You are on page 1of 8

ARTICLE VIII

THE TEACHERS AND LEARNERS

SECTION 1. A TEACHER HAS A RIGHT AND DUTY TO DETERMINE THE


ACADEMIC MARKS AND THE PROMOTIONS OF LEARNERS IN THE SUBJECT OR
GRADES HE HANDLES, SUCH DETERMINATION SHALL BE IN ACCORDANCE
WITH GENERALLY ACCEPTED PROCEDURES OF EVALUATION AND
MEASUREMENT. IN CASE OF ANY COMPLAINT, TEACHERS CONCERNED
SHALL IMMEDIATELY TAKE APPROPRIATE ACTIONS, OF SERVING DUE
PROCESS.

Ang tungkulin ng mga guro ay suriin at tukuyin ang mga markang pang-
akademiko ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagsusuri at pagsulat. Sa madaling
salita, tanging ang guro lamang ang kayang tumukoy sa kung anong magiging marka
ng kaniyang estudyante. Gayundin isa sa pampagtuturong tungkulin ng guro sa
pagtuturo ay ang pagkokontrol sa klase at pagtatakda ng pamantayan upang mapanatili
ang kaayusan sa interakyon. Ginagamit din ang pangganyak at pagbibigay ng linaw ng
mga proseso upang mapanatili ang magandang daloy ng talakayan at maintindihan ang
paksang tinatalakay ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa Benguet State
University. Ang uri ng pagkatuto ng isang mag-aaral ay mayroong makabuluhang
epekto sa edukasyon ng isang tao. Ang mga ugaling nakasanayan ng isang tao rin ay
mayroong epekto sa kanilang ugali sa eskwelahan o gawain sa eskwelahan. Ito ay
maaring makabuti o makasamasa kanilang pag-aaral kung ito ay isang positibo o
negatibong ugali tulad ng pagiging tamad,ang pagsasawalang bahala, ang hindi
pagbibigay ng atensyon sa mga nahihirapang asignatura at ang pagkakaroon ng ningas
kugon na nangangahulugang pagiging matiyaga lamang sa mga unang bahagi ngunit
nagiging pariwara at pagsasawalang bahala na sa huli na salik na dahilan sa pagbaba
ng kanilang grado.Kaya't bilang isang guro kinakailangan niya na palagiang malaman
ang mga bagay na nakaka apekto sa pagbaba at pagtaas ng grado ng kanyang
estudyante at kung dumating man na magkaroon ng problema ay agad mo itong
masosolusyunan sa pamamagitan ng pagkakaalam sa mga dahilan kung bakit tumaas
o bama ang grado ng kanyang estudyante..

SECTION 2. A TEACHER SHALL RECOGNIZE THAT THE INTEREST AND


WELFARE OF LEARNERS ARE OF FIRST AND FOREMOST CONCERNS, AND
SHALL DEAL JUSTIFIABLY AND IMPARTIALLY WITH EACH OF THEM.

Bilang isang guro, nararapat lamang na bigyan ng pangunahing pagpapahalaga


ang interes at kapakanan ng mga mag-aaral. Hindi na dapat pang dumagdag sa
pasanin ng mga mag-aaral ang negatibong pag-uugali ng isang guro na hindi
nagbibigay importansya sa kanilang intindihin sa edukasyon. Sa katunayan, hindi na
lamang galing sa pagtuturo ang kailangang isabuhay na katangian bago maghangad na
maging guro. Ayon kay Reyes (2018), kabilang din dito ang pagkakaroon ng mas
malawak na kaalaman sa paksang itinuturo, may kakayahan sa pagtuturo at mga
kasanayang propesyunal, may kasanayan sa pakikipagtalastasan, may wastong
saloobin hinggil sa propesyon, may kaaya-ayang katauhan tulad ng malusog, malinis,
maayos at angkop ang kanyang pananamit, may katamtamang lakas ng tinig, may
masayang disposisyon o may diwa ng paluwag-tawa (sense of humor) at may bukas na
isipan para sa pagbabago, maunlad at mapanaliksik, malikhain at may pagkukusa,
maka-Diyos, makabayan at makatao. Ang wastong saloobin hinggil sa propesyon ay
sumasalamin sa kagustuhang pasukin ang mundo ng pagtuturo nang walang alinlangan
at kabuuang desisyon na magbigay-serbisyo sa mga magiging mag-aaral upang
makatulong sa kanilang kinabukasan. Kinakailangang lagi niyang bigyan ng pansin at
pagpapahalaga ang kapakanan ng kaniyang mga estudyante.

SECTION 3. UNDER NO CIRCUMSTANCE SHALL A TEACHER BE PREJUDICED


NOR DISCRIMINATED AGAINST BY THE LEARNER.

Ang lahat ng tao ay mayroong iba't -ibang mga kagustuhan o hinahangad sa


buhay, paniniwala at mga tradisyon. At malaki ang magiging epekto nito kung hindi
natin papahalagahan ang bawat paniniwala, kagustuhan at tradisyon ayon kay Rufino
(2004) sa kanyang artikulo na mayroong mga nakakaranas ng diskriminasyon sa pag-
aaral dahil sa kanilang kultural na kaibahan.Nariyan pa ang mga kwento ng mga
katutubong magulang na ipinahihinto na lamang sa pagpasok sa paaralan ang kanilang
mga anak dahil sa pagkahiya sa sariling kultura. Ngunit sa paanong paraan ba natin
maipapakita ang pagpapahalaga natin sa bawat isa. Bilang isang guro kinakailangan na
hindi maging hadlang kung ano man ang estado ng kanyang mga estudyante lahat ay
kailangan pantay-pantay ang kaniyang pagtingin. Ang paggalang sa kapwa tao ay
natututuhan natin mula sa pagkabata. Kapag iginagalang ng lahat ang kanyang kapwa,
tiyak ang katagumpayan ng isang bagay.

SECTION 4. A TEACHER SHALL NOT ACCEPT FAVORS OR GIFTS FROM


LEARNERS, THEIR PARENTS OR OTHERS IN THEIR BEHALF IN EXCHANGE FOR
REQUESTED CONCESSIONS, ESPECIALLY IF UNDESERVED.

Hindi nararapat na tumanggap ng suhol ang isang guro galing sa kanyang mga
mag-aaral o sa magulang ng mga ito dahil ang suhol at hindi tamang gantimpala ay
sentro sa kahulugan ng Korapsyon, ang katiwalian sa diwa ng "pag-aabuso ng
kapangyarihan" ay maaari ring magpakita sa iba pang mga krimen tulad ng maling
paggamit ng posisyon, pandarambong, pandaraya at paglabag sa pagtitiwala laban sa
isang punong-guro. Dagdag pa nito, ang mga guro na tumatanggap ng suhol ay
inabuso ang kanilang posisyon ng kapangyarihan. Ang mga guro ay ipinagkatiwala sa
pagganap ng mga pang-organisasyon at administratibong pag-andar, para sa paglabag
kung saan sila ay responsable bilang mga opisyal, iyon ay kung sila ay paksa ng isang
krimen - pagtanggap ng suhol batay sa talata 1 ng mga tala sa Art. 285 ng Criminal
Code ng Russian Federation. Maaari kang legal na magbigay ng isang bagay sa iyong
minamahal na guro lamang bilang parangal sa isang kaarawan, propesyonal o
pampublikong holiday.
SECTION 5. A TEACHER SHALL NOT ACCEPT, DIRECTLY OR INDIRECTLY, ANY
REMUNERATION FROM TUTORIALS OTHER WHAT IS AUTHORIZED FOR SUCH
SERVICE.
Kailangan bang tanggapin ng guro ang inaalok ng magulang/mag-aaral sa
kanya? Hindi, Sapagkat tungkulin nilang mag-turo sa kanilang estudyante, halimbawa
na nakikita ng guro na mababa ang nakukuhang puntos ng isang mag-aaral at binigyan
ng oras ng pagtuturo kahit hindi niya ito oras ng klase at binigyan siya(guro) ng bagay
na nagpapakita ng pasasalamat pero hindi dapat ito tanggapin sapagkat Maraming
tungkulin ang mga Guro na gaya ng pag-tuturo para mapalawak ang kanilang
kaalaman. Ang guro ay tagapayo at tagapatnubay. Bagaman at sa malalaking paaralan
ay may sadyang tanggapan pra sa tinatawag na mga guidance counsellors, hindi pa rin
maiiwasan ng guro ang pagiging tagapayo at tagapatnubay ng mag-aaral upang
matulungan ang mga mag-aaral sa paglutas ng kanilang suliranin. Malaking bagay na
sa mga mag-aaral na may mga guro silang handang makinig ng kanilang suliranin
(Jagnaan 2014)

SECTION 6. A TEACHER SHALL BASE THE EVALUATION OF THE LEARNER’S


WORK ONLY IN MERIT AND QUALITY OF ACADEMIC PERFORMANCE.

Ang Guro ay dapat nakabase sa Gawain ng isang mag-aaral, katulad ng mga


pagsusulit, aktibidad, at iba pa sapagkat hindi dapat binabase sa galawan ng mag-aaral
halimbawa na lamang ang pagiging maingay o magulo. Merong tinatawag na rubrik na
ginagawa ang isang guro kapag sila ay nagbibigay ng aktibidad, proyekto para alam ng
isang guro kung saan may kulang, at hindi naipaliwanag ng maayos. Ang pamantayan
ay isang gabay sa pagmamarka na ginagamit upang suriin ang pagganap, isang
produkto, o isang proyekto. Ito ay may tatlong bahagi: 1) pamantayan sa pagganap; 2)
sukat ng rating; at 3) mga tagapagpahiwatig. Para sa iyo at sa iyong mga mag-aaral,
tinutukoy ng pamantayan kung ano ang inaasahan at kung ano ang susuriin (Davis
2021).
SECTION 7. IN A SITUATION WHERE MUTUAL ATTRACTION AND SUBSEQUENT
LOVE DEVELOP BETWEEN TEACHER AND LEARNER, THE TEACHER SHALL
EXERCISE UTMOST PROFESSIONAL DISCRETION TO AVOID SCANDAL, GOSSIP
AND PREFERENTIAL TREATMENT OF THE LEARNER.

Ang pagmamahalan ay hindi mali, ngunit kung ito ay sa pagitan ng isang guro at
mag-aaral, ito ay isang kwestiyonableng gawain. Karamihan sa mga mag-aaral ay
menor de edad kung kaya't ang mabubuong pagmamahalan at mayroong sekswal na
kaganapan ay direktang lumalabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) at RA 7877
(Anti- Sexual Harrasment Act). Ang guro ay may direktang impluwensya at “moral
ascendency” sa mga mag-aaral kahit pa sila ay boluntaryong pumasok sa
pakikipagmahalan sa kanilang guro. Ang ganitong “sweetheart theory” ay hindi
kailanman tumatalab sa korte lalo pa at menor de edad ang isa sa kanila (Gallas, 2021).
Sa ikatlong seksyon ng RA 7610, binigyang linaw ang mga nasasakupan ng batas na
ito. Ang terminolohiyang "Kabataan" umano ay tumutukoy sa mga taong labing-walong
taong gulang pababa na siyang pinoprotektahan ng batas na ito dahil wala pa sila sa
wastong gulang. Ngunit kahit 18 pataas na, protektado pa rin ang isang mag-aaral
sapagkat mayroong "Child Protection Policy" ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)
na kumukondena sa anumang pagkilos ng pang-aabuso sa bata, pagsasamantala,
karahasan, diskriminasyon, pambu-bulas at iba pang kaugnay na pagkakasala
alinsunod sa DepEd Order 40, s. 2012. Nararapat lamang na pairalin ng guro ang
propesyonal na pag-uugali. Tinitingala ng mga mag-aaral ang kanilang guro at maaari
pang maging inspirasyon na kanilang tatahaking karera sa hinaharap. Maling gamitin
ang propesyon upang samantalahin ang nararamdaman ng isang mag-aaral lalo na
kung ito'y menor de edad.

SECTION 8. A TEACHER SHALL NOT INFLICT CORPORAL PUNISHMENT ON


OFFENDING LEARNERS NOR MAKE DEDUCTIONS FROM THEIR SCHOLASTIC
RATINGS AS A PUNISHMENT FOR ACTS WHICH ARE CLEARLY NOT
MANIFESTATIONS OF POOR SCHOLARSHIP.
Ang pagpunta natin sa paaralan ay para tayo ay turuang maging disiplinado,
matutong bumasa, magsulat at pagpapalawak ng kaalaman sa mga bagay na dapat
matutuhan. Sa unang gawain natin bilang isang mag-aaral ay ang turuan tayo maging
disiplinado sa magandang paraan kaya ang disiplina ay isa sa pinakamahalagang
katangian ng pagkatao sa buhay ng bawat isa. Ito ay tumutukoy sa isang hanay ng mga
tuntunin at regulasyon na dapat sundin habang sumasailalim sa anumang gawain o
aktibidad. Ito ay isang paraan ng pagiging tapat, masipag, motibasyon, at hinihikayat
habang ginagawa ang anumang Gawain (Davis 2019). Ang guro ay dapat disiplinahin
ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga salitang nakakapag bigay inspirasyon at
mga salitang mag-uudyok sa kanila na mag-aral nang mabuti, hindi sa pamamaraan ng
pagbawas ng puntos sa kanilang akademiko, pagbitaw ng mga salitang hindi nararapat.
Ang isang guro ay dapat disiplinahin sa magandang paraan o sa mabuting paraan dahil
ang pag-bibigay ng marka sa mga mag-aaral ay maaaring makabawas sa interes ng
mga mag-aaral sa pagkatuto gayundin sa kagustuhan nila sa mga bagay na
humahamon sa kanilang mental na kapasidad. Ang marka ang pinakabasikong batayan
ng isang estudyante sa klase. Iba’t-Iba ang pananaw ng mga mananaliksik hingil sa
epekto ng markang nakukuha ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral .

SECTION 9. A TEACHER SHALL ENSURE THAT CONDITIONS CONTRIBUTE TO


THE MAXIMUM DEVELOPMENT OF LEARNERS ARE ADEQUATE, AND SHALL
EXTEND NEEDED ASSISTANCE IN PREVENTING OR SOLVING LEARNER’S
PROBLEMS AND DIFFICULTIES.

Ang pagiging isang guro ay higit pa sa pagsasagawa ng mga plano sa aralin sa


mundo ngayon. Ngayon pagtuturo ay isang multifaceted propesyon; ang mga guro ay
madalas na nagtataglay ng mga tungkulin ng isang magulang na kahalili, disciplinary
class, tagapagturo, tagapayo, bookkeeper, modelo ng papel, tagaplano, at marami
pang ibang mga kaugnay na tungkulin. Ang mga guro ay maaaring maging isang
palaging positibong modelo ng papel para sa kanilang mga mag-aaral, lalo na sa mga
batang walang kakayahang matatag na pundasyon ng pamilya. Obligasyon ng isang
guro na siguraduhin na ipaintindi ang lahat ng kanyang tinatalakay sa klase ng sa
gayon ay magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga ito at mabigyang pansin ang
kanilang mga kakayahan sa pag aaral.

TALASANGGUNIAN

Cox, J. (2020, January 28). Ano ang Papel ng Isang Guro? EFerrit. Retrieved
September 5, 2022, from https://tl.eferrit.com/ano-ang-papel-ng-isang-guro/

Davis, B. (2019, March 7). Ano ang disiplina bilang isang mag-aaral?
firstpresdayton.org. Retrieved September 5, 2022, from
https://firstpresdayton.org/what-is-discipline-as-a-student

Davis, B. (2021, April 30). Paano tinutukoy ng mga guro ang mga marka?
firstpresdayton.org. Retrieved September 5, 2022, from
https://firstpresdayton.org/how-do-teachers-determine-
grades#How_many_methods_of_grading_are_used

Galias, M. L. (2019, March 7). Sa Pakikipagrelasyon ng Guro SA Kanyang Mag-Aaral.


TeacherPH. Retrieved September 5, 2022, from
https://www.teacherph.com/pakikipagrelasyon-guro-mag-aaral/

Jagnaan, R. (2014, November 23). Mga Tungkulin ng Guro. prezi.com. Retrieved


September 5, 2022, from https://prezi.com/px9ckun5hdha/mga-tungkulin-ng-guro/

Reyes Jr., P. D. (2018, September 24). Ang Guro Bilang Buhay Na Bayani Ng Bayan.
PressReader.com. Retrieved September 5, 2022, from
https://www.pressreader.com/philippines/liwayway/20180924/281535111908575

Rufino, R. E. (2004, August 18). Ilang Isyung Pangkullura Sa Batayang Edukasyon.


Philippine Social Science Council. Retrieved September 5, 2022, from
https://www.pssc.org.ph/wp-content/pssc-archives/Aghamtao/2004/vol
%2013/12_Ilang%20Isyung%20Pangkultura%20sa%20Batayang
%20Edukasyon.pdf

Palazo, Z. Dines,E. Tomas, D. Bataclao,R. (2020, December 09). Pampagtuturong


tungkulin sa interaksyong pangklae ng nga guro ng wika. Google Scholar.
Retrieved September 5, 2022,from https://scholar.google.com/scholar?
hl=en&as_sdt=0%2C5&q=tungkulin+ng+guro&oq=#d=gs_qabs&t=166235100485
6&u=%23p%3DUNWhDfwT0wcJ

DepEd Child Protection Policy, DepEd Order 40, s. 2012, DepEd Naga
http://www.depednaga.ph/wp-content/uploads/Memos/DM%20No.%20339,%20s.
%202018%20Reiteration%20of%20DepEd%20Order%20No.%2040,%20s.
%202012%20(Child%20Protection%20Policy).pdf
Republic Act No. 7610, Anti-Child Abuse Law, Official Gazette
https://www.officialgazette.gov.ph/1992/06/17/republic-act-no-7610/

Republic Act No. 7877, Anti-Sexual Harassment Law, Official Gazette


https://www.officialgazette.gov.ph/1995/02/14/republic-act-no-7877/

No Date of Publication:
Espilguez Justine Mae , Pananahilang Epekto ng Pagkakaroon ng Mababang Marka ng
KaramihangEstudyante, Scribd
https://www.scribd.com/document/367229103/Pananahilang-Epekto-Ng-Pagkakaroon-
Ng-Mababang-Marka-Ng-Karamihang-Estudyante

Talata 1 ng mga tala sa Art. 285 ng Criminal Code ng Russian Federation.


“Pagtanggap ng suhol"

https://fashion-tl.decorexpro.com/podarki-v-shkolu-i-detskij/mozhno-li/

You might also like