You are on page 1of 18

TALUMPATI

ANO ANG TALUMPATI?


● Ang talumpati ay isang sining ng
pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang
tao tungkol sa isang paksa na ipinapabatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
URI NG TALUMPATI

• Ayon sa PAMAMARAAN
• Ayon sa LAYUNIN
URI NG TALUMPATI AYON SA PAMAMARAAN

A DAGLI
Uri ng talumpati na hindi pinaghahandaan
B MALUWAG

May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang


mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita

C PINAGHANDAA
N
Maaaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-
aaral sa paksa
URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN

A TALUMPATING
PAMPALIBANG
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o
maikling kwento

B TALUMPATING
NAGPAPAKILALA
Kilala rin sa tawag na panimulang talumpati at karaniwang maikli
lamang lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na.
C TALUMPATING
PANGKABATIRAN
Gamit sa mga panayam, kumbensyon at mga pagtitipong pang-
siyentipiko, diplomatiko at iba pang Samahan ng mga dalubhasa sa
iba’t ibang larangan

D TALUMPATING NAGBIBIGAY-
GALANG sa pagbibigay-galang at pagsalubong sa isang panauhin,
Ginagamit
pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis
E TALUMPATING
NAGPAPARANGAL
Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng
papuri sa mga kabutihang nagawa nito

• Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak


at paligsahan
• Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
• Pamamaalam sa mga yumao
• Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo
F TALUMPATING PAMPASIGLA
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig

• Isang coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro


• Isang lider ng Samahan sa mga manggagawa o miyembro
• Isang pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
BAHAGI NG TALUMPATI

SIMULA GITNA WAKAS


Sa bahaging ito inilalahad ang Dito nakasaad ang paksang Buod ng paksang tinalakay
layunin ng paksa tinatalakay ng mananalumpati mananalumpati
HAKBANGIN SA PAGGAWA NG
TALUMPATI
• Pagpili ng paksa
• Pagtitipon ng materyales
• Pagbabalangkas ng mga ideya
• Paglinang ng mga kaisipan
KASANGKAPAN SA MABISANG
PANANALUMPATI

• Tinig
• Tindig
• Galaw
• Kumpas ng mga kamay
1. Ang mga nakakahiyang sandali ang nagpapalakas sa atin.
2. Ano ang mga panganib ng pagiging sikat ng mga bata o kabataan
online?
3. Ang arranged marriage ay dapat ipagbawal.
4. Nakakasama ba ang makabagong teknolohiya sa mga kabataan?
5. Paano ka matututo mula sa iyong mga pagkakamali?
6. Ano ano ang mga paraan para malampasan ang stress?
7. Paano magsalita nang may kumpiyansa sa publiko?
8. Bakit kailangan ang pagkatalo para magtagumpay?
9. Ang mga magulang ay dapat na maging matalik na kaibigan ng
kanilang mga anak.
10. Ang mabisang pakikinig ay mas mahalaga kaysa sa pagsasalita.
11. Bakit mahalagang suportahan ang mga lokal na negosyo?
12. Ang positibong pag-iisip ang magpapabago sa iyong buhay.
13. Upang maging matagumpay, kailangan mong maging disiplinado.
14. Anong mga estratehiya ang dapat gawin upang matutukan nang
mabuti ang pag-aaral o kaya trabaho?
15. Mga tip para sa mabilis na pagbaba ng timbang.
16. Ano ang pinakamainam na edad para magpakasal?
17. Posible bang mabuhay ng walang internet?
18. Ang pagbubuntis ay hindi katapusan ng pangarap sa paaralan ng
isang estudyante.
19. Ano ang mga nakakapinsalang epekto ng pag-inom ng alak?
20. Paano maaalagaan ng mga kabataan ang kanilang mental health?
21. Paano maging masaya sa pagiging single?
22. Ang pagluluto ay dapat ituro sa mga paaralan.
23. Ano ang mga pinakamahusay na paraan upang ihinto ang
pambubully?
24. Bakit mas kapaki-pakinabang ang pagbabasa kaysa panonood ng
telebisyon?
25. Dapat bang pahintulutan ang mga mag-aaral na gumamit ng
cellphone sa oras ng klase?
26. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
27. Dapat ba na magulang ang pumili ng course na kukunin ng
kanilang anak sa kolehiyo?
28. Dapat ba na gawing legal ang marijuana sa Pilipinas?
29. Dapat ba na gawing legal ang same sex marriage sa Pilipinas?
30. Dapat ba na gawing legal ang diborsyo (divorce) sa Pilipinas?
31. Ano ang mga benepisyo at masasamang dulot ng jeepney
phaseout?
32. Agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
33. Dapat ba o hindi dapat pagsabayin ang panliligaw sa pag-aaral?
34. Diploma vs. diskarte
35. Dapat bang pahintulutan ang mga guro na gumamit ng corporal
punishment sa pagdisiplina ng mga estudyante?

You might also like