at mas madaling
babalik sa tradisyunal na maapektuhan ng mga panlabas na kadahilanan dahil hindi nakakasalamuha sa ibang tao.
pag-aaral ang mga Kung kaya't hindi ito magandang paraan at hindi magiging epektibo ito sa pagkatuto ng
estudyante bagkus, ang bawat estudyante
'flexible learning' ang Ang pangalawa naming napag-usapan ay mas mahihirapan ang mga estudyante na
magiging bagong umangkop sa bagong sistemang itinalaga sapagkat ngayong mga panahon ito ay
pamantayan at paraan ng nagkakaroon na ng problema at pagkalito ang mga estudyante sapagkat sila ay lubos na
edukasyon sa kolehiyo. nahihirapan sa sistemang ito.

Ang una naming napag-usapan ay sobrang laki ng silakbo ng mga nahawahan ng corona
virus, na mayroon na ngang 27 milyon cases sa ngayon, ang mga ospital ay napupuno at
Pangyayari wala ng lugar para sa iba upang mapagamot sila. Bunsod dito, ang mga tangke ng oxygen
na isa sa mga mahahalagang pangangailangan para sa mga tinamaan ng sakit ay
Ang "oxygen nagkakaubusan kaya't mas marami ang nasasawi. Nakakaawa sapagkat marami sa mga
depletion" na laganap namatay ay hindi na nabibigyan ng proper burial at nagkakaroon nalang sila ng mass
incineration o sabay sabay na pagsunog sa katawan ng mga namayapa.
ngayon sa Inida Ang pangalawa naming pinag-usapan ay maraming organizations ang nais tumulong
bunsod ng pandemya. galing iba't ibang bansa upang makapag contribute sa pagsusupply ng oxygen sa India. Sa
instagram na kilala bilang social media, napag-usapan din namin na ibahagi sa iba ang
pangangalap ng donasyon ng India.

Activity 9
A. Manatiling magkaroon ng pag-uudyok na tumulong lalong higit sa mga kamay na nangangailangan ng
tulong bilang isang may moral at may malasakit na kabataan.
B. Magkaroon ng tamang pagtitimbang at pagtukoy sa tama at mali upang mapalayo sa tukso at panganib.
Dahil dito, mas magkakaroon ng kaliwinagan ang buhay natin bilang isang kabataan at mas
makakaimpluwensya sa kapwa kabataan ng magandang asal.
C. Irespeto lahat ng tao-sa kapwa at sa sarili upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan.
D. Maging isang magaling lider at modelo para sa ibang mga kabataan at sa may mga murang edad upang
mamulat sila sa reyalidad at hindi maligaw sa maling landas.

Aktibiti 6
Mga Mahahalagang Impormasyon
Taas baba pa rin ang bilang ng mga araw-araw na tinatamaan ng virus sa kabila ng pag-flatten na ng curve
sa NCR.
Sa ilang probinsya ay patuloy pa din ang pagtaas ng mga kaso.
Sa pag-aaral ng UP OCTA Research, may pagtaas sa araw-araw na bilang ng Covid 19, ngunit mas mababa
sa isa o 0.96 pa din ang tinatayang reproduction number.
Bagaman ito ay tumataas, bumababa naman ang hawahan.
Ang transmission rate ay tinitingnan at kinukumpara sa dati kung saan noon ay nakakapagtala ng 1
hanggang 2 na reproduction number.
Sa ilang parte o bahagi ng bansa, ay patuloy pa din ang pagtaas ng kaso.
Mataas sa 1 ang mga probinsya gaya ng Cavite, Bulacan at Batangas.
Malapit sa "critical level" ang mga ospital sa Cavite, Batangas, Rizal at Negros Occidental.
Ipinapatupad na ang .75-meter social distancing sa mga pampublikong sasakyan ngunit, hindi dito sang-
ayon ang DOH o Department of Health.
Hindi mababago ang safety health protocols at ang isang metrong layo na pagitan ng bawat indibidwal.
Mayroong mga ginawang pag-aaral na ginawa tulad ng pagtataya (forecasting) at pagmomodelo (modeling)
na ginawa ng mga grupo sa Pilipinas.
Kung ang mga tao ay nangangailangan sumakay sa mga pampublikong sasakyan, nangangailangan pa rin na
magsuot ng face mask at face shield at sundin pa din ang social distancing.
Ang pang-araw-araw na pagsubaybay ng bawat indibidwal ay mahalaga.
Sa paggamit ng UV light, kailangan na doble ingat sa paggamit nito.
Wala pang sapat na edbidensya na ito ay epektibo.

Aktibiti 7
Ang pagpupulong na isinagawa ay ginanap noong ika 17 ng Abril, taong kasalukuyan sa GMA Studio na
pinangunahan nina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Connie Sison at USEC. Maria Rosario Vergeirie. Sa
talakayang naganap, taas baba pa rin ang bilang ng mga araw-araw na tinatamaan ng virus sa kabila ng pag-
flatten na ng curve sa NCR. Sa ilang probinsya ay patuloy pa din ang pagtaas ng mga kaso. Sa pag-aaral ng UP
OCTA Research, may pagtaas sa araw-araw na bilang ng Covid 19, ngunit mas mababa sa isa o 0.96 pa din ang
tinatayang reproduction number. Bagaman ito ay tumataas, bumababa naman ang hawahan. Ang transmission
rate ay tinitingnan at kinukumpara sa dati kung saan noon ay nakakapagtala ng 1 hanggang 2 na reproduction
number.Sa ilang parte o bahagi ng bansa, ay patuloy pa din ang pagtaas ng kaso. Mataas sa 1 ang mga
probinsya gaya ng Cavite, Bulacan at Batangas. Malapit sa "critical level" ang mga ospital sa Cavite, Batangas,
Rizal at Negros Occidental. Ipinapatupad na ang .75-meter social distancing sa mga pampublikong sasakyan
ngunit, hindi dito sang-ayon ang DOH o Department of Health. Hindi mababago ang safety health protocols at
ang isang metrong layo na pagitan ng bawat indibidwal ay dapat isabatas pa din sapagkat may posibilidad na
makahawa ito sa iba. Mayroong mga ginawang pag-aaral na ginawa tulad ng pagtataya (forecasting) at
pagmomodelo (modeling) na ginawa ng mga grupo sa Pilipinas kung saan kung babawasan ang layo sa isang
metro, maaari makadaragdag ito sa mahigit na anim na daan na kaso kada araw. Kung ang mga tao ay
nangangailangan sumakay sa mga pampublikong sasakyan, nangangailangan pa rin na magsuot ng face mask at
face shield at sundin pa din ang social distancing. Ang pang-araw-araw na pagsubaybay ng bawat indibidwal ay
mahalaga. Sa paggamit ng UV light, kailangan na doble ingat sa paggamit nito sapagkat maaari itong
makapagbigay ng mga karamdaman sa bawat indibidwal kahit sinasabing ito ay panlaban sa virus. Wala pang
sapat na edbidensya na ito ay epektibo.

Aktibiti 5
Mahahalagang bahagi/impormasyon na gagamitin sa pagbuo ng sintesis
Magkakaroon ng community disinfection sa darating sa Sabado.
Naglalayon ang mga opisyales at lalong higit ang Kapitan na maiwasan ang pagsibol ng kaso sa kanilang
lugar.
Magsisimula ang disinfection ng ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
Ang lahat ng sangkot rito ay nangangailangang gumamit ng PPE's upang maprotektahan ang sarili at ang
mga kagamitan na gagamitin ay kukuni sa barangay.
Magtatakda at magtatalaga rin ng mga tao upang kumuha ng dokumentasyon at mga litrato para sa
gaganaping community disinfection at inaasahan na matapos ito ng dalawang araw lamang sapagkat kulang
sa badyet.

Sintesis:
PAGPUPULONG sa PAGSASAGAWA ng COMMUNITY DISINFECTION
Nagpatawag ng pagpupulong ang isang Kapitan ng barangay sa mga opisyales nito at ang nasabing
pulong ay pinangungunahan din niya. Ang pagdidisimpekta ng komunidad ay isasagawa sa darating na
Sabado.Naglalayon ang mga opisyales at lalong higit ang Kapitan na maiwasan ang pagsibol ng kaso sa
kanilang lugar. Ang pagdidisimpekta ay magsisimula mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. Ang
bawat kasangkot ay kailangang gumamit ng pansariling kagamitan sa pagprotekta o PPE upang maprotektahan
ang kanilang sarili, at ang kagamitan na gagamitin ay kukunin sa barangay. Magtatakda at magtatalaga rin ng
mga tao ng pagkuha ng mga dokumento at larawan para sa paparating na pagdidisimpekta ng komunidad. Dahil
sa hindi sapat na badyet, inaasahang makukumpleto ito sa loob ng dalawang araw.

Aktibiti 10
1. Sa pagsulat ng sintesis, may mga hakbang akong isinasagawa upang maging matagumpay, epektibo at
komprehensibo ito sa mga mambabasa. Una ay pinapakinggan kong mabuti ang isang pagpupulong at
gumagamit ako ng mga materyal na bagay katulad na lamang ng recorder, panulat at papel upang mailathala
ko ang mga mahahalagang ideya sa pagpupulong. Sa tulong ng recorder, maaari ko itong balik-balikan
upang tuloy-tuloy ang daloy ng aking binubuong sintesis. Pangalawa, isinasaalang-alang ko din ang una,
gitna at wakas ng pagpupulong upang mas maging komprehensibo at kronolohikal. Maiiwasan din ang
pagkakalito sapagkat sunod-sunod ang mga ideya na aking inilahad. Pangatlo ay ginamit ko ang proseso
para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.
2. Kinukuha ang mga datos sa sintesis sa mismong pagpupulong na naganap. Mula rito, ang isang indibidwal
ay nangangailangan ng matinding pokus at atensyon upang mas maunawaan ang pulong. Gamit na lamang
ng ibang mga kagamitan tulad ng panulat, papel at recorder, ito ang mga makakatulong upang mailahad o
matandaan ang mga mahahalagang impormasyon at datos na nakalap sa nasabing pulong. Ang mga
impormasyon at datos ay nanggaling mula sa iba't ibang mga sangkot sa pagpupulong bagkus, ito ang
nagsisilbing balangkas para sa pagbuo ng isang tesis. Matapos mailahad ang mga mahahalagang
impormasyon at datos, ito naman ang gagamitin upang bumuo ng sintesis na hindi hihigit sa isang pahina
sapagkat kilala ito bilang pinaikling bersyon lamang at nangangailangan na ito ay maiksi lamang ngunit
komprehensibo.
3. Maraming kailangang dapat tandaan sa pagsulat ng sitesis. Una, kailangan muna nating linawin ang layunin
ng pagsulat. Ikalawa, bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin. Pangatlo ay isulat ang burador o draft
upang may pagkakataon na ayusin at rebisahin. Pang-apat ay ilista ang mga mahahlagang punto, datos o
impormasyon sa isang pagpupulong. Kung ito man ay sintesis na tungkol sa pag-aaral o "research", mainam
na ilista ang mga sanggunian upang maiwasan ang plagiarism at bigyan ng pagkilala sa tunay na mga awtor
na nakuhanan ng pagkakahawig sa nasabig pag-aaral. Panglima ay rebisahin ito upang mas maging
maganda ang kalabasan at komprehensibo sa mga mambabasa. Ilan sa mga teknik upang mapaunlad ang
ating sentisis na ginagawa ay dapat isaisip at isagawa natin ang pagbubuod, pagbibigay ng ilang halimbawa,
pagdadahilan, pagbibigay koneksyon at komparison at kontrast. Pang-anim ay nararapat na ito ay obhetibo
at gumagamit ng sarilang salita.

Repleksyon
Natutunan ko sa araling ito ang memorandum o mas kilala bilang memo. Ito ay isang kasulatan na
nagpapaalam tungkol sa paparating na pagpupulong o nagpapaalala sa iyo ng mahalagang impormasyon,
gawain, tungkulin, o gawain. Nakasaad sa memorandum ang layunin ng pagpupulong. Sa pamamagitan nito,
malinaw na malalaman ng mga kalahok kung ano ang inaasahan sa kanila. Kung ang layunin ng pagpupulong
na naitala sa memo ay ipaalam lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kumpanya o
samahan, malalaman ng lahat na ang kanilang mga ideya o mungkahi ay hindi na kailangan dahil ang pasya o
proyekto ay panghuli. Bukod rito, mayroon itong tatlong uri ayon sa layunin nito katulad na lamang ng
memorandum para sa kahilingan, memorandum para sa kabatiran at memorandum para sa pagtugon. Sa
kabilang banda, aking natutunan din ang tungkol sa adyenda kung saan ito ay talaan ng mga paksang
tatalakayin. Ito rin ay para sa pormal na pagpupulong. Ilan sa mga kahalagahan nito ay masisigurong tatakbo ng
maayos ang pagpupulong, mabilis ang pagpupulong, espesipikong pag-uusapan o tatalakayin, maipokus sa
isang usapin lamang at makasunod sa pag-uusapan. Ito rin dapat ay naglalaman ng saan at kailan ang
pagpupulong, anu-ano ang layunin, sino-sino ang lalahok, anong oras magsisimula at matatapos at ano ang
paksa. Ito rin ay may iba't ibang hakbang na kailangan sundin sa pagsulat nito. Una, lumikha bago ang
pagpupulong tatlong araw bago ito. Ikalawa, magsimula sa simpleng detalye. Pangatlo, ay ang layunin ng
pagpupulong. Pang-apat ay panatilihin na mas mahaba sa limang oras. Ang panghuling hakbang ay ang oras
bawat paksa. Bukod rito, may mga nararapat din na tandaan sa paggamit ng adyenda. Una, tiyaking ang bawat
dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. Ikalawa, talakayin sa unang bahagi ng pulong ang
higit na mahahalagang paksa. Ikatlo, manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.
Ikaapat, magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda. Ang ang huli ay, ihanda
ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda. Sa kabilang banda, akin rin na natutunan ang tungkol
sa katitikan ng pulong kung saan ito ay mahalagang dokumento sa pagpupulong at ito ay kilala bilang tala ng
isang malaking organisasyon. Nakasulat rito kung sino ang mga dumalo at di dumalo, oras nagsimula at natapos
at lugar na pinagganapan. Ilan sa mga katangian nito ay ito ay organisado at sunod-sunod, mahahalagang
diskusyon, ibinabatay sa agenda at detalyado at nirepaso. Sa kabilang banda, may mahahalagang bahagi na
dapat makita sa pagsulat ng katitikan ng pagpupulong tulad ng heading, mga kalahok o dumalo, pagbasa at
pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong, action items o usaping napagkasunduan, pabalita o patalastas,
Iskedyul ng susunod na pulong, pagtatapos at lakda. Mayroon din itong gabay sa pagsulat ng katitikan ng
pulong kung saan ito ay nahahati sa tatlo tulad ng bago, habang at pagkatapos ng pulong. Una, bago ang pulong
kailangan na ihanda ang sarili, lumikha ng template, basahin ang inihandang agenda, mangalap ng
impormasyon tungkol sa mga layunin at iba pa, at maaaring ang gamitin ay lapis, bolpen, papel, laptop o
recorder. Ikalawa ay ang habang nagpupulong na kinakailangan na magpokus sa pinag-uusapan at sa pagtala ng
mga desisyon at itala ang aksiyon habang nangyayari ang mga ito. Ang panghuli ay ang paghkatapos ng
pagpupulong na kinakailangan na repasuhin ang sinulat, kung may hindi maintindihan, tanungin pagkatapos ng
namamahala, ibigay ang kopya pag pinal na sa mga dumalo, tingnan kung wasto at ipabasa sa namumuno sa
pulong para itama ang mga maling impormasyon kung mayroon man. Ang panghuli kong natutunan ay tungkol
sa sintesis na kung saan ang pagbubuo na ito ay isang pinaikling bersyon na sumusuri sa mga pagkakaiba sa
pagitan ng iba't ibang kaalaman at mga mapagkukunan ng impormasyon. Naghahanap ito ng mga pagkakatulad
at pagkakaiba ng impormasyon. Maaari kang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga panayam, talakayan,
blog, pelikula, nobela, kwento, kumperensya, at iba pa. Sa tuwing sumulat ka ng isang komprehensibong ulat,
ang pahina ay tumatagal ng hindi hihigit sa isang pahina. Kailangang isama ng komprehensibong pagsulat ang
lahat ng mahahalagang data upang makabuo ng mga ideya mula sa nilalaman ng pagbabasa, pakikinig, at
panonood.

You might also like