You are on page 1of 102

MAPA NG ASYA AT

MGA REHIYON NITO


Mga Uri ng Anyong Lupa
at Anyong Tubig
HILAGANG ASYA
KANLURANG ASYA
TIMOG ASYA
SILANGANG ASYA
TIMOG - SILANGANG ASYA
MGA URI
NG ANYONG
LUPA
Bulubundukin o hanay ng mga bundok.
Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may
habang umaabot sa 2,414 kilometro o 1,500 milya.
Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan,
Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan
(Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus
(Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia) at ang
Ural (Kanlurang Asya) ay ilan din sa mga
bulubundukin ng Asya.
Himalayas
Himalayas
Hindu Kush
Pamir
Tien Shan
Ghats
Caucasus
Ural
Ural

Caucasus Tien Shan


Pamir
Hindu Kush
Himalayas
Ghats
Bundok. Ang Mt. Everest na
nakahanay sa Himalayas ay ang
pinakamataas na bundok sa buong
mundo na may taas na halos 8,850
metro. Pangatlo naman ang Mt.
Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa
Himalayas din.
Himalayas
Kanchenjunga
Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast
Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire,
tinatayang nasa humigit ku-mulang 300
aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng
Semeru, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal at
Mayon.
Semeru Volcano
Krakatoa
Fuji
Taal
Mayon
Bulusan
Pinatubo
Talampas o ang kapatagan sa itaas ng
bundok. Ang Tibetan Plateu na
itinuturing na pinakamataas na talampas
sa buong mundo (16,000 talampakan) at
tinaguriang “Roof of the World” ay nasa
Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa
katimugang bahagi ng Indo-Gangentic
Plain ng India ay kilala rin.
Tibetan Plateau
Deccan Plateau
Disyerto. Ang Gobi Desert na siyang
pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa
buong mundo, ay isa lamang sa mga
disyertong matatagpuan sa Asya.
Makikita din dito ang mga disyerto ng
Taklamakan, Kara Kum, at mga disyerto sa
Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.
Gobi Desert
Taklamakan Desert
Kara Kum Desert
Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng
mga pulo na marami sa Asya tulad ng
Indonesia, ang pinakamalaking
archipelagic state sa buong mundo na
binubuo ng humigit kumulang na 13,000
mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.
Pulo. Umaabot sa 770 libong milya
ang kabuuang sukat ng mga pulo sa
Asya at kabilang dito ang Cyprus,
Andaman, Sri Lanka, Maldives,
Borneo, Taiwan, at marami pang iba.
Tangway o Peninsula. Lupain din
ng mga tangway o anyong lupang
nakausli sa karagatan ang Asya.
Tinatayang nasa tatlong milyong
milya kwadrado ang sukat nito. Ilan
sa mga ito ay ang Turkey, Arabia,
India, Korea, at Yamal.
Kapatagan. Halos sangkapat (¼)
na bahagi ng lupain ng Asya ay
kapatagan. Ang Indo-Gangetic Plain
at malaking bahagi ng Timog
Silangang Asya ay bahagi nito.
BIYAYANG HATID
NG ANYONG LUPA
1. Panirahan ng Tao
2. Likas na tanggulan o depensa
ng isang lugar
3. Proteksyon o harang sa
malalakas na bagyo at sigwa
4. Yamang - mineral
5. Bungang – kahoy, herbal na
gamot at hilaw na materyales
6. Panirahan ng mga hayop lalo
na ng wildlife
7. Pananim
8. Pastulan
MGA URI
NG ANYONG
TUBIG
Ang mga baybay-ilog ng Tigris at
Euphrates, Indus, at Huang Ho ang
nagsilbing lundayan ng mga
sinaunang kabihasnan hindi lamang
sa Asya kundi sa buong daigdig.
Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Asya at
patuloy na nagbibigay kapakinabangan sa tao gaya ng
Lena, Ob, Irtysh, Yenisey, Angara, Yana, Indigirka, at
Kolima na pawang mga na Russia at umaagos sa Arctic
Ocean.
Ang Anadyr at Amur sa Russia, Huang Ho, Yangtze,
at Hsi sa China, Song Hoi An at Mekong sa Vietnam, at
Chao Phraya sa Thailand ay ang mga ilog na umaagos sa
Pacific Ocean.
Dumadaloy naman sa Indian Ocean ang
mga ilog ng Irrawaddy sa Myanmar, Ganges
(ang sagradong ilog ng mga Hindu sa Varanasi,
India) sa Bangladesh at Hilagang India, Indus
sa Pakistan, at Shat al-Arab sa Timog Iraq,
gayundin ang Salween na bumabagtas sa
maraming bansa sa pangkontinenteng Timog
Silangang Asya, at ang Brahmaputra na
umaagos naman sa maraming bansa sa Timog
Asya.
Ang Amu Darya (pinakamahabang ilog sa
Gitnang Asya, 2,620 kilometro), Syr Darya na
umaagos sa Kyrgyzstan, Uzbekistan, at Kazakhstan;
ang Tarim sa Xinjiang sa China; I-li na umaagos sa
Xinjiang patungong Kazakhstan; Chu sa Kyrgyzstan;
Tedzhan sa Turkmenistan; at Gilmend sa
Afghanistan ay ang ilan sa mga ilog na
matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya.
APAT NA KATANGI-TANGING DAGAT AT
LAWA ang matatagpuan sa Asya: ang Caspian
Sea (hilagang Iran, Kazakhstan, Turkmenistan,
Azerbaijan, Armenia, at Gergia, 371,000
kilometro kwadrado) na pinakamalaking lawa
sa mundo;
Ang Lake Baikal (timog silangang
Siberia, 31,500 kilometro kwadrado)
na siyang pinakamalalim na lawa;
Ang Dead Sea (hanggangan sa pagitan
ng mga bansang Israel at Jordan, 1,049
kilometro kwadrado) na pangalawa sa
pinakamaalat na anyong tubig sa buong
daigdig.
Ang Aral Sea (hangganan ng mga bansang
Uzbekistan at Kazakhstan, 64,750 kilometro
kwadrado), ang pinakamalaking lawa sa Asya. Gaya
ng iba pang anyong tubig sa Asya, ang mga lawang
ito ay nakapagdulot din ng paghubog sa uri ng
pamumuhay ng mga naninirahan doon.
BIYAYANG HATID
NG ANYONG TUBIG
1. Likas na depensa
2. Rutang pangkalakalan at sa
paggalugad
3. inumin at gamit sa pang-araw –
araw na gawain
4. Yamang – dagat at yamang -
mineral
5. irigasyon
6. transportasyong pantubig
7. pagkain at mga palamuti
Pamprosesong mga Tanong at Gawain
1. Anong mahahalagang papel ang
ginampanan ng mga anyong lupa at mga
anyong tubig sa pamumuhay ng mga
Asyano?
2. Batay sa mga impormasyong naihayag
sa itaas, anu-anong hamon ang dulot ng
anyong lupa at anyong tubig sa mga bansa
sa Asya?
Pamprosesong mga Tanong at Gawain
4. Paano kaya tinutugunan ng mga
Asyano ang mga oportunidad at ang mga
banta o panganib kaugnay ng mga anyong
lupa at anyong tubig. Ipahayag ang iyong
hinuha.
REFERENCE

•AP G8 – LM pp. 18 - 22
DOWNLOAD LINK
http://www.slideshare.net/jaredram55
E-mail: jaredram55@yahoo.com
All is well, all is well, all is well
May the odds be ever in your
favor
Good vibes =)

You might also like