You are on page 1of 1

Pangalan: Admateza S.

Unggui at Sha-Anaira Wahab


Seksyon: St. Philip

“Tatak Damean: Namumukod-tangi sa Bawat Larangan”

Sa mga nagdaang taon, gaano nga ba kalaki ang pagbabagong naidulot ng pandemya sa
kakayahan ng mga kabataan at sa kanilang pag-aaral? Sa pagbabalik-tanaw sa nakalipas na tatlong taon at
sa malupit na epekto ng pandemya, maliwanag na isa sa mga pinaka naapektuhang sektor ay ang
edukasyon. Nagkaroon ito ng malaking epekto hindi lamang sa pagkatuto ng mga mag-aaral kundi pati na
rin sa kanilang kakayahang makipaghalubilo, talento, pag-uugali, at pagpapahalaga sa kani-kanilang mga
prinsipyo, paniniwala, at etika. Bilang isang mag-aaral sa Notre Dame University, kinakailangang sundin
ang mga pangunahing prinsipyo ng pamumuno, integridad, paggalang, at katapatan dahil ipinapakita nito
na ang kalidad at pagkilala sa mga Damean ay katangi-tangi, at walang pandemya ang makapagpapahina
sa kanilang kahusayan. Kung kaya’t mahalaga na maisabuhay ng mga estudyante ang mga core values na
ito upang gabayan sila na maging mas mahusay at umunlad sa iba’t ibang larangan na may wastong
pagpapahalaga at pag-uugali sa lahat ng oras, sa loob o kahit sa labas ng paaralan.
Sa kasalukuyan, ang mga online na klase ay halos hindi na umiiral dahil ang pisikal na lektura ay
pinahihintulutan na ng gobyerno. Ang mga mag-aaral ay maaari ng direktang makipag-ugnayan sa isa’t
isa kung kaya’t mahalaga na matuto silang isabuhay ang core values upang maisulong ang mas kalugud-
lugod na pagganap, relasyon, at higit na mapataas ang kasanayan ng mga mag-aaral. Hindi maiwasan ng
mga mag-aaral na pamunuhan ang kanilang mga kapwa mag-aaral dahil sa dami ng trabahong inilatag sa
kanila, na kinabibilangan ng iba't ibang mga pampangkatang proyekto. Ilan sa mga gawaing nagpapakita
ng pangunahing prinsipyo ng pamumuno ay mga gawaing tulad ng pagsali o pagsimula ng akademiko o
panlipunang mga club tulad ng SSG at math club; pagsali sa mga sports team o iba pang aktibidad
pagkatapos ng klase; magboluntaryo at simpleng pagtapos lamang ng isang proyektong pangkatan habang
pinamumunuhan ang iba. Dagdag pa, ang mga Damean ay likas na mahuhusay, nangunguna sila sa iba't
ibang larangan tulad ng mga akademikong gawain at sa pamumuno sa iba pang mga mag-aaral; ang mga
medalya at sertipiko ay nagsisilbi lamang na patunay ng kanilang pagiging bukod-tangi.
Dagdag pa, maaari ring maipamalas sa iba’t ibang paraan ang iba pang mga pangunahing
prinsipyo partikular na ang integridad, paggalang, at katapatan. Mahalaga ang pagkakaroon ng integridad
at maipapakita ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng responsibilidad sa mga pagkakamali, pantay na
pagtrato sa lahat, pagsunod sa mga patakaran ng unibersidad, at pag-iwas sa hindi patas na mga gawain.
Sa kabilang dako, maipapakita ang pagbibigay galang sa pamamagitan ng pagrespeto at pagbati sa mga
nakakasalubong na guro o kahit sinong mas nakakatanda, sa simpleng pagpasa ng mga takdang-aralin,
pagpasok sa klase sa tamang oras, at pakikinig at pakikilahok sa mga talakayan. Ang katapatan ay isa ring
makabuluhang prinsipyo na dapat taglayin ng mga mag-aaral, ito ay maaaring maisabuhay sa
pamamagitan ng pag-amin ng kamalian, hindi pandaraya, at pagbabalik ng isang bagay na pag-aari ng
iba. Sa maikling sabi, ang mga core values ng paaralan ay maaaring ipakita sa maraming paraan at
mahalaga na sanayin ng mga mag-aaral ang kanilang sarili na gawin ito para sa kanilang sariling pag-
unlad.
Hindi nagkakahalaga ng isang sentimo upang maging mabuti at gumawa ng mabuti, kung kaya’t
piliin na maging isang magalang at tapat na mag-aaral na may integridad. Piliing maging isang mahusay
na pinuno at halimbawa sa iba at patuloy na paunlarin ang iyong mga kakayahan habang naglilingkod sa
ibang tao. Sa pamamagitan nito ay matututo ka hindi lamang kung paano maging isang mahusay na
pinuno kundi pati na rin kung paano mapangangasiwaan ang iyong oras at pinakamahusay na
pakisamahan ang mga tao. Sa gayon, ang mga core values ng Notre Dame University ay nagtatatag ng
kompetitibo, kaaya-ayang kapaligiran, at mahusay na mga mag-aaral. Kung kaya’t dapat na isaalang-
alang ng mga estudyante ang mga ito bilang tungkulin at karagdagan sa mga responsibilidad sa
akademiya, ito rin ay upang mapanatili ang kabutihan at reputasyon ng paaralan.
Samakatuwid, mahalaga na maisabuhay ng mga mag-aaral ng NDU-SHS ang core values na
pamumuno, integridad, paggalang, at katapatan; maaari nila itong maipamalas sa pamamagitan ng iba’t
ibang paraan. Ilan sa mga ito ay ang pagsali o pagsimula ng akademiko o panlipunang mga club
(leadership); pagtanggap ng responsibilidad para sa mga pagkakamali (integrity); pagbati sa mga
nakakasalubong na manggagawa (respect); at pag-amin ng mga kamalian at hindi pandaraya (honesty).
Layon ng core values na gabayan ang mga mag-aaral na maging mas mahusay, kompetitibo, at handa
para sa mundo. Pinapatunayan nito na kahit na gaano man kalaking epekto ang naidulot ng pandemya sa
mga mag-aaral ay walang makakabawas sa kahusayan na likas sa bawat Dameans.

You might also like