You are on page 1of 33

MODYUL 1 - HEOGRAPIYA AT

MGA SINAUNANG KABIHASNAN


SA DAIGDIG
Aralin 1 – Heograpiya
ng Daigdig
FOCUS QUESTION
Paano maipamamalas ang pag-
unawa sa kahalagahan ng mga
pamanang ipinagkaloob ng mga
sinaunang kabihasnang
nagtagumpay sa mga hamong
dulot ng kapaligiran?
BALANGKAS NG ARALIN
A. Katuturan ng Heograpiya
B. Limang Tema ng Heograpiya
C. Katangiang Pisikal ng Daigdig
D. Longitude at Latitude
E. Mga Klima sa Daigdig
BALANGKAS NG ARALIN
F. Mga Kontinente sa Daigdig
G. Anyong Lupa at Anyong Tubig
H. Heograpiyang Pantao
1. Wika 3. Lahi/Pangkat
2. Relihiyon
HEOGRAPIYA
A. Heograpiya – ‘geo’ o daigdig at
‘graphia’ o paglalarawan, siyentipiko-
ng pag-aaral ng katangiang pisikal ng
daigdig.
B. Nagdikta ito ng paraan ng pamu-
muhay ng mga sinaunang tao at
kabihasnan.
5 TEMA NG HEOGRAPIYA
A. Lokasyon – tumutukoy sa kinaroro-
onan ng isang lugar.
1. Absolute – paggamit sa mga ima-
hinasyong longitude at latitude lines.
2. Relative – batayan ang mga lugar at
bagay na nasa paligid nito.
B. Lugar – katangiang natatangi sa isang
pook o bansa.
1. Katangian ng Kinaroroonan
2. Katangian ng mga Tao
C. Rehiyon – bahagi ng daigdig na pi-
nagbuklod ng magkakatulad na ka-
tangiang pisikal o kultural.
D. Interkasyon ng Tao at Kapaligiran –
pakikiayon ng tao sa hamon ng
pagbabago sa kapaligiran.
E. Paggalaw – paglipat ng tao sa isang
Lugar, kabilang dito ang paglipat ng
mga bagay at likas na pangyayari.
1. Linear – Gaano kalayo?
2. Time – Gaano katagal?
3. Psychological – Paano tinitingnan
ang layo ng isang lugar?
KATANGIANG PISIKAL
A. Ika-3 sa 8 planeta sa kalawakan at
tanging may nabubuhay.
B. Estraktura ng Daigdig – binubuo ng
crust, mantle at core.
1. Crust – matigas at mabatong
bahagi ng daigdig. Ang kapal nito ay
umaabot 30-65 kms.
2. Mantle – patong-patong na mga
batong tunaw at napakainit.
3. Core – pinakamalalim na bahagi,
kung saan binubuo ng mga metal
gaya ng iron at nickel.
C. Ang daigdig ay binubuo ng mga
‘plates’ na hindi nananatili sa
posisyon at lumulutang sa mantle.
D. Ang daigdig ay may apat na hating
globo (hemisphere), northern at
southern hemispheres (equator) at
western at eastern hemispheres
(prime meridian).
E. Ang paggalaw ng mga ‘plates’ ang
dahilan ng mga paglindol at pagbuo
ng mga bagong bundok sa daigdig.
Particulars Description
Bigat 5.9736 x 1024 kg.
Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon
Populasyon (2009) 6.77 bilyon
Uri ng Tubig 97% alat at 3% tabang
Lawak 29% lupa at 71% tubig
Orbit sa Araw 365 ¼ days
LONGITUDE AT LATITUDE
A. Longitude – distansyang angular na
nasa pagitan ng dalawang meridian.
B. Prime Meridian – may zero degree
longitude (Greenwich, England).
C. International Date Line – may 180
degrees longitude (Pacific Ocean).
D. Latitude – distansyang angular sa
pagitan ng 2 parallel patungo sa
hilaga o timog ng ekwador.
E. Equator – humahati sa globo sa
hilaga at timog hemispero. Ito ay
itinakdang zero degree latitude.
F. Tropic of Cancer – pinakadulong
bahagi ng Northern Hemisphere na
direktang sinisikitan ng araw ito ay
may 23.5 degrees hilagang ekwador.
G. Tropic of Capricorn – pinakadulong
bahagi ng Southern Hemisphere na
direktang sinisikatan ng araw ito ay
may 23.5 degrees timog ekwador.
H. North at South Poles – 90 degrees
N or S.
KLIMA SA DAIGDIG
A. Klima – pangmatagalang lagay ng
panahon sa isang lugar.
B. Salik sa Pagbabago ng Klima - nata-
tanggap na sinag ng araw, distansya
mula sa dagat at panahon.
C. Ang lugar na malapit sa equator ay
nakararanas ng mainit na klima.
D. Maraming habitat ang nagtataglay
ng iba’t ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga
malapit sa equator. (Rainforest, coral
reef, mangrove swamp etc.)
E. Kapag bihira ang pag-ulan at
napakaiinit ng panahon tulad ng
disyerto, kakaunti lang ang mga ito.
MGA KONTINENTE SA DAIGDIG
A. Kontinente – malawak na masa ng
lupa sa ibabaw ng daigdig.
B. Alfred Wegener – isang German na
nagsulong ng Continental Drift Theory.
C. Continental Drift Theory – magka-
kaugnay ang mga kontinente sa isang
super kontinenteng ‘Pangaea’, dahil sa
paggalaw ng mga plates nagka-
hiwalay ang mga kontinente.
D. Africa – malaking suplay ng ginto
at diyamante. Nandito ang Nile River
at Sahara Desert.
E. Antarctica – natatakpan ng yelo na
may kapal na halos 2 km. Sagana sa
isda at mammal ang lugar na ito.
F. Asia – pinakamalaking kontinente,
1/3 ng daigdig.
G. Europe – ang laki nito ay 1/4 na
bahagi lang ng Asia. Ito ang ika-2 sa
pinakamaliit na kontinente.
H. Australia o Oceania – pinakamaliit
na kontinente. Dito makikita ang
kangaroo, tasmanian devil, platypus.
Kontinente Lawak Poplasyon Bilang ng
(2009) Bansa
Asia 44,614,000 4,088M 44
Africa 30,218,000 990M 53
Europe 10,505,000 728M 47
N. America 24,230,000 534M 23
S. America 12,814,000 392M 12
Antarctica 14,245,000 NA 0
Oceania 8,503,000 34M 14
I. Pacific Ring of Fire – lugar sa Pacific
Ocean kung saan madalas at malakas
ang paglindol. (Tambora, Krakatoa,
Mt. Pelee, Mayon Atbp.)
ANYONG LUPA AT TUBIG
A. Topograpiya – pisikal na katangian
ng isang lugar o rehiyon.
B. Ang mga unang kabihasnan sa
daigdig ay umusbong malapit sa mga
lambak-ilog.
1. Tigris-Euphrates (Mesopotamia)
2. Indus (India)
3. Huang Ho (China)
4. Nile (Egypt)
C. Karamihan ng mga matataas na
bundok sa daigdig ay makikita sa
Asya. Samantalang ang Africa ay Mt.
Kilimanjaro (5,895m) at ang Europe
ay may Mt. Elbrus (5,642m).
D. Ang mga bulubunduking lugar ay
nagtataglay lamang ng maliliit na
populasyon.
Bundok Taas (m) Lokasyon
Everest 8,848 Nepal/Tibet
K-2 8,611 Pakistan
Kangchenjunga 8,586 Nepal/India
Lhotse 8,511 Nepal
Makalu 8,463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet
Dhaulagari 8,167 Nepal
E. 71% ng ating daigdig ay binubuo ng
anyong tubig. Itinakda ng Inter-
national Hydrographic Organization
ang Southern Ocean bilang ika-5
karagatan sa daigdig.
F. Pinakamalaking dagat sa daigdig ay
ang South China Sea, Caribbean Sea
at Mediterranean Sea.
Karagatan Lawak Lalim Pinakamalalim
(kilometro (feet) na bahagi
kuwadrado)

Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench


Atlantic 76,762,000 11,730 Puerto Rico
Ocean Trench
Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench
Southern 20,327,000 13,100 South Sandwich
Ocean Trench
Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin
HEOGRAPIYANG PANTAO
A. Heograpiyang Pantao – pag-aaral
ng wika, relihiyon, lahi at pangkat-
etniko sa daigdig.
B. Wika – kaluluwa ng isang kultura.
Nagbibigay ng pagkakilanlan sa isang
pangkat ng mga tao.
C. May 7,105 buhay na wika na gina-
gamit ng 6.2 bilyong tao.
D. Language Family – ito ang wikang
pinag-ugatan ng iba pang mga wika.
May 136 na language family sa
kasalukuyan kung saan nagsanga-
sanga ang iba pang mga wika sa
daigidig.
Language Bansang Gumagamit
Family
Afro-Asiatic Iraq, Egypt, Turkey Uzbekistan, Iran,
Saudi Arabia, Israel, Syria
Austronesian Philippines, Chile, Fiji, Micronesia,
Indonesia, Malaysia
Indo-European U.S.A., China, France, England, Russia,
India, Pakistan, Sweden
Niger-Congo Congo, Nigeria, Zimbabwe, Mali, Chad,
South Africa, Sudan
Sino-Tibetan China, India, Nepal, Bangladesh Etc.
E. Relihiyon – kalipunan ng mga
paniniwala at ritwal ng isang pangkat
ng tao tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang Diyos.
F. Nagiging batayan ang relihiyon sa
pagkilos ng tao sa kanyang kapa-
ligiran at araw-araw na pamumuhay.
G. Sa kasaysayan, ang relihiyon ay may
malaking epekto sa pagtatatag at
pagbagsak ng mga kaharian, pagka-sawi
ng maraming buhay at pag-unlad ng
kultura.
H. Lahi/Pangkat-Etniko – pagkakilan-lan
ng isang pangkat ng tao. Bawat etniko
ay may iba-ibang pisikal, biyolohikal at
kultural na katangian. Sa pagsusuri ng
lahi, dapat ay maging maingat upang
maiwasan ang diskriminasyon.
I. Galing ang salitang ‘etniko’ sa
salitang Greek na ‘ethnos’ o ibig
sabihin ay mamamayan. Bawat etniko
ay pinagbubuklod ng wika, relihiyon.
kultura at pinagmulan.

You might also like