Professional Documents
Culture Documents
Yunit 6: Pagsulat ng Talumpati
Aralin 2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2
Tuklasin 2
Alamin 4
Katangian ng Talumpati 4
Uri ng Talumpati 6
Palawakin 10
Gawain 1 10
Gawain 2 12
Suriin 13
Paglalahat 16
Bibliograpiya 16
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Pansinin
Panimula
Lar. 1. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay maaaring maipahayag sa madla ang mga
opinyon at saloobin tungkol sa anomang bagay.
Ang pagsasalita sa harap ng maraming tao ay hindi biro. Isa itong makrong kasanayan na
dapat paunlarin ng isang indibidwal. Tandaan na ang pagsasalita sa pangkalahatan ang
pinaka-epektibong daluyan ng paghahatid ng mensahe sa pulong, seminar, komperensiya,
at iba pa. Bukod sa paghahayag ng opinyon, mahalaga ring maiparating ang tamang
impormasyon sa pagsasalita sa madla.
.
1
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
● natutukoy ang mga katangian at uri ng isang talumpati;
● napaghahambing ang sanaysay sa talumpati; at
● nakasusulat ng isang talumpati ayon sa pangangailan ng akademikong sulatin.
Mga Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd
● nakikilala ang iba't ibang uri ng akademikong sulatin, gaya ng talumpati ayon sa: (a)
layunin (b) gamit (c) katangian (d) anyo (CS_FA11/12PN-0a-c-90), at
● nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-93).
Tuklasin
7 minuto
Mga Kagamitan
● video tungkol sa sa paggawa ng talumpati:
https://www.youtube.com/watch?v=nIDMtEBiwI0
● kuwaderno at panulat
1. Panoorin ang v ideo na may pamagat na “Paano Gumawa ng Talumpati” mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=nIDMtEBiwI0 .
2. Magtala ng mahahalagang impormasyon sa kuwaderno.
3. Matapos ang panonood, isasagawa ang d
iscussion forum kung saan bubuo ng grupo
na may tatlong miyembro.
4. Batay sa pamagat ng gawain, talakayin ang mahahalagang impormasyong nalaman
mula sa video.
2
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
5. Matapos ang isinagawang discussion forum, magkaroon ng bahaginan tungkol sa mga
gabay na tanong sa ibaba.
Mga Gabay na Tanong
1. Paano bibigyang-kahulugan ang talumpati batay sa video?
2. Ano-ano ang paraan sa pagbuo ng talumpati?
3. Batay sa video at sa isinagawang discussion forum, bakit mahalagang matutuhang
gumawa ng talumpati?
4. Sa iyong palagay, paano mapauunlad ng pagtatalumpati ang kakayahan sa pagsasalita?
3
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Alamin
Ang pagsulat ng talumpati ay tulad rin ng pagsulat ng sanaysay, kinakailangan ang mahusay
na paggamit ng wika o bokabularyo upang lubos na maunawaan ng mga tagapakinig ang
mensaheng nais iparating. Ang mga saloobin o opinyon tungkol sa paksa ay dapat iharap sa
isang lohikal na pagkakasunud-sunod na ginagamit ang malinaw na paglipat ng ideya mula
sa isang punto patungo sa isa pa. Marapat na tiyaking makapanghihikayat sa madla ang
mga bibitawang impormasyon.
Alalahanin
Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay "nakasulat sa
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay." Ang sanaysay ay
nagmula sa dalawang salita, ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay
panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin,
kaisipan, saloobin, reaksiyon, at iba pa ng manunulat hinggil sa
isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o isyu.
Katangian ng Talumpati
Ang isang talumpati ay masasabing epektibo o mahusay kung ito ay sumusunod sa mga
katangian nito:
4
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
3. Maikli - karaniwan sa mga tagapakinig ay naiinip kapag masyadong mahaba ang
talumpati kaya naman mas mainam na ito ay maikli lamang subalit kinakailangan na
siksik pa rin ito sa kaalaman.
5. Impormal na ugnayan - ang talumpati ay may layuning pormal subalit mahalaga na
sa pagbigkas nito ay maaaring haluan din ng mga impormal na pakikipag-ugnayan sa
mga tagapakinig upang mas maramdaman o madaling makuha ng mga tagapakinig
ang nais iparating.
5
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
10. Angkop na kilos o galaw - upang mapanatili ang interes ng mga tagapakinig,
marapat na samahan din ng kilos o galaw na angkop sa talumpati. Ang kilos ay
mahalaga lalo na ang emosyon ng mukha sapagkat hindi sapat ang mga salita sa
paghahatid ng mensahe.
andaan
T
Ang talumpati ay isang pormal at masining na pagpapahayag tungkol
sa isang mahalaga o napapanahong paksa sa paraang pasalita sa
harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng
isang paksang naglalayong manghikayat, tumugon, mangatwiran, o
magbigay ng kabatiran o kaalaman.
Uri ng Talumpati
Maraming uri ng talumpati, ngunit nauuri pa rin ito ayon sa (1) anyo o kahandaan at sa (2)
layunin nito. Bawat uri ayon sa anyo at layunin may kani-kaniya pa ring katangian o
kakanyahan.
6
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Mga Tip
Narito ang ilang t ip o suhestiyon sa pagsasagawa ng dagliang
talumpati o impromptu:
● Magkaroon ng tiwala sa sarili.
● Maging matikas sa pagtayo at paglalakad, ito ay bahagi ng
paghahanda.
● Magsalita nang katamtaman ang bilis upang makatulong ito sa
pag-iisip.
● Mag-pokus sa paksa habang nagsasalita.
2. Extempore o Extemporaneous Speech - ang talumpating ito ay binibigyan naman ng
kahandaan subalit limitado lamang sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong
paligsahan. Gayundin, ang pagtatalumpati ay may nakatakdang oras lamang. Sa ilang
kompetisyon sa ganitong uri ng talumpati, nagkakaroon ng kabawasang puntos kung
sobra o kukulangin sa oras ang pagtatalumpati.
4. Pagbasa ng Papel sa Panayam o Komperensiya - makikita sa talumpating ito ang
kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa komperensiya. Ang pag-oorganisa
ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan, at wakas/kongklusyon ay dapat
na magkakaugnay at may kaisahan.
7
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Lar. 2. Marapat na matukoy ang mga uri ng talumpati ayon sa layunin upang malaman ang
angkop na gagamitin sa iba’t ibang okasyon o kaganapan.
Uri ng Talumpati ayon sa Layunin
1. Talumpating Nagbibigay-impormasyon - ang talumpating ito ay may layuning
makapagbahagi ng impormasyon o kaalaman tungkol sa paksa sa mga tagapakinig.
Kaya naman sa ganitong uri ng talumpati kinakailangan na ang ilahad na
impormasyon ay mula sa pananaliksik, estadistika, o mga datos na masusing
pinag-aralan.
2. Talumpating Nanghihikayat - nilalayon ng talumpating ito na hikayatin ang mga
tagapakinig na sumang-ayon sa panig na kaniyang inilalahad. Masasabing ang
ganitong uri ng talumpati ay ninanais na bigyang-diin ang pagpapalakas o
8
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
empowerment, pagbabago ng isip, o paniniwala ng mga tagapakinig. At upang maging
matagumpay ang panghihikayat sa mga tagapakinig, kinakailangang maglahad ang
mananalumpati ng mga matibay na batayan o ebidensiya tungkol sa paksa.
3. Talumpating Okasyonal o Nang-aaliw - ang ganitong uri ng talumpati ay ang
pinakapamilyar sa lahat sapagkat ito ay kadalasang ginagawa sa mga simpleng
okasyon sa ating buhay gaya ng piyesta, kaarawan, anibersayo, at iba pa. Subalit
kung iisipin, hindi madali ang pagsasagawa ng isang talumpating nang-aaliw
sapagkat ang mananalumpati ay kinakailangang may angking kahusayan sa
paghahatid ng kaaliwan sa mga tagapakinig gaya na lamang ng pagpapatawa o
pagbabahagi ng kuwentong tunay na kasiya-siya.
5. Talumpating Nagpapakilala - ang pokus ng ganitong uri ng talumpati ay sa
ipakikilalang panauhin kung saan nakasalalay ang pagtanggap sa panauhin kaya
kinakailangan na ang tinig ng tagapagsalita o s peaker ay nagtataglay ng awtoridad.
6. Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala - ito ay talumpating naglalayon na
maipagkaloob ang karangalan sa isang indibidwal dahil sa isang gawaing
napagtagumpayan.
7. Talumpati ng Pamamaalam - ang talumpating ito naman ay binibigkas kung aalis
na sa isang lugar ang tagapagsalita o kaya naman ay magtatapos na ang tungkulin
kung saan ibinabahagi ng tagapagsalita ang kaniyang karanasan, damdamin, at
pasasalamat.
9
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
8. Talumpati ng Eulohiya - ito ay talumpating binibigkas sa sandali ng pagyao sa
memoryal na serbisyo sa kilalang namayapa kung saan binibigyang-diin ang mga
nagawa ng namatay noong panahong nabubuhay pa siya.
Palawakin
Gawain 1
Magtanghal ng isang talumpati na nasa anyong extempore. Isulat sa inilaang kahon ang
talumpating gagawin. Bibigyan lamang ng 20 minuto ang bawat isa upang makapaghanda
sa mapipiling paksa mula sa sumusunod:
a. Pagtanggal ng Asignaturang Wika at Panitikan sa Kolehiyo
b. Kabutihang dulot ng Pagsunod sa Enhanced Community Quarantine
c. Ang Tagumpay ng Pinas sa 30th Southeast Asian Games
Matapos ang 20 minutong paghahanda, bigkasin ang extemporaneous speech tungkol sa
paksang nabunot sa loob ng 10 minuto.
10
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
abay sa Pagsagot
G
Tandaan ang mga tinalakay na katangian ng isang epektibo at mahusay na
talumpati gayundin sa pagsasagawa ng talumpating nasa anyong extempore,
kinakailangan na sundin ang tatlong hakbang:
● Tukuyin kung anong paksa ang may pauna ka nang kaalaman at sa palagay mo
ay maibabahagi mo nang mabuti.
● Bumuo ng balangkas ng mga ideya tungkol sa paksa, maaaring sumulat ng isa
hanggang tatlong pangungusap na maaaring nagbabahagi ng opinyon tungkol
sa paksa. Matapos basahin ang iyong mga isinulat ay maaari ka nang
mangalap ng mga impormasyon o ideyang susuporta sa iyong kaisipan
tungkol sa paksa.
● Mag-ensayo upang lubusang maging matagumpay ang iyong talumpati,
kailangan mong gamitin ang natitirang oras para sa pag-eensayo. Subukang
bigkasin ang mga kaisipan at mga nakalap na impormasyon nang may
wastong tindig, kilos, at katamtamang lakas ng tinig at mahusay na pagbigkas.
11
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Gawain 2
Magsaliksik ng mga napapanahong isyu sa ating lipunan, sumulat ng isang piyesa ng
talumpati na nagbibigay-impormasyon tungkol sa mapipiling paksa mula sa mga nasaliksik.
12
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
abay sa Pagsagot
G
Kailangang taglay ng isusulat na piyesa para sa talumpating
nagbibigay-impormasyon ang sumusunod na bahagi:
● Pambungad o Introduksiyon - siguraduhing ito ay nakakukuha ng atensyon.
● Pangunahing ideya - gawing malinaw ang paksa ng talumpati.
● Katawan o paglalahad - kinakailangang magtaglay ito ng mga sumusuportang
detalye o katibayan sa paksa.
● Pagsusuri sa Tagapakinig - marapat na isaalang-alang ang katangian at
ekspresyon ng mga tagapakinig.
● Pagsusuri sa okasyon - mahalagang alamin ang okasyon para sa talumpating
gagawin upang maging angkop ang paraan ng paglalahad ng impormasyon sa
talumpating gagawin.
Suriin
A. Tukuyin o ibigay ang hinihinging sagot sa bawat bilang.
13
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
2. Ano-ano ang katangian ng isang epektibo at mahusay na talumpati?
3. Ano ang karaniwang layunin ng isang talumpati?
4. Isa-isahin ang mga uri ng talumpati ayon sa anyo at kahandaan at paano
nagkakaiba-iba ang bawat isa?
5. Paano nagkakaiba-iba ang mga uri ng talumpati ayon sa layunin?
1. Paano masasabing epektibo at mahusay ang isang talumpating napakinggan?
14
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
2. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat at paghahanda ng isang talumpati?
3. Paano nagkakaiba ang mga uri ng talumpati ayon sa anyo at ayon sa layunin?
4. Sa iyong palagay, paano mahusay na mapagtatagumpayan ang pagtatanghal ng
dagliang talumpati o impromptu?
5. Sa kabuoan, bakit kailangang iangkop ang talumpati ayon sa layunin o okasyon ng
pagtatanghal?
15
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Paglalahat
___________________________________________________________________________________________
● Ang pagsulat ng talumpati ay tila pagsulat ng isang sanaysay subalit tandaan na
isinasaalang-alang sa isusulat na piyesa ang mga tagapakinig. Tandaan na ang
talumpati ay nilalayong hikayatin ang mga tagapakinig sa mensahe o impormasyong
nais iparating.
● Mahalagang malaman ang mga katangian ng isang epektibo at mahusay na talumpati
upang masigurong maunawaan ng mga tagapakinig ang paksa ng talumpati at sa
pagtatapos nito ay mahikayat na sumang-ayon sa mga ipinabatid.
● Ang mga uri ng talumpati ay naaayon sa dalawa; ayon sa anyo at kahandaan at ayon sa
layunin.
___________________________________________________________________________________________
Bibliograpiya
Amadebai, Emidio. “14 DIFFERENT TYPES OF SPEECH & TIPS ON HOW TO DELIVER THEM”.
November 16, 2019. APace The Presentation.com.
http://synthesis-essay-writing.org/explanatory-synthesis-essay/
Nakuha noong Marso 31, 2020.
Handmade Blog. “Extemporaneous Speech – Definition, Tips, List of 100 Topics”. Handmade
Writing.com. May 24, 2019.
https://handmadewriting.com/blog/guides/extemporaneous-speech-topics/
Nakuha noong Marso 31, 2020.
iEduNote.com “Top 10 Qualities of a Good Speech.”
https://www.iedunote.com/top-10-qualities-good-speech
Nakuha noong Marso 30, 2020.
Neko and Panda’s Blog. “MGA AKADEMIKONG SULATIN”. Pytnpndportfolio.wordpress.com.
https://pytnpndportfolio.wordpress.com/mga-akademikong-sulatin/
Nakuha noong Marso 30, 2020
16
Yunit 6.2: Mga Katangian at Uri ng Talumpati
Remodo, Raymor. “Talumpati.” S lideshare.net. January 12, 2019.
https://janpersonb.wordpress.com/2018/08/12/sintesis/
Nakuha noong Marso 31, 2020.
Smartwritingcentre. “Speech in Academic Writing.” Medium.com. February 1, 2019.
https://medium.com/@smartwritingcentre/speech-in-academic-writing-4b60b2f7d94
Nakuha noong Marso 30, 2020.
17