You are on page 1of 6

Takdang Aralin #6

Rhandy Penuel S. Ariola


Humss 12-2
Sir. Raymond Redublo

Talumpati: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng


Talumpati at mga Uri
Ano ang Talumpati?
Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng
isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao. Layon nitong
magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat, mangatwiran,
at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong
pampubliko kung saan ang isang paksa ay ipinapaliwanag at binibigkas sa
harapan ng mga tagapakinig.

Uri ng Talumpati
May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating
pampalibang, nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang,
nagpaparangal, at pampasigla.

1.Talumpating Pampalibang

Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o


maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.

2.Talumpating Nagpapakilala

Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli


lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong
ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng
kanilang magiging tagapagsalita.
3.Talumpating Pangkabatiran

Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-


siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang
larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong
maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

4.Talumpating Nagbibigay-galang

Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin,


pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

5.Talumpating Nagpaparangal

Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa
mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod
ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at


paligsahan
 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

6.Talumpating Pampasigla

Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan


kalimitang binibigkas ito ng:

 Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro


 Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
 Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani

Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan


Mayroon itong tatlong (3) uri ayon sa pamamaraan. Ito ay ang mga
sumusunod:
1.Dagli

Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.

2.Maluwag

May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago


ang kanyang pagsasalita.

3.Pinaghandaan

Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.

Bahagi ng Talumpati
Nahahati ito sa tatlong (3) bahagi; ang simula, katawan at katapusan.

1.Simula

Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang


makuha sa simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.

2.Katawan o Gitna

Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.

3.Katapusan o Wakas

Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito


ang pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng
pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.

Paano Gumawa ng Talumpati


Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.

 Pumili ng magandang paksa.


 Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon
tungkol sa napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o
kaya ay mga babasahin na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
 Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang
simula, katawan at katapusan.
 Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang
tungkol sa sarili at pansariling kapakinabangan.
 Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung
maari ay magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at
laging isipin ang iyong tagapakinig.

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Edukasyon
Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam
na natin na ito ay pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Bakit nga ba?
Mula sa pang-araw-araw nating
gawain ay kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng ating
pamumuhay. Habang tayo ay lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang ating
isipan at kaalaman. Mula dito, nag-uumpisa
tayong makihalubilo sa ibang tao o kapwa na ating makikilala sa paaaralan.
Ang ating guro ang nagsisilbing pangalawang magulang at mga kamag-aral
ay intinutring din na ating pamilya.

Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang makapagtapos.


Kayamanan ito para sa kanila dahil ito lang ang maipamamana nila sa atin. Ito
ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ng bawat tao at para magkaroon ng magandang hinaharap.
Hindi hadlang ang kahirapan para sa pagtatagumpay. Kung mahirap ka man,
maraming paraan para makamit mo ang

iyong tagumpay. Kailangan mo lang ipakita ang iyong katatagan, pagiging maabilidad at
pagkakaroon ng lakas ng loob upang makaisip ng paraan upang ikaw ay makapagtapos
ng pagaaral.
Ipakita ang pagtitiyaga, pagsusumikap at pagtitiwala natin sa ating Panginoon para
makamit natin ang ating tagumpay.

Sa mundong ito, hindi ganoon kadaling mamuhay lalo na kung wala kang
sapat na kaalaman. Habang tumatagal, nagiging kumplikado ang lahat.
Nagkakaroon ng problemang hindi madaling solusyunan. Ngunit kung
mayroon kang mabisang sandata, malalampasan mo ito. Pangalawa sa
Diyos, Edukasyon ang mabisang panlaban sa problema at pagsubok.

Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay
kundi sa marami pang bagay. Ang kaalamang natututunan natin sa paaralan
ang nagbubukas at nagmumulat
sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating
kapaligiran at nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala
sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto.
Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating
mga karapatan at ang kaakibat na mga pananagutan.

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan


upang mabago ang takbo ng ating buhay. Matibay ang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan at pagunawa bunga ng mga pormal na pag-aaral
tungkol sa iba’t ibang asignaturang tinuturo sa atin ng mga guro at ng ating
mga magulang.

Ang edukasyon ay katumbas ng isang imbisibol na susi, tulay, hagdan, at


sandatang panghabambuhay na bitbit ng bawat isang tao na magagamit nila
sa kani-kanilang paglalakbay at
mga hakbang na dadaanan sa buhay. Kung wala ito, mahihirapan ang tao na
abutin ang kanilang mga pangarap at mithiin sa mundong ito.

Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Kung tayo ay mayroon


nito, magagawa nating buksan ang ating puso at isipan na pagsikapan ang
tagumpay na gustong makamtan. Ito ay
tulay upang malalagpasan natin ang lahat ng bagay na humahadlang sa atin
na maabot ang ating kapalaran. Isa itong hagdan upang maakyat natin ang
mga bundok na humaharang sa ating
pagkatagumpay. At ito ay isang sandata laban sa lahat ng kahirapan na
mararanasan sa pagkamit ng pangarap.

Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay. Gaya ng
lagi nating naririnig sa ating mga magulang na edukasyon lamang ang
kanilang maipamamana sa atin. Ito ang
dahilan kung bakit sila ay nagpapakahirap magtrabaho para mabigyan
lamang tayo ng magandang edukasyon o pag-aaral. Kaya naman, huwag
natin sayangin ang kanilang paghihirap, mag-aral
nang mabuti at pagsikapang makamit ang minimithi.
Tunay ngang napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa buhay
ng tao. Subalit ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay hindi sapat upang
maituring na edukado ang isang tao
kaya’t nararapat na de kalidad ang edukasyon na natatanggap ng mga
Pilipino

https://pinoycollection.com/talumpati/

You might also like