You are on page 1of 2

Lady Darlene S.

Roque

11-Strategy

Ang Tinig na Pumawi ng Aking Pangamba

Tunay ngang ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap
ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para
sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang
magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang isa sa mga layunin ng
edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa
isipan, damdamin, at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti
at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Kaakibat ng edukasyon
ay ang kalakasan ng loob sa lahat ng mga pangyayaring ating haharapin. Ang pagkakaroon ng
lakas ng loob ay makatutulong sa iyo upang maisagawa mo ang mga nararapat mong gawin. Ito
rin ang magdadala sa iyo sa katagumpayang matagal mo nang minimithi.

Isang araw, noong ako ay nasa ika-sampung baitang pa lamang, sa aking dating paaralan,
ipinabatid ng aming guro sa asignaturang Ingles na ang aming buong pangkat ay magkakaroon
ng isang talumpati. Bawat isa sa amin ay nararapat na tumayo sa harapan ng buong klase at
ihayag ang aming nakahandang talumpati. Ang paksa na aking napili ay ang "Bullying". Ang
pambubulas o bullying ay isang malaking isyu na karaniwang naiuugnay sa ating mga paaralan.
Isa rin ito sa mga kadahilanan kung bakit napakaraming kabataan ang nakakaranas ng depresyon.
Upang maiwasan ito, marapat lamang na maging mabuting halimbawa bilang mag-aaral na hindi
nambubulas o nambubully. Sa paaralan, tinuturuan ng mga magagandang asal ang mga mag-
aaral upang magpakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa. Iyan ang ilang impormasyon na
aking nabanggit noong aking ibinahagi ang aking talumpati.

Ako ay nagulat sapagkat wala pa akong natatanging karanasan sa pagtatalumpati. Wala


akong tiwala sa aking sarili na makakaya ko itong gawin lalo na't sa harapan pa ng maraming
tao. Ngunit isang tinig ang sa akin ay nakatawag ng pansin na nagbitaw ng mga katagang "Anak,
narito lang ako para sa iyo". Noong ako na ang tinawag ng aming guro, lubos akong
pinangunahan pa rin ng takot at kaba na baka ako'y magkamali sa aking talumpati. Hindi ko
alintana ang mga magaganap sa aking pagsasalita sa harap ng buong klase. At nang akin na itong
natapos, nagpalakpakan ang buong klase kasama na ang aming guro. Sila ay tunay na nasiyahan
sa aking talumpati. Nagkamit ako rito ng mataas na marka. Ako'y nagalak sapagkat nalampasan
ko ang aking takot at kaba nang dahil sa lakas ng loob na ibinigay sa akin ng Diyos.

Ang pagkakaroon ng pangamba sa pagtatalumpati sa dati kong paaralang kinabinilangan


ay tila nagbigay sa akin ng isang pribilehiyong marinig ang tinig Niya. Ang isang tinig na
makakapawi ng aking pangamba. Sa kabila ng isang karanasang ito, aking nasilayan ang
pagkilos ng Diyos sa aking buhay bilang isang mag-aaral. Ang kalakasang nagmumula sa Kanya
ay higit na makapangyarihan kahit na kanino man. Ang lahat ng ating nararanasang pagkatakot
ay may dahilan, batid ito lahat ng Diyos. Kaya sa lahat ng pagkakataon, harapin natin ng may
paninindigan at lakas ng loob ang ating mga kinakatakutan. Malalagpasan natin ang mga
negatibong pag-iisip nang dahil sa Kanya. Isang tawag mo lamang sa Kanya at diringgin ka
Niya, ang iyong buhay ay magiging mapayapa.

Sa karanasang ito, ako ay namulat sa isa sa mga pambihirang bagay na dapat kong
maranasan bilang isang mag-aaral. Nagdala ito sa akin ng matinding karanasan na maibahagi ang
aking mga nalalaman at saloobin sa naturang paksa. Ako, bilang isang mag-aaral ay natuto sa
isang karanasang hindi ko makakalimutan. Ang kahinaan ng aking loob sa pagsasalita sa harap
ng maraming tao ay nag-udyok sa akin na lumapit sa Diyos. Siya ang nagbigay sa akin ng
kalakasan na hindi kayang ibigay ng iba. Sa mga panahon ng pangangamba, pakatandaan natin
na may isang Diyos na nariyan upang pawiin ito. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa
rin akong naglalakbay patuno sa aking inaasam-asam na mga pangarap. Nawa'y lubusan nating
naunawaan ang pagkakaroon ng lakas ng loob sa lahat ng karanasang ating haharapin sa ating
pag-aaral. Ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang
magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa ano mang
pagbabagong nakaukit sa ating panahon.

You might also like