You are on page 1of 4

Ano ang Talumpati?

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o


opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang
tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko
o grupo ng mga tao.

Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon,


humikayat, mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa
rin itong uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang
paksa ay ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga
tagapakinig.

SEE ALSO: Sanaysay: Uri, Bahagi at mga Halimbawa ng


Sanaysay
Uri ng Talumpati
May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang
talumpating pampalibang, nagpapakilala, pangkabatiran,
nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.

Talumpating Pampalibang

Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng


anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas
pagkatapos ng isang salu-salo.

Talumpating Nagpapakilala

Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan


lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o
may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at
pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.
Talumpating Pangkabatiran

Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong


pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga
dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga
kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at
maunawaan ang paksang tinatalakay.

Talumpating Nagbibigay-galang

Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang


panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang
mawawalay o aalis.

Talumpating Nagpaparangal

Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay


ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad
ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa


patimpalak at paligsahan
 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo
Talumpating Pampasigla

Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung


saan kalimitang binibigkas ito ng:

 Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro


 Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
 Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan
Mayroon itong tatlong (3) uri ayon sa pamamaraan. Ito ay ang
mga sumusunod:
Dagli

Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.

Maluwag

May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang


mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.

Pinaghandaan

Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral


sa paksa.

Bahagi ng Talumpati
Nahahati ito sa tatlong (3) bahagi; ang simula, katawan at
katapusan.

Simula

Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng


stratehiya upang makuha sa simula pa lang ang atensyon ng
tagapakinig.

Katawan o Gitna

Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.

Katapusan o Wakas

Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati.


Nakalahad dito ang pinakamalakas na katibayan, katwiran at
paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula sa mga
tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.
Paano Gumawa ng Talumpati
Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.

 Pumili ng magandang paksa.


 Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng
impormasyon tungkol sa napiling paksa. Pwedeng mga dating
kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na may
kaugnayan sa paksang gagamitin.
 Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa
tatlong bahagi; ang simula, katawan at katapusan.
 Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan
lamang ang tungkol sa sarili at pansariling kapakinabangan.
 Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong
pagtatalumpati. Kung maari ay magkaroon ng “sense of
humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang iyong
tagapakinig.
Mga Halimbawa ng Talumpati
Narito ang koleksyon ng mga halimbawa ng talumpati tungkol sa
iba’t ibang paksa na aming nakalap mula sa iba’t ibang website.

 Tungkol sa Edukasyon
 Tungkol sa Kabataan
 Tungkol sa Kahirapan
 Tungkol sa Kaibigan
 Tungkol sa Kalikasan
 Tungkol sa Magulang
 Tungkol sa Pag-ibig
 Tungkol sa Pamilya
 Tungkol sa Pangarap
 Tungkol sa Wika

You might also like