You are on page 1of 25

Aralin 16

PAGHAHANDA SA MINIMITHING
URI NG PAMUMUHAY
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.
Balik-aral:
• Mahalaga na malaman mo ang mga “in demand” na
trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa na puwede mong
maging basehan sa pagpili ng kurso at magkaroon
kaagad ng trabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral.
• Ang pagpili ng track at strand ay magsisilbing hakbang
upang makapili ng kurso na may kaugnayan sa iyong
hilig, talento o kakayahan.
• Sa pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang
kanyang dignidad at sa pamamagitan nito nagkakaroon
siya ng malaking kontribusyon sa ibang tao at sa lipunan
tungo sa kabutihang panlahat
Panimula:
• Isang taon na lang senior
high school ka na. May
mahalagang angkop na
track o stream sa SHS.
Higit na madali dahil
nakapagtakda ka na ng
iyong mithiiin at mayroon
ka nang mga hakbang
bilang paghahanda sa
minimithing uri ng
pamumuhay.
Job Analysis
• Ang pagsusuri kung ang mga propesyon,
trabahong teknikal – bokasyonal o negosyo
na kasama sa tinatawag na Key
Employment Generators ( KEG) ay tugma
sa iyong minimithi at sa mga personal o
mga pansariling salik tulad ng mga hilig o
interes, kakayahan, pagpapahalaga at
kasanayan.
Ano nga ba ang career path?
• Ang career path ay
tumutukoy sa mga
pagsasanay, pag-
aaral, posisyon o iba’t
ibang trabaho, at mga
paghahanda na ating
pinagdaraanan upang
matamo ang ating nais
na uri ng pamumuhay
o career goal.
Mga Uri ng Career Path (Michael Driver)
• Steady State
• Linear
• Transitory
• Spiral
Mga Uri ng Career Path (Michael Driver)
• Steady state – ito ay ang career path na
nangangailangan ng panghabambuhay na
pananatili sa isang trabaho lamang at patuloy
na paglago ng kaalaman at kasanayan sa
karerang ito. Hal. doktor, inhenyero at
abogado
Mga Uri ng Career Path (Michael Driver)
• Linear – ito ay nangangahulugan ng patuloy
na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon
ding patuloy na pagtaas ng posisyon,
kapangyarihan, responsibilidad sa gawain ng
ibang manggagawa sa kumpanya at kinikita.
Hal. Managers at mga Politiko
Mga Uri ng Career Path (Michael Driver)
• Transitory – ito ay nagpapakita ng madalas
na pagbabago. Ang mga sumusunod sa
transitory career path ay karaniwang
naghahanap ng sari-saring karanasan at hindi
nagpapatali sa isang pinapasukan lamang.
Hindi rin sila naghahangad ng pag-angat sa
posisyon o ng higit na malaking kikitain.
Mga Uri ng Career Path (Michael Driver)
• Spiral – ito ay nangangahulugan ng regular
na pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima
o pitong taon. Ang direksyon nito ay madalas
nagsisimula nang pahalang o lateral o
pababa. Mga halimbawa nito ay ang isang
business executive na nagpasyang magturo,
ang abogadong naging doktor ng medisina, o
ang isang dentista na muling nag-aral para
maging nurse ay masasabing tumatahak sa
spiral career path.
Paghahanda para sa Kinabukasan
• Ayon pa kay Karl Fisch
(2004), sinisikap ng mundo
na ihanda ang mga
kabataan para sa mga
trabahong hindi pa nalilikha
at mga teknolohiyang hindi
pa naiimbento upang
solusyonan ang mga
problemang ni wala pa sa
hinagap natin.
21st Century Skills ayon sa DepEd
1. Kasanayan sa pagkatuto at paggawa ng
inobasyon (Learning and Innovative Skills)
• mapanuring pag-iisip (critical thinking)
• pakikipagtalastasan (communication)
• pakikibahagi (collaboration)
• pagkamalikhain (creativity)
21st Century Skills ayon sa DepEd
2. Kasanayan sa pagkalap at pagproseso ng
impormasyon (Information Literacy)
• Media literacy
• ICT literacy
3. Life and Career skills
• pagiging bukas (flexibility) at kakayahang
makatugon sa mga pagbabago (adaptability)
• pagkukusa at disiplina sa sarili (initiative and
self-direction)
21st Century Skills ayon sa DepEd
3. Life and Career skills (contd…)
• kasanayan sa pakikipagkapwa at
pakikibagay sa mga taong mula sa iba’t
ibang kultura (social & cross-cultural skills)
• pagiging produktibo at mapanagutan
(productivity and accountability)
• kakayahang mamuno at humawak ng
responsibilidad (leadership and
responsibility)
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Magkalap ng kaalaman. Ang pagiging tama
o mali ng isang pagpapasiya ay
nakasalalay sa mga katotohanan.
• Sumangguni at humingi ng opinyon sa mga
taong nakaaalam at mayroong sapat na
karanasan sa mga impormasyong
kailangan na pagbabatayan sa pagpili ng
angkop na track o stream na siya mong
magiging tuntungan patungo sa minimithing
trabaho o negosyo.
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Magnilay sa mismong aksiyon.
• Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon. Ito ay
dapat na makapagpapabuti at makapagpapaunlad sa
pagkatao at uri ng iyong pamumuhay.
• Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung
ano ba talaga ang iyong personal na hangarin sa
iyong isasagawang aksiyon.
• Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may
kaugnayan sa aksiyon. suriin muna kung ano ang
magiging bunga ng iyong kilos bago ito isagawa.
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang
pagpapasiya. Manalangin upang
mabibigyang ng linaw kung ano talaga ang
gusto ng Diyos na iyong gawin.
Mahalagang gawin ito upang magkaroon ng
lakas na maisakatuparan ang anumang
dapat gawin ayon sa paghuhusga ng
sariling konsensya.
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Tayain ang damdamin sa napiling
isasagawang pasya. Hindi lahat ng lohikal o
makatwirang pamimilian ay makabubuti sa
atin. Mahalaga isaalang-alang ang ating
magiging kasiyahan bunga ng ating
ginawang pagpili.
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Pag-aralang muli ang pasiya. Kung may
agam-agam, kailangan mong pag-aralan
muli ang iyong pasiya na may kalakip na
panalangin at mas ibayong pagsusuri.
Maging bukas sa posibilidad na magbago
ang pasya pagkatapos ng prosesong
pinagdaanan mo.
Pagbubuod:
• Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap
ay nakatali sa ating pinipiling bokasyon.
Nakasalalay dito ang pagtatamo ng tunay na
kaligayahan. Ito ay kalagayan o gawain na
naayon sa plano ng Diyos sa atin. Sabi nga
ng iba, ito ang iyong “calling” sa buhay.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng


track at stream sa senior high school
(SHS) sa paghahanda para sa
minimithing uri ng pamumuhay sa
lipunan?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• esp_9_lm_draft_3.31.2014-2
• https://blueplanetalmanac.wordpress.com/page/7/
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO
ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
1. Ang pagsusuri kung ang mga propesyon ay
tugma sa iyong minimithi at sa mga pansariling
salik
2. Tumutukoy sa mga pag-aaral at mga
paghahanda upang matamo ang ating nais na uri
ng pamumuhay.
3. Professor na nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa
mga uri ng career path.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO
ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
4. Ayon kay _______ layunin ng mundo na
ihanda ang mga kabataan para sa mga
trabahong hindi pa nalilikha.
5. Ayon sa DepEd, may _____ 21st Centrury
Learning Skills upang maging matagumpay sa
buhay sa hinaharap.
6-10. Ano ang iyong bokasyon sa buhay? Bakit mo
ito naipili?
SAGOT:

1.Job Analysis
2.Career path
3.Michael Driver
4.Karl Fisch
5.apat (4)

You might also like